Showing posts with label Quezon City. Show all posts
Showing posts with label Quezon City. Show all posts

Rafael Palma (1874-1939)

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: University of the Philippines, Diliman, Quezon City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 13 December 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
RAFAEL PALMA
(1874-1939)

MANUNULAT, MANANALAYSAY, EDUKADOR, ISKOLAR, ESTADISTA, AT MAKABAYAN. ISINILANG SA TONDO, MAYNILA, 24 OKTUBRE 1874.  NAGING MANUNULAT AT PUMALIT KAY HENERAL ANTONIO LUNA BILANG DIREKTOR NG PAHAYAGANG “LA INDEPENDENCIA” KASAMA ANG KANYANG KAPATID NA SI JOSE PALMA, ANG SUMULAT NG “FILIPINAS” NA NAGING TITIK NG PAMBANSANG AWIT. NAGTAPOS NG BATSILYER EN ARTES SA ATENEO MUNICIPAL DE MANILA AT NG ABOGASYA SA UNIVERSIDAD DE SANTO TOMAS. KASAMA SINA SERGIO OSMENA AT JAIME DE VEYRA, ITINATAG ANG “EL NUEVO DIA” SA CEBU, 1900. NAGING EDITOR NG “EL RENACIMIENTO”. DELEGADO NG KABITE SA UNANG ASAMBLEA NG PILPINAS, 1907; HINIRANG NA KASAPI NG KOMISYON NG PILIPINAS, 1908; NAHALAL NA SENADOR, 1916-1922; HINIRANG NA KALIHIM-PANLOOB NI GOBERNADOR-HENERAL FRANCIS BURTON HARRISON, 1917; KASAPI SA UNANG MISYONG PANGKALAYAAN SA ESTADOS UNIDOS, 1919. PANGULO NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1923-1933. DELEGADO SA KUMBENSIYONG KONSTITUSYUNAL, 1934. YUMAO, 24 MAYO 1939.

Upsilon Sigma Phi

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

Location: Promenade, University of the Philippines, Diliman, Quezon City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional Marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 20 November 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

UPSILON SIGMA PHI


NAGSIMULA SA PAGPUPULONG NG LABING-APAT NA MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS SA MGA NAPAPANAHONG USAPIN UKOL SA PAMANTASAN AT LIPUNAN, 18 NOBYEMBRE 1918. PORMAL NA INORGANISA BILANG ISANG KAPATIRAN AT INIHALAL NA PANGULO SI JUSTINIANO R. ASUNCION, 19 NOBYEMBRE, 1920. SINIMULANG GAMITIN ANG MGA LETRANG GRIYEGO NA UPSILON SIGMA PHI (YEO) BILANG PANGALAN NG KAPATIRAN, 24 MARSO 1921. MULA SA KANILANG HANAY NANGGALING ANG MARAMI SA MGA KILALANG PILIPINO NA MAY MALAKING AMBAG SA KASAYSAYAN AT PAGSULONG NG BANSA.

National Federation of Women's Clubs of the Philippines

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Recreation Hall, Quezon Heritage House, Quezon Memorial Circle, Quezon City
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 15 September 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
NATIONAL FEDERATION OF WOMEN’S CLUBS OF THE PHILIPPINES

