Showing posts with label US film. Show all posts
Showing posts with label US film. Show all posts

Wednesday, March 22, 2017

Power Rangers

Hola! Kamustasa mga folks! Andito nanaman ako para naman magsalitype ng anik-anik at magwento ng kwentong minsan ay wala namang kwenta. hahahah.

For today ay magkakaroon nanaman tayo ng isang movie review-reviewhan ng isang pelikulang kapapalabas lamangs. Yep, ito ay ang Beauty and the Beast! NOT! Di yon! Yung mas bago... Yung may theme na go go power rangers! Yah! Kerektedbay! Power Rangers! Nasa title na nga ng post enekebe!

Ooooops! Bago magpatuloy, andito nanaman ang aking babala sa mga may phobia sa spoilers... Hindi ito para sa weak hearted like yah! So... kung ayaw mo ma-spoil.... shoooo! Kembekneksteym!

O... Ready ka na ba?













Sure???



Okies!

It's Morphin Time!!!!


Noong unang panahon... Hindi panahon ng hapon... kapanahunan pa ni kopong-kopong-dino-era! May isang red ranger na naghihingalo (later i-aannounce na sya si Zordon). Natsugibels na ang ibang rangers at kinuha niya ang mga ranger colored coins.

Then ipapakita ang kalaban na si Rita (hindi Avila ang apelyido).Isa pala itong Green Ranger (shocking!). Then tsutsugihin na dapat ni Rits si Red Ranger kaso may akshidenteng naganap.


Kaya pala Green ang suot nia!

Kailangan ng tulong ni Ida para mag-fast forward sa future tense!

Time Space-warp, Ngayon din!

So papakita ang kapekpekang ganap ng isa sa magiging bida-bida ng film. May guy na nagpasok ng cow/bull sa school. Tapos shakey camera and dark themed filters. May habulang gahasang ganap ng sasakyans.

Dito na ipapakita ang guy kanina named Jason (hindi derulo). Dahil sa kanyang ganap ay mapupunta siya sa detention.


Dito niya makikilala ang nerdy black kid named Billy (hindi crawford). Medyo bulbulin este nabubully etong black kiddo na ito at pinagtanggol ito ni Jason.


Then ipapakits din sa screen etong girlay na long-haird na nagpunta ng washroom. Malalaman na na-friendship over si girl ng akala niyang mga beshies niya. So she make putol her hair coz fuck them right?!


Tapos sa takbo ng wento, mapapadpad ang mga teenyboppers sa isang restricted area by destiny ekekeks. 

Etong black kid ay nagpasabog ng lupa at dahil doon ay makikita na sa screen ang dalawa pang teens.  Sila ay makikilala later with the name Zack (not Efron) at Trini (hindi dor ang lastname).



Dahil sa pagsabog chuchu, matatagpuan ng 5 teenies ang colored items na tinago ni Zordon. At by fate, nadampot at nahawakan ng kiddos ang anik-anik na magiging katumbas ng kulay nila.

Sila ang naging bagong tagapangalaga ng mga brilyante!

Baka ma-tokhang sila sa mga batong ito!

Then may aksidenteng ganap pero nakaligtas ang 5 bagets. Tapos nalaman nila na nagkaroon sila ng superhumanic capabilities. At dahil curious sila, nais nilang malaman anyare. 

Mapapadpad sila sa spaceship at doon nila matatagpuan ang isang robot (named Alpha5) na nag-eksplain na sila ang itinakda bilang power rangers. Papakita na din si Zordon (hindi dick ang persname) na naging wall mount.

 Alpha 5

Dick Zordon! Ipasok si Dick! chost

Chinika-minute na silang 5 bagets ang magiging rangers. Kaso kailangan nilang matutong mag-morph at magkaroon ng armor thingy bago nila kalabanin ang pwerta este pwersa ni Rita.

Subalit, masaklap ang buhay mga besh. Di sila pinalad na makapag-change costume. So ang sabi, training daw muna sila. Magkakaroon ng Power Rangers Immersion program para pag may opening ay may chance na silang maging Rangers.

So nagtrain sila ng nag train tapos extend pa daw sila bilang immersion trainees hanggat di pa sila makakapag transform. Then bilang pakunswelo de bobo, pinakita ni Alpha ang magiging sasakyang transformers robots called zords.






Pero sadyang mapait talaga ang kapalaran ate charo. Wala talaga. Kaya feeling ng mga rangers ay kailangan nilang mag-team buidling este recollection chuchu at magkaroon ng open session para maging closey-close sila.

