Thursday, December 30, 2010

Ang Pagtatapos

kung kelan bakasyon ako sa trabaho at school, kung kelan may time para subukang maging physically active, tsaka naman sobrang lamig ng panahon. ilang beses ko na tinangkang mag-running sa park sa umaga, eh hindi ko talaga kayang tiisin ang lamig. sorry naman wala akong gym membership, pang mga sosyal lang un eh. saka i'd rather be one with the nature noh (low budget lang talaga ko). ang ending eh balik katamaran sa kama tulad ngayon, nagsusulat habang nakahilata at batugan mode. livin' the life! haha! walang kwenta.

2011 na sa makalawa. parang lumipad lang ang 2010. maninibago na naman ako sa pagsulat ng date sa corner ng papel. 2010 na naman malalagay ko. sabi nila (ewan kung sino sila) pag bagong taon, kelangan mag bagong buhay. kelangan ba un? gusto ko ng buhay ko eh. tahimik at maayos. bakit guguluhin ang maayos, diba esong? haha (uy special mention ka?! tse!)!

kahit anung bilis ng paglipas ng 2010, ang dami pa rin nangyari. pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakakita ng UFO. matagal ko ng pinapangarap un. pero yoko ma-abduct, gusto ko lang makakita tas irerecord ko tas sisikat ako. kanya kanya tayong pangarap sa buhay, walang kokontra. ang kumontra papanget sa 2011 at magkakaron ng beke sa mukha, kaya magpakabait ka na.

magpakabait ka na. magpakabait ka na (chanting). magpakabait ka na. baka lang epektib kaya sinubukan ko. parang nangungulam lang eh noh? sige eto na siguro ang last post ko for this year. abangan ang susunod na kabanata sa 2011! wag sana magsawang tumangkilik! mahal ko kayong lahat. peace on earth!

HAPPY NEW YEAR TO EVERYONE!

Tuesday, December 28, 2010

Embutido

buong umaga kong tinulungan si mother dear gumawa ng embutido. lately kasi sobrang naadik sya sa pag-gawa ng embutido. una gumawa lang sya for the family. tapos maya maya nalaman ko na lang nag-aalok na sya sa mga friendships nya and other places. ambilis nga umasenso ng raket nya eh. ambilis nya din mag-utos. haha! dahil bakasyon inaabuso nya ang pagiging present ko sa bahay--free labor eh! oks lang mabilis naman sya mag-abot ng gas money sakin. hihi.

nagsimula ang embutido boom sa achara. una nya kasing kinarir ang pag-gawa ng achara. adik nanay ko sa kusina ngayon. lahat kinakarir lately. achara, embutido, ube halaya, buko salad, ngayon naman kutsinta. kaya naman, mega hurt ang likod ko at the moment. sarap humiga, mag facebook, blog, twitter. follow mo ko kung gusto mo, kung ayaw mo oks lang din. no pressure (iamchikletz).

kung gusto nyong mag-order, sabihin nyo lang at agad agad kong gagawin. take note, we don't cover shipping and handling fees. haha!

Friday, December 24, 2010

Regalo Ko?

naayos ko na din ang default font problem ko sa wakas. took me four days. haha!

anyway, pasko na pala bukas. ambilis ng mga araw. 2011 na in a few days akalain mo un. tapos next year gugunaw na ang mundo. weh?! sige pakabait na tayo. haha!

HAPPY HOLIDAYS TO EVERYONE!

Monday, December 20, 2010

Default Font

naiinis ako.. pano ba gawan ng default font ang main posts? kasi laging naiiba ung akin tuwing magpopost ako ng new entry. errr. naiirita na ko. help naman po.

wow naman. limang araw na lang pasko na. yehey!!

Wednesday, December 15, 2010

First Morning

day 1 ng simbang gabi. sabi ni father lahat daw tayo may suot na maskara. lahat nagpapanggap na mabait sa trabaho, simbahan, sa public places. sana daw ung pagpapanggap natin ay ang magtulak satin na maging totoong mabait.

isuot mo na maskara mo. hehe.

Sunday, December 12, 2010

One Sunday Evening

i just came home from watching a movie and a hot tea consumption. my whole morning was uneventful. the evening was great, however.

i will warn you now that this entry may or may not be in any specific order. i am typing as i am hearing my thoughts in my head. i feel as if i have so many stories to share and not to share. first off, yesterday my laptop hard drive gave in on me causing me to lose all my files. i am optimistic about retrieving them back via a computer techie. this unfortunate event forced me to purchase a new hard drive which did my laptop good--for the most part. i was able to reinstall my operating system myself and i'm kinda proud of that because i was never comfortable messing with computer components afraid that i might cause more damage. now my laptop is clean as slate. i downloaded the essential programs again and here i am typing away.

i got up early this morning and finished off reinstalling programs and applications on my computer. i planned to start writing my paper for my tuesday class, but unfortunately, i did not have the motivation to do it. instead, i surfed the net and played online poker for a bit. aside from eating and showering, i stayed in bed for the most part. i keep telling myself to be productive and pushing myself to be physically active, but my heart is not in on it. i am aware that this is not a healthy lifestyle, but then again, the cold season also has a great influence on me.

i can hear my older brother playing christmas tunes on his guitar in the kitchen. i respect him for sticking to doing what makes him happy. he has a passion for music and not very many people would consider that as a strong career, but hell, it makes him a person with a strong heart to have such great love for it. so screw the nay-sayers. i think with his attitude, he's very free. i have a younger brother as well and he's a lot different from the other one. he's not very vocal and most of the time i feel he's more of a stranger to me than all of my other acquaintances. i hope all is well with him. he might be going through some tough times right now and having his share of quarter-life crisis. as much as i'd like to reach out to him, i don't know how. i'm a terrible sister, i know.

after watching the movie 127 Hours, which was based on a true story, i must say people ought to be more positive about life. i know it can be one of the toughest things to accomplish, but wouldn't it be great if we were more optimistic and believed in our own capabilities more?

yeah, it definitely would.

