gabi-gabi silang umeere mula umaga, tanghali at gabi. kahit saan ka maglipat ng channel, meron at merong teleserye in different forms and different names: (abs-cbn ang nag-coin ng
teleserye though ito na rin ang nakasanayang tawag sa mga soap opera sa bansa.) gma calls them teledrama at may iba[t-ibang permutations din ito gaya ng mga fantaserye, telefantasya, sineserye, kilig-serye, tawa-serye at iba pa.
jusko bata pa lang ako nanonood na ako nito at masasabi kong isa ang teleserye sa mga naging impluwensiya ko sa buhay kung bakit ako nag-communication arts noong college at maging sa aking panulat. haha yeah i'm soooo jologs like that.
pero syempre sa dinami-rami ng mga teleserye na pare-pareho na lang, meron pa ring tumatak sa akin at talaga namang kapag tinanong ako ito ang isasagot kong pinakapaborito kong mga teleserye ever not in particular order! :)
1. maging sino ka man (abs-cbn, 2007)
"sa mundong pinipilit kang magbago... may mananatili pa bang totoo?"
oh sabi yan sa trailer. pak. haha
college ako noong umere ang maging sino ka man at talaga naman may i watch talaga ako kapag hindi masyadong busy at walang assignment sa school at sa org. na-hook ako sa buhay nina eli, jackie, jb at celine. sabi nga sa wikipedia entry nito: its a
soap opera that tackles intricate filial relationships among the elite and the poor and how the social economic classes respond to each other, longing for love and justice, maging sino ka man revolves around the lives of four main characters who each are searching for purpose, freedom, and happiness.
it's character driven hindi gaya nung ibang soap opera at madadala ka talaga sa acting ng mga cast. whole package din dahil bukod sa nakaka-hook na story and characters, ang ganda rin ng cinematography at direction. oh ha?
well sino nga ba naman ang hindi madadala sa mga pasabog at makabagbag damdaming linya. levels ng "i never said that i love you..." at "i maybe a slut but im the best slut in town!" kabog na kabog di ba?
heto ang trailer ng maging sino ka man:
heto naman ang mas makabagbagdamdaming extended trailer na puro characters lang.
2. kung mawawala ka (gma, 2002)
ito ang number one kapag tinanong ako kung anong pinakapaborito kong teleserye sa kapuso station. tungkol ito sa ala romeo-juliet na love story nina rosa camilla at carlitos mula sa magkalabang political family. pero ang tunay na kapana-panabik sa serye na ito ay ang struggle ng pamilya montemayor to stay in power at ang complicated family tree ni governor leandro montemayor at ng kaniyang tatlong babae na sina iluminada (the legal wife), czarina (the kabit) at ni alicia (ang true love). oh ang intriguing di ba?
may pagkapolitical ang milieu ng nasabing serye at sa kuwento makikita natin ang pag-angat ni gov. montemayor sa kaniyang political ladder mula governor hanggang sa malacañang kakabit pa ang kaniyang magulong family life.
at dahil wala akong makitang full trailer heto ang music video with scenes from the soap:
3. encantadia (gma, 2005)
i love the fantasy genre. the magic, yung feeling na nadadala ka sa ibang mundo. kaya ito ang naging charm sa akin ng telefantasyang encantadia.
ang encantadia ay isang lugar na nahahati sa apat na kaharian: ang lireo, adamya, hathoria at sappiro. bawat isa ay may pinangangalagaang gem na nagbibigay ng balanse sa buong kaharian. ngunit masisira ang katahimikan ng encantadia dahil nais ng hathoriang makuha ang iba pang gems para sila na ang maghari sa buong realm.
commendable ang production design. panalo ang pagkakasulat ng mythology at may sariling langguage pa. talagang pinag-isipan kaya naman hook ang lola. hehe
ito nga pala ang main theme ng encantadia, ang "tadhana" performed by bayang barrios na btw maganda rin at masarap pakinggan habang naglalaba. charot. haha
4. dugong buhay (abs-cbn, 2012)
biases aside, maganda ang teleseryeng ito. haha ayoko nang magsabi pa ng dahilan baka masyado na akong maging bias. nyahaha.
the story is about revenge and forgiveness. tignan niyo trailer pa lang panalo na! nyahaha
5. iisa pa lamang (abs-cbn, 2008)
isang babaeng kumabit sa mas matandang lalaki para mabawi ang dating kaniya.
ano ang nakakahook sa teleseryeng ito? the campy lines. sample?
"Ang ganda-ganda mo na ngayon Katherine, sarap mong patayin!" - Isadora
"Look who's here, my favorite step-mother. Ang dating gold digger in red, isa na ngayong merry widow in black." - Scarlet
'Ha! Kung sa bagay mas bagay sayo yang itim, kakulay ng budhi mo!' - Scarlet
"Bakit ka nga ba nakaputi? Para pagtakpan ang mas maitim mong budhi?" - Katherine
"Gusto mo ikaw ang itali ko? Pasweet sweet ka pa diyan, ganid ka rin pala!" - Isadora
"Ang bigat naman ng salitang 'yon Isadora, pero totoo, oo ganid ako! At gusto ko, ni singko walang matira sa'yo! Kaya manginig ka na Isadora, dahil uubusin ko ang lupang tinatapakan mo!" - Katherine
"Pagod ako. Huwag kang loloko-loko. Baka gusto mo ihampas ko tong bag kong mas mahal pa sa'yo!" - Katherine
"Sabagay, ako rin eh, pagod makipaghampasan. Next time, ok? In fairness ah, ang ganda ng damit mo. Pahiram minsan ha." -Isadora
nakakaloka hindi ba? nyahaha. more more sample? heto oh. iisipin mo kung drama ba or comedy ba ang pinapanood mo. haha i lavsit! :p
hindi pa sapat? oh
heto may fan na nagcompile ng mga linyahan! super nakakatawa. haha nung college inaabangan namin kung ano ang pasabog na linya the night before para magamit sa school. nyahaha.
anyway that's all. haha kung kataka-takang walang pangako sa'yo, kay tagal kang hinintay at basta't kasama kita (na btw ay mga magagandang serye rin) ay dahil hindi ko sila napanood dahil kapuso ang tv namin noong mga panahong iyon.
at kung dito baliw na baliw ang mga tao sa koreanovelas, fyi lang sa africa, vietnam, singapore, indonesia, malaysia, cambodia at china nabaliw din sa p
angako sa'yo? hindi lang yun, sobrang adik daw ng mga south east asians (pati africans!) sa ating mga teleserye kaya sikat na sikat doon ang mga programs natin. sa cambodia pa nga ay may sarili silang remake ng pangako sa'yo..
heto ang episode two ng cambodian remake. haha ang cool lang panoorin.
at ito pa ang bongga, si ricky davao at lorna tolentino nagfrefrench dahil sa french dubbed kay tagal kang hinintay! coolness. hehe
bongga hindi ba? :p okay sabaw wala naman akong mapost sa isa ko pang
blog. i need inspiration. haha. baka kailangan kong manood ng teleserye... or makipagpalitan ng bata... or magkaamnesia...