Showing posts with label book report. Show all posts
Showing posts with label book report. Show all posts

Wednesday, June 5, 2013

A Hundred and One Reasons

'You don't have to live forever, You just have to LIVE.'

Nice quote diba? Isa yan sa quote na nakita ko sa librong aking binasa kahapon habang medyo idle-idlean ng konti dito sa opisina.

Ang librong ibibida ko ngayon ay nabili ko pa last year pero ngayon ko lang siya tinapos. I don't know, medyo mushy kasi ng slight.

Ang pamagat ng libro ay 'A Hundred and One Dalmatian'. Joke lungs. ' Nabasa ninyo naman ang pamagat ng post ngayon diba? So, iyon nga ang title, 'A Hundred and One Reasons'.


Ang wento ay tungkol sa isang medyo bratinellish kinda umaattitude girl named Ann. Si girlay ay seventeen lamang at nasa kanyang teen years.... Yung medyo rumerebel mode ganyan at nasa panahon ng cruma-crush-crush and everything.

Things changed when nagkaroon siya ng suddenly moment..... Nope, hindi sya tinagusan sa short or di rin na rape.... unfortunately, nalaman niya na may sakit siya...... Big C...... zodiac sign..... CANCER (well, technically, leukemia).


Upon learning the news, suko na siya e. Pero she found ways to fight. Somehow, she had someone gave her reasons to live..... Ito ay ang bespren ng brother niya... si Stan.

*-*-*-

Maganda ang takbo ng story ng libro. Di nakakalito. Di malalim ang english (eto pala reason ko din bakit di ko agad binasa noon). Mahusay ang narrative.

Ang score for the book ay 9. Yep. 9! Mataas! Kasi nakaka-touch ang story ni Ann. Nakakaaliw din ang mga quotes na isinasaad sa bawat simula ng chapter sa libro. At ang nakapagbigay ng 9 na score ay halos maiyak ako sa cube ko while reading the book. Emergerd! Akala ko may tears na lalabas sa aking mata sa kurot na nadama while reading this.

Maganda ang librong basahin at di sayang sa oras.

At.......... Meron itong book2 na ibibida ko bukas or next depende sa mood kong magsulats.

O cia, hanggang dito na lang muna, Take Care.

Tuesday, February 8, 2011

Tragic Theater


Last Friday, habang ako ay nagpapaka-emo at depress-depressan ang drama kasabay ng pag-aantay sa screening time ng pelikulang Bulong (review here), ako ay tumambay sa aking favorite place sa Robinsons Galleria; ang Bestsellers. Dito nagbasa ako ng aking horoscope for 2011 para sa mga Libra at para sa mga Tigers. Pero hindi ko binili ang librong yon bagkos, ang librong Tragic Theater ang aking napili at yun ang aking binili.

After 2 days, kagabi ko lang nagawang buksan ang libro at sakto naman dahil na-assign akong magbantay ng phone para sa mga aussies kaya walang call for 3 hours at nagkaroon ako ng ample time para masimulan ang book at madirediretso before matapos ang shift. So for today, ang aking ibibida ay ang tungkol sa book.

Ang librong ito ay tungkol sa sinehan, ang sinehan na puno ng misteryo at kababalaghan. Hindi naman tungkol sa sinehang may mga pokpokish at colboyish na gumagawa ng kakaibang ungol at nagpapakita ng kung anong ipapakita nila. Heto ay tungkol sa sinehang ipinatayo sa rehimen ni Marcos subalit minadali at nagkaroon ng aksidente. Apparently, hindi niligtas ang mga survivor at bagkos, tinabunan sila ng semento para matapos ang Theater. And thus the start ng creepy at mga elementong hindi normal. 