Nagkabunyagan ng secrets.

1. Si Black ranger ay lonelybels kasama ang mudraks na may sakit kasi walang ritemed sa US.
2. Si Yellow ranger naman ay sasali daw sa That's My Tomboy.
3. Si Blue ranger naman ay may almuranas charots!
4. 1.2.3 pass daw si penk
5. Hindi pa nabibinyagan ang junjun ni red.

At ishoshow na si Rita na isang gold digger. Naghahanap ng mga gold-gold para sa kanyang alagad na si Goldar.

 Mr. Gold

 Goldilocks

Solid Gold

At nagkaroon ng confrontations and eventually nasabi ng mga rangers ang salitang... 'Its Morphin Time!'

At nagtransform na sila finally!

Joke!


At dito ko na puputulin ang wents.

Score? Bibigyan ko naman ang film na ito ng 9. Okay naman for me at di naman ako nadisappoint masyarow.

May mga bagay lang akong di ko trips.

-Di mukang mamoth yung sasakyan ni black.
-Di masyarong Pteradactyl ang look ng zords ni pink.
-ganun din sa Sabertooth tiger
-At walang sigaw-sigaw kapag nag morph!

Imagine, wala yung... Mastadon, Cheradaktil, Chwisheratap, Sebatutayga, Churanasor! Maygas!

Pero all in all, oks naman sa akin. Di ako nadismaya (noong una akala ko too dark ang armors, based sa mga pakita... okay naman pala!). 

Okay naman ang 200 petot na binayad ko.

Sa huli ng film, ipapakilala ang magiging next green ranger.. si Tommy.


O sya, hanggang dits na lang muna! Take Care!

Friday, March 3, 2017

Logan

Hello kamusta na kayo mga folks? Umpisa pa lang ng work-week ko at medyo i don't know, under the blue agad ang peg. hahaha. 

Pero kahit na medyo wierd ang feeling, should look at the bright side dapat ang peg at laging thinking positive things lungs.

Anyway highway, para sa araw na ito, magrereview-reviewhan ako ng isang pelikula na ipinalabas lamang this week. Ito ay ang film ni Wolverine, na itago natin sa pangalang Logan.


Ang post na ito ay maglalaman ng detalye at ganap sa pelikula kaya naman kung hindi ka handa na makabasa ng spoilers, maaaring isara ang page na ito at mag-cross-stitch ka na lamang.

Pero kung may lahi ka ni Andres Bonifacio, atapang-a-tao...hindi atakbo.... then go!

Let's go!

Magsisimula ang peliks sa isang place somewhere kung saan bumoborlogs etong si Logan. Then, it seems na may mga folks na chinochopchop ang kanyang vehicle. Nakipag-usap sana ng maayos si Logan pero pampam ang mga folks at nanlaban... ayun, na-tokhang. Sinaksak-puso tulo ang dugo ang mga pampams.


So malalaman ng madlang viewers ng film na nag-age na si Logan, so parang Lolo Logan na sya. Tapos hindi na superb ang healing prowess nia. At siya ay nagtratrabaho bilang driver ng isang bonggels na car.... sorta-kinda-like-a-GrabDriver-Uber-Driver.

Then papakita pa ang eksena na nagwowork-work-work-work-work si Logan para makadelihensya ng 'bayang magiliw... medi-cine!' ni Oldie Professor X na binabantayan ng isa pang mutant na si Caliban (Kung napanood nio yung sa X-Men Apocalypse, andun sya).



Then may isang babae na nakikiusap na ihatid sila kasama ang kanyang kiddielet na babae sa isang place. Pero ayaw ni Logan kasi paubos na ang mga mutants sa timeline nila.

Pero noong time na nagbago ng isip si Logan, huli na. Na-deads na yung babaeng nakiki-usap pero nawawala ang kiddielet.

But... it turns out, naki-hitch sa carlaloo ni Logan yung bagets. And, it seems na may naghahabol sa bata.

Nagkaroon ng comprontasyon chever. Laban kung laban. Then malalaman na yung bagets ay isang 2nd generation mutant. It's like another motherfucker wolverine... pero babae. and may namesung na Laura.


Then makakatakas sila Logan, Laura at Charles mula sa humahabol sa bagets. Malalaman din nila ang history ng bata.

Ang nangyare pala ay may kumpanya na gumawa ng mga mutant kiddos ganyan ganyan chenelins na ginagawang human weaps achuchuchu. Pero one day, biglang naghalt at balak patayins ang mga kids. So itinakas ang mga bagets at nagkaroon ng kasunduan na mag-meet-up somewhere.

