Showing posts with label 1986. Show all posts
Showing posts with label 1986. Show all posts

Claro M. Recto

Location: 2150 F.B. Harrison & 1750 Leveriza Street, Pasay City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2 October 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CLARO M. RECTO

MAKABAYAN, ESTADISTA, HURISTA, PARLIAMENTARYO AT MANUNULAT KUNG SAAN GINUGOL ANG PINAKAMAKAHULUGANG BAHAGI NG KANYANG BUHAY NA NAGING HUWARAN NG KADAKILAAN, KARANGANLAN AT PAGPIPITAGAN SA SARILING KAKAYAHAN NG SAMBAYANANG PILIPINO.

Harris Memorial College

Location: Taft Avenue, Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: October 24, 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HARRIS MEMORIAL COLLEGE

UNA AT PINAKAMATANDANG SENTRO NG SANAYAN SA BIBLIYA NG METHODISTA PARA SA MGA BABAE SA TIMOG-SILANGANG ASYA NA ITINATAG NI WINEFRED SPAULDING SA KALYE NOZALEDA, MAYNILA, 1903. LUMIPAT SA 906 RIZAL AVENUE, STA. CRUZ, 1907, AT PINANGANLANG HARRIS MEMORIAL TRAINING SCHOOL SA KARANGALAN NI NORMAN HARRIS NG CHICAGO. LUMIPAT SA P. PAREDES AT LERMA, SAMPALOC, KUNG SAAN ITINATAG NI BRIGIDA FERNANDO ANG KAUNA-UNAHANG KINDERGARTEN, 1922; AT ANG PAGSASANAY NG MGA GURO NITO, 1924. LUMIPAT SA PANULUKAN NG TAFT AVENUE AT UNITED
NATIONS (DATING ISAAC PERAL) AT PINANGANLANG HARRIS MEMORIAL COLLEGE SA ILALIM NG UNITED METHODIST CHURCH OF THE PHILIPPINES, 1969; PAGKARAAN HARRIS MEMORIAL COLLEGE DEVELOPMENT CENTER FOR WOMEN, INC., 1975.

Renato D. Tayag (1915–1985)

Location: Angeles City Library and Information Center, Sto. Entierro Street, Brgy. Santo Rosario, Angeles City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: October 9, 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
RENATO D. TAYAG 
(1915–1985)

AWTOR, MANANANGGOL, KAWAL AT ISPORTMAN. IPINANGANAK SA ANGELES, PAMPANGA, OKTUBRE 9, 1915. NAGTAPOS NG ABOGASYA SA U.P., 1939 KASAPI, U.P. WRITERS CLUB. PINAMATNUGUTAN ANG COLLEGIAN AT LITERARY APPRENTICE. NAKIPAGLABAN SA BATAAN BILANG FIELD ARTILLERY OFFICER; KABILANG SA DEATH MARCH; BILANGGO NG DIGMAAN SA KAMPO O’DONNEL. IPINAGKALOOB ANG ORIHINAL NA GUSALI AT LUPANG KINATITIRIKAN NG R.D. TAYAG MEMORIAL LIBRARY. NAMATAY PAGKARAANG MAMUHA NG MARANGAL AT KAPURI-PURI, AGOSTO 13, 1985.

Bahay ni Angel Pantaleon de Miranda

Location: 290 Calle, Sto. Rosario, Angeles City, Pampanga
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 7 December 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BAHAY NI ANGEL PANTALEON DE MIRANDA

IPINATAYONG YARI SA BATO AT KAHOY NOONG 1824 NI DON ANGEL PANTALEON DE MIRANDA AT KANYANG MAYBAHAY, DOÑA ROSALIA DE JESUS, ANG NAGTATAG NG ANGELES (DATING CULIAT) PAMPANGA, NOONG 1796. MINANA NG KANILANG ANAK NA SI DOÑA JUANA MIRANDA DE HENSON AT PAGKARAAN AY TINIRAHAN NG MGA TAGAPAGMANA NI DON JOSE P. HENSON. KASALUKUYANG TAHANAN NI DON VICENTE N. HENSON, SR. NAGING TULUYAN DIN NG HUKBONG REBOLUSYONARYO NI HEN. EMILIO AGUINALDO NOONG PANAHON NG DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO, 1899.

