Showing posts with label 1992. Show all posts
Showing posts with label 1992. Show all posts

Florentino P. Cayco

© Andre Ryan Maceda/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Andre Ryan Maceda/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Arellano University, Legarda, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 15 October 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
FLORENTINO P. CAYCO 
(1892-1976)

IPINANGANAK, OKTUBRE 16, 1892, MALABON, RIZAL. NAGKAMIT NG TITULONG BATSILYER SA MGA SINING, INDIANA UNIVERSITY, 1921; DALUBHASA SA MGA SINING, COLUMBIA UNIVERSITY, 1922. UNANG NAGLINGKOD BILANG HARDINERO, KAWANIHAN NG MGA LUPAIN. NAGING GURO SA PAARALANG PREMARYA, 1909 AT SUPERBISOR, KALOOKAN, 1917-1918; KATULONG NG SUPERINTENDENTE NG MGA PAARALANG LUNGSOD, 1922-1935; PANGULO, NATIONAL UNIVERSITY, 1937-1941; TAGAPAGTATAG, ARELLANO UNIVERSITY, 1938; PANGALAWANG KALIHIM NG INSTRUKSIYON AT IMPORMASYON, 1945-1946. TUMANGGAP NG MGA GAWAD AT PAGKILALA SA KANYANG KATANGI-TANGING PAGLILINGKOD SA LARANGAN NG EDUKASYON BUHAT SA PAMAHALAAN AT MGA SAMAHANG PUBLIKO. NAMATAY, AGOSTO 29, 1976. 

Gusaling Army and Navy Club (Declaration Marker)

NHCP File Photo

NHCP File Photo

NHCP File Photo
Location: T.M. Kalaw Extension, Ermita, Manila (NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: Declaration marker
Status: Level I-National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 2, s. 1991
Marker date: 29 June 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
GUSALING ARMY NAVY CLUB

SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGAN NG MGA KAU­TUSAN BILANG 375,14 ENERO 1974, AT BILANG 1505, 11 HUNYO 1978, ANG GUSALING ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKA­SAYSAYAN, ABRIL 26, 1991.

Bayan ng Batan

Location: Batan, Aklan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 8 December 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BAYAN NG BATAN

DATING KILALA BILANG BATANG, PUNONG BAYAN NG SACUP (LALAWIGAN) NG AKLAN AT SENTRO NG PAKIKIPAGKALAKALAN NOONG BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA. ENCOMIENDA NI MIGUEL RODRIGUEZ, 1591; BAYANG EKLESIASTIKO, 1601; ISINAMA SA BAYAN NG ACLAN (NGAYON AY KALIBO), 1603. NAGING BAYANG NAGSASARILI, 1789. NAGING UNANG GOBERNADORSILYO SI DON MARTIN DIONISIO. NAGING BAHAGI NG BAGONG TATAG NA BAYAN NG NEW WASHINGTON, 1903. MULING ITINATAG BILANG NAGSASARILING BAYAN SA PAGPUPUNYAGI NG NOON AY ISPIKER MANUEL A. ROXAS NG LEHISLATURA NG PILIPINAS, 1931.

Jose P. Laurel (1891–1959) Pangulo ng Republika ng Pilipinas

Location: Wack Wack Golf and Country Club, Wack Wack Road, Mandaluyong City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: June 5, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JOSE P. LAUREL (1891–1959)
PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS

SA POOK NA ITO BINARIL SI DR. JOSE P. LAUREL NOONG HUNYO 5, 1943 SAMANTALANG SIYA AY NAGLALARO NG GOLF GANAP NA 6:30 NG UMAGA. NAKALIGTAS SI DR. LAUREL SA INSIDENTENG ITO AT IPINAGPATULOY NIYA ANG MATAPAT AT PUSPUSANG PAGLILINGKOD PARA SA KAPAKANANG PAMBANSA HIGIT SA LAHAT.

