Showing posts with label 1983. Show all posts
Showing posts with label 1983. Show all posts

Jorge C. Bocobo

Location: Gerona, Tarlac
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 19 October 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JORGE C. BOCOBO 

ISKOLAR, EDUKADOR, AWTOR, HURISTA, AT MAKABAYAN. ISINILANG NOONG OKTUBRE 19, 1886 SA GERONA, TARLAC. NAGTAPOS NG BATAS SA PAMANTASAN NG INDIANA, ESTADOS UNIDOS, 1903-1907. PROPESOR AT DEKANO, KOLEHIYO NG BATAS, PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1911-1934; IKALAWANG PANGULO, UP, 1934-1939; KALIHIM NG PAGTUTURO, 1939-1941; KATULONG NG MAHISTRADO, KATAASTAASANG HUKUMAN NG PILIPINAS, 1942-1944; TAGAPANGULO, KOMISYON NG KODIGO AT PUNONG TAGABALANGKAS NG KODIGO SIBIL NG PILIPINAS, 1948-1961. AWTOR NG NOBELANG HENRY AND LOLENG, DULANG RADIANT SYMBOL, SANAYSAY NA STREAMS OF LIFE AT TULANG FURROWS AND ARROWS. NAGSALIN SA INGLES NG NOLI AT FILI NI RIZAL. PINAGKALOOBAN NG TITULONG DOKTOR SA BATAS, HONORIS CAUSA, PAMANTASAN NG SOUTHERN CALIFORNIA, 1930, PAMANTASAN NG INDIANA, 1951, AT PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1953, AT TUMANGGAP NG GAWAD RIZAL PRO-PATRIA, 1961. NAMATAY NOONG HULYO 23, 1965. 

Guindulman

Location: Guindulman, Bohol
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 7 September 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
GUINDULMAN

ANG BAYANG ITO AY PINANGASIWAAN NG MGA PARING HESWITA HANGGANG NOONG 1768 NANG SILA AY HINALINHAN NG MGA PARING AGUSTINO REKOLETOS. DATING VISITA NG JAGNA, ITO AY NAGING ISANG BAYAN NOONG 1798. ANG MGA REKOLETOS AY NAGTAYO NG MGA GUSALI HANGGANG SUMIKLAB ANG HIMAGSIKAN NOONG 1896. ANG MGA KALSADA AT MGA TULAY AT IPINAGAWA NG MGA AMERIKANO. NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, ITINATAG NI KOMANDANTE ESTEBAN BERNIDO, ANAK NG GUINDULMAN AR ISA SA MGA KILALANG BAYANI NG DIGMAAN, ANG BOHOL AREA COMMAND, ISANG PANGKAT NG MGA GERILYA. ANG SIMBAHAN, KUMBENTO, AT GUSALING HAME ECONOMICS ANG NATIRA NANG ANG BUONG BAYAN AY SINUNOG NG MGA HAPON NOONG 1943. NOONG PANAHON NG LIBERASYON, 1944, SINA TEODORO ABUEVA AR PURIFICACION VELOSO, ANG MGA MAGULANG NG NATIONAL ARTIST NA SI NAPOLEON ABUEVA, AY PINATAY NG MGA HAPON.

Komisyon ng Serbisyo Sibil

Location: Civil Service Commission, Constitution Hills, Batasang Pambansa Complex Diliman 1126 Quezon City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 19 September 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KOMISYON NG SERBISYO SIBIL

