Sunday, June 30, 2013

Malapit Na


Ayoko na sa inyo!
Hindi ko na kayo gusto!
Kailangan na nating maghiwa-hiwalay ng landas!
Yan ang sinabi ko sa tsokolate at matatamis na pagkain.

Buti nandyan lang kayo palagi.
Mabibigyan niyo ba ako ng isa pang pagkakataon?
Maaari bang balikan ko kayo?
Ang aking winika sa prutas at gulay.

Patawarin mo ako.
Alam kong ako ay nagpabaya at ikaw ay nabale-wala
Subalit babawi ako sa iyo.
Ang aking pinangako sa pag-eehersisyo.

Heto ako, hindi basang-basa sa ulan.
Naghahanda at sinisimulan.
Ang pagpapabalik-alindog.....
Malapit na.....

*-*-*-*-*-*-*-*-*





*-*-*-*-*-*-*-*-*
 

Saturday, June 29, 2013

Diary ng Panget 2


Ambilis ng bagay-bagay! Kung last month ay may na-feature akong libro, aba, one month after, na-release na agad ang karugs or ang book 2.

So heto na ang ikalawang kabanata..... Heto na ang Diary ng Panget 2.

Heto link ng book1


Heto na ang pagpapatuloy ng wento ni Eya na may pagkachakachakahan na nagtratrabaho bilang katulong ng isang richie guy named Cross.

Sa book 2 nagtuloy ang wento right after ng nakakahiyang maling pagtatapat ng saloobin between the other characters ng story. Imagine, nagconfess yung isang guy named Chad kay guy named Cross dahil ang akala niya ay yun yung crush niyang si Lory.

Medyo nagfocus ang book 2 sa somehow pagpapakita ng vulnerable side nung amo ni Eya na si Cross. Tapos isinaad din at diniscuss ang medyo love side ni Chad at ang love side ni Lory.

Score for the book ay 8.9..... 

Nabawasan ng .1 kasi medyo tame ang wento for book 2. Medyo so-so steady kinda thing lungs. Walang masyadong exciting na ganap at twisty thing compared sa naunang libro.

Pero still recommended padin ang book 2 kasi may continuity at nandun padin ang sparks between the characters.

Note: Wala na daw ata sa wattpad ang story so mukang sa book lang talaga maaabangan ang wento.

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

Thursday, June 27, 2013

Monsters University

"Scariness is the true measure of a monster........."

Hello there! Ahoy! Musta na folks? Nakakuha na ba kayo ng minions sa mcdo? Nakuw, nagkakanda-ubusans na daw bali-balita ko. Hahahaha, sugod na sa mcdo kung gusto nio ng minions... gow!

Heniway, walang kinalaman sa minions ang post na eto. Kasi hindi sya related sa Despicable Me 2 na coming soon. For today ay isang movie review ng peliks na palabas this week..... Eto ay ang animated film na 'Monsters University'.

Heyp-heyp-heyp! Bago mo tuluyang mag-scroll down at makibasa sa movie review-reviewhan, nais lang kitang bigyans ng babala na ang susunod na mababasa ay may spoilers at masasagasaan ang pelikula mismo. Kaya kung takot or may phobia ka sa spoilers..... then take your medicine at skip read din. Aba, wag mo akong sisihin kung ginusto mong ma-spoil.









Oks na ba? Let's go!



Magsisimula ang wents sa isang teensie-weensie young monster na may uni-eye named Mike na nagfieldtrip sa isang place kung saan nagtratrabaho ang mga big monsters para manakowts ng mga bata-batuta. Dito sa field trip ay na-inspire ang young kiddo na maging 'Scarer' or yung tagatakot.

College student na yung dating kiddo

Fastforward.... after ng pagsusumikap at pag-aaral marahil from grade school, middle school at high school, ay ready na si Mike upang mag-college or pumasok sa Monsters University upang mag-take ng course bilang isang Scaregiver(parang pelikulang tagalog yun ah?).