Tuesday, December 7, 2010

Inaantok Ayaw Matulog

inaantok na ko. pero 10:30 pa lang. madalas 11:30 na ako natutulog kasi ganung oras ako inaantok. pero ano naman pakelam mo diba? wala lang. gusto ko lang naman i-share. finals week na next week. gudlak naman sakin. i-gudlak nyo ko ah. ung maraming marami. kelangan ko kasi. di ko makuha sa dasal. tamad kasi ako magsimba. exciting kasi masyado magsermon si father lagi eh. kaya imbis na maengganyo ako eh inaantok ako. di ko naman siguro kasalanan un. wag nyo kong sermonan tungkol dito. walang kayong mapapala.

tuwing panahon ng pasko masaya nga ang mga sambayanang tao. kasama ang mga mahal sa buhay, nagbigayan ng regalong pinag-isipang mabuti, at bakasyon sa trabaho at eskwela (ung iba). 

putek. inaantok na talaga ko. 

Sunday, December 5, 2010

Bitin Na Bitin Sa'yo

sabi sa movie na "My Amnesia Girl" na pinanood ko noong biyernes,

"Bakit mo ba pinupuntahan and isang tao?"

"Kasi gusto mo sya."

ang sabi ko naman... "weh??" ka-korni ng pelikulang 'to! pero dahil napaka korni ko din na tao at mababaw ang kaligayahan ko, eh syempre natuwa at kinilig naman ako. mahilig kasi ako kay John Lloyd Cruz. oo mahilig ako sa kanya.

pagkauwi ko galing sa sinehan kasama ang mga friendships ko, nagkasakit ako ng saglit. oo sandali lang. tipong 30 minutes lang akong sinipon tapos nawala na. tapos may nagtext noong gabing 'yun. si boylet (weh, may boylet nga?!). nangangamusta. namiss siguro ang mainit kong yakap at matamis kong halaya. ung ube na dessert. marunong kasi akong gumawa nun, minsan. e di sabi ko nagpapahinga ako kasi may sakit ako. tas tinanong nya kung gusto ko daw bang bisitahin nya ko. feeling naman nya. sus. sabi ko wag na kasi ok lang naman ako at magsaya na lang sya dahil may gig din naman sya nung gabing yun. tas nagreply sya ulit. eh gusto daw nyang bisitahin ako. kumalat ang kilig sa buong katawan ko. di lang halata kasi marunong akong magpanggap, minsan. sabi ko, "sige na nga, if u insist". joke lang di ko sinabi un. sabi ko lang, "ok. if you want to :)". parang wala lang din pinagkaiba sa "if u insist". e di binisita nga ako ni mokong. wala na kong sakit nun.

tapos kagabi, sabado. hindi lunes. napuno ang araw ko ng pagbabasa at pagaaral. wala ng mas kokorni pa dun. nag-take kasi ako ng test para sa teaching credential ko. sana pumasa. apat na oras ang test na yun (2pm-6pm). pagkalabas ko sa room naramdaman ko bigla na may namatay. 90% ng brain cells ko ang pumanaw nung gabing yun. pero may magandang nangyari kahit papano. na-exercise ang kamay ko sa pagsusulat. tapos naisipan ko na hindi pa huli ang lahat. inaya ko si boylet kumain para bigyang buhay muli ang mga cells sa utak ko. pagkakain namin narevive ko mga 50% lang nung 90%. pagkatapos kumain, nag-exercise naman kami ng mga legs namin at naglakad lakad. parang date lang. pero dahil pagod na pagod na ko. tinapos ko na ang gabi.

pero hindi pa pala tapos kasi pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay, may nakuha akong text. may nag-aaya saking magkaraoke. nako! bihirang bihira akong humindi sa pagkakataong magkakaraoke ako. tapos libre pa. e di larga na naman ako. pagkadating ko dun, may inuman at pulutan. kantahan at kasiyahan. at dahil uminom ako ng alak, dun ko lang naramdamang nabuhay ung ibang 50% ng brain cells ko. picturan at biritan. papangitan kami ng mga boses. magulo. mga lasing sila. ako kunwari lang na lasing. ayokong ma-OP eh. joke. mabilis akong malasing. at mga kids wag na wag kayong magda-drive na lasing kayo. at mga adults bahala kayo sa buhay nyo. pero napagtanto ko na pag lasing ako mas alerto ako sa pagda-drive. praning na makakita ng pulis.

pagkauwi sa bahay, bagsak. sarap ng tulog. di masarap ang gising. galit na galit ang brain cells ko sakin. oks lang masarap naman ang kapeng ininom ko kaning umaga, kahit di ako umiinom ng kape, napilitan lang ako.

