Yo! Waraps! May nakiusap sa akin na makipag-swap ng restday so imbes na sabado pa yung ikalawang single day restday, napaaga at ngayon ay pahinga mode ako.
Well, kahapon, after ng shift ko, dumeretcho muna ako sa mall para bumili ng foodie ko for today at sumabay na din ang pagbili ko ng DVD.
And dahil may nag-alok sa akin ng DVD copy ng isang peliks, sige, go na ako. Binili ko yun. Hekasi naman hongmohol ng sine, 211 petot. E sa halagang 100, may taklong peliks na ako.
Thus eto na magsisimula ang peliks na ibibida ko sa inyo. Ang palabas na Les Meserables (basahin bilang "Lei Miserab!")
WARNING: Kung di pa kayo nanonood at may balak kayong panoorin ito at hate nio ang spoiler..... alam nio na gagawin nio! Ipagpatuloy ang pagbasa! Joke! Sige, allowed ang skip read for this post. Pero don't porget to make comment. lols.
Desidido ka na? Okay simulans na natin ang peliks!
Ganito kasi.... Isang araw, si Wolverine ay naghihila ng tali na nakadigit sa isang jumbo ship. Tapos kumanta sya. Tas may nakisabay na mga other naghihila ng rope. Then pinarusahan sya at pinag-initan ni RobinHood. Pero never say never si Wolvy kaya naman nakaalis sya sa kamay ni RobinHood.
Lumipas ang ilang taon. Nagkaroon na ng katungkulan si Wolvy using a different pagkatao and name. Nainlababo sya kay singing Catwoman na naging pokpokish at nagbebenta ng katawan para sa kanyang junakish na pinagkatiwala nia something.
Pero emextra nanaman si RobinHood at nalaman na si Wolvy at yung mayor ay iisa so kailangan niyang dakpin ito. Pero madulas na parang hito si Wolvy at nakatakas ito. Nagdesisyon siyang kunin ang junakis ni Catwoman mula kila singing Bellatrix Lestrange at singing Borat. Kapalit ng ilang salapi, nakuha ni Wolvy ang pinakamamahal na anak ni Catwoman na si Cosette at sila ay tumakas.
Time goes by.... so slowly... char. Ilang year ang nakalipas. May kaganapan na revolution chuvaness (hindi daw ito yung French Revolution). Dito ipinakita ang isang singing boylet na isa palang galing sa mayamang pamilya na nais tumulong sa rebolusyon. Then nameet nia ang nagdalagang si Cosette na naging si Red Riding Hood.
Tapos pinakita ang singing revolutionaries. Then andyan padin ang di makamove-on na si RobinHood at emepalods. Nahuli si RobinHood ng mga revolutionaries pero pinatakas ni Wolvy. Tapos napatay ang mga nasa rebolusyon. Nakatakas si Wolvy at iniligtas si singing boy dahil eto ang PBBteen partner ni Red Riding Hood.
At nag-end ang peliks na nagpakamatay si RobinHood tas tumanda si Wolvy at sinundo ni Catwoman at nagkaroon ng kantahan kasama ng mga ilang natigok na revolutionaries. END!
Score: 8.8. Okay for me. Though nung una, di ko masakyan ang pakanta-kanta nilang kapekpekan while delivering their lines pero naging okay naman ang lahat nung nasa bandang gitna na at sa padulo.
Swabe lang ang acting. Okay naman yung cast na napili for the different roles. Okay lang naman ang singing. Pero bakit walang nudity? charots.
Ps: Ang post na ito ay isinulat na pakanta... kaya, re-read mo while singing 'I dreamed a dream', 'Who am I' at 'On my Own'..
O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!