Showing posts with label travel. Show all posts
Showing posts with label travel. Show all posts

Tuesday, April 1, 2014

bully proof

as a catholic school, we always start our class with a prayer.
everyone is standing, eyes closed, uttering solemnly the ever memorised 'the lord's prayer.'
'good morning mam!' grade five st. jude greeted their teacher mechanically.

then suddenly shea sat flatly on the floor.

this is exactly what she wrote in her 'most embarrassing moment' space in someone else's slum book.

i moved her chair while we were praying.
and i guess my prayers were answered.

...ayun asa labas ako ng classroom buong period.

bakit ba kasi ako nag-iingles? madaling araw na raw kasi. haha. anyway isa yan sa mga pambubully na ginawa ko noong elementary bukod pa sa pangtutusok ko sa kamay noong classmate ko nung grade two ng pencil kasi, binubully niya ako. haha.

looking back, i'm not actually a big bully. i don't boss people around, or call them names (in their face. haha). but i must admit, i'm a bully now. haha.

in my life, i bullied and got bullied too. I'm sure minsan naging shea rin tayo or naging, ako, the bully. haha bullying is a big issue and it may be petty or seem juvenile pero may effect ito as we grow and mature. god i experienced that strong feeling of hatred towards my cousins who bullied me, yung time na makakasama ko sila ay naging hell sa'kin at talagang iniiwasan ko.  but noong naghighschool ako i shrugged it off and well fought back. haha pero now naisip ko isa yun sa mga dahilan kung bakit hindi rin ako masyadong close sa kanila. sayang lang dahil isa akong cool person so it's their loss. charooowt. haha.

anyway highway so i learned to adapt with this dog-eat-dog world of bullies and victims. life is a survival and since bakasyon na may time pa ang isang student to bully proof her or his self bago magpasukan. but how?

easy.

1. fight back. 

these bullies, bwisit naman talaga ang mga yan. if they know na mahina ka, kakayan kayanin ka. shet. don't let them make tapak tapak you around. fight back! they will know na hindi ka yung tipong kinakaya-kaya. if they know that, they will leave you alone. kaya naman vivid pa sa aking memory noong time na i stood up for myself against my bully cousins. the feeling is awesome! hehe.

2. laugh with them.

uhmm no martial arts moves or witty catty line? well just laugh and make fun of yourself too. remember, these bullies are insecure kaya sila nambubully at kapag kita nilang affected ka, mas ego boost sa kanila yun. so learn the art of deadma and laugh. well some name callings are funny, even na sa'yo ginamit. kung kita naman na hindi ka naman affected, matatawa na lang din sila... and who knows maging friend mo pa sila di ba?

3. befriend the bully.

speaking of friendship, well it pays to befriend the bullies. haha. it doesn't mean naman na magiging bully ka na rin. sa school hindi naman ako masyadong nabully kasi nga kaibigan ko sila! haha. sophomore year lang ako naging first section noong high school. well knows naman natin ang buhay sa lower sections. haha bully haven! lalo na noong first year ako, grabe! pugad ng bullies ang section namin! haha how i survived? ginamit ko ang aking asset, my smarts. ako ang susi sa pagpasa nila as i pass the answers around. hehe and plus points dahil cool naman ako. wahaha. so my life is a breeze.

so easy lang di ba? hihi.

kaya kung sino ka man, nagbabasa nito, lugmok at nabully...

kawawa ka naman!
bwahahaha.

***

nabully si senator angara sa twitter kasi raw dahil sa kaniya natalo si pia wurtzbach.
naalala ko tuloy yung status ko sa facebook:

Natuwa siguro at first si Pia Wurtzbach kasi ako rin matutuwa nun bilang less kaba kasi in Filipino ang tanong kaya chill at sasagot din in Filipino... But as she answers the question, her intuition kicked in... Uhm a lot are foreigner judges. Then, the bell rang. 