NAITATAG NANG MAGTIPON ANG HUMIGIT-KUMULANG 300 SAMAHANG PANGKABABAIHAN SA BANSA SA MANILA HOTEL, 5 PEBRERO 1921. NAITALA BILANG ISANG KORPORASYON, 21 SETYEMBRE 1921. KABILANG SA MGA UNANG OPISYAL NITO AY SINA ROSARIO M. DELGADO BILANG PANGULO, JOSEFA LLANES, AT MAUD PARKER. NAGING KASAPI RIN SINA GERONIMA PECSON, PILAR HIDALGDO LIM, TRINIDAD LEGARDA, PURA VILLANUEVA-KALAW, CONCEPCION FELIX CALDERON, AT AURORA ARAGON QUEZON, NA SIYA RING NAGING PANGULONG PANDANGAL, 1931-1941. PINANGUNAHAN ANG MGA GAWAING SIBIKO AT PANGKAWANGGAWA PARA SA KAPAKANAN NG SANGKABABAIHAN NG PILIPINAS. ISA SA MGA NAGSULONG SA CIVIL SERVICE BOARD, NA NGAYO’Y CIVIL SERVICE COMMISSION, NA BIGYAN NG MATERNITY LEAVE ANG MGA INA NA KAWANI NG PAMAHALAAN. HUMILING SA PAMAHALAANG LUMIKHA NG WOMEN’S BUREAU PARA SA MGA USAPING PANGKABABAIHAN. ANG KANILANG IPINAGLABAN AT PAGSUSUMIKAP NA MAGKAPANTAY-PANTAY ANG BAWAT PILIPINO AY PATULOY NA TINATAMASA NG KABABAIHANG PILIPINO HANGGANG SA KASALUKUYAN.

Maria Paz Mendoza-Guazon (Quezon City)

Location: PAUW Building, Matalag corner Matalino Streets, Quezon City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 20 October 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MARIA PAZ MENDOZA-GUAZON 

KATANGI-TANGING BABAENG NAGBIGAY DANGAL SA LAHI BILANG MAESTRA, DOKTORA, MANUNULAT AT TAGAPAGTATAG NG MGA MAKABULUHANG SAMAHAN PARA SA MGA PILIPINO. IPINANGANAK SA PANDAKAN, MAYNILA, KINA ISIDRO MENDOZA Y CRUZ AT MACARIA EUGENIO. UNANG BABAENG NAGTAPOS NG MATAAS NA PAARALAN, PHILIPPINE NORMAL SCHOOL, 1905; AT DOKTOR NG MEDISINA, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, 1912. NAG-ARAL AT NAGMASID SA AMERIKA AT EUROPA. KINILALA NG MGA SAMAHAN SA PAGGAGAMOT, SINING, KALINANGAN, AGHAM AT GAWAING SIBIKO. 

Paliparang Zablan, P.A.A.C.

Location: Fort Emilio Aguinaldo, Quezon City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1 May 1968
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
PALIPARANG ZABLAN, P.A.A.C.

SA POOK NA ITO, NOONG IKA-2 NG MAYO, 1936, SINUBUKAN NI TENYENTE WILLIAM A. LEE ANG KAUNAUNAHANG EROPLANO NG LAKAS-PANGHIMPAPAWID NG HUKBONG PILIPINO, NA NAG URI AY STEARMAN 731-3. NOONG 1935, ANG PALIPARNG ITO’Y IPINANGALAN SA KARANGALAN NI KOMANDANTE PORFIRIO ZABLAN NG KAPAMPANGAN. ANG BAHAGING ITO NG KAMPO AGUINALDO AY PUNONG HIMPILAN NOONG 1935 NG TACTICAL COMPANY AT NG SERVICE COMPANY NG LAKAS NG PANGHIMPAPAWID NG KONSTABULARYA NG PILIPINAS, MULA NOONG 1936 HANGGANG 1941 AY PUNONG HIMPILAN NG 1ST SCHOOL SQUADRON, 2ND SERVICE AND DEPOT SQUADRON, 3RD DEPOT SQUADRON, 4TH AIR BASE SQUADRON, AT NG 5TH PHOTO SQUADRON NG LAKAS-PANGHIMPAPAWID NG HUKBO NG PILIPINAS. SI KOMANDANTE EDWIN ANDREWS ANG PUNO NANG SUMIKLAB ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.   