Philippine Bar Association

Location: Makati City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: June 26, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PHILIPPINE BAR ASSOCIATION 

KAUGNAY SA KASAYSAYANG PULITIKAL AT PAMBATAS NG BAYAN. KAHALILI NG COLEGIO DE ABOGADOS DE FILIPINAS NA ITINATAG NOONG 1891, PINAGTIBAY ANG MGA CANONS OF PROFESSIONAL ETHICS, 1917. IMINUNGKAHI NI JOSE BAD SANTOS ANG PAGTATATAG NG COURT OF APPEALS (COMMONWEALTH ACT NO. 3, PEBRERO 3, 1936) AT JUVENILE COURT, (REPUBLIC ACT NO. 1401, SETYEMBRE 9, 1955); GINAWANG KORPORASYON NOONG 1958; NAGSUMIKAP UPANG MAIGAWAD AND PRESIDENTIAL PROCLAMATION BILANG 619 NOONG 1959, NA GINAWANG ARAW NG BATAS ANG IKA-19 NG SETYEMBRE TAUN-TAON. NAGTATAG NG “DISTINGUISHED AWARD FOR JUSTICE,” 1984; TAGAPAGTANGGOL NG MGA HUMAN RIGHTS NOONG KAPANAHUNAN NG BATAS MILITAR MULA 1972. PAGTATAGUYOD NG RULE OF LAW BILANG ISANG PANGUNAHING LAYUNIN. 

Emilio Aguilar Cruz (1915–1991)

Location: Emilio Aguilar Cruz Museum, Abe’s Farm, Magalang, Pampanga
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: August 7, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
EMILIO AGUILAR CRUZ 
(1915–1991)

IPINANGANAK, HUNYO 5, 1915, MAGALANG, PAMPANGA. MANUNULAT, EDITOR, KRITIKO SA SINING, PINTOR, DIPLOMATIKO, MAKABAYAN AT MAKATAO. MANUNULAT SA INGLES AT PILIPINO AT MAY-AKDA NG MARAMING NATATANGING SANAYSAY AT MGA MAIKLING KUWENTO. PUNONG EDITOR NG DAILY MIRROR. KOLUMNISTA NG IBA’T-IBANG PAHAYAGAN, AWTOR NG SANAYSAY, “AUTOCHTONOUS TRADITION,” ISANG MAHALAGANG KRITIKONG PANSINING SA PILIPINAS NOONG KANYANG KAPANAHUNAN. ANG KANYANG KOLEKSIYON NG MGA SANAYSAY, “MAYNILA AND OTHER EXPLORATIONS,” AY NALATHALA NOONG 1978. BILANG PINTOR, SIYA ANG INSPIRASYON NG PANGKAT DIMASALANG. NAGSALIN SA INGLES NG SALAYSAY PANGKASAYSAYANG PRANSES UKOL SA PILIPINAS. DAHIL SA KANYANG MGA MAKABAYANG ISINULAT SIYA AY GINAWARAN NG RIZAL PRO-PATRIA AWARD NOONG 1961. BILANG PLENIPOTENSIYARYONG EMBAHADOR, SIYA ANG PERMANENTENG KINATAWAN NG BANSA SA UNESCO, PARIS, 1978–1931. KOMISYUNADO NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN, 1967–1991. NAMATAY, DISYEMBRE 19, 1991.

Mataas na Paaralang Araullo

Location: Araullo High School, Taft Avenue, Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 13, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MATAAS NA PAARALANG ARAULLO

NAGMULA SA MANILA HIGH SCHOOL NA ITINATAG NG MGA AMERIKANO, HUNYO 11, 1906. BINIGYAN NG BAGONG PANGALANG MANILA SOUTH HIGH SCHOOL, 1921 AT ARAULLO HIGH SCHOOL SA BISA NG ORDENANSANG PAMBAYAN BLG. 1603, HUNYO 8, 1930. NATUPOK NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. PAGKARAAN NG LIBERASYON MULING SINIMULAN ANG OPERASYON SA MGA KUBONG QUONSET SA DAANG SINGALONG NA KINAROROONAN NGAYON NG MABABANG PAARALANG EPIFANIO DE LOS SANTOS. INOKUPAHAN ANG GUSALING BORDNER SA PADRE FAURA, 1949 AT ANG KASALUKUYANG KINALALAGYAN NITO, 1962.

Ermita Science Community

Location: National Institutes of Health, UP Manila, Pedro Gil Street cor. Taft Avenue, Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 27, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ERMITA SCIENCE COMMUNITY

