Showing posts with label kuda. Show all posts
Showing posts with label kuda. Show all posts

Thursday, July 22, 2021

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali.

mga gusaling walang masyadong laman. 

gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga sasakyang bumubuhay dito. 

tahimik. bihirang masilayan ang mga bulubundukin ng rizal mula sa metro manila. 

sabi nila, the world is healing.

pero ang totoo, isang pandemiya ang dumadaluyong sa lungsod.

isang pandemiyang pinartneran pa ng mas malalang virus - inutil na gobyerno.

sa isang iglap, nagbago ang buhay nating lahat.

nagsara ang ating mundo.

ang maingay na maynila, nabalot ng katahimikan, maliban sa mga ospital na napuno ng singhap ng kamatayan. 

katapusan na nga ng mundo, hindi pa mayakap ang mga katawan ng yumao. 

***

after a year, buhay na buhay pa rin ang sakit. lumalakas. 

mabuti may bakuna na. 

inutil pa rin si duterte. 

unti-unting nagbabalik ang ingay ng maynila. may mga nakakalimot dahil nabakunahan na. 

pero nandito na ang mas nakakahawang variant na pumatay ng libo sa india. 

inutil pa rin si duterte.

walang trabaho ang mga tao, bagsak ang ekonomiya, walang mapanghawakan sa mga parating na bukas.

sa apocalyptic manila, hindi ang mga bangkay ang zombie, kundi ang mga dds troll na hanggang ngayon bulag pa rin sa kapabayaan ng kanilang poon. 

mga tusta ang kanilang utak, saradong mga isip, pinapatay ang lasog na ngang kaluluwa ng bayan. 

sana may bakuna rin para sa kanilang mga bulag. 

***

kahit nakuha ko na ang second dose ng aking bakuna, alam kong bago na ang mundo. hindi pa rin pwedeng makampante. 

hindi pa nasusugpo ang virus. 

tila walang kasiguraduhan ang bukas. 

wala tayong ibang kakapitan kundi ang ating pagtindig.


illustration by tarantadong kalbo.


Wednesday, March 6, 2019

two worlds

gusto mo ng surreal feeling?

1999.

twenty years ago. 

imagine how different the world was.

no iphones. 
and the whole world was engulfed by millennium bug.

isang software error na aakalain ng computers na ang year 00 ay 1900 imbis na 2000 pagpatak ng new year.  naloka ang mga tao nun. pwedeng bumagsak diumano ang mga eroplano habang nasa ere, magrestart ang mga computers at magdown ang mga computer powered machines. 

total chaos. 

ang baliw lang. ang naalala ko nun, akala ng nanay ko tatak ng computer ang y2k. haha. 

pero ang ending? exag lang mga tao.  wala namang significant changes. 

normal lang though may mga minor instances sa ibang bansa. 

nokia 5110 ang isa sa mga must have phones nun. kung saan pwede kang maadik sa snake -- at ang concept ng smart phone ay mapapanood lang sa sci-fi films. 

ang power lang ng cellphone mo ay magtext at tumawag. hindi pa uso ang unlitext at unlicall. titipirin mo ang 300 mo.

but imagine the power na hindi mo na kailangang umasa sa trust sa tuwing may meeting kayo ng classmates mo or lakad ng barkada. usapang maayos na lang kapag sinabing 10 am ang kitaan sa mall.

so matetest talaga ang patience mo at maghihintay ka sa meeting place nyo at talagang minsan isang oras kang maghihintay. but with the magic of cellphones, madali na kayong makapagupdate pag paalis na ng bahay -- basta may load.

pucha. 

ang amazing lang isipin. kung mulat ka na nun, kagaya ko, nakakakilabot lang isipin na in our lifetime nakaranas tayo ng buhay na magkaibang-magkaiba sa nararanasan natin ngayon.

imagine your 1999 self na magtratravel ngayong 2019. siguro mabaliw-baliw siya. 
sa konsepto palang ng smart phone, paniguradong mind blown na si 1999 self!

wala lang.

sobrang naisip ko lang yan randomly haha.

think about it --

tama si ateng miley cyrus...

we had the best of both worlds. 




