Showing posts with label martial law. Show all posts
Showing posts with label martial law. Show all posts

Wednesday, November 9, 2016

wag ibaon sa limot

nagbabalik para sa pasabog na araw.  reposting from my other blog.
Bakit mahirap magmove on beshies? 
Ang daming kuwento ng Martial Law pero deadma lang tayo mga besh. Sa bagay, numbers lang naman ang mga ito. Statistics. Hindi sila tao. Part lang sila ng past, isang past na hindi tayo apektado. Kapag nag-iba ba ang mukha ng kalaban at ang hero ay ang gusto nating bida, mas maiintindihan ba natin ang lahat? 
Bilang hindi tayo natitinag ng facts baka mas maintindihan natin through fiction mga ka-DDS! (though hindi ko naman nilalahat ang mga ka-DDS ay Marcos Loyalist, this is just to illustrate the point… since parang “universal” naman ngayon sa Pinas na tinitingala si PDigong so bakit di siya ang maging mukha ng “bida.”)
Ang mga tauhan sa kwento ay fiction lang so chill lang. 
Kaya beshie this is it. Wattpad presents…
Wag Ilibing sa Limot.
Kabog. Ang dramatic ng ating kwento di ba? Pangprimetime bida, ganern. 
Magsisimula ang lahat taong 2016, masaya ang buong bansa kasi nanalo sa eleksiyon si Tatay Digs – intense siya at may isang salita. Tatay Digs is the symbol of hope sa Philippines. Siya ang mag-aahon sa’ting kahirapan at siya ang pag-asa ng bayan. My gosh abelgas, keri na sana pero nagkasakit si Tatay Digs! Mapipilitan siyang bumaba sa pwesto beshie!
So ang papalit sa kaniya ay si Mommy Len. Keri naman, loving and gentle naman si Mommy Len. Marami siyang balak sa Pinas. Ipagpapatuloy daw niya ang nasimulan ni Tatay Digs. Push lang nang push. Kaso nakain na siya ng sistema, nagwewelga na ang mga millennials with their Frappuccino sa Mendiola habang nakapayong with their multicolored placards: No To Momshie Len! Sabi ng mga placard nila kasi nga parang napapabayaan na ni Mommy Len ang kaniyang obligation lalo na’t nareveal na may masama palang balak ang kultong dilawan!!! 
Kaya pala nagkasakit si Tatay Digs kasi naglagay sila ng lason sa danggit ni Tatay Digs sa agahan. OMG! What is the meaning of this?! Lumala pa ang lahat dahil habang nasa event si Mommy Len, sa binyag ng kaniyang kadilawan may isang assassination attempt sa buhay ng mahal na pangulo kasama ang mga bisita ng binyag! OMG! Magulo na nga ang Pinas. 
So Mommy Len and the dilawan decided na magdeclare ng Martial Law. This Martial Law thingy is chill lang naman daw at para ito sa peace and order ng bansa. May curfew, pinasara lahat ng bias na media na yan. Tapos bawal na rin ang internet beshies! Jusko. Ipasara na tutal bias naman di ba? Push. Check. Sina Mommy Len at ang dilawan pinush na angkinin ang pinaka-bias sa lahat at ginawa nilang network ng bayan at ininstall dito as president si Madam Krizzy tutal may experience naman daw siya sa TV. Push. Check. Para sa bayan. 
So seemingly winner naman, nakikita natin sa TV na pinapalabas nina Madam Krizzy na ang ganda ganda ng projects ni Mommy Len and the dilawans. Ang daming ganap! May pinapagawang airport, highway, tulay, building, ospital, school, waiting shed, basketball court, pabaranggay pageant etc pero sa likod ng mga ito binubulsa pala ng dilawan ang kaban ng bayan. 
No way di ba?! Kakapal ng pez. So nalaman ni Tatay Digs ang lahat, kahit mahina sa sakit, pinush niyang humanash laban kina Mommy Len! But no, pinatapon siya sa China para hindi na makahanash laban sa gobyerno. 
Hindi ito matanggap ng mga ka-DDS ni Tatay Digs. Lalong lalo na si Mochika, isang komedyanteng sexy pero tranny. Super duper die hard supporter siya ni Tatay Digs. So bilang ganti sa pagpapatapon kay Tatay Digs, hetong si Mochika gumawa ng isang blog – ang Mochika Blog. Lahat ng hanash niya pinupush niya run para kay Tatay Digs ang kaso sinasabi ng kultong dilawan lahat ng mga lumalabas dun ay hindi totoo kahit na totoo naman sa mata ni Mochika. Wala na kasing nagbabalita ng tama dahil hawak ng dilawan ang media. 