At kailangang dalhin (insert song ni Regine V. na Dadalhin here) si Laura sa place. Anong mangyayare sa kwento? Dito ko na ititigil ang pag-spoil kase you need to watch the film!

Score ng pelikula for me ay 9.3 (.3 para sa claws ni Wolvie). 

Oks sa akin ang brutality ng film na ito. Noong una pa lang ng palabas kung saan tinusok ng claws ni wolvy yung ulo ng pampam guys... ay nako, solve na solve!

Astig din ang action scenes lalo na kung paano makipaglaban yung bagets na si Laura or X-23 (kung knows mo ng slight ang X-men universe).

Medyo ayoko lang yung kemekeme na spanish/latin language scene... I don't know, not a fan siguro at di ko bet... Siguro kung japanese or Korean or Thai language gamit nila, mas okay lols.

Wag kalimutan abangan ang End Credits scene! the best!

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Monday, February 6, 2017

Resident Evil: The Final Chapter

Waraps! Kamusta na kayo mga folks? Okay naman ba kayo? Good! Hopefully ay okay sa alright ang inyong feels at hopia na GV ang monday ninyo.

Kahapon, after kong jumoin sa teambuilding ng team namin sa Tagaytay, pagkauwi ay nagpunta sa pinakamalapit na mall at nanood ng peliks. 

Dahil limited lang ang numbers of movie area, ang new film na aking pinanood ay naka Directors club thingy. So no choice kundi go na keysa lumipat pa ng mall.

So pagkaupo sa comfy reclining chuva chair and popcorn on the side, nagsimula na ang peliks na aking bibigyan ng review-reviewhan.... Ang last este Final Chapter ng Resident Evil..... ang Resident Evil: The Final Chapter!

Babala! spoilers ahead....


Magsisimula sa narration sa flashback kemerut-kemerut ng mga ganap sa past resident evil. Ang start ng T-Virus (T for Tibo charots). Papakita din kung paano ito nagsimula. 

Isang tatay ang may junakis na may rare na sakit na ang junanak ay tatanda ng mabilis. So gumawa ang father ng cure to kill the sakit... and thus the creation ng T-virus.

Kaso kailangang may kontrabidang eeksena, yung partner ni father ay ang creator ng T-virus at ginamit ito upang gumawa ng staged and organized mass destruction para magkaroon ng clean slate. Thus nabuo ang organisasyon ng Umbrella ella ella eh eh eh under my umbrella.


Then, magpapatuloy ang peliks somewhere out there kung saan sira-sira at gulagulanit na ang isang bossa nova (City). Ipapakita sa screenlaloo ang pinakabida ng pelikula... si project Alice.


May fight scene siya against sa isang flying monster. Syempre, bakbakan ang ganap. Aattack ang monsterloo pero makakaiwas ang bida and stuff and syempre lalaban sya at dahil bida, matatalo niya ang kalabs.

Then eeksena ang Artificial Intelligence thingy from the first film, ang Red Queen. Ichichika minute niya kay Alice na pumapatak ang metro at nauubos na ang oras, kailangang mapuksa ang T-virus kung hindi, madeded Failon ang humanity.


Binigyan ng ultimatum na 48 oras si Alice para sa isang misyon. Ang misyon ay makuha ang Antivirus na Kaspersky, Malwarebytes, Trend Micro at Norton kayang pumuksa sa mga nilalang na naapektuhan ng T-Virus. Matatagpuan ito sa original place ng Resident Evil film, ang Hive na matatagpuan sa Raccoon Citeeeeey~!

Di gumagana ang Uber kaya nag-Grab-a-motor tong si Alice at nagtravel na papunta sa city. Along the way ay pipigilan siya ng kalaban na inakala ng bidang napatay na...Ang lalaking umiibig sa Mother of Dragons... si Jorah Mormont.


Bakbakan kemerut-kemerut habang pumapatak ang countdown to humanities destruction. May hoardes of Zombs ang dala ni Jorah. Si Alice naman ay napadpad sa isang spot sa Raccoon city na may mga humans pa at kailangang makaligtas sa zombies.

Dito mare-reunite si Alice sa kanyang friendship na si Claire na kasama ang iba pang refugees na humans. Nagsama-sama sila para matayin ang batch of zombs na papalapit sa kanilang base.


Kulang na sa time at kailangang maisakatuparan na ni Alice ang kanyang mission. So together with the remaining strong bones na madlang people ay nagpunta na sila sa Hive.




