Monday, February 28, 2011

Bulaklak ng Baguio!

Hello there! I'm back chocnut. Pasensya na kung di ako nakadalaw sa mga bloghouse ninyo at nakapacomment at magcomment sa comments nio kasi naging busy for the last few days. Nawento ko naman na umakyat kami ng Baguio kaya hayun, medyo di nakatutok sa pc ng 2 days. 

Last friday, after shift namin ay derecho agad kami sa bus station ng Victory Liner para makapagbyahe na sa Baguio. Mabilis ang byahe ng panagbenggaBus kasi humataw si manong driver at isang stop over lang kami. Mukang may amoebiasis ata si koya at gusto niyang makadating doon ASAP.

nakadating kami around 3pm kaya naglibot-libot na kami kahit paano. Kasama ang bagahe ay naglakad-lakad kasama ang mga friendships para makakuha ng kung-ano-anong shots. 

Friday afternoon e 2 bars na lang ang cp ko kaya a-for-eyfort ang ginawa kong mag-feeling-feelingan na potograper kaya mega pictures ako ng mga bulaklak sa Baguio kahit sa tabi ng kalsada and everything. Nakikipagsabayan ang Samsung Star 3.2 Megapix laban sa mga gigicam at dslr cams ng mga friendships :p So without further ado, here are some shots na aking isha-share. Syempre hindi pede lahat at baka maubos ang allocated pics sa blogspot. So here it is.
















Ingats! Saka na ang blow by blow at medyo detalyadeng wento kapag may time na. :D Atsaka kapag nagpost na ng pics yung mga may cams. Wala na kasing bat yung cp ko nung day2. :p TC!


Saturday, February 26, 2011

One Piece Memorial Ships

Scheduled post ito.

Since adiktus talaga ako sa laruan one piece ay syempre bantay-sarado ako sa websites kung may bagong One Piece na laruan na pede kong pagmasdan at pangarapin na mabili. 

Para sa post na ito, ang featured toys ay ang barko ng Strahat crew. Actually, dalawa ang barko nila, yung isa nasira dahil sa mga adventures nila at napalitan ng mas malaking barko.

Ang mga larawan sa ibaba ay nakuha sa Bandai Asia at dito.


Ang unang Barko ay ang Going Merry. Ito ay nahahati sa 6 na divisions para makumpleto.

1. Crocodile and Princess Vivi

2. Luffy and Eneru

3. Sanji at Nami

4. Ussopp and Calue

5. Wapol and Chopper

6. Zorro and Mihawk


Ang ikalawang barko naman ay ang Thousand Sunny. Ito din ay divided sa 6 parts.

1. Kuma and Chopper

2. Franky and Nami

3. Rob Lucci and Robin

4. Luffy and Sogeking

5. Duval and Sanji

6. Zoro and Brook




Oks, hanggang dito na lang muna ang post :D TC

Friday, February 25, 2011

Ang Bakasyon: Nakalipas


Di ako mapakali. Di ako mapalagay. Ano ba yung alaalang kailangang matandaan. Bakit ako nakalimot? Amnesia? Hindi. Alza…. Makakalimutin nalang, hirap iispel e. Kung anong dahilan, di ko alam.

“Nay, anu nga ulit pangalan nung dalawang nakita ninyo ni Tay sa may stop-over?” tanong ko.

“Anu ba anak! Nakalimutan mo na yung dalawang matalik mong kaibigan?” tanung ni inay.

“Slight lang naman. You know. 6 years!! 6 years din yun!!!” sagot ko.

“Ay ay ay, mag memo plus gold for good memory nak! Sustagen prime” bumira si inay.

“Hay nako. Dali na. Sabihin nio na kasi!” naiinip at napipikon kong tugon.

“SECRET!!!  Sikretong malupit ng babaeng hapit na hapit!” Sabi ni inay.

Magwawalk-out na sana ako ng narig ang karugtong na sasabihin ni inay.

“Di ko sasabihing  Rene at  April ang pangalan ng dalawa. Hindi ko sasabihin yun nak!” patawang sabi ni inay.

