Spiderman, Spiderman,
Does whatever a spider can
Spins a web, any size,
Catches thieves just like flies
Look Out!
Here comes the Spiderman.
Hello folks?! Kamusta naman ba kayo? Patapos na ang buwan ng abril at bukas eenter the dragon na ang mayo (nope, hindi yung inihahalo sa ketsap).
Kanina, palabas na sa sinehans ang pelikulang The Amazing Spiderman 2 at dahil di ko trip makipagsabayan sa madlang family during weekends, (nakakainggit kaya ang mga nagbobonding na fam kasi noon, bihira lang kami lumabas for movies) nauna na ako at nanoods kahit solo lungs. Nyahahaha.
So alam nio na dapat kung saan tutungo... syempre may movie review. at kapag may movie review sa Kwatro Khanto..... Ekpek nio na dapats na magkakaroon ng babala sa mga takot at ayaw sa spoilers. Yeah.... heto ulit ang moments na kailangan niong magdecide kung icloclose nio ba tong blog or hindi. hahahaha.
Game na?
Magsisimula ang peliks sa eksena na medyo konek sa unang peliks. Remember yung moment about sa nangyari sa magulang ni Peter North este Peter Parker? Well, slightly nagbacktrack here about sa pudrax at mudrax ni Spidey.
Tapos eentrada na ang ating web swinging like a wrecking ball hero dahil may crime thingy na nagaganap at kailangan niyang makialam at makisawsawsuka dahil bida siya ng peliks. Don't worry, syempre, spidey saves the day.
Tapos yung araw na iyon ay graduation pala nila. Graduate na sila sa kursong paglalandi... chos. Basta... Tapos dito na magkakaroon ng eksena si Spidey at ang kanyang labidoods girlay na si Gwen (nope, hindi yung new coach ng the voice na si Gwen Stefani). Di pa pala maka-moveon si spidey dahil sa pagkadeds ng pudrax ni Gwen at medyo guilty sya.. Ayun, break ang nangyari.
Pero syemps, alangan naman na puro labstory at usaping puso ang aasikasuhin at pagdaraanan ng bida. Nope. Kailangan may magiging kontrabids.
Dito papasok ang isang nobody-nobody-but-you na dark guy na once niligtas ni spiderman. Unfortunately, may balat sa wetpaks tong si nobody guy at naaksidente at nakagat ng electric eel thingy na tila mutated. Ayun... Boom, May glow in the dark na kamaganakan ng avatar (kulay blue) na kalaban ang umeksena.
Whoops-kiri-whoops, di lang yun, papasok din sa eksena ang BF ni spidey/Peter na si Harry (hindi sya wizard at di rin prinsipe). Nadeds kasi ang pudrax ni Harry at nalaman niya na may sakit na nakakahawa ang nagpapasalin-salin per generation sa pamilya nia. At ang possible na maka-cure dito ay kailangan makakuha ng dugo (pedeng ihaw or may kasamang laman-loob at kamias with matching puto) from spiderman. Pero magiging kalaban sya known as the green goblin of fire.
Tapos kailangan magka-tambak-tambak na at halos magkanda-leche-leche na ang mga problems. kailangan may build-up ng intensity... Nagwawarla na yung enemy na may electric power na hiniram ata kay pikachu at kay thor.
At dito na makikipagbakbakan ang ating hero and spiderman saves the day..... But wait... There's more. Kailangan may twist pa... Boom Panes! May pangyayare.... Nabuntis si Spiderman! joke! Sa kasawiang palads, nadeds ang jowawits ni Spidey. Nag-Huhubells sya sa nangyari.
Pero nakamove-on naman na sya at sa huli, may kinalaban pang another villain na parang isiningit lang sa bandang dulo....
The End.
Score for the film is 9. Yep. Forme, okay naman ang pelikulang ito. Sakto naman ang aksyon. Okay naman ang touch ng drama. Maayos naman ang flow at di naman ako gaanong nalito or nagulumuhanan sa ganap. May touch of reality... Yung medyo na-i-rerelate mo somehow sa buhay... like yung iiwan ka, you feel alone ganyan shenanigans. hahahaha.
Sa aking palagay, sulit ang bayad to watch sa big screen. Pero kung talagang tagkukur at tagti (tag kukuripot at tagtipid), sige, habangan sa suking torrent thingies...
O sya, masyado na atang mahabs ang post na ito.
Take Care folks!