SA POOK NA ITO ISINILANG AT LUMAGO ANG KUMUNIDAD NG AGHAM. NAGMULA SA BUREAU OF GOVERNMENT LABORATORIES NA ITINATAG SA BISA NG ACT NO. 156 NG KOMISYON NG PILIPINAS, 1901. HALIGI NG SIYENTIPIKONG PANANANALIKSIK AT PAG-AARAL. PINANGANLANG BUREAU OF SCIENCE, ACT NO. 1407, 1905; INSTITUTE OF SCIENCE, EXECUTIVE ORDER NO. 94, 1947; INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY, EXECUTIVE ORDER NO. 392, 1951; NATIONAL INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY. ISA SA MALAKING AHENSIYA NG NATIONAL SCIENCE DEVELOPMENT BOARD, UNANG PAGBUBUKLOD NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA SA BANSA, SCIENCE ACT OF 1958; NAGMULING-TATAG BILANG NATIONAL SCIENCE AND TECHNOLOGY AUTHORITY; AT ANG POOK NA ITO PINANGANLANG ERMITA SCIENCE COMMUNITY, EXECUTIVE ORDER NO. 784, 1982; DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY, EXECUTIVE ORDER NO. 128, 1987; MATATAGPUAN SA POOK NA ITO ANG MGA AHENSIYA NG DOST KAGAYA NG ITDI, FNRI, PHILIPPINE SCIENCE CENTRUM AT IBA PA.

Tomas Claudio (1892–1918)

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

Location: Tomas Claudio Street cor. Tupas Street, Morong, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: May 7, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
TOMAS CLAUDIO 
(1892–1918)

BAYANI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG. IPINANGANAK, MAYO 7, 1892, MORONG, RIZAL. NAGTAPOS NG KOMERSIYO, CLARK HEALDS BUSINESS COLLEGE, SPARKS, NEVADA, 1916. UMANIB SA HUKBO NG ESTADOS UNIDOS, NOBYEMBRE 2, 1917; NAGTUNGO SA PRANSYA BILANG KASAPI NG IKA-41 DIBISYON, DISYEMBRE 15, 1917. LUMIPAT SA IKA-28 REHIMENG IMPANTERIYA, UNANG DIBISIYON AT BUONG TAPANG NA NAKIBAKA SA MADUGONG LABANAN NG CANTIGNY, PRANSYA, MAYO 28. NAMATAY BUNGA NG TINAMONG SUGAT, HUNYO 29, 1918. IBINALIK ANG MGA LABI SA PILIPINAS AT INILIBING NANG MAY KARAMPATANG SEREMONYA SA CEMENTERIO DEL NORTE, 1921. BILANG PARANGAL, ANG TOMAS CLAUDIO MEMORIAL SCHOOL AY ITINATAG SA BISA NG BATAS LEHISLATURA BLG. 1281, NOONG 1921.

Engracia Cruz Reyes (1892–1975)

Location: Plaza Rajah Sulayman, Roxas Boulevard cor. San Andres Street, Malate, Manila
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 July 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ENGRACIA CRUZ REYES
(1892–1975)

IPINANGANAK, NAVOTAS, RIZAL, ABRIL 16, 1892. NANGUNA SA INDUSTRIYA NG RESTAURANT, TAGAPAGTAGUYOD NG PAGKAING PILIPINO AT NG BARO’T SAYA; FEMINISTA. NAGSIMULA SA NEGOSYO SA PAMAMAGITAN NG PAGBUBUKAS NG KANTINANG ‘LAPU-LAPU’ NA NAGSISILBI NG MGA POPULAR NA PAGKAING PILIPINO SA MARQUEZ DE COMILLAS, MAYNILA, 1928. SINUNDAN ITO NG TRAVELLING STORE NA PINANGANLANG ‘ARISTOCRAT,’ 1936; ITINATAG ANG ARISTOCRAT RESTAURANT SA DEWEY BOULEVARD (NGAYO’Y ROXAS BOULEVARD), 1939; SUMAPI SA SUFFRAGETTE MOVEMENT, 1937; NAGKAMIT NG GAWAD PAGKILALA BILANG MOTHER OF THE OUTSTANDING FAMILY OF THE YEAR; REPUBLIC DAY AWARD, 1955; MOST OUSTANDING WOMAN AWARD SA MARKETING NG PHILIPPINE MARKETING ASSOCIATION, 1967. SA KANYANG KARANGALAN, ANG GINTONG INA AWARD PARA SA OUTSTANDING MOTHER OF THE YEAR AY ITINATAG NG PAMBANSANG KABATAANG BARANGAY, 1982. NAMATAY, HULYO 5, 1975.