Matapos marinig ang pangalan ng dalawa ay para akong nag-time travel. Para akong tumalon sa portal na ginawa ng magic takure. Para akong gumamit ng time machine ni doraemon. Naalala ko ang nakalipas. Natandaan ang nakaraan. Ang blurred na mukha nila sa isip ay ngayon ay malinaw na. Crystal clear ika nga. 
May kumatok sa pintuan ng bahay. Pamilyar ang boses. Ang boses na nadinig kaninang umaga sa may daan. Ang dalawang taong naging misteryo nung una ay nandyan na. Andyan na sila Rene at April o mas kilala ko sa pangalang Boy at Nene.

Kumabog ang dibdib ko. Di ko alam ang gagawin. Kailangan kong harapin ang nakaraan. Kailangan kong tibayan ang tuhod at kausapin sila. Masaya ako ng maalala ko ang nakaraang paglalaro. Ang mga tawanan at habulan. Pero naalala ko din ang masakit na kahapon na aking nilihim at itinago. Kinimkim ko ang masamang pangyayari at maaanghang na salitang narinig, anim na taon ang nakakaraan.
“Hindi ka bagay sa aking anak. Pangarap kong makapangasawa siya ng ubod ng yaman na iaahon kami!” Alingawngaw ng salitang binitiwan ng ina ni Nene.
“Makakapatay ako kung sino man ang aagaw kay Nene ng aking anak na si boy!! Kahit sino pa siya!” Nakakayanig na boses ng ama ni Rene.
Di ako sanay sa mga taong pabulyaw at pasigaw kung magsalita. Di rin ako sanay na tila napag-initan kaya na-trauma ako sa magulang ng dalawang taong kinonsidera kong mga kaibigan. Takot. Takot ang gumulo sa pagkakaibigan naming kaya pinili ko na hindi sumama kapag umuuwi ng probinsya si itay. Pinili kong takasan ang nakaraan at takbuhan ang mga halimaw na bumugbog sa musmos kong pag-iisip. Tama nga ang kasabihan na mas masakit ang hampas ng dila kaysa sa mga palo at hampas mula sa mga kawayan at palo-palo.

Nandito na to e, kailangang tatagan ko ang loob ko. Kailangang kayanin kong harapin sila. Hindi naman ang magulang nila ang makakausap ko e. Kaya ko ito. Huminga ako ng malalim at tinungo ang pintuan. Inalis ko saglit sa isipan ang masakit na nakaraan at sinuot ang konting ngiti sa labi.

Itutuloy……

Note: Mawawala ako ng ilang araw para mag bakasyon. Magaling na ang aking katawang lupa kaya go na ako at aakyat ng bundok para sa Panagbengga festival sa Baguio. Ang larawan sa itaas ay nakuha sa google.

Wednesday, February 23, 2011

Ang Bakasyon: Sa Lumang Bahay

Previous episode:
Ang Bakasyon


Patuloy ang takbo ng tryke na aming sinasakyan patungo sa aming barrio/ baranggay. Malayo na ang dalawang taong nabalingan ko ng tingin. Umiling na lamang ako at inisip na baka ibang tao sila at di naman sila yung sinasabi ng magulang ko na kababata. Habang malamig pa ang simoy ng hangin at malalanghap ang amoy ng damo at dayami sa bukid at naging maganda ang takbo ng tryke. Nagbago lang ito ng lumiko na at papasok na daw sa iba-ibang baranggay bago sa aming lugar. Gegewang-gewang ng konti ang takbo kasi mabato ang daan. Hindi lang basta bastang bato na maliliit, yung tipong bato na iba-iba ang sukat kaya bumpy ride talaga. Buti nalang at natiis ng pwetan namin at nakadating din kami.

"Andito na tayo anak! Bumaba ka na!", sabi ni itay.

Umalis ako sa pagkaka-angkas sa likuran ng tricycle at tinignan ang bahay na binabaan. May kalumaan na pala ang bahay namin dito sa probinsya. 1/4 ng bahay ay gawa sa semento para sa pinaka base habang ang natitirang 3/4 ay gawa sa kahoy na di ko mawari. Ano bang alam ko sa kahoy, carpentry ba tinapos ko? Ang bintana naman ay luma din. Parang stained glass na ewan. Technicolor at iba iba ang kulay at color pattern, walang symmetry. 

"Ano ba yang binubulong-bulong mo nak?! Architect ka ba para maag-judge ng pagkakayari? Interior Designer nak?", Vuma-vice gandang banat ng aking inay.