NAGMULA SA MAYNILA BILANG ISANG LUPON NOONG 1900 SA GUSALING AYUNTAMIENTO SA INTRAMUROS; BILANG ISANG KAWANIHAN NOONG 1908 SA GUSALING ORIENTE SA BINONDO, SA GUSALING STA. POTENCIANA AT SA ISA PANG GUSALI SA DAANG VICTORIA - KAPUWA SA INTRAMUROS, SA MABABANG PAARALAN NG SAN ANDRES SA MALATE, AY SA GUSALI NG BADYET AT SA ISANG BAHAY SA DAANG AVILES, KAPUWA SA SAN MIGUEL; BILANG ISANG KOMISYON NOONG 1962 SA (ISANG GUSALI SA DAANG PAREDES) SAMPALOC AR SA GUSALING ABLAZA SA LUNGSOND NG QUEZON; AT BILANG ISANG KOMISYONG KONSTITUSYUNAL NA MAYROONG TATLONG KOMISYONADO NOONG 1973 SA GUSALING ABLAZA AT SA GUSALI NG PANANALAPI SA RIZAL PARK HANGGANG AGOSTO 13, 1983, AT SA GUSALING ITO. 

NATAMO SA PAMAMAGITAN NG TAGAPANGULONG ALBINA MANALO-DANS NOONG 1982, ITO AY IKALABING ISANG GUSALI NG PANGUNAHING AHENSIYANG PANTAUHAN NG BANSA. PINASINAYAAN NOONG IKA-83 ANIBERSARYO NG KOMISYON NG SERBISYO SIBIL NOONG SETYEMBRE 19, 1983.

Ignacio Villamor y Borbon

Location: Bangued, Abra
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 23, 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
IGNACIO VILLAMOR Y BORBON 

MAMBABATAS, AWTOR, AT EDUKADOR. ISINILANG SA BANGUED, ABRA, NOONG PEBRERO 1, 1863. NAGTAPOS NG M.A., LLB. SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS, 1887 AT 1893 KINATAWAN, KONGRESO NG MALOLOS, 1899, AT ISA SA TAGPAGTATAG NG UNIVERSIDAD LITERARIA DE FILIPINAS AT LICEO DE MANILA.  PANLALAWIGANG PISKAL NG PANGASINAN AT HUKOM NG UNANG DULUGAN NG LAGUNA AT CAVITE, 1901; PISKAL HENERAL NG PILIPINAS, 1908; UNANG PILIPINONG KALIHIM TAGAPAGPAGANAP NG KAWANIHANG TAGAPAGPAGANAP, 1913; AT PANGULO NG PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1915. DIREKTOR NG PAMBANSANG SENSO, 1918; AT MAHISTRADO, KATAAS-TAASANG HUKUMAN, 1920. KAGAWAD, REAL ACADEMIA DE LEGISLACION Y JURISPRUDENCIA AT REAL ACADEMIA ESPAÑOLA NG MADRID. NAMATAY NOONG MAYO 23, 1933. 

Servando Castro (1861–1946)

Location: Sabas Street cor. Asuncion Street, Batac, Ilocos Norte
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 6, 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SERVANDO CASTRO 
(1861–1946)

ISINILANG NOONG OKTUBRE 23, 1861 SA BATAC, ILOCOS NORTE. NAG-ARAL NG PAGPAPARI AT NAGTURO SA SEMINARYO NG VIGAN. NAGLINGKOD NG 12 TAON SA DIYOSESIS NG NUEVA SEGOVIA. SUMAPI SA IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE AT NAGING ISA SA MGA LUMAGDA SA DOCTRINA Y REGLAS CONSTITUCIONALES. PANSIMBAHANG GOBERNADOR NG LAGUNA, OBISPO NG REHIYON NG ILOCOS, OBISPO MAXIMO EMERITUS AT DECANO DE LOS OBISPOS. SUMULAT PARA SA LA VANGUARDIA. KINATAWAN NG ILOCOS NORTE SA 1934 KONSTITUSYUNAL KUMBENSIYON AT KAGAWAD NG KOMITE SA TUNGKULIN NG MAMAMAYAN. NAMATAY NOONG DISYEMBRE 6, 1946.

