Showing posts with label Region CAR. Show all posts
Showing posts with label Region CAR. Show all posts

Ang Bell House At Bell Amphitheater

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

Location: Camp John Hay, Baguio City
Category: Building/Structure
Type: Complex of building and landscape
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 29 October 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines
Marker text (Filipino):
ANG BELL HOUSE AT BELL AMPHITHEATER
 
IPINATAYO UPANG MAGING BAHAY BAKASYUNAN NG MGA AMERIKANONG PUNONG HENERAL NG PILIPINAS DAHIL SA KAAYA-AYANG KLIMA SA BAGUIO, 1906. IPINAGAWA NAMAN ANG AMPHITHEATER SA MGA MANGGAGAWANG IGOROT UPANG PAGDAUSAN NG MGA GAWAING PANLIBANGAN SA KAMPO, 1913. IPINANGALAN ANG DALAWANG ISTRUKTURA KAY HENERAL JAMES FRANKLIN BELL, 1929. NAPASAILALIM SA MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1941. NAGING BAHAGI NG JOHN HAY AIR BASE, 1949. INILIPAT SA PAGMAMAY-ARI NG PILIPINAS MULA SA ESTADOS UNIDOS, 1991. ISINAILALIM SA PAMAMAHALA NG BASES CONVERSION AND DEVELOPMENT AUTHORITY SA PAMAMAGITAN NG JOHN HAY DEVELOPMENT CORPORATION NA NGAYON AY JOHN HAY MANAGEMENT CORPORATION, 1993. ISINAAYOS, 2020. KABILANG SA MGA ORIHINAL NA ISTRAKTURANG NAPANATILI SA LOOB NG MILITARY RESERVATION MAGMULA SA PANAHON NG MGA AMERIKANO. NAGING PANGUNAHING ATRAKSYON SA KAMPO ANG BELL HOUSE BILANG MUSEO AT AKLATAN; AT ANG BELL AMPHITHEATER BILANG DAUSAN NG MGA PAGTITIPON.

Marker text (English):

BELL HOUSE AND BELL AMPHITHEATER

BUILT AS A VACATION HOUSE FOR PHILIPPINE COMMANDING GENERALS OWING TO THE FAVORABLE CLIMATE OF BAGUIO, 1906. THE AMPHITHEATER, TO BE USED AS A VENUE FOR SOCIAL GATHERINGS WITHIN THE CAMP, WAS CONSTRUCTED BY IGOROT LABORERS THROUGH THE ORDERS OF GENERAL JAMES FRANKLIN BELL, 1913; THE STRUCTURES WERE NAMED AFTER HIM, 1929. TAKEN OVER BY THE JAPANESE IMPERIAL ARMY DURING THE SECOND WORLD WAR, 1941. BECAME PART OF JOHN HAY AIR BASE, 1949. TRANSFERRED BY THE UNITED STATES TO THE PHILIPPINES, 1991; MANAGEMENT WAS HANDED OVER TO BASES CONVERSION AND DEVELOPMENT AUTHORITY THROUGH THE JOHN HAY DEVELOPMENT CORPORATION, NOW JOHN HAY MANAGEMENT CORPORATION, 1993. REPAIRED AND RESTORED, 2020. AMONG THE FEW ORIGINAL STRUCTURES BUILT INSIDE THE MILITARY RESERVATION THAT WERE MAINTAINED SINCE THE AMERICAN COLONIAL PERIOD. REPURPOSED AS MAJOR TOURIST ATTRACTIONS WITHIN THE CAMP; THE BELL HOUSE SERVED AS A MUSEUM AND LIBRARY WHILE THE BELL AMPHITHEATER AS A VENUE FOR SOCIAL GATHERINGS.

Philippine Military Academy

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Fort Gen. Gregorio H. del Pilar, Loakan Road, Baguio City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: May 21, 2019
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

KINIKILALA BILANG KAHALILI NG ACADEMIA MILITAR NA ITINATAG SA KUMBENTO NG SIMBAHAN NG BARASOAIN SA MALOLOS, BULACAN, 25 OKTUBRE 1898 AT NAGTAGAL HANGGANG 20 ENERO 1899.

