Showing posts with label valentines day. Show all posts
Showing posts with label valentines day. Show all posts

Friday, February 14, 2014

Ankulay ng Balentayms?!

Heto na! Heto na! heto na!!! Waaaaaa!

Heto na ang araw ng mga puks... joke.... puso. Ang araw ng mga magkakasintahan na magboboboomboompow at payanig sa pasig payanig sa sta. mesa. Ang araw na sweet-sweetan ang mga tao na akala mo lumantak ng pulot at asukal na kulang na lang ay papakin sila ng langgam ganyan.


For today, ang post ay tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng mga kulay ng damit na susuotin sa araw ng balentayms.... 


1. Green- Ang kulay ng plema ay kumakatawan sa taong nakikipag-date (wala akong care kung blind, group or speed dating). Sila ay nasa proseso ng collect and collect and then select.


2. Red- Ang kulay ng dugo! Nope, hindi ito ang kulay ng mga magjojowawits na kumakabog ang dibdibs. Ang pula ay para sa mga single at searching. Yung mga souls na available at bakante pa ang puso.


3. Blue- Ang asul ay kulay naman sa mga broken-hearted. Eto ang sinusuot ng mga folks na ang theme song ay pusong bato o kaya naman mega emote sa song na bluer than blue.


4. Yellow- Hindi ito ang kulay ng mga noytards and fan ng tie-a-yellow-ribbon-down-the-old-oak-tree movement. Ang color na ito ay para sa mga may ka-mutual-understanding pero wala pang label or in denial. Yung kayo na pero hindi kayo. lols.


5. Pink- Sayaw kikay! Sayaw kikay! Ang kulay na ito ay sa mga taong may tinatago..... May tinatagong LANDI!


6. Orange- Ang pongkang color ay para sa mahilig sa adventure! Yung mga wild and wicked ganyans!


7. Violet- Ang para sa mga madlang folks na kung makapag-selos ay wagas! Para sa mga pips na kung makabakod ay akala mo andaming abangers na pack of wolves sa mga sheep ganyan; the masters of Bakod-making.


8. Black- Para sa mga tao na maligayang-maligaya! Charot! Natural ang black ay para sa mga emo-emohan na kung makapag lagay ng eyeliner ay sobra-sobra. Sila ang may mottong saksak-puso-tulo-ang-dugo!


9. Brown- Here's for those folks na stick to one! One Dozen! Collector? Chickboy? Haba ng hair lungs?!


10. Gray- You wear gray hindi dahil taglibog like Fifty Shades of Gray! Nope, eto ay para sa mga nilalang na napunta sa FRIENDZONE.


11. White- Ang gamit ng mga folks na nahanap na ang kanilang pakner in life. Sila na ang laging na-da-DAWN ZULUETA! Sila na ang sumisigaw ng 'I'm the King of the world' (titanic style).


12. Maroon- BITTER! No explanation! Wala! Wala!


13. Checkered- Here's the thing for those na ang estado ay constipated este complicated. Maaaring dahil sila ay pakbet-kabet or baka naman inililihims kasi I am Pogay or That's My Tomboy ganyan.


14. Camouflage- Para sa mga taong hunyango or pretenders. Sila yung mga may HD... not the High Def but Hidden Desires.


15. Floral- For those na Single at Happy! Yep! Totoo! Seryoso! Happy Sila!


16. Stripes- Huli ay ang stripes na para sa naman sa nananawa na. Yung mga ayaw ng umaray...aray...nakuuuuuu.... Sila yung mga gustong kumawala and be free.

Ang listahan sa taas ay mga technically suggestion lang pero ang totoo, kahit anong kulay pa suotin natin, nasa personal feelings and level naman yan eh... lols.

O hanggang dito na lang muna! Scheduled post to na pinaskil eksakto 12:01am ng Feb. 14. Hahahah.

Take Care folks! Happy Balentayms!

Wednesday, February 20, 2013

Si Ded!