Tsk tsk so much for that intuition thing! And yes maiintindihan kita kung di mo iboboto si Sonny Angara sa susunod na election. Lol

***

aw. meteor garden aired again after ilang years. shet naabutan ko ito ng kaunti sa gym, ang eksena iba't-ibang pambubully kay san chai. naka-mute sa gym so laos. tapos i'm kinda sick so tinatamad akong magwork out. so di ko tinapos ang circuit ko for the day. wahaha. i expected nga pala meteor garden sa iwanttv. but no. wala siya. laos.

***

i bullied myself to blog today.
and so i did.

but i want to bully myself more to write substantial posts.
more inspired posts pa kumbaga.

i'm still looking and waiting for that inspiration...

***

maniniwala ka ba kung nabuntis ako ngayon?
sa katunayan naglilihi nga ako e.

***

last week, my workmate and i pushed ourselves to start our summer calendar in an agad-agad-lakad fashion bilang naging free ang weekend namin. so we hopped in a six hour bus ride to this wonderful town:


i learned surfing. :)
how cool is that?

Saturday, January 4, 2014

ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran para sa mga kasagutang pinagkait ng matalinghagang swimming pool

hangin.

hinipan ako ng hangin. paangat. paangat hanggang sa kaulapan, kaunti na lang masasalat ko na ang kalangitan. walang tulog akong nakatingala sa langit, isang pebrero, buwan ng pag-ibig, humihiling sa mga nagliliparang hot air balloon na bigyan ako ng irog na magmamahal sa akin.

dinala marahil sa hangin ang daing ng aking pusong nagsusumamo, nais niyang tumibok sa taong kasing ilap, kasing lamig, ng hanging hindi makita pero nadarama... parang multong hindi matahimik sa gabing walang bituin.

feb 2013. international hot air balloon festival.
ang sabi ng hangin, hindi raw sapat na siya lang ang magdala ng mensahe. maglayag sa malayong lugar, higit sampung oras ang biyahe sa bus. makikilala ko run kung sino ang dapat kausapin. 

bitbit ang kaniyang payo, sumakay ako kasama ang dalawang kaibigan patungo sa malayong probinsya ng ilocos....

march 2013. vigan, ilocos sur
sa lumang kalye pilit kong pinagtanong kung kanino ako hihingi ng payo. ang sabi nila ay wala roon si manong tubig. dapat pumunta raw ako sa pinakadulo ng mapa sa gilid ng pilipinas. doon daw, makakausap ko si manong, laging naiinis sa mga sawing mangingibig. 

ilang oras pa, pagod na pagod, nakatagpo ko rin si manong. 
maalon siya at masungit.

tubig.

march 2013. pagudpud, ilocos norte

malayo at mahirap siyang datingin pero walang pakialam si manong tubig. ihahampas pa rin niya ang kaniyang alon sa kabila ng ganda ng panahon. hingi nang hingi raw ng payo bakit hindi raw kusang kumilos. ang alat na naman ni manong. padabog niyang binigay sa akin ang payong dapat kong sundin. 

dumayo pa raw ako sa mas malayong lugar. mas malayo pa sa kaniyang kinaluluguran. doon aking makikita ang kasagutan. 

matapos noon ay hindi na siya kailanman nakipag-usap pa sa akin. 

kaya muli akong bumalik sa aking kaibigang hangin.

march 2013. bangui windmills, ilocos norte
batid mo ba ang payo ni manong? urirat niya. wala akong masagot kung hindi ang pagsimangot. bago lumubog ang araw, hinaplos haplos niya ako at lumapit sa aking tenga...

pumunta ka sa isang kahariang minsang mayaman ngunit ngayon ay bagsak. 

tag-init pa rin noon, kasama ang mga kaibigan, naglamyerda kami patungo sa malayong malayong patay na kaharian. 

ang sabi ng hangin, ibulong ko rin daw sa mga diyos na nakaukit sa bato, sa templong punong-puno ng mga imahen ng mga diyos at diyosa na hindi ko naman kilala. ngunit ako'y nanalangin pa rin.

oh mga diyos at diyosang walang pangalan, bigyan niyo po ako ng taong magpapainit ng aking mga gabi. maglalayag sa ilog ng aking isip at magsusulsi ng aming mga panaginip. 