Dito ay porsigido syang makapasa bilang mananakot ng bata. Medyo bookwormic ang peg ni Mike kasi aral kung aral sa mga anik-anik.

At some point, makikilala niya ang isang fluffy blue with pinkish spots na monster named James Sullivan. Di pa sila friendships dito ni blue guy.


Nagkaroon ng rift between green guy and blue guy na nagcause ng haksident sa iskul. Aksidenteng nasira/nabasag ang isang priced pagmamay-ari at souvenir ng Dean ng university... hayun.... Pinag-drop sila sa kursong pinag-aaralan nila.

Terror Dean

Ang nagtuturo ng Scare 101 ganyan

Hindi ma-take ni Mike na mawawala na lungs ang pangarups nyang manakowt kaya naman nakahanaps siya ng paraans para makabaliks sa course. Ito ay sa pamamagitan ng isang competisyon sa loob ng University.... At heto ay ang Scare Game (not like Hunger Games).

Nakipag-bet si Mike sa Dean na kapag nanalo siya, makakabalik sya sa course. Pero kung sakaling alatin, bye-bye Monsters University sya. Kol naman si Dean!

Unfortunately, hindi by individual capability ang Scare Game... ito ay Frat/sorority game. So, napilitangs sumali si Mike sa fraternity with monsters na kinda losers.... pero kelangan group yourself into 6 na parang the boat is sinking..... kaya nagkasama si blue at green monsters.





And so nagkaroon na nga ng games at challenges at one by one ay may isang frat/sorority na malalaglag until may isang team na mangingibabaw (gayahin ang pa-husky/Binoy boses ni Daniel 'neseye ne eng lehet' Padilla while saying maningibabaw).

Ang hosts/emcees during the Scare Game

At heto ang brotherhoods at sisterhoods sa Scare Game

 Oozma Kappa (OK)

 Roar Omega Roar (ROR)

 Slugma Slugma Kappa (EEK)

 Eta Hiss Hiss (HSS)

 Jaws Theta Chi (JOX)

Python Nu Kappa (PNK)

Anyare sa Scare Game? secret! Walang clue! Bawal sabihin! Hahahah. Basta.... Di ko na din sasabihin yung anyare after the game until the ending para suspeyns!

Score: 9.0210 (wow..... parang bumebeverly hills lang ang score) hihihihih

Cute and Funny film! Maganda sya. Nakakaaliw panoorin at di ako nakaramdams ng antok kahit 2 hours lang ang pahinga ko para makalamyerda at manood ng sine.

Sulit naman ang bayad ko to watch it sa big screen. Swabe ang flow ng wento at oks naman ang ending. Nakadagdag din ang short film sa simula ng palabas na 'Blue Umbrella' sa mataas na score ng peliks. hehehehe.

At, walang super-duper-evil kinda kontrabids sa film na ito na nangingibabaw ang kasamaan. Sapat lang ang pagiging antagonist.

Recommended for kids at gustong maging isip kiddo para feel good at GV lang.

Baka nga recommended din ng SiBiSiPi kasi hindi katulad ng plot ng My Husbands Lover. Nyahahaha. jowk lungs pows.

O cia, hanggang dito na langs muna! Take Care!

Tuesday, June 25, 2013

Minion Days!

♫♪♫♪ba-ba-ba-ba-ba-nana (2x)
banana-ah-ah (ba-ba-ba-ba-ba-nana)
potato-na-ah-ah (ba-ba-ba-ba-ba-nana)
banana-ah-ah (ba-ba-ba-ba-ba-nana)
togari noh pocato-li kani malo mani kano
chi ka-baba, ba-ba-nana♫♪♫♪

Good Morning folks! Howayu? Ampayntenkyu? Sana ay okay kayo.... dahil pag okay kayo, okay na din me. hehehehe.

Last friday, while checking chwirrer and blogs, napag-alamanan ko na may new happy meal in town! So ako  naman ay nacurious kaya nung may time, nangusisa ako sa mcdo at tumingin kung available na nga ang sinasabi nila. And poof! Meron nga! 

