Showing posts with label reviews. Show all posts
Showing posts with label reviews. Show all posts

Sunday, November 6, 2011

Movie Marathon

Kamustasa kalabasa? Okay naman ba kayo dyan sa inyong mga kina-uupuan? Weekends pa din so dapat ineenjoy nio yan. lols :D 

Eniway, knows ko na medyo di nio feel ang horror movies na tinatampok ko dito sa aking bahay kaya naman ay ginawan ko na ng paraan. Isasabay ko ang horror peliks sa ibang peliks para naman may option kayo. Yan ha. :D

Weekend ispeyshal this kasi di lang isa. di lamang dalwa.... kundi...... taklo! 

1. Finding Mr. Destiny (Genre: Light Romance)


Eto ay isang korean movie. Eto ay tungkol sa isang babaeng nagpunta sa India to soul search. Tapos nung na-meet nia na si mr. destiny nia. Then After ilang years sa tulong ng father nia, sila ay nagrequest sa newly created company na umaalalay hanapin ang mga pers lab ng people. At dito mamemeet ni girl si Boy (ang tutulong sa paghahanap kay Mr. Destiny). Syemps ang mangyayari ay majujulog at mafafall si Boy sa tutulungan niyang girl.

Iskor..... 7.8. Medyo typical story kaya so-so lang. Ewan ko. Slight kilig lang at medyo walang sparky moments.

2. Who Are You? (Genre: Horror)


Isang Thai film. Eto ay wento ng babae na nagbebenta ng........ hindi laman kundi dvd na puro laman..... isang porn seller ng thailand si ate. Pero wala much kinalaman ang work nia. Ang story kasi ay meron siyang anakish na lalaki na nagkolong sa warto sa loob ng 5 years! imagine 5 fucking years! Nakaka-usapp lamang ng nanay nia yung junakis sa pamamagitan ng sulat na sinusuksok sa ilalim ng pinto. Ang kababalaghan ay nag-start ng may nagtangkang imbistigahan ang batang nagkokolong sa warto.

Iskor: 8. Medyo nakakagulat ang mga panyayare at kakaiba ang twist ng wento. Kaso medyo naguluhan ako sa very last part. wahehehe.

3. Ultimate Survivor Kaiji (Genre: Crime/Thriller)


Eto ay isang Japanese film. Isang binatang considered as loser dahil mahiraps at baon sa utang. One time, binigyan siya ng pagkakataon ng isang loan shark para mabayaran ang mga utang kung sasali siya sa isang game. Hindi reality show yung game... Eto ay gambling game na kung saan ang matatalo ay magiging aliping saguiguilid  panghabangbuhay ng isang cult na nagtatayo ng fall out shelter. Dito ang bida ay matututo kung gaano ka-unfair ang life.

Iskor: 9. Mataas kasi kakaiba for me yung plot ng wento. hehehe. Saka medyo eye opener yung detalye na ginawa nung kulto atsaka yung nangyare sa mga slaves. Basta... watch it! :D Based pala ito sa manga ng Japan.

But wait wait... Read in the next 5 minutes and you will get another movie........ ABSOLUTELY FREE!!!

4. Tropical Malady (Mythology/Gay)


Thai movie na sinuggest ng binibilhan ko ng dvd. Eto ay wents tungkol sa isang village person na nainlababo sa isang thai soldeir. Eto din ay wents ng isang shaman na kayang magshape-shift something.

Iskor: 3. Wahahaha. Totally not worth it for me. Finast-forward ko to. Pakshet na nag-recommend nito. Dapat di ko binili. Pero based sa rotten-tomatoes... may mga nagbigay ng good scores. Ewan. hahaha.

For a limited time offer...... i will include an additional movie with no extra charge! Isn't that amazing?!!!!

5. Chocolate (Genre: Action)


Thai movie ulit. Woops. Wag mag-iskip read dahil okay na okay this kesa sa naunang freebie review. 

Eto ay tungkol sa isang babaeng miyembro ng syndicate at tumiwalag dahil nakipag-keriboomboom-pow si girl at may sex scene. Tapos nagkaroon ng anak si girl na may autism. Nagkalayo ang magjowa at naiwan si girl at anak. Ang anak ay natuto sa surroundings ng Muay Thai (thai boxing) at naka-adapt sa mga nipapanood na fighting shinanigans. And thus mag-uumpisa ang fighting eksena kasi maniningil ng kaperahan ang bata sa mga groups na may pagkaka-utang sa kanyang mudra.

