Showing posts with label book. Show all posts
Showing posts with label book. Show all posts

Monday, October 10, 2016

President Vice, Juice Ko Fu at Charotism

O, nagising na ba yung mga bumorlogs ng wagas nitong natapos na September? Kung hindi pa ay pakigising nga... anpetsa na, october na! 

Anyway, para sa araw na ito, hindi movie review-reviewhan ang ganap. Kundi book review. Oo, nagbabasa po ako ng books. Pero medyo trip ko minsan tagalog na libro kasi sa trabaho, pa-english-english na nga, so kailangang balanse.

Kanina habang nasa mall ay napadaan ako ng bookstore at napabili ng taklong books. (well, technically, last week, tinamad akong mapost). At yan ang bibigyan ng review.



1. President Vice


Ang libro ng aniz-anez kung magiging presidente ng Pinas etong si Vice. Naglalaman ng sandamukal ng meme and pictures and big fonts and stuff. Kinda boring at wala akong tawang naramdaman while reading and turning pages. Yung mapapasabi ka na lang ng 'K'.  Mas-funny siguro kung hindi mo babasahin at pakikinggan mo ang bitiw ng mga words/punchlines/jokes.

May markang 5 out of 10.

2. Juice ko Fu


Ang libro na inilabas ng radio personality na tagabulabog ng buong universe (May Ganon???), si Mr. FU. Nope, FU means FollowUp and not FaxU ganern. Eto naman ay compilation ng mga callers ni Mr. Fu na nanghihingi ng Umbrella na sa tagalog ay payo. Keri naman at may mga funny reply si Mr. Fu sa kanyang callers pero medyo nakaka-eartha (irita) kasi kadalasan ng topic ay sa pangangabet at kabetbets... like majority ay sa pagiging 3rd party at May Ganun???!

May markang 7 out of 10.

3. #Charotism


Ang bookelya na inilabas ng isang komedyanang itatago natin sa pangalang Ethel Booba (Booba, Booba, simpleng dalaga, kapag-umibig...MASUSTANSYA). It's a compilation ng mga funnty and witty tweets ni Ethel Booba sa iba-ibang paksa. Ang goood thing sa book ay hindi lahat ay galing sa twitter nia so di mo pedeng sabihin na nabasa mo na yung mga yon. Much better at mas may dalang katatawanan ang book na to Charots!

May markang 8 out of 10.

So sa tatlong libro, ang naka-pasa lang for me ay yung kay Ethel. pwede na yung kay Mr. Fu at i'm sorry pero di ko bet yung isa.

O sya, hanggang dito na lungs muna! Take Care!

Saturday, June 14, 2014

Everything I Need To Know MOVING ON I Learned From Papa Jack


Tapos na tayong mag movie review kaya jump naman tayo sa another review-reviewhan... This time, libro naman ang aking bibigyan ng review. Ito ay ang bagong aklat ni Papa Jack na may mahabang pamagat na 'Everything I Need To Know MOVING ON I Learned From Papa Jack'.

Familiar ba ang title? Kasi halos same ang name ng unang book ni Papa Jack. Ang unang book ay about Love. Ayaw mo maniwala? Pindot here. 

So this book is about MOVING ON! Oo, yung katagang laging dine-deny at hirap ang ilang tao na gawin. hahaha.

Ang libro ay naglalaman ng samut-saring quotes para sa pag-move on. Halimbawa na lang ng nasa larawan sa ibaba.


Meron ding illustrations tulad  ng nasa ibaba.


Indicated din sa book ang 12 shenanigans sa Moving On.

1. Goodbye!
2. It Hurts!
3. I Hate You!
4. It's My Fault!
5. I'm So Kawawa
6. I Miss You!
7. Is It Over?
8. You Are That Easy to Forget!
9.I'm Bitter Without You!
10. It's Over!
11. It's Over Na Talaga!
12.Starting Over Again!

Bibigyan ko ng 9.1 ang libro. Mas maganda na ang arrangements ng mga illustrations at transitions ng mga bagay-bagay na laman ng book.

However, for me, parang MAS madami kasing laman yung naunang libro kasi MAS broad yung topic. Saka siguro dahil di pa ako nakakaranas ng break up, ay walang epek much sa akin ang laman ng libro. hahaha

All in all, may latoy at keri naman ang halagang P143 petot for the book.

O sia, hanggang dito na lungs muna, Take Care folks!

Tuesday, February 4, 2014

Kung Paano Ako Naging Leading Lady

Zap? Hey! Howaryu? Ampayn-tenkyu? Ako? keri pa naman. Medyo waiting sa magiging kakahinatnan ng nangangambang mabagong Batanes Trip at possible plan na umuwi ng probinsya para sa burol/libing ng lola.

Pero heniway, ang mga bagay na di natin kayang kontrolin ay di dapat gaanong problemahin. Kaya today, magbook-review na lang muna tayo!

Nahanap ko ang librong ito last week noong nagpa-checkup ako sa akala ko'y sign ng dengue na rashes... Noong pagpunta ko kasi, tanghali tapos nung tignan ni nurse joy ang rashes, ansabi di daw dengue yun, so inendorse ako sa derma. Sabi 2pm daw ang start. Pero since medyo nakukutuban ko na na yung dermang paranag walang sense of time ay late nanaman ang umipsa.

