Showing posts with label kritik-ko. Show all posts
Showing posts with label kritik-ko. Show all posts

Wednesday, September 23, 2015

the biggest loser

"are you ready?"

her mom, a showbiz royalty, asked her.
she's looking regal in her simple white long sleeves.
she just nods, they exchanged nervous smiles.

alam niya pagharap niya sa libo libong taga-suporta magbabago na ang buhay niya.
she's hopeful, kinda optimistic about this country.

her heart beats, fast like the beads of the falling rain that flooded the metro,  sending chaos and traffic in the big city. paralyzing the urban jungle, her future problem. she knows in her heart that she can -- she will win this.

sabi niya susundan lang daw niya ang ginawa ng ama. ang kaniyang amang action star. ang kaniyang amang tumatambling, a swashbuckling leading man of many movies shooting goons with thick black mustaches.

maybe she wants to be an actress.
the country is her big cinema -- us, her audience, yapping and clapping as she acts, dances and sings.
but we see those thin strings.

in her arms, in her feet, even sa kaniyang eyelids -- one yank, her eyes seem amazed. may string din sa gilid ng bibig, bawat buka ng bunganga may humihila ng maninipis na sinulid, ngingiti, tatawa, lulungkot. mahahaba, maninipis na puting sinulid, sa bawat daliri ng kamay, ng paa, sa tiyan, animo'y pati ang mga hibla ng buhok, may putong sinulid.

susundan natin, susundan natin, susundan natin, hawak ng isang lalaki -- matagal na niyang pangarap ito pero alam niyang hindi siya mananalo.

kaya pumayag din si babae magpakabit ng sinulid. sa lahat ng bahagi ng kaniyang katawan.
hindi natin alam kung sa bawat kumpas ng kamay ni lalaki ay susunod siya.

susundan daw ang yapak ng ama.
she has to win.
you have to win.
sabi pa ng lalaki.

***

"hindi ka na mananalo pa." sabi ng manghuhula sa kaniya.
madilim, hindi natin makita ang kaniyang kausap.
"tang ina. hindi totoo ang sinabi mo. gusto mong matulog sa labas ng condo mo sa makati?"

...

"bumaba ka sa survey kasi." 

"tang inang survey. tang inang mga estudyante. tang inang mga pilipino. kapag nanalo ako makikita nila."

"sabi ng baraha wala ka nang pag-asa..."

"tang ina ang mga baraha mo. kaya kong manalo, makikita mo."

...

"nilabas na nila ang ad ko. maaawa sila sa'kin. madali namang bilugin ang kanilang ulo."

"pero wag kang umasa kaibigan --"

isang malutong na sampal ang aalingawngaw sa gabi.

"sasabihin mo bang mananalo ako o pasasabugin ko ang ulo mo?"

...

"sagot!"

"mananalo kayo...."

"magunaw man ang mundo, mananalo ako."

sa kadiliman ng gabi, lumabas siya sa bahay ng manghuhula.
tila kakambal siya ng anino, pero maaninag natin ang kaniyang mga mata -- puno ng pangamba at takot.

mananalo pa ba siya?
kasing dilim ng kaniyang puso ang gabi.

***

puno ang agam agam ang mukha ng lalaki habang sinusuot ang kaniyang dilaw na polo shirt.

"ikaw naman ang ieenderso niya, don't you worry."

"alam ko." sagot niya.

"so quit worrying." she said, in her usual bossy tone, as if she's in her office again. "yellow suits you."

he smiles faintly. "bayad utang yun."

"right. dapat lang. for your sacrifice six years ago." she said sternly. siya ang namili ng isusuot ng kaniyang asawa, she combs his hair lovingly.

makikita na ang puti nitong buhok, siguro dahil sa samu't-saring kunsumisyon.

"pano pag di ako manalo?" may pag-aalinlangan sa boses niya.

"yes you will. do you think that ambitious woman will take the cake? after that fiasco with that cult? i dont think so." 

"still may chance."

"im sure makakahabol ka after ka niyang i-proclaim. his reputation will rub on you."

"you think?"

she nods. kumbinsido sa asawa.

"what if i fail?"

"wag mo kasing isiping matatalo ka."

"hindi naman ako natatakot matalo. natatakot ako na madisappoint siya sa'kin."

...