Bulwagang Panlipunan ng DND

Location: Department of National Defense, Cam Aguinaldo, Quezon City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 22 February 1991
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BULWAGANG PANLIPUNAN NG DND

SA BULWAGANG ITO, NOONG PEBRERO 22, 1986, PINAMUNUAN NG MINITER NG TANGGULANG PAMBANSA, JUAN PONCE ENRILE AT PANGALAWANG PUNO NG KALUPUNAN SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS, TENYENTE HENERAL FIDEL V. RAMOS ANG ISANG "PRESS CONFERENCE" NA DINAUHAN NG MGA LOKAL AT DAYUHANG KORESPONSAL. PAGKARAAN, ISANG MAPAYAPANG HIMAGSIKANG PAMBAYAN NA ITINAGUYOD NG "PEOPLE POWER" ANG NAGANAP.

Ang Bagong Kinalalagyan ng Bantayog ng Sigaw ng Pugad Lawin sa Diliman, Lungsod ng Quezon

Location: Vinzons Hall, Roxas Avenue cor. Shuster Avenue, University of the Philippines Diliman, Diliman, Quezon City
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1968
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:

ANG BAGONG KINALALAGYAN NG BANTAYOG NG SIGAW NG PUGAD LAWIN SA DILIMAN, LUNGSOD NG QUEZON, AY PINASINAYAAN NOONG 29 NG NOBYEMBRE, 1968.

SA NGALAN NG LUPON SA BANTAYOG NG SIGAW NG PUGAD LAWIN AT NG SANGGUNIANG PANGMAG-AARAL SA U.P., AY TINANGGAP NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS SA PAMBANSANG KALUPUNANG PANGKASAYSAYAN ANG NASABING BANTAYOG. SA PAGSISIKAP NG KAPATIRANG UPSILON SIGMA PHI, AY LUMIKHA ANG MGA LIDER-MAG-AARAL SA U.P. NG ISANG LUPON SA BANTAYOG NG SIGAW NG PUGAD LAWIN, NA SIYANG NANGASIWA SA PAGLILIPAT NG BANTAYOG SA DILIMAN, LUNGSOD NG QUEZON MULA SA DATING KINALALAGYAN SA BALINTAWAK.

St. Luke's Medical Center (Centennial Marker)

Location: E. Rodriguez Avenue, Quezon City
Category: Association/Institution/Organization
Type: Centenary marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 13 October 2003
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ESTABLISHED 1903

Libreria ni Juan Martinez

Location: Mayon Street, Quezon City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 8 December 1960
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
LIBERIA NI JUAN MARTINEZ

ITINATAG 1902 NI JUAN MARTINEZ SA ISANG BAHAY SA LIWASANG CALDERON DE LA BARCA; INILIPAT SA DAANG JOLO (NGAYO'S JUAN LUNA) AT DITO'Y NANATILI HANGGANG 1909; INILIPAT SA DAANG ESTRAUDE HANGGANG 1917 AT SA DAANG CABILDO, INTRAMUROS: MAY KASANGAY NA TINDAHAN SA LIWASANG MORAGA, ESKOLTA AT DAANG REAL. TAGAPAGLATHALA NG PANITIKANG PILIPINO SA TAGALOG, ILOKO AT KAPAMPANGAN. NAWASAK NOONG PANAHON NG DIGMAAN, 1945. MULING ITINATAG, 1958 SA ILALIM NG PAMAGAT NA R. MARTINEZ AND SONS. PINASINAYAAN, IKA-224 NOBYEMBRE 1959, IKASANDAANG TAON NG KAPANGANAKAN NG TAGAPAGTATAG.

Komisyon ng Serbisyo Sibil

Location: Civil Service Commission, Constitution Hills, Batasang Pambansa Complex Diliman 1126 Quezon City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 19 September 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KOMISYON NG SERBISYO SIBIL