Score: 9. hehehe. Bihira me manood ng action pero nagustohan ko tong peliks na to. Kahit medyo kita yung special effects ay namangha me sa husay ng bakbakan. Panalo. hehehehe. A must watch. (from the creator of Ong-Bak daw [di ko pa napapanood yun])

O cia, sobrang habs na ng movie special na to. TC. Enjoy the weekend!

Friday, August 26, 2011

Final Destination 5


Kahaps, in celebration ng 2 years in blogging world (me ganun?), ako ay nagdecide na ilibre ang sarili at manood ng sine. Wakokokokk. May ganun pa akong nalalaman e minsan naman talaga nanonood me ng sine mag-isa. :p

Well anyway, ang showing for this week ay Tween Academy, Cars 2, Conan, one day at Final destination 5. Ayoko ng tweeny thingy at one day at di ko kilala mga characters ng cars 2 so namili ako between Conan the Barbarian or Final Destination 5. And since napanood ko yung FD 1 - 4, napagpasyahan kong panoorin ang 5th installment ng movie.

7:30pm ang screentime sa Megamall pero mga 7:10 palang ay halos itaas na pwesto ng sinehan. And then nagpakita ng mga next attraction na movie tapos ........ cheneng!!! umpisa na!

Stop reading na kung ayaw ma-spoil tas comment na lang. lols. Pero kung gusto nio talaga... basahin na ang karugs!

Like the previous movies ng Final Destination, eto ay tungkol sa isang freakt aksident na papaslang at kukuha ng mga kaluluwa ng mga tao. At sa aksidenteng magaganap, may isang tao na magkakaroon ng premonition tapos mag-chechenelyn at makakatakas sa kapahamakan. Though nakaligtas sa kuko ng tagasundo ni kamatayan, di padin sila makakaligtas kasi iisa-isahin sila.

Kung ang movie 1 ay tungkol sa plane crash accident; Ang movie 2 ay isang traffic jam accident. Ang ikatlong peliks naman ay naganap sa amusement park at ang pang-aps ay sa race track, for the pip, eto ay bridge accident.

Maganda ang movie kasi madugo at gruesome. Lols. I like yung mga freaky accident na ipinakits nila sa peliks na ito tulad dun sa naaksidenteng gymnast, naaksidente sa spa at yung pano nateypowks ung mga character during the premonition. :D Ay, like ko din yung twist sa dulo. wakokook.

lowlights (wow, me ganto na?), Antagal ng slight ang opening credits. Tapos medyo di ko na-feel yung eksenang papatayin nung isang guy yung girl as sacrifice. Though may intensity, parang mas okay kung namatay na lang sa freak accident at hindi namatay dahil pinatay.

Score for this movie? mga 8. Ahahaha. I just love the bloodshed and creepy scenes. :p

So sa mga manonood, ihanda ang puso para sa mga nakakagulat na eksena at sa mga maseselan sa mga madugo at nakakaderder na eksena, magbaon ng plastic at baka masuka :p

Hanggang dito na lang muna mga pips :p TC!

Monday, May 2, 2011

Khanto Review: Thor Movie

 
Bago ko simulan, umpisahan ko muna ang blog post na ito sa isang news. Hindi tungkol sa replay ng walang kamatayang kasal ni Will and Kate. Hindi rin sa resignation ni Merci. Mas lalong pagkadeds ni Obama Bin Laden. Eto ay tungkol sa kapitbahay namin na dinakip na ng pulis dahil nakasaksak sya. (after 10 years na walang katapusang pag-aamok at pagpuno-sa blotter ng baranggay.) Happy Yipee Yehey ang buong neighborhood kasi mawawala na ang pasaway na neighbor.

Okay back to regular blog story na. As i always start my post kapag may review, may babala sa mga nais manood ng sine at ayaw makinig este magbasa ng kwento. Kung ayaw nio, pede skips reads tapos koment lang kayo ng nice post o kaya, xlinks please. Joke! Subukan nio lang gawin yon, di ko na kayo bati. Ahihihih. joke lang.

Okay na ba? O yung gustong magproceed, simulan na natin ang review. Bwahahahaha. Let's get it on!