Ang toy ng Happy Meal ay hango sa mga characters sa upcoming movie na Despicable me 2. At ang focus ng toys ay ang mga cuddly yellow minions.

Matagal-tagal na din me na di nag-Hahappy Meal kasi yung mga recent toys nila medyo mababa ang  score for me. Parang walang gaanong quality at kinda small compared sa mga toys noon like the 101 Dalmatians, Around the world snoopy and more.

Nung nakita ko at binusisi, pwede na at lagpas ng 5 points ang score niya at medyo cutie ang designs kaya naman i decided na sumabak at bumili na din.

Bakit Minion days kamo ang title? E kasi for days, while nasa labas ng house or nasa work, aba, mcdo lang ang kinainan ko. Masuka-suka me at ma-umay sa fastfood para lang mag-happy meal. nyahahaha.

Sumatotal na siyam ang desenyo ng Happy Meal ang available pero i decided na kunin lang yung 8 designs at iwan yung isa kasi for me, di ako totally satisfied sa kakayanan nung last toy saka i don't know.... di kasi cutie yung evil minion eh.

Heto ang mga larawans ng mga nakuha ko.


1. Tim Giggling- Kailangan mong i-shake-shake yung toy na nagproproduce ng mala-giggling sound


2. Tim Giggle Grabber- Same sa nauna, pero this time, pag pinindut-pindot yung sa likuran, bumubukas-sara yung kamay.


3. Tom Googly Eyes Grabber- Same effect ng grabber kung saan bumubukas sara ang kamay tapos ang eyes nito ay nagmomove from left to right ganyan.


4. Jerry Breakdancing- Windup toy na umiikot/ nag-iispin na sorta-kinda parang nagbrebreakdance daw.


5. Dave Gadget Grabber- Well, yung gadget niya lang yung gumagalaw na parang pincher something...


6. Stuart Babbler Grabber (left)- Same grabber thing na bumubukas sara ang kamay pero nagproproduce ng miniotic sound/laugh.

7. Stuart Light Up Grabber (right)- same grabber thingy pero ang difference sa nauna naman ay instead of laughing sound, umiilaw to.


8. Evil Minion Chomper- parang imitation ng trolls kung saan may hair sya tapos nabubukas sara yung mouth na chuma-chomp-kinda-thing. (reminds me yung pugitang kontrabida sa little mermaid)

Alin-Alin-Alin ang naiba?

Kung curious kayo kung ano yung pang-syam? Eto link ng isa sa blog na sinisilip ko kung may new Happy Meal Toys.


At.... sa ibang bansa, specifically sa AU, iba ang set nila..... Heto ang larawan na napulot ko sa website ng Australian Happy meal.


Kung yung sa Australian designs ang inilabas, malamang kinuha ko yung Evil Minions kasi maganda yung babbler thing. Saka hindi lahat magkakapareho ng purpose na puro grabber thingy, may variety.

Score sa toy???? Wow... may ratings? May review-reviewhan? Oo, meron. Bibigyan ko ng 8. Pwede na din pero not the best. hahahaha.

At dahil 5 days din akong nag-mcdo...... iwas muna ako sa fastfood na ito. Maygawd. Nagrotation ang pagkain ko from burgermcdo to spaghetti to chicken nuggets to fried chicken to hamdesal. Lols. Umay much.

O cia, hanggang dito na lang muna. Kung sino mang may mabait na puso na manlilibre ng final evil minion, hahahaha, tumatanggap po me ng regalo. lols.

Take Care folks!

Monday, June 24, 2013

World War Z

Braaaaaaainnnnnnns....... Braaaaaaainnnnnnns....... Braaaaaaainnnnnnns.......