NAGMULA SA MAYNILA BILANG ISANG LUPON NOONG 1900 SA GUSALING AYUNTAMIENTO SA INTRAMUROS; BILANG ISANG KAWANIHAN NOONG 1908 SA GUSALING ORIENTE SA BINONDO, SA GUSALING STA. POTENCIANA AT SA ISA PANG GUSALI SA DAANG VICTORIA - KAPUWA SA INTRAMUROS, SA MABABANG PAARALAN NG SAN ANDRES SA MALATE, AY SA GUSALI NG BADYET AT SA ISANG BAHAY SA DAANG AVILES, KAPUWA SA SAN MIGUEL; BILANG ISANG KOMISYON NOONG 1962 SA (ISANG GUSALI SA DAANG PAREDES) SAMPALOC AR SA GUSALING ABLAZA SA LUNGSOND NG QUEZON; AT BILANG ISANG KOMISYONG KONSTITUSYUNAL NA MAYROONG TATLONG KOMISYONADO NOONG 1973 SA GUSALING ABLAZA AT SA GUSALI NG PANANALAPI SA RIZAL PARK HANGGANG AGOSTO 13, 1983, AT SA GUSALING ITO. 

NATAMO SA PAMAMAGITAN NG TAGAPANGULONG ALBINA MANALO-DANS NOONG 1982, ITO AY IKALABING ISANG GUSALI NG PANGUNAHING AHENSIYANG PANTAUHAN NG BANSA. PINASINAYAAN NOONG IKA-83 ANIBERSARYO NG KOMISYON NG SERBISYO SIBIL NOONG SETYEMBRE 19, 1983.

Teodoro Andal Agoncillo

Location: 952 Quezon Boulevard Extension, Quezon City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 9 November 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
TEODORO ANDAL AGONCILLO

PINAGPIPITAGANG MANANALAYSAY, MAKATA, KWENTISTA, PATNUGOT AT PROPESOR. ISINILANG SA LEMERY, BATANGAS, NOBYEMBRE 9, 1912. NAGKAMIT NG BATSILYER SA PILOSOPIYA, 1934, AT NAGDALUBHASA SA SINING, 1939, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES. PINAGKALOOBAN NG DOCTOR OF LETTERS, HONORIS CAUSA, CENTRAL OHILIPPINE UNIVERSITY, 1969. KATULONG NA TEKNIKO, INSTITUTE OF NATIONAL LANGUAGE, 1937-1941; TAGAPANGULO, DEPARTMENT OF HISTORY, 1963-69; RAFAEL PALMA PROFESSOR OF PHILIPPINE HISTORY, 1973-76 AT UNIVERSITY PROFESSOR, 1976-1977, U.P.;AKADEMISTA, NATIONAL ACADEMY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY, 1980; AT KAGAWAD, NATIONAL HISTORICAL COMMISSION (NGAYO'Y INSTITUTE); 1967-1985. NAMUMUKOD NA MGA AKLAT: HISTORY OF THE FILIPINO PEOPLE; REVOLT OF THE MASSES: THE STORY OF BONIFACIO AND THE KATIPUNAN; MALOLOS: THE CRISIS OF THE REPUBLIC; AT THE FATEFUL YEARS, JAPAN'S ADVENTURE IN THE PHILIPPINES. MGA TANYAG NA PANITIKANG PILIPINO: BAHAGHARI'T BULAKLAK AS SA DALAMPASIGAN. TUMANGGAP NG GAWAD SA FIRST COMMONWEALTH LITERARY CONTEST, 1940; REPUBLIC CONTEST ON BONIFACIO AND THE FIRST EPOCH OF THE REVOLUTION, 1948; CARLOS PALANCA MEMORIAL AWARDS, SA PANITIKAN, 1953; GAWAD NG PHA PARA SA MGA NATATANGING AKLAT NG KASAYSAYAN NG PILIPINAS, 1960. GAWAD NG LUNGSOD NG MAYNILA ANG DIWA NG LAHI, 1982. GAWAD POSTHUMO BILANG NATIONAL SCIENTIST, 1985. NAMATAY, ENERO 14, 1985.

