Showing posts with label games. Show all posts
Showing posts with label games. Show all posts

Wednesday, January 5, 2011

Naruto-Arena's 2011 Characters

I'm over Dragonica na. Itinigil ko na ang paglalaro ng mmorpg na yun dahil di na kaya ng aking sun broadband. Nababadtrip lang ako sa sobrang lag at madalas madedbols kaya napagpasyahan ko ng ihinto ang kahibangan. So since scratched out na ang Dragonica, tinangka ko naman mag facebook applications katulad ng cityville at monster galaxy. Since medyo lag din doon ay naghanap nanaman ako ng mapaglilibangan kapag restday. Kasawa na ang plantz vs. zombies kaya nag-try nanaman ng iba. Until napadpad uli ako sa dati kong nilalaro, ang naruto-arena at nagulat ako sa new characters na inirelease. So may game na ulit akong lalaruin. :p

For today's post (na dapat para sa Jan. 4 post), ang aking ibibida ay ang mga new characters ng game.Ang mga new characters ay galing sa chapters kung saan sinugod ang konoha ng mga akatsuki specifically ni Pein.

1. Yamanaka Inoichi- Siya ang father ni Ino at ang leader ng intel squad ng Konoha.
2. Inuzuka Tsume- Ang mother ni kiba. Same type, may personal dog as partner sa laban.
3. Akimichi Chouza- ANg tatay ng chubby na si Chouji. Same type, kayang lumaki at mag-expand.
4. Morino Ibiki- ang torture specialist sa bayan ng Konoha.
5. Fukasaku and Shima- Ang magjowang palaka na nag-train ng sage mode kay Naruto
6. Nagato- Isang member ng akatsuki na may Rinnegan eyes.
7. Preta Path Pein- Ang puppet ni Nagato na kayang mag nullify ng justu
8. Human Path Pein- Another puppet ni Nagato. Ang mind reader at intel type.
9. Deva Path Pein- Isa pading puppet. Kayang mag-attract at repel ng mga bagay-bagay.
10. Naraka Path Pein- Kayang mag-interrogate at magtanggal ng life o magbigay life.
11. Asura Path Pein- Another pein in the ass. Ang pein na puro hidden weapons sa katawan.
12. Killer Bee- Ang 8 tailed beast na mahilig mag-rap
13. Sennin Naruto- Ang Naruto na natuto ng gumamit ng natural chakra. Slight Sage mode. 

Since back to night shift na ako, mukang eto na lamang ang kakaririn ko muna. TC.

Wednesday, December 22, 2010

Facebook App: Monster Galaxy

Hello mga ka-khantohan! wakekeke. sagwa palang pakinggan. :p Hello pips. Heto nanaman ako at magwewento lang ng kung ano. Wakekek. 

Facebook, ito ang social networking site kung saan pede kayong magpost ng inyong pictures, mag bigay ng mga status messages at siyempre ang maglaro. Sandamukal na games ang makikita sa facebook, may mafia-mafiahan, may tanim-taniman, at may poker-pokeran. Sa dami ng apps, shempre may variety ng games for different folks. For today, ang aking i-fe-feature ay ang game na Monster Galaxy.


Ang monster galaxy ay parang pokemon na may pagka-digimon. Ang goal ay magpalakas ka ng monster mo na tinatawag na Moga at manghuli ng variety ng moga. 


Mayroong 12 zodiacs at sa bawat zodiacs ay may 10 different monsters. Parang pokemon lang, gotta catch em all. May map kung saan ka maglalakbay ka at makikipag-battle at may home ka kung saan magrerest ang mga monsters mo.

Ang facebook app na ito ay sapat na kung nais mo lang pumatay ng oras mula sa pagkabagot. Kung pagod at sawa ka na mag mafia, mag farm, mag-poker, mag cityville, pede mo din i-try to! :D

Saturday, September 18, 2010

Mario!


Medyo madami ang idle at walang calls dito sa opisina kaya heto nanaman ako at todo type sa keyboard upang magkwento kahit minsan ay alam ko naman na medyo walang kwenta. Anyway highway, habang nagsesetup ako ng aking computer at naghahanda ng mga sites na akinng kakailanganin for work, napadaan ako sa yahoo. Dun ko nabasa ang hidwaan sa pagitan ni mariel rodriguez at toni gonzaga(showbiz?) at doon ko din nabasa ang pagdeny ni shaina magdayao sa issue ng vaginal lock nila ni john lloyd cruz(denial sa kati!). Pero di tungkol sa dalawa ang topic ko. Syempre, magiging Mario ba ang titolo ng article(talagang article?) kung hindi tungkol sa famous character na si Super Mario.