"after all these years... sana manalo ako. that way he might love me back."

matatahimik lang si misis. lahat ng pagpapakitang tao niya, para sa ibang tao, alam niya yun sa kasal pa lang. para sa pangulo. kaya pumapalpak kasi sa takot na madisappoint ang presidente. pero sa lahat ng kapalpakang yun, hindi siya pinagalitan dahil lang sa sakripisyo niyang ginawa anim na taon ang nakararaan.

makuha man niya ang kaniyang enderso, pero hindi ang kaniyang pagmamahal.

***

bakit sa lahat nang ito, tayo ang talo?










napanood mo na ba ang heneral luna?
hindi ba? ay ano ba yan. baka makatulong itong link para manood ka.





Wednesday, September 12, 2012

buhayin mo ang patay

oh no. this is not a film review (well sige, medyo review na siguro. may quiz kasi after. chos). hindi rin ako sasali sa rant at debate kung patay na nga ba ang pelikulang pilipino or naghihingalo pa lang. at kung patay man (na sa tingin ko hindi pa), huwag lang sanang kumuda nang kumuda. hindi mabubuhay ng pagtalak at sa pagrereklamong patay na ang pelikulang pilipino ang industriya. ang dapat po nating gawin ay manood ng sine. baka naman best in reklamo ka na kesyo patay na ang sineng lokal pero hindi ka naman pala nanonood sa tuwing may filipino film na palabas. diyos ko po inay. nakakahaggard lang. 

isa lang itong pagsasalaysay ng aking paglalakbay ngayong nakaraang linggo matapos kong mapanood ang mga magagandang pelikula na ito. 


mula sa unitel films
napaawit at nakiliti ang puso ko sa musical na i do bidoo bidoo ni chris martinez. opm plus filipino film in one. paglabas sa sinehan, paniguradong nakaplaster na ang ngiti sa iyong labi. yeah yeah, ilang kuwento na nga ba ang narinig natin patungkol sa biglaang pagpapakasal? pero iba ang paglalahad dito, may kasamang kantahan at sayawan. ang puso ng kuwento ay tumitibok sa mga nota ng kanta ng apo, inaawit, hinaharana ang manonood. paglabas mo, siguradong napasagot ka na ng pelikula.

pero hindi lahat sinusuwerteng mahanap ang kabiyak nila na sasamahan sila sa hirap at ginhawa...

from cinemalaya.org
ang kuwento ng bwakaw ni jun robles lana ay tungkol sa takot natin sa pagtanda't pag-iisa. sino nga ba ang gustong tumandang mag-isa? actually, sinet ko na ang sarili ko na tatanda na akong mag-isa. mukhang nega at pessimistic pero sa totoo lang, ang tawag ko diyan ay katotohanan. kung maaga palang kaya na nating tanggapin ang katotohanan ng mga bagay bagay dadali ang buhay natin. hindi tayo madidisappoint at hindi tayo madidishearten sa ilusyong ginawa natin. well of course, deep inside, ayoko naman talagang tumandang mag-isa pero well pakialam ng tadhana sa kung anong gusto nating mangyari di ba? haha. pero yeah, somehow umaasa ako... hindi ako tatandang mag-isa. mag-aalaga ako ng aso. ng maraming aso. 

e kung may kasama ka, kinidnap ka naman? (okay ang chaka ng transition. nyahaha)


from center stage productions
ang latest film ni brillante mendoza na captive is based sa dos palmas kidnappings noong 2001. ang mga nangyari noon ay kuwentong mula sa media pero sa pelikulang ito, sinubukang ipakita ang mga kaganapan at binigyan ang manonood na maging saksi sa mga dinanas ng nakidnap. sinubukan ng pelikula na ilahad ang nangyari in a neutral way, yung wala kang kakampihan sa dulo pero wala ka nga ba talagang kakampihan sa huli? gaya ng mga nakidnap, ang audience rin ay magtitiwala ba sa mga nakikita nila. masama nga ba ang mga abu sayyaf? terorista nga ba sila o bayani ng kanilang homeland?  biktima nga ba ang mga bihag ng kanilang kidnappers o biktima ng inutil na sistema? ikaw ang huhusga. 

ako ang stand ko, wala talagang puwang ang dahas, hindi masasagot ng violence ang problema. giyera nga ba ang solusyon para matapos ang lahat? hindi. mas lalo lang iigting at aalab ang galit. mas lalo lang lalala ang sitwasyon. 

natuwa naman ako na napanood ko ang mga nasabing pelikula. patunay lamang na nandiyan pa ang pelikulang pilipino. sana gawin natin ang ating papel bilang manonood, hindi lang puro reklamo at hindi puro pintas sa sariling atin. sana  mapanood natin ang mga gawang pilipino at tsaka rin matutong kumilatis. sabi nga raw ni jose javier reyes nung may nagtanong sa kaniya kung nasan na ang magagandang pelikulang pilipino, tanong din ang sagot nito, nasaan ka ba noong palabas ang magandang pelikulang pilipino? 