Sinong nagsabi na pang magjowangers lang ang balentayms? Nah-a-Ah! Pede din yun sa mga singol like me! At kahit singol man ako, naging okay naman ang balentayms ko.

Naiwents ko noong isang beses ang kaganapan noong balentayms. Yup, yung may pabingo chever sa opis at ang prize is a big bear. 

Kanina, pagbalik ko sa opis, nakita ko na pede na pala i-claim yung bear na napanalunans. So kinuha ko na ang premyow ko. Medyo may kaliitan sya ng konti kasi mas malaki yung pinamimigay noong actual date kaso nga lungs, naubos agads. So medyo pasok sa category na medium yung bear.

So meet my dark brown teddy bear.... DED! Ang pinsang buo ni TED. hahahaha.


Medyo may pagka-cam whore din ng slight tong si Ded kaya heto ang kanyang mga shots together with some stuffies sa bahay. :p

 Sinuot pa yung Oceanpark shark cap

 Oso at Aso

 With the A Beary Special Love cast!

 Ice cream!

In the navy! 

Inagawan pa ako ng kama!

Sa pagdating ni Ded, hindi na ako solo sa condo. hahahah. May kasama na me. :D

O cia, hanggang dito na lungs muna! Take care folks!

Tuesday, February 12, 2013

Wear your Status this Balentayms!

May email na ikinalat sa opis at nais ko lung si-share sa inyo. :D hahahaha.


Don't Paniks.... 2 days bago ang Balentayms! O cia, TC folks!

Sunday, February 10, 2013

Handa Ka Na Ba sa Balentayms?


Ilang kembot at tambling na lang...... darating na ang 14th ng Pebrero. At knows nio naman kung anong meron sa araw na iyon..... Tomoh! Araw ng pagluluksa ng mga singles at araw ng celebration ng mga may lablayp tapos new year naman at may putukan sa mga active sa sexlayp! Congrats! Puno nanaman ang motmot at may earthquake nanaman sa paligid ng Sogo and stuff like that sa manila area.

Heniways, ang post na ito ay para both mga may jowawits at para sa mga single! Dapat pantay lang kaya naman ay tips and trips na para sa inyo. Nasa sa inyo na lungs kung trip ninyong gawin or not.... This is a free country! :p

Para sa Mga may Jowawits, Asawa, Ka-fling, Binabakuran and Fuck-buddy, eto ang para sa inyo:


1. Kung may pera ka, syemps, kelangan may bulaklaks! Kung ikaw ay boy, syemps, bumili ka naman ng flowers! Wag kurips! May gas! Pero since common ang rose, pede ka mag alternative like Tulips, Sunflower (hindi yung pinapahid sa katawan) or Forget-Me-Not! Kung ikaw naman ay girlay, bigyan mo din ng bulaklak ang boys... pero dapat edible... Pedeng yung chocolate flowers or candy flowers.... Or why not your own FLOWER! :p

2. May kwarta ka ba? Then aside from flowers, dapats may chocolates! Kung may cash ka naman at pasok pa sa budget, buy mga Cadbury ganyan or Perero (walang pakealamanan ng spelling! :p). Pag kapos ka at short sa datungs.... sige, pagbigyan na ang chocnat at Flat-tops.... ay... Curly Tops na lungs na nasa box.... masarap din naman yun!

3. Kung may pera, go for Movie date night! Aba-aba-aba! Ang katursi ay papataks ng Thursday, so malamang sa alamang ay may bagong peliks! Magbook na online ng tix or mag on-the-spot sa mall at doon mamili ng movie. Walang pera? Sa bahay na lang. Paalisin ang mga asungot sa bahay para solo ninyo tapos isalang sa BETAMAX, VHS DVD ang mga romantic peliks. Pede din horror para libre chansing pag natakot. Pag liberated.... why not PORN!!! Itodo mo na yang kalibugan ng buwan!!!