"A.....E.....". yan na lang ang sinabi ko. Tuloy na lang ako sa pintuan. Pero bago paman ako makadiretso ay may narinig akong mga munting kahol.

arf-arf. Aw-aw. wuff-wuff at wrup-wrup. Apat na tuta ang bumungad sa aking harapan. Isang puti, isang black, isang brown at isang batik-batik. 'United nation ba ito?', naisip ko sa sarili. Hulaan ko ang pinangalan sa apat na to; Whitie, Blackie, Brownie at Tagpi. Maya maya pa ay may narinig akong sigaw na nanggagaling sa loob, pinagagalitan at pinapatahimik ang mga tuta.

"Whitie!!!! Pssst! Blackie!!!! Shhhh!!! Brownie!!!! tigil!!!!"

'Score!!!' Mahinang bulong ko sa sarili! Mapeperpekto ko pa ata, isa na lang!

"Tumahimik ka nga at tumigil ka sa pagtahol mo SPOT!!!!!"

Potakels, minalas pa ako sa batik-batik. Dumiretcho na ako at nag-mano sa aleng sumasaway sa mga tuta na sign ng paggalang kung sino man sya. 

"Nak! Nagblebless ka pero di mo pa sya kilala, pano kung katulong lang sya?". sabi ni itay.

"Sus, wag kang mag-alala. kamag-anak natin sya. Tama lang na mag mano ka. Siya si Tiya Nena ng itay mo. Kasama niya dito sa bahay sina Tiya Geronima at Tiyo Nakpil."

"Lola Nena na lang itawag mo sa akin apo. At ikaw naman Pablo, wag mong ishinoshortcut ang pangalan namin sa harap ng anak mo." sabi ni Lola Nena.

"Anong masama? Kaw talaga TyaNe! Buti pa sila TiyangGe at TiyoNak! wahehehe"

Natamad na ako sa pagpupunchline ni itay kaya nagpasya na lamang akong matulog.

Kinabukasan, nagising ako ng medyo madilim pa. Sinilip ko ang aking cellphone at nakitang alas kwatro pa lamang. Anu ba yan, parang 12 hours na akong natutulog. Ambagal pala ng oras dito sa probinsya. Dahil di na ako dinadalaw ng antok at ayokong bumalik sa kama ay binuksan ko na lamang ang bintana at hinayaang malanghap ang napakasarap at malamig na ihip ng hangin. Kasabay ng dilim ang huni ng mga kuliglig na di ko alam kung san galing. Madidinig din ang naglalambuchingang butiki sa kisame at ang mahinang tunog ng tuko.

Di pa gaanong naaabutan ng sibilisasyon ang baryo nila itay kaya medyo di bright ang mga ilaw. Ewan ko ba, kahit 22 inch na tv ay wala dito, magtyatyaga ka sa 10 inches na telebisyon at pahirapan pang sumagap ng estasyon. At since probinsya nga, tila walang gaanong hilig pa sa tv ang mga tao. Medyo lumiliwanag na at biglang nagkaroon ng kung anong ingay sa loob ng bahay. Transistor radyo pala. Naghahanap na ng balita si Lolo Nak.

Lumabas ako ng bahay para mas ma-feel ang simoy ng hangin. Dun sa kalsada ako nag-stretching at nag-unat-unat. Pinagmasdan ko ang paligid na di ko naman ginawa nung dumating kami. Ngayon ko lang napansin na medyo di na malalayo ang bahay. Kung ang dating malabong alala ay ang mga kabahayan ay magkakahiwalay, ngayon, medyo slightly magkakalapit na pero malayo padin.

Pabalik na sana ako sa loob ng bigla akong nakarinig ng unga ng baka. Kasabay noon ay ang pag-mheee ng mga kambing. Napalingon ako. Sa di kalayuan ay ang naglalakad na kambing, baka at tila may humahabol pa, isang kalabaw. Lahat ay nakatali at hawak ng isang pamilyar na mga pigura. Habang papalapit sa akin ang mga hayop, unti kong naalala ang dalawang tao na nakita ko sa may stop-over na nagtatalo. Totoo ba to?

"Oi! Musta na!!! Tagal mong di dumalaw dito sa atin ah!" Sabi ng lalaki.