Ang wento ay iikot sa isang babaeng kasama sa isang project para ipaayos yung theater kaso nga lang, kelangang madispatsa ang mga kaluluwang di matahimik. So nakiusap siya sa friendship nia na pari para gumawa ng channeling para makatawid ang mga elements sa kabilang daigdig. Pero amportunately, aba, masyadong maangas at ma-pride ang mga mumu. Then suddenly, pak.... may exorcism na nangyari. then the rest is about the pagpapalayas sa sumanib sa babae. :D

Ang aking masasabi after mabasa ang libro..... Pwede na. Oks lang. Good. Kung irarate ko ito, mga 7 or 8 out of 10. Bakit naging ganun? Kasi medyo dragging ng konti sa umpisa. Kung di mo tyatyagain ang first fe pages, baka di ka makatagal sa huli. Also, medyo napapaskip-read ako sa gitna dahil sa mga redundant statements dahil sa pagsummon sa mga kaluluwa at pagpapataboy ng ghost. Kailangan bang inuulit lagi? Kailangan bang inuulit lagi? Kailangan bang inuulit lagi? 3x ang mga words at statements. 3x ang mga words at statements. 3x ang mga words at statements. ahahah. ganyan ang mababasa mo sa book.

Di ko alam kung true to life ang nasa kwento pero kahit paano, nakakatindig balahibo sya while reading. Siguro mas nakakakilabot to kung solo itong babasahin, sa gabi at madilim. 

So, hangang dito na lang muna mga pips. TC. 

Tuesday, January 18, 2011

The Talent Thief


Last week, habang wala ako sa mood at kakalat-kalat lang sa mall at nag-iikot-ikot lang habang nag-uubos ng oras, ako ay napadpad sa tindahan ng mga books na itatago na lang natin sa pangalan na booksale. Sa loob, dapat ay titingin lang ako ng mga books at walang balak bumili pero naakit ako sa mga mukang bagong libro na binebenta at may abot kayang halaga. May apat (4) na libro akong napili at ang isa sa kanila ang aking ibibida for today.

Kung binasa ninyo ang pamagat ng entry na ito, syempre knows nio na 'The Talent Thief' ang name ng book. Pero kung hindi nio nalaman, ang title po ay 'The Talent Thief' by Alex Williams.

Ang story ay tungkol sa dalawang magkapatid. Ang isa ay may talent sa pagkanta habang ay isa ay average o normal lang. Naimbitahan yung talentadong girl para sa isang convention ng mga talentado. At doon sa convention naganap ang krimen. Isa-isang nananakaw ang talents ng mga pips.

Doon sa convention nalaman na may kung anong creature ang may powers para mang-nenok o mangharbat ng talents mula sa pips. So ang mga sumunod na nagyari ay nagpasya si talentless boy na sundan yung talent thief para maibalik ang mga nanakaw na talento kasi nabiktima din ang kanyang sister.

Bakit nagustohan ko yung book? Kasi in some point, nakarelate ako dun sa bidang lalaki. Wala syang talent but somehow he stayed positive. At kahit doon sa talent thief, parang na-touch ang emotion ko dahil naghangad lang yung creature ng isang kaibigan but sadly, ginamit lang sya. Basta. hehehe. Okay tong book na to. Nung nagse-search nga ako ng pictures e ang lumabas na result ay mukang balak gawing movie tong book na to. :D

score: 4/5 :D

TC muna!

Friday, January 7, 2011

Kung Makakain Lang ang Bawat Pahina ng Libro


Nahabaan ba kayo sa title ng post na ito? Well, wala tayong magagawa dyan kasi ganyan talaga kahabs ang name ng book na aking ibibida for today.

Ang featured book natin for today ay isinulat ng author na nagngangalang Kiko Ansing. Well, sounds like kiko matsing pero yan talaga ang nakalagay sa cover ng book so deadma na lang. 

So kung hihimayin ang book, ito ay tungkol sa pakikibaka/ pakikipagsapalaran ng bida sa mundo ng pag-aaral. Bakit? Kasi dito ilalahad ang kwento ng isang estudyanteng napilitang pumili ng landas na tatahakin sa kolehiyo at napadpad sa kurso para maging teacher. 