So i make tambay sa National bookstore at na-kuha ang atensyon ko ng librong ito....


Catchy yung title kaya na-curious ako at binili dahil matatagalan ang pag-aabangers ko. So while waiting for the Derma, binasa at tinapos ko na ito.

Anong masasabi ko dito??? Okay for me.

Ang libro ay iginuhit ni Carlo Vergara na siya ding lumikha sa comiks na ZsaZsa Zaturnah.

Ang story ay tungkol kay Mely, isang chimi-ah-ah na isang kinda bread winner sa pamilya. Dito makilala din ang kapatid niyang si Viva na umalis sa bahay nila at nakituloy saglit sa kanyang ate.

Malalaman na ayaw ni Mely ng konti sa kapatid dahil dati ay napahamak ito sa trabaho ng magnakaw ito at yung amo ni Viva ay friendship ang amo ni Mely. Ayun... sisante sya.

Magugulo ang wento sa pagkakatuklas ni Viva na ang amo ni Mely ay mga superheroes. 

Di lang iyon... mas shocking ang eksena ng ang isa sa amo ni Mely na si Leading Man ay crush at type ni Viva. At di nagtatapos don, dahil si Leading Man ay may gusto pala kay Mely!

Ano ang ending???? secret....

Score sa book ay 8.8. Gusto ko yung naging storya. Maikli lang, walang masyadong other characters. Hindi malalim ang language except sa part sa bandang dulo na nag-iinglis na ang kalaban. Yung may zest of reality ang story kasi merong mga sibling ravalry and jealousy ganyans.

medyo bitin lang sa end pero siguro, ganun talaga.... hanggang doon lang... hindi happily ever after at tragic.

O sya, hanggang dito na lungs muna! Take Care!

Wednesday, January 8, 2014

Napakasakit, Ate ChaCha

Mustasa kalabasa? Okay ba kayo??? Ako? Oks naman! Lalo na at nagkaroon na kami ng shift bid for the month of Jan-Feb work schedule... Luckily ang aking restday ay natapat sa ilang dates na ako ay mag-le-leave kaya less days to file VL and more time to make VL sa future.

Heniway, walang kinalaman ang intro-intohan ko sa post ngayon. Nope, hindi po random ang post na ito kasi hindi mo naman nabasa sa pamagat ng post ang salitang random diba? So for today, tayo ay magkakaroon ng book review-reviewhan.
 
Since medyo uso ang mga radio DJ's to publish book, heto ang book review sa libro ng isang DJ... Eto ay ang libro ni DJ Chacha (dehins ko sya kilala since matagal na akong di nakakakinig ng FM radio at madalas ay Love Radio ang nipapakinggan ko sa mga jeepney).
 
 
Ang namesung ng book ay di naman obvious sa title ng post at sa larawan sa taas... Ito ay 'Napakasakit, Ate ChaCha'.

Ayon sa pabalat ng libro (naks, pabalat.... bagay na bagay sa larawan ng binalatang saging na hiniwa-hiwa), Ito ay usapang malikot, maharots at makirots. So... kinda naughty and kinky and something like that daw.

Ano ang laman ng book? Ito ay compilations ng naging topic or discussion ng Radio jock na si DJ ChaCha. ANg libro ay merong mga topic tulad ng mga Girl Code, Paano Mang-akit, Tamang luto ng relasyon, Something Fishy o Pagdududa or tamang hinala, Paano umiwas sa temptation island ganyan, sexcapades, usaping notes and flowers, kabet-pakbet and etc-etc.

An masasabi ko sa book?? Medyo akma ito para sa mga girly readers.... Why? Kasi ang topic much dito ay intended ata for girlaloo audience. Almost all topics ay sa mga gurls... sige... isama mo na din ang mga pa-gurls.

Based sa content... Sakto naman... Medyo naughty na di naman sobra-sobrang kawili-wili factor... may nakakatawang part at merong... meeeeeh (basahin na parang kambing ang boses)... It is just Okay... Its Suso este so-so... Hindi sya stunning on my own perspective kaya naman bibigyan ko ito ng score na boobies... (.)(.).... so ocho ang score... 

Note: Last december ko pa na-acquire ang book na ito at since di ako super enjoy or naaliw much, kaya ngayon lang nagawan ng post...

O cia, hanggang dito na lang muna! Medyo idleness kaya nagkaroon ng time magblog... 

Take Care Folks!

Wednesday, November 6, 2013

Diary ng Panget 4


Hey mga ka-khants! Kamusta naman! Midweek na at konting tambling at cartwheel na lungs ay weekends na! Ilang tulog na lungs at panggabi na me.... hello na muli sa convenience stores like 711 at minstop for dinner kasi sarado na ang mga paspuds.

Heniway, for today, book review-reviewhan nanamans tayo. Eto na ang ika-apat na bahagi ng Diary ng Panget. Oo, umabot na sa 4th book at finally, heto na ang wakas ng wents.