Geronima T. Pecson (1896–1989)

© Roel Balingit/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: 18-A Gilmore Avenue, New Manila, Quezon City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: July 31, 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
GERONIMA T. PECSON 
(1896–1989)

EDUKADOR, AWTOR, SOCIAL WORKER AT UNANG SENADORA. IPINANGANAK, DISYEMBRE 19, 1896. NATAMO ANG KATIBAYAN BILANG GURO SA MATAAS NA PAARALAN, 1919 AT BATSILYER SA AGHAM NG EDUKASYON, 1935 SA PAMANTASAN NG PILIPINAS. NAGTURO SA IBAT IBANG PAARALANG PUBLIKO AT PRIBADO HANGGANG DISYEMBRE, 1941. KAWAKSING KALIHIM TAGAPAGPAGANAP NG PANGULONG MANUEL A. ROXAS, 1946. SENADORA, 1948–1954. NANUNGKULANG PINUNO SA MARAMING SAMAHANG SOSYO-SIBIKO AT KULTURAL. KAGAWAD, LUPONG TAGAPAGPAGANAP NG UNESCO, 1950–1954 AT 1958–1962. PINAMUNUAN ANG KOMISYONG PAMPALATUNTUNAN (PROGRAMME COMMISSION) NG LUPONG TAGAPAGPAGANAP NG UNESCO AT DELEGADO NG PILIPINAS SA PANGKALAHATANG KAPULUNGAN NG UNESCO, 1950, 1951, 1959, 1960, 1964 AT 1980. TUMANGGAP NG MARAMING GAWAD PAGKILALA MULA SA MGA KILALANG INSTITUSYON: DOCTOR OF PEDAGOGY, PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY, 1949; DOCTOR OF HUMANITIES, CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY, 1977 AT PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1979 AT DOCTOR OF EDUCATION, PHILIPPINE NORMAL COLLEGE, 1988; PAWANG HONORIS CAUSA, TAGAPAGTATAG AT TAGAPANGASIWA, FOUNDATION FOR YOUTH DEVELOPMENT IN THE PHILIPPINES, INC., 1966–1989. NAMATAY, HULYO 31, 1989.

Iglesia ni Cristo

© JM Capunitan/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Commonwealth Avenue, Quezon City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: July 24, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
IGLESIA NI CRISTO

ITINATAG BILANG ISANG ORGANISASYONG PANRELIHIYON, 27 HULYO 1914. UNANG IPINANGARAL NI FELIX Y. MANALO SA PUNTA, STA. ANA, MAYNILA. LUMAGANAP SA KAMAYNILAAN, MGA KARATIG-LALAWIGAN AT SA MALALAYONG PULO SA BANSA. NAITAYO ANG UNANG MISYON SA IBAYONG DAGAT SA HAWAII, ESTADOS UNIDOS SA ILALIM NG PAMAMAHALA NI ERAÑO G. MANALO, HULYO 1968. NAKARATING SA IBA’T IBANG BANSA. NAKILALA SA MGA KAPILYA NITONG NATATANGI ANG DISENYO AT ARKITEKTURA. ITINATAGUYOD ANG MGA DOKTRINANG PANRELIHIYON UKOL SA PAGSAMBA SA DIYOS, PAGKAKAISA, PAGKAKAPATIRAN AT PAGKAKAWANGGAWA. NAKAPAGTATAG NG MGA PAMAYANAN AT MGA PASILIDAD PANGKALUSUGAN AT PANG-EDUKASYON.

TANDA NG IKASANDAANG TAONG PAGKAKATATAG.

University of the Philippines College of Law

NHCP Photo Collection, 2023
NHCP Photo Collection, 2023

Location: University of the Philippines College of Law, Osmeña Avenue cor. F. Ma. Guerrero Street, Diliman, Quezon City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2012
Marker text:
UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES COLLEGE OF LAW 

INORGANISA SA INISYATIBA NI GEORGE A. MALCOLM SA TULONG NG MGA YOUNG MEN’S CHRISTIAN ASSOCIATION, 1910. ITINATAG SA BISA NG RESOLUSYON NG LUPON NG MGA REHENTE NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 12 ENERO 1911. SHERMAN MORELAND, DEKANO, 1911; GEORGE MALCOLM, DEKANO, 1911–1917. JORGE BOCOBO, UNANG PILIPINONG DEKANO, 1917–1934. NAGSARA NOONG DIGMAAN, 13 DISYEMBRE 1941; MULING NAGBUKAS, 6 AGOSTO 1945. INILIPAT SA DILIMAN CAMPUS, 1948.