Saturday, November 27, 2010

We Are Living in a Material World

my birthday month is almost over. just a few weeks ahead and it'll be christmas. duh. of course you knew that already. for those of you who MIGHT be interested to fulfill my christmas wish, here's a list of material things that i want for this upcoming holiday season:

1. flip ultra hd camcorder
2. the new ipod touch
3. a pair of TOMS shoes (so i can send a kid to school)
4. beauty and the beast DVD (yeah, so?)
5. new speakers for my laptop

i hope this post is not too early, i'm just giving you guys, my oh-so-brilliant friends, a heads up!

although the list of items at the top will give me temporary bliss, the following will give me eternal happiness and wonderful memories:

1. a super hero name (because it will make me cool)
2. a magic lamp
3. a trip to fiji
4. good health for everyone
5. world peace



Thursday, November 25, 2010

Kabute

sabi ko nga eh.. ako na ang matagal naglaho. malamang pagkatapos kong isulat toh matagal na naman akong mawawala. para sa mga magbabasa nito, salamat. at sa hindi, eh ok lang din. no pressure. malamang sa malamang nawala ako ng pagkatagal dahil ganun talaga pag sikat. mashadong busy sa buhay at maraming gig. joke. mashado kasing bilib sakin ang professor ko kaya bigay lang sya ng bigay ng project at homework sakin. asa.

ang daming pwedeng ikwento pero nakalimutan ko na. wala na namang kwenta ang post na toh. ang daming online sa YM. 90% siguro ang naka mobile. pag nakamobile naiinis ako, ewan ko kung bakit. no offense sa mga mahilig mag mobile stat sa ym ah. feeling ko lang kasi pag naka mobile parang hindi rin naman available mag chat. siguro for emergency purposes lang. ewan.

minsan nag explore ako sa google home. ngayon ko lang napagtanto kung gaano karaming features ang google. grabe. ang boring ng pinagsasasabi ko. konti lang kasi nainom ko eh. mas masaya akong kausap pag nakainom. normally kasi boring akong tao. boring akong kausap. walang mashadong kwento. maraming awkward moments. tulad ngayon..*awkward* ewan ko nga bakit ako nagblog eh. nakiuso.

ambilis tumakbo ng panahon. biglang ang daming magpapakasal at manganganak. haha! uso naman lagi un diba. ako lang ang hindi nakikiuso. asa ulit. anyway, thanksgiving na pala dito. salamat sa lahat ng magagandang bagay na nangyari at sa mga karumal dumal na nangyari na nagturo at nagpabukas ng mga mata ng tao. heavy naman nun. drama.

sige next time ulit. inaantok na pala ko. next time ko na ulit aatakihin ang mga blogs nyo. babush!

Sunday, September 19, 2010

Just The Way You Are

nag-feeling na naman ako at may diva attitude pa! LOL! here's my version of Bruno Mars's "Just The Way You Are" in a video format! thanks to KT Films Productions and my P.A. ("Professional Assistant")/Director for making this video possible!

Friday, August 27, 2010

Manila Bus Hostage Tragedy 8/23/10

"We can go on talking about racism and who treated whom badly, but what are you going to do about it? Are you going to wallow in that or are you going to create your own agenda?" -Judith Jamison

Upsetting tragedy.
I have read plenty of news articles and readers' comments about this and I couldn't help but bring in my two cent. The Filipinos are ashamed. The Chinese are angry. The Filipinos are angry. The Chinese are derogatory. The Filipinos are derogatory. The Chinese are racist. The Filipinos are racist. The Chinese are ... and it just goes on and on and on to a point in which the issue is not the issue anymore because so much has been said that caused so much tension and hatred.
 
To defend one's own is natural. To insult the other is a different story.
Mistakes were made. Lessons were learned. As long as you exist, you are going to make mistakes in whatever skin color you are or whatever group of people you come from. So will your neighbors. You will learn from it and hopefully do something about it. They will learn from it and hopefully do something about it. Can they forgive you for your mistakes? You damn hope so, right? Will you forgive them for their own shortcomings? You can answer that question yourself. 
 
"World Peace" is impossible when tragedies like this happen everyday all over the world. We did this to ourselves. The human race is clearly flawed, we just make it worse day by day--pointing fingers, blaming everyone but our self. We've separated ourselves from everyone else and gave ourselves a label when clearly we all come from one race. Racism isn't natural. It is taught. Forgiveness isn't taught, it is learned. Hopefully this is what we learn from this, given that it may not happen today, but maybe tomorrow.
As an individual person, I have shared how I feel about this and I apologize for the pain that our fellow neighbor has caused the victims and their families..and everyone else who was deeply affected by this very unfortunate event.

Tuesday, August 17, 2010

Take Me Out to the Ball Game

'twas a cool day today...well, actually no it wasn't. it was really hot, but the cool part about it was i was able to scratch off another item from my bucket list and was able to see a baseball game live for the very first time! awesome! who cares, right? yeah no one. i just wanted to jot this down because i wanted to remember this day. it was, however, a bad day to hike up the grassy and somewhat rocky terrain to the dodgers' stadium since today's weather was approximately 86 degrees fahrenheit (thanks ate m)! that was my workout for the day. whew! it did cool down later on as the game progressed, so it was a good experience overall.

LA Dodgers vs. Colorado Rockies

i must have been a lucky charm because victory was in favor of the Dodgers. *fireworks*

we even got a free Matt Kemp bobble head! :D
and who the hell is Matt Kemp, you say?! the Dodgers player who, apparently, is dating Rihanna at the moment. i can't testify to this because i'm not a hundred percent sure.

anyway, thanks for taking me chief :)

Friday, July 16, 2010

Looking for a Preschool Teacher

I am looking for a preschool teacher for an English-only instruction institution who can provide high-quality education with good moral values, character, intellectual maturity, and most importantly, someone who loves children!

