Showing posts with label Camarines Sur. Show all posts
Showing posts with label Camarines Sur. Show all posts

Simbahan ng Canaman

NHCP Photo Collection, 2022
NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

Location: Canaman, Camarines Sur
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 9 November 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG CANAMAN

NAGSIMULA BILANG DOCTRINA NG NUEVA CACERES, NGAYO'Y LUNGSOD NG NAGA, 1583. HUMIWALAY BILANG PAROKYA SA ILALIM NG MGA PATRONG SAN PEDRO AT SAN PABLO, 1599. ITINAYO YARI SA BATO AT IPINAILALIM SA NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION, 1669. NAGKAROON NG PAGTATALO HINGGIL SA PAMUMUNO NG PAROKYANG ITO SA PAGITAN NG MGA PARING SEKULAR AT PRANSISKANO, IKA-17 HANGGANG IKA-18 DANTAON. LUBHANG NAPINSALA NG LINDOL. 1842. ISINAAYOS, 1845. NASUNOG, 1856. NATAPOS ANG MALAWAKANG PAGSASAAYOS, 1877. SINUNOG NG HUKBONG REPUBLIKANO NG PILIPINAS UPANG DI MAPAKINABANGAN NG MGA AMERIKANONG NANAKOP SA KABIKULAN, 22 PEBRERO 1900. NAGING ARSENAL NG HUKBONG IMPERYAL NG HAPON, 1944. NABAWI NG TANGCONG VACA GUERRILLA, 1945. NAPINSALA NG BAGYONG SENING, LALO NA ANG KUMBENTO, 13 OKTUBRE 1970. NAGKAROON NG MALAKING PAGSASAAYOS ANG HARAPAN AT KUMBENTO NITO SA TULONG AMBAGAN NG MGA MANANAMPALATAYANG KATOLIKO SA CANAMAN, 1978. 

Hospital de San Lazaro

Location: Naga, Camarines Sur
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: Unknown
Marker text:
HOSPITAL DE SAN LAZARO 

THIS IS THE SITE OF THE FORMER HOSPITAL DE SAN LAZARO FOUNDED BY THE FRANCISCANS IN 1586. IN 1625 THE PATRONATO REAL (CROWN) ASSUMED THE TEMPORAL ADMINISTRATION OF THE HOSPITAL, WHILE THE FRANCISCANS RETAINED THE SPIRITUAL MINISTRATION. A TYPHOON DESTROYED THE HOSPITAL IN 1663 AND A BUILDING OF LIGHT MATERIALS WAS CONSTRUCTED IN 1664 WHICH WAS TURNED OVER TO THE BISHOP OF NUEVA CACERES IN 1691. BISHOP FRANCISCO C. GAINZA, O.P. ERECTED IN 1873 A NEW AND STRONGER HOSPITAL, BUT THIS WAS DESTROYED BY THE EARTHQUAKE OF APRIL 19, 1907. 

Ang Lungsod ng Naga

Location: Naga City, Camarines Sur
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 15, 1972
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
ANG LUNGSOD NG NAGA

SI JUAN DE SALCEDO ANG KAUNA-UNAHANG EUROPEONG NAKARATING SA NAGA NOONG 1573. SA CIUDAD DE CACERES NA MALAPIT SA NAGA AT NAMAYAN ANG ISANG PULUTONG NG MGA KASTILA NOONG 1575. NANG LUMAON AY PINAGPISAN ANG DALAWANG POOK AT TINAWAG NA NUEVA CACERES. NOONG 1918, ANG KATUTUBONG PANGALANG NAGA AY INIHALILI SA PANGALANG KASTILA, BAGAMAN ANG DIYOSESIS NG CACERES NA ITINATAG NOONG 1595 AY PATULOY NA GINAGAMIT.