4. Pag may pera, LUNCH or DINNER outside. Hey, need nio ang laman tyan no! Kelangan magpasiklabs ka naman. Wag basta Jalibi or Mcdo. Pede na yun kung ordinary date labas-labas. Saka sabi ko, kung may pera... so Go Resto! Pedeng yung dinner by the bay (wag sa ilog pasig juskopo!). Kapag pulubs mode dahil delayed ang weldo, sige, buy ka na lang sa turo-turo tapos lagay mo sa bonggang plato at idaan mo sa plating at presentation. Kumuha ng candle (hindi yung pang sementeryo) at go candlelight chuba!

5. Tapos ka na magpabongga with choco or flowers. Tapos na din ang paglamon nio at panonoods ng sine. So eto na.... Gusto mo na ata maka-HOME BASE!! Gusto mo nang ma BRING HOME the BACON ganyan! So syemps.. dapat borlogs time or sexy time na! May extra datung ka pa??? Sige... Mag Book na sa hotel! Aircon... malamigs... may cable tv.... Sige! Go! Talon-talon sa malambot na kama. At Alam na! Wala ka ng pepe? Hanap na lang ng damuhan at doon na kayo. JOKE LANG!! Pota! Nagpa-impres ka na tapos sa talahiban kayo? EEEEWWWW! Sa bahay na lungs or mas maigi.... Wag na lang muna! Saka na! ABUSADO!! hahaha.

Para sa mga single, loner, broken-hearted, geek and etc.... Eto naman para sa inyo!

O, heto ang tali, baygon, blade, kutsilyo.... Biro lungs! Kayo naman!

Hello!!!! Porket ba solo lang tatyo at walang partners, jowa and stuff ay kailangan maging BITTER??? Wag ganun!! Kailangan GV padin at bawal ang kanegahan! Hey! Mabubuhay naman tayo kahit walang kapiling or kasama sa balentayms! 

Tandaan... andyan naman ang mga kaibigan at mga magulang na nagbibigay din ng pagmamahal kaya please..... stuff the drama! harharhar!

O heto ang tips para sa singles....


1. Kailangan ba na yung special someone lang ang magbibigay sa iyo ng plawers? NO! Pede mong bilan ang sarili mo and feel good about it! Imagine, nakabili ka ng bulaklak para sa iyo! It only shows na mahal mo din ang sarili mo. Now, kung generous ka naman, why not buy flowers sa mga friendships mo na single din! Maaapreciate nila yun! Wow, pogi points! At bilan mo na din magulang mo... Di mo ba love ang mudrakels mo???

2. Same with flowers... aba! Pede mo din bilan ng chocolates ang sarili mo! It doesnt matter kung mamahalin or cheapangarot ang binili mo kasi the sweetness or the bitterness ng chocolate counts! Plus, alam mo ba na nakakatanggal ng depression at stress ang pagkain ng choco?

3. Oi! Pasok din ang movie watching sa singles! Tao ka din naman! Pero this time, invite mo ang mga single friends mo at magkaroon ng group movie watching sa sinehan! Mag-ingay kayo para bulabugin yung mga nagdadate sa sinehan! Bwahahaha!

4. Pwedey din sa singles ang Lunch or Dinner sa Resto! Ei, di ka ba nauumay sa fastfood na lagi mong nikakain at nilalamon. Time to taste something new! Pero kung walang datung... sige... magkarinderya ka! Fine!

5. WOOOOOOPS! Ang pagMOT-MOT ay never ever ever na pasok sa listahan! Unless namick-up ka sa may circle or sa tabi-tabi or may naka-eye-to-eye ka na single din somewhere.... then sige, go motmokels. 

6 Oo, may pang-anim! Special tayong mga single eh!!! Try mo mag-soul search or mag-travel alone. Malay mo.... along the way.... You'll meet the ONE!

O cia, hanggang dito na lungs muna. TC!

"Pwera sa araw ng puso, marami pang araw kung saan pede kang magmahal at magparamdam ng iyong damdamin!"-Khanto

Thursday, February 9, 2012

Vday Gift!

Aler! Kamusta na po sa mga masugid na dumadalaw sa bloghouse na ito? Hopefully ay oks sa olrayt naman kayo mga pips. Isang tulogs na lang, friday na at malamang ay gagala nanaman kayo. Tas sa susunod na tumbling, araw na ng mga puso. Yayanig nanaman sa Sta. Mesa (If you know what i mean). 