Hokey, san ba nagtapos ang book 3? Eto yung nagtapat na ng saloobin ang bidang lalaki na si Cross sa chakaness-ugly-duckling-turned-silver-swan na si Eya. Tapos he makes tanong kung pwede ba syang mag-lugaw este manligaw.

So sa book 4, heto na nga ang date-momentum ng dalawa. So kailangan may mga moments na parang aso at pusa at asaran padin at okrayan at alaskahan at insultuhan.

Taps, sa book na ito, eenter pa ang taklong characters. Una ay ang nasnip or cousin ni Eya na girlaloo na para ding cupid-cupidan ang peg. Susunod ay kailangang may kontrabids na sa cliche-ish story kaya dapat may matapobs na lolo ang bidang lalaki na ayaw kay poorits girl. And lastly, kailangang may kontrabida girl na fiancee-fianceehan kasi ipinagkasundo (you know.... the richy thingy deal para sa mga magkakasosyo sa negosyo and everything).

And so, dapat gets nio na ang pwedeng mangyare sa wento... Yep! Hadlang si Lolo, andyan ang impaktang girlay na hadlang din. Pero may new ally din naman ang bidang girl sa katauhan ng kanyang insan. Ipaglalaban ang langit-lupa-impyerno-im-im-impyernong relasyones. 

Nope, wala pong dancing portion na naganap sa wento kasi hindi naman ito peliks kaya wala ding moments sa beach! Hey! Libro kaya ito! hahaha.

Score???? Since, tapos na ang book.... sige, bibigyan ko to ng 8.8. Sareeeeeee.... Gusto ko mang bigyan ng 9, e di ko kaya... predictable kasi much at calculated na ang kaganapan. Ang ending naman ay sakto lang.... Medyo nakutuban ko na din.

pero all in all, oks naman ang book. Naitawid naman.

Pero after reading all 4 books, ang over-all comment ko ay.....

Sana pinublish na lungs na isang bagsakan. Medyo-kinda lugi kasi kung iisipin kasi 150 petot per book. So all in all ay roughly 600 petot yung 4 books. Pero kung nipublish sya as one, malamang sa alamang ay nasa roughly 250 petot lang sya katulad ng ilang books na na-publish na mula sa wattpad.

Kung balak tong gawing movie, sana hindi 4 parts! Kaloks, patatagalin pa. nyahahah

Yun lungs!

O cia, hanggang dito na lang muna ako! Tekker!

Thursday, October 24, 2013

Private VS Public

Wattpad stories, mukang uso ito lately kasi kadalasan ng mga librong nailathala at ibinebenta sa mga bookstores ay mula sa wattpad. Tulad ng Diary ng Panget, ang librong may review-reviewhan for today ay galing sa wattpad tapos inilipat at pinublish as a book.

Introducing 'Private vs Public'.

Medyo summarized detalye ng book:

Merong isang girlay na nag-aaral sa isang public school. Sumali sa competition ng mga school shenanigans at doon niya ma-mi-meet si conyo richy boy ng private school. Sa una syemps, parang shungang di magkasundo pero sa di kalaunan, laglag-panty-laglag-brief nahulog ang loob ng isa't-isa. 

IKR! Cliche-ish ang wents. Imagine the Poorita Corales si girlay tapos Richie De Horsie naman tong si guy. Tapos enter the richie friends ni boy. Yung moment na oks naman sa tropapips na richie na mainlababo ang kanilang friendship sa dukha and stuff like that. Some kinda plot ni Tangkay at Domengsu, Makino and Domyugi, Jan Di at Jun-Pyo.

Rate ng book for me ay 7. Sorry pero kasi for me gasgas-ish na yung storyboard ng rich-poor thing pero di nabigyan ng kakaibang flavor ang wento. Okay naman sana yung type of storytelling and narration prowess ng author pero parang super bilis, ang momentum biglang pak, nasa taas na tapos pak, nasa baba agad.

Though may kinda-twisty thing na gagawin sa ending at para sa new book kasi by huling pages, it turns out na mukang richie rich din pala tong si girlay pero di pa alam ng family ni boylet kaya no-no-no-no-way ang sinisigaw ng mapangmatang fam ni boy.

Predictable much ang ganap kaya napapa-skim-read ako. hahaha. 
Pwede na!
O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Monday, October 21, 2013

Unang Putok ni Wickedmouth

Kahaps, nagkaroon ako ng chance na maglakwatsa sa araw ng aking restday at magpunta somewhere to meet ang isang blogger na nabigyan ng chance na makapagpublish ng book. Ito ay walang iba kundi si Glentot ng Wickemouth.

Di lang yowns, kasama sa libro ni Glentot ay ang ang illustrations na gawa naman ng isang talentadong teacher na si Sir Mots ng Teacher's Pwet.

Sa may Trinoms, doon ako nabigyan ng chance na ma-meet personally ang author ng librong aking binili at ngayon ay bibigyan ng review-reviewhan sa aking bloghouse.

Matapos ang isang upuan ng pagbabasa ng book, heto na ang aking husga/review ng libro.

Charan!!! Tingnans ang larawa sa ibaba, hong-astig ng cover pic ng book. 

Front Cover pa lungs, kick-ass na!