Ang Lungsod ng Iriga

Location: Iriga City, Camarines Sur
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 13, 1969
Installed by: National Historical Commission (NHC)

Domingo Abella

Location: Iriga, Camarines Sur
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: May 2, 1982
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
DOMINGO ABELLA 

IPINANGANAK SA IRIGA, CAMARINES SUR, 2 MAYO 1906. MANGGAGAMOT, BIBLIOGRAPO, ARTSIBERO AT PANGUNAHING MANANALAYSAY NG KASAYSAYAN NG SIMBAHAN NOONG PANAHON NG KASTILA. NAGING PANGULO NG PHILIPPINE BIBLIOGRAPHICAL SOCIETY, BOOKLOVERS SOCIETY, AT PHILIPPINE HISTORICAL ASSOCIATION; KAGAWAD NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN; TAGAPAGTATAG NG INTERNATIONAL ASSOCIATION OF HISTORIANS OF ASIA. NAMATAY NOONG 4 SETYEMBRE 1976 SAMANTALANG NANUNUNGKULAN BILANG DIREKTOR NG SINUPANG PAMBANSA.  

Philtranco Service Enterprises, Inc.

Location: Philtranco Transport Heritage Museum, Iriga–Baao Road, Iriga, Camarines Sur
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PHILTRANCO SERVICE ENTERPRISES, INC.

UNANG PINANGANLANG ALBERT LOUIS AMMEN TRANSPORTATION COMPANY (ALATCO). ANG UNANG KOMPANIYA NA PAMPASAHERONG BUS NG MGA AMERIKANO SA PILIPINAS NA ITINATAG NOONG 1914 NI A.L. AMMEN, ISANG SUNDALONG AMERIKANO, AT ANG PUNONG HIMPILAN AY SA IRIGA, CAMARINES SUR. ANG POOK NA ITO AY GINAMIT NA GARISON NG HUKBONG IMPERYAL NA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG NA NAGBUNGA SA PANSAMANTALANG PAGTIGIL NG PAGLILINGKOD NA PAMBAYAN NITO. NAGPASIMULANG MULI NOONG 1945 SA TABACO, ALBAY. BINILI NG D. TUASON, INC., NOONG 1949 AT NAGING SIMULA NG PAGIGING ISA NITONG KORPORASYONG PAG-AARI NG MGA PILIPINO. BINILI NITO NANG TAONG DING YAON ANG BICOL TRANSPORTATION COMPANY (BITRANCO). ANG CONSOLIDATED AUTO LINES (CAL) AT MINDORO TRANSPORTATION COMPANY (MINTRANCO) NOONG 1954. NAKASANIB ANG EASTERN TAYABAS BUS COMPANY (ETBCO), 1968. BINILI NG MANTRADE GROUP OF COMPANIES NOONG 1971 AT PINANGANLANG PANTRANCO SOUTH EXPRESS INCORPORATED. BINIGYAN NG BAGONG PANGALANG PHILTRANCO SERVICES ENTERPRISES, INC., 1985.

Tangcong Vaca Guerilla Unit

NHCP Photo Collection, 2017
Location: San Nicolas Street, Canaman, Camarines Sur
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: March 8, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TANGCONG VACA GUERILLA UNIT

ITINATAG NI ELIAS V. MADRID SA BARYO SAN NICOLAS, BAYAN NG CANAMAN, LALAWIGAN NG CAMARINES SUR UPANG LABANAN ANG MGA HAPON, 8 MARSO 1942. SI MAJ. JUAN Q. MIRANDA, NAGSILBING NAMUMUNONG OPISYAL AT LEON AUREUS, OPISYAL NA TAGAPAGPATUPAD. TUMULONG SA PAGPAPALAYA SA BAYAN NG NAGA KASAMA ANG IBANG GERILYA, 3 MAYO 1942. NAGING TANYAG SA LABANAN SA TAGUILID PASS SA BAYAN NG PAMPLONA, CAMARINES SUR NA IKINASAWI NG MARAMING SUNDALONG HAPON, 8 NOBYEMBRE 1942. LUMABAN KASAMA ANG IBA PANG HUKBONG GERILYA UPANG PALAYAIN SA PANGALAWANG PAGKAKATAON ANG BAYAN NG NAGA, 13 ABRIL 1945. NAKIPAGLABAN SA MGA HAPON HANGGANG MAPALAYA ANG IBA PANG MGA BAYAN NG CAMARINES SUR, 1945.