"Oo nga. antagal din ng anim na taon. At mula noon, anlaki na ng pinagbago mo!" Sabi ng babae.

"Sige, mamaya na tayo magkamustahan at magkwentuhan, dadalhin pa namin tong mga hayop dyan sa bukid para makakain ng damo." Pahabol ng lalaki.

Habang naglalakad palayo ang dalawa, ako naman ay natulala at tila nautal. Napasulyap na lang ako sa kanila at nakita ko na sumulyap din sa akin yung babae. Naguluhan ako. Ano ba to at sa anim na taon lang ay tila limot ko na ang itsura nila. Gusto kong iumpog sa pader ang ulo ko at baka nagka-amnesia lang ako. Pero hindi eh. May natatandaan ako pero medyo malabo. Napakamot na lamang ako at pumasok sa loob ng lumang bahay at pinipilit na alalahanin ang nakaraan. Ano ba ang kulang sa mga alaala ko ng aking kabataan?

Itutuloy.....

Note: Ang larawan ay kuha last 2009, sa probinsya ng aking ina, Pangasinan. :D

Tuesday, February 22, 2011

Ang Bakasyon


Maaga ang mahal na araw para sa taon ngayon. Napaaga ang bakasyon para sa aming mag-aaral kaya wala akong ligtas sa aking magulang at mapipilitan akong sumama para magbakasyon sa aming probinsiya. Hindi ako makapag-reklamo at hindi ako makapalag kaya nag-empake na lamang ako ng aking mga damit at naghanda sa ilang oras ng paglalakbay.

Habang lulan ng pampublikong bus papuntang hilaga, di ko maiwasan na mag-emote at tumingin sa bintana at pagmasdan ang iba't ibang tanawin. Maraming tumatakbo sa isipan ko kasabay ng mabibilis na pagdaan ng sari-saring tanawin, poster, road signs at hayup sa kakalsadahan. Isa sa mga bagay na aking napagbalingan ng oras ay ang pag-munimuni sa aking kabataan o childhood days. Ang mga kababata ko at kalaro sa may mga puno ng mangga. Ang mga paslit na kasama kong maghabulan hanggang gabi sa may bukid. Ang mga tinawag kong mga kaibigan. Pero bakit malaabo ang kanilang mga mukha sa aking isipan.

Huminto saglit ang bus para makapag-pahinga ang drayber at para makapag-unat-unat ang mga pasahero. Ito din ang oras para kumain ng kung anong binebenta katulad ng chicharong hangin, mani, pugo, cornick, putoseko at kung ano pa. Maari ding bumaba ang mga tao para gumamit ng palikuran at magpa-refresh. 

Di ako naiihi, di naman ako gutom, di pa naman manhid ang paa ko kaya di na ako nag-aksaya ng panahon para bumaba. nakuntento na lamang ako sa aking kinauupuan at walang tigil sa pagmamasid sa mga taong di magkanda-ugaga sa kung anong gagawin. Habang ang mata at ulo ay kung saan-saan napapadpad, di ko sinasadyang mapagtuunan ng pansin ang dalawang tao na nakaupo sa may isang bangko na tila nag-uusap at may kung anong drama ang nagaganap.

Since nasa loob ako ng aircon na bus, nakasara ang bintana kaya di ko maiintindihan ang mga katagang lumalabas sa bibig ng dalawang tila nagkakatampuhan. Di naman ako bihasa sa lip reading kaya di ko din matiyak ang rason ng kanilang di pagkakaunawaan. tinamad ako sa drama kaya sinara ko na lang ang kurtina at itinutok ang aircon sa akin. 

Maya-maya ay umakyat na ang aking magulang at silang dalawa ay nagkukuwentuhan. Sa lakas ng boses ng aking inay ay tila ang buong bus na mismo ang nakaalam ng topic ng itay. 

'Grabe, anlalaki na ng anak nila Mareng Nita at Pareng Oka! Binatang-binata na at di na mukang uhuging bata!'.

Nagsalita ang itay para sumang-ayon at magkwento din.  

"E yun namang apo ni Manang Tasing, yung anak ni Kardo, aba'y maganda na at dalaga na. Di na ito patpatin na akala mo ay tatangayin ng hangin."

Bumanat pa ang aking inay. 