Kolehiyo-Seminaryo ng San Jose

Location: Ateneo de Manila University, San Jose Major Seminary, Seminary Drive, Quezon City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 7, 2002
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KOLEHIYO-SEMINARYO NG SAN JOSE 

ITINATAG NG MGA HESWITA SA POOK NA ITO NOONG AGOSTO 25, 1601 BILANG ISANG PAMAHAYAGANG KOLEHIYO NA NAGTUTURO NG MGA ARALIN NG DAKILANG LUMIKHA AT RELIHIYON. BINIGYAN NG KARAPATANG MAGKALOOB NG TITULONG AKADEMIKO NOONG 1623 SA BISA NG KAUTUSAN NI HARING FELIPE IV NG ESPANYA NOONG 1622. PINAGKALOOBAN NG TITULO NA “COLEGIO AD HONOREM” NOONG 1722. PINAGPATULOY ANG TUNGKULIN NG MGA PARING SEKULAR NA NAIWAN NG MGA HESWITA NOONG 1768. PINANGASIWAAN NG MGA DOMINIKANO NOONG 1875 HANGGANG SA MAIBALIK ITO SA MGA HESWITA NI SANTO PIO X NOONG 1910. NALIPAT SA PADRE FAURA NOONG 1915. NAGPALIPAT-LIPAT NG LUGAR UPANG MAKAIWAS SA KAPAHAMAKANG DULOT NG PANGALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. LUMIPAT SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN NITO SA LOOBAN NG PAMANTASAN NG ATENEO, LUNGSOD QUEZON NOONG 1965.   


Jovita Fuentes

Location: University of the Philippines College of Music, Abelardo Hall, Ylanan Street, Diliman, Quezon City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JOVITA FUENTES 
PEBRERO 15, 1895 - AGOSTO 7, 1978

SIYA ANG UNANG FILIPINA NA NAGPARINGAL SA PANGALAN NG FILIPINAS SA LARANGAN NG MUSIKANG PANDAIGDIG, NANG KANYANG BIHAGIN ANG EUROPA AT AMERIKA SA PAMAMAGITAN NG KANYANG KAGILAGILALAS NA TINIG AT WALANG PINGAS NA KASININGAN SA TANGHALAN NG OPERA.

BILANG MABUNYING MAESTRA NG PAG-AWIT SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS AT IBA PANG PAARALAN AT IBANG PINUNO AT PATNUBAY NG MUSIC PROMOTION FOUNDATION OF THE PHILIPPINES, KANYANG NAGING PANGHABANG-BUHAY NA LAYON ANG PAGSULONG NG MUSIKA NG FILIPINAS AT MGA MUSIKONG FILIPINO.

INIHAYAG SIYANG PAMBANSANG ALAGAD NG SINING PARA SA MUSIKA NOONG TAONG 1976 NG REPUBLIKA NG FILIPINAS.

Horacio de la Costa, S.J. 1916–1977

Location: Ateneo School of Humanities, University Road, Quezon City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
HORACIO DE LA COSTA, S.J. 
1916–1977

ISINILANG SA MAUBAN, QUEZON, 9 MAYO 1916. NAGTAPOS NG KURSONG BATSILYER NG SINING SA ATENEO DE MANILA, SUMMA CUM LAUDE, 1935, AT NG DOKTORADO SA PILOSOPIYA SA HARVARD UNIVERSITY, 1951. NAGSILBING UNANG DEKANO NG KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM NG ATENEO DE MANILA, 1953–1955, UNANG PILIPINONG PUNO NG SOCIETY OF JESUS SA PILIPINAS, 1964–1970, AT KATULONG PANGKALAHATAN AT TAGAPAYO NG MGA HESWITA SA ROMA, 1970–1975. DAHIL SA MGA AKDANG PANGKASAYSAYAN, GINAWARAN NG REPUBLIC CULTURAL HERITAGE AWARD, 1965. KAGAWAD NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN, 1967–1977. YUMAO, 20 MARSO 1977.