Wednesday, November 9, 2016

wag ibaon sa limot

nagbabalik para sa pasabog na araw.  reposting from my other blog.
Bakit mahirap magmove on beshies? 
Ang daming kuwento ng Martial Law pero deadma lang tayo mga besh. Sa bagay, numbers lang naman ang mga ito. Statistics. Hindi sila tao. Part lang sila ng past, isang past na hindi tayo apektado. Kapag nag-iba ba ang mukha ng kalaban at ang hero ay ang gusto nating bida, mas maiintindihan ba natin ang lahat? 
Bilang hindi tayo natitinag ng facts baka mas maintindihan natin through fiction mga ka-DDS! (though hindi ko naman nilalahat ang mga ka-DDS ay Marcos Loyalist, this is just to illustrate the point… since parang “universal” naman ngayon sa Pinas na tinitingala si PDigong so bakit di siya ang maging mukha ng “bida.”)
Ang mga tauhan sa kwento ay fiction lang so chill lang. 
Kaya beshie this is it. Wattpad presents…
Wag Ilibing sa Limot.
Kabog. Ang dramatic ng ating kwento di ba? Pangprimetime bida, ganern. 
Magsisimula ang lahat taong 2016, masaya ang buong bansa kasi nanalo sa eleksiyon si Tatay Digs – intense siya at may isang salita. Tatay Digs is the symbol of hope sa Philippines. Siya ang mag-aahon sa’ting kahirapan at siya ang pag-asa ng bayan. My gosh abelgas, keri na sana pero nagkasakit si Tatay Digs! Mapipilitan siyang bumaba sa pwesto beshie!
So ang papalit sa kaniya ay si Mommy Len. Keri naman, loving and gentle naman si Mommy Len. Marami siyang balak sa Pinas. Ipagpapatuloy daw niya ang nasimulan ni Tatay Digs. Push lang nang push. Kaso nakain na siya ng sistema, nagwewelga na ang mga millennials with their Frappuccino sa Mendiola habang nakapayong with their multicolored placards: No To Momshie Len! Sabi ng mga placard nila kasi nga parang napapabayaan na ni Mommy Len ang kaniyang obligation lalo na’t nareveal na may masama palang balak ang kultong dilawan!!! 
Kaya pala nagkasakit si Tatay Digs kasi naglagay sila ng lason sa danggit ni Tatay Digs sa agahan. OMG! What is the meaning of this?! Lumala pa ang lahat dahil habang nasa event si Mommy Len, sa binyag ng kaniyang kadilawan may isang assassination attempt sa buhay ng mahal na pangulo kasama ang mga bisita ng binyag! OMG! Magulo na nga ang Pinas. 
So Mommy Len and the dilawan decided na magdeclare ng Martial Law. This Martial Law thingy is chill lang naman daw at para ito sa peace and order ng bansa. May curfew, pinasara lahat ng bias na media na yan. Tapos bawal na rin ang internet beshies! Jusko. Ipasara na tutal bias naman di ba? Push. Check. Sina Mommy Len at ang dilawan pinush na angkinin ang pinaka-bias sa lahat at ginawa nilang network ng bayan at ininstall dito as president si Madam Krizzy tutal may experience naman daw siya sa TV. Push. Check. Para sa bayan. 
So seemingly winner naman, nakikita natin sa TV na pinapalabas nina Madam Krizzy na ang ganda ganda ng projects ni Mommy Len and the dilawans. Ang daming ganap! May pinapagawang airport, highway, tulay, building, ospital, school, waiting shed, basketball court, pabaranggay pageant etc pero sa likod ng mga ito binubulsa pala ng dilawan ang kaban ng bayan. 
No way di ba?! Kakapal ng pez. So nalaman ni Tatay Digs ang lahat, kahit mahina sa sakit, pinush niyang humanash laban kina Mommy Len! But no, pinatapon siya sa China para hindi na makahanash laban sa gobyerno. 
Hindi ito matanggap ng mga ka-DDS ni Tatay Digs. Lalong lalo na si Mochika, isang komedyanteng sexy pero tranny. Super duper die hard supporter siya ni Tatay Digs. So bilang ganti sa pagpapatapon kay Tatay Digs, hetong si Mochika gumawa ng isang blog – ang Mochika Blog. Lahat ng hanash niya pinupush niya run para kay Tatay Digs ang kaso sinasabi ng kultong dilawan lahat ng mga lumalabas dun ay hindi totoo kahit na totoo naman sa mata ni Mochika. Wala na kasing nagbabalita ng tama dahil hawak ng dilawan ang media. 