Wednesday, November 30, 2011

current affairs

currently laughing at: (parang may mali sa grammar nito... haha)

 premiere night hoolaboo.

isang araw nanalo si sis lei ng premiere night tickets para sa pelikulang immortals. 
syempre bumida ako para sumama at mabuti naman at free ako kagabi.
so kasama sina lei, aldrin at kokoi, rumampa kami sa gateway para sa nasabing film.
so gaya ng usual movie premiere night, bago ipalabas ang pelikula may mga pakulo muna ang mga sponsors at kasama na rito ang isang game.
sa game na yun nangyari ang pasabog…. 
may tanong ang mga host at kapag nanalo ka  may premyo kang executive optical na eyeglasses. syempre sinong may ayaw ng shades di ba? gaya na lamang ng bida nating si ate…
host: magbigay ng isa sa mga cast ng immortals!!!!
takbo si ate, hello alam niya ang sagot at she is sooo confident….
ate: ANGEL LOCSIN!!!!!!!!!!!!
BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOG.
bwahahahahhahahahahhaa shet sorry seryoso si ate.
well ansama ko. pero anong magagawa ko bumenta sakin. haha
sobrang funny. binuo nito ang araw ko.
nakakaloka. 
entertaining naman ang film.


inabangan ko lang si angel locsin kaso hindi naman siya lumitaw! 
argh. 
currently reading:
have you ever found god in church? i never did. i just found a bunch of folks hoping for him to show. any god i ever felt in church i brought in with me.
celie, the color purple by alice walker

the color purple by alice walker.
well if you want soap opera-ish plots, women empowerment, lesbo action and black people plus history, you will love this book. nahook naman ako infairness.
shucks ang nakasunod ko pang babasahin ang amapola sa 65 kabanata ni sir ricky, hunger games series tas battle royale. tapos pinangako ko rin na sisimulan ko na ring basahin yung mga nakatambak kong libro na matagal ko ng binili. ugh. 
currently busy because of:
as ususal writing work.
grabe. :p
current addiction:
  • milk tea.
  • revenge series.
  • boys. chos. 
  • kenneth cole reaction perfume.
current wish:
  • love life.
  • external hard drive.
  • new bag.
  • new wardrobe.
  • tattoo. 
namiss ko yung mga posts ko dati. ewan ko parang mas entertaining at mas may laman posts ko dati pag binabasa ko. haha well feeling ko lang ha... baka jaded na ako or baka naman nawalan lang ako ng inspiration or baka ayaw magsulat. haha kasi naman trabaho mo nagsusulat ka na tapos sa free time mo magsusulat ka pa rin? well i love writing so much no? lol. 

well siguro nga wala lang akong inspiration. 

siguro i'll blog again.






...yung gaya nung dati. 

Thursday, September 1, 2011

eh di kay remington na ang korona!



after 48 years of mala-prusisyong pagwe-waitsung, sa wakashi, may i now showing na ang zombadings 1: patayin sa shokot si remington mae sa mga sinehan buong high tide at low tide philippine islands.  in fairness, sulit nomon ang pagwewaiting in vain sa jolikulang itey na two yearsh daw in d meyking.

at aminin, im sure pedicure more more beckies ang nagtaas ang kilay mae nang makita ang bidabel ng jolikula. like martin escudero who?! well unlike you mga queen city of the south knowsung ko naman siya ng eklayt dahil sa jumoin forces siya sa starstruck na isang talent show sa kapuso network pero like most of you people of the philippines,wit aketch nagexpectorant sa bagets na itey pagdating sa aktingan.

but no, isinampal ni bebe martin escudero sa akin ang kaniyang naghuhumindig na comedic timing at tunay namang hindi kaaward-award ang kaniyang pangfamas na portrayal sa isang transforming becky! ang toroy mga manash! taas noo kahit kanino ang akting ni gaga! aba napaniwala niya akechiwa na isa siyang becky aguila! eh si siya na. at grabe calling award giving bodies please lang mga ateng, pansinin niyo siya at tunay na deserving si martin sa best actor este best actress award niyey!