Teacher/ guro/ professor, sila ang mga taong gumagabay at nagtuturo sa mga estudyante. Sila ang kadalasang humahawak o kumokontrol sa marks ng mga students. Pede silang mamili kung kwatro or kwarto. Sila ang nagbibigay ng mga assignments at kung anong eklat tulad ng mga reports and everything.

Bakit ko nirerekomenda ito, kasi maganda ang pagkakalahad at pagkakakwento ng buhay na tinatahak ng mga bayaning guro. Ewan ko, natouch ang puso kong bato este tagos hanggang buto. Inspiring at realistic.

Mabibili ito sa National bookstore at mura lang, wala pang 100. Sulit ang pera nio.

Friday, November 19, 2010

Khanto Pick: Bakit Nagtatawa si Satanas?


Last Tuesday, habang ako ay na-pre-occupied ng kung ano-anong task tulad ng paglalaro ng naruto-arena, paglalaro ng dragonica, panonood ng korean drama at pagkain ay nagdesisyon akong magpunta sa friendly malls sa ortigas upang sulitin ang aking restday at makapagbayad na din ng bills sa aking internet. At since dumaan din ang inaasam ng mga employees na araw ay nagpasya na din ako na lumibot at mag-gala sa bandang Megamall. 

Wala akong makitang magandang bilin dahil wala padin yung hinuhunt ko na laruan kaya nagpasya akong dumalaw sa National Bookstore at tumingin ng librong maaaring basahin. At doon ko natagpuan ang isang librong itim na nabigyan ko ng pansin.

It took me 2 days to read the book kasi hating-hati ang aking atensyon sa mga bagay tulad ng work, blog reading, manga reading, online games at family matters. Pero since natapos ko na, heto ang munting buod o plot ng book.

Pag nadedo ang isang tao, ang katawang lupa ay iiwan soul pero parang may katawang lupa padin. After nun, may pila balde ang mga kaluluwa before going sa destinasyon. Dadaan sila sa screening commitee kung saan ineevaluate sila para malaman kung anong biyahe ang pupuntahan nila. To the left to the left ba kung saan mapapadpad sila sa Impyerno kasama ang mga demonyo. To the right to the right ba kung saan matatagpuan ang gates of heaven. O baka naman in between o ang purgatoryo kung saan ang undecided ay kailangang magcommunity work muna bago makapasa sa right corner.


Sa libro makikilala si Boss Tani o taning o Lucifer o kung ano pa mang name nia. Dito malalaman ang kanyang strategy para makarami ng makokolektang madlang pipol sa kanyang kaharian.

Ang librong ito ay nakakaaliw at may tama tungkol sa mga bagay bagay tungkol sa society. nakakaaliw din ang ilan sa mga tauhan tulad ng mga sidekicks ni Boss Tani. Ang maganda sa libro ay may konting illustrations din na nakakapagbigay ng kulay sa pagbabasa.

note: Ang mga larawan ay pinicturan gamit ang cellphone for blogging purpose.

Saturday, June 19, 2010

Khanto Pick: Proud Callboy!



Bago ko ikwento ang kaganapan sa unang araw ng 9th Toy Convention na naganap kanina sa Megamall ay una ko ng ibloblog ang tungkol sa isang libro. Ang libro na ito ay ang karug ng callwork, ang Proud Callboy!

Riiiiing....... Riiiiiiing!
Khanto: 'Tenk yu por coling churbaloo char suport, dis is kanto, may i ask por yor pers en las neym?'
Caller: 'what did you say? what's your name again?'
Khanto: 'waz yor nem! ma nem is KHANTO!'
Caller: 'I'm having a hard time understanding you. You got a bad line. Are you from India?'
Khanto: 'Sori, dyu to tiknikal dipikulti, yor anebol to hir me, col us bak agen. tenk yu'

Ako si Khanto, isang proud callboy! Hindi katawan ang aking puhunan. Boses lang major asset ko. Boses palang, U-L-A-M na! Pak! Di yan totoo. Nagsisinungaling ako tungkol sa boses ko. Pero isa akong Proud Callboy o isang taong nagtratrabaho sa field ng mga telepono. 

