Showing posts with label 2022. Show all posts
Showing posts with label 2022. Show all posts

The Manila Times

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

Location: Intramuros, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 11 October 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
THE MANILA TIMES

UNANG PANG-ARAW-ARAW NA PAHAYAGANG INGLES SA PILIPINAS. ITINATAG NI THOMAS GOWAN BILANG TUGON SA KASALATAN NG MGA BABASAHIN INGLES NG MGA SUNDALONG AMERIKANO NA SUMABAK SA DIGMAANG ESPANYOL-AMERIKANO NG 1898. LUMABAS ANG UNANG BILANG, 11 OKTUBRE 1898. KABILANG SA MGA NAGING MAY-ARI AY SINA MANUEL QUEZON, 1917-1921, AT PAMILYANG ROCES, 1927-1989. NAWALA SA SIRKULASYON, 15 MARSO 1930. MULING BINUHAY BILANG THE SUNDAY TIMES, 27 MAYO 1945, AT IBINALIK SA DATING PANGALANG THE MANILA TIMES, 5 SETYEMBRE 1945. IPINASARA DAHIL SA BATAS MILITAR, 23 SETYEMBRE 1972. BUMALIK SA OPERASYON, 5 PEBRERO 1986. KABILANG SA MGA TANYAG NA MAMAMAHAYAG NITO AY SINA A.V.H. HARTENDORP, NARCISO RAMOS, ANTONIO ESCODA, CARLOS P. ROMULO, NINOY AQUINO, AT MARIA KALAW-KATIGBAK.

Kampanaryo ng Jaro*

NHCP Photo Collections, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

Location: Jaro Public Plaza, Jaro, Iloilo City
Category: Buildings/Structures
Type: Bell tower
Status: Level I-National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 2, S. 1984 - Declaring the Jaro Belfry of the Jaro Cathedral in Iloilo City, as a National Landmark
Marker date: 27 November 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KAMPANARYO NG JARO 
 
ITINAYO NG MGA AGUSTINO NA YARI SA LADRILYO AT KORALES SA PANGUNGUNA NI PADRE JUAN AGUADO, OSA, BILANG BANTAYAN AT KAMPANARYO, 1744. NASIRA NG LINDOL, 13 HULYO 1787 AT MULING ITINAYO, 1824–1835. NAGIBA NANG NILINDOL ANG PANAY, 29 HUNYO 1868. ISINAAYOS NI OBISPO MARIANO CUARTERO, OP, NG DIYOSESIS NG JARO, 1881. GUMUHO ANG IKALAWA AT IKATLONG PALAPAG NANG TUMAMA ANG LINDOL NA TINAWAG NA “LADY CAYCAY,” 25 ENERO 1948. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 29 MAYO 1984. ISINAAYOS NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN, DEKADA 1990, AT NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 2022.

Tomas Pinpin

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Abucay, Bataan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 22 November 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TOMAS PINPIN

MANUNULAT, MANLILIMBAG, MANG-UUKIT AT MAKATA. ISINILANG SA ABUCAY, BATAAN, NOONG HULING BAHAGI NG IKA-16 NA DANTAON. NATUTO SA PALIMBAGAN NI PADRE FRANCISCO BLANCAS DE SAN JOSE, O.P. SA ABUCAY, 1608. INILATHALA ANG SARILING SULAT NA AKLAT, ANG LIBRONG PAGAARALAN NANG MANGA TAGALOG NANG UICANG CASTILA, SA TULONG NI DIEGO TALAGHAY, 1610. NAKIBAHAGI SA PAGLILIMBAG NG MAHAHALAGANG AKLAT, 1610–1639. ISA SA MGA UNANG PILIPINONG NAKATALAGANG NAGPAKABIHASA SA PAGLIKHA NG MGA LIBRO AT PAGSULAT NG MGA TULA AT AWIT.

Upsilon Sigma Phi

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

Location: Promenade, University of the Philippines, Diliman, Quezon City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional Marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 20 November 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

UPSILON SIGMA PHI


NAGSIMULA SA PAGPUPULONG NG LABING-APAT NA MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS SA MGA NAPAPANAHONG USAPIN UKOL SA PAMANTASAN AT LIPUNAN, 18 NOBYEMBRE 1918. PORMAL NA INORGANISA BILANG ISANG KAPATIRAN AT INIHALAL NA PANGULO SI JUSTINIANO R. ASUNCION, 19 NOBYEMBRE, 1920. SINIMULANG GAMITIN ANG MGA LETRANG GRIYEGO NA UPSILON SIGMA PHI (YEO) BILANG PANGALAN NG KAPATIRAN, 24 MARSO 1921. MULA SA KANILANG HANAY NANGGALING ANG MARAMI SA MGA KILALANG PILIPINO NA MAY MALAKING AMBAG SA KASAYSAYAN AT PAGSULONG NG BANSA.