ITINATAG SA INTRAMUROS, MAYNILA BILANG PHILIPPINE CONSTABULARY SCHOOL ALINSUNOD SA GENERAL ORDER NO. 71, 17 AGOSTO 1905. INILIPAT SA CAMP HENRY T. ALLEN SA BAGUIO ALINSUNOD SA GENERAL ORDER NO. 24, 1 SETYEMBRE 1908. NAGING ACADEMY FOR OFFICERS OF THE PHILIPPINE CONSTABULARY SA BISA NG ACT NO. 2605, 4 PEBRERO 1916 AT PHILIPPINE CONSTABULARY ACADEMY SA BISA NG ACT NO. 3496, 8 DISYEMBRE 1928. PINANGALANANG PHILIPPINE MILITARY ACADEMY SA BISA NG COMMONWEALTH ACT NO. 1 BILANG PAGSASAKATUPARAN NG “NATIONAL DEFENSE PLAN” NI HENERAL DOUGLAS MACARTHUR, 21 DISYEMBRE 1935. ITINALAGA SI TENYENTE-KORONEL PASTOR C. MARTELINO BILANG UNANG PILIPINONG TAGAPAMAHALA, 1936. INILIPAT SA BAGUIO TEACHERS’ CAMP, 1936–1941. PANSAMANTALANG NAGSARA NOONG SUMIKLAB ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG HABANG ANG MGA KADETE AY LUMAHOK SA PAKIKIDIGMA. MULING NAGBUKAS SA CAMP HENRY T. ALLEN, 1947. PINASINAYAAN ANG KASALUKUYANG PAARALAN SA FORT GENERAL GREGORIO DEL PILAR SA LOAKAN, LUNGSOD NG BAGUIO, 1950. NAGSIMULANG TUMANGGAP NG MGA BABAE BILANG KADETE ALINSUOD SA BATAS REPUBLIKA BLG. 7192, 1 ABRIL 1993.

Baguio Teachers' Camp

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Baguio Teacher's Camp, Teachers' Camp Road, Baguio City
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BAGUIO TEACHERS' CAMP

ITINATAG SA PANUKALA NI GOV. WILLIAM F. PACK NG BENGUET PARA SA MGA AMERIKANO AT FILIPINONG GURO, SA POOK NA DATI AY O-RING-AO, 11 DISYEMBRE 1907. IPINAGTIBAY ANG BALANGKAS NG KAMPO NI W. MORGAN SHUSTER, KALIHIM NG BUREAU OF PUBLIC INSTRUCTION, 18 ENERO 1908. NAGSIMULA BILANG POOK-SANAYAN AT BAKASYUNAN NG MGA GURO AT MGA KAWANI NG PAMAHALAANG INSULAR, 6 ABRIL 1908. M.K. HAZELTON, UNANG TAGAPAMANIHALA (1908–1909); ALBERTO DALUSUNG, UNANG PILIPINONG DIREKTOR (1938–1956). DITO GINANAP ANG UNANG TEACHERS VACATION ASSEMBLY, 6 ABRIL – 30 MAYO 1908. IPINATAYO ANG MGA UNANG GUSALI, 1911; ANG MESS HALL AT TIRAHAN NG DIREKTOR NG KAMPO, 1912. GINAMIT NG PHILIPPINE MILITARY ACADEMY, 15 HUNYO 1936 – 12 DISYEMBRE 1941. NAGING OSPITAL NG MGA HAPONESE, 1942–1945. ISINAAYOS AT MULING BINUKSAN, 1947. PINAGDARAUAN NG MGA PAGPUPULONG AT PAGSASANAY NG MGA OPISYAL NG KAGAWARAN NG EDUKASYON, MGA GURO AT MGA MAG-AARAL.

Dating Kinatatayuan ng Akademya Militar ng Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Baguio Teacher's Camp, Teachers' Camp Road, Baguio City
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 19 February 1994
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (Filipino):