Eduardo A. Quisumbing (1895–1986)

Location: 327 College Road, Pasay City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 24 November 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
EDUARDO A. QUISUMBING 
(1895–1986)

TAKSONOMISTA, ORKIDOLOHISTA, AKADEMISTA AT EDUKADOR. IPINANGANAK SA STA. CRUZ, LAGUNA, NOBYEMBRE 24, 1895. NAGKAMIT NG MGA TITULONG BATSILYER SA AGRIKULTURA, U.P. LOS BAÑOS 1918, M.S., 1921, AT PH.D., 1923, PAWANG MAGNA CUM LAUDE, UNIVERSIDAD NG CHICAGO. KAMAY-AKDA NI DR. ELMER D. MERRILL SA MGA LATHALA TUNGKOL SA MGA HALAMAN SA PILIPINAS AT NI PROP. OAKES AMES SA “NEW OR NOTEWORTHY PHILIPPINE ORCHIDS,” (1931–1936) AT SA “NAMING OF ORCHIDS,” 1970. AWTOR NG MEDICINAL PLANTS IN THE PHILIPPINES, 1970. PUNO, DIBISYON NG BOTANIKA, KAWANIHAN NG SIYENSIYA, 1933, AT MUSEO NG KASAYSAYAN PANGKALIKASAN, 1940–1945, AT UNANG DIREKTOR NG PAMBANSANG MUSEO, 1947–1962. PROPESOR NG BOTANIKA, U.P., U.S.T. AT U.E. AT PUNO RIN NG HORTIKULTURA, ARANETA UNIVERSITY. TANGING ASIATIKONG NAGKAMIT NG “MIDALYANG GINTO” NG AMERICAN ORCHID SOCIETY, 1969. OPISYAL NA KINATAWAN SA IBAT-IBANG KONGRESONG PANDAIGDIG. TUMANGGAP NG GAWAD NA PAMBANSANG SIYENTIPIKO, 1980. NAMATAY SA QUEZON CITY, AGOSTO 23, 1986.

Tumira Dito si Claro Mayo Recto (1890–1960)

Location: 1750 Leveriza Street cor. Fresno Street, Pasay City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
TUMIRA DITO SI 
CLARO MAYO RECTO 
(1890–1960)

MAKABAYAN, ESTADISTA, HURISTA, PARLAMENTARYO AT MANUNULAT KUNG SAAN GINUGOL ANG PINAKAMAHULUGANG BAHAGI NG KANYANG BUHAY NA NAGING HUWARAN NG KADAKILAAN, KARANGALAN AT PAGPIPITAGAN SA SARILING KAKAYAHAN NG SAMBAYANANG PILIPINO.

Rosauro Almario (1886–1933)

Location: Rosauro Almario Elementary School, Kagitingan Street, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: August 29, 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ROSAURO ALMARIO
(1886–1933)

IPINANGANAK SA TONDO, MAYNILA NOONG AGOSTO 30, 1886. KALIHIM NG ALKALDE NG MAYNILA, 1920–1923; KONSEHAL NG MAYNILA, 1925–1928; PANGULO, SANGGUNIANG PANLUNGSOD, 1930. TINAGURIANG “TERROR OF GRAFTERS.” MAY-AKDA, BATAS SA “BLUE SUNDAY.” KILALANG MANUNULAT SA TAGALOG. SUMULAT NG MGA SANAYSAY NA “ANO ANG LIGAYA SA IBABAW NG LUPA” AT “QUE ES PUEBLO?”; MGA MAIKLING NOBELA TULAD NG “MGA ANAK BUKID,” “NANG MABUHAY ANG PATAY,” “PINATATAWAD KITA,” “MGA DAHONG LUKSA,”AT IBA PA SA ILALIM NG MGA SAGISAG-PANULAT NA R.O. NOEL, BATANG SIMOUN, MATANGLAWIN AT IBA PA. PATNUGOT, PAGKAKAISA AT SAMPAGUITA; KAGAWAD NG PAMUNUAN, EL COMERCIO; TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN, LA OPINION; TAGAPAGTATAG, AKLATANG BAYAN; KONTRIBUTOR, MULING PAGSILANG, TALIBA, AT ANG MITHI. NAMATAY NOONG MARSO 11, 1933.