Simbahan ng Canaman

NHCP Photo Collection, 2022
NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

Location: Canaman, Camarines Sur
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 9 November 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG CANAMAN

NAGSIMULA BILANG DOCTRINA NG NUEVA CACERES, NGAYO'Y LUNGSOD NG NAGA, 1583. HUMIWALAY BILANG PAROKYA SA ILALIM NG MGA PATRONG SAN PEDRO AT SAN PABLO, 1599. ITINAYO YARI SA BATO AT IPINAILALIM SA NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION, 1669. NAGKAROON NG PAGTATALO HINGGIL SA PAMUMUNO NG PAROKYANG ITO SA PAGITAN NG MGA PARING SEKULAR AT PRANSISKANO, IKA-17 HANGGANG IKA-18 DANTAON. LUBHANG NAPINSALA NG LINDOL. 1842. ISINAAYOS, 1845. NASUNOG, 1856. NATAPOS ANG MALAWAKANG PAGSASAAYOS, 1877. SINUNOG NG HUKBONG REPUBLIKANO NG PILIPINAS UPANG DI MAPAKINABANGAN NG MGA AMERIKANONG NANAKOP SA KABIKULAN, 22 PEBRERO 1900. NAGING ARSENAL NG HUKBONG IMPERYAL NG HAPON, 1944. NABAWI NG TANGCONG VACA GUERRILLA, 1945. NAPINSALA NG BAGYONG SENING, LALO NA ANG KUMBENTO, 13 OKTUBRE 1970. NAGKAROON NG MALAKING PAGSASAAYOS ANG HARAPAN AT KUMBENTO NITO SA TULONG AMBAGAN NG MGA MANANAMPALATAYANG KATOLIKO SA CANAMAN, 1978. 

Silliman University (Declaration Marker)*

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Dumaguete City, Negros Oriental
Category: Buildings/Structures
Type: Building, Declaration marker
Status: National Historical Landmark
Legal basis: NHI Resolution No. 7, s. 2002
Marker date: 23 September 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SILLIMAN UNIVERSITY

IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN SA BISA NG RESOLUSYON BILANG 7 NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 19 HUNYO 2002.

Simbahan ng Oslob

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Oslob, Cebu
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 23 September 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG OSLOB

ITINATAG NG MGA AGUSTINO BILANG VISITA NG CARCAR, 1599; NAGING VISITA NG BOLJOON, 1690. INILIPAT SA PANGANGALAGA NG MGA HESWITA, 1737, IBINALIK SA MGA AGUSTINO, 1742. IPINATAYO NI PADRE JULIAN BERMEJO, OSA, ANG SIMBAHAN AT KUMBENTONG YARI SA KORALES AT KAHOY AYON SA PLANO NI OBISPO SANTOS GOMEZ MARAÑON, 1830; NATAPOS, 1847. NAGING GANAP NA PAROKYA SA PATRONATO NG INMACULADA CONCEPCION; PADRE JUAN JOSE ARAGONES, OSA, UNANG KURA PAROKO, 1848.  IPINATAYO NI PADRE APOLINAR ALVAREZ, OSA, ANG KAMPANARYO, 1858. NASUNOG, 1942 AT 1955. KINUMPUNI, 1956; MULING ISINAAYOS ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO SA PAKIKIPAGTULUNGAN NG TAUMBAYAN AT SA PANGUNGUNA NI PADRE CONSTANTINO BATOCTOY, 1980. NASUNOG ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO, 2008. MULING ISINAAYOS, 2010.

Ang Pagdaong ng USS Crevalle

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Basay, Negros Oriental
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 21 September 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text: 
ANG PAGDAONG NG USS CREVALLE

