Friday, December 9, 2011

Khanto's Dream House [REPOST]



Hindi ko alam kung ano ang nakita ko habang ako ay naglalakad pauwi sa aming bahay pero bigla kong naisip kung ano ang aking dream house. Patitik para sa iba pero para akong ewan at bigla kong naisip ang plans ko o ang virtualization ko ng aking minimithing bahay.  Sa blog na ito ay isasaad ko ang mga nasa isip ko at sana ay mag materialize ito at makamtam ko balang araw.

Di ko inisip na magkaroon ng bahay tulad ni Dao Ming Xi. Di ko din inisip na magkapalasyo tulad ng mga Prinsipe o ni Cedie. Pero ang nasa isip ko ay isang bahay na kasing laki ng isang public High School. Nyahahah. Medyo may kalakihan pero maliit padin. Ang dami ng palapag na aking nasasaisip ay mga apat. Di ito condo, at di rin apartment type. Bakit apat na baitang? Unang palapag ay tila garahe lang kasi kailangan elevated. Ayokong mabaha kung sakali. Tanging garage at garden lamang sa unang palapag. Sa ikalawang palapag matatagpuan ang indoor pool ko at ang living room kasama na ang kitchen at dining. Sa ikatlong palapag naman ang mga kwarto na pahingahan samantalang ang pang-apat na palapag ay para sa sight-seeing at events.



Unang Palapag- Sa unang palapag matatagpuan ang greenhouse na aking itatayo. Go green! Sa totoo ay mahilig ako sa halaman pero walang akong time. Nais kong magtanim ng mga pine tree pero parang di sya swak sa manila. Nais ko ay mga bonsai type na halaman sa zen garden. Magtatanim ako ng sunflower, peashooter at Tallnut(braaaaaaains!!!) Seriusly, gusto ko ng green plants at konting flowers. Nais ko ay may isang section ng forget-me-not na bulaklak. Kailangan din ay may tree house para parang si Huckfin at si Tom sawyer lang sa cartoons. Kasama sa unang palapag ang dalawang sasakyan na nais ko. Isang pansariling sasakyan(pede na pirari) at isang family van o pang-maramihan(for relatives).



Sa ikalawang palapag matatagpuan ang aking indoor pool. Bakit gusto ko ng indoor pool at di ko nalang ilagay sa ground floor? e kung bumaha? Saka ayoko na umitim kasi lagi nalang akong nasa chocolate-brown na skin tone. Saka taong tubig ako.... parang si agua lang! Gusto ko nakababad sa tubig, mas nakakarelax kasi. kasama sa ikalawang palapag ang dining room. Di ko naman kailanagn ngmagarbong kainan kaya di ko masyado pagtutuonan ng pansin masyado. isang kainan na kasya ang maraming tao sapat na(Hirap pag madami kamag-anakan). Pagdating sa kitchen, aba, di pede ang okay lang! Kailangan may mga super cool stuffs like oven at kung ano-ano pa! Dito ko gusto ibuhos ang dati kong pangarap na makapag-bake ng mga cakes at sweets. Nais ko ding gumawa ng mga gourmet meals at kung ano-anong yummy at delicious na makakain. may common washroom/ cr din dito pero syempre iba ang personal na banyo para sa sarili. Dito sa floor din na ito ang Living room kung saan may 42 inches na lcd monitor para makanood ang mga pips o bisita.



Mapunta naman tayo sa ikatlong palapag ang mga kwarto. Ang iisipin ng iba ay ang mga rooms ko ay puro one piece inspired. Wooooops! Dun sila nagkakamali. May isang room na para sa one piece addiction ko. Dito ko ilalagay ang mga laruan ko at pagagawa ako ng mini version ng barko ng one piece sa loob( Dual purpose nadin pag-OVER na ang baha at abutin ang 3rd floor). Ang mga pader ay kukulayan na tila dagat na binabaybay ng mga pirata. Para naman sa sarili kong kwarto, nais ko ay may waterbed ako(talagang di makaget-over sa tubig). May mga tukador ako ng mga tshirts na nais kong bilin o type ko ang disenyo. May shelf o rack din ng mga shoes. Nais ko ay sa may projector dito na tila nasa sinehan upang habang nakahiga ay maaaring manood. Nais ko may space din para sa konting libro(yeah, old school, preserve books kahit may google). May extra room din para sa mga bisita at extra room for fitness(small gym... sana). As i have mentioned, dito matatagpuan ang kakaibang banyo. Nais ko ang banyo ko ay halos kasing laki rin ng room ko. May bath-tub(di ko to naranasan e) atsaka may shower room(sawa na sa tabo). Ang kakaiba sa banyo ko ay ang tv sa loob ng banyo. Dati ko ng ideya ang ganito since tv addict ako noon(di pa uso FB). Tapos ang wird part ay ang pader ng banyo ay isang aquarium. Yep. Gusto ko na habang naliligo ako sa tub ay may nakikita akong lumalangoy-langoy na isda sa pader.



Sa ika-apat na baitang/palapag ay may telescope to watch the stars. Mini-hall for occasions. May bar at swings. Parang open space lang ang fourth floor. May Slide na kasama pala dito kasi pede kang magpadausdos mula fourth floor to ground floor. convinient ang dating! Pede nadin dito ang cage ng pet na gusto ko, tiger(naunahan lang ako ni chavit singson).

Walang masamang mangarap at abutin ang mithiin. Positive attracts positive vibes. Sana matupad!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-**-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Bilang tugon sa pacontest ni Gillboard.

Nauna pa ang entry ko kay Gillboard... Kelangan simulan ko na yung sa contest ni Gasul. Hahahah.

O cia, hanggang dito na lungs muna. TC and Habagretdei!

8 comments:

  1. ganda nman ng dremhouse mo, ang lupet pg natuapd dream mo, invite mo ko inuman session tau, just kidding!

    ReplyDelete
  2. Dream house ko din yan khanto grabi, sa panaginip lang cguro yan magaganap.. haist

    ReplyDelete
  3. Ang gara naman ng bahay na yan. Sana nga matupad ang pangarap mo. Tandaan mo lang ang kasabihan:

    Aanhin pa ang bahay na bato kung ang nakatira naman ay kwago,mabuti pa ang kubo ang nakatira naman ay tao.

    at meron pa isa,

    Pag kasama mo kras mo:

    "Aanuhin ko pa ang bahay ko, kung nakatira na ako sa puso mo."

    hehe..

    ReplyDelete
  4. huwaw..ang ganda ganda lung!! i like it!!! gusto naman para sakin eh ung naruto inspired! gusto ko ung banyo na aquarium ang pader!!! haha...good repost :P hmmmm ^^

    ReplyDelete
  5. Tama! Walang masama mangarap. Malay mo naman, pag mulat mo isang araw nakatayo na tong bahay na description pa lang ngayon. Good luck Kuya and God bless. Kaya yan!

    ReplyDelete
  6. Ai goshness.. Nalula ako sa laki ng bahay mo.. At naku ah, swimming pool. Marami bang masarap na uulamin na lalaki dyan? Pag nagawa na yan?

    Hoy, invite naman ako!

    ReplyDelete
  7. ang sosyal ng dreamhouse.

    ang sakin, gusto ko lang may malaking tv at kickass na entertainment system. :P

    salamat sa pagsali!!!

    ReplyDelete
  8. Wow cool ng dream house mo Khanto. The Secret lang yan pal at boom matutupad mo ang kabahayan.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???