hindi nila ako maintindihan pero dama naman nila ang aking kahilingan. 

april 2013. inside angkor wat. cambodia. 
isang tulog lang, binigay nila sa akin ang kasagutan sa aking dasal. umibig ako. nakipaglaro at nakipagharutan sa magagandang tren ng bangkok. sa aking pagpikit, nakikita ko si tong ng love of siam o si shone ng crazy little thing called love. nagsasayaw kaming dalawa sa mga templo. sa siam square. 

hanggang sa nagising na lang ako. tapos na ang lahat. 

april 2013. bangkok, thailand.
umibig ako sa lungsod, siya ang minahal ko ngayong taon. pero kinailangan ko siyang iwan. dahil sabi ng hangin, huwag masyadong makampante sa mga taong puro magandang salita ang binubulong, iiwan ka rin nila. 

pero ako kaya ang nang-iwan. 

hindi yata kami para sa isa't-isa. wala ng naitulong pa sa akin ang hangin. 

kaya muli akong lumapit sa tubig... 


kuha ni lei v. june 2013. anvaya cove, bataan.
mas kalmado siya ngayon, pero ang sabi niya: hindi ako ang kailangan mo. wag kang masyadong magmadali sa kasagutan. may mga mga sagot na kailangan mong paghirapan. 

matalinghaga pala ang swimming pool, isip ko, ngunit sinunod ko pa rin ang kaniyang gusto at nagpakahirap. umakyat sa matatarik na bundok at hinarap ang matandang lupa.


my fave photo from last year! :)
july, 2013. batad, ifugao.
sa kaniyang ganda, madali akong nahalina. tila hindi siya tumanda ngunit ang edad niya ay lagpas libo na. mayumi ang kaniyang boses, tila laging nanghaharot. malandi pa sa babaeng makati pero ang puri ay kasing dalisay nang sa dalaginding na hindi pa dinadalaw.  

madali ka niyang mapapaibig, tila isang diwatang may kapangyarihang magpatibok ng pusong bato. 

hindi ka nadalian, pinahirapan kita sa pag-akyat, kaya bilang pabuya, iyong masasaksihan ang aking ganda. pagyayabang niya. 

na-bato-balani ako. namangha na lang at hindi na siya muling inusisa pa. 

inibig ko siya pero binigo niya ang puso kong sumisinta. 

tinanggap ko ito.  gusto ko mang magdalamhati, ang mahalaga sa kabila ng aking paghihirap, nasilayan ko ang kaniyang pambihirang ganda. 

hanggang sa aking pag-iisa, siya'y nagpakita...

gusto mo bang tumibok yan? asa akin ang sandata...


october 2013, hongkong.
nag-aalab ang kaniyang init. sumasambulat ang liwanag sa gabi. siya ang apoy. sumabay sa pagbabago, siya na raw ang nagkikislapang mga ilaw sa mga gusali. 

naghahanap ka bang muli ng pag-ibig? magtitiwala pa bang muli sa mga payong magpapaasa lang sa'yo na nandiyan lang siya sa tabi? wag kang hangal. wag kang tanga.

paglaruan mo lang ako, sa panandalian, iyong mararamdaman ang aking init ng pagmamahal. 

hindi ba't iyon  naman ang payong pinakamadaling sundin?

kaya tanong sa akin ng aking kaibigan, ngayong 2013:
nagmahal ka ba o lumandi?







lumandi.


***
happy new year. happy 2014. okay naisip ko kasi infair naging gala ako sa 2013 at naging memorable ang taon dahil sa mga lugar na aking napasyalan. so sila na lang ang ibibida ko sa aking year ender. more travels to come... sana this year. lol. 

Monday, October 14, 2013

california dreamin

california dreamin' on such a winter's day...
california dreamin' on such a winter's day...
california dreamin' on such a winter's day...

nagbabadya ang ulan, kaaalis lang nung bagyo tas sinisipon pa ako. inisip ko na baka hindi pa kami matuloy. walang ulan nung miyerkules ng umaga. hindi ako natulog. dumeretso kami ng aking kaibigan para kitaan ang iba pa naming katrabaho sa airport. hinanda ko na rin ang sarili ko na baka hindi ako paliparin dahil sa akin colds. 

pupunta kaming hong kong. 

paglapag namin doon, parating si santi sa pilipinas. 

all the leaves are brown and the sky is gray.
i've been for a walk on a winter's day...