SA DALAMPASIGANG ITO NG BASAY, NEGROS ORIENTAL DUMAONG ANG USS CREVALLE, SUBMARINO NG HUKBONG DAGAT NG ESTADOS UNIDOS, 11 MAYO 1944. INILIKAS NITO ANG 40 AMERIKANONG SIBILYAN, MISYONERO, AT SUNDALO MULA NEGROS PATUNGONG AUSTRALIA. NAIHATID DIN SA HIMPILAN NG SOUTHWEST PACIFIC AREA COMMAND SA AUSTRALIA ANG Z PLAN NI ADMIRAL MINEICHI KOGA HINGGIL SA GALAW NG HUKBONG HAPON SA PILIPINAS AT PALAU. NATAGPUAN ANG MGA DOKUMENTO NG MGA MANGINGISDANG SINA PEDRO GANTUANGKO AT RUFU WAMAR SA KATUBIGAN NG CEBU AT IBINIGAY SA MGA GERILYA NG CEBU AT NEGROS. NAKATULONG ANG Z PLAN SA ESTRATEHIYA NG PAGPAPALAYA SA PILIPINAS MULA SA MGA HAPON. NAKARATING ANG SUBMARINO SA IBA’T IBANG BAHAGI NG PILIPINAS AT NAKASAGUPA ANG HUKBONG DAGAT NG HAPON.

National Federation of Women's Clubs of the Philippines

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Recreation Hall, Quezon Heritage House, Quezon Memorial Circle, Quezon City
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 15 September 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
NATIONAL FEDERATION OF WOMEN’S CLUBS OF THE PHILIPPINES

NAITATAG NANG MAGTIPON ANG HUMIGIT-KUMULANG 300 SAMAHANG PANGKABABAIHAN SA BANSA SA MANILA HOTEL, 5 PEBRERO 1921. NAITALA BILANG ISANG KORPORASYON, 21 SETYEMBRE 1921. KABILANG SA MGA UNANG OPISYAL NITO AY SINA ROSARIO M. DELGADO BILANG PANGULO, JOSEFA LLANES, AT MAUD PARKER. NAGING KASAPI RIN SINA GERONIMA PECSON, PILAR HIDALGDO LIM, TRINIDAD LEGARDA, PURA VILLANUEVA-KALAW, CONCEPCION FELIX CALDERON, AT AURORA ARAGON QUEZON, NA SIYA RING NAGING PANGULONG PANDANGAL, 1931-1941. PINANGUNAHAN ANG MGA GAWAING SIBIKO AT PANGKAWANGGAWA PARA SA KAPAKANAN NG SANGKABABAIHAN NG PILIPINAS. ISA SA MGA NAGSULONG SA CIVIL SERVICE BOARD, NA NGAYO’Y CIVIL SERVICE COMMISSION, NA BIGYAN NG MATERNITY LEAVE ANG MGA INA NA KAWANI NG PAMAHALAAN. HUMILING SA PAMAHALAANG LUMIKHA NG WOMEN’S BUREAU PARA SA MGA USAPING PANGKABABAIHAN. ANG KANILANG IPINAGLABAN AT PAGSUSUMIKAP NA MAGKAPANTAY-PANTAY ANG BAWAT PILIPINO AY PATULOY NA TINATAMASA NG KABABAIHANG PILIPINO HANGGANG SA KASALUKUYAN.

Katedral ng Tarlac

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Tarlac Cathedral, F. Tañedo Street cor. P. Burgos Street, Tarlac City, Tarlac
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 14 July 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KATEDRAL NG TARLAC

ITINATAG BILANG VISITA NG MAGALANG, PAMPANGA SA ILALIM NG PATRONATO NI SAN SEBASTIAN, 1686. NAGING PAROKYA, 1727. ISINAAYOS YARI SA BATO, 1872. DITO MULING BINUKSAN ANG PAMBANSANG ASAMBLEA MATAPOS LUMIPAT SA TARLAC ANG KABISERA NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, HULYO 1899. KABILANG SA BATAS NA IPINASA RITO ANG PAGPONDO SA PAKIKIDIGMA NG REPUBLIKA LABAN SA AMERIKA, 16 HULYO 1899. DITO HINALAL SI APOLINARIO MABININ BILANG PUNONG MAHISTRADO NG KORTE SUPREMA NG PILIPINAS, 23 AGOSTO 1899. DITO RIN MULING NAGBUKAS ANG UNIVERSIDAD LITERARIA DE FILIPINAS SA PAMUMUNO NI LEON MA. GUERRERO, 8 AGOSTO 1899, AT IDINAOS ANG TANGING PAGTATAPOS, 29 SETYEMBRE 1899. ISINAAYOS, 1959. NAGING KATEDRAL, 16 PEBRERO 1963.