♫♪There's a zombie on your lawn..... There's a zombie on your lawn♫♪

♪♪In your head, in your head, Zombie, zombie, zombie♫♫ 

 Pamigay na ang hints para sa next na featured peliks for today. Saka nabanggit ko na din kahapon kung ano ang mababasa ninyo...... Yep, eto yung isa pang film na pinanood ko last restday ko. Ang pelikula na may kinalaman sa mga undead and flesh eating thingies......ang mga zombies.... Eto ay ang film na 'World War Z'.

Ang pelikulang ito ay medyo kapapalabas lungs sa takilya therefore may chance na baka di nio pa napanoods. So kung hindi pa at ayaw mong ma-spoil at ayaw mong makabasa ng anik-anik and details ng film, naku, skip read-skip-read pag may time..... no hard feelings for me.... lols.






















Oh, nakapag-decide ka na? Sure??? Wala ng bawian? Okay.... umpisahan na natin!


Ang pelikulang World War Z ay wala pong kinalaman at di po related sa Dragon Ball Z. Wala lungs... trip lang nilang gumamit ng Z para intense ganyan. Joke... Z is for Zombie...

Ang peliks ay magsisimula sa isang happy family ng isang Guy. Then, nagbyabyahe sila sa isang kakalsadahan ng nagkaroon ng komosyon. Wala pong rally na naganap. Wala din pong artistang nagpakita. Pero may something na nag-cause ng panic sa lungsod.

It turns out, nagkaroon ng chaos due to things na umaatake ng folks. At ito ay ang mga zombies. Yep.... pero unlike the usual zombie shenangigans na napanood na natin sa series na 'The Walking Dead' at peliks na 'Resident Evil', ang zombies or attackers ay medyo may mala-x-manic features...... anak-ng-powta...hambibilis tumakbo at manghabol ng bibiktimahin. At eto pa.... adik adik din dahil akala mo may prowess ng man-of-steel ang mga zombies kung makasugod.... humeheadbutt at nagrarampage!

And so for the first portion of the film shows kung paano tumakas si guy kasama ang pamilya niya mula sa mga kemerloo na nangangagat at nanghahawa ng kazombiehan.

Then, si guy pala ay may relate or kinalaman sa United Nations thingy and so iniligtas ang pamilya niya at hiningi ang kanyang serbisyo (hindi po kung ano-anong serbis ha) upang humanap ng possible na lunas sa pandemic thing na nagaganaps.

Thus dito na mag-aala-amazing-race si guy at magpapalipat-lipat from one place to another to look for clues (paw prints????blues clues??? HINDI). Nagfly-fly sya from one country to another using planes without piso or promo fares ganyan.

At sa film nalaman na merong iniiwasan ang mga zombies......... TAE! joke lang! hahaha. Iniiwasan nila ang mga folks na may sakit.

At dito ko ihihinto ang synopsys thing at suspense na kung anong naganap sa remaining portion ng pelikula.

Score for the film...... 9.3! Naks.... mataas din!

Oo, mataas! Gusto ko kasi yung medyo imba na kakayahan ng zombies.... lalo nung unang lumitaw ito! Grabe ang makabasag windows na kaadikan ng zombs! 

Tapos panalo sa akin yung nakakapangilabots na kuyog ng zombies at pagakyat sa walls na parang nasa isip nila ang kantang 'The Climb'..... '♫♪It's the CLIIIIIIIMBBBB!♫♪'.

Bakit di umabot ng 9.5 ang score? Binawasan ko dahil sa eksenang kabobohan na naganap noong nagrerefuel ng eroplano.... Katangahan ng asawa ni guy na tumawag sa phone.... e kailangan ngang tahimik lungs! Basag trip! kainis!

Pero all in all..... worth it din ang film na ito panoorin! Medyo nakakahingal ang mga takbuhan scenes. Saka napaubos popcorn ako while watching it.... taob ang bucket agad-agads!

note: Di ko nabasa yung book na World War Z so ang review po ay from a perspective na plainly movie lungs.

O sia, hanggang dito na lang muna. Take Care folks!

