Showing posts with label Emilio Aguinaldo. Show all posts
Showing posts with label Emilio Aguinaldo. Show all posts

Ang Lungsod ng Tagaytay

Location: Tagaytay City, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 19 August 1978
Installed by: Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
ANG LUNGSOD NG TAGAYTAY

ANG LUNGSOD NG TAGAYTAY AT BINUO SA MGA BAYAN NG AMADEO, MENDEZ, SILANG, ALFONSO AT INDANG, LALAWIGAN NG CAVITE; TALISAY, TANAUAN, LALAWIGAN NG BATANGAS; CALAMBA, CABUYAO AT BINAN, LALAWIGAN NG LAGUNA. DAHIL SA MALAMIG NA KLIMA AT KALAPITAN SA MAYNILA, ANG POOK NA ITO AY IMINUNGKAHI NI HENERAL EMILIO AGUINALDO KAY PANGULONG MANUEL L. QUEZON NA GAWING PANGALAWANG "SUMMER CAPITAL" NG PILIPINAS. KAYA'T NANG MATATAG ANG PAMAHALAANG KOMONWELT NOONG 1935, SINULAT NI JUSTINIANO S. MONTANO, KINATAWAN NG KABITE, ANG PANUKALANG-BATAS NA PINIRMAHAN NG PANGULONG QUEZON NOONG IKA-21 NG HUNYO 1938 AT ITO AY ANG NAGING BATAS KOMONWELT BLG. 338.

ANG MGA NAGING ALKALDE AT SINA MARIANO BONDOC, MIGUEL TAÑA, MELCHOR BENITEZ AT ISAAC O. TOLENTINO.

ISA SA PINAKAMAGANDANG POOK NA PUNTAHAN NG MGA TURISTA, PILIPINO, AT DAYUHAN, UPANG MAMAHINGA, MAG-ALIW AT MAKITA ANG TANAWIN NG BULKAN AT LAWA NG TAAL, AT IBA PA.

Emilio Aguinaldo y Famy (1869–1964)

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Real Street, General Emilio Aguinaldo (Bailen), Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 22 June 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
EMILIO AGUINALDO Y FAMY 
(1869–1964)

BAYANI AT UNANG PANGULO NG PILIPINAS. ISINILANG SA KAWIT, CAVITE, 22 MARSO 1869. NAGING KAPITAN MUNISIPAL NG KAWIT AT KASAPI NG KATIPUNAN SA PANGALANG MAGDALO, 1895. NAGING PANGULO NG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO SA TEJEROS, 22 MARSO 1897; AT REPUBLIKA NG BIYAK-NA-BATO, 2 NOBYEMBRE 1897. NADESTIYERO SA HONG KONG, 27 DISYEMBRE 1897. DITO NIYA ITINATAG ANG HONG KONG JUNTA AT IPINAGAWA ANG BANDILA NG PILIPINAS. BMALIK SA PILIPINAS PANG IPAGPATULOY ANG LABAN PARA SA KALAYAAN, 19 MAYO 1898. ITINATAG ANG PAMAHALAANG DIKTATORYAL, 24 MAYO 1898. INATASAN SI JULIAN FELIPE NA KUMATHA NG “MARCHA FILIPINA MAGDALO” NA KALAUNA’Y NAGING PAMBANSANG AWIT, 4 HUNYO 1898. IPINAHAYAG ANG KALAYAAN NG PILIPINAS SA ESPANYA SA KAWIT, CAVITE, 12 HUNYO 1898. ITINATAG ANG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO NG PILIPINAS, 23 HUNYO 1898. PINULONG ANG KONGRESO NG MALOLOS SA SIMBAHAN NG BARASOAIN, BULACAN NA MAGBABALANGKAS NG SALIGANG BATAS, 15 SETYEMBRE 1898. HINIRANG BILANG PANGULO KASABAY NG PAGTATATAG NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 23 ENERO 1899. PINAMUNUAN ANG DIGMAANG FILIPINO LABAN SA MGA AMERIKANO, 1899–1901. NADAKIP SA PALANAN, ISABELA, 23 MARSO 1901. YUMAO, 6 PEBRERO 1964.