Hokay, ano ang content ng libro? Curious kayo? Ows? Talaga? Sige na nga.... Sabihin ko na nga na ang laman ng libro ay naglalaman ng mga tunay na wents ng kabiguan, kahihiyans,kamalasans, katangahans at kamunduhans. Sabi nga sa back cover, may lesson din somewhere.... Basta!

Hets ang back design ng book

Score???? Walang pag-aalinlangang 10! WICKEDLY PERFECT ang score ng libro para sa akin! Yep! Perpeksyon at bonggang 10!

Iba talaga ang prowess ng pagsasalitype ni Glentot ng kanyang mga heksperiences sa life and stuff like that. Iba ang spunk at angas factor ng kanyang wento dahil sa mga 30+ na wento, di mo mafefeel na same-old-same-old type of choice of words ang gamit niya. 

Yung eksenang masama ang pakiramdam ko dahil sa sudden attack ng asthma ay nawala sa kakatawa sa wento (espesipikally sa part where Khikhi [ang tila soulmate siguro ni glentot nyahaha] is involved). Hahaha much while reading.

Walang snooze factor while reading the book at aside pa doon, aliw factor din ang mga iginuhit ni Sir Mots! Bangis at Wow factor ang kahusayan nia.

Yung halagang 200 petot sa pagbili ng book ay sapat na sapat na at sulit na sulit while reading it! Di mo to macocompare sa ilan sa librong na-feature ko na! At magandang klase din ang paper na ginamit (oo, minsan nakaka-factor ang paper lols)

Technically, wala pa sa mga leading bookstores ang libro nagyon pa lungs ay sinasabi ko na na kailangan at a-must ang makakuha ng inyong kopya.

Based sa blog ni Glentot, ang libro ay magiging avail sa ilang bookstores sa darating na 11.12.13 (oha! May ganung factor sa release date!) hahaha. At di lang yown.... may book signing na magaganap with the Sir Glentot at Sir Mots sa Nov. 16. 

Muli..... kailangan ninyong makakuha ng copy ng book na itow! Get-get-aw! lols

Hanggang dito na lang muna, Take Care folks!


Saturday, October 19, 2013

Men are from QC, Women are from Alabang

Kailangan may momentum kaya naman kailangan magbalik-sigla sa pagbloblog kaya heto ako at meron nanamang new post sa aking bloghouse.

Book review nanaman tayo. Ang librong ibibida for today ay ang gawa ni Stanley Chi (yep, yung gumawa ng suplado tips). Ang namesung ng book ngayon ay 'Men Are from QC, Women Are from Alabang'.


If nabasa na ninyo ang dalawang Suplado Tips ni Stanley Chi, well, sorta-kinda like that din ang libro ngayon. It contains things and anik-anik about understanding the opposite sex (as mentioned sa cover ng book).

It contains mga parang liners na pwede mong pang-istatus sa FB or sa chwirrer. Mayroong mga tila quotable quotes at comics thingy and stuff.

Infairview, it's funny naman at mas entertaining compared sa libro ni Papa Dan na ni-review ko kahaps. At dahil dyan, meron itong score na 8.5. Bakit ganun ang score? Kasi aside sa nabanggit kong mas okay sya sa libro ni Papa Dan, e mas quality paper na ang ginamit ngayon kesa sa Suplado Tips book paper na parang scratch paper type-ish na klase ng papel. hahahah.

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

Friday, October 18, 2013

Papa Dan's- Single But Never Alone

Medyo kailangan alisin ang katamaran sa katawan kaya dapat simulan na ang pagbabago at magbalik loob sa pagwewento ng anik-anik sa bloghouse na ito.

For today, tayo ay magkakaroon ng book review-reviewhan....

Naaalala nio ba yung mga book na napost ko na dati dito? Like yung Morning Rush, saka yung sa Tamabalan at yung kay Papa jack? Well, this time, another Radio DJ ang merong book na inerelease sa public... Eto ay ang book ni Papa Dan ng Baranggay LS...

 Ignore the Jollibee bed sheet background ng pic

Well, ano ba ang laman ng libro? Di ko masyarowng madescribe much..... Parang anik-anik ng tinatawag na pangmalakasan....sorry, di ko ganong gets.... 

It's kinda like listahan ng mga anik-anik na kakailangan mong malaman in the field of love and dating and stuff. It includes the introductions, japorms, the place to date and stuff like that.

Technically, catchy yung title ng book. Pero the content... di ko alam... Siguro dahil either di ako nakikinig sa kanyang show sa radio kaya aloof or di ko masakyan ang wavelength ng kanyang pag-iisip.

Also feeling ko masyadong tadtad much ng illustration ang book... Yung eksenang i don't know, overkill lang ng images.....

Sorry Papa Dan pero ang score ng book for me ay 7. Di ako na-entertain much. Konting tawa lang ata nagawa ko. mga haha lang at hindi hahahahahahahahahahahah. ganyan.

Doncha worry, malay mo papa dan, may ibang magrereview ng book mo na magbibigay ng mataas na score. hehe.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

Thursday, October 3, 2013

Tambalan: Nicole Hyala at Chris Tsuper


I'm back! Well! Meron pa akong ibubuga. Buhay pa ang will of writting. Burning passion is still intact! Kaya heto ako, tuloy padin sa pagsasalitype.