Well, anyway highway, for today, magpopost lang me ng mga common na regalo para sa araw ng mga Pu... KeSo. Hahahah. Eto ang ang mga pagpipilian ng mga pips na nagtatangkang magpakitang gilas at magpamalas ng bagsik ng pagmamahals in material way.


1. Flowers- Syemps, mawawala ba naman sa listahan ang mga bulaklak? E kung ang mga kalalakihan mga mahilig sa bulaklak e (If you know what i mean). Shepherds, pasok sa gift list ang mga flowers. Pedeng pagpipilian pero ang laging mangunguna sa listahan ay ang rosas. Kung tutyang tutyal naman, aba, bili na ng mga Tulips. Butbutbut.... Tandaan..... Ang sampaguita ay madalas sa mga poon ibinibigay at hindi sa sinisinta. At.... Wag lalagyan ng sash ang bulaklak na may nakalagay na condolence...

2. Chocolates- sweet people loves sweet stuff. Syempre ang tsekolets ay isa din sa laging hinahandog sa taong nais mong bigyan ng atensyon at pagmamahal. Bumili ka ng mga tublirun o kaya mga piriro or hershis. Kung walang budget, sige, pede na yung chocnat or para mas eksayting, bumili ng chocolate gold coins at bilin mo ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng choco-coins.

3. Jewelries- Marami ka bang nakurakots este naipon? Gusto mo ba na bongga ang iyong regalo sa jowawits mo na makakapagpakilig-pipi sa kanya? Pwes, Pumunta na sa Cebuana Lhuillier at bumili ng ma-iilit na alahas. Joke lang. Aba, syemps, sa alahasan ka. Pero kung trip mo magpaka-intsik... sa Charms and Crystals ka... May libreng Feng Shui tips ka pa. Walang pepe? Then kahit japeyk na alahas pede na..... Basta tiyakin na di agad mangingitim pag tinubog sa tubig na may suka at toyo at asin. lols.

4. Stuff Toys- Minsan, nababagay lang ito sa mga teenies at patweetums na girls pero pasok padin sa banga itong gift idea na ito. Sino ang hindi makakapag-resist sa cuteness ng mga stuffed animals? Tiyakin lamang na cute ang stuff toys na bibilhin. I-suggest Bears, Dogs or Cats or Pigs. Pero take note, baka ang bilin mo ay yung stuff toys na crocodiles, monkey or snake.... Tyak, ihahampas sa mukha mo yang gift na iyan.

5. Couple Stuff- Malandi ba kayong magsyoting? Trip nio ba na magkapareha halos kayo ng gamit? Then, the Couple stuff ang bagay na iregalo. Bumili ng couple shirt na unique ang design! Oi, wag bulag, masdan ang kapaligiran at wag kang tanggang bumili ng madaming katulad! Gusto mo bang matabi sya sa ibang guy na may same tshirt design na katulad ng sa iyo? Be Unique! Samahan mo na din ng iba pang couple thingies like undies, caps, mugs, tutpest at iba pa! 

Ang mga nasasaad sa itaas ay common suggestions lang pero it will make your iniirog or minamahal happy. Who knows, kung di ka pa nakaka-home run.... baka magawa mo na. lols

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Wednesday, February 1, 2012

Pick ur Cupid!

Aler! Buwan nanamam pala ng mga puso. Eto nanaman ang mga buwan ng mga nagboboomboompow sa may Sta. Mesa o kaya naman nag-P-PDA sa kung saan-saan. Eto rin ang buwan na iniiwasan ng ibang mga single dahil syemps, waley at bokyabols ang lablife.

Anyway, for today, isang picture lang ang maishashare ko na napulot ko lang sa tabi-tabi.

Eto ay larawan ng mga klase ng cupids...... 

Ano sa tingin ninyo ang kupidong dadalaw sa inyo? aheeheheh.


