kung kelan bakasyon ako sa trabaho at school, kung kelan may time para subukang maging physically active, tsaka naman sobrang lamig ng panahon. ilang beses ko na tinangkang mag-running sa park sa umaga, eh hindi ko talaga kayang tiisin ang lamig. sorry naman wala akong gym membership, pang mga sosyal lang un eh. saka i'd rather be one with the nature noh (low budget lang talaga ko). ang ending eh balik katamaran sa kama tulad ngayon, nagsusulat habang nakahilata at batugan mode. livin' the life! haha! walang kwenta.
2011 na sa makalawa. parang lumipad lang ang 2010. maninibago na naman ako sa pagsulat ng date sa corner ng papel. 2010 na naman malalagay ko. sabi nila (ewan kung sino sila) pag bagong taon, kelangan mag bagong buhay. kelangan ba un? gusto ko ng buhay ko eh. tahimik at maayos. bakit guguluhin ang maayos, diba esong? haha (uy special mention ka?! tse!)!
kahit anung bilis ng paglipas ng 2010, ang dami pa rin nangyari. pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakakita ng UFO. matagal ko ng pinapangarap un. pero yoko ma-abduct, gusto ko lang makakita tas irerecord ko tas sisikat ako. kanya kanya tayong pangarap sa buhay, walang kokontra. ang kumontra papanget sa 2011 at magkakaron ng beke sa mukha, kaya magpakabait ka na.
magpakabait ka na. magpakabait ka na (chanting). magpakabait ka na. baka lang epektib kaya sinubukan ko. parang nangungulam lang eh noh? sige eto na siguro ang last post ko for this year. abangan ang susunod na kabanata sa 2011! wag sana magsawang tumangkilik! mahal ko kayong lahat. peace on earth!
HAPPY NEW YEAR TO EVERYONE!
6 comments:
Nakakatakot ka mangarap! pero sana nga magpakita na sila next year, about time!!!
Haha. Ako din, dito nga may gym pero pag tinamad eh ayoko ng ientertain ang idea. Sayang ang kinain at tinaba ko, pinagpaguran ko din kasi yun. Haha. Gusto ko makakita ng Alien at magpapicture. Pag UFO lang madami hindi maniniwala. Happy New Year. :)
haha ayos welcome back tagal naghiatus ah :)
@glentot: it is about time!
@yow: ay tama ka! mas maganda yan. gusto ko din magpa autograph. tama ka.. itodo na diba?!
@pirate keko: haha! ikaw din tagal eh!
happy new year sis chiks..ang kulet ng post na to hehehe
magpakabait ka na. magpakabait ka na. magpakabait ka na..paulit ulit till it fades.
@superjaid: oo! kelangan. baka epektib. di lang sakin, pati na din sa iba. haha!
Post a Comment