Jose Abad Santos y Barce (1886–1942)

Location: Jose Abad Santos High School, Numancia Street, San Nicolas, Manila
Category: PersonageS
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 19, 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JOSE ABAD SANTOS Y BARCE
(1886–1942)

HURISTA, ESTADISTA, MAKABAYAN. IPINANGANAK SA SAN FERNANDO, PAMPANGA, 19 PEBRERO 1886. PENSYONADO NG PAMAHALAANG PILIPINO SA ESTADOS UNIDOS, 1904. NAGTAPOS NG PRE-LAW, STA. CLARA COLLEGE; LL.B., NORTHWESTERN UNIVERSITY; AT LL.M., GEORGE WASHINGTON UNIVERSITY, 1909, PAWANG NASA ESTADOS UNIDOS. NAGSIMULA BILANG KLERK, KAWANIHANG TAGAPAGPAGANAP, 1909. ITINALAGANG KATULONG NA MANANANGGOL, KAWAHIHAN NG KATARUNGAN, 1914. NAGING TAGAPAYONG TEKNIKO, UNANG MISYON PARA SA KALAYAAN NG PILIPINAS SA E.U., 1919; PANGALAWANG KALIHIM NG KATARUNGAN, 1922, 1928–1932; KASANGGUNING MAHISTRADO, 1932–1939, AT PAGKARAAN, PUNONG MAHISTRADO NG KATAAS-TAASANG HUKUMAN NG PILIPINAS, KASABAY NITO, NAGING KALIHIM NG PANANALAPI, PAGSASAKA AT KOMERSYO HANGGANG SA PAGSIKLAB NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. TAGAPANGALAGA NG MALASARILING PAMAHALAAN NA MAY LUBOS NA KAPANGYARIHAN BILANG PANGULO MULA 19 PEBRERO 1942 HANGGANG NANG SIYA AY MADAKIP NG MGA HAPON SA CARCAR, CEBU, 11 ABRIL 1942. BINARIL SA HARAP NG KANYANG ANAK NA SI PEPITO SA MALABANG, LANAO NOONG 2 MAYO 1942 DAHIL SA KANYANG PAGTANGGING MAKIISA SA HUKBONG IMPERYAL NG HAPON.

Simbahan ng Dasmariñas

© Ramon FVelasquez/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0

© Ramon FVelasquez/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
Location: Dasmariñas, Cavite
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Date of marker unveiling: 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG DASMARIÑAS

DATING KAPILYA SA BARYO NG IMUS. ITINATAG ANG PAROKYA NG CAMARIN DE PIEDRA NG MGA PARING REKOLETO NOONG 1867. IPINATAYO ANG SIMBAHANG BATO SA PATRONATO NG LA INMACULADA CONCEPCION AT NAGING UNANG KURA PAROKO SI PADRE VALENTIN DIAZ. NAGSILBING LUKLUKAN NG PAMAHALAANG SIBIL NG MGA KASTILA ANG KUMBENTO: NAGANAP DITO ANG MADUGONG LABANAN NG MAGAPI NG HUKBONG KASTILA ANG MGA REBOLUSYONARYO SA PAMUMUNO NI KAPITAN PLACIDO CAMPOS AT KANYANG KALIHIM FRANCISCO BARZAGA, PEBRERO 25, 1897. IPINIIT RIN DITO NG MGA HAPON ANG MGA MAMAMAYAN NOONG DISYEMBRE 17, 1944 AT 17 SA KANILANG PINATAY ANG NALIBING SA IISANG HUKAY.

Simbahan ng Pagbilao


Location: Pagbilao, Quezon
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: July 4, 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG PAGBILAO

ITINATAG ANG PAROKYA NG MGA PRANSISKANO SA BINAHAAN NOONG,1688 AT NAGING MINISTRO SI PADRE CRISTOBAL MORTANCHEZ. INILIPAT ANG SIMBAHAN SA KASALUKUYAN TAYO NG BAYAN SA PATRONA NO STA. CATALINA DE ALEXANDRIA, 1730 AT NAGING KURA PAROKO SI PADRE FRANCISCO XAVIER DE TOLEDO. ITINAYO ANG SIMBAHANG BATO SA PAMAMAHALA NI PADRE VICTORINO PERALIJA,1845; AT NATAPOS KASAMA ANG KUMBENTO AT TORE,1877 SA PAMAMAHALA NI PADRE EUGENIO GOMEZ. NAWASAK NOONG LIBERASYON, 1945, AT MULING IPINAAYOS SA PANGAGASIWA NI PADRE VICENTE URLANDA NOONG 1954.

Simbahan ng Balayan



Location: Balayan, Batangas (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 9 December 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG BALAYAN

UNANG IPINATAYONG YARI SA MAHIHINANG KAGAMITAN NG MGA PARING PRANSISKANO SA ILALIM NG PAMAMAHALA NI PADRE FRANCISCO DE SANTA MARIA NOONG 1579. INILIPAT ANG PAMAMAHALANG ESPIRITWAL NI PADRE JUAN DE OLIVER SA MGA HESWITA SA PAMUMUNO NI PADRE PEDRO CHIRINO, 1591. IPINATAYONG YARI SA BATO NOONG 1748, MULING INILIPAT ANG PAMAMAHALA NG PAROKYA SA MGA PARING SEKULAR NA KASTILA, 1753. PAGKARAAN SA MGA REKOLETOS, 1876. ISINALIN SA MGA PARING SEKULAR NA PILIPINO SA ILALIM NG ARSIDIYOSESIS NG MAYNILA, 1908. NAPALIPAT ANG PANGANGASIWA SA DIYOSESIS NG LIPA AT ANG PARI AY SI PADRE BENIGNO GAMEZ.