Capture of General Aguinaldo

Location: Palanan, Isabela
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1962
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
CAPTURE OF GENERAL AGUINALDO

ON THIS SITE STOOD THE HOUSE WHERE A BAND OF MACABEBE SCOUTS AND FOUR AMERICAN OFFICERS UNDER GENERAL FREDERICK FUNSTON AFFECTED THE CAPTURE OF GENERAL AGUINALDO IN THE AFTERNOON OF 23 MARCH 1901.

Pamahalaang Rebolusyonaryo Bakoor, Kabite

Location: Cuenca Ancestral House, Gen. Evangelista Street, Bacoor, Cavite
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1956
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO 
BAKOOR, KABITE

SA TAHANANG ITO NG MAG-ASAWANG JUAN CUENCA AT CANDIDA CHAVES INILIPAT NI HENERAL EMILIO AGUINALDO ANG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO BUHAT SA BAYAN NG KABITE NOONG IKA-15 NG HULYO, 1898, UPANG MALAPIT SA MGA KALABAN SA MAYNILA. NANATILI RITO HANGGANG SA MALIPAT SA MALOLOS, BULAKAN NOONG IKA-10 NG SETYEMBRE 1898. NOONG IKA-23 NG ENERO 1899 AY ITINATAG DOON ANG UNANG REPUBLIKA PILIPINA.

Labanan sa Binakayan

Location: Samala Street, Kawit, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: November 11, 1996
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA BINAKAYAN

SA POOK NA ITO, NOONG NOBYEMBRE 9–11, 1898, NAGANAP ANG ISA SA PINAKAMADUDUGONG LABANAN SA CAVITE. SA PAMUMUNO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO, SINAGUPA NG MAGIGITING NA MANGHIHIMAGSIK NA PILIPINO ANG REHIMYENTO 73 NA SINUSUPORTAHAN NG MAY LIMANG BATALYON NG MGA KASTILANG CAZADORES AT IMPANTERIYA NG MGA MARINO NA PINANGUNGUNAHAN NAMAN NG GOBERNADOR HENERAL RAMON BLANCO. NAGWAGI ANG MGA MANGHIHIMAGSIK NA PILIPINO SA LABANANG ITO NGUNIT SINAMANG-PALAD NA MASAWI SINA HENERAL CANDIDO TRIA TIRONA, SI KAPITAN SIMEON ALCANTARA AT MARAMI SA KANILANG MAGIGITING NA MGA KASAMA.

SA KARANGALAN NG MGA BAYANI NG LABANANG ITO, ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY INIAALAY BILANG PAGKILALA SA KANILANG KATAPANGAN AT KABAYANIHAN.

Emilio Aguinaldo y Famy (1869–1964)

Location: General Trias Drive, Rosario, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1975
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
EMILIO AGUINALDO Y FAMY 
(1869–1964)

BAYANI AT UNANG PANGULO NG PILIPINAS. ISINILANG SA KAWIT, CAVITE, 22 MARSO 1869. NAGING KAPITAN MUNISIPAL NG KAWIT AT KASAPI NG KATIPUNAN SA PANGALANG MAGDALO, 1895. NAGING PANGULO NG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO SA TEJEROS, 22 MARSO 1897; AT REPUBLIKA NG BIYAK-NA-BATO, 2 NOBYEMBRE 1897. NADESTIYERO SA HONG KONG, 27 DISYEMBRE 1897. DITO NIYA ITINATAG ANG HONG KONG JUNTA AT IPINAGAWA ANG BANDILA NG PILIPINAS. BMALIK SA PILIPINAS PANG IPAGPATULOY ANG LABAN PARA SA KALAYAAN, 19 MAYO 1898. ITINATAG ANG PAMAHALAANG DIKTATORYAL, 24 MAYO 1898. INATASAN SI JULIAN FELIPE NA KUMATHA NG “MARCHA FILIPINA MAGDALO” NA KALAUNA’Y NAGING PAMBANSANG AWIT, 4 HUNYO 1898. IPINAHAYAG ANG KALAYAAN NG PILIPINAS SA ESPANYA SA KAWIT, CAVITE, 12 HUNYO 1898. ITINATAG ANG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO NG PILIPINAS, 23 HUNYO 1898. PINULONG ANG KONGRESO NG MALOLOS SA SIMBAHAN NG BARASOAIN, BULACAN NA MAGBABALANGKAS NG SALIGANG BATAS, 15 SETYEMBRE 1898. HINIRANG BILANG PANGUL KASABAY NG PAGTATATAG NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 23 ENERO 1899. PINAMUNUAN ANG DIGMAANG FILIPINO LABAN SA MGA AMERIKANO, 1899–1901. NADAKIP SA PALANAN, ISABELA, 23 MARSO 1901. YUMAO, 6 PEBRERO 1964.

