Showing posts with label naruto. Show all posts
Showing posts with label naruto. Show all posts

Sunday, April 14, 2013

Naruto the Movie: Road to Ninja


Hey! Warrap guys! Superb Sunday para sa inyong lahats! Hope ay naeenjoy at happy kayo this day since eto kadalasan ang araw ng inyong pahinga and time for family.

For today, ang peliks ay mula sa isang kilalang anime.... ang Naruto. Ito yung peliks na currently ay nipapalabas sa mga selected SM Cinemas. Kung nabasa mo ang title ng post na ito pati yung picture sa itaas ay tinignans mow, then dapat alam mo na ang pinaka-pamagats ng peliks.


Sa mga interested sa peliks na ito at may balak manood, then, i suggest to skip the part kasi syemps, iwewento ko na ang kaganapan ganyan. Tas pano pag sensitive you sa spoiler, baka mag laslas-bigti much ka.... lols
.
Ang wento sa peliks na ito ay syempherds, tungkol kay Uzumaki Naruto... Ang self centered feelingerong blond ninja. 

Nag-eemote kasi si Naruto dahil lonely is the night siya. Samantalang ang mga friendships niya ay may mga family and happy-happy.

Tapos hetong si tomboyish with superhuman prowess na ninja girl named Sakura medyo na-aannoyed sa kanyang peyrents. ganyan.

Then, one day, habang nagkekembutan ang dalawa (joke lang, walang ganap na ganun.... hahahah) habang nag-uusaps ang dalawa (Naruto and Sakura), lumabas si Uchiha madara (the kontrabida) at nilagay sila under some kind of trance or jutsu.

Napunta sa isang alternate world ang dalawa kung saan ang mga bagay-bagay ay exact opposite ng current world nila. Yung mga ugali at characteristics ng mga friendships nila ay nag-iba. Tapos, sa world na ito, si Sakura ang naging walang pamilya samantalang si Naruto, ayun, di na siya lonely, kasi may mudrax at pudrax na siy.

At di ko na itutuloy ang neks na kaganapan para medyo badboy. hahahah. 

Ang peliks ay bibigyan ko ng 8.7. Okay naman for me ang ganapan pero ewan ko, hahahah, nababadtrip minsan kay Naruto, parang ansarap tadyakan at ingudngod sa pader at gamitan ng kagebunshin technique x2 x2 x2 x2 at bugbugin.

Mga okay na eksena for me, yung nagsilabasan ang mga frog summons ni Jiraiya, yung mga opposite attitude ng ibang ninjas sa alternate world at ang paglabas ng akatsuki.

Own opinion: Though okay sa sinehan, e kung may downloaded copy na at libre, bat pa magsasayang ng chuhandreds....

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care coz i Care! :D

Wednesday, January 5, 2011

Naruto-Arena's 2011 Characters

I'm over Dragonica na. Itinigil ko na ang paglalaro ng mmorpg na yun dahil di na kaya ng aking sun broadband. Nababadtrip lang ako sa sobrang lag at madalas madedbols kaya napagpasyahan ko ng ihinto ang kahibangan. So since scratched out na ang Dragonica, tinangka ko naman mag facebook applications katulad ng cityville at monster galaxy. Since medyo lag din doon ay naghanap nanaman ako ng mapaglilibangan kapag restday. Kasawa na ang plantz vs. zombies kaya nag-try nanaman ng iba. Until napadpad uli ako sa dati kong nilalaro, ang naruto-arena at nagulat ako sa new characters na inirelease. So may game na ulit akong lalaruin. :p

For today's post (na dapat para sa Jan. 4 post), ang aking ibibida ay ang mga new characters ng game.Ang mga new characters ay galing sa chapters kung saan sinugod ang konoha ng mga akatsuki specifically ni Pein.

