Sunday, January 24, 2010

Hanapin ang Inner Good

people in general are full of indignation. the world is full of it. it's everywhere.

wala na ba talagang pag-asa ang human race? lagi tayong galit sa isa't isa. lagi tayong nakakahanap ng mali sa isang bagay kahit alam naman natin na lahat ng bagay ay may kakulangan--pati ang madlang pipol (flash news ba?). siguro dahil minsan hindi tayo sanay sa pagbabago at sa kakaibang mga bagay at pangyayari. hindi na ba natin mahanap ang "inner good" sa mga taong nakapaligid satin? nauubusan na ba tayo ng tiwala?

parang ang daming rason sa sinasabi kong indignation na 'toh. pride. betrayal. differences of beliefs. racism. prejudism. kahit yung sobrang maliliit na bagay binibigyan natin ng maling kahulugan. hindi na tayo marunong umintindi o ayaw lang talaga nating intindihin. minsan pag nahuhuli ko ang sarili kong ganun parang gusto kong magpabatok. nakakahiya kasi. hindi naman tayo binigyan ng utak para huwag intindihin ang mga ganung bagay.

napaka nega na natin ngayon. bitter sa work. bitter sa pag-aaral. bitter sa family. bitter sa friends. bitter sa love. bitter sa maduming kalye, sa hindi maintindihang accent ng pagsasalita, sa sariling race, sa kapit bahay na maingay, sa mga hindi nagbabayad ng utang, sa mga taong namamalimos, sa lintik na recession na yan, sa lahatttt!!!

bakit bitter ka kasi hindi ako umiinom ng soda (unless na chaser itoh sa alak)?? bakit bitter ka kasi gusto kong mag-english kahit pinoy ako? bakit bitter ka kasi kaibigan ko ang ex-friend mo? bakit bitter ka kasi hindi ka nya gusto at iba ang gusto nya? bakit bitter ka kasi hindi ko afford ang Coach bag mo, ang MacBook mo, ang kotse mong magara, ang malaki mong TV, ang magandang bahay mo?? bakit bitter ka kasi hindi ako nurse at pagiging teacher ang pinili ko? bakit bitter ka sa mga nurses? bakit bitter ka dahil maaga syang nagkaanak? bakit bitter ka dahil mas maputi sya sayo?

laging may mali. lagi tayong hindi sang-ayon. lagi tayong nagmamaliit ng kapwa natin. lagi tayong ma-pride.

bakit di na lang natin intindihin na ayaw nya lang talagang uminom ng soda, na gusto nyang mag-english hindi dahil sa ayaw nyang magtagalog, kundi dahil marunong din sya mag-ingles, na magkasundo sila ng ex-bestfriend mo, na hindi kayo para sa isa't isa, na hindi kasing laki ng sweldo mo ang sweldo nya kaya hindi nya afford ang mga bagay na meron ka (wag mo na dapat mata-matahin), na hindi para sa kanya ang pagiging nurse, na may mga taong nursing ang pinipili dahil baka ito talaga ang gusto nila at meron din na pera lang ang habol (e anu naman sayo?), na hindi nya ginustong magkaanak ng maaga at nagkamali sya (wag mo na lang i-base ang pagkatao nila dahil dun), na may mga tao talagang mas maputi sayo. meron din na mas maitim sayo kaya wag kang bitter. find your neighbor's inner good.

wag kang magmalinis. bitter tayong lahat. may sariling galit sa iba-ibang bagay.

ewan ko ba..mas madali kasi ang maging bitter kesa maging banal kaya hindi mawawala ang indignation sa mundong itoh. kelangan ng gumuho ang mundo..pero wag muna soon.

14 comments:

Dhianz said...