Panunumpa ni Heneral Emilio Aguinaldo (1897)

Location: Tanza Church, Tanza, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: October 31, 1973
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PANUNUMPA NI HENERAL EMILIO AGUINALDO 
(1897)

SA HARAP NG KRUSIPIHONG ITO NANUMPA SINA EMILIO AGUINALDO AT MARIANO TRIAS NOONG MARSO 23, 1897 BILANG PANGULO AT PANGALAWANG PANGULO NG PAMAHALAANG MANGHIHIMAGSIK NG PILIPINAS NA ITINATAG SA TEJEROS NOONG MARSO 22, 1897. KASAMANG NANUMPA SINA ARTEMIO RICARTE, KAPITAN-HENERAL, AT EMILIANO RIEGO DE DIOS, DIREKTOR PANDIGMA.

Heneral Emilio Aguinaldo (Lubuagan, Kalinga)

Location: Lubuagan Town Hall, Mount Province–Tabuk–Enrile–Cagayan Road, Lubuagan, Kalinga
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 6 March 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HENERAL EMILIO AGUINALDO
(LUBUAGAN, KALINGA)

SA BAYANG ITO ITINATAG NI HENERAL EMILIO AGUINALDO ANG KANYANG PUNONG HIMPILAN MULA MARSO 6 HANGGANG MAYO 17, 1900 AT SA GAYON AY PINANATILING NAG-AALAB ANG APOY AT DIWA NG KALAYAAN NG PILIPINAS NA KANYANG IPINAHAYAG SA KAWIT, CAVITE NOONG HUNYO 12, 1898. DITO RIN IPINAGDIWANG NI HENERAL AGUINALDO ANG KANYANG IKA-31 KAARAWAN. IPINALABAS ANG MGA UTOS NA PAGMAMATYAG SA HUKBONG AMERIKANO AT NAKIPAG-UGNAYAN SA KANYANG MGA KOMANDANTE.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY INIAALAY NG SAMBAYANANG PILIPINO NA KUMIKILALA NG UTANG NA LOOB DAHIL SA KABAYANIHAN AT KATAPATAN SA BAYAN NG MGA MAMAMAYAN NG LUBUAGAN.

Ang Pagdakip kay Heneral Emilio Aguinaldo

Unveiling of the historical marker, 2001. NHCP Photo Collection
Location: Poblacion, Palanan, Isabela
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2001
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG PAGDAKIP KAY HENERAL EMILIO AGUINALDO

SA BAHAY NA NAKATAYO SA POOK NA ITO NADAKIP SI HENERAL EMILIO AGUINALDO NG ISANG PANGKAT NG ISKAWT MACABEBE KASAMA ANG DATING OPISYAL NG HUKBO NI AGUINALDO NA SINA HILARIO TAL PLACIDO AT LAZARO SEGOVIA AT APAT NA AMERIKANO SA PAMUMUNO NI BRIGADYER HENERAL FREDERICK FUNSTON NOONG HAPON NG MARSO 23, 1901.

INILAGAY ANG PANANDANG PANGKASAYSAYAN NOONG IPAGDIWANG ANG IKA-100 TAON NG MAKASAYSAYANG PANGYAYARING ITO.

Luklukan ng Pamahalaang Panghimagsikan ng Pilipinas Bayambang, Pangasinan

Location: Bayambang Municipal Hall, Roxas Street, Poblacion, Bayambang, Pangasinan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: November 12, 1999
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LUKLUKAN NG PAMAHALAANG PANGHIMAGSIKAN NG PILIPINAS 
BAYAMBANG, PANGASINAN

SA BAYANG ITO, NOONG NOBYEMBRE 12, 1899, ITINATAG NG PANGULONG EMILIO AGUINALDO ANG SENTRO NG PAMAHALAANG PANGHIMAGSIKAN NG PILIPINAS. TINIPON ANG ISANG SANGGUNIAN NA NAGPASIYANG LANSAGIN ANG HUKBONG PILIPINO. NAPILITANG GUMAMIT NG PAMAMARAANG GERILYA SA PAKIKIPAGLABAN SA MGA AMERIKANO. NILISAN NANG SUMUNOD NA ARAW, NOBYEMBRE 13, 1899.