well well wishing well bukod sa pag-angkin ni bebe mart sa role niya syempre hindi rin nagpaiwan ang ibang mga cast and characters haney... ibigay na natin ang mga runner up sash kina odette khan (bilang mayorang di mo mawari kung tibo o hobby lang magpolo), janice de belen (bilang si mudang pulis ni remington), john regala (bilang father dearest), roderick paulate (hulaan mo!), eugene domingo (bilang mudang ni hannah) with lauren young (bilang via. chos. si hannah day kalove team ni remington) and kerbie zamora (ang masarap na bespren ni remington). palakpakan mga dukha at mga maralita!

oh sobra-sobra naman ang palakpak mo ateng para lang clapper sa byucon acheng! anyway highway ang zombading ay hindi pangkaraniwang pelikula na dinirehe ni jade castro at sinulat nomon  nina michiko yamamoto, raymond lee at jade castro (e di sila na talented). hindi itechiwa pangkaraniwan dahil isa itong genre-bending jolikula na isang zombie-slash-horror-slash-comedy-slash-sci fi na tumatalakay sa isang sumpang naikorona sa isang jugestung na may i tawag lahat ng becky, badaf at  jokla ng walang kapararakan. at ang jugets na itey ay walang iba kundi si remington! aba'y natural, siya ang bida mae sa jolikula hanufi? so ayun mega-transform siya ala butterfly na from hunkie to becky at di kineri ang sumpa ng fairy gay mother na sumumpa sa kaniya! pero mas matindi at kashokot shokot na mga ganap pala ang ife-face to face nitong si remington! kasi may serial killer na best on gala pa sa kanilang sleepy lucban town na tinetegi ang lahat ng mga becky! oh shet remington beybeh paano na ang byuti mo? and the madness doesn't stop dahling dahil you are now falling in love with your bestfriend na boylet ala jolina magdangal?! oh shet na malagkit, remington paano ka eescape sa ganitong mess?

ay day sobra sobra naman kung best in chika pa ako sa kwento haney? basta ang mga kabog na eksena for me ay iyong sa hagdan habang lashing itey bespren at chumichika sila ni remington at ang moment ni john regala sa bandang dulo mae ng jolikula.

wit ko ring kineri ang chika na anti-gay movie raw itong zombadings. ang say ko naman: WHAAAAT?! gibsung na gibsung na kasi ang gay empowerment sa jolikula mga inday ewan ko ba at namiss nila itey. bwiset. pero sa totoo lang mas gender empowerment nga mga madam bilang binago ng jolikula ang mga role na ginagampanan ng mga babae at lalaki sa kuwento. basta may quiz at essay pagkatapos mapanood ang jolikula at ipaliwanag in byuti pageant answer ang sagot kung bakit malakas ang gender empowerment sa jolikula! ipapasa ang pink long pad na nakalakip sa mabangong stationary. cheka.

basta di lang tawachi at ngitibels ang magigibsung ng jolikula hinahayaan din nitey tayong mag-jisip ng mga bagay-bagay patungkol mae sa ating lipunanchi boom boom at sa pagfind-sung sa ating self-identity. i thank you.

again, remington, sayong-sayo na talaga ang korona!



ay day ikaw na langchina ang di pa nakakawatch! gora na day sa sinechiwa! 



Tuesday, September 30, 2008

sa ayaw at sa gusto ni father

isa akong roman catholic, naniniwala sa diyos, nagpapasko at ilang beses nang naloko ng simbahan.

ang tapang at ang strong siguro ng statement ko nang masabi kong ilang beses nang naloko ng simbahan. eh mantakin mong sabihin niyang salot at kasalanan ang pagiging bading eh. ilang tao na ang naloko sa ganoong statement? meron tuloy akong paniniwala na kaya siguro hindi umusad-usad ang pilipinas eh dahil na rin sa masyadong pangingialam ng simbahan! nasan na ang separation of church and state? naiinis ako kapag masyado nilang sinasara ang kanilang pag-iisip.

kagabi nanood ako ng i-witness na paborito kong programa, ang dokyu ni howie severino ay entitled "papa, papa paano ako ginawa?" na tinatalakay ang pagmumulat sa kabataan ngayon ukol sa sekswalidad, pagtatalik at mga sakit na maaaring makuha rito. bida rito ang only boy ni howie na sinama niya sa isang school na malayang naipapahayag ang mga bagay na hindi tinatalakay sa normal na paaralan. doon maaaring magtanong ang mga bata tungkol sa sex, private part at malayang masabi ang puki o titi ng hindi makakaranas ng latay o sermon. sinama rin niya ang kaniyang anak sa isang seminar tungkol sa sex education sa isang slum area sa malabon na para sa mga kabataan.