Eventually matutunton si Mochika, pinasara ang kaniyang blog na puro lang daw hanash at kahit kalian hindi na nakita ang katawan ni Mochika. Ang sabi nila tinorture daw. Ang sabi nirape. Pero kahit ano pa man, masakit ang katotohanan na lahat ng kumabalan sa dilawan ay pinatatahimik ng pamahalaan. As in binabaon din sa lupa. O tinatapon kung saan hindi na sila kailanman makikita ng pamilya nila.
Ginawa ng mga ka-DDS ang lahat para lumaban sa diktaturya ng dilawan. Ang kaso lahat sila napatahimik, pinatapon sa kung saan, kinulong, ginapos, pinatay. Nanaig ang kultong dilawan sa buong bansa. Walang malay ang ibang mamamayan sa tunay na problema, puro “magaganda” lang ang nakikita nila dahil sabi ng dilawan maunlad ang bansa kahit na deep inside nagjijirap na ito. Huhu. Kawawa naman ang bansa, pero hindi naman ito knows ng mga normal na mamayan. Sigaw ng mga ka-DDS – PATALSIKIN ANG KULTONG DILAWAN! Kasi sila raw ay backer din ng mga oligarchs! Ang mga crony na ginetlak lahat ng private business pero ninenenok naman ang kita. Walang napupunta sa bayan! Jusko talaga ang mga dilawan na yan! Wala nang nagawang tama mga bes!!!!
Years passed, naging balwarte ng kultong dilawan ang buong Pilipinas, namuno si Mommy Len at di bumaba sa pwesto hanggang sa siya’y nagkaapo. Bakit pa raw siya bababa e ang galing galing niyang magpatakbo ng bansa. Pero ang truth nabaon sa utang ang bansa. Mas dumami ang nagutom at nagpakatuta pa lalo sa Kano si Mommy Len para yung mga projects ng US sa’tin gaya ng pagbalik ng US bases mapush at makakick back. Dahil ditey, napilitang umuwi mula sa China si Tatay Digs. Di raw niya kering matigs at habang buhay na nakagapos sa diktadurya ng dilawan ang bansa. Ang kaso pagjuwi niya – boom! May bumaril sa kaniya dahil hadlang siya sa gobyerno. 
Ito ang nakitang way ng mga ka-DDS para lumaban. Nagstage sila ng people power at dahil dito after ng matagal na pamumuno, napatalsik si Momshie Len at ang kaniyang mga kakamping dilawan. Lumayang muli ang bansa sa diktadurya. Hindi na kulay dilaw ang bansang Pinas!!!
Okay na sana kaso wa epek naman ang pumalit kay Momshie. Jusko nag-iba lang ng color pero ganun pa rin pero atleast mas free nang humanash ang mga tao laban sa gobyerno. So years passed, lumaki at tumanda na ang mga pinanganak nung Martial Law. 
Bongga na ang bagong generation na tinatawag na generation push. Ang mga pushers ay mahilig magpush lang nang magpush ng ideas at isa rito na myth lang daw ang mga Martial Law stories under the dilawans. Pinakamayaman daw noon ang bansa at maraming projects. Ganern. So tagasuporta sila ng apo ni Mommy Len sa pagtakbo sa pagkapangulo. Gusto rin nilang ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Mommy Len na marami raw nagawa noon sa bansa. Si Tatay Digs daw ang totoong kalaban for hampering growth and development. Mommy Len is the best queen mother president of the Philippines sabi ng kulto. Deserve niyang ilibing sa Libingan ng bayani. 
Kaso humina at umonti na ang naniwala sa mga Ka-DDS. Ang kolektibo nilang boses ay madali nang matabunan. Wala silang magawa nang ipabago ang kasaysayan!!! Sa paglibing sa diktador na Queen Mother malelegitimize sa bago at susunod na henerasyon na isa itong bayani. Mapapatotohanan ang pagiging dakila ng mga kultong dilawan. 
Ang kultong dilawan na sinira, yinurak, pumatay at ginahasa ang bansa.
Magiging bayani sila pero puro kasamaan lang naman ang ginawa ng kulto.
Gusto ba natin yun? Gusto ba nating magwagi ang kultong dilawan?
Kakayanin ba talaga nating magmove on?
O hahayaan nating kulayan nila ng dilaw ang bansa para matakpan nila ang mga mantsa ng pulang dugo?