Don Mariano Marcos y Rubio (1897–1945)

Location: Mariano Marcos State University, Marcos Avenue, Batac, Ilocos Norte
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: October 24, 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
DON MARIANO MARCOS Y RUBIO 
(1897–1945)

BORN IN BATAC, ILOCOS NORTE, 21 APRIL 1897, TO DON FABIAN MARCOS AND DOÑA CRESENCIA RUBIO. HIS FATHER WAS THE JUSTICE OF THE PEACE, SCHOOL TEACHER AND GOBERNADORCILLO OF BATAC AFTER THE REVOLUTION. MARRIED TO JOSEFA QUETULIO EDRALIN, 1916; CHILDREN: FERDINAND, PACIFICO, ELIZABETH AND FORTUNA.

PRIMARY SCHOOLING IN THE NEW ELEMENTARY SCHOOLS ESTABLISHED BY THE AMERICANS, ILOCOS NORTE. SECONDARY EDUCATION, MANILA. TEACHER’S COURSE, PHILIPPINE NORMAL SCHOOL, 1916.

PRINCIPAL TEACHER, 1917; LIEUTENANT, PHILIPPINE NATIONAL GUARD, 1918; LAOAG SCHOOL DISTRICT SUPERVISOR, 1919; AND TEACHER, NATIONAL UNIVERSITY, MANILA, 1921. GRADUATED VALEDICTORIAN IN LAW, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, 1925.

REPRESENTATIVE TO THE PHILIPPINE ASSEMBLY, SECOND DISTRICT, ILOCOS NORTE, 1925; CHAIRMAN, COMMITTEE ON STYLE; MEMBER, COMMITTEES ON LIBRARY, PUBLIC INSTRUCTION, CIVIL SERVICE, PUBLIC LANDS, MINES AND NATURAL RESOURCES OF THE ASSEMBLY. APPOINTED BY PRESIDENT MANUEL L. QUEZON AS TECHNICAL ASSISTANT AND DEPUTY GOVERNOR OF DAVAO TO HASTEN PIONEER SETTLEMENTS, 1932. HIS ELDER SON FERDINAND ELECTED PRESIDENT OF THE PHILIPPINES, 1965, 1969, 1981.

DIED IN LA UNION, MARCH 1945.

Labanan sa Kalero Nobeleta, Kabite

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Manila–Cavite Road, Noveleta, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA KALERO 
NOBELETA, KABITE

SA TULAY NA ITO NAGANAP ANG ISANG MAHIGPIT NA LABANAN NOONG IKA-10 NG NOBYEMBRE, 1896. MAHIGIT SA 400 NA KAWAL NI HENERAL DIEGO DE LOS RIOS NG PAMAHALAANG KASTILA ANG NAPATAY NG MGA MAGIGITING NA MANGHIHIMAGSIK NG SANGGUNIANG MAGDIWANG SA PAMUMUNO NI KORONEL LUCIANO SAN MIGUEL AT SA TULONG NG MATIBAY NA TANGGULANG BLG. 2.

NAGTAGUMPAY ANG MGA MAGDIWANG SA PAMOMOOK NA ITO.

Marcelo Adonay y Quinteria (1848–1928)

Location: Gonzales Street, Pakil, Laguna
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 6, 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MARCELO ADONAY Y QUINTERIA 
(1848–1928)

ISINILANG SA PAKIL, LAGUNA, NOONG PEBRERO 6, 1848. NATUTO NG MUSIKA HABANG KATULONG AT SAKRISTAN SA SIMBAHAN NG SAN AGUSTIN, MAYNILA. NAGING MAESTRO DE CAPILLA AT DIREKTOR NG ORKESTRA NG SIMBAHAN, 1870. KUMUMPAS NG SOLEMN MASS SA D. MAJOR NI BEETHOVEN, 1877; SOLEMN MASS NI REPARAZ, 1891; AT MISERERE NI ESLAVA, 1893. KUMATHA NG GOZOS A NUESTRA SEÑORA DE LA CONSOLACION, O VITA JESU, A SAN PASCUAL BAILON EN OBANDO, A NUESTRA SEÑORA DE ANTIPOLO, A SAN JUAN BAUTISTA, LA PROCESION DE TURUMBA EN PAKIL, TE DEUM, RIZAL GLORIFIED, ANG QUEROT NG REUMA AT TOCATA EN DD MAYOR. NAMATAY NOONG PEBRERO 8, 1928.