Actually, September 15 pa na post ung nabasa ko tungkol sa mario pero ngayon kop lamang nabasa. Ayon sa bali-balita, ang ever famous na tubero ay nakabenta na ng milyones na video game. At my next week daw ay 25 years na aking naka-jumper na pulang tubero. 

Para sa kabuuan ng balita, check the link.

Alam kong andami pang chechebureche kaya ang blog na ito ay magbabalik tanaw lamang sa Super Mario characters na inabutan ko (Mostly ung sa family computer lang at konti sa playstation1).
1. Mario- Syempre siya ang bida kaya nga named sa kanya ang game. Usually ay red ang jumper na suot nia. Medyo chubby chubby sia. Kapag nakaka-touch siya ng FLOWERS, aun, nagiging puti ang suot nia. Wird diba? Kung kelan humawak ng flower saka nagmumukang pure at inosente ang damit ng bida. 

2. Luigi- Ang nakababatang kapatid ni mario. Payatot at mukang lalampa-lampa. Medyo nerbyoso.  Ang kulay ng kanyang jumper ay green. Same din halos kay mario, mahilig sa flowers ang character na ito at nakakagawa din ng fireball kapag humawak ng flowers. 

3. Peach- Ang prinsesa at ang girl sa game. Eto ang madalas iligtas ng magkapatid na tubero. Ewan ko ba, lagi atang nakikidnap ang prinsesang ito. Laging nasa dulo ng game. Since prinsesa nga, common color nia ay pink with tiarra. Feeling ko nga, baka itong si princess ay may lihim na pagtingin kay Koopa kasi laging nagpapa-take out at laging nakukulong sa kastilyo ng kalaban.

4. Toad- Eto ang echoserang palaka este echoserang kabute sa game. Ang munting bata na may mushroom head. Eto ang batang laging eepal sa mario games kung saan sasabihin nia na ang prinsesa ay nasa ibang kastilyo na. pasaway much ang kabuting ito kasi laging basag trip, Sya lagi ang madalas makita sa kastilyo ni king koopa.

5. Yoshi- Siya ang pet-pets ng mga tubero. Di ko matandaan kung bakit napasama ito sa Mario series. Sia ang nagiging transportation mode nila mario. Ang parang donkey pero hindi na parang dino na ewan na ito ay helpful kasi kaya niang kumain ng mga pagong na kalaban sa game. After kainin, pede niang iluwa para makapatay din ng ibang kalabs.

6. Koopa- Si Koopa o kilala din as Bowser ay ang pinaka kontrabida sa mga mario games sa panahon ng family computer. Sya ang oversized pagong with spikes sa likod. Sya ang bossing ng mga kalaban. Sia ang promotor sa pagdakip sa laging nakikidnap na prinsesa. May kakayahang bumuga ng malalaking bolang apoy.

7. Kooplings- Sila ang mga tiyanak na anak ng boss. Samut-sari ang mga characteristics at powers. Kung anu-anung sanib at pwersa ang taglay at mga wirdo din katulad ng ama. Sila ang mga kinakalaban nila Mario bago dumating sa final stages ng mga game. Sila ang mga mini boss.

Naghanap ako ng mga imahe ng mga kalaban ni mario sa game at heto ang napulot ko:

Madalas na kalaban ay ung mga pagong, mini brown mushroom, ung pnat eater na lumalabas sa troso, ung plant na nagbubuga ng apoy, ung piranha sa tubig, ung kupal na nakasakay sa ulap at naghahagis ng spikes na kalaban at so on.

Para naman sa usual na pagpapalakas nila mario, heto ang larawan ng common boosters nila ni luigi.
Nakakamiss pala ang game. Sino ba ang may family computer dyan, palaro ako.

Monday, September 13, 2010

Changing Job


Noong una, okay lang ako na nagsosolo. Solo. Mag-isa. Kaya ko naman yun. Basta fight lang ng fight. Sugod lang ng sugod! charge lang ng charge sa mga hamon. Pero ewan ko ba. Ninais kong may makasama naman kahit paano pero tila di nila kailangan ang isang physically weak na katulad ko. Upon gaining experiences at natuto ng mga lessons at na-improve ko ang sarili, i decided to have my first job.

Torn between 2 options. Di ko alam kung ano ang aking pipiliin. Tatanggapin ko ba ang katungkulan na halos pareho lang sa aking ginagawa previously o sa may kakayanang sumuporta sa iba. Pinili kong mag-support. Ninais ng puso ko na maglingod at tumulong. Naghanda ako at ginalingan ko. Ewan. Nagpakadalubhasa naman ako pero tila walang nagtatangkang ako ay makasama. Tila ayaw nila ng help ko. Eto ako at aligaga at todo effort pero nobody wants my help. Nagkamali ba ako ng piniling landas?