Jose Ma. Panganiban y Enverga 1863–1890

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Naga Central Road, Naga City, Camarines Sur
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 1, 2016
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSE MA. PANGANIBAN Y ENVERGA 
1863–1890

MANUNULAT AT PANTAS NG KILUSANG PROPAGANDA. ISINILANG, 1 PEBRERO 1863, MAMBULAO (NGAYO’Y JOSE PANGANIBAN), CAMARINES NORTE. NAG-ARAL SA ILALIM NG MGA PARI NG LA CONGREGACION DE LA MISION DE SAN VICENTE DE PAUL SA SEMINARIO CONCILIAR DE NUEVA CACERES (NGAYO’Y HOLY ROSARY MINOR SEMINARY), NUEVA CACERES (NGAYO’Y LUNGSOD NG NAGA), CAMARINES SUR. NAG-ARAL NG MEDISINA SA BARCELONA, ESPANYA, 1888, AT NAGING AKTIBO SA KILUSANG PROPAGANDA SA PAMAMAGITAN NG PAGSULAT NG MGA ARTIKULO SA LA SOLIDARIDAD NA UMINOG SA KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG AT REPORMA SA SISTEMA NG EDUKASYON SA PILIPINAS. YUMAO SA BARCELONA, 19 AGOSTO 1890, NA IPINAGLUKSA NG KOMUNIDAD NG MGA PILIPINO SA EUROPA.

University of Nueva Caceres

Location: University of Nueva Caceres, J. Hernandez Avenue, Naga, Camarines Sur
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
UNIVERSITY OF NUEVA CACERES

ITINATAG SA DAANG BURGOS, LUNGSOD NG NAGA SA PAMUMUNO NI DR. JAIME HERNANDEZ, UNANG PANGULO, 1948. PINAGTIBAY NG SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION BILANG NUEVA CACERES COLLEGES, 18 MAYO 1948. BINUKSAN ANG SEKONDARYA AT MGA KURSONG PANGKOLEHIYO, 1 HULYO 1948; ELEMENTARYA AT ROTC, 1949. INILIPAT SA DAANG J. HERNANDEZ, 1952. UNANG PAARALAN SA KABIKULAN NA GINAWARAN NG KATAYUANG UNIBERSIDAD, 15 DISYEMBRE 1954.

Church of Nabua

© FroyAgta/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© TEAM PILTIK/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Nabua, Camarines Sur (Region V)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II: Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
CHURCH OF NABUA

THIS TOWN DATES FROM 1578. BUILT IN 1578. THE FIRST CHURCH WAS BURNED IN 1610. THE SECOND CHURCH, CONSTRUCTED IN 1611 WAS DESTROYED BY A TYPHOON. THE THIRD CHURCH WAS ERECTED BETWEEN 1630 AND 1656. THE PRESENT CHURCH, COMPLETED IN 1700, WAS UNROOFED BY A TYPHOON IN 1875, BUT REPAIRED IN 1878. THE BELFRY WAS DAMAGED BY AN EARTHQUAKE IN 1850 BUT REPAIRED BETWEEN 1890 AND 1894.

Church of Magarao

© Jurryboncodin/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Magarao, Camarines Sur (Region V)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II: Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
CHURCH OF MAGARAO

THE ECCLESIASTICAL ADMINISTRATION OF MAGARAO BELONGED WITH CANAMAN UNTIL 1750. THE FIRST CHURCH WAS DESTROYED BY THE EARTHQUAKES OF 1811. THE SECOND PROVISIONAL CHURCH BUILT OF BAMBOO AND NIPA THATCH LASTED UNTIL 1826. STARTED THAT YEAR THE PRESENT CHURCH WAS COMPLETED IN 1849. THE CHURCH AND THE CONVENT, WHICH WERE SERIOUSLY DAMAGED BY THE EARTHQUAKES OF MARCH 1887, WERE REPAIRED BY THE REV. VICENTE ROJO AND THE REV. HIGINIO DEL ALAMO, O.F.M.

Church of Iriga

© Joelaldor/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Yawrei/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
Location: Iriga, Camarines Sur (Region V)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II: Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
CHURCH OF IRIGA

THE FIRST CHURCH WAS BURNED IN 1585. THE SECOND CHURCH WAS DAMAGED BY A TYPHOON AND DESTROYED BY FIRE. THE THIRD CHURCH, CONSTRUCTED IN 1727, WAS ALSO BURNED IN 1841. THE PRESENT CHURCH, TOGETHER WITH THE TWO BELFRIES, WAS CONSTRUCTED SHORTLY AFTERWARDS.