For today ibibida ko lang ang isang librong aking natagpuan sa aking peborit bookstore sa peborit mall.... Ito ay compilation ng anik-anik topic/usapan ng best tandem ng DJ sa radio... ito ay ang libro ng tambalang balahura at balasubas... Ito ang librong 'Tambalan: Nicole Hyala at Chris Tsuper'.

Di na ako nakakapakinig ng radyo so di ko na alam ang mga stuff at anik-anik ng magpakner pero base sa aking nabasa, still right on. Hokay naman tong book. 

For me, score of 9 for the book. Hindi lang puro talkish, meron ding caricatur-ish illustrations na nakakaaliw at hindi nakaka-bore.

Sayangs nga lungs at walang book signing... gusto ko pa naman makita ng personal ang tambalan. hahahahaha.

O sya, hanggang dito na lang muna. TC!

Thursday, August 29, 2013

Diary ng Panget 3

Hey there! Pahinga muna tayo sa blogpost ng Cebu trip ko at magfocus sa ibang bagay. hahahaha. For today, mapadpad naman tayo sa book review-reviewhan thingy.

Last tuesday after shift, nag-mall time ako para makapamili ng anik-anik at sa aking free time, napunta nanaman me sa bookstore to check for books. At sa di inaasahang pagkakataon, nashocks me kasi merong book 3 ng 'Diary ng Panget'. 


Eto na ang 3rd installment ng kwento ni Eya na tagged as the 'panget'.

Ang content ng libro ay nagsasaad ng slight conversation ni Eya at ng crush/boy bespren niyang si Chad. Matapos nun ay andun naman ang love-hate relationship padin ni Eya sa kanyang amo na si Cross pero tinatago niya sa codename 'Cookie Monster'. Then andun yung moment na ni-reject ni Cross ang girl na hibang na hibang na sa kanya na si Lory. Tapos may school festival sa school at nagkaroon ng Marriage Booth with fake wedding sa pagitan ni Eya at ni Cross. At sa huli..... ang eksenang legendary ball kung saan sinasaad na kung sino ang nakasayaw pagdating ng hating gabi.... pak... destiny chubaness.

Score: Back to 9 natin ang score. hahahaa.


Cutie kasi ng chibi drawings sa back photo ng libro. Maganda naman ang takbo ng story. Usage of words ay akma sa mga readers. Though cliche'ish na yung midnight ball thingy with a dash and pinch of twisty cinderella-ish kasi yung lalaki ang nakaiwan ng shoessy, hokey naman ang kinahinatnan.

O cia, hanggang dito na lang muna! Pag may time, basa-basa din ng books. heheheh. TC!

Saturday, June 29, 2013

Diary ng Panget 2


Ambilis ng bagay-bagay! Kung last month ay may na-feature akong libro, aba, one month after, na-release na agad ang karugs or ang book 2.

So heto na ang ikalawang kabanata..... Heto na ang Diary ng Panget 2.

Heto link ng book1


Heto na ang pagpapatuloy ng wento ni Eya na may pagkachakachakahan na nagtratrabaho bilang katulong ng isang richie guy named Cross.

Sa book 2 nagtuloy ang wento right after ng nakakahiyang maling pagtatapat ng saloobin between the other characters ng story. Imagine, nagconfess yung isang guy named Chad kay guy named Cross dahil ang akala niya ay yun yung crush niyang si Lory.

Medyo nagfocus ang book 2 sa somehow pagpapakita ng vulnerable side nung amo ni Eya na si Cross. Tapos isinaad din at diniscuss ang medyo love side ni Chad at ang love side ni Lory.

Score for the book ay 8.9..... 

Nabawasan ng .1 kasi medyo tame ang wento for book 2. Medyo so-so steady kinda thing lungs. Walang masyadong exciting na ganap at twisty thing compared sa naunang libro.

Pero still recommended padin ang book 2 kasi may continuity at nandun padin ang sparks between the characters.

Note: Wala na daw ata sa wattpad ang story so mukang sa book lang talaga maaabangan ang wento.

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

Friday, June 7, 2013

Fourteen Sundays

How can you forget someone who gave you so much to remember?


Hey! Musta na folks! TGIF!!! Last day of the week na!!! WEEKEND na bukas!!! Yahoo! Makiki-weekend happy-happy me kasi may nakipagswap sa akin ng restday, so instead of fri-sat, sat-sun me! I feel normal somehow!

Kung noong isang araw ay shinare ko ang book na 'A Hundred and One Reasons', heto at ishashare ko ang tila continuation ng book na iyon.... ang 'Fourteen Sundays'.

Spoiler.......... Namatay si Ann sa first book. Yeah... remember Ann (hindi Curtis ang apelyido), yung teenie-bopper na nagkaroon ng Big C? Yep, natigok sya unfortunately. Naiwan nia sa buhay ang kanyang family, friends and lover.

For the fourteen sundays.... eto ay ang somehow story ng mga mahal ni Ann sa buhay. On how they cope up sa pagkawala ng taong naging bahagi na ng kanilang buhay.