Location: Igulot, Bocaue, Bulacan

Specialization: Education

Job Type: Full time teacher

Salary: Negotiable

Educational Requirement: Bachelor's Degree in Education w/ Montessori Training

Minimum Years of Work Experience: 1-2 years in any preschool

Other Requirements:
-Fluent in the English language and diction
-Basic knowledge in technology usage


*If you qualify or know of anyone who may qualify please e-mail resumes at labellemontessori@gmail.com

Tuesday, July 6, 2010

Heartbreaks and Heartaches

sa mga taong nakakadaupang palad ko araw araw, ang ilan sa kanila ay, sa kasawiang palad, hindi nabigyan ng magandang pasok nitong taong 2010.

gusto ko man magkwento ng masayang mga pangyayari, ay wala talaga akong maisip. hindi rin naman sa puro kalungkutan ang nangyayari sakin, kundi, wala lang sobrang extra happy moment. kilig moments siguro pwede pa.. pero wala namang kasiguraduhan yun.

"if i could write you a song to make you fall in love, i would already have you up under my arm.."

naisip ko lang na ang dami sa mga kakilala ko ang nagkaron ng matinding heartbreaks and heartaches more than heartblooms ngayon taon na 'to na nangangalahati pa lang. may mga relasyong nabigyan ng tuldok kahit hindi ginusto ng karamihan. meron din mga natapos pagkalipas ng napakaraming taong pagsasama na hindi inaasahan ng kahit sino man na maaari palang mangyari yun.

ang nagkaron lang ng heartbloom ngayong taon na to eh ung crush ko na sinagot na ng crush nya. aray naman.

napaka depressing pag masyadong marami sa paligid mo ang malungkot dahil gustong gusto nilang magmahal pero parang wala silang magawa..wala din naman akong magawa para sa kanila. pare pareho lang naman kami. hawa hawa lang siguro un.

Tuesday, June 22, 2010

Camille Session #6

pagkalipas ng isang taon.. sya ay nagbalik!

PAALALA: wag damdamin ang mga susunod na katotohanan sapagkat ito'y pawang kabaliwan lamang.

napaka walang kwenta ng session na toh. haha! may misspelling pa sa huli.. uber fail! hahaha!

Saturday, June 19, 2010

Random Lang #4

nakita ko lang 'to sa Facebook at natuwa ako..

"Life is fair because it is unfair to everyone."

tama naman diba?

Thursday, June 10, 2010

Perstaym

ahhhh.. ang sarap pala..

Monday, June 7, 2010

Random Lang #3

gusto kong magpost ng may sense. gusto kong magkwento ng magandang storya.

kaso walang sense ang utak ko ngayon at panget ang storyang meron ako.

ung friend ko naglagay ng stat sa FB nya..

friend: what's it feel like to be a ghost?

chikletz: do u really want that question to be answered.. think about it.. haha!

parang ewan lang. pag may sumagot sakin ng tanong na yan..gudlak na lang sakin. korni ko.

Thursday, June 3, 2010

I'm Truly Yours

wow june na! ang init na! infairness na-carwash ko na ung kotse ko. yahoooo! nag-uumpisa na ang pagiging productive ko. wehhh?!

anyway, nais kong i-share sa inyo 'tong I'm Yours cover namin ng co-worker ko. hulaan nyo na lang kung sino ako dyan. hahahaha!

medyo malabo. sensya na. pang low budget films lang eh. haha!

Monday, May 17, 2010

Summer Love!

naman! oras na para mag-celebrate! natapos na naman ang isang pagkabilis na semester sa college life ko! yehey!! akalain mo un..wala akong ginawa this sem kundi mag procrastinate (dahil expert ako dyan), mag facebook, makipag landian sa text (weh?), magpetix sa trabaho, uminom, at kung anu anu pang walang kwentang bagay, pero pero pero naka survive pa din ako. thank you Lord! pero gudlak na lang sakin sa Math grade ko. yikes! pagdating kasi sa Math hanggang asa na lang ako.. asa asa asaaaaa! looking forward na ko magbeach! pero namannnn month of May na, pero oh-so-gloomy ng weather! kanina umulan pa. anu ba yan, fail talaga tong Global Warming na toh. tsk!

ang panget pa lalo, bum na naman ako this summer! bakasyon mga bata, syempre bakasyon din ako at bakasyon din ang sweldo ko. wow, gudlak naman sakin! pero ngayon pa lang kinokondisyon ko na ang utak ko. iniisip ko na ang mga pwede kong gawin this summer para naman hindi ako mabobo at maging palaboy sa bahay. eto ang isang dosenang plano ko:

1. gumising ng maaga at mag jogging sa park (kakaririn ko talaga toh!)
2. magbasa ng at least 3 novels
3. maglinis ng kwarto ko at magbawas ng kalat sa closet. har har har!
4. maglinis ng banyo ko. ang saya saya!
5. magshoot ng videos na walang kwenta
6. gumawa ng kanta (e gudlak...)
7. inuman session (syempre hindi pwedeng mawala toh)
8. mag theme park (kahit once lang para tipid)
9. mag beach!!!
10. mag carwash. kasi 3 months deprived of cleaning na ang kotse ko.
11. mag facebook. walang kamatayan.
12. lastly, mag blog!

sana matupad ang lahat ng plano ko. Summer, here i come!!

Saturday, May 15, 2010

Random Lang #2

kainis.. absent ako sa tagayan ngayong gabi. galing ng timing ng sipon at allergies ko. ang korni! gusto ko pa naman maghasik ng lagim!

Wednesday, May 12, 2010

Random Lang #1

nagppraktis akong tugtugin ung I'm Yours ni Jason Mraz sa gitara. 4 chords lang pala. yakang-yaka(yabang mo!). magpeperform kami ng co-worker ko para sa opening act ng Talent Show ng mga bata sa trabaho ko. plano namin eh sya daw kakanta, tas ako tutugtog. eh gusto ko din kumanta...sugapa.