Order of the Knights of Rizal

Location: Knights of Rizal Building, Bonifacio Drive, Port Area, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: June 14, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ORDER OF THE KNIGHTS OF RIZAL

ITINATAG NG GRUPONG NASA PAMUMUNO NI KOLONEL ANTONIO C. TORRES, 1909, PARA GUNITAIN ANG PAGKAKABARIL AT KABAYANIHAN NI DR. JOSE RIZAL. BINIGYAN NG CORPORATE STATUS AT PINANGANLANG ORDEN DE CABALLEROS DE RIZAL O ORDER OF THE KINGTS OF RIZAL, NOBYEMBRE 16, 1916. PINAGKALOOBAN DIN NG LEGISLATIVE CHARTER NANG PAGTIBAYIN NI PANGULONG ELPIDIO QUIRINO ANG BATAS REPUBLIKA BLG. 646, HUNYO 14, 1951. NANGUNA PARA MAPAGTIBAY ANG PROKLAMASYON PAMPANGULUHAN BLG. 54, DISYEMBRE 19, 1986, NA NAGTATALAGA SA DISYEMBRE 23 HANGGANG 30 NANG BAWAT TAON BILANG LINGGO NI RIZAL.

Natividad Almeda Lopez (1892–1977)

Location: Gota de Leche Building, 859 Sergio H. Loyola Street, Sampaloc, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 8, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
NATIVIDAD ALMEDA LOPEZ
(1892–1977)

NANGUNANG FILIPINANG NANUNGKULAN BILANG ABOGADO; UNANG FILIPINANG HUKOM AT MAHISTRADO NG HUKUMAN SA PAGHAHABOL. IPINANGANAK, SEYTEMBRE 8, 1892. NAGKAMIT NG MGA TITULONG BACHELOR OF ARTS, LICEO DE MANILA, 1909; LICENTIATE IN JURISPRUDENCE, ESCUELA DE DIRECHO DE MANILA, 1913; MASTER OF LAWS, 1937, AT DOCTOR OF CIVIL LAW, 1938, KAPWA BUHAT SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS. TINANGGAP SA BAR, 1914. NAGSIMULANG MAGLINGKOD SA PAMAHALAAN BILANG SPECIAL ATTORNEY, KAWANIHAN NG KATARUNGAN, 1919. NANGULO SA IBA’T IBANG HUKUMAN NG KATARUNGAN, 1931–1962. HUMAWAK SA IBA’T IBANG KATUNGKULAN SA MGA KILALANG SAMAHAN AT INSTITUSYONG PANSIBIKO AT PANGKAWANGGAWA. PANGULO, LA PROTECCION DE LA INFANCIA, (KAGOTA DE LECHE), 1936–1977. TAGAPAGTATAG, MANILA CHILDREN’S AND LYING-IN HOSPITAL. KINATAWAN SA MARAMING MAHAHALAGANG KAPULUNGANG PANGDAIGDIG. TUMANGGAP NG MGA GAWAD PAMPANGULO DAHIL SA KANYANG PANGUNGUNA SA MGA KILUSANG PANGKABABAIHAN, 1955; PARA SA KANYANG PAKIKIBAKA PARA SA KILUSAN SA PAGBOTO NG MGA KABABAIHAN SA BANSA, 1966; DAHIL SA KANYANG NAPAKABISANG PANGUNGUNA TUNGO SA PAGKILALA SA MGA KARAPATAN NG MGA FILIPINA, 1968. NAMATAY, ENERO 23, 1977.

Paaralang Sentral ng Lingayen I

Location: Lingayen I Central School, Alvear E Street, Lingayen, Pangasinan
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 22 August 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PAARALANG SENTRAL NG LINGAYEN I

UNA AT TANGING GUSALING PAARALANG BAYANG MAY GANITONG URI SA LINGAYEN, KABISERA NG PANGASINAN. NAKALIGTAS SA PAGSALAKAY AT PAMBOBOMBA NG PUWERSA NI HENERAL DOUGLAS MACARTHUR NOONG LIBERASYON, ENERO 1945, AT PANANALANTA NG MGA BAHA AT LINDOL. DITO, ANG PANGULONG FIDEL V. RAMOS, PANLABINGDALAWANG PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS AY NAG-ARAL MULA UNA HANGGANG IKA-PITONG BAITANG, 1932–1940. BINIGKAS NIYA ANG KANYANG UNANG TALUMPATI BILANG BALEDIKTORYAN NG KANILANG KLASE, MARSO 1940, SA HARAPAN NG ENTABLADONG KINALALAGYAN NG DATING KAMPANANG PAMPAARALAN.