So if curious kayo kung ano ang istorya ng Thor, dont worry, wento ko ang version ko ng summary. Eto ay tungkol sa dimension ng mga Asgards na nakipagwar sa kaharian ng mga popsicles. And then pinamana ang trono ng king sa isa sa anak nia which turns out to be Thor ang mahilig sa Thoron. E medyo feelingero masyado ang supposedly king at nagbalak ng war against the frost pips. Aun, nagalit ang aringkingking at vinarnish este vanish si Thor at napadpad sa earth.

Nung nasa earth, na meet nia ang isang girlash na medyo naakit sa katawang hunky-hunkihan. Tinulungan nia yung guy na mabawi ulit ang kanyang palakol ni Diva (hindi ni Jacob Lusk). 

Back to the kingdom, ang brotherhood ni Thor ang naging haringkingking. Tapos nagkaroon ng almost sabwatan between the brother named Loki at ang hari ng mga yeloman. Aun. Tapos nagkaroon ng laban ng magkapatid tapos ayun. nag flash na ang names ng mga kasama sa movie at mga director and everything.

Kung nagtataka kayo kung bakit ganun kwento ko, syempre para may suspense at para manood kayo. Ano ako, spoiler much? 


So kung irerate ko ang movie na to, bibigyan ko to ng 8.8/10 na score. Wag na kayong umapela kasi blog ko to. Kung gusto nio i-round-off, fine! aarte nio lang ahahaha!.

Kung uusisain nio pa me kung bakit otso ang kartada ng pelikula ay dahil okay ang special epeks. Galing ng pagwawarp nila from dimension to another. Okay din ang fight scenes katulad ng mud fight ni Thor at nung isang sundalo sa earth.

Kaya din otso-otso ang score ay dahil medyo nakornihan ako ng slight dun sa parang epek-epek na katulad ng excalibur. Isa pang reason ay di din gano nahighlight ang mga friendships ni thor, konti lang ang screentime nila.

If i'm asked kung karapat-dapat bang panoorin ito sa sinehan at iwasan naman ang download at pirate, ang masasabi ko ay oo. Sulit namans ang i-pepey nio sa movie house. Lalo na, nakaka-excite din mapanood mga trailer ng ibang movies like Captain America, X-men at Kung Fu panda 2. Aehehehe.

O sya, hanggang dito na langs muna. Tatapusin ko lang muna ang Ice Age 2 sa tv5 at matutulog na me.

Ingats mga pips! Bukas ay Yipee Tuesday na!

Wednesday, April 20, 2011

Khanto Review: Source Code


Medyo Busy ako for today dahil ngayon ang day na naka-toka ako para maghandle ng sales call. Demn. Kung kelan nag-iidle saka ako ang laging magkaka-call. Wakekeke. Anyway highway, andito nananaman ang khanto review upang syempre mag-review ng movie. Kung nagsimula kayo sa title ng blog, natural, may clue na kayo kung anong movie ito. Pak Pak, My doctor Qwak! Joke. Syempre Source Code ang movie for today.

As other entries ko, pagdating sa movies, may option kayo kung gogogo or go-home na! Pag takot kayong makabasa ng review kasi may plan kayong manood nito sa sinehan mamaya or sa DVD this holy week, seympre ang advise ko ay click the red X button sa upper right and please come back again later. :p Pero kung feel niong magbasa, let's get it on!

Umpisahan ko muna kung bakit ako nanood nito. Last monday, niyaya kami ng ka-opis ko na manood kasi narinig nia na maganda daw. Since wala akong gagawin nun time na yon, at di ko pa alam na nanakawan na pala kami, agree ako sa movie time mode. So after shift ng mga makakasama ko ay go na sa sinehan ng megamol.

Eto na, ang buod ng wento (khanto kwento mode). Tumakbo ang story tungkol sa isang lalaking di nag-aahit ng balbas na bigla na lamang nagising sa isang choo-choo train. Tapos tapos windang si guy kasi di niya knows kung bakit andun sya at sino mga kasama nia. And then, poof. They became coco crunch. Nadeds sila kasi may bomba.

Tapos Pagmulat ng mata, diretcho sa kubeta, nagbabatibots. napunta sya sa isang chamber of secrets na parang time capsule na ewan. Nalaman ni bigotilyo na kailangan niyang magback to the past para mag-Da Who ang bomberman na nagpa-explosibong explosibong expose sa choo-choo train. Need nia ma-get get aw ang salarin para mailigtas ang lungsod ng townsville Chicago for a second bomb attack.