Nueva Ecija High School

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Burgos Avenue, Cabanatuan City, Nueva Ecija
Category: Buildings/Structures
Type: School
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 8 September 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL

UNANG NAGBUKAS SA SAN ISIDRO, NUEVA ECIJA ANG PANLALAWIGANG SEKUNDARYANG PAARALAN, 1902. PINANGASIWAAN NI ARKITEKTO TOMAS MAPUA ANG PAGTATAYO NG BAGONG PAARALAN SA CABANATUAN, NUEVA ECIJA, 1921. INILIPAT DITO NANG MAKUMPLETO ANG DALAWANG PALAPAG NA GUSALI NA YARI SA KONKRETO AT KAHOY, 1927. IDINAGDAG ANG DALAWANG GUSALI SA MAGKABILANG DULO AYON SA PLANO NI ARKITEKTO ANTONIO TOLEDO, DEKADA 1930. NAKALIGTAS MULA SA PAMBOBOMBA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. NATATANGING HALIMBAWA NG PAARALANG GABALDON NA MAY ESTILONG NEO-KLASIKAL.

Timoteo Paez (1861-1939)

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Balut, Tondo, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1 September 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TIMOTEO PAEZ
(1861-1939)

REPORMISTA AT REBOLUSYONARYO. ISINILANG SA TONDO, MAYNILA, 22 AGOSTO 1861. KABILANG SA MGA NAGTATAG NG LOGIA NILAD, 6 ENERO 1892; AT LA LIGA FILIPINA, 3 HULYO 1892. SUMAPI SA CUERPO DE COMPROMISARIOS AT TUMULONG MANGALAP NG PONDO PARA SA KILUSANG REPORMISTA SA EUROPA, 1894. IBINILANGGO NG MGA ESPANYOL DAHIL SA PAGKASANGKOT SA HIMAGSIKAN, 1896. HINIRANG NI HEN. EMILIO AGUINALDO BILANG KOMISARYO NG DIGMAAN SA ILALIM NG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO. KINATAWAN NG SURIGAO SA KONGRESO NG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO, 1898-1899. KASAMA NI AGUINALDO SA PAGTANGGOL NG REPUBLIKA NG PILIPINAS LABAN SA PAG-ABANTE NG MGA AMERIKANO. INATASAN NI AGUINALDO NA SAMAHAN ANG MGA KABABAIHANG BAHAGI NG KANILANG PANGKAT NA SUMUKO SA MGA AMERIKANO, BONTOC, IFUGAO, 25 DISYEMBRE 1899. INIHALAL NA KONSEHAL NG MAYNILA, 1909. YUMAO, 18 SETYEMBRE 1939.

Dela Fuente-Villaroman Ancestral House

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Caingin, San Rafael, Bulacan
Category: Buildings/Structures
Type: Ancestral House
Status: Heritage House
Legal basis: NHCP Resolution No. 7, s. 2022
Marker date: 17 August 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
DELA FUENTE-VILLAROMAN ANCESTRAL HOUSE

THIS IS A HERITAGE HOUSE PURSUANT TO BOARD
RESOLUTION NO. 7, S. 2022 OF THE NATIONAL HISTORICAL
COMMISSION OF THE PHILIPPINES.

Pambansang Aklatan ng Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: National Library of the Philippines, T.M. Kalaw Street, Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 11 August 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PAMBANSANG AKLATAN NG PILIPINAS

ANG DIWA NG PAMBANSANG AKLATAN AY NAGSIMULA NANG ITATAG ANG MUSEO-BIBLIOTECA DE FILIPINAS SA BISA NG ISANG REAL DECRETO NI REYNA MARIA CRISTINA NG ESPANYA, 12 AGOSTO 1887. PINASINAYAAN, 25 OKTUBRE 1891. UNANG NAGBUKAS SA CALLE GUNAO, QUIAPO, MAYNILA AT KALAUNA’Y LUMIPAT SA CASA DE MONEDA, INTRAMUROS, MAYNILA. ITINULOY SA PANAHON NG MGA AMERIKANO ANG PAGBUBUO NG PAMBANSANG AKLATAN NANG PAG-ISAHIN ANG MGA AKLATANG PAMPUBLIKO BILANG THE PHILIPPINE LIBRARY, 20 MAYO 1909, AT NAKILALA SA IBA’T IBANG PANGALAN. LUBHANG NAPINSALA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, LIBAN SA ILANG KOLEKSYONG NAKALIGTAS SA PAMBOBOMBA NOONG 1945 SA MAYNILA. NAKILALA BILANG PAMBANSANG AKLATAN NG PILIPINAS SA BISA NG BATAS REPUBLIKA BLG. 10087, 13 MAYO 2010. NAGSILBING TAHANAN NG KARUNUNGAN, KASAYSAYAN, AT KULTURANG PILIPINO.