Bugasong

Location: Antique-Aklan Road, Bugasong, Antique
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: January 17, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BUGASONG

NAGING ENCOMIENDA NI PEDRO GUILLEN, 1591; PORMAL NA SINIMULAN NG MGA MISYONERYONG AGUSTINO ANG EBANGHELISASYON, 1596. VISITA NG HAMTIC SA PAGSIMULA NG IKA-17 DANTAON; PORMAL NA ITINATAG BILANG BAYAN SA PATRONATO NI SANTO NIÑO, 1700. TINAWAG NA PROVINCIA DE BUGASONG NANG ITO’Y MAGING KABISERA NG LALAWIGAN PAGKARAANG GAWING ISANG LALAWIGANG POLITICO MILITAR ANG ANTIQUE NOONG 1790 HANGGANG SA ILIPAT ANG LUKLUKAN NG PAMAHALAANG PANGLALAWIGAN SA SAN JOSE BUENAVISTA NOONG 1800.

Altavas

Location: Altavas Municipal Hall, Altavas, Aklan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ALTAVAS

NAGING VISITA NG BATAN NA DATING KILALA SA PANGALANG LAGUING BANWA. NATATAG BILANG BAYAN, 1862 AT PINANGANLANG JIMENO BILANG PARANGAL KAY P. ROMUALDO JIMENO, OBISPO NG CEBU. BAHAGI NG BAGONG TATAG NG BAYANG NEW WASHINGTON, 1903; ISANG NAGSASARILING BAYANG TINAWAG NA ALTAVAS, BILANG PAGKILALA KAY SENADOR JOSE CORTEZ ALTAVAS, ISA SA AWTOR NG BATAS PARA MAHIWALAY ANG BAYANG ITO SA NEW WASHINGTON, 1918. NAGING KABISERA NG LALAWIGAN NG CAPIZ NOONG PANANAKOP NG MGA HAPON. NAHIWALAY SA CAPIZ, 1956.

Eugenio Daza y Salazar (1870–1954)

© Leocvlauzon/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Leocvlauzon/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Real Street, Borongan, Eastern Samar
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
EUGENIO DAZA Y SALAZAR
(1870–1954)

GURO, REBOLUSYONARYO, MAMBABATAS. IPINANGANAK, NOBYEMBRE 15, 1870, BORONGAN, EASTERN SAMAR. NAGKAMIT NG TITULO SA EDUKASYON, ESCUELA NORMAL DE MAESTRO, MAYNILA, 1888. MAKARAANG MAKATAPOS NG EDUKASYON, SIYA AY NAGTURO SA BORONGAN MUNICIPAL SCHOOL AT PAGKARAAN NG LIMANG TAON AY NAGTATAG NG SARILING PAARALAN SA ILALIM NG PAMAMAHALA NG MGA KASTILA. SUMAPI SA KILUSANG HIMAGSIKAN SA SAMAR SA PAGSIKLAB NG HIMAGSIKANG PILIPINO. ITINALAGA NI HENERAL VICENTE LUKBAN NA MAGING PANGKALAHATANG PUNONG-HUKBO NG SILANGANG SAMAR. ISA SA MGA NAGING KASANGKAPAN SA TAGUMPAY NG ISANG MAKASAYSAYANG PANGYAYARING NAGANAP SA BALANGIGA NOONG SETYEMBRE 28, 1901. NAHALAL NA KINATAWAN NG IKATLONG DISTRITO NG SAMAR SA UNANG ASEMBLEA NG PILIPINAS, 1907. NAMATAY DISYEMBRE 16, 1954, CALAMBA, LAGUNA.

Bayan ng Amadeo

© Ramon FVelasquez/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
Location: Amadeo Municipal Hall, Mabini Street, Amadeo, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BAYAN NG AMADEO

DATING BARRIO NG SILANG NA TINAWAG NA GITNANG PULO, NAKILALA NANG LUMAON BILANG MASILAO, NAGSARILI NOONG HULYO 15, 1872 AT PINANGANLANG AMADEO BILANG PARANGAL SA HARING AMADEO NG ESPANYA. INIHIWALAY SA PAROKYA NG SILANG AT ISINAILALIM SA PATRONAHE NI SANTA MARIA MAGDALENA SA BISA NG KAUTUSAN BLG. 424 NI REB. P. PEDRO PAYO, ARSOBISPO NG MAYNILA, MAYO 1, 1884. ISINANIB SA SILANG SA PAMAMAGITAN NG BATAS BLG. 947 NG KOMISYON NG PILIPINAS, OKTUBRE 15, 1903. MULING ITINATAG BILANG HIWALAY AT NAGSASARILING BAYAN, 1915. UNANG HINIRANG AT INIHALAL NA ALKALDE SI JERONIMO BAYOT.