Church of Calabanga

© Jurryboncodin/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0

© FroyAgta/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
Location: Calabanga, Camarines Sur
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II: Historical marker
Date of marker unveiling: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
CHURCH OF CALABANGA

THE ECCLESIASTICAL ADMINISTRATION OF CALABANGA BELONGED WITH QUIPAYO UP TO 1749. THE FIRST CHURCH WAS DESTROYED BY THE EARTHQUAKES OF 1811. THE THIRD CHURCH WAS BUILT IN 1849. THE PRESENT CHURCH WAS CONSTRUCTED BETWEEN 1874 AND 1897.

Church of Bula

© FroyAgta/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Yawrei/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Bula, Camarines Sur
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II: Historical marker
Date of marker unveiling: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker date:
CHURCH OF BULA

THE TOWN DATES FROM 1578. THE FIRST CHURCH WAS DESTROYED BY FIRE IN 1676. THE SECOND CHURCH, BUILT IN 1688, WAS DESTROYED BY A TYPHOON IN 1700. THE PRESENT CHURCH WAS COMPLETED IN 1706 AND REPAIRED IN 1876 AND 1885.

Church of Baao

© Jeremy Nacario/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0

© Historical Marker Hunter Pilipinas/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Baao, Camarines Sur (Region V)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II: Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
CHURCH OF BAAO

THIS CHURCH BUILT IN 1684 AT THE JUNCTION OF LANGDAY AND BAHAY RIVERS, WAS RUINED BY A TYPHOON IN 1706. CONSTRUCTED IN 1720, THE SECOND CHURCH LASTED UNTIL 1731, WHEN THE TOWN, WHICH WAS TRANSFERRED TO ITS PRESENT SITE, ERECTED ANOTHER CHURCH. THIS WAS DAMAGED BY THE EARTHQUAKE OF 1811 BUT WAS REPAIRED IN 1850. ITS BELFRY WAS REBUILT IN 1848.

Church of Buhi

© Joelaldor/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Rizalynsahagun11/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Buhi, Camarines Sur (Region V)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II: Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
CHURCH OF BUHI

AN EARLY CHURCH BUILT CLOSE TO BUHI LAKE WAS DESTROYED BY FIRE IN 1730. ANOTHER CHURCH WAS FINISHED IN 1735, BUT WAS DAMAGED AT VARIOUS TIMES BY EARTHQUAKES. THE PRESENT CHURCH WAS BUILT BY REV. ANGEL MALUMBRE, O.F.M., BETWEEN 1870 AND 1884. THE ROOF WAS DESTROYED BY FIRE THE SAME YEAR IT WAS FINISHED AND REPAIRED IN 1889–1890.

Church of Nuestra Señora de Peña de Francia

NHCP Photo Collection, 2015

NHCP Photo Collection, 2015

NHCP Photo Collection, 2015

NHCP Photo Collection, 2015

Location: Naga City
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1940
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
CHURCH OF NUESTRA SEÑORA DE PEÑA DE FRANCIA

THE EARLY CHURCH DEDICATED TO “NUESTRA SEÑORA DE PEÑA DE FRANCIA” WAS BUILT ABOUT 1711 TROUGH THE GENEROSITY OF THE REV. MIGUEL DE COVARRUBIAS AS A VOW-OFFERING FOR BLESSINGS HE RECEIVED IN HIS YOUTH. THE PRESENT CHURCH WAS BUILT ABOUT 1750 BY BISHOP ISIDORO DE AREVALO AND REPAIRED AND IMPROVED IN 1876–1877 BY BISHOP FRANCISCO GAINZA. THE IMAGE WAS SOLEMNLY CROWNED BY THE RT. REV. GUILLERMO PIANI ON SEPTEMBER 20, 1924.

Jesse M. Robredo 1958-2012

NHCP Photo Collection, 2017
NHCP Photo Collection, 2017
NHCP Photo Collection, 2017
Location: Jesse Robredo Museum, J. Miranda Avenue cor. Taal Avenue, Naga, Camarines Sur
Category: Personages
Type: Biographical marker
Link to the NHCP museum: Museo ni Jesse Robredo
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 18 August 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JESSE M. ROBREDO 
1958–2012

PUNONG LUNGSOD NG NAGA, KALIHIM NG KAGAWARAN NG INTERYOR AT LOKAL NA PAMAHALAAN, AT PANGULO NG LEAGUE OF CITIES OF THE PHILIPPINES.