Dito malalaman na before matigok si Ann, ay gumawa siya ng sulat para sa kanyang mga espesyal na tao sa buhay niya kung sakaling mamatay man siya.

Ginawa niya ang mga sulat every sundays kasi may significant meaning kay ann ang araw na ito. Kung tatanungin mo ako, shet, memogap mode.... pasensya...

Sinulatan niya ang kanyang labiduds na si Stan, ang bespren na si Aya, ang pers kras niya na si Lee, ang mudrax, pudrax, si Enzo na naging parang 3rd love niya at ang kanyang brother na si James na tinuring niyang soulmate dahil close sila.

Kung ang score sa unang book ay 9, nakow, 10 ang book na ito para sa akin. Ewan ko ba. Grabehan ang emosyon na nadama ko while reading the story. Yung mas grabe ang pigil ko na maluha while nasa opis, nasa cube at nagbabasa ng book. Yung konting push na lungs ay kakawala na ang tubig na namumuo sa gilid ng aking eyes.

Though medyo tragic nga na natigoks si ann, it shows different perspective ng pag-cope-up at pag-move-on. Kung paano nagpatuloy ang takbo ng buhay ng mga tao kahit ang isa sa mahalagang parte ng buhay nila ay wala na.

Really recommend the book.....

O cia, hanggang dito na lang muna! Take care folks!

Wednesday, June 5, 2013

A Hundred and One Reasons

'You don't have to live forever, You just have to LIVE.'

Nice quote diba? Isa yan sa quote na nakita ko sa librong aking binasa kahapon habang medyo idle-idlean ng konti dito sa opisina.

Ang librong ibibida ko ngayon ay nabili ko pa last year pero ngayon ko lang siya tinapos. I don't know, medyo mushy kasi ng slight.

Ang pamagat ng libro ay 'A Hundred and One Dalmatian'. Joke lungs. ' Nabasa ninyo naman ang pamagat ng post ngayon diba? So, iyon nga ang title, 'A Hundred and One Reasons'.


Ang wento ay tungkol sa isang medyo bratinellish kinda umaattitude girl named Ann. Si girlay ay seventeen lamang at nasa kanyang teen years.... Yung medyo rumerebel mode ganyan at nasa panahon ng cruma-crush-crush and everything.

Things changed when nagkaroon siya ng suddenly moment..... Nope, hindi sya tinagusan sa short or di rin na rape.... unfortunately, nalaman niya na may sakit siya...... Big C...... zodiac sign..... CANCER (well, technically, leukemia).


Upon learning the news, suko na siya e. Pero she found ways to fight. Somehow, she had someone gave her reasons to live..... Ito ay ang bespren ng brother niya... si Stan.

*-*-*-

Maganda ang takbo ng story ng libro. Di nakakalito. Di malalim ang english (eto pala reason ko din bakit di ko agad binasa noon). Mahusay ang narrative.

Ang score for the book ay 9. Yep. 9! Mataas! Kasi nakaka-touch ang story ni Ann. Nakakaaliw din ang mga quotes na isinasaad sa bawat simula ng chapter sa libro. At ang nakapagbigay ng 9 na score ay halos maiyak ako sa cube ko while reading the book. Emergerd! Akala ko may tears na lalabas sa aking mata sa kurot na nadama while reading this.

Maganda ang librong basahin at di sayang sa oras.

At.......... Meron itong book2 na ibibida ko bukas or next depende sa mood kong magsulats.

O cia, hanggang dito na lang muna, Take Care.

Thursday, May 23, 2013

Ang Alamat nina Og at Ag


Thursday na! Woot! Isang araw na lang at restday ko na kahit isang araw lang dahil sa pakikipagpalitan ko ng araw ng pahinga last week. 

Anyway, for today, heto na ang ikalawang libro na nabili ko last time at napasadahan ko na at nabasa ko na at ngayon ay featured sa aking bloghouse....

So hetow na! Tarararaaaaaaaaaaaaaaaaannnn!!! Ang librong 'Ang Alamat nina Og at Ag'!

Ang libro ay magsasaad sa pakikipagsapalaran ng friendships na ancient human na sina Ag at Og. DIto isasaad ang kanilang journey at anik-anik kung saan may kinalaman sila kahit paano sa pagkakaroon ng alamat at simula ng pagtawag sa mga bagay bagay.

Sa libro malalaman mo ang mga alamat ng basahan, bato, tigyawat, sigaw, damo, apoy, kahoy, tinga, bag, siga, away, sinulid, paniki, matalino, building, taksil, balato sapatos, plato, halik, iyak, pantalon, sampayan, alambre, aksidente, lamp party at iba pa.

Score ng libro???? 7.5. Sorry..... ewan ko. there's something na di ko maexplain at di madadaan sa alamat kung bakit di ko gaanong feel ang nasasaad sa libro.

Technically, for me, hokay naman ang flow ng kwento. Ayos naman. Pero siguro.... since, sobrang dami ng alamat na isiniksik, at parang mahuhulaan mo na at maeespeculate ang next thing na kaganapan, parang nawawala yung ummmph... Parang walang kabog factor.

I don't know. Medyo off din sa akin yung attempt na pagiging greenish ng ilang lines pero medyo nakakaumay ang factor...... 