Pio Isidro y Castañeda


NHCP Photo Collection, 2023



NHCP Photo Collection, 2023


NHCP Photo Collection, 2023


Location: 7335 J. Victor Street cor. E. Jacinto Street, Brgy. Pio del Pilar, Makati City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PIO ISIDRO Y CASTAÑEDA 
(1865–1931)

MAGSASAKA, MAKABAYAN AT KILALA SA PANGALANG HEN. PIO DEL PILAR. IPINANGANAK NOONG HULYO 11, 1865 SA KULI-KULI, SAN PEDRO MAKATI (NGAYO’Y PIO DEL PILAR, MAKATI, METRO MANILA). CABEZA DE BARANGAY NG KULI-KULI, 1890. ISA SA TAGAPAGTATAG AT KALIHIM NG “MAGTAGUMPAY”[,] SANGAY NG KATIPUNAN SA KULI-KULI AT NAKIPAGLABAN SA TULAY NG ZAPOTE[,] PEBRERO 17, 1897. SUMAKOP SA STA. ANA NOONG LABANANG PILIPINO–AMERIKANO AT NAKIPAGLABAN BILANG GERILYA SA BULACAN AT NUEVA ECIJA. NADAKIP SA LABANAN SA MORONG, RIZAL. IPINATAPON SA GUAM, HULYO 16, 1901, AT PINATAWAG, HULYO 4, 1902. NAMATAY NOONG HUNYO 21, 1931.

Ang Bahay ni Eulogio “Amang” Rodriguez

Location: E. Rodriguez Street cor. Tangkian Street, Pasay City
Category: Buildings/Structures and Personage
Type: Building and Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 9 December 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG BAHAY NI 
EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZ

ITINAYO NOONG 1951 DITO SA DAANG SALUD, LUNGSOD NG PASAY. DITO NANIRAHAN SI “AMANG” MULA NANG MAGING PANGULO NG SENADO NOONG 1952 HANGGANG SIYA’Y MAMATAY NOONG DISYEMBRE 9, 1964.

SI “AMANG” RODRIGUEZ AY NAGING ALKALDE NG MONTALBAN, 1909–1916; GOBERNADOR NG RIZAL, 1916–1919 AT 1922–1923; KINATAWAN NG RIZAL, 1925–1928 AT 1931–1934; ALKALDE NG MAYNILA, 1923 AT 1940–1941; KALIHIM NG KAGAWARAN NG PAGSASAKA AT KOMERSIYO, 1934–1939; AT SENADOR NG PILIPINAS, 1941–1964.

Manuel Bernabe y Hernandez (1890–1960)

Location: 5381 M.H. del Pilar Street cor. Callejon Luna, La Huerta, Parañaque City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 29 November 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MANUEL BERNABE Y HERNANDEZ
(1890–1960)

MAKATANG LAUREADO. IPINANGANAK SA PARAÑAQUE, RIZAL, NOONG PEBRERO 17, 1890. NAGTAPOS NG AB, BALEDIKTORYAN, ATENEO DE MANILA, AT BATAS, PAMANTASAN NG SANTO TOMAS. PERYODISTA NG LA DEMOCRACIA AT LA VANGUARDIA. SUMULAT NG TULANG CANTOS DEL TROPICO, KALAKIP ANG KANYANG ISINALING RUBAIYAT OF OMAR KHAYYAM, NG PERFIL DE CRESTA AT NG HIMNONG NO MAS AMOR QUE EL TUYO. KONGRESISTA, UNANG PUROK NG RIZAL, 1928 AT KATULONG NA TEKNIKO NG PAGSASAMANG PILIPINO–KASTILA–AMERIKANO, 1943. KASAPI, REAL ACADEMIA ESPAÑOLA, 1930. TUMANGGAP NG DEKORASYON NG EL YUGO Y LAS FLECHAS, 1940, AT ORDEN DE ISABELA LA CATOLICA, 1953, MULA SA ESPANYA. NAMATAY NOONG NOBYEMBRE 29, 1960.