Stop callin', stop callin', I don't wanna think anymore!
Eh eh eh  eh eh eh eh eh eh, stop telephonin me!

Ang featured na libro sa aking blog ngayon ay tungkol sa mga taong nagtratrabaho sa field na tinatawag na contact center o pag binanggit ng mga agents ay "KOL SENER". Eto ang book 2 ng Callwork na aking na-feature noon(di ko na maalala kung anung month.).

Katulad ng sa naunang book, ang librong ito ay tumatalakay sa mga bagay-bagay na pinagdadaanan ng mga taong nasasangkot sa field. Nariyan ang mga kakaibang applicants na tila jobhoppers. Merong kwento about different customers. May kwentong tungkol sa mga irritating clients at nakakabadtrip na mga supcalls. Mababasa din ang anik-anik tungkol sa rotating shifts, mga boss at kung ano-ano pa.

Anong difference nito sa unang libro? Well, nag-evolve ang kwento ng madisolve ang isang account. Hephep hooray ang mga bida sa naunang libro dahil akala nila, new environment na, new head, new team lead pero iba talaga ang inog ng mundo, bumagsak nanaman sila sa piling ng isa't-isa.

Sundan ang panibagong yugto sa mga characters at damhin ang mga pinagdadaanan ng mga taong nabibilang sa field ng "col sener".

Bili na ng kopya ng libro sa halagang 150 lamang. Maaaring mabili ito sa mga National Bookstores nationwide(ata).



Sinuwerte ako at ng aking binili ang libro ay nandun mismo ang napakabait na may akda na si hazel manzano. Wow! Di lamang dedication, may kasamang caricature pa ang pag-sign nia.

The best!


Wednesday, June 16, 2010

Khanto Pick: The Fallen



Nabili ko ang librong 'Fallen' kasabay ng librong 'Ligo na u, lapit na me'. Di ko muna binasa kasi parang ang haba kasi makapal ang libro. Iniwan ko lang sa bag ang libro habang naghahanap ng tyempong idle sa opisina at walang ginagawa. Doon ko sinimulan ang pagbasa ng libro.

Ang librong ito ay nagawan na daw ng tv series base sa wiki. Noong ko lang napag-alaman na dati na din pala ang librong ito, ang librong aking nabili ay pinagsamang kwento ng book 1 at 2. wow! 2 in 1!

Ang kwento ng Fallen ay tungkol sa lalaking sumapit sa ika-18 kaarawan. Doon nia natuklasan ang kawirduhan sa buhay nia. Natuto syang makipag-usap/maintindihan ang kahit na anong lengwahe, kahit salitang hayop. Isang araw, habang naglalakad ay may isang matandang parang taong grasa ang nagsabi na isa siang Nephilim o anak ng mortal at ng anghel.

Natuklasan ni Aaron (pangalan ng bida) na sia ang posibleng nasa propesiya na mag-uugnay muli sa mga anghel na itinakwil ang kanilang kakayanang lumipad at ninais na mamuhay sa lupa kasama ng mga mortal.

Sa kwentong ito, ang kalaban ng bida ay isa ding Anghel na nagngangalang Verchiel. Isa sia sa warrior angel na gumawa ng sariling disisyon na patayin ang mga Fallen angels o ang mga tumiwalag sa langit.

Ang librong ito ay magkukuwento ng pakikipagsapalaran ng bida kasama ang asong si Gabriel at ang isa ding Fallen angel na si Camael upang maisakatuparan ang propesiya.

Tuesday, May 25, 2010

Khanto Pick: Ligo na Ü, Lapit na me!