Armed Forces of the Philippines Medical Service

Location: Armed Forces of the Philippines Medical Center, V. Luna Avenue, Quezon City, Metro Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2004
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES MEDICAL SERVICE

ITINATAG BILANG DIBISYON NG SANIDAD MILITAR SA BISA NG DECRETO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO NA BUMUO NG DEPARTAMENTO NG DIGMA, 23 HUNYO 1898. HINIRANG SI HENERAL ANASTACIO FRANCISCO BILANG UNANG PINUNO, HULYO, 1899. NAGING PHILIPINE CONSTABULARY MEDICAL SERVICE, 23 ENERO, 1903. NAGING MEDICAL SERVICE NG HUKBONG KATIHAN NG PILIPINAS, SA BISA NG NATIONAL DEFENSE ACT, 21 DISYEMBRE 1935. IPINANGALANG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES MEDICAL SERVICE, 1947.

Unang Brodkast sa Telebisyon sa Pilipinas

© Eugene Alvin Villar/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 1.0

© Eugene Alvin Villar/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 1.0
Location: ABS-CBN Broadcasting Center, Sergeant Esguerra Avenue, Brgy. South Triangle, Diliman, Quezon City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2003
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
UNANG BRODKAST SA TELEBISYON SA PILIPINAS

INILUNSAD NG ALTO BROADCASTING SYSTEM (ABS) SA DZAQ CHANNEL 3 ANG UNANG BRODKAST SA TELEBISYON SA PILIPINAS, 23 OKTUBRE 1953. ITINATAG NI EUGENE J. LOPEZ ANG CHRONICLE BROADCASTING NETWORK, 1955. NABILI ANG ABS, 1957, AT ANG DALAWANG NETWORK AY NAKILALA BILANG ABS-CBN, 1963. NAGING ABS-CBN CORPORATION, 1967. IPINATAYO ITONG SENTRO NG PAGBOBRODKAST NG NETWORK NG RADYO’T TELEBISYON SA BOHOL AVENUE, 24 PEBRERO 1967. PINASINAYAAN, 18 DISYEMBRE 1968.

Veterans Memorial Medical Center

Location: Veterans Memorial Medical Center, North Avenue cor. Mindanao Avenue, Quezon City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: November 15, 2005
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

ITINATAG SA TULONG NG PAMAHALAANG ESTADOS UNIDOS SA BISA NG BATAS BLG. (ROGERS ACT), 1 HUNYO 1948, UPANG TUGUNAN ANG PANGANGAILANGANG PANGKALUSUGAN NG MGA PILIPINONG BETERANO NG DIGMAAN. PINASINAYAAN NG MGA MATAAS NA PINUNO NG ESTADOS UNIDOS AT PILIPINAS SA PANGUNGUNA NG PANGULONG RAMON F. MAGSAYSAY, 20 NOBYEMBRE 1955. IPINALALAGAY NA HUWARAN NG UGNAYANG PILIPINO–AMERIKANO. NARATAY SA PAGAMUTANG ITO ANG MGA PANGULONG AGUINALDO, SERGIO OSMENA AT CARLOS GARCIA. DITO GINAMOT ANG DATING SENADOR BENIGNO AQUINO, JR. MATAPOS ANG ILANG ARAW NA DI PAGKAIN BILANG PAGTUTUOL SA PAMAHALAAN NG PANGULONG FERDINAND E. MARCOS, 1977. NANATILI DITO ANG PANGULONG JOSEPH ESTRADA MATAPOS MAALIS SA TUNGKULIN, 2001.