DATING KINATATAYUAN NG AKADEMYA MILITAR NG PILIPINAS

PORMAL NA INOKUPAHAN NG AKADEMYA MILITAR NG PILIPINAS (PHILIPPINE MILITARY ACADEMY) NOONG HUNYO 15, 1936 HANGGANG DISYEMBRE 12, 1941. DITO WALONG KLASE NITO, 1937–1941, ANG SUMAILALIM SA PAGPAPAUNLAD NG PAGKATAO AT PAGSASANAY NA AKADEMIKO, MILITAR, PISIKAL, MORAL AT ESPIRITWAL. NAPILITANG LISANIN NG MGA KADETE NANG SUMIKLAB ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG UPANG TUGUNAN ANG PANAWAGAN NG KANILANG INANG BAYAN. ANG MGA NAGSIPAGTAPOS SA AKADEMYANG ITO AY BUONG KAGITINGANG LUMAHOK SA DIGMAANG PASIPIKO AT SA MGA KAMPANYA NG PAMAHALAAN LABAN SA PANGGUGULO AT PANGHIHIMAGSIK. NGAYON, ANG AKADEMYA MILITAR NG PILIPINAS AY PATULOY NA ITINATANGHAL BILANG DAMBANA NG ATING PAMBANSANG KASIGURUHAN SA PERMANENTENG KINATATAYUAN NITO SA KUTANG DEL PILAR SA LUNGSOD NG BAGUIO.

Marker text (English):
FORMER SITE OF PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

FORMALLY OCCUPIED BY THE PHILIPPINE MILITARY ACADEMY FROM JUNE 15, 1936 TO DECEMBER 12, 1941. HERE, EIGHT PMA CLASSES, 1937–1945 UNDERWENT CHARACTER DEVELOPMENT, ACADEMIC, MILITARY, PHYSICAL, MORAL AND SPIRITUAL TRAINING. THE OUTBREAK OF WORLD WAR II, FORCED THE CORPS OF CADETS TO EVACUATE THE PLACE FOR CALL OF DUTY IN DEFENDING THEIR MOTHERLAND. GRADUATES OF THIS ACADEMY ALSO SERVED WITH PRIDE IN THE PACIFIC WAR, ANTI-DISSIDENCE AND COUNTER-INSURGENCY CAMPAIGNS, AND THE RESISTANCE MOVEMENTS. TODAY, THE PHILIPPINE MILITARY ACADEMY CONTINUES TO BE THE SHRINE OF OUR NATIONAL SECURITY AT ITS PERMANENT HOME AT FORT DEL PILAR, BAGUIO CITY.


William Henry Scott 1921-1993

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Saint Mary School of Sagada, Sagada, Mountain Province
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 8 December 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
WILLIAM HENRY SCOTT
1921-1993

MISYONERO, HISTORYADOR, MANUNULAT, AT GURO. ISINILANG SA DETROIT, MICHIGAN, 10 HULYO 1921. NANILBIHAN SA HUKBONG DAGAT NG ESTADOS UNIDOS NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT DIGMAAN SA KOREA. NAGING MISYONERO NG SIMBAHANG EPISKOPAL AT GURO NG WIKANG INGLES SA TSINA. DUMATING AR TULUYANG NANIRAHAN BILANG MISYONERO AT GURO SA SAINT MARY’S SCHOOL, SAGADA, MOUNTAIN PROVINCE, 1954. NAGSAGAWA AT NAGLATHALA NG MASUSING PAG-AARAL TUNGKOL SA MGA SINAUNANG KASAYSAYAN AT KULTURANG PILIPINO LALO NA SA MGA KATUTUBONG PAMAYANAN NG REHIYONG CORDILLERA. NAGING PROPESOR AT TAGAPANAYAM SA IBA’T IBANG PAMANTASAN AT DALUBHASAAN SA PILIPINAS. IBINILANGGO SA PARATANG NA SUBERSIYON NANG IDEKLARA ANG BATAS MILITAR, 1972. PINAWALANG SALA NG KORTE, 1973. YUMAO SA LUNGSOD QUEZON, 4 OKTUBRE 1993. INILIBING SA SEMENTERYO NG SIMBAHAN NG SAINT MARY THE VIRGIN, SAGADA.

Mansion House*

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019
Location: The Mansion, V.L. Romulo Drive, Baguio City
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level I-National Historical Landmark
Marker dates: 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (Filipino):
MANSION HOUSE