Maria Orosa y Ylagan (1892–1945)

Location: Bureau of Plant Industry, 692 San Andres Street, Malate, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: November 29, 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MARIA OROSA Y YLAGAN
(1892–1945)

BANTOG NA KIMIKO AT PARMASYUTIKA SA PAGKAIN. IPINANGANAK NOONG NOBYEMBRE 29, 1892 SA TAAL, BATANGAS. NAGTAPOS NG BACHELOR OF SCIENCE IN PHARMACY AT MASTER OF SCIENCE SA PAMANTASAN NG WASHINGTON, ESTADOS UNIDOS, 1919. PANGALAWANG PINUNONG KIMIKO NG ESTADO NG WASHINGTON, E.U. PUNO, DIBISYON SA PAGPAPARESERBA NG PAGKAIN, KAWANIHAN NG AGHAM, AT DIBISYON NG PAGGAMIT NG HALAMAN, KAWANIHAN NG PAGHAHALAMAN. NAGTATAG, HOME ECONOMICS EXTENSION SERVICE. NAG-IMBENTO NG “PALAYOK OVEN” AT MGA PAGKAIN AT INUMIN BUHAT SA MGA HALAMAN. KAPITAN, MARKING’S GUERILLAS. NAGPRESERBA NG PAGKAIN PARA SA MGA INTERNEES AT SA MGA KASAPI NG LIHIM NA KILUSAN NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. NASUGATAN SA LABANAN AT NAMATAY NOONG PEBRERO 13, 1945.

Manuel E. Arguilla (1911–1944)

Location: MacArthur Highway, Bauang, La Union
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: August 25, 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MANUEL E. ARGUILLA 
(1911–1944)

MANUNULAT, MAKATA. ISINILANG NOONG HUNYO 17, 1911 SA NAGREBCAN, BAUANG, LA UNION. NATAPOS NG B.S.E. SA UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, 1932. GURO, UNIVERSITY OF MANILA, 1937. ANG KANYANG MIDSUMMER, HOW MY BROTHER LEON BROUGHT HOME A WIFE, AT IBA PANG KUWENTO AY NATALA SA TAUNANG AKLAT NG MAIIKLING KUWENTO NG AMERIKA AT TALAAN NG KARANGALAN PARA SA TAONG 1936. NAGWAGI SA MGA PALIGSAHANG PAMPANITIKAN NG KOMONWELT, 1940. NALATHALA ANG KANYANG KOLEKSIYON SA MGA KUWENTO SA ISANG SERYE NG MGA MANUSKRITO NA MAY PAMAGAT NA PHILIPPINE TALES AND FABLES. NAMATAY NOONG AGOSTO 25, 1944.

Elpidio Quirino (1890–1956)

Location: Kilometer 247, MacArthur Highway, Caba, La Union
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: November 16, 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ELPIDIO QUIRINO
(1890–1956)

IPINANGANAK SA VIGAN, ILOCOS SUR, NOONG NOBYEMBRE 19, 1890. UNANG NAGTRABAHO SA GULANG NA 16 NA TAON BILANG GURO SA BARYO CAPARIA-AN. NAGING PANGULO NG PILIPINAS NANG MAMATAY ANG PANGULONG MANUEL ROXAS NOONG ABRIL 15, 1948. INIHALAL BILANG PANGULO NG PILIPINAS NOONG NOBYEMBRE 1949. NAMATAY NOONG PEBRERO 29, 1956.