Site of the Proclamation of Philippine Independence

NHCP Photo Collection, 2011

NHCP Photo Collection, 2011
Location: Emilio Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Commemorative marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 June 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (English):

SITE OF THE PROCLAMATION OF PHILIPPINE INDEPENDENCE

ON JUNE 12, 1898, PHILIPPINE INDEPENDENCE WAS PROCLAIMED FROM THE CENTER WINDOW OF THE ORIGINAL HOUSE OF THE FAMILY OF GENERAL EMILIO AGUINALDO Y FAMY, PRESIDENT OF THE FIRST PHILIPPINE REPUBLIC AND LEADER OF THE REVOLUTION AGAINST SPAIN AND AMERICA. THROUGH THE READING OF THE ACTA DE LA PROCLAMACION DE LA INDEPENDENCIA DEL PUEBLO FILIPINO BY AMBROSIO RIANZARES BAUTISTA. DURING THIS OCCASION, THE PHILIPPINE FLAG MADE IN HONGKONG BY DOÑA MARCELA MARINO DE AGONCILLO WAS OFFICIALLY UNFURLED AS THE BAND OF SAN FRANCISCO DE MALABON PROUDLY PLAYED THE MARCHA NACIONAL FILIPINA (NOW THE PHILIPPINE NATIONAL ANTHEM) COMPOSED BY JULIAN FELIPE.

THIS HISTORICAL MARKER IS INSTALLED BY THE GRATEFUL FILIPINO PEOPLE IN OBSERVANCE OF THE CENTENNIAL OF THE PROCLAMATION OF PHILIPPINE INDEPENDENCE. UNVEILED BY HIS EXCELLENCY PRESIDENT FIDEL VALDEZ RAMOS ON JUNE 12, 1998.

Marker text (Filipino):

POOK NG PAGPAPAHAYAG NG KASARINLAN NG PILIPINAS

NOONG HUNYO 12, 1898. BUHAT SA GITNANG BINTANA NG ORIHINAL NA TAHANAN NG MGA AGUINALDO IPINAHAYAG NI HENERAL EMILIO AGUINALDO Y FAMY, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS AT PUNO NG HIMAGSIKAN LABAN SA ESPANYA AT SA AMERIKA, ANG KASARINLAN NG PILIPINAS SA PAMAMAGITAN NG PAGBASA NG ACTA DE LA PROCLAMACION DE LA INDEPENDENCIA DEL PUEBLO FILIPINO NA SINULAT NI AMBROSIO RIANZARES BAUTISTA. SA PAGKAKATAONG ITO, ANG WATAWAT NG PILIPINAS NA TINAHI NI DONYA MARCELA MARINO DE AGONCILLO SA HONGKONG AY OPISYAL NA IWINAGAYWAY HABANG BUONG PAGMAMALAKING TINUTUGTOG NG BANDA NG SAN FRANCISCO DE MALABON ANG MARCHA NACIONAL FILIPINA (NGAYO’Y PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS) NA KINATHA NI JULIAN FELIPE.

ANG TANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY INIAALAY NG SAMBAYANANG PILIPINO SA PAGDIRIWANG NG IKASANDAANG TAON NG PAGPAPAHAYAG NG KASARINLAN NG PILIPINAS. INALISAN NG TABING NG KAGALANG-GALANG NA PANGULONG FIDEL VALDEZ RAMOS NOONG HUNYO 12, 1898.