*meron akong chekwa na fan. comment ng comment di ko maintindihan.

Sunday, May 9, 2010

Flowers For Her


nag-order ako ng flowers for delivery kagabi for today's occassion.. syempre Mother's Day. ang mahal na pala ng mga flowers ngayon! hahaha! pero oks lang. sabi ko sa isa kong kapatid hatian ako.. ayun..hahatian naman daw ako pero wala pa sa kalahati ung ambag nya. la daw sya pera. at syempre tulad ng siste last year, nilagay ko na din ang mga pangalan nila para kunwari hinatian nila ko. ambait ko, pramis! anyway, ang mas importante sa mahalaga ay nagustuhan ni mader nature ang mga bulaklak na natanggap nya sa pintuan kaninang umaga. yehey! nagpapicture-taking pa nga sya kasama ang mga flowers na yan kanina. lalagay nya siguro sa FB nya. haha! panalo! anway...

HAPPY MOTHER'S DAY
sa mga nanay dito sa mundo ng bloga at sa mga nanay nyo din syempre :)

Wednesday, May 5, 2010

Wala Na Ba Tayong...?

pagkagaling sa trabaho, diretso sa school. pagkagaling sa school, diretso sa bahay. antok na antok. napuyat na naman kagabi. nakauwi ng 5pm. nagcheck ng facebook at umabot ng isang oras. 6pm sinubukan kong matulog. palyado. dami kasing fans na nagtetext. kelan daw next gig ko at kelan daw ako bibisita sa city nila. joke lang, baka maniwala ka. wala akong gig. bumangon at naglinis ng kuko. inuna ang kanang paa. naisipan kong mag nail polish. namili ng kulay. green, purple, red, pink, blue, kahel, all of the above.. sige pula na nga lang. game. matapos kulayan ang limang daliri sa kanang paa biglang..

huwat?!! wala ng acetone? tinawag ang ina.. "maaaa!!! wala na ba tayong acetone?" wala na daw. "ubos na?" para lang akong tanga sa pangalawang tanong ko. badtripppp!! takbo sa banyo! nagbasa agad ng paper towel at dali daling pinunasan ang mga kuko...ngunit huli na ang lahat. ayaw na matanggal. tuyo na. waepek ang tubig. tumingin tingin sa banyo. hindi ako nawawalan ng pag-asa...eskinol!! di ko na tinignan kung may acetone na nakahalo dun. binasa ang cotton gamit ang eskinol. pinahid sa hinliliit. pinahid ng pinahid ng pinahid! ayaw pa din matanggal..at dun na ako nawalan ng pag-asa. hinayaan ko nang pula ang aking mga kuko sa kanan kong paa.

bagay sa nagdurugong puso. namannnn! humirit pa ng ganun?! haha!

Saturday, May 1, 2010

Inumaga Na!

naman naman! 3:26am buhay na buhay pa 'ko! sira na naman ang sleeping habits ko nito pero oks lang. malapit na ang pinakahihintay kong bakasyon. wooo! magagawa ko na ang mga kelangan kong gawin. maglinis, maglinis, maglinis, at magblog. overdue na ko dito eh. ang dami kong namiss out at hindi rin nakasagap ang radar ko ng chizmizzz pero hindi ko akalaing marami din pala ang pansamantagal na nanahimik.

ang hirap pala ulit mag blog pagkatapos mawala ng ilang linggo. kahit na dapat ay marami akong kwento, ang nangyari parang naubusan ako ng kwento. siguro dahil sa dami ng nangyari, hindi ko na alam kung anu uunahin ko. ang unang unang pumasok sa utak ko ay ang balentaym treats. nabigyan ko na din sa wakas ng candy treats ang mga bata. pero ibinigay ko na lang nung Easter na. haha! swak pa din sa okeyshunnn kahit late!

anyway, habang wala ako dito at nag bakasyon sa kawalan, nasa trabaho ako at school. o diba..kinarir ang pagiging matinong tao. hanggang ngayon keri ko pa din ang disguise na itoh dahil wagi ako sa pagpapanggap! at juice ko pong pineapple, nakakawindang sa trabaho ko lately! ang mga bata ay hindi nauubusan ng sakit! sakit sa mata, ilong, paa, kamay, balakang, mukha, at kung saan saan pang singit ng katawan nila! at impeyrnes, mukha siguro akong doktor at sakin sila humihingi ng tulong. haller naman mga kids! siguro nga nabbwisit na sakin ung school nurse namin kasi shempre dun ko itatambak ang mga batang dumadaing. minsan kasi talagang pang Oscars ang akting ng mga chikitings eh. tapos maya maya lang parang next scene na at healthy na ulit sila. panalo!

at ako naman nagkasakit sa utak sa pagkawindang. sus!

Tuesday, April 27, 2010

New Chapter

they say things happen for a reason. well, some things don't happen for a reason.

we HOPE, we FALL, and then we FAIL, only to blame ourselves for hoping and falling when sometimes it's not even our fault. sometimes we are led to false conclusions by people who act with vague intentions. it naturally opens doors for expectations--and all other emotions. it's how nature works. people THINK they aren't expecting, but do they FEEL the same way? most of us do not. deep down to the very core we want it to happen, otherwise we wouldn't have reasons to do things. i say just let things happen--or not happen, because in the end it will pay off with a much better conclusion (i hope).

you will meet more people who are worth expecting good things from, who won't play with your thoughts and emotions, who know exactly what they want to do, and who want to be a part of what you want to do. this one whom you fell for is not worth expecting any of the above mentioned criteria from--someone else is already getting that privilege. i just hope his expectations from that someone else are worth it.

the best thing to do next time is hope, fall, fail, and get up.