After gaining more experiences. Nagpursige ako at nagpakahirap pero wala. Para akong tanga na nag-oofer ng support pero wala naman atang nangangailangan. Hays. So sad. For the past few days, i'm deciding to change job. I know na possibleng ganun padin ang aking kahihinatnan pero bahala na. Ayoko namang ma-stuck lang sa iisang puwesto. Nakakasawa na. kailangan ng growth. kailangan ng change. It is really time to move on a create another chapter. Oras na para simulan ang panibagong yugto. 

Konting oras na lamang ang nalalabi at lilisanin ko na ang plain support job na aking ginagawa. Umpisa na ng panibagong hamon. Panibagong obstacles na dapat lagpasan. Magsisimula na ang bagong kabanata. 

It's time to say goodbye........

Goodbye na sa job na Acolyte at malapit na akong maging Oracle!


Change job na!!!!!!!!

Ps. Pahabol:
Change job po sa kinaadikan ko na online game. Baka mabasa ng mga katrabaho ko at isipin nila na aalis na ako. :p heheheheh

Update:
Nakapag-job change na ako after ng 4x na nadeadbols dahil sa hirap ng quest. Buti nalang at may mga good samaritan na tumulong sa aking upang matapos ang quest ko.

Character ko.

Sunday, April 11, 2010

Naruto-Arena's new set of Characters!


Kagabi o mas maiging sabihin na kaninang madaling araw ay dumalaw ako naruto-arena upang silipin kung may pagbabagong naganap after nung huli silang nagdagdag ng 4 na characters. Di ako nabigo at nagrelease na nga sila ng 9 na tauhan na hango sa anime ng Naruto.



1. Jiraiya- Ang ermitanyong mahilig o ang matandang ma-el. Kahit na may pagka-porno at mamboboso itong taong to, magaling sya sa pagkuha ng data dahil isa siya sa mga legendary sannins.



2. Sage Mode Jiraiya- Eto ay ang form 2 ni Jiraiya kung saan ginamit nia ang nature element at binigyan siya ng kakayanan na i-improve ang malakas na niyang skills. Mostly powers from the frog ang gamit.



3. Sasuke- Ang echoserang si Sasuke na nagtraining sa kamay ni Orochimaru. Namaster na niya ang paghawak ng sandata o sword. Nag-improve na din ang lightning skills.



4. Suigetsu- Ang isa sa kampon ni Sasuke. May kakayanan na gawing tubig ang sarili. Nais niyang mapasakamay ang mga kakaibang swords sa ninja world tulad ng sandata ni zabuza at Kisame.



5. Karin- Ang babaeng nahuhumaling kay Sasuke. Parang another versio na sakura na hindi. May detecting skills at may kakayanan na magpagaling sa pamamagitan ng pagkagat sa kanya.



6. Juugo- Isa sa recruit din ni Sasuke. May cursed seal din na pakana ni orochimaru. May kakayanang mang-hawa ng cursed sealsa ibang tao. physically strong din.



7. Itachi- Ang kapatid ni Sasuke. May kapangyarihan na genjutsu o illusion techniques. Malakas din ang sharinggan power nia kasi mas nauna niang namaster ito kesa sa kapatid.



8. Konan- Isa sa miyembro ng Akatsuki. May kakayanan na gumamit ng papel o origami bilang sandata sa pakikipaglaban. Isa sa naging mag-aaral ni Jiraiya.



9. Pein- Isa din sa mga miyembro ng akatsuki. Sya ung akalang leader ng grupo. Malakas ang Rinnegan power. Isa din sa tinuruan ni Jiraiya.

Nakaka-excite maglaro at ma-unlock ang mga bagong characters pero tila kailangan kong bumawi at humabol sapagkat kailangan ko pang ma-unlock si Orochimaru bago ako makapag-umpisa sa kahit isa sa kanila. Bumaba pa lalo rank ko.


Thursday, March 4, 2010

New Characters: Naruto-Arena.com


Join Naruto-Arena.com - Your #1 Online Multiplayer Naruto Game !

Kay tagal ko na atang di naglalaro ng naruto-arena sapagkat na-adik ako at masyadong nahiang sa pagfafacebook, pag-plaplants vs. zombies at pagbabasa ng onemanga. Marahil nakadagdag narin sa pagkabored ko ay ang walang bagong characters na mauunlock o magagamit sa larong ito.

