Hellowwwww, charmaiiiiiine! charots, di ko pa po nakikita yung taong inutangan ako tapos tinaguan ako lols.
Anyway highway, its been a while since last post ko and maygas, last pebrero pa pala ako nagsalitype! Kaya pala puro agiw at alikabok ang bloghouse na ito.
Anyway, para sa araw na ito, ang post ay isa nanamang review-reviewhan ng isang peliks na super fresh pa at di pa namumula-mula ang mata at pinkish pa ang kulay (parang isda at baboy lungs). Eto ay ang pelikula ng pinagsama-samang mga heroes (hindi Angeles ang apelyids). Avengers Infinity War.
Ooooooooh! Isang malaking shoutout sa mga taong allergic sa spoilers, mag ALLERTA kayo!!! charots! Shet! Syempre paaalisin ko na kayo ng very politely sa blog ko.
O, sa mga di shokots, heto na, Heto na, heto naaaaaa.... Dooobieeeeeeee!
So magstart tayo kay Bluish-Purple Guy named Kyah Thanos na naghahanap ng bato. Nandoon sya sa place/ship nila Thor. Chuva-kuda-fight scene chenes.
Malalaman na nasa kanya na ang unang bato. Charots lang, yung purple na bato ang nakuha nia. Yung Power Stone.
Then ang target nia ay ang ikalawang bato, and eventually ay nakuha niya ito sa pagpatay sa isang Asgardian na di ko papangalanang Loki.
So at this point, makukuha na niya ang second stone. Ang kulay blue na Space stone na pede ding tawaging Brilyante ng Tubig.
Tapos si Thanos ay make utos sa kanyang mga alagads na hanapin ang ibang stones na ang dalawa ay nasa Planet earth.
Sa Earth, Nakay Dr. Strange Strange, calling Dr. Strange ang Green na stone na tinatawag na... Time Stone.
So nagkaroon ng bakbakans nanaman. Dr. Strange, Ironman and Spideyboy vs. kalabans. Pero medj nagtagumpay ng slight at nadala sa spaceships were meant to fly sila Strange Iron at spidey.
Sa kabilang dako, ang grupo naman ng Guardians of the Galaxy ay napadpad sa place ni Thor at nailigtas ito sa kapahamakan.
Nalaman nila ang balak ni Thanos so nahati sa dalawang grups para puntahan ang possible location ng isa pang stone at para daw magkaroon ng new Hammer si kyah Thor.
Sila StarLord and friends ay napadpad sa isang place at nagkaroon ng eksenahan para pigilan si Thor makuha ang isang stone. Ang stone na kulay pula na Reality Stone. Na-olats ang guardians dahil napasakamay na ni Thanos ang ikatlong stone.
Back to earth, ang kalabs ay hinahabol ang isang stone na nasa noo ni Vision-Mission pero ito ay prinoprotektahan ni Scarlet Witch at ng iba pang Avengers.
Into another, nalaman ni Thanos ang next place kung nasaan ang isa pang bato. Kasama si ate Gamora, nagpunta sila sa isang place at napag-alamanan na to get the next stone, kailangan may isacrifice na loved ones. Then plot twist, mahal pala ni Thanos as a daughtersi ateng G.
Thus napasakamay na ni Thanos ang ika-apat na bato na kulay pongkan na tinatawag na Soul Stone.
Then nasa final 2 stones na lungs. Naglaban ang sanib-pwertang group nila Ironman, Spidey, Strange, StarLord, Drax at Mantis pero di nila nakeribels ang power ni Thanos and thus napasakamay ang Time Stone.
Tapos may eksena na nakuha ni Thor ang new Hammer nia sa pamamagitan ng pagpunta nito sa isang place kung saan na meet niya si kuya Tyrion Lannister.
So climax na, nasa dulo na... Sa lugar ng Wakanda, dumedepensa ang grupo ng Avengers against sa kalaban na nais makuha ang last stone. Bakbakan gallore.
Ang way na naisip nila ay masira ang Mind Stone na nasa noo ni Vision.
Pero dumating na si Thanos. and so winish ni Vision kay Scarlet Witch na wasakin at durugin ang bato at kanyang singhutin char.
Nasira ang stone. Pero with the power of the Time Stone, nabuo ulit ito at nakuha na ni Thanos ang lahat ng bato.
At dito ko na bibitinin ang wento. Hahahaha.
Ang gondo ng film! Astig. Bakbakan kung bakbakan, may mga moments na mabwibwisit ka sa kalaban pati nadin sa mga bida hahaha. tanginaaaaa. Parang gusto mong diktahan ang mga heroes kung anong dapat gawin ganyan!
Shulit ang bayad ko sa Directors Club thingy para medj less tao sa loob ng movie house at walang maiingay na bagets at mga folks na over-reacting at kinda affected by emotions na pumapalakpak at napapasigaw at woooah sa mga eksena...
Ang score ng film na ito ay 9.8... Amazing! Pero sige, iround off nio na... 10.
Good movie, andaming ganap, nakaka-omaygash!
O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!
Pahabol, eto posters na nakita ko.
Andyan yung mga folks na makikita sa film!