Sunday, June 23, 2013

Man of Steel

Shining shimmering sunday mga ka-khants! Kamusta? Sunday na today at karamihan sa inyo ay walang pasok. Pasyal-pasyal din pag may time at kapag umaraw.

Kahapon, restday ko at dahil bored ako sa condo, mag-isa, walang kasama, walang kayakap habang umuulan ganyan, napagpasyahan ko na lang gumala. At napagpasyahan kong manood na lamang ng sine para treat na din sa sarili ko.... aba, kelangan mag-enjoy din at hindi puro work ang inaatupags.

Dalawa ang talk of the town peliks... Yung una ay ang pelikula tungkol kay superman at yung isa ay zombie-zombiehan ang peg. Nagpost ako sa pesbuk at sa chwirrer kung ano ang magandang panoorin.... Aba, yunanimus ang sagots na both daw! kaloks! 

Pero bilang isang good listener..... good listener daw oh... pinakinggan ko ang suggestion ng madlang folks at pinanood ko pareho. Sabay. kaliwa't-kanan ganyan... joke... syempre magkahiwalay ng oras...

At dito ko na iiintroduce ang peliks na unang may review..........Eto ang World War Z! Joke lungs! Hello..... tingin-tingin sa title pag may time. Yan na nga ang clue eh! So its....'Man of Steel'.






Pause.................



Babala: Kung nasa 2nd week na ang peliks at di mo pa napapanood at ayaw moma-spoil kunyare, den, close the browsahh or  skip reads na lungs. Pero kung napanood mo na to last week pa at naunahan mo ako.... well, kudos! Congratumalations.... pede kang magpatuloy!



Let's do dis!

Sometimes you have to take a leap of faith. Then the trust thing comes afterwards

Magsisimula ang wento sa isang planetang tinatawag na Carbon este Krypton. Doon ay may isang boy at isang girlay na kumekembot tapos na magshembot at si girlay ay manganganak na. Dito isinilang ang isang cutie baby boy.

Forward ng slight... mga milliforword lang. Sa planetang iyon, me naganap na kudetahhhhh.... May nag-aklas na isang general (hindi po si trillanes). Tapos blah-blah-blah talkish and so on.

It turns out na magugunaw na ang planetang krypton thingy so to save their alien race, nakaisip si boy na ipadala ang cutie baby boy niya sa ibang planeta para mag-dream-believe-SURVIVE!

Then may achuchuchu-scenes pa at napunta ang cutie baby boy sa earth then boooooom! Pinakita na ang mature version nito na chunky at beefy ang mga maskels. Nagpupumutok ang kakisigan. Tapos si cutie baby boy na all grown up ay make tulong-tulong sa mga nangangailangan ganyan and stuff like that.

Tapos, tapos ipapakita ang mga struggles ni cutie baby boy noong lumalaki sya dahil sa kanyang pagiging different at having unnatural lakas and prowess.

Tapos umeksena etong reporter na babae na nacurious kay guy na nailigtas siya sa panganib one time tapos nag-investigate si girl at nalaman ang identity ni guy.

Then kailangan may kontrabida sa peliks kaya si general from the Krypton planet ay nahanap si guy at nagkaroon ng labanan between good and evil.

Pero in the end, nagwagi ang kabutihan at may kissing scene at doon na nagtatapos ang salaysay.

Score: 9!

Di ko napanood ang mga lumang superman films at konti lungs knowledge ko sa superman kaya naman ang pelikulang ito ay sorta refresher sa wento. Madaling intindihin at madaling ma-digest ng utaks kung ano ang wento.

Hokay ang labanan at bakbakan ganyan. Oks naman ang acting prowess. Okay din na hindi yung costume na nasa labas ang brief ang ginamit for the movie. Mukang Man of Steel yung gumanap with all the big muscles and stuff (ansarap siguro ng feeling pag ganun ang katawan.... kainggits, hahahah).

May bawas points lang sa mga eksena na parang nahihilo ako dahil sa blurry effect pa ng other thingy ng background just to focus the actors and stuff. parang napasobra naman ang pagpinpoint to focus on the main subject ganyan.