Saturday, March 20, 2010

On Hold

pansamantagal munang mananahimik si chikletz. busy sa colorful life nya.

Saturday, March 6, 2010

Cutting in Line

I was at work yesterday supervising the kids during their recess when a boy in 1st grade ran up to me and tattle-taled on one of his classmates.

Chris: Miss C! Jacob cutted!!

(Jacob comes dashing toward us.)

Me: Jacob what happened? Were you cutting in line?

Jacob: He got out of line! Then when he came back he pushed me!

Me (to Chris): You got out of line?

(Chris angrily walked away realizing it was his fault.)

Chris walked to the bench and sat there for the entire 20 minutes of recess. I was watching from a few feet away. Then a couple of minutes later, a boy named Nathan, from a different 1st grade class, sat a few inches next to him. Nathan looked at Chris and probably wondered why he was crying, but he just looked at him for a good minute. I wondered if this was to see if Chris was crying or to think of what to say to him.
Please take note that both of these boys are troublemakers. Not that they're bad. They just don't listen and follow directions. I assumed that Nathan was on the bench because he was also in trouble. Nathan finally said something to Chris. They talked for a bit. Chris stopped crying after a little while. That moment caught me off guard. What could have been the conversation about? What could have Nathan told Chris that made him stop crying? They're 7 years old.

Then I realized, they are just like us--grown-ups. We cry when we're hurt, but when a friend comes along, whether they're troublemakers or not, and sits with us through our low times, we feel a little bit better--even if no words come out of their mouths.

*for my friends in my times of need and in my not times of need, thank you.

Monday, March 1, 2010

Treats

sinisingil na ko ng mga bata. nagpramis kasi akong bibigyan ko sila ng Valentine treats nung balentayms day. hanggang ngayon hindi pa ko nakakabili. haha!

Brianna: miss C! you said you were gonna bring us treats today.

ako: i knowwwww... i keep forgetting. i'll bring it in one of these days. i promise!

sana maalala ko na.. haha!

Sunday, February 28, 2010

Another Beer Moment

ayoko ng ganitong feeling. senti/emo mode na naman. sabi na kasing wag aasa. wag maaattach. pero ano? sige pa rin ako. go with the flow. kiligin sa wala. bahala na. masaktan kung masaktan. masaya naman at the moment. hayyyst!

ang dami kong gustong sumbungan. pero un at un din naman sasabihin nila sakin.. ang walang katapusang "wag ka kasing aasa." namannn eh anung gagawin ko. sori naman, gusto ko ung tao eh. palpak! im just taking chances. holding on to the last strand of hope. i got it bad. pak! (hirap hindi ma-fall sa mga pa-fall. bwiset!)

Sunday, February 21, 2010

Happy 1st!

wow.. isang taon na din pala tong Orange Vest ko. ambilis ng panahon. dami kong natutunan sa mga kablogs ko. marami na din akong naibahagi tungkol sa araw araw na pamumuhay ko. marami ng nangyari. maraming salamat sa nakibahagi.

happy birthday.
happy new year to My Orange Vest!


picture credit here

Tuesday, February 16, 2010

Tama Na Kasi!

"wala akong sakit sa puso kundi sakit sa utak. hindi kasi ma-kontrol ng utak ko ang puso ko." namannn!!

-chikletz

Monday, February 15, 2010

Post-Valentine Post

namannnnn! sa wakas natapos din ang dreaded day of the year. pero pero pero, it wasn't as bad as i thought it would be. nung medyo hapon-tanghali napagdesisyunan kong mag-emok-muk. nanood ako ng My Bestfriend's Wedding dahil aside from One More Chance, My Bestfriend's Wedding is also my favorite movie pag feel kong magdrama-rama sa hapon. so un nga. ang siste eh nailabas ko ng onti ang drama sa utak at puso ko (namannnn may ganun??). tapos nung gabi na lumabas naman ako kahit papano kasama ang isang friend. kumain at nanood kami ng Valentine's Day movie. enjoy naman kahit pareho kaming hopeless emo mode kagabi. haha! ang mas enjoy pa dun eh dun kami nanood sa sinehan na pwedeng uminom ng alcohol sa loob. panalo!

anyway 'yun lang naman. nawa'y nagmahalan kayo kahapon o nung makalawa para sa mga nasa Pinas.

Sunday, February 14, 2010

Hearts Day

for anyone who has ever loved...

and lost.

-One More Chance


received a hoops&yoyo valentine's card yesterday from a friend. that night, to give him something in return, i took this picture of hoops&yoyo. developed it. wrote a message on the back. bought a small box of godiva chocolates and brought it to his work. hope he liked it.

that was my valentine's. well..the closest thing to it.

Saturday, February 13, 2010

Mr. Kupido

"hindi lang para sa mga nagmamahalan ang Valentine's Day. para din ito sa mga gustong mahalin sila (ng mga crush nila. haha!)."


Sunday, February 7, 2010

Anlabo

"minsan mas mabuti ng hindi malinaw ang tunay na namamagitan sa inyong dalawa. baka kasi kapag nilinaw mo pa, lumabas na malabo talaga."

-galing kay KK. thanks.