syempre pa natalakay ang house bill 5043: the reproductive health bill na biktima na naman ng pagkamakitid ng simbahan. ayaw kasing harapin ng simbahan ang katotohanan na ang mga kabataan ngayon ay hindi na wholesome! mas maeenganyo lang daw makipagsex ang mga bata kapag pinagaralan ito. siguro depende sa pagtuturo nito pero kung maayos naman at kung sa simula palang ay naipaliwanag ito ng mabuti, i don't think mauuwi sa iniisip ng simbahan ang mga bagay-bagay. sino ang malisyoso ngayon? sila agad ang nagiisip ng mga ganoong bagay? grrrr hindi ba nila alam na root of evil din ang ignorance?

ano ba ang gusto nilang mangyari sa mga mahihirap? humayo at magpakarami hanggang sa hindi na nila mabuhay ang mga anak nila. anong mas gusto nilang mangyari isang lalaki na nagcocondom para makapagplanning o isang lalaki na anak ng anak at dahil hindi na mabuhay ang isang dosenang bata ay magnanakaw na lang? sana buksan naman nila ang kanilang mga isip sa bagay na ito. mas gugustuhin ng panginoon na malulusog at namumuhay ng maayos ang mga anak niya. oras na para umusad na tayo, hindi na dapat tayo nagpapatali sa mga tradisyon. oras na para sa gobyerno na huwag matakot sa simbahan kung alam nilang makakabuti ang layunin nila sa nakararami. huwag matakot na hindi sila mangomuniyon, dahil kung alam naman ng diyos na mahal at nananalig ka sa kaniya, walang dapat ipangamba.

suportahan ang house bill 5o43 para sa mas matatalinong pilipino. hindi po natin kakayanin ang maraming maraming pinoy, dadami lang ang squatter at mga batang mangmang. mas mahirap na buhay, mas mapapakapit sa patalim. mas desperado, mas mabubulag sa kasamaan.

go kids magsuot ng condom!


Wednesday, February 20, 2008

layang kulong: sa loob at labas ng selda

minsan akala mo malaya ka na pero nakakulong ka pa pala sa mga nakaraang pilit mong tinatakasan at mga ala-alang tinatakbuhan. siguro minsan mas pipiliin mo na lang manatili sa isang selda kaysa harapin ang magaspang na reyalidad ng buhay. ito ang pelikula nina paolo villaluna at ellen ramos, isang kuwento ng pag-ibig at trahedya... selda.

ang selda ay tungkol sa...

nagkabuhol-buhol ang buhay nina rommel (ang hot na bida na ginampanan ni sid lucero), ang kaniyang asawang si sita (ara mina) at ang presong si esteban (hot daddy emilio garcia) nang mapiit si rommel sa kulungan dahil sa isang aksidente. pinagbayaran ni rommel ang kasalanang hindi naman sinasadya. hinabol lang naman niya ang batang nag-agaw ng bag ni sita ngunit sa kasamaang palad nabundol ang bata habang hinahabol niya ito at namatay. sa rizal provincial jail niya nakilala si esteban, ang mayor ng kanilang selda, kasama pa ang iba pang makukulay na karakter na sina warden (micheal de mesa), ang malibog na si boy(palakpakan to allan paule), mahilig sa batang lalaki na si mang jon(soliman cruz) at iba pa. pinilit niyang mamuhay sa magulong mundo ng kulungan sa kabila ng babuyan, patayan, kasinungalingan, pagmamalupit, pakikisama at pakikibagay. unti-unti siyang napalapit sa mabuting mayor na si esteban. si esteban ay matagal ng nakakulong doon at may isang anak na lalaki na namatay sa aksidente. sa magulong mundo ng kulungan nakatakpo ng kaibigan si rommel at sandigan.

lalaya na si rommel sa wakas at utang niya ang lahat kay esteban matapos siyang pagtakpan nito sa isang malagim na patayan. muli niyang nakapiling ang asawang si sita at lumagay sa tahimik at payak na pamumuhay bilang isang magsasaka(kung kagaya niya ang lahat ng magsasaka sana naging palay na lang ako.chos) sa probinsiya at nagkaroon pa ng anak na babae. lumipas ang taon ay nakalaya na rin si esteban kaya naman matapos siyang lumaya ay hinanap niya kung nasaan si rommel. nang marating nito ang kinaroroonan ni rommel magsisimula na ang tunay na kuwento ng pag-ibig, pagdiskubre sa sarili at mga kasinungalingan.