O cia, hanggang dito na lang muna.First day of the week ko so balik trabaho muna me. TC!

Tuesday, February 15, 2011

Khanto's Valentine!

Tapos na ang katorse, kinse na ngayon at araw ng sweldo. Though walang konek masyado, wala lang. Okay. So siguro tapos na ang mga tao sa pakikipagiskisan at lambuchingan sa kanilang labidabi at siguro naman ay nagpapahinga na lang sila from doing 'Dulce Tira-tira', 'Ocho-Ocho' at 'Get down, get down, and move it all around'. Aba, kung hanggang nagayon ay nakikipag 'Boomtarat-tarat' pa sila, tila nag cobra energy at mala energizer ang prowess. Ano ba, awat na. Lumago na ang mga pechay sa pagdidilig! Ano bang inaantay nila, mangulobot si junior nila at maging ampalaya na puro kulobot? wahaha. Ang mga melon at papaya ay baka malamog kaka-lamas. :p

I know na di na ako dapat makikieps sa mga stuff ng mga may jowawits kaya heto ako at magwewento o magshesheyr lang ng aking Valentine's day.

Umpisahan ko ang story saktong pagpatak ng alas-dose sa orasan. Syempre nasa opis pa ako. Actually nag start lang ang aking valentines as a normal and so-so day. Ang pagsasabi ng 'thank you for calling and have a great day spiel' ay parte na ng routine. Medyo walang dating sa akin ang day kasi knows ko na wala naman akong lablayp. So mabilis na pumatak ang metro este oras at dumating ang 6am. Time to head home para matulog for another day. Habang naglalakad ng almost 4km pauwi, nag-emo-emohan na lang at nakikinig ng love songs sa radio gamit ang celpon. Oha, habang tumatagaktak ang pawis ay nakakadinig ako ng mga kantang just once, love is all that matters at....... baby ni justin biber. wapak.

Sa bahay ay pesbook ang aking kaharap. Basa mode ng mga valentine post at walang kamatayang cityville (send zoning permit po). Habang nanonood ng cartoons ay naisipan kong buksan ang aking pineapple juice na binili. Pero this time may pagka-temang valentines ang juice kasi four seasons pala ang nabili ko. naks, reddish ang color. :p

Natulog ako ng maaga dahil gusto kong lumipas ang araw ng mga puso ASAP. Gusto kong lumipas ang araw agad dahil medyo bitter lang. Kahit alam kong may event-event ulit sa opis katulad last year kung saan nakakuha ako ng freebies ay nagdecide na lang akong gumising ng 2 hours before work para sakto lang ako sa opis ng 9pm at 3 hours to go ay tapos na ang valentines.

Sa opis, nakabasa ako ng mga spam messages from the booth owners kung saan nagbebenta ng kung anik-anik. Matindi ang ihip ng araw ng puso at walang nagawa ang katawang lupa ko at bumigay din ako. Nakisawsawsuka mahuli taya ako at nag join sa event.

Nung nag 1 hour lunch ako ay naglibot na ako sa 5 floors ng opis at naghanap ng mga booth na nagbebenta ng murang items para makakuha ng stamps para makapagpapalit ng freebies. Good thing ay binabaan na ang criteria kaya imbis na 5 stamps, 3 stamps na lang ay pede mo na itrade for a goodie. Before matapos ang event, naka 4 na freebies ako. 

Heto ang mga pics ng ilan sa binili ko at ang mga freebies na aking nakuha.

Chocolate Lolli

Merenggue


 Heart Shaped Ballon

 Bite Size chip cookies

 Chip cookies

 Chip Cookies 2

 Chip Cookies 3

Sayangs nga lang at night shift ako kasi nabalitaan ko na bongga ang freebies nung nag-umpisa ang event kasi bear cuddler na bear slippers ang kanilang ipinamimigay. Pero okay na din ako sa mga nahakot ko. :p

Hanggang dito na lang muna. TC peoples!

Monday, February 14, 2011

Happy Valentine's Day


Babati lang ng maligayang araw ng mga puso!