IPINATAYO NI WILLIAM CAMERON FORBES AYON SA DISENYO NI WILLIAM E. PARSONS, 1908, BILANG BAHAGI NG BURNHAM PLAN NG BAGUIO AT NG CITY BEAUTIFUL MOVEMENT. DITO GINANAP ANG SPECIAL SESSION NG PANGALAWANG LEHISLATURA NG PILIPINAS, 1910. NASIRA NOONG PANAHON NG LIBERASYON, 1945. IPINAAYOS, 1947. DITO GINANAP ANG PANGALAWANG PAGPUPULONG NG U.N. ECONOMIC COMMISSION OF ASIA AND THE FAR EAST (ECAFE), 1947; U.N. FOOD AND AGRICULTURE ORGANIZATION (FAO), 1948; AT UNANG PAGPUPULONG NG SOUTHEAST ASIAN UNION (SEAU) NA KILALA BILANG BAGUIO CONFERENCE OF 1950. BAHAY BAKASYUNAN NG MGA AMERIKANONG GOBERNADOR-HENERAL, 1908–1935 AT NG MGA PANGULO NG PILIPINAS MULA KAY MANUEL L. QUEZON HANGGANG SA KASALUKUYAN.

Marker text (English)
MANSION HOUSE

CONSTRUCTED AT THE INSTANCE OF WILLIAM CAMERON FORBES FOLLOWING THE DESIGN OF WILLIAM E. PARSONS, AS PART OF THE BURNHAM PLAN FOR BAGUIO, 1908, INSPIRED BY THE CITY BEAUTIFUL MOVEMENT. VENUE OF THE SPECIAL SESSION OF THE SECOND PHILIPPINE LEGISLATURE, 1910. DESTROYED DURING THE WAR, 1945. REHABILITATED, 1947. VENUE OF THE U.N. ECONOMIC COMMISSION OF ASIA AND THE FAR EAST (ECAFE), 1947; THE U.N. FOOD AND AGRICULTURE ORGANIZATION (FAO), 1948; AND THE FIRST MEETING OF THE SOUTHEAST ASIAN UNION (SEAU) KNOWN AS THE BAGUIO CONFERENCE OF 1950. SUMMER RESIDENCE OF AMERICAN GOVERNORS-GENERAL, 1908–1935 AND LATER OF PHILIPPINE PRESIDENTS FROM MANUEL L. QUEZON TO THE PRESENT.

Marker text (Ilocano):
MANSION HOUSE

NAIPATAKDER KAS IMPROPONER NI WILLIAM CAMERON FORBES NGA NAITUTOP ITI DISENYO NI WILLIAM E. PARSONS, 1908, KAS PARTE TI PLANO TI BURNHAM TI BAGUIO, NAENGGANYO ITI NAPINTAS NGA BIAG TI SIYUDAD. NAARAMID DITOY TI NAIPANGPANGRUNA A SESYON TI MAIKADUA A LEHISLATURA TI PILIPINAS, 1910. NADADAEL KABAYATAN TI LIBERASYON, 1945. NAISUBLI ITI SIGUD A KASASAAD, 1947. NAARAMID DITOY TI MAIKADUA A GIMONG TI U.N. ECONOMIC COMMISSION OF ASIA KEN TI FAR EAST (ECAFE), 1947; U.N. FOOD AND ORGANIZATION (FAO), 1948; KEN TI UMUNA A GIMONG TI SOUTHEAST ASIAN UNION (SEAU) NGA NABIGBIG KAS BAGUIO CONFERENCE OF 1950. BALAY A PAGBAKASYUNAN DAGITI GOBERNADOR HENERAL NGA AMERIKANO, 1908–1935 KEN DAGITI PRESIDENTE TI PILIPINAS MANIPUD KENNI MANUEL L. QUEZON AGINGGA ITI AGDAMA.

Pook na Unang Pinaglibingan kay Heneral Artemio Ricarte (Vibora)

Unveiling of the historical marker, 2002. NHCP Photo Collection
Location: Hungduan, Ifugao
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 30 November 2002
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
POOK NA UNANG PINAGLIBINGAN 
KAY HENERAL ARTEMIO RICARTE (VIBORA)

DITO UNANG INILIBING ANG MGA LABI NI HENERAL ARTEMIO RICARTE, PINUNO NG KATIPUNAN, UNANG KAPITAN HENERAL NG HUKBONG PILIPINO AT KILALA SA BANSAG NA "VIBORA," YUMAO, 31 HULYO 1945. HINUKAY AT ITINAGO SA ISA SA MGA YUNGIB NG HUNDUAN, 1954; INILIPAT, 19 SETYEMBRE 1977; INILIBING SA LIBINGAN NG MGA BAYANI, 22 MARSO 1978. MULING HINUKAY, SINUNOG ANG MGA LABI AT HINATI. INILAGAY ANG KALAHATI NG MGA ABO SA LIBINGAN NG MGA BAYANI, 22 MARSO 1977. ANG KALAHATI SA PAMBANSANG DAMBANANG RICARTE, BATAC, ILOCOS NORTE, 23 MARSO 1997.