1. Yamanaka Inoichi- Siya ang father ni Ino at ang leader ng intel squad ng Konoha.
2. Inuzuka Tsume- Ang mother ni kiba. Same type, may personal dog as partner sa laban.
3. Akimichi Chouza- ANg tatay ng chubby na si Chouji. Same type, kayang lumaki at mag-expand.
4. Morino Ibiki- ang torture specialist sa bayan ng Konoha.
5. Fukasaku and Shima- Ang magjowang palaka na nag-train ng sage mode kay Naruto
6. Nagato- Isang member ng akatsuki na may Rinnegan eyes.
7. Preta Path Pein- Ang puppet ni Nagato na kayang mag nullify ng justu
8. Human Path Pein- Another puppet ni Nagato. Ang mind reader at intel type.
9. Deva Path Pein- Isa pading puppet. Kayang mag-attract at repel ng mga bagay-bagay.
10. Naraka Path Pein- Kayang mag-interrogate at magtanggal ng life o magbigay life.
11. Asura Path Pein- Another pein in the ass. Ang pein na puro hidden weapons sa katawan.
12. Killer Bee- Ang 8 tailed beast na mahilig mag-rap
13. Sennin Naruto- Ang Naruto na natuto ng gumamit ng natural chakra. Slight Sage mode. 

Since back to night shift na ako, mukang eto na lamang ang kakaririn ko muna. TC.

Saturday, November 27, 2010

Naruto Shippuden UzumakiI Kenran Emaki

Sabog nanaman ang aking isipan at walang maisip at walang maikuwento. Ngayong araw na ito ay babalik ako sa Laiya Batangas upang makijoin sa outing ng previous team ko dito sa opisina. So for today, update lamang ng new toy ng naruto.

Action figure ng Naruto ang featured today. Actually, similar lang ito dun sa Naruto swing na pinost ko last time pero ang difference ay larger version ito at hindi cellphone strap.

1. Naruto
 
2. Kakashi
 
3. Minato
 
4. Sasuke
 
5. Bee



Enjoy your weekends guys!!! :p


Wednesday, November 24, 2010

Naruto Shippuuden Chakra Swing

Lahat ng nasa isip ko ay di ko pa magawang maisulat marahil dahil jampak pa at kailangang i-sort out muna bago makabuo ng kwento. So habang di ko pa nagagawang ikwento ang karug ng  pagpunta sa batangas, heto muna ang capsule toy ng Naruto.

Ang featured toys for today ay ang Naruto Shippuden Chakra swing kung saan makikita ang mga chakra techniques ng mga characters. All in all ay may anim na design subalit dalawa ay same character lang at kulay lang ang pinagkaibahan.

1. Naruto

2. Sasuke

3. Kakashi

4. Bee

5. Kyuubi

6.Kyuubi 2



Tc! :D

Wednesday, August 25, 2010

Naruto Sippuden Strap 7



Panahon nanaman ng bagong release ng loaruan o cellphone strap sa bandai-asia.com. Walang gaanong bagong nakakapukaw ng aking hilig sa anime pwera dito sa Naruto shippuuden na cellphone straps. May anim na characters lamang sa new release nila. Heto na ang mga designs.

Naruto

Minato

Kakashi

Sasuke

Suigetsu

Karin
 
Ilalabas marahil ito sa september o kaya ay mga october ng 2010. Usually ay 100 pesos ang isa at random ang design na makukuha sapagkat ito ay capsule toys.

Sunday, July 25, 2010

NARUTO SHIPPUDEN DEFORMER FIGURE COLLECTION 3


Tapos na ang larawan ng mga laruang One Piece kaya heto naman para sa mga fans ng ninja na si Naruto. Galing din ang larawang ito sa Bandai Asia site. Enjoy. :p


Friday, March 19, 2010

NARUTO SIPPUDEN DEFORMER FIGURE COLLECTION 2


Sa parehong website na Bandai-asia.com, nagrelease din ang Naruto ng kanilang toy figure. Inilagay ko sa blog ko ito dahil alam ko na marami-rami din ang fanatic ng naruto. Ang Naruto figure nila ay most on the story ni Naruto at kay pain at kasama na ang sasuke story.