Showing posts with label music. Show all posts
Showing posts with label music. Show all posts

Monday, January 11, 2010

Gaga over Gaga


para sa akin napaka catchy ng mga hit songs nya. kakaaliw lang.

Saturday, July 25, 2009

I'll Never Go

dahil nag-adik ako kanina at pinanood ang One More Chance ni John Lloyd at Bea ng dalawang beses within 24 hours, senti mode ako ngayon kaya kanta na lang muna tayo..

You always ask me
Those words i say
And telling me what it means to me

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know

Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know

Chorus:
I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you

Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key

Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know

Chorus

**instrumental**

Chorus 2x

I'll never go
[never go away]
I'll never go away
[never go]...

lyrics source

(nga pala, kung umabot kayo sa puntong 'to.. may nanalo na sa birthday pa-kontest ni guru camille..malalaman sa susunod na video.)

Wednesday, July 1, 2009

Babae Sa Kanto

mga mare! naranasan 'nyo na ba ang makakita ng wafu sa kwanto at naging super mega crush 'nyo?! at syempre lagi nyong inaatambayanan ang pagdaan 'nya...diba? ('yun eh kung naranasan mo na nga). eto ang kwento ni jovanna. hindi naman sya stalker. super mega crush nya lang talaga si pogi..

si elena at jovanna ay dalawang magkumare na halos araw-araw ay tumatambay sa harap ng karinderya ni aling loida. dahil ka-close din naman nila si aling loida kahit slight lang, walang problema ang tindera sa halos araw-araw na pagtambay ng dalawa sa harap ng tindahan 'nya. isang hapon habang papalubog na ang araw, natapos na din ang chismisan ng dalawa at ganito ang eksena:


elena: o sya mare, dumidilim na. kailangan ko nang magluto ng hapunan. mauna na kong pumasok sa'yo. (tumayo na)

jovanna: o sige, bukas na lang ulit. (hindi tumayo at tila ba magtatagal pa sya dun)

elena: eh ikaw ba? di ka pa ba uuwi?

jovanna: ahhh.. mamaya pa ko may hinihintay pa 'ko eh.

elena: uyyyy...sino yan? bagong fafa?

jovanna: nako, wish ko lang noh. hindi ko nga alam pangalan 'nya eh.

elena: (umupo ulit) aba aba.. baka kilala ko 'yan. lagi bang dumadaan dito 'yun dito?

jovanna: minsan pero madalas hindi eh. ewan ko kung kilala mo. pero gwapo sya mare! at nako pag nakikita kong ngumiti...juice ko pong pineapple! nakakatunaw!kaya lang ang masaklap, di man lang ako napapansin. minsan nagpapapansin na ko pero wa-epek pa din mare! minsan nga nawawalan na 'ko ng pag-asa. feeling ko eh wala naman talagang mararating ang kabaliwan kong 'ito.

naghiwalay ang mga ulap at lumiwanag ang dilim. nagkantahan ang mga ibon at...
dumating si fafa!!

jovanna: ayun mare!! ayun o!! sya un! (punong-puno ng kilig at tuwa)

elena: juice ko! pagkagwapo nga! hayaan mo sige. isang araw kakapalan ko mukha ko at aalamin ko ang pangalan. gagawan natin ng paraan yan. akong bahala sa'yo.

isang araw nakita muli ni elena ang nasabing fafa. nilapitan nya ito. pero mga chong..ang suplado! 'di namamansin. dedma lang inabot ni elena. wala! fail! game over! umuwi ka na!

pero nagawa pa din naman 'nyang ikwento kay fafa ang tungkol sa kumare 'nya at ito ang sabi nya sa kwento:





anu ang ending? wala..hindi na muling nakita si fafa dun. nag iba ng daan.. tsk.

(eto ay para sa mga ate ko na ginawan ko ng kantang 'to dating-dati pa. you know who you are..mwahahaha!)

Tuesday, June 23, 2009

Minsan

etong mga nakaraang araw, may napansin akong pagbabago. tumingin tingin sa lumang pictures at bagong pictures ng mga taong naging bahagi ng buhay ko (sabay reminisce). doon napansin ko ang pagbabago nila. napansin ko din ang pagbabago ko. una sabi ko sa sarili ko.. 'ay nagbago na sila. di na tulad ng dati'.

pero sila nga lang ba ang nagbago? syempre ako din. dumadaan ang mga araw, linggo, buwan, at taon at talagang nagbabago ang mga hilig ng tao. malungkot man isipin ay minsan ito talaga ang sanhi ng paglayo ng iba. may mga taong naging kaibigan mo sa loob ng lima, sampo, o labing-limang taon, pero sa isang iglap ay maaaring magbago ang ihip ng hangin at paghiwalayin kayo ng landas sa buhay. mawawalan ng komunikasyon, magkakaron ng mga bagong kaibigan, mag-iiba ng sari-sariling hilig sa buhay, at magkakaron ng pamilya. pagkatapos, isang araw, tatanungin mo na lang ang sarili mo..'kamusta na kaya si mareng nene..' o kaya naman 'kamusta na kaya si pareng toto..'