"Oo nga e, di ko inakalang sa Maynila din nag-aaral yung dalawa at pareho ng tinutuluyan. Naku, dapat mag-ingat sila at baka pagsimulan ng chismis iyon. Mahirap na, baka madagdag bawas at kung anong imbentong kwento mangyari sa barrio.". 

Biglang tumalikod si itay at kinalabit ako. 

"Di ka kasi bumaba at nagpalamig-lamig ka lang dyan. Di mo tuloy nakita mga kalaro at kaibigan mo. Pero wag kang mag-alala anak, makikita mo din naman sila pagdating natin maya-maya."

Sa mga binitawang kwentuhan ng aking ama't-ina, naging curious ako. Sino sa mga nakita ng mata ko ang sinasabi nilang kababata ko? Anim na taon din akong di naka-uwi ng probinsya ng aking ama kaya di ko na halos matandaan ang itsura nila. Tanging mga gawain lang namin noon ang tumatak sa aking memorya. Ang habulan, ang paglalaro at isang bulaklak? Habang parang na-groggy sa kaka-alala ng nakalipas, bigla kong naalala yung dalawang tao sa stop-over. Hindi naman siguro yung dalawang iyon ang tinutukoy nila inay. Malabo naman siguro yun. Kung sa percentage, slim chance na sila yun.

Makalipas ang ilang oras, nakadating na din kami sa bayan. Konting oras na lamang ay papadilim na kaya naghanap na kami ng tricycle na masasakyan para dalhin kami sa barrio at makapagpahinga. Inilagay na namin ang bagahe sa likod at bubong ng tryke at ako ang umangkas sa likod, sa tabi ng manong drayber. Habang papaandar na ang sinasakyan namin. Huminto ang isa pang bus at bumaba ang dalawang pamilyar na tao. Yung dalawang taong nagtatalo kanina! Biglang di ako mapakali. Habang papalayo ang sinasakyan, di ko maalis ang mata sa dalawang taong yun.

Itutuloy..........


>(@@,)<
Note: Wala akong magawa habang nagpapagaling kaya heto ako at sa fiction bumabanat. :D

Sunday, February 20, 2011

Ang Amoeba

Babala: Ang susunod na entry ay naglalaman ng medyo maseselan at medyo nakakadiring kwento. Ang mga may weak as in weak na sikmura ay binibigyan ng warning. Wag din basahin kung kumakain at kakakain pa lang or haharap sa mga foodies. You've been warned! wakokokokoko.


Nawento ko na sa last 2 entries ko ay may sakit ako. check. I am sick. Read my lips este my words 'I'm sick!'. Kung isa kayo sa napadpad nung ipinaskil ko ang wentong 'sick', alam nio na sigurong ako ay nakakaranas ng sakit na LBM. Yep, eto yung may letrang L-B-M. Low Bowel Movement kung pinahaba ang salita pero kung mas gusto nio ng mas popular na tawag, eto ay diarhhea pero nung nagpacheck ako sa doc, mas conyo term ang aking natuklasan, its Acute Gastroenteritis which is technically daw amoebiasis.

Na-shock ako sa sinabi ni doc. Dyasking sakit yan. Nakakaasar. Alam ko na for the past few days before ako magkasakit ay wala naman akong panis na kinain. Yung water sa opis ay tiyak ko namang malinis. Naghuhugas naman ako ng kamay after mag-CR with matching watermelon scent soap combo with alcohol pa pero waley, tinamaan ako ng pesking amoeba. It sucks.

For the past 3 days, totally nanghina ako (Though may slight energy ako mag pesbuk at magcocomment sa blogs ng iba). Grabe lang. Nakagawa ata ako ng record sa buhay ko. more than 10x ata akong nag-back-en-forth sa takubets. Linsyak. Hindi dyerbi ang nangyayari kundi parang wiwers sa wetpaks ang naganap. Na-drain ang power ko at nanakit ang mga maskels ko dahil la na water sa body. 

Kahit ang gamot na sila Imodium at Diatabs ay di kineri ang uber strong prowess ng amoeba sa aking stomach. Nag-grogrowl pa ang hinayupak sa tyan ko at talagang nagmamake ng noise at tila nais magmalaki na tagumpay sya sa pagsakop sa aking body. Kahit sinamahan ko ng magbestfriend na mansanas at banana ay di matinagtinag ang epaloid na kupaloid na echoserong amoeba. 