Fernando M. Maramag (1893–1936)

Location: Rizal Park, Rizal Street, Ilagan, Isabela
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: January 21, 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
FERNANDO M. MARAMAG
(1893–1936)

KINILALANG ISA SA MGA PANGUNAHING MANANALAYSAY NG KANYANG PANAHON AT DALUBHASANG EDITORYALISTA. IPINANGANAK NOONG ENERO 21, 1893 SA ILAGAN, ISABELA, ANG BAYANG ITINATAG NG KANYANG NINUNO NA KAPANGALAN NIYA. ISA SA MGA UNANG PILIPINONG NAGING DALUBHASA SA WIKANG INGLES. ANG KANYANG MGA SANAYSAY AT TULA AY NABANTOG DAHIL SA DINGAL, KAWASTUAN AT KAGANDAHAN NG MGA PANGUNGUSAP. ANG KANYANG MGA EDITORYAL SA THE TRIBUNE NA KANYANG PINAMATNUGUTAN HANGGANG SA KANYANG KAMATAYAN NOONG OKTUBRE 23, 1936, AY NAGLALAMAN NG MATATALIM NA PUNA TUNGKOL SA MGA PAMBANSANG SULIRANIN AT PANGYAYARI.

Manuel T. Albero y Azores (1893–1973)

Location: Corcuera Municipal Hall, J. Fajilago Street, Poblacion, Corcuera, Romblon
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: April 30, 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MANUEL T. ALBERO Y AZORES
(1893–1973)

AMA NG LOCAL AUTONOMY BILL. IPINANGANAK NOONG SETYEMBRE 13, 1893 SA CAPIZ (ROXAS CITY), CAPIZ. NAGTAMO NG A.B., BALEDIKTORYAN, SA INSTITUTO FILIPINO, 1911, AT LL.B. SA ESCUELA DE DERECHO (MANILA LAW COLLEGE), 1918. HUKOM NG JONES, ROMBLON, 1918–1920; GOBERNADOR NG ROMBLON, 1928–1934; KINATAWAN SA KONSTITUSYONAL KUMBENSYON AT KAGAWAD SA EXECUTIVE POWER COMMITTEE, 1935; AT HUKOM NG MGA HUKUMANG PAMPUROK NG JONES–CORCUERA–CONCEPCION, 1939–1958. TUMULONG PARA MATATAG ANG CORCUERA, 1931, AT NG MAGDIWANG, 1933. NAMATAY NOONG PEBRERO 1, 1973.

Jose P. Bantug 1884–1964

Location: P. Carmen Street, San Isidro, Nueva Ecija
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 14 May 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JOSE P. BANTUG 
1884–1964

IPINANGANAK SA SAN ISIDRO, NUEVA ECIJA, NOONG 14 SETYEMBRE 1884. EDUKADOR NG KALUSUGANG PAMBAYAN; PENSYONADO NG PAMAHALAANG PILIPINO SA ESTADOS UNIDOS, 1904–1910. DOKTOR SA PILOSOPIYA, NORTHWESTERN UNIVERSITY, 1909; DOKTOR SA MEDISINA[,] UNIVERSITY OF ILLINOIS, 1910; AT UNANG PILIPINONG PINAGKALOOBAN NG ATENEO DE MANILA NG TITULONG DOKTOR SA PILOSOPIYA SA MGA AKDANG MAKATAO HONORIS CAUSA. TUMANGGAP NG RIZAL PRO PATRIA AWARD AT NG UNANG PHILIPPINE ART GALLERY AWARD. NAGTATAG AT UNANG PANGULO NG PHILIPPINE NUMISTATIC AND ANTIQUARIAN SOCIETY. NAMATAY NOONG 9 HULYO 1964.