Signing of the Japanese Capitulation Document

Location: Camp John Hay, Baguio City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1946
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
SIGNING OF THE JAPANESE CAPITULATION DOCUMENT 

HERE WAS SIGNED THE CAPITULATION DOCUMENT FOR THE SURRENDER OF THE JAPANESE IMPERIAL FORCES IN THE PHILIPPINES ON SEPTEMBER 3, 1945 AT 12:07 P.M. GEN. TOMUYUKI YAMASHITA, LT. COL. MOTO, VICE-ADMIRAL OKOCHI AND REAR-ADMIRAL ARIMA SIGNED FOR JAPAN. MAJOR GEN. E.H. LEAHEY, PERSONAL REPRESENTATIVE OF GEN. DOUGLAS MACARTHUR WHO WAS IN TOKYO SIGNED FOR THE UNITED STATES. OTHERS PRESENT WERE: LTS. GEN. SIR ARTHUR PERCIVAL AND JONATHAN WAINWRIGHT, MAJS. GEN. DENNIS P. SWIFT, WOOD DECHER, ROBERTS BEIGHTLER, WILLIAM H. GILL, F.A. IRVING, COL. RUSSEL R. VOLCKMANN, ETC.  

Mga Labanan sa Lias

Location: Silangan Lias, Barlig, Mountain Province
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 3, 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MGA LABANAN SA LIAS

NILIPOL NG MGA MADIRIGMA ANG LAKAS NG MGA KASTILA SA PAMUMUNO NG KOMANDANTE NG BONTOC AT GINAPI ANG NAGBALIK NA MAS MALAKING PANGKAT NG MGA KASTILA AT KAPANALIG SA TATLONG ARAW NA LABANAN SA ILOG KUSSAD NOONG 1880. PINUKSA ANG KALAHATI NG LAKAS HAPONES SA TATLONG ARAW NA LABANAN SA BUROL ANGWOOD NOONG 1942. SA DALAWANG PAKIKIPAGHAMOK, SINUNOG NG MGA KAAWAY ANG KANILANG MGA BAHAY AT KAMALIG. NAPAYAPA SILA NOONG 1943. MULING NAKIPAGLABAN ANG MGA GERILYA AT MAMAMAYAN SA UMURONG NA MGA HAPONES HANGGANG SUMUKO ANG KAAWAY SA IKA-11 IMPANTERIYA, USAFIP NL, SA BANAWE AT BONTOC NOONG 1945.

Bantayog sa Kiangan Lalawigang Bulubundukin

Location: Kiangan, Ifugao
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker Date: 1973
Marker Text:
BANTAYOG SA KIANGAN LALAWIGANG BULUBUNDUKIN

SA POOK NA ITO SUMUKO SI HENERAL TOMOYUKI YAMASHITA, ANG NAMUMUNONG HENERAL  NA IKA 14 NA PUROK NG HUKBONG HAPON, AT ILANG MATATAAS NA PINUNONG MILITAR NG MGA HAPON, SA MAGKASANIB NA LAKAS NG MGA PILIPINO AT AMERIKANO NOONG 1945.

ITINAYO SA UTOS NG PANGULONG FERDINAND E. MARCOS NOONG ABRIL 19, 1973 BILANG PAGGUNITA SA MGA NAMATAY SA NSABING DIGMAAN.
   

Dating Kinatatayuan ng Constabulary School (Ngayo’y Philippine Military Academy)

© Ryomaandres/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Camp Henry T. Allen, Camp Allen Road, Baguio
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 17 February 1996
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
DATING KINATATAYUAN NG CONSTABULARY SCHOOL
(NGAYO’Y PHILIPPINE MILITARY ACADEMY)

ANG KAMPONG ITO ANG KINATATAYUAN MULA 1908 HANGGANG 1935 AT 1947 HANGGANG 1950 NG DATING PAARALAN NG KONSTABULARYA NA PINAGSIMULAN NG PHILIPPINE MILITARY ACADEMY. NOONG 1916, ITO AY BINIGYAN NG BAGONG PANGALANG ACADEMY FOR OFFICERS OF THE PHILIPPINE CONSTABULARY, TINAWAG NAMAN ITONG PHILIPPINE CONSTABULARY ACADEMY MULA 1928 AT PHILIPPINE MILITARY ACADEMY NOONG 1936. DITO NAGSANAY ANG MGA KADETE MULA 1908 HANGGANG 1938 AT MULA 1951 HANGGANG 1953.

