sa mga taong nakakadaupang palad ko araw araw, ang ilan sa kanila ay, sa kasawiang palad, hindi nabigyan ng magandang pasok nitong taong 2010.
gusto ko man magkwento ng masayang mga pangyayari, ay wala talaga akong maisip. hindi rin naman sa puro kalungkutan ang nangyayari sakin, kundi, wala lang sobrang extra happy moment. kilig moments siguro pwede pa.. pero wala namang kasiguraduhan yun.
"if i could write you a song to make you fall in love, i would already have you up under my arm.."
naisip ko lang na ang dami sa mga kakilala ko ang nagkaron ng matinding heartbreaks and heartaches more than heartblooms ngayon taon na 'to na nangangalahati pa lang. may mga relasyong nabigyan ng tuldok kahit hindi ginusto ng karamihan. meron din mga natapos pagkalipas ng napakaraming taong pagsasama na hindi inaasahan ng kahit sino man na maaari palang mangyari yun.
ang nagkaron lang ng heartbloom ngayong taon na to eh ung crush ko na sinagot na ng crush nya. aray naman.
napaka depressing pag masyadong marami sa paligid mo ang malungkot dahil gustong gusto nilang magmahal pero parang wala silang magawa..wala din naman akong magawa para sa kanila. pare pareho lang naman kami. hawa hawa lang siguro un.
7 comments:
"napaka depressing pag masyadong marami sa paligid mo ang malungkot dahil gustong gusto nilang magmahal pero parang wala silang magawa" OuchHHHHHHHHHHHH LOL pero totoo 'to! :(
malayo pa ang umaga, kahit sa dilim naghihintay parin, umaasa bukas ay may hiwaga...
teka parang kanta din..:)
@roanne: onga eh.. saklap ng buhay. haha!
@pamatayhomesick: haha! dito ba kumanta? nainspire naman ako kahit papano. salamat! :D
we'll get over it nyahah.. let's love our self nalang wahahah selfless love to our self? LOLs
ganun lang talaga.. wag na lang malungkot yung mga taong hindi mahal ng mahal nila kasi may nagmamahal din naman sa kanila na hindi nila mahal :( QUITS LANG..hehehe
Wait 'til you hear my story. Halos tinalo ko pa 'yung pinakamalupit na roller coaster dahil sa ups and downs, peaks and valleys ng lovelife ko. But, it was sooo 2007.
Recently lang, nagkita kami ng ex-girlfriend ko for coffee. Long story short, hiningian niya ako ng advice tungkol sa boylet niya. Ayos.
Wala lang, nai-share ko lang.
@jorich: im over it and i do love my self. haha!
@hartless: winner ang answer mo! :D
@jakey: lupet naman nun. bakit laging nangyayari ang mga ganyang sitwasyon? ikaw pa lalapitan ng ex mo for love advice. namaaaann!! hehe..
Post a Comment