Ayun. Tumakbo ang kwento sa trial and error ni bigoteman para makuha ang phone number, tirahan, suking tindahan ng mambobomba (hindi yung naghuhubad ha!). Na-hilong talelong si guy na kailangan ng razor para mag-ahit kasi he is going back and port (parang umaayuda lang). And then sa huli, syempre, kailangan may ending, nalaman nia ang pes ng salarin at dun mapuputol ang kwento ko para may suspense sa pinaka ending.

Ang masasabi ko sa movie na to? Time spacewarp ngayon din! Lilipad-lilipad, Takure!!! Ayan. paulit-ulit. Paulit-ulit. Hahahah. E sa ganun ang wento, iyo-t iyun din. Sa maka-ilang try and try and always die ni koya, medyo may konting sawa factor during the airing time. De Javu!! 

Kung irarate ko sya, siguro bigyan ko ng otso-otso kasi nga medyo cyclical (oo, alam ko parang nirereword ko lang ang paulit-ulit). Pero imperness, maganda yung ending. Atchaka may pulot na lesson about living life to the fullest. Kung ako ang tatanungin, sulit ba ang pera na binayad? Sulit naman! 

So this is the end of the review-reviewhan mode.

Baka wala akong post sa mga susunod na days kasi uuwi me ng probinsya. Di pa inaabot ng technology much ang lugar namin kaya walang unli net ng sun cell at ng opis. So Pasensya na kung di ako makakapag bloghop or makakareply sa comments. BTW, bka may post padin na lumabas sa blog ko pero scheduled post yun.

Smile naman dyan and everything!!! hahaha. Wala akong pasok bukas. At mamaya DVD hopping ako sa Quiaps. :p

Saturday, February 5, 2011

Khanto Review: Bulong


Medyo tinamaan ako ng stress, ng depression at sadness last week after kong magkasakit kaya i decided to watch a movie. Oo, ako na ang madaming kaartehan sa buhay na nadarama right after sickness. Ano magagawa ko, tao lang. So anyway, Kahit medyo tinatamad ako sa antok ay nagpunta padin ako sa tambayang mall para dun sana manood ng movie pero amportunetly ay wala sa Megamall ang pelikula na trip ko. May feud padin ba ang star cinema at sm malls? So lipad ako sa kabilang mall at doon ko napagpasyahan na mag last full show sa sinehan. Thus, bumili na ako ng ticket ng pelikulang....... Bulong.

Woooops, kung may balak kayong manood ng bulong at ayaw nio ng ni katiting na detalye ng movie, pede nio muna isara ang browser o kaya skip na at dun sa dulo ng post ipagpatuloy ang pagbabasa. wahehehe.

Sabi nga sa kanta ng Pusakatdals, Be careful what your wishing for because you just might get it, cause you just might get it, coz u myt jas gerit. Eto ay tungkol sa isang kasabihan about wishing sa patay na magiging another genie-geniehan. Si Konan na ginampanan ni Vhong Navarro ay na-inlababo sa girlet na wala namang type sa kanya. E nalaman niya yung pamahiing ewan na bubulong sa dedbols kaya ayun, nag dead hunt sya para makapag careless whisper at mag wish. But apparently, may naging kapalit ang wish niya. And thats for you to find out.

Kung irarate ko ang movie, bibigyan ko ito ng kartada otso hanggang 8.7. Madami-dami ang nakakatawang eksena at medyo okay naman ang mga horror/gulat scenes. Maganda din ang takbo ng wento nia kaya may kataasan ang score.  May mga misses lang kaya naging otso. Nakapanira kasi yung digital graphics sa bandang huli. Pero though iba ang naging takbo ng wento kumpara sa preview, mas on the good side naman ang difference kaya oks naman ang score all in all.

To end this review, eto ang isang quote na napulot ko sa isang bookstore habang naghahanap ng librong pedeng mabasa na maaaring mairelate sa movie na bulong. 
'Each Laugh makes you 10 years younger'.... Nood na para matawa at mawala ang problema.