Sunday, August 7, 2016

long time no write

hello blog.

musta? missed me? haha long time no write.
ilang buwan na ba? or almost a year na nga ata.

just celebrated my 29th birthday last month.
so old right? haha actually i don't mind getting old.
for now.

ang issue ko,  i feel...

empty.

actually more of losing direction.
i'm okay with work, still single -- sometimes longing for someone, sometimes hindi. but okay sa kahit ano. but i feel insecure. sometimes about myself -- sometimes on my looks, but more on my ability -- sa'king bread and butter. i feel lost.

am i happy?

hmm. so so.

i feel blah. 

yung tipong hindi mo alam para saan ka pa gumigising. pero of course i'm still happy na gumigising pa ako. haha. pero namiss ko lang yung feeling na excited ka. yung may purpose. paggising mo kasi sa umaga -- or in my case, hapon, ang tanong ano na? or sino na nga ba ako?

i know i've changed a lot. honestly i want the person who am i now.
but i still look sa taong kilala kong ako -- yung bago ako naging ngayon. sometimes i look on old places baka kasi naghahang out pa run yung old me ko, or trying to find that lost me among my old friends -- hoping to ask if gusto ba niya ang nakikita niya ngayon. or kung tama ba o kuntento ba siya sa naging siya.

sometimes i'm also curious on kung ano ang nakikita ng mga bagong taong nakikilala ko sa'kin -- ibang-iba pa kaya yun sa ako ten years ago?

i honestly feel na sometimes  parang i'm losing my self. my voice --  sa pagsulat.
yung aking core.

hindi ko na nga rin maalala kung kailan ako huling nanaginip ng klaro. yung tipong paggising ko humahangos ako or namamangha kung ano ba ang ibig sabihin nun -- wala lang. feeling ko nakakabother lang. haha kasi dati naalala ko naman mga panaginip ko.

howell.

siguro kailangan ko lang maghanap ng bagong purpose -- ng inspirasyon na hindi necessarily tao (pero pwede rin. haha) at higit sa lahat i feel kailangan ko na sigurong umalis sa aking comfort zone.

i want to challenge myself again.

to let go.

to have a reason again.

Wednesday, September 23, 2015

the biggest loser

"are you ready?"

her mom, a showbiz royalty, asked her.
she's looking regal in her simple white long sleeves.
she just nods, they exchanged nervous smiles.

alam niya pagharap niya sa libo libong taga-suporta magbabago na ang buhay niya.
she's hopeful, kinda optimistic about this country.

her heart beats, fast like the beads of the falling rain that flooded the metro,  sending chaos and traffic in the big city. paralyzing the urban jungle, her future problem. she knows in her heart that she can -- she will win this.

sabi niya susundan lang daw niya ang ginawa ng ama. ang kaniyang amang action star. ang kaniyang amang tumatambling, a swashbuckling leading man of many movies shooting goons with thick black mustaches.

maybe she wants to be an actress.
the country is her big cinema -- us, her audience, yapping and clapping as she acts, dances and sings.
but we see those thin strings.

in her arms, in her feet, even sa kaniyang eyelids -- one yank, her eyes seem amazed. may string din sa gilid ng bibig, bawat buka ng bunganga may humihila ng maninipis na sinulid, ngingiti, tatawa, lulungkot. mahahaba, maninipis na puting sinulid, sa bawat daliri ng kamay, ng paa, sa tiyan, animo'y pati ang mga hibla ng buhok, may putong sinulid.

susundan natin, susundan natin, susundan natin, hawak ng isang lalaki -- matagal na niyang pangarap ito pero alam niyang hindi siya mananalo.

kaya pumayag din si babae magpakabit ng sinulid. sa lahat ng bahagi ng kaniyang katawan.
hindi natin alam kung sa bawat kumpas ng kamay ni lalaki ay susunod siya.

susundan daw ang yapak ng ama.
she has to win.
you have to win.
sabi pa ng lalaki.