ANG MGA NAGSIPAGTAPOS SA AKADEMYANG ITO AY BUONG KARANGALANG NAKIPAGLABAN NOONG IKALAWANG DIGMAANG DAIGDIG. SILA AY ITINALAGA SA USAFFE (UNITED STATES ARMED FORCES IN THE FAR EAST) NA NAKIPAGLABAN SA NAPAKAMAHALAGA AT MAPANGANIB NA SAGUPAAN SA BATAAN, CORREGIDOR, SA KABISAYAAN AT SA MINDANAO. NAKIPAGLABAN DIN SILA SA MGA MANGHIHIMAGSIK LABAN SA PAMAHALAAN.

Benguet State University

Location: Benguet State University, Benguet State University Centennial Park, La Trinidad, Benguet
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 27, 2016
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BENGUET STATE UNIVERSITY

NAGSIMULA BILANG FARM SCHOOL. 1916. NANGUNA SA PAGTATAGUYOD NG MGA SEKONDARYANG EDUKASYON AT EDUKASYONG PANG-AGRIKULTURA SA MGA KATUTUBONG MAG-AARAL NG MGA LALAWIGANG SAKOP NG DATING MOUNTAIN PROVINCE (NGAYO’Y CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION). ISA SA MGA NANGUNA SA MGA KINAKAILANGANG REPORESTASYON SA BAGUIO AT MGA KALAPIT NA BAYAN. NAGING MOUNTAIN STATE AGRICULTURAL COLLEGE, 1969, AT BENGUET STATE UNIVERSITY, 1986.

Easter College

Unveiling of the historical marker, 2017. NHCP Photo Collection

Unveiling of the historical marker, 2017. NHCP Photo Collection
Location: Easter College, Easter Road, Baguio City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 12, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
EASTER COLLEGE

ITINATAG ANG EASTER SCHOOL NI CHARLES HENRY BRENT, OBISPO NG SIMBAHANG EPISKOPAL UPANG MABIGYAN NG PORMAL MA EDUKASYON ANG MGA BATANG LALAKI MULA SA MOUNTAIN PROVINCE, 1906. TUMANGGAP NG MGA BABAENG MAG-AARAL, 1909. SA PAGSISIKAP NI DYAKONESA ANNE HARGREAVES ITINATAG ANG PAGSASANAY SA PAGHAHABI NG TELA PARA SA MGA BABAENG MAG-AARAL. NAGSILBING HIMPILAN NG MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. IDINAGDAG ANG SEKONDARYANG EDUKASYON, 1963. NAGING EASTER COLLEGE, 1995.

Ang Labanan sa Mayoyao

Photo contributed by Fung Yu

Photo contributed by Fung Yu
Location: Mayoyao, Ifugao
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG LABANAN SA MAYOYAO

DITO NAGANAP ANG SAGUPAAN SA PAGITAN NG MGA PUWERSANG HAPON AT PINAGSANIB PUWERSA NG USAFIP-NL NA KINABIBILANGAN NG 1ST BATTALLION, 14TH INFANTRY; 3RD BATTALLION AT ILANG ELEMENTO NG 11TH INFANTRY, 25 HULYO 1945 HANGGANG 7 AGOSTO 1945, NANG MABAWI ANG MAYOYAO SA KAMAY NG MANANAKOP. NATAPOS ANG LABANAN, 9 AGOSTO 1945. ITO ANG HULING LABANAN BAGO SUMUKO SI HENERAL TOMOYUKI YAMASHITA SA KIANGA, IFUGAO, 2 SETYEMBRE 1945.