Tuesday, December 28, 2010

Khanto Review: RPG Metanoia

Tinatamaan na ako ng kasipagan kaya kahit wala pang 24 hours ang last post ko ay heto na ako at magwewento na. Kung ang last post ko bago mag hiatus ng ilang araw ay tungkol sa mga pelikulang kasama sa MMFF, ngayon naman ay time para mag review ng isa sa pelikula. Nahirapan ako between Tangina este Tanging Ina or RPG pero ang pusong gamer ko ang nagsabing mag-go ako sa animation film so heto ako at magbibigay ng review-reviewhan about sa film.

RPG is RPG
Rocks!!!
Panalo!!!
Ganda!!!

Elibs ako kasi gawang pinoy ang film na ito. Mag maganda sa mga previous animation film na pinakita sa pinas na gawang pinoy. Okay sa olright ang kwento at bagy ang mga cast.

Heto ang summary ng kwento: Isang bata-batutang madaming muta ang adiktus sa onlime game na Metanoia. Sa pagiging adiktus sa game ay wala naman siyang experience na nakukuha sa real life. Then na-meet niya ang isang girl na binigyan siya ng sexperienceexperience na maging tunay na bata na nakakapaglaro outside the online world. But then, syempre, dapat may part na nasa panganib ang bida. So eenter naman ang isang virus na itatago ko eklatus virus na ang ginagawa ay malulong ang mga players sa game. Parang na-hypno ang kanilang brains at tulala sa computer screen. So syempre, kailangan ng mga heroes at to the rescue na ang berks ng bida. the end!

Heto ang mga mukha ng mga atistang nagbigay ng buhay sa mga animated characters.


May isang character na walang picture. Yung character pa naman na iyon ay naging part ng fight squad na kumalaban sa villain. Ang may power na bato-bato-pik. Mukang si Igi boy ng yun kung ang pagbabasehan ay ang sa pic sa facebook.


Btw, ang mga larawan ng mga characters na nag-dub sa movie ay kinuha ko sa facebook page ng metanoia. Pede niong i-search sa fb.

Para sa palabas na ito, bibigyan ko ng 9 khanto points (wow, may ganun ng epek sa review). Nagustohan ko kasi yung part na nagbigay info na ang mga chikiting patrol ay dapat matuto ng ibang games kahit na medyo old school. They should get a life and gain experience outside the game. Kaya din mataas ang score ay dahil sa ganda ng powers nung magician type character sa game. Nerf side lang ay kulang ng poster pic para dun sa isang character. Na-sad lang ako kasi good role din yun tapos walang poster.

For the creator of RPG, kudos!

Next stop na movie at ang Tanging Ina. Di ko alam kung sa movie house ko pa to papanoorin or mag-aantay lang ng downloads. :p

Wednesday, November 10, 2010

The Switch

 
Days ago, ng nakita ko na may bagong entry si Sendo, napadpad ako sa kanyang blog. Doon ko nakita ang movie na 'The Switch'. Hindi na bago sa akin ang name ng movie kasi 2 weeks na akong may dvd pirate copy ng movie na yun pero wala akong time manood at nakatambak lang sa bahay. So dahil ipinaskil nga ni sendo ang tungkol dun ay nagkaroon ako ng chance na isalang ito sa dvd namin at panoorin.

Ang wento ay tungkol sa magbessie na boy at girl. Si girl ay di na makapag-antay ng magiging jowa at hubby kaya nagplano siya na magpasalaksak nalang ng spermy ng donor sa kanyang pechay. Si boy naman, medyo ayaw sa ideya ng friendship niya pero no choice siya at dumalo nalang sa preggy party ng friend. Sa kasamaang palad ni mariang palad, nalasing si boy at aksidenteng natapon ang punla at ang mala-shampoo cream ng donor ng shamoods at para nobody suspects ay nag mariang palad si boy at nireplace kaya ngathe switch. Hayun. Boom! doon nagtapos ang synopsis.

Well, medyo may karugs pa pero it's up to you to find out more para naman may exciting. Ang movie ay okay at ang bata ay ubod ng cute. Nakakatuwa kasi nag-jive yung mag-ama even na si child ay di niya knows kung sino ang real papa-bear nia. 

May isang line sa movie ang tumatak sa isip ko while watching. ito yung kataga na sa araw-araw daw, ang mga tao ay nagmamadali. Ang mga tao ay nag-uunahan na parang nasa karera, kaya nga siguro tinawag na 'Human Race'.

O siya, siya, babays na muna! TC!

