Last week pa dapat ako magkukuwento tungkol sa pinuntahan naming kasal ng isa naming kaibigan subalit lagi akong tinatamaan ng katam kahit na madami akong time sa office. Ewan ko ba kung anung sapi ang meron sa akin at kahit madalas ay idle e pabasa-basa lang ako sa pex at walang ganang magtype. Hmmm... Hindi kaya side effect ito ng iniinom kong brazilian slimming coffee??? pede.....
So nabanggit ko na sa unang statement na umatend kami ng kasal. Yep. Wedding. Actually, di sia church wedding kasi medyo madalian lang kasi ang plano nila na magpatali at magpa-bind sa isa't-isa. So ang nangyari ay nagkaroon lamang sila ng simple daw na civil wedding.
Actually ang alam ko lang na pinagkaibahan ng church wedding sa civil wedding ay ang magkakasal ay hindi pari at syempre hindi sa simbahan ang venue. Pero laking gulat ko.... kasi kwento sa amin ni doc (another friend) na mas mahirap i-pa-annul kung civil wedding. Atsaka ang kwento sa akin ni groom, di pa daw pede mag honeymoon kung civil wedding. (totoo kaya ito?).
Going back, sa kwento, e sakto naman dumating ang groom at bride, sakto din kasi nandun na din ang ibang friends na di namin kasabay nagbyahe kasi malapit lang sila sa place. Lima kaming mga ka-opisina/friends ang umattend at umupo kami sa iisang table (bakaw kami, sinolo namin isang table, jokes, konti lang din invited at madaming space).
Ang Kinasal
-Bless at Andy-
So nagstart na ang wedding. Habang Nagsasalita ang ung magkakasal ay effort ako sa pakikinig ng mga sinasabi nia. Ewan ko ba. Ilang kasal na ang napuntahan ko pero ngayon lang ako nakinig sa mga pinagsasabi ng magkakasal. Parang it's the first time na nag-internalize ako at inintindi ang bawat pangaral at chechebureche ng huwes. Napaisip tuloy ako.... Hindi kaya part of me ay nais nadin na makatagpo ng babaeng pakakasalan ko at makakasama ko ng panghabang buhay? hmmmm....
After nilang magpangakuan, syempre may suot singsing at vows ang dalawa. Then after a few more minutes... Mabuhay ang bagong kasal na! Hep-hep! Hooray! Chibugan na! Woops, nagkamali ako.... Inuna na ang ibang seremonyas tulad ng cake cutting, lovey-dovey-kalapatis at ang champagne o wine toasting.... At sa wakas, nagchibugan na!
Si Mrs. at Mr. Yu
For the chibogs, oks naman ang handang inihain ng Aristocrats. Ang pinaka paborito ko ay ang kanilang super sweet at tamang timpla at smooth sa bibig na leche flan. Okay na sakin na di masyadong mag-rice at mag-ulam basta sakto at yummy ang disirts. (no pics, di ko matiis, gutom na eh)
Before matapos, syempre, kelangan may picture picture para naman may captured moments sa aming mga dumalo kasama si groom.
Khanto, babaeng lakwatsera, Doc, Andy, Mapanuri, Spiderham at Tita Angge
After ng kasal, diretso kami ng Robinson's manila para manood ng Resident Evil na na-iblog ko last week.
Congratulations at Best Wishes para sa bagong kasal. Officially Bless Yu na ung bride. :D
PS. Ung mga larawan ay ninenok ko lang sa photographer na si Spiderham.... Baka mademanda ako kaya kailangan ma-mention. :D