Sa loob ng Hive, isa-isang nategi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi ang mga members until nagkaroon ng final 3 (ano to parang pageant?). Then magkakaroon ng mga reveals and stuff at eksena.

For the ending.... syempre di ko na iwewento... sayang naman ng very very light kung ispluk ko lahat ng details no!

For the movie, bibigyan ko ito ng score na 8.6 (dahil inabot ng 6 movies para ma-end ito).

Not bad film. Exciting in a way. Nakakagulat at maaksyon naman ang mga bakbakan and stuff. 

Pero syemps, since back to the original place ang eksena, parang Meh for me yung ibang ganap lalo na yung laser-laser thingy... yeah, good sha in terms of recall factor pero idk, di ako gaanong na-excite.

Btw, nabalitaan kong may eksena ang gosengpyaw sisterets pero sareee di ko talaga sila napansin sa film.


Parang nakita ko yung pink hair sa eksena pero yung isang gurl ay di ko nakita. hahaha. Pero kung nakasama sila, good job for them... 

O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care folks!


Tuesday, November 1, 2016

Doctor Strange

Hello! Kamustasa na mga madlang folks! Ambilis na talaga ng panahon. Ilang tulog na lang, pasko na! Well heniway, bago pa sumapit ang kapaskuhan at pangangaroling at noche buena ganyans, magreview-reviewhan muna tayo ng isang peliks.

Kakarelease lang sa sinehan angfg peliks at alam ko may mga folks na di pa nakakanood dahil umuwi ng probinsya para sa undas. Pero sabi nga ni Senyora, lakompake! charots! Syempre i care so i'm making a warning... Spoiler ahead.

Sometimes, the feeling is right

You fall in love for the first time
Heartbeat, and kisses so sweet
Summertime love in the moonlight


Doctor Strange.. Strange.. Calling Doctor Strange!
Doctor Strange... Doctor Strange Wake Up Now (Wake Up Now)

Unang eksena ay sa isang library, may grupo ng villains ang sumugod at pinugutan ng ulo yung librarian. Tapos ay may pinunit na pages ng book. Tapos hinabol ang mga villains ng someone at nagkaroon ng amazing fight scene kaso nakatakas ang main villain. Then....

Sa isang hospital, merong isang magaling na doctor. Isang kampanteng doctor! Ang namesung niya ay Stephen Strange. Galing galing niyang mag-phantom of the opera ganyan.

Pero perong bukid, na lilipad-lipad, one day, habang nag dridrive si Doctor, siya ay na-aksidente. ZOMG! 

Dahil sa car accident ni Doctor, naapektuhan ang kanyang sampung mga daliri.. Ang kanyang hands ay parang pasmado. Nanginginigs! Ang kamay na siyang bread and butter ni Doctor sa pag-oopera ay   nachorva.

Pano na mag-jajacklin-jose si Doctor. Di na siya makakapag Mariang Palad charots! Di na pede mag- fingeringer lols.

Kenat be tutubi! Ayaw pumayag ni doc na matapos ng ganun ganun na lungs. Opera kung opera para maayos ang kamay nia.

Pero masakit maglaro ang tadhana sabi ni ate charo santos. Subalit ayaw sumuko ni Doc. Until may mabalitaan siyang ex-pasyente niya na nireject niya dahil hopeless case subalit nagkaroon ng miracle.

Nalaman niya na somewhere, down the road.... may someone na makakapagpagaling sa kanya. Pero kailangan niyang bumiyahe sa bansa ng mga papampam.. NEPAL lols.

So kumuha ng seat sale si doc at nag-fly away, skyline pigeon fly papuntang ibang bansa upang makipagsapaalaran.

Dito ay nahanap niya ang place kung saan may magtuturo sa kanya. Subalit sa umpisa ay skeptic si doctor kasi out of this world of medicine and technology ang eksplanasyon sa kanya.

Kailangan pang mag-sample-sample-sample para lamang maniwala si Doctor Strange. Nagmakaawa siya na turuan siya. At eventually ay tinuruan naman siya mag meditate at i-unleash ang aura power.


Dito natutunan ni Strange ang kakayanan ng anik-anik powers. Naging dalubhasa siya in the end at dito nalaman niya ang mga iba pang detalye keme ng villain na nagnakaw ng libro. Mas nalaman niya pa ang mga bagay-bagay tungkol sa powers thingy.