Herap magkasakit as in totally masakit dahil umaaray ang aking pitaka. Ang gamot na nireseta ni doc ay medyo may pagkamahalan. Aside dun, since i'm working na, di ko pedeng ipa-re-inburse sa magulang ko ang perang ginastos ko. Damn. Ang mga extra items na nided ko like the gatorade and other stuff ay sariling gastos din. Nasaktan ang tyan ko at ang bulsa. 

Anong thing na nakakainis ay since nagpapagaling ako, kailangang tambay sa bahay. Sira na ang body clock ko sa work. Nakakatulog ako ng 7pm kung kelan dapat ay gising na ako for work. Tapos magigising ako ng 2am. Wapak. Ang diet ko ay sinisira din ng kumag na amoeba kasi kelangan ko din kahit pano chumicha para may laman tyan. Ang time din ng food intake ay naapektuhan. 

Lastly, nakakasad kasi kelangan ko pang magtagal sa loob ng haus for few more days pa. Medyo badtrip pa kasi ako lang minsan naiiwan sa haus dahil may pasok ang mga kasama ko sa haus like my mom at ate at umaalis naman dad ko kapag kailangan sya ng mami ko. Kung inaakala niong okay ang taong bahay, di rin. Why? Pano, walang magandang show sa tv. Nakakasawa din ang laging nakatutok sa pesbook. Wala naman akong online game na malaro. Di ko malagpasan yung ibang level sa angry birds. At higit sa lahat, ang tita kong adiktus sa cityville with her fam ay laging nasa bahay. Kung sasabihin nio na good thing yun, ako ay kokontra kasi it's not. Bakit kamo? pano ang tiya ko ay super ma-side comment. Maglalaro ng pesbuk, kailangan with matching kung anong dakdak about her city, about status ng friends at kakilala nia na kahit wala ako pakels. Minsan pa mas malakas pa boses nia sa pinapanood kong TV. At ang ultimate thing, sila na nga ang nakikigamit ng pc, sila pa may ganang magdemand ng channel na papanoorin at minsan dito pa sa haus makikipag-talo sa mga junakis niang sakit sa ulo. It really sucks.

 Plastic man kung babasahin pero mas gusto kong pumasok kahit paano. Atlist medyo may ibang variety at may ibang madlang pipol na makakausap. 

Hays. I need to get well as soon as possible. Malapit na ang Panagbengga!!!!

TC muna sa inyo. Happy Weekend at start ng week.

The True Story of Manny "Pacman" Pacquiao


May sakit pa ako kaya video muna. :p

Saturday, February 19, 2011

Sick

Nasayang ang restday ko dahil sa aking sickness. Hays. Di ako nakapag-mall. Di ako nakanood ng sine. Tambay sa bahay at nagpapagaling. Ang gamot ay parang walang epek. Nadedehydrate na ako at lagi akong pabalik-balik sa cr. Pesteng sakit sa tiyan yan. Asar. Every 10 or 20 mins. ay kumukulo ang tyan ko. Laging humihilab at sumasakit. Di ko alam kung ano ang dahilan. Umayos lang ng konti at ma-extend lang ng 1 hour ang pagitan ng pag-cr ko ay pupunta na ako sa doctor para magpakunsulta at humingi ng reseta.

Since dehydrated ako, naisip ko, kung iinom ako ng upsized drinks ay mapupunan kaya ang nawalang liquid sa body ko? Try ko kaya itong napulot ko sa fb?


Hays, pumayat nga ako ng konti pero grabe naman ang epekto sa katawang lupa ko.Hanggang dito na lang, tapos na ang 20minutes. arrrrrgggg.

Wednesday, February 16, 2011

One Piece Alice in Wonderland Tea Party


Hello mga pips. Kahapon ay nag-hohop lang ako sa kung-saan-saang mga site para makakita ng iba-ibang laruan. At natalisod ako sa website kung saan may One Piece toy. :D Syempre, One Piece ang paborito kong anime kaya di ko palalampasin kumuha ng screenshots ng One piece collectibles. Kung magkakapera at irerelease ito dito sa pinas, di ko palalampasin at nais kong bumili. :D

Ang designs ngayon ay hango sa Alice in Wonderland Tea Party. Enjoy the pics na inenjoy ko din tingnan :D
Credits: www.amiami.jp

Luffy

Zoro

Nami

Ussopp

Sanji

Chopper

Robin

Franky

Brook








Di ko pa alam kung magkano ito kaya di ko matitiyak kung pasok sa budget kapag bibilin ko to. :D
Ingat!