Pook na Unang Pinaglibingan kay Heneral Artemio Ricarte (Vibora)

Photo contributed by Fung Yu

Photo contributed by Fung Yu
Location: Hungduan Municipal Hall, Poblacion, Hungduan, Ifugao
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 30 November 2002
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
POOK NA UNANG PINAGLIBINGAN 
KAY HENERAL ARTEMIO RICARTE (VIBORA)

DITO UNANG INILIBING ANG MGA LABI NI HENERAL ARTEMIO RICARTE, PINUNO NG KATIPUNAN, UNANG KAPITAN HENERAL NG HUKBONG PILIPINO AT KILALA SA BANSAG NA "VIBORA," YUMAO, 31 HULYO 1945. HINUKAY AT ITINAGO SA ISA SA MGA YUNGIB NG HUNDUAN, 1954; INILIPAT, 19 SETYEMBRE 1977; INILIBING SA LIBINGAN NG MGA BAYANI, 22 MARSO 1978. MULING HINUKAY, SINUNOG ANG MGA LABI AT HINATI. INILAGAY ANG KALAHATI NG MGA ABO SA LIBINGAN NG MGA BAYANI, 22 MARSO 1977. ANG KALAHATI SA PAMBANSANG DAMBANANG RICARTE, BATAC, ILOCOS NORTE, 23 MARSO 1997.

Heneral Emilio Aguinaldo (Lubuagan, Kalinga)

Location: Lubuagan Town Hall, Mount Province–Tabuk–Enrile–Cagayan Road, Lubuagan, Kalinga
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 6 March 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HENERAL EMILIO AGUINALDO
(LUBUAGAN, KALINGA)

SA BAYANG ITO ITINATAG NI HENERAL EMILIO AGUINALDO ANG KANYANG PUNONG HIMPILAN MULA MARSO 6 HANGGANG MAYO 17, 1900 AT SA GAYON AY PINANATILING NAG-AALAB ANG APOY AT DIWA NG KALAYAAN NG PILIPINAS NA KANYANG IPINAHAYAG SA KAWIT, CAVITE NOONG HUNYO 12, 1898. DITO RIN IPINAGDIWANG NI HENERAL AGUINALDO ANG KANYANG IKA-31 KAARAWAN. IPINALABAS ANG MGA UTOS NA PAGMAMATYAG SA HUKBONG AMERIKANO AT NAKIPAG-UGNAYAN SA KANYANG MGA KOMANDANTE.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY INIAALAY NG SAMBAYANANG PILIPINO NA KUMIKILALA NG UTANG NA LOOB DAHIL SA KABAYANIHAN AT KATAPATAN SA BAYAN NG MGA MAMAMAYAN NG LUBUAGAN.

Casa Vallejo

Unveiling of the historical marker, 2019. NHCP Photo Collection

Unveiling of the historical marker, 2019. NHCP Photo Collection

Unveiling of the historical marker, 2019. NHCP Photo Collection
Location: Upper Session Road, Baguio City
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical Marker
Marker date: 20 September 2019
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CASA VALLEJO

ITINAYO BILANG DORMITORYO 4 NG CITY GOVERNMENT CENTER NA YARI SA KAHOY AT SAWALI PARA SA MGA MANGGAGAWANG NAGTAYO NG LUNGSOD NG BAGUIO, 1909. NAGING PANSAMANTALANG KANLUNGAN NG 160 ALEMAN NA DINAKIP NG MGA SUNDALONG AMERIKANO SA LOOK NG MAYNILA, 1917. GINAWANG OTEL NI SALVADOR VALLEJO AT TINAGURIANG CASA VALLEJO, 1923. NAGING PANSAMANTALANG KANLUNGAN NG MGA BANYAGANG TUMAKAS MULA SA HONG KONG AT SHANGHAI PATUNGONG AUSTRALIA SANHI NG BANTANG PANANALAKAY NG MGA HAPON, 1940. ISA SA MGA GUSALING NAIWANG NAKATAYO PAGKATAPOS ANG MALAWAKANG PAGBOBOMBA. PANSAMANTALANG GINAMIT NG BAGUIO CITY HIGH SCHOOL BILANG SILID-ARALAN, HULYO 1945. MULING NAGBUKAS BILANG OTEL, 1946 AT NAGING ISA SA MGA SENTRONG PANGKULTURA NG BAGUIO.