pero syempre ang maganda dun ay naitago pa din natin sa sarili natin ang pagsasamahan..ung mga alaala ba. hindi na mawawala un. pag nagkita muli ang barkada sana nandun pa din ang dating samahan. sana walang ilangan. sana walang inggitan. sana magka-patawaran kung may naging mapait na nakaraan. o..kanta muna tayo.

minsan
by: eraserheads


minsan sa may Kalayaan tayo'y nagkatagpuan
may mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay
sa ilalim ng iisang bubong
mga sikretong ibinubulong
kahit na anong mangyari
kahit na saan ka man patungo

chorus
ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
at kung sakaling gipitin ay laging iisipin
na minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan

minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
inuman hanggang sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
sa ilalim ng bilog na buwan
mga tiyan nati'y walang laman
ngunit kahit na walang pera
ang bawat gabi'y anong saya

repeat chorus

minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari
kahit na anong gawin
lahat ng bagay ay merong hangganan
dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan
ngunit kung sakaling mapadaan baka
ikaw ay aking tawagan
dahil minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan


**********


pag naririnig ko ang kantang yan lagi akong nagrereminisce.. hayy.

Monday, June 1, 2009

Maniwala Ka Sa Sabi Ni Lola

dahil wala na naman akong maisulat dito, munting kanta na lang muli ang iaalay ko para sa inyo. so here's one for your ears. hope you like it. please don't mind the voice (parang tumutula lang). haha!



by chikletz:
ang sabi ni lola humanap na ko ng iba
ngunit sa puso't isip ika'y nag-iisa
mahirap mang limutin pilit kong kakayanin
itutuloy ko ang lakbay sa magiging bagong buhay

tila nga kahapon lang tayo'y nagmamahalan
hawak mo ang aking kamay, pag-ibig mo ay tunay
ngunit bakit ngayon ay bigla na lang lumisan
iniwan mo ang puso ko wala man lang paalam

chorus:
buhay nga naman sadyang ganyan ako'y nahihirapan
sa pag-ibig na ito, ako lagi ang nasasaktan
sana maniwala ka sa tunay kong nadarama
damdamin ko sa'yo ay hinding hindi magwawakas

kulang pa ba'ng pag-ibig na sayo'y aking inalay
humanap ka na ng iba't minahal mo sya ng tunay
mga bitui'y nagnining-ning noong ikaw pa ang kapiling
ang buhay kong makulay, ngao'y tila walang saysay

refrain:
hindi na kakayanin pa, o bumalik ka na aking sinta
dito sa piling ko, ako'y nag-iisa, o nasan ka

ngayon ay ang paalam sa 'ting mga nakaraan
aalisin sa isip dating pinagsamahan
ngunit ang alaala mo'y laging kasa-kasama ko
hinding hindi mawawala ang tibok ng aking puso



******************************

para sa akin napaka-gulo ng kantang 'to kasi parang paulit-ulit na ewan. wala na kasi akong masabi. haha! tagal na nito. siguro lima o anim na taon na ang nakalipas noong sinulat ko 'to. wala lang.. opinyon lang naman.

Thursday, April 16, 2009

Maskara

"kung may problema ka
magsuot ng maskara
takpan mo ang iyong mata
buong mundo'y nag-iiba"

ang sabi ng eraserheads

kailangan pa ba talagang mag-panggap kapag may problema ang isang tao? hindi ba't dapat harapin ito sa tamang katauhan? mas lakasan na lang dapat ang loob at tibayan ang pananampalataya. ewan ko lang ha para sa akin kasi pag nagpapanggap ang isang tao ibig sabihin hindi sya nagpapaka-totoo sa sarili nya at sa mga taong nakapaligid sa kanya.

pero siguro minsan mas lumalakas ang loob ng ibang tao pag nagpapanggap sila.

magpakalasing na lang kaya? maaari ka pang yumabang, tumapang, at maaari din na kumapal ang mukha mo. ayos!

anu sa tingin mo?

Saturday, April 4, 2009

Tinataboy

i had a writer's block for a few days so a friend suggested that i post one of my songs here. i thought it was a good idea so here's one for your ears. hope you like it. please don't mind the voice. haha!



by chikletz:
gusto mo ba talagang humanap na 'ko ng iba
at ako'y pinagtatabuyan mo na
ayaw mo ba talagang muling maibalik pa
ang mga nakaraan nating dalawa

chorus:
tinataboy mo na ako
at ako'y nagpapaka-gago
inaaway mo na ako
ako nama'y nagpapatalo
para lang sa 'yo
para lang sa 'yo

hindi man lang napagbigyan ang aking kagustuhan
sa akin ay wala na ngang pakialam
di ko na ba talaga muling mapipilit pa
kakulitan ko ay 'di na gumagana

refrain:
mahal pa din kita
kahit tinataboy mo na