Emilio Aguinaldo y Famy (1869–1964), Kawit

NHCP Photo Collection, 2011
Location: Emilio Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 June 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
EMILIO AGUINALDO Y FAMY
(1869–1964)

FIRST PRESIDENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES, 1899–1901, AND LEADER OF THE FILIPINO PEOPLE IN THE REVOLUTION AGAINST SPANISH RULE, 1896–1898 AND THE FILIPINO–AMERICAN WAR, 1899–1901. BORN MARCH 22, 1869, KAWIT, CAVITE. BECAME MUNICIPAL CAPTAIN OF KAWIT. INDUCTED INTO MASONRY AND INITIATED INTO THE KATIPUNAN UNDER HIS CHOSEN NAME, MAGDALO, 1895. LED IN THE CAPTURE OF KAWIT, IMUS, BACOOR AND OTHER TOWNS IN CAVITE DURING THE OUTBREAK OF THE PHILIPPINE REVOLUTION IN 1896. HIS MILITARY VICTORIES PROVIDED PRESTIGE WHICH LED TO HIS ELECTION, IN ABSENTIA, AS PRESIDENT OF THE FIRST REVOLUTIONARY GOVERNMENT DURING THE TEJEROS CONVENTION ON MARCH 22, 1897. WENT TO SELF-EXILE IN HONGKONG IN ACCORDANCE WITH THE PACT OF BIAK-NA-BATO AND FORGED AN ALLIANCE WITH THE UNITED STATES OF AMERICA TO OVERTHROW SPANISH RULE IN THE PHILIPPINES. RETURNED FROM HONGKONG, MAY 19, 1898 AND RESUMED THE STRUGGLE FOR FREEDOM. PROCLAIMED PHILIPPINE INDEPENDENCE ON JUNE 12, 1898 AT KAWIT. ON THIS OCCASION THE PHILIPPINE NATIONAL FLAG MADE IN HONGKONG BY DONA MARCELA DE AGONCILLO WAS OFFICIALLY UNFURLED AND THE MARCHA NACIONAL WHICH BECAME THE PHILIPPINE NATIONAL ANTHEM WAS PLAYED PUBLICLY FOR THE FIRST TIME. CONVENED THE REVOLUTIONARY CONGRESS IN MALOLOS, BULACAN, SEPTEMBER 15, 1898. LED THE FILIPINO FORCES DURING THE FILIPINO–AMERICAN WAR AND WAS CAPTURED IN PALANAN, ISABELA ON MARCH 23, 1901.

DIED AT THE VETERANS MEMORIAL HOSPITAL, QUEZON CITY, FEBRUARY 6, 1964.

Pagpupulong sa Bacoor

NHCP Photo Collection, 2018

NHCP Photo Collection, 2018
Location: Bacoor, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1 August 2018
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PAGPUPULONG SA BACOOR

NAGPULONG ANG TINATAYANG 200 NA PRESIDENTE MUNICIPAL NA HINALAL SA IBA’T IBANG LALAWIGAN UPANG MANUMPA SA KATUNGKULAN AT TALAKAYIN ANG KASARINLAN NG PILIPINAS, BACOOR, CABITE, 1 AGOSTO 1898. DITO IPINAGTIBAY ANG KATAPATAN SA PAMAMAHALA AT SA KASARINLAN NG PILIPINAS. SA OKASYONG ITO NILAGDAAN NINA EMILIO AGUINALDO AT MGA PRESIDENTE MUNICIPAL ANG DOKUMENTONG ISINULAT NI APOLINARIO MABINI NA NAGHUDYAT SA PAMAHALAAN NA IPADALA SINA FELIPE AGONCILLO AT IBA PANG DIPLOMATIKONG PILIPINO SA IBA’T IBANG BANSA UPANG HINGIN ANG KANILANG PAGKILALA SA KASARINLAN NG PILIPINAS.

Emilio Aguinaldo y Famy (Malolos)




Location: Barasoain, Malolos, Bulacan (Region III)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: January 23, 2012
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
EMILIO AGUINALDO Y FAMY
(1869–1964)

UNANG PANGULO NG PILIPINAS. DITO NIYA SA MALOLOS PANSAMANTALANG INILIPAT ANG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO MULA BAKOOR, KABITE DAHIL SA NAPIPINTONG DIGMAANG FILIPINO–AMERIKANO, 10 SETYEMBRE 1898–31 MARSO 1899. PINULONG ANG KONGRESO NG MALOLOS SA SIMBAHAN NG BARASOAIN, BULACAN UPANG MAGBALANGKAS NG SALIGANG BATAS, 15 SETYEMBRE 1898 NA NAGTATAG NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, ANG UNANG REPUBLIKA SA ASYA, 23 ENERO 1899.