san bah akoh mag-uumpisa nang komentz?... while i'm readin' 'ur entry eh parang nagkokomentz back na akoh sa yutakz koh eh... teka... indignation na word pa lang nosebleed nah eh.. ahaha... uhm... i guess yeah tao lang.. human nature... ang problema kc i think minsan saten... nde tayo marunong makuntento kung anong meron tayo... we keep comparing ourselves w/ others... we are trying so hard to be like them... we are trying to have what they have... we are trying to be as successful or as wealthy as them... we wanna have wat they have.. well u get d' point... this could go on and on... but time will come na those things won't really matter... we all gonna grow old... we all gonna be in the point of our lives we would think.. ano nagawa naten sa buhay naten?... pano tayo nabuhay?... nagawa bah naten ang mga gusto nating gawin?... naging masaya bah tayoh?... minsan yeah u were able to get all those material things that u wanted to have... but you'll spend d' rest of 'ur lives payin' for those things by workin' like a horse w/ no rest of watsoever... i guess ano bah point koh?... nde naten naappreciate ang mga simple things.... d' everyday small blessings narereceive naten sa Kanyah... sometimes we all so focused on our personal goals, things and want na nde na naten napapansin si God.. i mean like we don't fully trust what He can do for us... He can do amazing things... more than we think we could do... or blessed us way more than what we wanted... da blessings can even be overwhelming... well... He's an awesome God... maraming tanong... nabubuhay tayo sa bitterness minsan.. lungkot... galit.... sadness.... hopelessness.. or kung ano ano pah... i guess letz start trusting Him... be thankful w/ every little things... focus on 'urself... w/ what u have... 'ur blessings... w/ wat u can do... and how can u be a blessing in returns for other... tao lang... ayos lang na maka-feel nang mga mixed emotions.. tulad koh sometimes i say so much pero ang tanong.. inaaply bah?... haha... kc nemen yang recession na yan eh!.. tsk... actually affected den akoh eh... kaya medyo bitter den akoh.. haha... sige nah... kala koh entry toh eh... komenz lang palah... ewan koh kung basahin moh pah toh.. lolz... pagbigyan moh na namiss koh magkomentz.. laterz... sana naintidihan moh mga sinabi koh.. so random atah eh?.. wehe... laterz... this is juz one long paragrapah kaya gudlak sa pagbabasa.. haha... miss yah ms. CC! Godbless! *smile* =) p.s. typo error.. kaw na bahala and bahala ka na mag-make sense kung medyo nahilo kah sa pinagsasabi koh... haha... hasta luego =)

Jepoy said...

Haist! Gusto ko ang punto ng nilalaman ng sulatin mo ChikiChiki. At namiss kita.

Baket nga ba ganun? Paano nga ba tumingin ng inner good sa isang tao?! Napakahirap nga nito, kahit sa maliit na bagay masasabi kong bitter ako pero ganun nga siguro ang takbo ng panahon natin ngayon.

I think may hope parin. And it should start from us. Pero paano? Well I don't know the answer pero sa katanuyang aware ka na bitter ka somehow mapipigilan mo ito. TO see goodness in others ika nga.

Send ko na ang bidyo later.

God Bless!

A-Z-3-L said...

hindi lahat ng tao ay biniyayaan ng malawak na pang-intindi sa mga bagay-bagay!

mayroong natural na ipinanganak na inggitera/o, selosa/o, maangal, at hindi nakakakita ng ganda sa paligid... mahirap man silang pakitunguhan, kung sa tingin mo eh ikaw ang mas makakaintindi.. ikaw na ang magpasensya sa kakulangan nila.

tandaan mo chikz... hindi mahalaga kung pano nila tingnan ang buhay. ANG MAHALAGA AY KUNG PAANO MO GINUGOL ANG BUHAY MO.

wag kang magpaapekto sa NEGA VIBES... mabilis yang nakakahawa. mabilis pa sa dispersal ng atoms kapag nainitan! umilag ka kung kinakailangan! huwag mong saluhin.

may pag-asa pa... wag kang magpakawonder woman, hayaan mo lang sila...

eventually people will come into their senses... hahanap din sila ng WORLD PEACE gaya mo. at uumpisahan sa sarili ang pagbabago :)

Choknat said...

bitter bitteran..

2ngaw said...

Kung naiisip mong nalalamangan ka, isipin mo rin na mas lamang ka sa iba...gaya ng kung inggit ka dahil mayaman sya, isipin mong ang daming nagugutom sa mundo pero ikaw kumakain ng 3 o higit pa sa isang araw...

RHYCKZ said...

well ang masasabi ko lang...may nang-aaway ba sa yo...heehehe

aktwali, the thing is we are afraid of the future, on whats gonna happen or what its gonna be...

regarding dun sa inner goods, may mga tao talagang napakahirap i-please at may tao ding likas na inggitero/ingitera, but then in the kung wala ka namang tinatapakang tao, then walk with proud hayaan ang mga bitter ocampo na yan, heart attack lang ang mapapla nila.

