Thursday, July 22, 2021

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali.

mga gusaling walang masyadong laman. 

gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga sasakyang bumubuhay dito. 

tahimik. bihirang masilayan ang mga bulubundukin ng rizal mula sa metro manila. 

sabi nila, the world is healing.

pero ang totoo, isang pandemiya ang dumadaluyong sa lungsod.

isang pandemiyang pinartneran pa ng mas malalang virus - inutil na gobyerno.

sa isang iglap, nagbago ang buhay nating lahat.

nagsara ang ating mundo.

ang maingay na maynila, nabalot ng katahimikan, maliban sa mga ospital na napuno ng singhap ng kamatayan. 

katapusan na nga ng mundo, hindi pa mayakap ang mga katawan ng yumao. 

***

after a year, buhay na buhay pa rin ang sakit. lumalakas. 

mabuti may bakuna na. 

inutil pa rin si duterte. 

unti-unting nagbabalik ang ingay ng maynila. may mga nakakalimot dahil nabakunahan na. 

pero nandito na ang mas nakakahawang variant na pumatay ng libo sa india. 

inutil pa rin si duterte.

walang trabaho ang mga tao, bagsak ang ekonomiya, walang mapanghawakan sa mga parating na bukas.

sa apocalyptic manila, hindi ang mga bangkay ang zombie, kundi ang mga dds troll na hanggang ngayon bulag pa rin sa kapabayaan ng kanilang poon. 

mga tusta ang kanilang utak, saradong mga isip, pinapatay ang lasog na ngang kaluluwa ng bayan. 

sana may bakuna rin para sa kanilang mga bulag. 

***

kahit nakuha ko na ang second dose ng aking bakuna, alam kong bago na ang mundo. hindi pa rin pwedeng makampante. 

hindi pa nasusugpo ang virus. 

tila walang kasiguraduhan ang bukas. 

wala tayong ibang kakapitan kundi ang ating pagtindig.


illustration by tarantadong kalbo.


No comments:

Post a Comment

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...