Pero all in all, good film at worth naman ng binayad ko. :D

O sya, hanggang dito na lang muna! Baka bukas naman ang release ng isa pang pelikula na napanood ko.

Take Care folks!

Saturday, June 22, 2013

Toycon 2013

Kamusta, kamusta, kamusta at isa pang kamusta? Sana ay okay, okay, okay at isa pang okay kayo dyan! Weekends na guys, may gala ba kayo? sulitin an araw ng pahinga!

Ako, medyo susulitin ko na ang fri-sats kasi by July, ako ay balik sa weekdays off. Back to Wed-Thurs restday dahil sablay nanaman ang score ko sa owpis.

Henywei haywei, for today, share ko lang ang kaganapan last week sa Toycon2013.  Yep, last week pa to pero ngayon lang ako nagkaroon ng effort para magpost....... amsareeeeee.

Okei, les start....

Last friday kasi ang day 1 ng Toy convention or mas madali pag sinabing toycon. Eto ay ginanaps sa may Megamall, sa 5th floor, sa may Megatrade halls.

3 years na ng mahook ako dito sa toycon kaya naman di ko pinalagpas ang chance na makapunta kahit sa pers day lungs dahil may outing ang team namin ng saburdei at may pasok naman ako ng sunday.

So right after shift, uwi muna lungs ako saglit sa bahay para maglaro, maligo at kumain ng brekky at tumuloy na ako sa Megamall.

Hakala ko nung una jampak na ang tao.... well, since friday at may pasok pa ang mga students at may work pa ang mga manggagawang pilipino, dipa siksik-liglig-umaapaw ang place. Hindi rin pila balde ang line sa ticket. Siguro malaking tulong din na may laban ng NBA noong umaga.

Pagpasok, libot agad me sa mga stalls baka may One Piece figures na kinokolekta ko. Pero sa kasamaang palads, waler..... wala eh. So naglibot-libot na lang me at nagkukuha ng larawan ng anik-anik na makikita sa Toycon.

At heto na ang ilan sa makikita sa loobs.


















Kung napansin ninyo, puro toys ang napicturan ko. Walang cosplayers kasi noong umaga ako pumunta at umuwi ng mga 3pm. Isang factor na din na ang mga cosplayer marahil ay students so sa weekends pa sila dadagsa.

Wala akong nabili during the toycon. Well, yan kasi yung time na bumili ako ng bag para pangbyahe-byahe pag naging backpacker chenelin me. hahahaha. pero heto sana ang larawan ng bibilin ko kaso medyo mahal. Napa-backoff ako. hahaha....



Gusto kong bumili ng Danboard na laruan para kapag bumyahe-byahe me, meron akong proxy sa pics..... Kaso medyo costly sya, sa price na almost 1k.... medyo nanghinayang ako..... Hihiling na lang ako kay santa claus na may magregalo sa akin nito. Hahahaha.

O sya, hanggang dito na lang muna. Manonoods pa ako ng sine at mukang parehong Man of Steel at World War Z ang papanoorin ko based sa suggestions ng mga folks.

Take Care and Happy Weekends guys!

Thursday, June 20, 2013

After Throwback..... Flashback


Hey! Kamusta? Hopia doin good sa lahat ng napapadalaw at naliligaw sa inaagiw na bloghouse na to. You know....

Di ko pa masingit sa time ko yung toycon shenanigans so for today, medyo kakaibang kinda random post dahil ang gagawin ko ay random things from the past ang tatalakayin ko. O ha, mema lungs.... memaiba lungs.

1. Noong nag-aarals pa lungs ako, kelangan kong gumising ng mga 2 or 3 hours before ang oras ng pasok dahil kailangan mag-prepare bago sunduin ng school service dahil medyo madaming bata ang sinusundo at iba-ibang place ang dinadaanan.