Di ko mawari kung masyadong mataas lang antas ng intellect ng writter at di makasabay ang jologs at medyo mababaw na pag-iisip ko.

Hahaahha.

And upon reading the book, napaisip ako.... hindi kaya ang constant at daily blogging ko at review-reviewhan ng books at movies ay possible na nakakaumay din sa readers. :(

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care folks.


Tuesday, May 21, 2013

Diary ng Panget

♫♪Pero kahit na pangit ka, akin ka
Ikaw ang baterya sa puso ko na makina
Kahit mukha kang paa, nakaka-loose ka
At least ikaw yung tipong paa na naka-foot spa♫♪

Hey! Zup guys?! Kamusta???? Okay naman ba kayo? For today, heto na ang unang book review mula sa mga nabili ko last time. 


Heto na ang librong Diary ng Panget!!!!!!!

Ang wento ay tungkol sa isang girlay named Eya.... 

Si Eya ay isang girlita na pasok sa category na Poorita Corales at Chaka Khan. May pagka-cinderella kinda aura dahil aba ang lola mo lapitin ng pogi at mayaman na mga boylets. Aba..... ang haba ng ng pubic hair..... mula Batanes hanggang Jolo! Sarap kalbuhin.... lols.

Score ng book???? 9.....

Technically, gusto ko yung manner ng narration ng wento. Hindi siya nakakaantok at di ka hihilahin to skipread. Though cliche much ang takbo wherein may isang chakabels na nakakaakits ng mga stunning guys, di naman OA sa pagkakaroon ng Langit-Lupa-Impyerno gap kinda-thing.
 
Ayos din ang flow ng story though it's a bit predictable ng slight yung ibang kaganapan pero nice naman.Bakit may bawas na 1 point? Pano, bitin!!! Maygawd.... gusto kong mabasa ang karugtong!

Good read ang libro at recommended. Btw, sa Wattpad daw nag-originate ang wento, so kung tipid-tipiran ang peg, search nio na lang siguro.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

Friday, February 22, 2013

Para sa Hopeless Romantic

TGIF! O ha, palapit na ang restday sa ilan sa inyo. Pero mauuna na akong magpahinga at magchill-chill kasi restday ko na sa araw na ito. Medyo makulimlim ang kalangitan kaya mukang tambay sa bahay muna.

Last week, kasabay ng pagbili ko ng libro ni Papa Jack, hinunt ko yung 2nd book na nakita ko noon sa Powerbook Greenbelt. Wala sa Bestseller sa Galleria kaya fly ako sa Megamall. Buti meron pang stock. Aun. Nakakuha din.

So for today, heto ang featured book....... "Para sa Hopeless Romantic".


Ito ay magsisimula sa wento ni boylet1. Nagkaroon sya ng pagtingin sa kanyang kaklase sa college na si Maria. Pero nachochorpe sya. Kung kelan nagkaroon sya ng guts na ipagtapat ang saloobin niya... saka pa sya naaksidente.

Wooops... hindi dyan magtatapos ang wento. Dahil ang totoo nian, ang story ni Maria at ni Boylet1 ay isang story na gawa ni Becca (hindi yung Becca ng PitchPerfect). Si Becca kasi ay iniwan ng kanyang boypren at di maka-move-on kaya naman ang story na ginagawa ay tragic. Walang happy ending.

Pero magbabago iyon dahil sa kanyang kausap via chair vandal. May nakakausap syang boy mula sa pinagsusulat niya sa upuan. Parang nagkakaroon ng new hope. Pero paano kung biglang eeksena ulit ang ex. At it turns out, mahal nia pa din ito kahit di niya aminin.

Meron nga ba talagang destiny? Merong second chances? Meron bang tadhana at kapalaran? Ito ay malalaman sa wento.

Score: 9. Maganda ang klase ng narration at pagbuo ng istorya. Hindi gaanong magulo ang flashback-present-flashback scenes at mahusay ang pagkakatumbok ng kwento. Magaling ang pagbuo ng concept at pasok na pasok at check na check ang story.

Sa halagang 150 petot, sulit ang pera sa mababasa. Maganda din ang quality ng papel na ginamit pati ang front cover. :D

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care! magdala ng payong kasi umuulans na!

Sunday, February 17, 2013

Everything I Need to Know About Love I Learned From Papa Jack!

Papa Jack- Yang sa famous radio DJ sa bansa. Kung hindi mo sya kilala, dalawa lang ang kasagutan, either nakatira ka sa ilalim ng bato na walang radyo or masyado kang conyo na nasa altasasyudad  at mga bollywood folks lang ang kilala mo.

Si Papa Jack ay kilala dahil sa kanyang radio program ng Love Radio kung saan nagbibigay sya ng mga love advice atsaka nakikipag usaps sya sa mga callers na magcoconfess ng kanilang kembot sessions ganyan.

ngayons, mukang hindi lamang on air ang pagbibigay love advice ni Papa Jack.... aba... may libro na din sya! 


Kahapon ko unang nakita etong libro sa Powerbooks pero kanina ko lang sya nabili. And para bonus pa, may book signing pa kanina at napirmahan yung kopya ko. hahaha. 