sita at rommel

dapat bang ikulong na lang sa selda ang pelikula o palayain? hmmm...

nagustuhan ko ang pelikula. ito kasi yung mga tipo kong storyline eh, masaklap, dark, tragic ngunit may puso. marami pang kapuri-puri sa pelikula, magsimula tayo sa core nito, ang istorya. talaga namang maganda ang kuwento ng selda. naitahi niya ang mga elemento ng kuwento ng mabuti at wastong naibagsak ang mga twists and turns nito. nadebelop ang mga tauhan at naipakilala ng maigi. makikisimpatiya ka talaga sa mga ito. hindi predictable ang mga pangyayari at talagang magugulat ka sa mga susunod na magaganap. panalo rin ang mga linya dahil may mga tumatatak gaya na lamang ng binigkas ni boy (allan paule) "lalaki ka, lalaki ako nagkatikiman tayo anong masama roon?" at ng kay mang jon,"akala mo sa labas ang tunay na buhay? dito sa loob ng kulungan ang tunay na buhay..." basta panalong panalo ang screenplay!
dapat ding palakpakan ang cinematography dahil talagang maganda ang look-and-feel ng pelikula, bawat eksena ay tila isang obra. dinagdagan pa ito ng galing ng mga nagsipaganap! mapabida man o mga supporting lang talagang nagpagalingan sa sining ng pagarte. ang pinakapaborito kong eksena ay yung mga patapos na mga pangyayari, doon mo talaga masisilayan ang galing nina emilio garcia, sid lucero at ara mina! sobrang galing at kapanipaniwala ang kanilang pinamalas na pagarte. sa guwapo ni sid lucero nagmukha talaga siyang magsasaka, alam mong magsasaka siya at maniniwala ka na nagtatanim talaga siya ng palay. bawat damdamin ay naipakita ng tatlo ng mabuti at bawat linya ay nasabi ng may buong emosyon. hindi na ako magugulat kung may manalo sa kanila sa mga darating na acting awards. syempre hindi rin naman pahuhuli ang mga supporting characters. sino ba ang kukuwestiyon sa galing nina micheal de mesa, allan paule, ping medina at soliman cruz hindi ba? subok na subok na sila sa mga aktingan. proud din ako dahil alumnus ng theater org namin ang isang umarte sa film na si kuya bombi plata. hehe gumanap siyang preso na kabarkada ni boy syempre magaling din si kuya bombi hindi siya nagpahuli sa mga batikang artista.
mapag-iisip ka talaga ng pelikulang ito. hindi basta basta dahil dapat mataas ang iq para masundan ang mga kaganapan. dinugo nga ang ilong ko eh haha. iba talaga ang takbo ng kuwento at nilalaman nito. nakakaaliw sa ganda. hehe

dahil walang perpektong bagay sa mundo ang naging problema lang siguro ng film sa akin ay masyado siyang mahaba na pwedeng mas maikli naman. yun lang. haha. pero sa lahat lahat, karapatdapat lumaya ang selda sa apat na sulok na piitan at dapat mapanood pa ng mas nakararaming tao!


ang mga may pakana ng lahat: ellen ramos at paulo villaluna

oh hindi ba? sila ang may pakana ng magandang pelikulang selda kaya dapat sila'y salubungin ng isang masigabong palakpakan! nagpamalas ng kagalingan sa pagdidirehe sina ellen ramos at paulo villaluna, dapat silang parangalan! hehe

photo credits:
poster
rommel at sita
directors

Wednesday, January 23, 2008

wala ka ng magagawa

"don't cry over spilled milk."