Tuesday, February 15, 2011

Khanto's Valentine!

Tapos na ang katorse, kinse na ngayon at araw ng sweldo. Though walang konek masyado, wala lang. Okay. So siguro tapos na ang mga tao sa pakikipagiskisan at lambuchingan sa kanilang labidabi at siguro naman ay nagpapahinga na lang sila from doing 'Dulce Tira-tira', 'Ocho-Ocho' at 'Get down, get down, and move it all around'. Aba, kung hanggang nagayon ay nakikipag 'Boomtarat-tarat' pa sila, tila nag cobra energy at mala energizer ang prowess. Ano ba, awat na. Lumago na ang mga pechay sa pagdidilig! Ano bang inaantay nila, mangulobot si junior nila at maging ampalaya na puro kulobot? wahaha. Ang mga melon at papaya ay baka malamog kaka-lamas. :p

I know na di na ako dapat makikieps sa mga stuff ng mga may jowawits kaya heto ako at magwewento o magshesheyr lang ng aking Valentine's day.

Umpisahan ko ang story saktong pagpatak ng alas-dose sa orasan. Syempre nasa opis pa ako. Actually nag start lang ang aking valentines as a normal and so-so day. Ang pagsasabi ng 'thank you for calling and have a great day spiel' ay parte na ng routine. Medyo walang dating sa akin ang day kasi knows ko na wala naman akong lablayp. So mabilis na pumatak ang metro este oras at dumating ang 6am. Time to head home para matulog for another day. Habang naglalakad ng almost 4km pauwi, nag-emo-emohan na lang at nakikinig ng love songs sa radio gamit ang celpon. Oha, habang tumatagaktak ang pawis ay nakakadinig ako ng mga kantang just once, love is all that matters at....... baby ni justin biber. wapak.

Sa bahay ay pesbook ang aking kaharap. Basa mode ng mga valentine post at walang kamatayang cityville (send zoning permit po). Habang nanonood ng cartoons ay naisipan kong buksan ang aking pineapple juice na binili. Pero this time may pagka-temang valentines ang juice kasi four seasons pala ang nabili ko. naks, reddish ang color. :p

Natulog ako ng maaga dahil gusto kong lumipas ang araw ng mga puso ASAP. Gusto kong lumipas ang araw agad dahil medyo bitter lang. Kahit alam kong may event-event ulit sa opis katulad last year kung saan nakakuha ako ng freebies ay nagdecide na lang akong gumising ng 2 hours before work para sakto lang ako sa opis ng 9pm at 3 hours to go ay tapos na ang valentines.

Sa opis, nakabasa ako ng mga spam messages from the booth owners kung saan nagbebenta ng kung anik-anik. Matindi ang ihip ng araw ng puso at walang nagawa ang katawang lupa ko at bumigay din ako. Nakisawsawsuka mahuli taya ako at nag join sa event.

Nung nag 1 hour lunch ako ay naglibot na ako sa 5 floors ng opis at naghanap ng mga booth na nagbebenta ng murang items para makakuha ng stamps para makapagpapalit ng freebies. Good thing ay binabaan na ang criteria kaya imbis na 5 stamps, 3 stamps na lang ay pede mo na itrade for a goodie. Before matapos ang event, naka 4 na freebies ako. 

Heto ang mga pics ng ilan sa binili ko at ang mga freebies na aking nakuha.

Chocolate Lolli

Merenggue


 Heart Shaped Ballon

 Bite Size chip cookies

 Chip cookies

 Chip Cookies 2

 Chip Cookies 3

Sayangs nga lang at night shift ako kasi nabalitaan ko na bongga ang freebies nung nag-umpisa ang event kasi bear cuddler na bear slippers ang kanilang ipinamimigay. Pero okay na din ako sa mga nahakot ko. :p

Hanggang dito na lang muna. TC peoples!