Ang libro ay may mga quotable quotes para sa mga single, inlababo, problemado sa relasyones at mga laslasbigting mga tao na brokenhearted ganyan.

Score: 9.2! Taas. Bukod saayos ang contents at quotes, ayos din sa akin yung mga illustrations na kasama sa loob. Alam mo yung nagbabasa ka ng book na hindi boring at nakaka-entice magpatuloy sa pagbuklat.

Sample:

-When we fall in love, we see more than flowers, laging may butterflies

-Have faith sa relasyon ninyo na kahit wala kang makitang daan. Blindly you will go on, because true love comes in faith.

Compared to Ramon bautista's book, maganda din for me yung quality ng paper na ginamit for publishing saka oks ang design. Isama mo na ang presyong abot kaya na 143 (i-love-you price???)

Bakit hindi mas mataas ang score kung nagustuhan ko naman? E pano yung nagpakuha ako ng picture, yung babaeng kumuha ng shot mali ang pwesto, nagmuka akong super duper balyenang katabi si Papa jack. Hahahah. 

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

Wednesday, December 19, 2012

The Morning Rush Top 10 Book2

Almost 1 year na pala ang nakalipas simula ng mabasa ko ang book 1 ng libro ni Chico and Delamar's The Morning Rush Top 10. And now, nabasa ko na din ang kanilang second book. At ito ang bida for today's post.


Last saturday, bago ako umattend ng SBA 2012, dumaan kami ni Unni sa National Bookstore para bumili ng children's books na idodonate. At kasabay noon, doon ko nakita na nireleased na pala ang iakalawang libro ng TMR. So sa halagang less than 200 (di ko kasi matandaan kung 180 or saktong 200 yung book) e binili ko na.

Book 2? Nagtatanong kayo kung ano ang Book 1? Click here. So ang book 2 ay almost the same lang ng book 1. Ito ay compilation ng mga Top 10 kung anik-anik category na malamang ay nadinig na ng ibang tao sa radio program na The Morning Rush.

Ano ang difference? Kung clinick mo ang link papuntangbook 1, mapupuna mo na siChico and Delamar ang nasa coer. Now... may bago silang tropapips.... si Gino. So ngayon, taklo na sila sa cover.

As i mentioned na, almost the same lang. May funny at may so-so at for me may mga waley contents pero okay naman ang over all. Mas madami ata ang top 10 dito sa book 2. Ang score for this book ay 8.3. Yep, nabawasan ng .2. Para kasing wala akong gaanong halakhak na nadama while reading it e. Like yung iba, napa-a...-okay lang me. 8 dapat ang score ko pero naging 8.3 kasi may free stickers sa back portion ng book. hahahah.

O cia, hanggang dito na lang muna. Baka magmallmodeako laters. Take Care folks!


Saturday, September 29, 2012

Book Review: The Perks of Being a Wallflower

Hey there! Una sa lahats, TGIF sa mga makakaramdam ng weekends! You already! Pede kayong magpunta sa Moa bukas para sa Cosplay event something. Or pede kayong mag molmol at mag shopping.

So, napanood ko na ang peliks noong isang araw at kahaps, pinasadahan ko naman at tinapos ang pagbabasa ng libro na 'The Perks of Being a Wallflower'. For today, book review naman tayo. :D


Kung nabasa ninyo yung movie review ko, ganun din halos ang sasabihin ko sana for the summary ng book. Syempre, Based sa libro yung movie therefore dapat magkaparehas sila in majority.

Pero for the benefit sa ayaw magbackread, eto ulit ang summary:

Ito ay tungkol sa isang bata-batutang nagsusulat sa isang anonymous friend kung saan ishinashare niya ang mga bagay-bagay na na-eexperience nia.

Ito ay tungkol sa teen na si Charlie at sa pakikipagsapalaran nia sa buhay High School. Ang mga bagay bagay tungkol sa kanyang pamilya. Tungkol sa pagiging outcast nia at pagkakaroon ng friendships nia na nasa senior years. Ang unang halik, unang jackolyn jose, unang chongkee, unang yosi at ano-ano pa.

So ano ang differences pala ng book sa movie? Well, dito kasi sa book, mas ramdam mo yung characteristic ng bida.

Sa book namemention na nagvivisit na sya sa psychiatrist kahit na pumapasok sya sa school. Isinaad din dito na nagyoyosi sia pati yung friends niya compared sa portrayal doon sa peliks. Nasaad din na nagkaroon din ng problem sa family like yung ate ni charlie ay nabuntis at nagpalaglag (yun ang pagkakaintindi ko). 

Andun din ang eksplanasyon sa estado ng kanyang si Aunt Helen na namolestya tapos eto din ang dahilan kung bakit namolestya nia yung pangkin nia na si Charlie.

Di pinakita masyado sa film pero hindi lang isang beses hinalikan ni Patrick si Charlie, medyo madaming beses at yun ay during the time na nagcocope-up sa break up nia si Patrick.

The book is better syempre than the film since mas detalyado ang mga bagay-bagay pero all in all, almost same rating lang sya sa peliks. May rating ito na 8.7, di ko na kayo pagcocomputin!

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care!