Eventually matutunton si Mochika, pinasara ang kaniyang blog na puro lang daw hanash at kahit kalian hindi na nakita ang katawan ni Mochika. Ang sabi nila tinorture daw. Ang sabi nirape. Pero kahit ano pa man, masakit ang katotohanan na lahat ng kumabalan sa dilawan ay pinatatahimik ng pamahalaan. As in binabaon din sa lupa. O tinatapon kung saan hindi na sila kailanman makikita ng pamilya nila.
Ginawa ng mga ka-DDS ang lahat para lumaban sa diktaturya ng dilawan. Ang kaso lahat sila napatahimik, pinatapon sa kung saan, kinulong, ginapos, pinatay. Nanaig ang kultong dilawan sa buong bansa. Walang malay ang ibang mamamayan sa tunay na problema, puro “magaganda” lang ang nakikita nila dahil sabi ng dilawan maunlad ang bansa kahit na deep inside nagjijirap na ito. Huhu. Kawawa naman ang bansa, pero hindi naman ito knows ng mga normal na mamayan. Sigaw ng mga ka-DDS – PATALSIKIN ANG KULTONG DILAWAN! Kasi sila raw ay backer din ng mga oligarchs! Ang mga crony na ginetlak lahat ng private business pero ninenenok naman ang kita. Walang napupunta sa bayan! Jusko talaga ang mga dilawan na yan! Wala nang nagawang tama mga bes!!!!
Years passed, naging balwarte ng kultong dilawan ang buong Pilipinas, namuno si Mommy Len at di bumaba sa pwesto hanggang sa siya’y nagkaapo. Bakit pa raw siya bababa e ang galing galing niyang magpatakbo ng bansa. Pero ang truth nabaon sa utang ang bansa. Mas dumami ang nagutom at nagpakatuta pa lalo sa Kano si Mommy Len para yung mga projects ng US sa’tin gaya ng pagbalik ng US bases mapush at makakick back. Dahil ditey, napilitang umuwi mula sa China si Tatay Digs. Di raw niya kering matigs at habang buhay na nakagapos sa diktadurya ng dilawan ang bansa. Ang kaso pagjuwi niya – boom! May bumaril sa kaniya dahil hadlang siya sa gobyerno. 
Ito ang nakitang way ng mga ka-DDS para lumaban. Nagstage sila ng people power at dahil dito after ng matagal na pamumuno, napatalsik si Momshie Len at ang kaniyang mga kakamping dilawan. Lumayang muli ang bansa sa diktadurya. Hindi na kulay dilaw ang bansang Pinas!!!
Okay na sana kaso wa epek naman ang pumalit kay Momshie. Jusko nag-iba lang ng color pero ganun pa rin pero atleast mas free nang humanash ang mga tao laban sa gobyerno. So years passed, lumaki at tumanda na ang mga pinanganak nung Martial Law. 
Bongga na ang bagong generation na tinatawag na generation push. Ang mga pushers ay mahilig magpush lang nang magpush ng ideas at isa rito na myth lang daw ang mga Martial Law stories under the dilawans. Pinakamayaman daw noon ang bansa at maraming projects. Ganern. So tagasuporta sila ng apo ni Mommy Len sa pagtakbo sa pagkapangulo. Gusto rin nilang ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Mommy Len na marami raw nagawa noon sa bansa. Si Tatay Digs daw ang totoong kalaban for hampering growth and development. Mommy Len is the best queen mother president of the Philippines sabi ng kulto. Deserve niyang ilibing sa Libingan ng bayani. 
Kaso humina at umonti na ang naniwala sa mga Ka-DDS. Ang kolektibo nilang boses ay madali nang matabunan. Wala silang magawa nang ipabago ang kasaysayan!!! Sa paglibing sa diktador na Queen Mother malelegitimize sa bago at susunod na henerasyon na isa itong bayani. Mapapatotohanan ang pagiging dakila ng mga kultong dilawan. 
Ang kultong dilawan na sinira, yinurak, pumatay at ginahasa ang bansa.
Magiging bayani sila pero puro kasamaan lang naman ang ginawa ng kulto.
Gusto ba natin yun? Gusto ba nating magwagi ang kultong dilawan?
Kakayanin ba talaga nating magmove on?
O hahayaan nating kulayan nila ng dilaw ang bansa para matakpan nila ang mga mantsa ng pulang dugo?

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...