Organization Of Revolutionary Government


Location: Tanza, Cavite (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: Convent
Status: Level II - Historical marker 
Marker date: 1940
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
Marker text:
ORGANIZATION OF REVOLUTIONARY GOVERNMENT

IN THE HALL OF THE CONVENT OF TANZA ON MARCH 23, 1897, AT ABOUT EIGHT O’CLOCK IN THE EVENING, GEN. E. AGUINALDO AND GEN. MARIANO TRIAS TOOK OATHS AND ASSUMED OFFICE AS PRESIDENT AND VICE PRESIDENT OF THE REVOLUTIONARY GOVERNMENT. GEN. ARTEMIO RICARTE WAS INDUCTED INTO OFFICE AS GENERALISSIMO (CAPTAIN GENERAL) OF THE REVOLUTIONARY FORCES IN THE SAME PLACE ABOUT ONE O’CLOCK THE FOLLOWING MORNING. THEY WERE CHOSEN BY THE REVOLUTIONISTS AT A CONVENTION HELD ON MARCH 22 AT A CONVENTION HELD ON MARCH 22 AT THE CASA-HACIENDA OF TEJEROS. THIS NEW GOVERNMENT REPLACED THE KATIPUNAN.

Simbahan ng Kawit

NHCP Photo Collection, 2011

NHCP Photo Collection, 2011
Location: Kawit, Cavite (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1990
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG KAWIT

UNANG PINAMAHALAAN NG MGA PARING HESWITA, 1624. IPINATAYO ANG UNANG SIMBAHANG YARI SA KAHOY, 1638 SA PATRONATO NI SANTA MARIA MAGDALENA, SA TULONG NG ANIM NA PAMILYANG PILIPINONG TAGA-SILANG AT MARAGONDON. INILAGAY ANG PANULUKANG BATO NG KASALUKUYANG SIMBAHAN, 1737. WINASAK NG BAGYO ANG BUBUNGAN, 1831. INILIPAT SA PANGANGASIWA NG MGA PARING SEKULAR, 1768 AT MGA PARING REKOLETOS, 1894. SA SIMBAHANG ITO, BININYAGAN NOONG 1869 ANG PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, HENERAL EMILIO AGUINALDO. INAYOS SA TULONG NG IBA’T IBANG SAMAHANG PANRELIHIYON NG KAWIT AT NG IBA PANG MGA BUTIHING MAMAMAYAN NG CAVITE, 1990.

Emilio Aguinaldo Shrine*

NHCP Photo Collection, 2011

NHCP Photo Collection, 2011

NHCP Photo Collection, 2011

NHCP Photo Collection, 2011

NHCP Photo Collection, 2011
Location: Kawit, Cavite (Region IV-A) 
Category: Buildings/Structures
Type: House, NHCP Museum
Link to the museum: Museo ni Emilio Aguinaldo
Status: Level I- National Shrine
Marker date: 1971
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
ANG BAHAY NI AGUINALDO 
1849

SA BAHAY NA ITO, NA ITINAYO NOONG 1849, IPINANGANAK SI HENERAL EMILIO AGUINALDO NOONG MARSO 22, 1869. SA DURUNGAWANG NAKAHARAP SA DAAN IPINAHAYAG NI AGUINALDO ANG KASARINLAN NG PILIPINAS NOONG HUNYO 12, 1898. IPINAGKALOOB ANG BAHAY SA PAMAHALAANG PILIPINO BILANG ALAALA SA MGA NAKIHAMOK UPANG MAKAMTAN ANG KALAYAAN. INILIBING SIYA SA LOTENG KINATATAYUAN NG BAHAY NOONG PEBRERO 16, 1964.

Biak-Na-Bato*

NHCP Photo Collection
NHCP Photo Collection

Location: San Miguel, Bulacan
Category: Sites/Events
Type: Cave
Status: Level I- National Historical Site
Legal basis: Resolution No. 01, S. 1996
Marker date: December 14, 1973 
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
BIAK-NA-BATO

SA POOK NA ITO ITINATAG NG MGA MANGHIHIMAGSIK SA PAMUMUNO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO ANG REPUBLIKA NG BIYAK-NA BATO NOONG IKA-31 NG MAYO, 1897. ANG SALIGANG BATAS NG REPUBLIKA AY PINAGTIBAY SA POOK DING ITO NOONG ARAW NG NOBYEMBRE,1897.