45 minutes away ang airport nila sa lungsod. sakay kami ng taxi habang papunta kami sa city. parang nasa sctex. mukhang subic. mas maunlad na subic. hanggang sa bumungad sa amin ang mga nagtatayugang gusali. 

parang emerald city (sa wizard of oz) sabi ng isa sa mga kasama ko.

parang capitol sa hunger games, sabi ko naman. 

feeling ko tuloy isa ako sa mga tributes na makikipagpatayan soon. 

habang nasa hong kong kami, binabayo na ni santi ang pilipinas.

i'd be safe and warm if i was in la.
california dreamin' on such a winter's day.




wala kaming ginawa kung hindi kumain at magshopping (pero madalas magwindow shopping). hindi ko natupad ang aking disneyland dreams. lol. howell someday. 

mauunang uuwi ang ibang kasama naming boss. so nagkaroon ng bonggang dinner. hindi namin naubos kaya pinabalot namin. naisip nila, pinagtitinginan daw kami nung ibang kumakain. iba rin daw kasi ang upbringing nating mga filipinos pagdating sa hindi pagaaksaya ng pagkain. sa ibang table kasi parang ang dami pang natira, kulang na lang ipabalot na rin namin. charot. haha 

well hindi ba't ilang beses nga rin naman tayong pinagbabantaan ng mga nanay natin na bawat butil ng kanin na nasayang ay iyon ang taon na mamamalagi tayo sa impyerno at ang classic na classic na maraming-batang-nagugutom-excuse. at isama pa ang point na hindi gaya ng hong kong, na isang mayamang lungsod, mahirap na bansa ang pilipinas. 

natapos na kami. bukas ang tv sa resto. nauna na silang lumabas. sandali akong natigilan. nakaflash si president noy sa tv screen nila.. then si erap. hindi ko maintindihan kung tungkol saan ang balita. pakiramdam ko may kaugnayan sa manila hostage crisis nung 2010. 

...malakas ang bagyong santi, ginimbal niya ang mga naiwan sa pilipinas. 

stopped in to a church, i passed along the way.
well i got down on my knees and i pretend to pray.
you know the preacher liked the cold.
he knows i'm gonna stay. 
california dreamin' on such a winter's day.

gentle naman siyang humalik. 

"where you from?"

"philippines." 

"i don't kiss in the mouth." sabi niya in his chinese accent.

you know the preacher liked the cold.
he knows i'm gonna stay. 
california dreamin' on such a winter's day.




25 minutes away lang ang lamma island sa hong kong island. mas rural at relaxing ang vibe. chill chill ganyan. kaso sumama lalo ang pakiramdam ko. hindi tuloy ako nakasama sa beach. sabi naman nung friend ko, syempre mas maganda pa rin daw beaches sa'tin.  so naisip ko wala rin akong namiss. 

okay lang. relaxing. maraming foreigners na doon nagstestay. may filipino store pa, "tindahan sa lamma" ang pangalan. nagtatagalog ang chinese looking kids. palagay ko anak ng filipina at hong konger. naisip ko, ano kaya ang naging epekto nung hostage crisis sa mga anak nila? hindi ba grabe ang naging backlash nun sa mga pinoys dun? howell.

maaraw nga pala nun sa lamma. pero nabalitaan ko na grabe ang pinsala nito sa nueva ecija. dun ako nag-aral ng elem hanggang high school. 

all the leaves are brown and the sky is gray.

pag-uwi namin, wala na si santi. umaambon lang.

pero nabingi ang kaliwang tenga ko dahil sa pressure. airplane ear daw tawag dito.

hindi ko na iniisip ang hong kong. 


california dreamin' on such a winter's day...
california dreamin' on such a winter's day...
california dreamin' on such a winter's day...







post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...