Saturday, February 6, 2010

Jack and Coke

wow ang complicated ng lovelife nila. ung isa inlab sa lalakeng 3 ang anak sa dalawang babae. tsk. ung isa naman inlab sa isang babaeng...hmmm. tas ung isa, ewan ko lang. sori naman hindi pwedeng magbanggit ng names. kaya naman gudlak sakin kasi after a few months hindi ko na lam kung sino tinutukoy ko dito.

kagabi habang nag-iinuman pinapanood namin ung movie ni Richard Gutierrez na Patient X. langya. nasayang pera ko sa pag renta nun. haha! pero ok na rin pag pinapanood mo habang buzzed. tawanan moments.

anyway, adik ako ngayon sa Full House pinoy version. kakatuwa si Richard and Heart. kinikilig naman ako sa akting nila. hehe.

P.S. may nagdala ng soup sakin nung nagkasakit ako :)

Monday, February 1, 2010

In the Zone

bwiset! napaka ganda ng pasok ng Pebrerong itoh. emo stage ampf! antagal ko ng hindi nakakaramdam ng ganito. bonggang bongga ang pagka-fail. ang sarap isumpa ang February 1, 2010! pasintabi sa mga inlab, puro bitterness at heartaches ang mababasa nyo sa baba. para naman sa mga bitter na tulad ko, tara hawak-kamay tayo. hahaha!

syempre san pa ba ko magbubuhos ng kadramahan ko ngayon kundi dito sa blog ko. alangan naman sa FB para makita ng buong madlang friendshipness ko ang pagka pathetic ko. namannnn!! may sipon ako kagabi at lumala habang tulog ako at naramdaman ko lahat ng masakit pagkagising ko. masakit ang puso, ang ulo, ang mata, ang likod, balun-balunan, atay, lungs, esophagus, at lahat na ng body parts na pwedeng matutunan sa Anatomy! winner diba?! oo na ang OA ko na! pak! dahil dito hindi ako pumasok sa work at baka hindi na rin ako pumasok sa school mamaya. barado ang ilong, haching ng haching, luha ng luha, tulo ang uhog..yakk naman diba. gross!

ang sarap manood ng movies nina John Lloyd at Bea ngayon. mas masaya siguro kung umuulan para damang dama ko ang pagka-emo ko ngayon at iiyak pa din ako kahit milyon-milyong beses ko na napapanood ang all time favorites ko na Close to You at One More Chance na yan..tas binanatan ni Jepoy ng tanginang "i'll never goooo far away from youuu.." panalo na naman!! pero sa ngayon mas bagay sakin ang theme song sa Close to You na..."i've known you for so long you are a friend of mine, but is this all we'd ever be? i've loved you ever since you are a friend of mine, and babe is this all we ever could be?.." imagine-in nyo na lang ung boses ni Lea Salonga. pak! oo na! this is all we ever could be na nga! kulettt!! stuck ako sa kumunoy na friend zone na yan!leche!

ang mas malufet pa dyan eh ung pagpapanggap na ok lang ako. na walang epekto sakin habang nakikita ko ang mga floating red hearts sa paligid nya habang nagkkwento sya ng mga inlababo moments at kilig moments nya habang ang puso ko ay OA na naman sa pagkabog dahil gustong magwala.. WALAAAAAA!!!

hay bwiset. wala bang magdadala sakin ng gamot at soup?! malamang wala.. asa ka pa chikletz. naman!

san si Dhianz? nahahawa ako sa kanya. hahaha! peace tayo sis!

what an epic fail! sana lang after a few months pagbalik ko sa post na toh eh pagtawanan ko na lang ang sarili ko..sana.

Thursday, January 28, 2010

Cubicle 92

hayyy eto na naman. first week ng pasukan. patay utak at katawan na naman toh! bitter na naman ako! haha! ang hihirap ng classes ko this semester. gudlak! ambigat pa ng mga libro! bwiset. 3-inch binder ung isa. naman! ang liit ko na ngang tao magiging kuba pa ko. tsk!

pero pero pero papalapit na ng papalapit ang pagtatapos ko bilang kolehiyala.. well, sana.. hopefully isa't kalahating taon na lang ako. pero dahil nga sa bwiset na recession na yan ang daming naca-cancel na classes. apektado ako ng malubha at ang mga teachers ay nawawalan ng trabaho. mas gudlak naman sakin diba? pagkatapos ko mag-aral wala akong trabaho. wahhh! *crossing all my fingers*
anyway, hanggang dito muna toh.

kung bored kayo ngayong sandaling toh, bumuo ng mga iba't ibang salita gamit ang mga letra sa mga salitang itoh: My Orange Vest

examples: van, man, etc...

pero bawal gamitin ang letra ng dalawang beses unless na dalawa ung letrang un sa salitang ibinigay ko. yan eh kung bored ka lang. kung hindi naman eh di wag. wala lang kwenta yan. pauso ko lang. ang may pinaka maraming salita ang panalo. walang prize kaya wag ka ng umasa. haha!

highlight of the day: naiwan ang cellphone sa isang stall sa banyo sa library. narealize ko lang after a few minutes pagkaupo ko dito sa cubicle 92. kinabahan. pinagpawisan. lumakas ang tibok ng puso. hinalungkat ang backpack para hanapin. wala! umalis sandali para balikan sa banyo ngunit hindi ko nakita. tinanong sa circulation desk kung may nag turn-in. wala daw. bago umalis mula sa circulation desk may nag turn-in ng cellphone ko. whew! ambait nyaaaa!!