"tama na wala ka ng magagawa."

bakit nga ba tayo naiinis, nagagalit, naiirita o naiiyak sa mga bagay na wala na tayong magagawa? laging advice iyan di ba? "don't fret, wala ka ng magagawa... patay na siya...", "palagpasin mo na! wala ka namang magagawa."

siguro that's the point. wala ka ng magagawa. umiiyak ka kasi wala ka ng magagawa. nagagalit ka kasi wala ka ng magagawa. naiirita ka kasi wala ka ng magagawa. basta wala ka ng magagawa! kaya ka naiinis kasi nga alam mong wala ka ng magagawa. kaya ka nalulungkot o naiiyak kasi nga wala ka ng magagawa. isipin mo na lang, kung may magagawa ka iiyak ka ba? o malulungkot ka? syempre hindi kasi kaya mo pang baguhin ang isang bagay. may hope pa kumbaga. kung alam mong may chance pang baguhin ang isang bagay, hindi ka naman magmumukmok di ba? weird naman kasi iyong advice na "girl huwag kang umiyak may magagawa ka pa naman eh.", "ate patay na siya't huwag malungkot may magagawa ka pa." kasi kung alam mong may magagawa pa, gagawin mo ang lahat ng paraang iyon para hindi humantong sa wala ng magagawa.

kaya minsan hindi ko rin gustong masabi sa akin na "wala na akong magagawa kaya huwag na akong malungkot or mainis" sa tingin ko naman kasi yun yung reason kung bakit ako nakakaramdam o tayo nakakaramdam ng ganoon.

pero its a matter of perspective pa rin. syempre kung alam mong wala ka ng magagawa siguro dapat magkibit balikat na lang. bakit sasayangin ang mga luha na papatak sa bagay na huli na ang lahat? o bakit hahayaang lumabas ang mga mura sa bibig na baka pagsisihan din naman? well kung ganoon man... wala na kasi tayong magagawa.

***

minsan sa pag-ibig wala na ba tayong magagawa kung hindi pa rin ito dumating? ang aking special january 21 post, ang mukha ng relasyon sa hindi pa nagkakarelasyon, for tiya kiks and chang mandaya.

***

hetong si roxxxanne wala na rin siyang nagawa ng mapagpyestahan siya. at girls patok ang pelikulang ito! panoorin. at ang mas nakakatuwa, nabanggit ang aking blog sa all-new roxxxanne trailer! exciting hindi ba? kaya huwag ng pahuhuli.... punta na sa robinsons galleria indie sine sa february 2 para masilip ang lihim ni roxxxanne!

heto nga pala ang trailer na kung saan nabanggit ang aking blogspot. hehe


Thursday, October 11, 2007

si roxxxanne at ang drama sa likod ng sex scandal

ang opening ng sem break ko kagabi ay isang big bang! as in. whatanexperience. tumulong kasi ang aming organisasyong artistang artlets para maging usher ng film ni direk jun lana na roxxxanne alumnus kasi si direk ng aming beloved organization kaya ayun. syempre masaya kami na tumulong di ba? racket ito eh.. may free food na, may tf pa may libreng film pa na gusto talaga naming panoorin ng mga friends ko. eh di naabot namin ang aming pangarap. aside from the fact na masaya ang gabi dahil brushing elbows with the industry na kabibilangan naming mga com arts students soon(naks. haha) ay maganda ang film. hello hello jay aquitania pa. ahihi. syempre nagpapic ako to death. hehe. anyway pag-usapan natin ang film na roxxxanne. dapat ba itong panoorin o isantabi na lang? dapat ba itong papurihan o pagtabuyan sa sinehan? so heto na ang aking kauna-unahang movie review sa blogspot! presenting...

babala mga ate may spoiler!


roxxxanne: ang drama sa likod ng mga sex scandal


tickets ng roxxxanne na kinuha ko sa site ni jun lana

sino si ate roxxxanne?
(si marrrlon na lang pag-usapan natin.)

hindi po si roxanne ang bida. dahil ang bida ay si marrrlon na ginanapan naman ng batang guwapo na si jay aquitania na nagaaral sa unibersidad ng santo tomas. si ms. elizabeth oropesa, ang kaniyang ina, ay may paupahang bahay na inupahan naman ni sheree aka roxanne. doon na magsisimula ang kuwento ng pumasok si roxanne sa komunidad na iyon.

si marlon ay mahilig mangolekta ng sex videos na pinapakita naman sa kaniyang friend na si jonnnas,(na si janvier daily ang gumanap) pariwarang bata na isang pedicab driver. dahil hobby nga ni marlon na ipakita ang mga sex vid kay jonas para magpasikat, gumagawa siya ng paraan para makakuha ng mga latest na vids. kaya bilang isang magaling at makadiyos na tomasino, nakaisip siya ng magandang paraan... nagpapablowjob siya sa bading na parlorista na si mel martinez kapalit ng mga latest sex vids. pero hindi kuntento si jonas sa nakuha niya. kapag daw nakuha ni marlon ang sex video ni diana zubiri, may libre na siyang sakay sa kaniyang pedicab ng 1 taon.