Sa di inaasahang pangyayari, noong nakaraang Feb. 22, mukang may panibagong character ang inilabas sa laro! Ang mga bagong tauhan ay binase sa isang episode ng Naruto Shippuuden kung saan ipinakita ang past life ni Kakashi at dito ay ipinakita din ang team nia.

Ang mga bagong tauhan sa laro ay ang mga sumusunod:



1. Young Kakashi- Ang batang kakashi na marahil ay kaedaran ni naruto noong nasa mga unang episodes pa lamang. Isa na siyang Jounin sa edad na 13. Dito ay kaya nia na rin ang Raikiri na signiture move nia.



2. Obito- Isa sa miyembro sa team ni Kakashi. Isang miyembro ng mga Uchiha subalit mukang di sya kaano-ano nila Sasuke. Si Obito ang nagbigay ng sharinggan kay Kakashi.



3. Rin- Ang babae sa grupo. Si Rin ang medical ninja sa team at ang may kakayanan na gumawa ng sariling pangalan.Si Rin ay di politiko. hahahaha.



4. Minato- Ang ama ni Naruto at ang ika-apat na hokage. Siya ang tinatawag na Yellow Flash dahil sa teleportation jutsu. Sya ang namumuno sa team ni Kakashi.

Ang totoo niyan ay isang quest lang ang gagawin mo sa bagong released na character sapagkat ang naunang talong character ay kasama na sa pagpipilian o starter characters. Ang pagpapaguran ko na lamang ay si Minato!


Friday, November 20, 2009

Pesbuk!



Facebook, ang social networking website na sumisikat ngayon.Ito ang website kung saan ay madami kang magagawa. Hindi lang ito ang site kung saan maaari mong hagilapin ang mga kaibigan at magkamustahan. Ito ay isang Site kung saan maaari mong gawin halos lahat ng gusto mo. Pede kang magpost ng shout-out tulad ng sa twitter. Pede ka ring magbigay ng message tulad ng friendster. Maaari ka na ding makipag-chat katulad ng YM. Puwede ka manood ng videos na galing sa Youtube. At higit sa lahat, busog ka sa dami ng pagpipiliang games para di ka mabagot.

Ngayon ay ilalagay ko ang applications/ games na aking nilaro sa facebook.



1. Mafia- Ang laro kung saan ang galing ay nanggagaling sa dami ng pamilya at kung ganu mo didiskartehan ang pagsasalansan ng skill points. Dito ay ang labanan ng dami ng kasangkapang mabibili tulad ng mga baril, ari-arian at sasakyan. Kakailanganin mo din dito ng mga regalo mula sa ibang manlalaro upang mapataas ang depensa at opensa upang talunin ang makakabangga.


2. Farmtown-  Ang laro ng mga mahilig sa kalikasan at sa pagtatanim. Ito ang laro kung saan ay kailangan mo na magbungkal ng lupa, bumili ng binhi, itanim, diligan at aangan ang pagbunga upang ibenta. Ito ang laro kung saan kailangan mong bantayan ang tanim upang hindi malanta.



3. Fish World- Ito ang kinahuhumalingan ng mga taong mahilig mangisda at mag-linis ng aquarium. Dito ikaw ay kailangan bumili ng itlog ng isda at pakainin ito upang mapalaki at maibenta sa mas mahal na halaga. Dito rin ay kailangan mong linisin ang tank kung hindi ay aamagin o lulumutin lang. Maaari mo ding dekorasyunan ang iyong lagayan ng isda ng naaayon sa iyong panlasa.


 4. Super Poke- Ito ang laro sa mga nais lamang mag-alaga ng hayop. Dito ay pakakainin mo, paliliguan, makikilaro at kikilitiin lang ang alaga. Maaari ka ding bumili ng gamit upang magdekorasyon at pagandahin ang tahanan ng nasabing alaga. Maaari ka ding maglaro ng petsketball.



5. World Challenge- Ito ang text twist version sa facebook. Katulad na katulad lang ng text twist subalit maaaliw ka sa ranking na itatawag sa iyo.


6. Cafe World- eto ang aking kinahuhumalingan ngayon. Ang laro kung saan ay meron kang maliit na cafe na kailangan mong patakbuhin.Kailangan mong magluto ng putahe, ihanda ito at ihain sa customer. Kailangan mapanatili mo na masaya ang tao para di bumaba ang service level.

Madami pang laro na halos magkakapareho lang ang tema, ang mahalaga ay naeenjoy natin ang bagong kinahihibangan, ang Pesbuk.