Saturday, June 19, 2010

Khanto Review: Toy Story 3



1:30 na ng umaga at heto ako, nagpupumilit mag-internet kahit nasa impluwensya ng tama ng alak. Thank god its friday ang drama kasi last day of work for the week at long weekend dahil balik night shift na ako sa susunod na linggo. hephep, hooray! At dahil biyernes kanina at eto ang araw ng showing ng Toy Story 3, minarapat namin na manood nito. Ang destinasyon, Sta. Lucia mall sa Cainta.

Bago magsimula ang movie proper, may small animation ang pixar. Ang kwento tungkol sa Night and day. Nakakaaliw na ewan. Di ko na makwento kasi nakalimutan ko na. kelangan ko na ata ng memoplus gold. pak!

Kahit di ko napanood ang part 2 nitong movie na ito ay keri lang! Ayun. Tantararan! Nag-umpisa na! Action ang umpisa sa laban ng mga villains na sila potato man at potato woman kasama ang mga alien with the evil piggy bank. Ang heroes naman na cowboy and cowgirl with the galactic space ranger ang kakalaban sa masasama. Then boom-boom-boom. Naging matanda na ang owner ng mga toys. Enter to collegehood ang drama at wala na pakialam sa beloved toys nia. Ang mother dear ng teen ay nag-ask to mini-mini-mayni-mo kung ano ang ilalagay sa attic, dadalhin sa college at ibabasura. Napili niang ilagay sa attic ang toylets nia subalit nakalimutan nia at inakalang junk ni mother goose. Aw! Napadpad sa daycare ang mga toys!

Tampururotching ang mga toys sa amo nila kasi akala nila wala silang halaga sa bata. Tanging si Woody (bidang cowboy) lamang ang nagtiwala at nagpumilit na bumalik sa owner nito. The rest, nabulag sa promise ng leader ng toys na bear subalit nagkamali sila. It's hell! Ang mga chikiting patrol na maglalaro sa kanila ay ing tipongimpakto at impakta sa mga laruan. Walang pakiama kung masira, madurog, magasgasan o madurog ang laruan.

Tumakbo ang storya sa planong makabalik ng mga toys sa owner nila at in the end, having a new home kung saan sila ay naaapreciate at aarugain.

Para sa akin, ang nakita ko sa kwento ng toy story ay ang pagbabago. Things changes. Ang bata, lalaki, tatanda. Thing won't be the same but things must go on and continue. Eto ang aking napuna noong ibinigay na ng bidang bata ang kanyang priced possession sa another generation na makaka-apreciate sa laruan.

Ewan ko, naka-relate ako sa bata. Noon addicted ako sa toys pero nung medyo lumaki, tila unti-unti ng nawawala ang hilig(except ng ma-adik ako sa one piece). Biglang nagflashback ang mga kinolekta kong 101 dalmatian sa mcdo subalit wala na kasi nabaha at napabayaan ko. Napaisip ako kung anu kaya ang nadama ng toys ko ng malunod sila ng baha. Magiging bitter din ba sila tulad ng bear na nasa kwento?

Another na nakita ko sa kwento ay ang moving on. Masakit para sa mga laruan ang pagiging balewala sa amo nila pero they are still toys at kailangan na nilang makahanap ng new environment. Dito pumasok at sumapol sa kokote ko na parang in real life, pag-ayaw na sa iyo, kelanagn mong bumitaw at hahanap ka ng tatanggapin ka at bibigyan ka ng halaga.

For me, Ang toy story ay bibigyan ko ng score na 9 dahil nasiyahan ako at na-touch sa kwento ng mga laruan na naghanap ng kalinga dahil tila nababalewala. Heto pa ang mga factors kung bakit 9 ang score.

1. Ang landi ni barbie! Nakakatawa ang part nila ni ken!
2. Natawa ako sa first part na tila na-hijack ang tren at ang mga pasahero nito ay mga trolls!
3. Ang kulit lang ni Mr. potato, kayangsumanib sa parang piyaya/dough at pickles.
4. napaka-conyo ng triceratops, nakikipag-chat sa ibang toys!
5. nakakatakot na ewan ung giant baby doll!
6. Naiiyak ang isa naming kasama sa sinehan!
7. Nakakatawang sumayaw ng spanish dance si Buzz Lightyear!

I recommend this movie sa mga taong nahihilig sa toys at lalo na sa mga taong dadalo ng toycon mamaya. Very swak lang sa mga events. Nice!