Sunday, January 24, 2010

Hanapin ang Inner Good

people in general are full of indignation. the world is full of it. it's everywhere.

wala na ba talagang pag-asa ang human race? lagi tayong galit sa isa't isa. lagi tayong nakakahanap ng mali sa isang bagay kahit alam naman natin na lahat ng bagay ay may kakulangan--pati ang madlang pipol (flash news ba?). siguro dahil minsan hindi tayo sanay sa pagbabago at sa kakaibang mga bagay at pangyayari. hindi na ba natin mahanap ang "inner good" sa mga taong nakapaligid satin? nauubusan na ba tayo ng tiwala?

parang ang daming rason sa sinasabi kong indignation na 'toh. pride. betrayal. differences of beliefs. racism. prejudism. kahit yung sobrang maliliit na bagay binibigyan natin ng maling kahulugan. hindi na tayo marunong umintindi o ayaw lang talaga nating intindihin. minsan pag nahuhuli ko ang sarili kong ganun parang gusto kong magpabatok. nakakahiya kasi. hindi naman tayo binigyan ng utak para huwag intindihin ang mga ganung bagay.

napaka nega na natin ngayon. bitter sa work. bitter sa pag-aaral. bitter sa family. bitter sa friends. bitter sa love. bitter sa maduming kalye, sa hindi maintindihang accent ng pagsasalita, sa sariling race, sa kapit bahay na maingay, sa mga hindi nagbabayad ng utang, sa mga taong namamalimos, sa lintik na recession na yan, sa lahatttt!!!

bakit bitter ka kasi hindi ako umiinom ng soda (unless na chaser itoh sa alak)?? bakit bitter ka kasi gusto kong mag-english kahit pinoy ako? bakit bitter ka kasi kaibigan ko ang ex-friend mo? bakit bitter ka kasi hindi ka nya gusto at iba ang gusto nya? bakit bitter ka kasi hindi ko afford ang Coach bag mo, ang MacBook mo, ang kotse mong magara, ang malaki mong TV, ang magandang bahay mo?? bakit bitter ka kasi hindi ako nurse at pagiging teacher ang pinili ko? bakit bitter ka sa mga nurses? bakit bitter ka dahil maaga syang nagkaanak? bakit bitter ka dahil mas maputi sya sayo?

laging may mali. lagi tayong hindi sang-ayon. lagi tayong nagmamaliit ng kapwa natin. lagi tayong ma-pride.

bakit di na lang natin intindihin na ayaw nya lang talagang uminom ng soda, na gusto nyang mag-english hindi dahil sa ayaw nyang magtagalog, kundi dahil marunong din sya mag-ingles, na magkasundo sila ng ex-bestfriend mo, na hindi kayo para sa isa't isa, na hindi kasing laki ng sweldo mo ang sweldo nya kaya hindi nya afford ang mga bagay na meron ka (wag mo na dapat mata-matahin), na hindi para sa kanya ang pagiging nurse, na may mga taong nursing ang pinipili dahil baka ito talaga ang gusto nila at meron din na pera lang ang habol (e anu naman sayo?), na hindi nya ginustong magkaanak ng maaga at nagkamali sya (wag mo na lang i-base ang pagkatao nila dahil dun), na may mga tao talagang mas maputi sayo. meron din na mas maitim sayo kaya wag kang bitter. find your neighbor's inner good.

wag kang magmalinis. bitter tayong lahat. may sariling galit sa iba-ibang bagay.

ewan ko ba..mas madali kasi ang maging bitter kesa maging banal kaya hindi mawawala ang indignation sa mundong itoh. kelangan ng gumuho ang mundo..pero wag muna soon.

Sunday, January 17, 2010

Champorado

Earthquake in Haiti, Venezuela, Argentina...grabe na toh. nakakakilabot. kawawa naman ang mga tao.. tsk tsk.

on a lighter note: gumawa ako ng champorado from scratch. masarap naman kahit papano. successful! hehe.

sensya na mga kablogie at bihira akong makadalaw sa inyo ngayon. medyo busy mode at confused mode ako ngayon eh. marami lang mga pambihirang kaganapan sa buhay ko ngayon. haha!

Monday, January 11, 2010

Gaga over Gaga


para sa akin napaka catchy ng mga hit songs nya. kakaaliw lang.

Thursday, January 7, 2010

Palipas Oras

mapaglaro ba talaga ang ibang tao? ika nga ni Jepoy.. pa-fall? ung kaibigan kong lalake nambiktima nang hindi nya nalalaman. nasaktan ung babae kasi na-kerid away sya. umasa. nag-akala. maling akala pala (buti hindi naman sya namatay). ang hirap nun..lalo para dun sa babae diba? iba ang takbo ng isip ng lalake sa babae. mga boylets dyan, anu nga ba ang tumatakbo sa utak nyo? haynaku! minsan hindi lang kaming mga babae ang mahirap basahin. kayo din eh. hindi namin alam kung anu ang tunay na motives nyo.. err.

kelangan ba talagang may gamiting tao para pampalipas oras? siguro nga...naging pampalipas oras na kasi ako once upon a time. ouch!

Saturday, January 2, 2010

Day 2

dear Lola Taling,

We love you and we will certainly miss you. Look after us from wherever you are.

love,
Chikletz

Friday, January 1, 2010

Day 1

pagkatapos ng inuman session sa garahe kagabi, bagsak! ngayon naman sobrang boring. nagising ako 1pm na. it's a happy new year alright..

gusto ko ng bumalik sa trabaho kaso ayoko pang bumalik sa school kasi isa lang ang ibig sabihin nun. mawawalan na naman ako ng social life!! 8 more days work mode na ulit. nakakamiss kasi ung trabaho ko sa school. magulong mga bata!

anu kayang magandang gawin ngayong araw na 'to. wala kasing paputok dito pag new year's day eh. ang korni talaga.

364 to go.