***

"hindi ka na mananalo pa." sabi ng manghuhula sa kaniya.
madilim, hindi natin makita ang kaniyang kausap.
"tang ina. hindi totoo ang sinabi mo. gusto mong matulog sa labas ng condo mo sa makati?"

...

"bumaba ka sa survey kasi." 

"tang inang survey. tang inang mga estudyante. tang inang mga pilipino. kapag nanalo ako makikita nila."

"sabi ng baraha wala ka nang pag-asa..."

"tang ina ang mga baraha mo. kaya kong manalo, makikita mo."

...

"nilabas na nila ang ad ko. maaawa sila sa'kin. madali namang bilugin ang kanilang ulo."

"pero wag kang umasa kaibigan --"

isang malutong na sampal ang aalingawngaw sa gabi.

"sasabihin mo bang mananalo ako o pasasabugin ko ang ulo mo?"

...

"sagot!"

"mananalo kayo...."

"magunaw man ang mundo, mananalo ako."

sa kadiliman ng gabi, lumabas siya sa bahay ng manghuhula.
tila kakambal siya ng anino, pero maaninag natin ang kaniyang mga mata -- puno ng pangamba at takot.

mananalo pa ba siya?
kasing dilim ng kaniyang puso ang gabi.

***

puno ang agam agam ang mukha ng lalaki habang sinusuot ang kaniyang dilaw na polo shirt.

"ikaw naman ang ieenderso niya, don't you worry."

"alam ko." sagot niya.

"so quit worrying." she said, in her usual bossy tone, as if she's in her office again. "yellow suits you."

he smiles faintly. "bayad utang yun."

"right. dapat lang. for your sacrifice six years ago." she said sternly. siya ang namili ng isusuot ng kaniyang asawa, she combs his hair lovingly.

makikita na ang puti nitong buhok, siguro dahil sa samu't-saring kunsumisyon.

"pano pag di ako manalo?" may pag-aalinlangan sa boses niya.

"yes you will. do you think that ambitious woman will take the cake? after that fiasco with that cult? i dont think so." 

"still may chance."

"im sure makakahabol ka after ka niyang i-proclaim. his reputation will rub on you."

"you think?"

she nods. kumbinsido sa asawa.

"what if i fail?"

"wag mo kasing isiping matatalo ka."

"hindi naman ako natatakot matalo. natatakot ako na madisappoint siya sa'kin."

...

"after all these years... sana manalo ako. that way he might love me back."

matatahimik lang si misis. lahat ng pagpapakitang tao niya, para sa ibang tao, alam niya yun sa kasal pa lang. para sa pangulo. kaya pumapalpak kasi sa takot na madisappoint ang presidente. pero sa lahat ng kapalpakang yun, hindi siya pinagalitan dahil lang sa sakripisyo niyang ginawa anim na taon ang nakararaan.

makuha man niya ang kaniyang enderso, pero hindi ang kaniyang pagmamahal.

***

bakit sa lahat nang ito, tayo ang talo?










napanood mo na ba ang heneral luna?
hindi ba? ay ano ba yan. baka makatulong itong link para manood ka.





Saturday, March 7, 2015

long time no read

heeeeeey.
isang buwan levels bago ako nakapagpost ulit.
so far so good.

i'm not  complaining sa pagpasok ng bagong taon sa'kin.
abala ako sa trabaho (at dapat tutok ako ngayon sa work kaso nagbreak ako to post this. hihi) then nakita ko pa si pope nung january. hmm masaya naman. positive ang pagpasok sa'kin ng taon.
i loves it.

***

grabe yung nangyari sa saf 44. ugh.
no to bbl.
i'm super for peace pero hindi natin dapat ipagkatiwala sa mga traidor at terorista ang ating bayan.
grabe. intense. dapat aralin at i-review ng mabuti ang bbl bago ito pirmahan.
napipikon ako kay pres noy. pakiramdam ko kasi minamadali niya ang peace process kahit hilaw pa dahil sa kaniyang nobel peace prize ambition. nyeta.

sobrang waley niyang humandle ng crisis. from hongkong hostage crisis, to yolanda and now to this?! sobrang palpak. ibang klase lang.

nakakastress siya. lol
howell  hindi naman ako sang-ayon sa mga nagpupush na pababain siya sa pwesto.
napakawalang kwenta in a political stand point. matatapos na termino niya kaya hayaan na natin.

make or break nga lang nung presidenteng papalit sa kaniya.
please lord wag si binay. hay.

dahil sa kapalpakan ni pnoy ayan natabunan tuloy ang binay scandal.
dapat mabantayan pa rin yun.

mga magnanakaw!

