Showing posts with label lapit na me. Show all posts
Showing posts with label lapit na me. Show all posts

Saturday, October 1, 2011

Review: Ligo na U, Lapit na Me

Alam kong katatapos ko lang magpost ng Chatime like ilang hours ago pero nangangati talaga ang daliri ko para magwento tungkol sa libro turned indie movie film na 'Ligo na U, Lapit na Me'.


Wala ng paligoy-ligoy pa at simulan na natin :D

Ang wento ay tungkol sa isang mala-supladong lalaki na nakilala ang isang kakaibang girl. Si kakaibang girl ay di po chaka, di praning, walang sakit. Kakaiba kasi may angking kakatihan sa life. Wahahaha.


Ang wento ay tatakbo kung pano ang dalawang pares ay naging partners with benefits. Oo, friends with benefits meaning Fuck Buddies sila. No strings attached meaning kung gusto nilang mag-boomboompow e go go go lang sa suking motmotan at magbebembangan na sila!

Dito ay maiinlababoo si guy kay girl kaso dehins pede kasi yun ang kasunduan at medyo mysteryosa si girl. Di nagshashare ng detalye sa buhay-buhay.

Ang rating? Bibigyan ko ng 9 ang film na to. Nabigyan ng justice ng actors yung libro ni Eros Atalia. At talaga naman mainit ang mga sexy scenes katulad ng butt and breast exposure ni Mercedes Cabral sa shower. Wowowowowwow. Hahahah. Howt Howt Howt!!!

O, para sa mga curious, bigay ko yung trailer ng film.... 


O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Thursday, June 23, 2011

Movie: Ligo na U, Lapit na Me

I'm back! di nakapag-net dahil nagkasakit at may extrang epal sa bahay (ang mga kaagaw sa net: Ate at auntie ko). So anyway, GV o good vibes dapat kaya di ko na yun iwewento.


Habang nagchecheck ng pesbuk, nakita ko to sa wall ng isang friend sa fb so nagulat ako. May movie na pala yung librong Ligo na U, lapit na me. 

Eto ay isang libro na gawa ng pinoy na theme na Fubu. Oo, fuckbuddies yung dalawa tapos tila nagkagusto yung guy sa girl (kung tama pa memorya ko). 

Di ko alam kung indie film to o talagang movie sya sa lahat ng parte ng pinas. Pero sana makakuha ako ng copy para malaman ko kung mabibigyan nila ng justice  ang story.

Maulang thursday. Wag kayo papaulan at magpapatuyo kung ayaw nio lagnatin. eheheh. based from experience. (tao pala ako at nagkakasakit dins :p)

Tuesday, May 25, 2010

Khanto Pick: Ligo na Ü, Lapit na me!



Matapos kong mabasa ang kaning lamig at ang peksman, bumili ako ng iba pang librong mababasa. Tumambay ako sa best seller sa robinsons galleria para makapag-book hunt ng maigi at makapag silent reading sa first part para malaman kung exciting ang libro o hindi. Di ako nahirapan sapagkat nakita ko ang second book ni Eros Atalia. Ito ay may pamagat na 'Ligo na u, Lapit na me'.

Mas nagustohan ko ang pangalawang libro kesa sa una kaya sya nakasali sa khanto pick. Ang librong ito ay prequel ng peksman kasi ito ay naganap habang ang bidang lalaki ay nasa kanyang college days. Ang kwento ay magsisimula sa kwento about ethics class na kinabibilangan nia. Kasunod-noon ay ang makulit na pagtatanung ng kaklase na si Jen kung anong petsa magandang magpakamatay. Iikot ang kwento sa kung ano-anong topic tapos babagsak sa main story ng bida, ang pagkakaroon ng Friend with Benefits (hindi daw fuck buddy). Dito ilalantad ng bida kung pano nia nameet ang magandang si Jen samantalang di naman daw biniyayaan ng face value ang bida. Isasaad din ang mga slight escapades nilang dalawa as friends/Kalaro.

Sa gitna ng kwento ay magtatapat na ang bida na nahulog na ang loob nia sa babae subalit bago makapagtapat ay binunyag ni Jen na buntis siya sa ibang lalaki. Boom! Wapaks! Kablag! Gumunaw ang mundo ni guy. Nawala bigla ang perslab nia. Graduating sya pero malungkot kasi wala na ang friend/ love nia. Paano sia magmomove-on? Paano sya makakalimot? kaya nia bang limutin ang una sa halos lahat ng bagay sa buhay nia?

Ang librong ito ay magbibigay ng ligaya, wild imagination at konting pait ang lungkot habang susubaybayan ang takbo ng kwento sa buhay ng bida.