Generosa de Leon (1892–1962)

Contributed by Kjerrymer Andres
Location: Centro Escolar University, San Miguel, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 6 December 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
GENEROSA DE LEON 
(1892–1962)

ISA SA MGA DAKILANG EDUKADOR NG KANYANG PANAHON. IPINANGANAK SA PANDAKAN, MAYNILA, HULYO 17, 1892. MAGKASABAY NA TINAPOS ANG EDUKASYONG SEKUNDARYA AT BATSILYER SA MGA SINING NANG MAY MARKANG SOBRESALIENTE, CENTRO ESCOLAR DE SENORITAS, 1910. PINAGKALOOBAN NG TITULONG DALUBHASA SA SINING NG PAGTUTURO. HONORIS CAUSA, 1949. ITINATAG ANG COLLEGE OF PHARMACY, CEU, 1921 AT SANGAY SA PARAÑAQUE NG CEU, 1954. BANTOG SA KANYANG KAKAYAHAN BILANG REGISTRAR, INGAT-YAMAN AT TAGAPAMAHALA NG CEU AT SA KANYANG MGA PAGLILINGKOD SA MGA SAMAHANG MAPAGKAWANGGAWA AT SA EDUKASYON NG MGA KABATAAN. MAY-AKDA NG KILALANG YOUR COOKERY GUIDE. SI MAESTRA OSANG AY NAMATAY NOONG OKTUBRE 11, 1962.

Domingo Franco y Tuason

© Judgefloro/Wikimedia Commons
Location: Plaza Moriones, Tondo, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 4 August 1992
Installed by National Historical Institute (NHI)
Marker text:
DOMINGO FRANCO Y TUASON 
(1856–1897)

PROPAGANDISTA, MAKABAYAN AT MARTIR. IPINANGANAK SA MAMBUSAO, CAPIZ, AGOSTO 4, 1856. NAGKAMIT NG PERITO MERCANTIL CERTIFICATE, ATENEO MUNICIPAL; NAG-ARAL NG NOTARIADO SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS, KUNG SAAN AY NAKILALA NIYA AT NAGING KAIBIGAN SI JOSE RIZAL. NAGING UNANG PANGULO NG LA LIGA FILIPINA, HUNYO 1892, AT PANGULO NG CUERPO DE COMPROMISARIOS, 1894. DINAKIP NG MGA KASTILA, DAHILAN SA PAGSAPI SA KATIPUNAN, SETYEMBRE 19, 1896. IKINULONG SA KUTANG SANTIAGO AT PINAHIRAPAN NG MAY TATLONG BUWAN; BINARIL SA PAMAMAGITAN NG FIRING SQUAD KASAMA ANG LABINDALAWANG MGA MAKABAYANG FILIPINO SA BAGUMBAYAN, ENERO 11, 1897.

Sixto Castelo Lopez (1863-1947)

NHCP Photo Collection, 2013

NHCP Photo Collection, 2013

NHCP Photo Collection, 2013
Location: Balayan, Batangas
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIXTO CASTELO LOPEZ
(1863–1947)

IPINANGANAK, ABRIL 6, 1863 SA BALAYAN, BATANGAS KINA NATALIO LOPEZ AT MARIA CASTELO. NAGSIMULANG MAG-ARAL SA PAMPUBLIKONG PAARALAN NG BALAYAN, 1875; PAGKARAAN, ATENEO MUNICIPAL, MANILA; PAGKATAPOS AY SUMAILALIM SIYA SA PAGTUTURO NI DR. CIPRIANO GONZALES; SAN JUAN DE LETRAN, 1882; AT SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS, KUNG SAAN AY NAGTAPOS SIYA NG SEKUNDARYANG EDUKASYON NOONG 1884. TAGAHANGA AT KAIBIGAN NI DR. JOSE RIZAL. NAGING KALIHIM NI AMBASSADOR PLENIPONTENTIARY FELIPE AGONCILLO. ISA SA ILANG PILIPINO NA DI SUMUMPA NG KATAPATAN SA ESTADOS UNIDOS. KUSANG IPINATAPON ANG SARILI SA ESTADOS UNIDOS SA LOOB NG 25 TAON. GINUGOL ANG NALALABING BUHAY SA KANYANG BUKID SA BALAYAN NAMATAY, MARSO 3, 1947.