***

speaking of magnanakaw, feeling ko hindi aksidente pagkakabaril ni jolo sa sarili.
feeling ko suicide.

well sa nangyayari sa pamilya niya ngayon baka nastress siya.
hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng ama...

pero wala akong paki. karma yan.
charot. haha

hay minsan talaga ang daling maging masama dahil sa kasamaan ng mundo.
er.

ayokong sabihin na they deserve it pero ang puso ko sinisigaw ito.
i know. ang sama ko. :(

***

sad ang batang namatay ni jam.
wala akong paki sa jamich actually until sa nangyari sa kanila.
ang fascinating. sabi nga ng friend ko straight from a nicholas sparks novel ang kwento nila.
well before this tragedy ang tingin ko lang sa kanila ay famewhores.
and well fate is playing with them binigyan sila ng mabigat na plot na susubaybayan ng tao.
naawa ako actually kay jam.
dapat pinagrest na lang siya.

ewan ko kay mich.
ayoko mang isipin...

pero parang gustong gusto niya ang atensiyong nakukuha...

ang mga ilaw..
ang mga camera...
ang mga artikulo...

hindi marahil sapat ang ilaw ng burol para sumilaw sa kaniya.

***

who am i to judge anyway?

***

last week nag gym ako sa timog dahil di pa rin natatapos ang saga ko sa bir.
well hindi ko pa siya nablablog pero worh it iblog ang aking bir bullshit... or not? haha
basta hassle.

anyway ang point malapit ang bir q ave sa golds timog.
so after kong magmaganda sa pagbubuhat may i rampa ako sa sauna syempre.
hihi. oo na madumi na ako at imoral. bwahahaha. eh kebs. lol

so hayun nga sa sauna may hot guy in his orange undies.
ang daming kuda, ang sobrang friendly, best in kwento na tumataba na raw siya and all..
pero ang macho at hot naman niya.

nadidistract ako sa notes nya kasi naman semi-erect.lol
minsan nakikita ko pa siyang parang pinupush pa niya ito.
pero hindi ko alam kung nagpaparamdam ba siya o trip lang nya.
hanggang sa umalis siya.

naoverhear siya sa labas nung isa pang umaaaura. haha
pinagyayabang daw nito sa mga tao run na nilalapitan siya ng mga closet sa sauna.
er una hindi ako closet, pangalawa anyare? haha
hindi ko magets trip niya.
ang labo.
or naghahanap ng afirmation?
eh di sana pinatikim na lang niya ang noches niya. ahihihihi.

pero ang weird nung personality niya.
very interesting.

***

bongga much nagrecontract na ako sa globe..
at dahil diyan may nakuha akong free phone. hihi

aanhin ko naman ang extra phone? pang aura? charot. haha
so i decided long ago na i-donate na lang siya sa charity.

charotera. haha
syempre ibebenta ko na lang. hahahaha

so kung intresado kang magkaroon ng bonggang bonggang brand new samsung galaxy grand prime (who uses samsung ba kasi? eeeew kaya bebenta ko na lang. choooos lang! hahaha wag sensitive! lol) like this:



ayan ang laki ng pichur. haha parang naghuhumindig na....
phone. haha

naglalakihan din ang specs ng phonelyang iyan! like what?
- 1.2 GHz Quad Core Processor for fast use!
- 5 Inch QHD Touch Screen Display! How cool is that?
- Dual SIM! Globe or Smart? No worries!
- 8MP Camera With LED Flash to capture those precious moments. 
- 5 MP Front Camera for cooler seflies!
- 3G and WiFi connection so you don't miss out on chika!
- White color and can easily match with your OOTDs!
at marami pang iba inay!

oh pasabog di ba?

fresh na fresh pa yan sa globe kasi kakakuha ko lang niyan kanina.
i know you want it. hihihi

so kung intresado ka, you can message me here then we will talk. hehe
the price is negotiable. :)

bilin mo na. haha
pwetty pleath?

message me naaaa! :p


post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...