2. May isang tindahan sa tapat ng eskwelahan namin na mabenta sa mga kiddos. Eto ay ang tindahan ni Manang(generic name, di ko nga nalaman ang real name ng manang basta manang ang tawag namin). Sa kanya makakabili ng mga toys like trumpo, teks, holen at kung anik-anik pa.

3. Kinda wierd noon na ang mga kakilala mo sa subdivision ay brown or black ang pants sa school samantalang ikaw ay may pagkawirdo na kulay blue with ternong nektay pa. maygolay.

4. Yung eksenang ang uso noon sa school ay naglalakihang strollerbags at pagandahan ng design tapos isa kang commoner student na naka-bekpek lungs tapos itinatali sa stroller-strolleran kinda thing.

5. Yung nakikipagkompetensya ka kung sinong makakaunang makakumpleto ng Happy Meal toys (39 pesos lang noon to)

6. Yung baon ninyong magkakaklase ay madalas na hotdog, longanisa, at breakfast meal... at para masaya.... araw-araw same ang ulam! 

7. Kapag may occasion like christmas party, linggo ng wika, united nations, uso ang ang potluck at madalas na dala ay Dunkin Donut kasi madaling bitbitin at madaling bilhin.

8. Noong bata pa ako, nakaka-akyat pa ako ng mga punong mangga o kaya naman yung lumang construction building na di natapos sa lugar namin.

9. Yung moment na naging malungkot ka kasi di na gumagana ang Family Computer sa bahay kaya naman wala kang ibang alternate na gagawin kung di ka na makalaro sa labas dahil pinauwi na mga kalaro mo.

10. Yung uso noong ang mga faith healer and stuff like sinasaniban ng sto. nino. Yung nakiki-usi ka na sa ganoong bagay kahit bata ka pa.

11. May bali-balita noon na merong lumilibot na owner type jeepney sa subdivision na nangunguha ng bata. At ang wento pa, umaandar ang owner jeep na walang driver.

12. Masarap pang tumikim ng alatiris at santan noon...... 

13. May lumaganap na pautot noon na parang fungi/gel-like thingy na paaanakin sa tubig na may tsaa tapos kailangan mong ibigay sa kakilala tapos kailangan mong magpatuyo noon at ilalagay sa wallet pampaswerte daw.

14. Abnormal ng slight ang way ng pagbilang noon..... laging parang sa teks.... isa-dalawa-tatlo-apat-lima-anim-pito-walo-siyam-cha!

15. Yung akala mo kasing sustansya ng pop rice ang normal na kanin.

O sya, hanggang dito na lang muna, Take Care folks!

Wednesday, June 19, 2013

Cartoon Wars

Hey! Wazap! I'm back! Kahit di ninyo ako namiss, nagbabalik ako para lang magwento ng anik-anik na nagaganap sa buhay-buhay.

Nawento ko last random na meron na akong android phone. At dahil doon, medyo may pagka-lulong ako sa isang game na nilalaro ko lately. Nope, hindi po ito Candy Crush. nainis na kasi ako dun, na-stuck much ako.

Ang featured game for today ay ang larong 'Cartoon Wars'.


Ang game na ito ay isang strategic game kung saan kailangan mong depensahan ang tower mo against sa kalabs at kailangan ka namang umatake gamit ang iyong minions.


While the game progress, at kada level, you earn gold at gems para pang-upgrade/pambili ng mga gamit sa pang-atake/depensa.


Kung titignan ang imahe sa taas, yan yung mga bagay-bagay na pede mong iupgrade at bilhin para makatulong sa pagdepensa sa kalabans.

Medyo naaadik ako sa game kasi pampalipas oras at pantanggal ng kaantukan minsan dito sa owpis. Saka na-cucutan ako sa mga stick figures na umaatake at kumukuyog sa kalaban. 

Ang Cartoon Wars ay may iba-ibang version pero as of now, etong basic lang ang nilalaro ko muna.

O sia, hanggang dito na lang muna! Take Care coz i care!