Matapos kong mabasa ang kaning lamig at ang peksman, bumili ako ng iba pang librong mababasa. Tumambay ako sa best seller sa robinsons galleria para makapag-book hunt ng maigi at makapag silent reading sa first part para malaman kung exciting ang libro o hindi. Di ako nahirapan sapagkat nakita ko ang second book ni Eros Atalia. Ito ay may pamagat na 'Ligo na u, Lapit na me'.

Mas nagustohan ko ang pangalawang libro kesa sa una kaya sya nakasali sa khanto pick. Ang librong ito ay prequel ng peksman kasi ito ay naganap habang ang bidang lalaki ay nasa kanyang college days. Ang kwento ay magsisimula sa kwento about ethics class na kinabibilangan nia. Kasunod-noon ay ang makulit na pagtatanung ng kaklase na si Jen kung anong petsa magandang magpakamatay. Iikot ang kwento sa kung ano-anong topic tapos babagsak sa main story ng bida, ang pagkakaroon ng Friend with Benefits (hindi daw fuck buddy). Dito ilalantad ng bida kung pano nia nameet ang magandang si Jen samantalang di naman daw biniyayaan ng face value ang bida. Isasaad din ang mga slight escapades nilang dalawa as friends/Kalaro.

Sa gitna ng kwento ay magtatapat na ang bida na nahulog na ang loob nia sa babae subalit bago makapagtapat ay binunyag ni Jen na buntis siya sa ibang lalaki. Boom! Wapaks! Kablag! Gumunaw ang mundo ni guy. Nawala bigla ang perslab nia. Graduating sya pero malungkot kasi wala na ang friend/ love nia. Paano sia magmomove-on? Paano sya makakalimot? kaya nia bang limutin ang una sa halos lahat ng bagay sa buhay nia?

Ang librong ito ay magbibigay ng ligaya, wild imagination at konting pait ang lungkot habang susubaybayan ang takbo ng kwento sa buhay ng bida.

Saturday, May 22, 2010

Peksman! Nagsisinungaling ako!



Di ko mapaliwanag kung bakit nahihilig nanaman ako na magbasa at bumili ng libro na pedeng basahin. Siguro ay dala ito ng pagbloblog kasi napupukaw ang damdamin kong magbasa ng mga entries o magbasa ng kung ano-ano. Marahil kaya din ako nahihilig magbasa kasi medyo madalang ang calls, nakakabagot na mag-facebook at nakakatamad na ang manood ng tv o gumala sa mall.

Peksman! Yan ang pamagat ng librong aking binili kasama ang naunang aklat na naibida sa blog na ito(Batang kaning lamig). Ang may akda ng librong Peksman! Nagsisinungaling ako ay si Eros Atalia. Honestly, ngayon ko lang sya narinig sapagkat tila bob ong books lang ata ang nabasa ko o harry potter books. But thanks to National bookstore at may new author akong matatandaan.

Ang kwento sa loob ng librong Peksman ay tungkol sa author(ata) na nagsasalaysay ng mga bagay-bagay na kanyang nakikita at napapansin sa paligid. First part ng story ay tungkol sa lalaking nakikipagsapalaran sa lansangan at naghahanap ng Trabaho. Susundan mo ang kwento hanggang makadating na siya sa opisina, iismolin ng guard na akala mo ay si taguro sa smalltime applicants at nagtratransform kay sailormoon sa todo-porma na applicants. After ng eksam, iikot ang kwento sa biyahe pauwi at ang tungkol sa mga magulang nia na pinag-prapray over na magka-work na sya.

Okay ang libro kasi madaming pananaw ng author. Matututo ka sa realidad ng buhay-buhay at ng ibang anik-anik. Though may part na di ko na nagets- Ang 1/6 ng libro, sa bandang huli ay tila out of the story na kaya di ko na tinuloy; ang overall ng content ng aklat ay masasabing pasado.