ISINILANG SA LUNGSOD NG NAGA, CAMARINES SUR NOONG IKA-27 NG MAYO 1958. NAGSIMULA SIYA SA SERBISYO PUBLIKO BILANG PROGRAM DIRECTOR NG BICOL RIVER BASIN DEVELOPMENT PROGRAM NOONG 1986. NAHALAL SIYA BILANG PUNONG LUNGSOD NG NAGA NOONG 1988 AT NAGSILBI NANG 19 TAON, MULA 1988–1998 AT 2001–2010. BILANG ISANG LINGKOD-BAYAN, GINAWARAN SIYA NG RAMON MAGSAYSAY AWARD PARA SA KANIYANG PAGSULONG NG AKTIBONG PAKIKILAHOK NG TAUMBAYAN SA PAMAMAHALA. ITINALAGA SIYA BILANG KALIHIM NG INTERYOR AT PAMAHALAANG LOKAL NOONG 2010. BILANG KALIHIM, IPINATUPAD NIYA ANG FULL DISCLOSURE POLICY UPANG TIYAKING TAPAT AT WASTO ANG PAGGAMIT NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA PERA NG BAYAN. PUMANAW SIYA NOONG IKA-18 NG AGOSTO 2012. BILANG PAGKILALA SA KANYANG NATATANGING NAGAWA SA MABUTING PAMAMAHALA, IPINAGKALOOB SA KANIYA ANG LEHIYONG PANDANGAL NG PILIPINAS NA MAY RANGGONG PUNONG KOMANDANTE AT ANG KRUS NG SERBISYO NI QUEZON, ANG PINAKAMATAAS NA KARANGALANG MAIGAGAWAD NG REPUBLIKA.

Colegio De Santa Isabel




Location: Naga City, Camarines Sur (Region V)
Category: Buildings/Structures
Type: School
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
COLEGIO DE SANTA ISABEL

THE RT. REV. FRANCISCO C. GAINZA, O.P., BISHOP OF NUEVA CACERES (1862–1879), WAS THE PROMOTER AND FOUNDER OF THIS COLLEGE NAMED IN HONOR OF SAINT ISABEL, QUEEN OF HUNGARY. IT WAS SOLEMNLY BLESSED AND OPENED SEPTEMBER 18, 1870. BY A ROYAL DECREE OF JANUARY 11, 1872, IT BECAME THE FIRST NORMAL SCHOOL FOR GIRLS IN THE PHILIPPINES. DURING ITS EXISTENCE FROM 1877 TO 1898, THREE HUNDRED STUDENTS WERE GRADUATED.

Labinlimang Martir ng Bikol




Location: Naga City, Camarines Sur (Region V) 
Category: Buildings/Structures
Type: Monument
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1982
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABINLIMANG MARTIR NG BIKOL

MGA ILUSTRADO NG BIKOL NA DINAKIP AT NILITIS NG KOMISYONG MILITAR NOONG 29 DISYEMBRE 1896 SA BINTANG NA BALAK NA PAGPATAY SA LAHAT NG KASTILA SA IBA’T IBANG DAKO NG KABIKULAN. WALANG KASALANAN SA KRIMENG IBINIBINTANG SA KANILA. SILA AY BINARIL SA LUNETA, MAYNILA, NOONG 4 ENERO 1897.

MGA BINARIL: DOMINGO ABELLA, MANUEL ABELLA, P. SEVERINO DIAZ, P. INOCENCIO HERRERA, CAMILO JACOB, FLORENCIO LERMA, MARIANO MELGAREJO, CORNELIO MERCADO, P. GABRIEL PRIETO, TOMAS PRIETO AT MACARIO VALENTIN. NAMATAY SA BILANGGUAN: LEON HERNANDEZ AT MARIANO ORDENANZA. NAMATAY SAMANTALANG TAPON: RAMON ABELLA AT MARIANO ARAÑA.

ANG BANGKAY NG MGA MARTIR NA ITO AY INILAGAK SA IISANG HUKAY NA HINDI NATUNTON KAILANMAN.