Hen. Baldomero Aguinaldo y Baloy (1869 1915)

NHCP Photo Collection, 2015
Location: Binakayan, Kawit, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 June 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HEN. BALDOMERO AGUINALDO Y BALOY 
(1869 1915)

ISINILANG NOONG 28 PEBRERO 1869 SA BINAKAYAN, KAWIT, CAVITE. ANAK NI CIPRIANO AGUINALDO AT SILVESTRA BALOY. NAG-ARAL SA ATENEO MUNICIPAL AT PAMANTASAN NG STO. TOMAS. DIRECTORCILLO, REGISTRADOR DE TITULOS AT HUKOM PAMAYAPA NG KAWIT; PANGULO, SANGGUNIANG MAGDALO NG KKK, OKTUBRE 1896; KALIHIM NG PANANALAPI, 1897; ISA SA MGA LUMAGDA SA KONSTITUSYON NG BIYAK-NA-BATO, 1897; KALIHIM PANDIGMA AT GAWAING BAYAN NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 1898–1899; NAMUMUNONG HENERAL SA TIMOG LUZON NOONG DIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANO, 1899; AT TAGAPAGTATAG AT UNANG PANGULO, KAPISANAN NG MGA BETERANO NG HIMAGSIKANG PILIPINO MULA NOONG OKTUBRE 1912 HANGGANG SA KANYANG KAMATAYAN NOONG PEBRERO 1915. ANG MAYBAHAY NIYA AY SI PETRONA REYES NG IMUS, CAVITE AT NAGKAANAK SILA NG DALAWA, SI LEONOR NA NAGING ASAWA NI DR. ENRIQUE T. VIRATA AT SI AURELLANO KAY LIWANAG VIRATA. PINSANG-BUO NI HEN. EMILIO AGUINALDO.

Mena Crisologo (1844–1927)


NHCP Photo Collection, 2020

NHCP Photo Collection, 2020

Location: Burgos Street, Vigan, Ilocos Sur
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 5 July 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MENA CRISOLOGO 
(1844–1927)

IPINANGANAK SA VIGAN, ILOCOS SUR, NOONG NOBYEMBRE 11, 1844. NOTARIO ECLESIASTICO, DIYOSESIS NG NUEVA SEGOVIA. ISA SA MGA LUMAGDA SA KONSTITUSYON NG MALOLOS, 1899. UNANG GOBERNADOR NG ILOCOS SUR, 1901. KAGAWAD, LUPON NG MGA GOBERNADOR NA IPINADALA SA PANDAIGDIG NA EKSPOSISYON, ST. LOUIS, E.U., 1904. PAGKATAPOS NG KANYANG PANUNUNGKULAN BILANG GOBERNADOR, INILAAN NIYA ANG KANYANG PANAHON SA PAGPAPALAGANAP NG MGA SINING AT PANITIKANG ILOKO AT PAGBUO NG MGA ORKESTRA AT BANDA. ANG KANYANG MGA KOMEDYA AT SARSUELA AY PATULOY NA ITINATANGHAL TUWING PISTA SA ILOCOS. NAMATAY NOONG HULYO 5, 1927.

Leon C. Pichay (1902–1970)

NHCP Photo Collection, 2020

NHCP Photo Collection, 2020
Location: Burgos Street, Vigan, Ilocos Sur
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 5 July 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LEON C. PICHAY 
(1902–1970)

MANUNULAT, MAKATA. ISINILANG NOONG HUNYO 27, 1902 SA VIGAN, ILOCOS SUR. NAG-ARAL SA SEMINARIO DE VIGAN, MATAAS NA PAARALAN NG LA UNION AT UNIVERSITY OF MANILA. SUMULAT NG ILANG MAIKLING KUWENTO, TULA AT NOBELA SA WIKANG ILOKO, KASAPING MANUNULAT NG THE ILOCANO TIMES; KALIHIM-PANGKALAHATAN NG ROMANCEROS NACIONALES; KAGAWAD, UNYON NG MGA PATNUGOT AT TAGAPAGLATHALA AT ACADEMIA ILOCANA. MAHAHALAGANG ISINULAT; PUSO TI INA, PANANAKADINGPEL NI DR. JOSE A. BURGOS, DAELANG TI AMIANAN, SARMING TI BIAG AT LADINGIT. NAMATAY NOONG AGOSTO 11, 1970.