Thursday, May 6, 2010

Khanto Pick: Mga Kwento ng Batang Kaning lamig



Kanina ay ipinakita sa akkin ni spiderham ang sequel ng callwork na aking nai-feature dito sa blog ko. Grabe, may book 2 na! Chef! Nakaka-excite! Sabik na akong mabasa ito pero pila-balde na! Andami na ang nais din magbasa kaya pumasok ang envy sa isip ko kaya napag-isipan ko na after shift ay bibili din ako ng librong iyon. Hayun na nga at gora na ako sa national bookstore sa ever gotesco pero shet, wala. Fly me to the moon at lipad ako sa next national bookstore. Shet parin na malagket, wala din. Tanghali na, ayoko na, choose another nalang. biglang.........Boom! Mga Kwento ng Batang Kaning Lamig  ang bumulaga sa akin.

Binili ko ang librong ito at binasa. Okay sya though di sya tulad ng style ng Proud Callboy na dapat kong bibilhin ay keri lang. Ang librong ito ay kwento ng isang lalaki na nagdecide na lumipad patungo sa america. Hindi sya tipical na libro kasi hindi sya kwento pero di rin comiks. May part na question and answer na mula sa readers ng author na humihingi ng walang kabuluhang payo o kaya ay out of the blue question. Habang binabasa ang libro, nakakaaliw at nakakatanggal ng stress kahit paano. Di ko masyadong inirerekomenda tong librong ito sa mga madaling mandiri sa mga salitang kulangot, betlog, at kung-anu-anu pa.

Friday, February 19, 2010

Khanto Pick: Callwork



Friday nanaman at ngayon ay arw na pedeng gumala kung ikaw ay nasa normal working days. Sa akin, isang thursday after-shift lang ngayon pero ako ay nagtungo sa mall upang palipasin ang init ng kapaligiran.

Imbes na pumunta sa paborito kong mall na Megamall, napagpasyahan ko lang na tiyagain ang Robinsons Galleria dahil nakakatamad maglakas sa init ng araw papuntang Megamall o kaya ay sumakay ng Fx. Sa umpisa ay tumigin lamang ako ng bookshelf na may glass para gawing lagayan ng laruan ko subalit sa bandang huli ay tumambay ako sa Book Seller sa 4th floor ng Gale.

Dati na akong tumatambay dito upang makabasa ng laruan dahil dito ay di gaanong matao di tulad ng powerbooks sa Megamall. Dito napagpasyahan kong magbasa-basa ng libro o kaya comics tulad ng pugad baboy na kadalasan kong binabasa. Pagdating sa humor section, na-curious ako sa librong tumambad sa aking harapan, ito ang librong Callwork. Ang librong aking nasilayan ay isang comic strip tungkol sa buhay call center at siyempre dahil ako ay halos considered na part ng call center since nagcacalls ako, ninais ko itong basahin.

Ang kwentong ito ay tungkol sa mga buhay-buhay na pinagdadaanan ng mga employees at supervisor ng callcenter. Makikilala nio ang mga tauhan na marahil ay kumakatawan sa mga taong sumabak sa gantong linya ng trabaho. Ipinakita sa libro ang mga paghihirap ng mga applicant na ayaw mag call center pero doon din bumagsak. Dito ay pinakita din ang mga applications ng mga taong nag-aapply sa position, mga noobs, bobingka, callcenter hoppers at kung-anu2x pa. Ipinakita din ang mga nagiging working attitude ng mga agents na na-iirate o umiinit ang ulo na dahilan din ng mga tumatawag. May part din tungkol sa mga rason ng mga empleyado na mag-absent at minsan mga resignation. May part din tungkol sa lovelife ng isang supervisor at agent kung saan kabit si babae.

Natapos ko ang libro sa loob ng 45 mins. kasi medyo fast reader ako at habang binabasa ko ay talagang nakakarelate ako. Matatawa ka sa mga kakaibang lines at kung anu-anu kaya ang librong ito ay aking bibigyan ng rating na 4.5 out of 5! wagi!

Sakto na pinikturan ko ang sarili ko kanina habang suot ang headset ko.
 Sign ba ito na makikita ko ang libro?