Naging mapusok din si Strange kasi palihim siyang nagbabasa ng mga advance books and stuff at one time ay ginamit din niya yung isang kuwintas na may powers.

At kailangan na tumakbo ang kwento so eeksena na ang kalaban muli. Nilusob ang base kung saan nagtratrain si Strange at napadpad sya pabalik ng New York na isang alter base ng kanyang pinagtrainingans.

Dito ay nakipaglaban siya sa kalabs at during the fight ay nakuha niya ang kukumpleto sa kanyang attire... ang Kapa. So nagladlad na ng kapa si Doctor Strange char.

At nag-away-away na at para climax ay i-uunleash na ng kalabs ang isang powerful entity named Dormammu.

At puputulin ko na ang wento kasi sayang naman ang binayad kong 240 petot kung i-chika ko lahat diba?

Score for the film? 9! Medyo refreshing naman ang environment sa Doctor Strange dahil it uses magical realm thingy. Saka yung powers naman at effects ay mahusay din. Kahit sa labanan. Nakaka-asar lang yung infinite tsukoyomi no jutsu na ginamit ni Doctor Strange sa dulo.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!




Saturday, August 20, 2016

Secret Life of Pets

Hey! May bagong Happy Meal sa Mcdonalds na nakita ko kaninang umaga lang kaya naman medyo nainspire ako na magblog tungkol sa peliks na naapanood ko last time.

For today, ang movie review-reviewhan ay may Pamagats na 'Secret Life of Pets.

O, wag na magjinarts na spoiler keme-keme dahil ang totoo, last month pa merong piniratang tabing ang nairelease na sa bangkets ang film na ito and foshoooo e di mo naman talaga papanoorin itwu sa sinehan (inassume ko na hahahaha).



Magsisimula ang peliks sa pagpapakits ng mga ganap ng mga alaga ng mga humans kapag umaalis ang kanilang mga owners to work. So one by one ishoshow ang mga eksena ng mga petty pets.

Then ipapakilala ang isa sa bida-bida na pets. Ang doggy dog named Max na loyal-loyalan sa kanyang owner at ang nais lang ay antayin si owner na magbaliks.


Then one day, ang owner ni Max ay naging Unfaithful (insert rihanna's song here). Nag-uwi ng another doggy dog ang amo niya. So enter the eksena ang new dog named Duke.


Dog is a bitch. Kupaloid etong si Max kasi gusto niyang masolo ang pagmamahal ng kanyang amo. So triny niyang isabotage tong Si Duke. Pero Duke is another bitchesa kaya kupaloid din ang attitude nito kay Max.

One time, habang nag-plaplay ang kanta ni Rihanna nanaman na walk...walk...walk...walk...walk... Ginawa ni Max na maging Douche kaya nagkaroon sila ng conflict ni Duke at napadpad sila sa area ng mga stray kitties (oo, yung mga pusanggalang walang breeding).

Sa pagtatalo ng dalawang dogs, nawala ang collars nila na proof na may owner sila at napagkamalang stray doggies so hinuli sila para dalin sa dog pound, isinakay sila sa dogvan.

During that time, kasama nila sa nahuli ay isang doggy dog na iniligtas ng gangstah pets na walang owners. Nakatakas sila Max at Duke sa tulong ng white fluffy buddy na lider ng discarded pets.


Sa friendship side ni Max, ang isang fluffy girly Dog named Gidget ay nag-worry sa kanyang crushie so nag-aya siya ng mga friendships niya to make hanap the missing Max. So papasok na ang other pet-gangs.






Sa pag-attempt nila Gidget na mahanap ang nawawalang friend na si Max, humingi ng tulong ang mga pets sa isang oldie doggy on wheels na si Pops (hindi po unli ang first name).


Then back kila Max and Duke na nasa headquarters, they tried to impress ang mga pets na walang owner kaso nabukelya sila and for some unfortunate reason, may naaksidenteng pet na ikinagalit ng mga underground gang.

And so may habulang naganap at hanap hanap at nagkabonding time si Max at Duke at nagkaroon ng kiss and make up achuchuchu at more habulan thingy until makauwi na ng bahay ang mga pets and the end.

Score??? Sorry i'll give it a 7! Yeah... In terms of cuteness... cute yung ibang pets but ewan ko... Nakakabadtrip ang attitude ng bida kaya parang anhirap mag-cheer for them. Yung alam mong yahhh... serves them right bitches!

Kahit sa mga kontrabids na pets, wala akong ma-cheer! Like uhhgggg. Cute yung bunny but that's it.... Nothin superb.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!