Katedral ng San Pablo

NHCP Photo Collection, 2011

NHCP Photo Collection, 2011
Location: San Pablo, Laguna (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 14, 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KATEDRAL NG SAN PABLO

IPINATAYONG YARI SA KAHOY NG MGA AGUSTINO SA PATRONATO NI SAN PABLO, ANG UNANG ERMITANYO. NAGING UNANG KURA PAROKO SI PADRE MATEO DE MENDOZA, 1586. MULING IPINATAYONG YARI SA BATO NI PADRE HERNANDO CABRERA, 1618-1629. INILIPAT SA MGA PRANSISKANO AT SI PADRE ANDRES CABRERA ANG UNANG KURA PAROKO, 1794. BINAGO AT PINAGANDA, PATI ANG KUMBENTO, NI PADRE PEREGRIN PROSPER, 1839-1858. GINAWA NG KRUSERO NINA PADRE EUGENIO GARCIA, 1871-1877; FRANCISCO VELLON, 1878-1884; AT SANTIAGO BRAVO, 1884-1888. IPINAHAYAG NA SEKULAR, 1898, AT SI PADRE FRANCISCO ALCANTARA ANG UNANG KURA PAROKO. ITINATAG NG MGA PAULES ANG SEMINARID MENOR DE SAN FRANCISCO DE SALES SA KUMBENTO, 1912-1939. NASIRA NOONG LIBERASYON, 1945. MULING IPINAGAWA NINA PADRE JUAN CORONEL AT.NICOMEDES ROSAL SA TULONG NG TAONG-BAYAN, 1948-1954. NAGINGKATEDRAL BILANG LUKLUKAN NG DIYOSESIS NG SAN PABLO AT NAGING UNANG OBISPO ANG KAGALANG-GALANG PEDRO N. BANTIGUE, D.D., 1968.

Taal Church Historical Landmark*

NHCP Photo Collection
NHCP Photo Collection



Location: Taal, Batangas (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: 
Level I- National Historical Landmark
Marker dates: 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG BASILICA NG TAAL

UNANG ITINAYO NI PADRE DIEGO ESPINA NOONG 1575 SA NGAYON AY SAN NICOLAS NA DATING BAHAGI NG BALANGON. NAGIBA NOONG 1754 NANG PUMUTOK ANG BULKAN. IPINAGAWA SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN NOONG 1755 AT IGINUHO NG LINDOL NOONG 1849. KINIKILALANG PINAKAMALAKING SIMBAHANG KATOLIKO SA DAKONG SILANGAN, ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN AY SINIMULAN NOONG 1856 AYON SA IBINALANGKAS NI LUCIANO OLIVER, ISANG ARKITEKTO. PINASINAYAAN ITO NOONG 1865.

Heritage issue concerning development works in the basilica: Resolution No.16, s. 2014


Pook na Sinilangan ni Felix Y. Manalo*



Location: Tipas, Taguig, Metro Manila (NCR)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level I- National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 1, s. 1986
Marker date: 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
POOK NA SINILANGAN NI FELIX Y. MANALO

DITO SA BO. CALSADA, TIPAS, RIZAL ISINILANG SI FELIX Y MANALO, 10 MAYO 1886. NAGTATAG AT UNANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN NG MGA KONGREGASYON NG IGLESIA NI CRISTO SA PILIPINAS. UNANG IPINANGARAL ANG IGLESIA NI CRISTO SA PUNTA, STA. ANA, MAYNILA, AT OPISYAL NA IPINAREHISTRO BILANG ISANG SAMAHANG PANGRELIHIYON, 27 HULYO 1914. NAGLATHALA NG BABASAHING PASUGO NA NAGLALAMAN NG MGA DOKTRINA NG IGLESIA NI CRISTO NA HANGO SA BIBLIYA, 1939. NAGTAYO NG MGA SIMBAHAN NG IGLESIA NI CRISTO SA IBA’T IBANG PANIG NG PILIPINAS AT BUONG MUNDO. YUMAO, 12 ABRIL 1963. IPINAHAYAG ANG POOK NA KANYANG SINILANGAN BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, ENERO 1986.