Showing posts with label santa. Show all posts
Showing posts with label santa. Show all posts

Friday, December 27, 2013

santa can you hear me?

dearest santa, 

kapag ba sumulat ako sa'yo kahit tapos na ang pasko makikinig (or magbabasa) ka pa rin?
well dearest santa malas mo, sa pilipinas hanggang feast of the three kings pa ang christmas season. so pasok pa rin ang letter na itey. 

may internet ba sa north pole? baka kasi hindi mo mabasa ito. kailangan ba snail mail or email? siguro naman makabago na ang gamit mo tutal ang mga kids ngayon hooked na sa kanilang mga gadgets. i hope nagmodernize ka na rin kahit na ang gamit mo pa rin sa pagdedeliver ng gifts ay ang iyong flying reindeers at ang paglanding sa chimney. 

teka, sa bata ka lang ba nakikinig? kapag ba nilalabasan na ng tamod ang bagets hindi ka na nagpapadala ng gift sa kaniya? kasi hindi na siya inosente? ano ba kasi ang definition mo ng child? below 18? or dapat hanggang grade six lang? kasi if ever, matagal na akong wala sa criteria. hindi na ako matatawag na bata. baby face pwede pa. charot. hihi. pero wag ka santa dati sinusubukan ko pa ring magbayad ng syete sa jeep kapani-paniwala pa rin. haha. so naughty na ako nun? howell...

wait, one more thing, beki ka rin ba? bakit kasi santa claus imbis na santo claus? confused? kaya ka nanirahan sa north pole mag-isa kasi hindi mo nakita ang lalaking kaparehas mo ng trip? oh no... don't tell me isa kang pedophile na nagpipiyesta sa mga duwende?! shet. ang dark naman. sounds like isang matandang lalaking preying for young boys. shet. pero hindi naman siguro no? sobra naman. 

sa totoo lang nung bata pa ako hindi ako naniniwala sa'yo. pigment ka lang naman ng western imagination hindi ba? diyoskoday naman kung merong santa dito sa tropical country of the philippines. wala ditong snow. at walang reindeer. so wag echosera! 

pero sa totoo lang, ngayon gusto kong maniwala na sa'yo. may gusto kasi akong hilingin. gusto kong magbalik sa akin yung christmas excitement gaya noong bata ako. yung feeling na pagpatak pa lang ng september kilig na kilig na ako dahil magpapasko na...

that tinkling in your nose habang naamoy ang puto bumbong at bibingka? yung okay pa rin sa'yong makatanggap ng mug or ng picture frame tuwing christmas party?  yung feeling na hindi makapaghintay mag-12 sa noche buena para lang mabuksan ang mga regalo.... at yung excitement sa tuwing pinupunit ang gift wrapper...

those little things... 

simple lang naman yun santa hindi ba? hindi na kailangan ng mga duwende mong gumawa ng laruan. siguro isang pitik mo lang pwede na? babalik sa puso ko ang lahat..

namimiss ko lang yung pakiramdam na matuwa kapag bago ang damit na isusuot sa christmas party kasi alam mong minsan ka lang makabili ng bago at special yun kasi gagamitin mo na rin yun sa araw ng pasko. yung tinatamad kang bumangon sa misa de gallo pero gugustuhin mo pa rin magsimba kasi pag-uwi niyo mula sa simbahan, pwede nang kumain ng noche buena.

yung feeling na natatakot kang ibigay sa nanay mo yung nakuha mong aginaldo kasi alam mong kukupitin niya. haha at walang kaso kung bente o sampung piso ang i-abot sa'yo. basta mapapangiti ka na. yung tapang-tapangan kang magsisindi ng five star pero mabilis ka rin namang tatakbo palayo... 

hay. oo ang dami kong namimiss....

yung malaya akong nakakabond mga pinsan ko at tiyahin/tiyuhin ko. yung simple lang. walang complications ng adulthood. yung umaasa lang ako sa aginaldo pero okay lang kung wala. yung may meaning pa ang mga christmas carols at masaya kang mag-aabot sa mga nangangaroling... 

yung paskong alam ko noong bata ako.

...

kaya mo bang maibalik ang mga paskong yun, santa?

please naman. 

anong dapat kong gawin? kailangan ko bang kumpletuhin ang simbang gabi next year para lang maibalik sa akin ang dating pasko?

...yung paskong unti-unting nawawala habang tumatanda ako.



xoxo,
kalansay

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...