nachallenge ang ating bida kaya humingi siya ng tulong kay parloristang mel. eh nandoon ang friend na bading ni mel na isang press. jockpot si bading pero si marlon hindi dahil matapos ang hadahan hindi naman naibigay ni press bading ang diana scandal. so kaysa nga naman madisappoint si bagets, binigyan niya ito ng sex video ng isang unknown girl. sabi pa ni press bading, "basta pag sinabi mong siya iyan maniniwala na ang mga tao.." (chos. hindi iyon ang eksaktong dialogue. basta yun na yung point.hehe.) so ayun.

so enter na sa eksena ang best cameo role na si ms. hanni miller as marrry graccce na mahalaga ang karakter sa istorya. nalove at first sight kasi siya kay marlon ng makita ito sa housewarming ni roxanne dahil kamukha nito ang ex niya. kaya kinulit niya ng text si bagets. then ayun nakipagmeet din sa wakas si marlon kay mary grace at nagsex sila. eh after nung sex nakalikot ni mary grace ang fone ni marlon at ang nakita niya ay.... masyado akong natuwa sa pagkukuwento ng film hano? manood ka na lang. so magmove on na tayo sa review proper. hehe.

revvview!!!

nabasa niyo naman na ang plot na putol. haha. basta sa pinutol ko doon na nagsisimula ang mga umaatikabong eksena. ang pelikula ay maganda para sa akin. maganda ang plot nito at pasabog ang ending. iyon kasi ang mga tipo kong ending. pasweet man ako pero i like it bloody and tragic. hehe. wala namang bago sa narrative ng movie dahil traditional naman ang paglalahad nito ng kuwento na beginning-middle-end pero walang kaso run dahil naintindihan naman ng mabuti ang istorya. interesting ang premise na umiikot sa sex video. crucial ang role ni sheree na si roxanne pero hindi nga siya ang bida ng pelikula dahil si marlon nga.

maganda ang editing dahil may mga scenes na nagsplisplit ang screen o may nagpopop up na mga eksena na nageenhance lalo ng flow sa narrative at sa feel ng film. something new kumbaga. pero may mga transition na hindi maganda dahil parang yung ibang transition effects ay makikita lang sa dokyu ng isang college student. ayos din ang look-and-feel. pasok na pasok ang location sa kuwento at parang nagbleblend ang surroundings sa lahat-lahat, meaning dinitalye. may ensemble kumbaga. ang scoring ang cute din.

maganda ang pinakita ni jay aquitania bilang isang baguhan. papasa na siya para sa isang confused boy role. kaso hobby niyang pumiyok-piyok habang nagdedeliver ng lines. memorable sa akin ang ending ng pelikula para sa akin. at doon niya binigay ang lahat-lahat at magaling siya roon. si janvier daily okey din ang acting. hindi superb pero hindi naman chaka. si sheree naman bagay sa kaniya ang role na mysterious and all pero sobrang hinhin niya minsan sa pagsasalita parang hindi na bagay sa eksena. unless ganun talaga ang role niya. kulang pa pero okey naman. commendable naman ang cameo role ni hanni milller bilang mary grace. maiksi man ang labas, maaalala mo pa rin si ate. kaya kudos to her. ang ending! talaga namang panalo! paglabas mo ng sinehan ay damang-dama mo ang awa kay roxanne. mababaliw ka sa mga pangyayari sa huli na talagang mapapatayo ka sa upuan mo dahil mismong ikaw ay nininerbiyos sa magaganap. magaling magaling magaling talaga ang mga huling eksena. nadevelop ang mga character at ang kuwento. iyon na ang sukdulan ng lahat!

all in all enjoy ang movie. maganda para sa akin. paakyat talaga ang aksiyon at okey na gay film. pero kung ikaw ay isang tao ang hinahanap ay more more sex sa pelikulang may pagka gay ang genre, you will be disappointed kasi walang masyadong sex sa movie. teasing lang lagi. but for art sake? papatok sa iyo ang roxxxanne. hindi masasayang ang panonood mo.
***
ansaya ng sem break opening ko no? as in! nobela na pala itong post ko eh! hehe. anyway maiba tayo, bigyan natin ng dangal ang pilipinas! suportahan natin si marcos antonio torres para maging torch bearer sa olympics sa beijing sa 2008. naku malaking karangalan ito! ako bumoto na, dali ikaw din.. punta ka lang dito. then cast your vote para sa ating karangalan!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...