United Church of Christ in the Philippines (UCCP Baguio)

Photo contributed by Jake T. Veloso


Photo contributed by Jake T. Veloso

NHCP Photo Collection, 2012
Location: Baguio City (Region CAR)
Category:  Building/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2012
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
UNITED CHURCH OF CHRIST IN THE PHILIPPINES
(UCCP BAGUIO)

ITINATAG SA PANGUNGUNA NINA MAXIMINO NEBRES AT PASTOR JUAN ABUAN LEONES SA TULONG NG MISYONERONG AMERIKANO NA SI REV. HOWARD WIDDOES, ANG UNITED BRETHREN CHURCH SA BAGUIO, ISA SA MGA UNANG SIMBAHANG PROTESTANTE SA HILAGANG LUZON, 11 PEBRERO 1911. NAGING BAGUIO UNITED EVANGELICAL CHURCH, 1930. NAGSILBING PANSAMANTALANG KANLUNGAN NG MGA MAMAMAYAN ANG SIMBAHAN NITO SA PANAHON NG DIGMAAN, MARSO 1945. KASAMANG BUMUO SA UNITED CHURCH OF CHRIST IN THE PHILIPPINES, 1948. PINANGALANANG UCCP BAGUIO, 1950.

Baguio City Hall

Photo contributed by Jake T. Veloso

Photo contributed by Jake T. Veloso

Location: Baguio City (Region CAR)
Category:  Building/Structures
Type: Government Office
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2 September 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BAGUIO CITY HALL

IPINATAYO NA YARI SA KAHOY AT YERO NOONG PANUNUNGKULAN NI E.W. REYNOLDS, UNANG PUNONG LUNGSOD, 1910. SENTRO NG PAMAHAALANG LOKAL SA PAGTATAGUYOD NG BAGUIO BILANG SUMMER CAPITAL NG PILIPINAS. SERGIO BAYAN, UNANG FILIPINONG PUNONG LUNGSOD, 1937–1939. DITO ITINAAS ANG WATAWAT NG BANSANG HAPON TANDA NG PAGSAKOP SA LUNGSOD, 27 DISYEMBRE 1941. NASIRA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1945. MULING IPINATAYO NA YARI SA KONKRETO, 1949–1950. PINASINAYAAN NI PANGULONG ELPIDIO QUIRINO, MAYO 1950. IPINAAYOS, 1997–1999. PINASINAYAAN, 15 PEBRERO 1999.

United States Embassy Residence Baguio

NHI File Photo

NHI File Photo
Location: Baguio City (Region CAR)
Category:  Building/Structures
Type: Building
Status: Level II - With Marker
Marker date: 3 September 2005
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
UNITED STATES EMBASSY RESIDENCE BAGUIO

THIS BUILDING WAS COMPLETED IN 1940 TO SERVE AS THE SUMMER RESIDENCE OF THE US HIGH COMMISSIONER OF THE PHILIPPINES. DURING WORLD WAR II, JAPANESE MILITARY AND POLITICAL LEADERS OCCUPIED THE RESIDENCE FROM DECEMBER 28, 1941, UNTIL APRIL 27, 1945, WHEN ALLIED FORCES AND FILIPINO GUERRILLAS LIBERATED THE CITY OF BAGUIO, FORCING THE JAPANESE TO WITHDRAW INTO THE SURROUNDING MOUNTAINS. ON SEPTEMBER 2, 1945, AS THE JAPANESE SURRENDERED TO ALLIED FORCES IN TOKYO, COMMANDER OF THE JAPANESE ARMY IN THE PHILIPPINES, GENERAL TOMOYUKI YAMASHITA EMERGED FROM HIDING IN KIANGAN TO SURRENDER AND WAS BROUGHT TO BAGUIO. IN THIS BUILDING ON SEPTEMBER 3, 1945, AT 1210 HOURS, GENERAL YAMASHITA AND VICE ADMIRAL DENHICI OKOCHI, COMMANDER OF THE JAPANESE NAVY IN THE PHILIPPINES, FORMALLY SURRENDERED TO UNITED STATES’ FORCES REPRESENTED BY MAJOR GENERAL EDMOND H. LEAVEY, DEPUTY COMMANDER OF THE UNITED STATES ARMY FORCES, WESTERN PACIFIC. THEY SIGNED THE INSTRUMENT FOR SURRENDER, WHICH COMPLETED THE SURRENDER OF ALL JAPANESE FORCES IN THE PHILIPPINES AND OFFICIALLY ENDED THE WAR HERE. SINCE 1946, THE US EMBASSY HAS USED THE RESIDENCE FOR MEETINGS, RECEPTIONS AND STAFF RETREATS.