RHYCKZ said...

kay chikletz bang entry 'to o kay dhianz....hehehehe

Eli said...

ako dati lagi akong bitter eh di ko alam pero halos sa lahat ng bagay masama loob ko... kahit sa mga jeepney drivers na ayaw pa umalis dahil naghihintay ng pasahero.. pero wala lang kasi napagmuni-muni ko at gusto kong ishare sa mga mambabasa na itry nio maging mabait. ung tipong pagmangaabot ka ng sukli magsabi ng slamat ung mga ganong bagay. kasi un nga, masarap maging mabait.

kikilabotz said...

hahaha. nakakatuwa talga c dhianz magcomment sobrang haba.hehe

uhmm contrary to what uv said. hnd lahat ng tao bitter. nagkataon lang na mas marami kame. hehe. i think being bitter is not that bad. minsan kasi kelangan naten maging bitter to improve kung anu man ang kakulangan sa atin. for example mababa ang sahod mo. kung hnd ka magiging bitter dun at makokontento ka na lang sa ganun. well magiging habang buhay mababa ang sahod mo. pero kung magiging bitter ka at sasabihin mo sa sarili mo na "mababa ang sahod mo" or "bkit mababa ang sahod mo" maghahanap ka ng ways para mapataas eto or maghahanap ka ng bagong trabaho. hehe. uhmm basta ganun. napaliwanag ko ba ng maayos?

kaya pala tumataas ang presyo ng asukal ngaun kasi d demands of the sweetness is bigger than the supply.

Anonymous said...

@dhianz: panalo ang comment mo sakin! hahaha! parang comment lang ni jepoy sayo ah. apir tayo dyan sis! tama ka hindi tayo nakukuntento sa mga blessings na binibigay sa atin. lagi tayong humahangad ng sobra sobra. ok lang na mag ambition pero wag naman ung OA diba? saka lagi natin kinukumpara ang sarili natin sa iba tapos either kakaawaan natin ang sarili natin o kaya naman mamatahin natin ang ibang mas nakakababa sa atin.. namannnn... hehe.. anyway salamat sa comment mo sis! :D

Anonymous said...

@jepoy: mahirap talaga pero tama ka na sa sarili natin mismo dapat mag-umpisa. minsan kahit mga kaibigan ko ganun din eh. parang naiilang ako pag ganun sila pero pinagsasabihan ko din paminsan minsan para matuto silang lumingon sa pinanggalingan nila.. na hindi porke bonggang bongga na ang success nila eh mamaliitin na lang ang ibang tao o kaya naman feeling nila nagbago ang mga tao sa paligin nila kahit hindi naman.. ang gulo ko. haha! can't wait to see the vid!

Anonymous said...

@azel: eh DARNA pwede? haha! joke..

hmmm contrary to what you said, i don't think na natural silang pinanganak na inggitera o selosa o kung anu man. siguro nasa pagpapalaki din ng tao un. kasi kung tinuruan ang tao mula pagkabata ng tamang values at ethics hindi sya lalaking mapanira o inggitera o seloso(a). minsan kulang lang din talaga sa tamang aral ang mga tao..

pero sana nga may hope pa.. :)

Anonymous said...

@lord: super agree! ang tao laging nasa ilalim pero lagi din nasa ibabaw.

@sco: ang mahirap lang pag ikaw ang inaapakan. pero dapat relax lang ang pag defend ng sarili.. wag ung OA diba. haha! panalo ang comment ni Dhianz noh?

@elay: oo! masarap maging mabait. masarap ang feeling sa sarili. ung pag nakakatulong ka sa mga tao parang napaka rewarding na diba? i like it!

@

Anonymous said...

@kikilabotz: fair enough. hindi nga siguro lahat. haha! ang OA ko minsan eh. hehe.. pero tama na mas marami tayong bitter kesa sa mga hindi bitter. at tama din na dapat marunong tayong i-defend ang sarili natin kasi syempre gusto din natin may marating ang buhay natin. wag lang ung nakakaapak na tayo ng ibang tao at nanlalait na at ung OA na ung pag-complain diba?

at oo napaliwanag mo ng maayos. love it! :D

@choknat: sinong bitter bitteran? hehe...