Thursday, September 30, 2010

Yugatech: show me your oldest photo!

Last week, habang bagot na bagot at batong-bato ako ay naisipan kong maglakbay at maghop sa blogosperyo. Kasabay na noon ang pag-check ng aking blogroll at mga fino-follow kung meron silang new post na pedeng basahin. Habang chinecheck ang listahan, napatingin ako sa isang blog na sinusubaybayan ko dahil sa mga pacontest at prize. At dun tumambad sa akin ang contest sa pinakalumang larawan.

Habang binabasa ang mga mekaniks, tila nawalan ako ng gana sapagkat wala na akong kopya ng mga luma as in super old pics na mala black and white o medyo chromish color na pics. Ang mga lumang larawan namin ay tinangay na ni Ondoy last year so i decided to share nalang muna ng info to friends. So after kong makita ang mga post nila mapanuri at spiderham, may i check naman ako sa friendster at baka may atlist medyo lumang pic. At sa masuwerteng pagkakataon ay nakakuha ako ng isa at namumukod tanging larawan.


Ang larawan ay kuha sa isang studio sa Sta. Lucia Mall sa Marikina/Cainta area. Ayon sa aking recalling prowess, ako ay 4 or 5 years old ng kuhaan ako ng larawan.

Para sa kabuuan ng mekanics, maaaring bumisita sa blog na Yugatech.

Nawa ay palarin akong mabunot sa random draw upang manalo ng camera. Sana ay maging regalo na iyon sa nalalapit na espesyal na araw. :D

note: Pinicturan ko lang yung photo mula sa frame gamit ang cellphone last 2007.

Tuesday, September 28, 2010

Start from Scratch!


Di ba masakit kung ikaw ay pinaasa? Di ba mahirap kapag umasa ka sa wala? Di ba kay pait kapag ang pinagpaguran mo ay maglalahong parang bula?

Di ko alam kung bakit. From the lowly person ay kahit paano na manage ko na maging someone. From the bottom rank ay nagawan ko ng paraan para kahit paano ay umangat. Ika nga sa ibang term, from ilalim ay nagawa kong umakyat. Pero Tila ang pagpursige ko sa pag-akyat ay tila mababalewala dahil tila may napakalaking harang na di kayang matibag at di kayang gawan ng butas.

It's so sad na ang journey ng isang solowista ay hihinto. Matapos ang pagpapakapagod at paglalaan ng malaking oras para pumaibabaw ay mahihinto. Ang sakit pero tila it's time to move on, stop at go back at 1.

Kakainis! Hanggang level 45 lang pala muna ang aking kinahihibangang online game. Lintek! After kong ibuhos ang oras sa paglalaro tuwing restday ay hanggang level 45 lang pala ang character ko. Kabuwisit! Naghohonda pa ako sa opisina para makalaro agad. Hays. Since, masasayang kung magpapatuloy ako sa pagpapalevel at pag-gawa ng quest at di naman aangat ang level ko kaya nagpasiya akong gagawa na lamang ako ng panibagong character. So magpapahinga muna ang solowistang Oracle at gagawa ako siguro ng archer na magiging sniper or thief na magiging Ninja.

Panibagong pagpapalevel nanaman ito simula bukas!

Sunday, September 26, 2010

Weekend Random Post


Eto ang mga bagay-bagay na naganap sa akin simula kahapon hangang sa ngayon.

1. Ang pwesto ko sa opisina ay nagtotopak nanaman. Di ko alam kung anong kamalasan ang meron sa pwesto ko sapagkat laging may problema sa computer. Nung mga nakaraang lingo, ang topak nito ay sa monitor. After nun, nagtopak naman ang UPS. At etong linggong ito, leche, laging nag-frefreeze ang pc ko kaya ngayon ay pinapaayos ang cpu and therefore palaboy nanaman ako at nakiki-pwesto sa mga absent at may restday.

2. Paubos na ang Brazilian slimming coffee na aking tina-take tuwing umaga. Some friends told me na di gaano effective ang mga iyon but somehow, nakatutulong sa akin ung coffeee kasi tila madali ako pagpawisan. It could be a sign na medyo natutunaw ang some fats sa aking katawan.

3. Level 45 palang ako sa nilalaro kong online game. Grabe. Ang hirap na palang magpalevel after mag change job. Di ko alam kung dahil may pasok ako kaya di ako makapag-adik. Nauubos lang ang oras ko kakapatay ng mga hinayupak na palaka pero .01 percent lang ang nadadagdag sa experience.

4. Kahapon ay napanood ko ang sinusubaybayan kong Survivor Nicaragua. Medyo madugas ng konti kasi magkasabay ang immunity at reward challenge. Ang masaklap pa ay nanalo ang tribe ng mga matatanda. Boo... At nakakatakot at nakakakaba ang votes dahil nasa chopping block si sexy Brenda. Buti nalang at ung isang lalaki ang natanggal. Natsugi dahil sa kanyang pagsasalita ng kung ano-ano.

5. Ngayong araw na ito, since medyo idle naman ay sumilip ako kung anong pelikula ang magandang panoorin. Isa sa napili ko ay ang Hachiko. Ito ay ang pelikula tungkol sa isang aso naging matapat sa kanyang amo. Grabe, Napaluha ako sa eksena dahil ang aso ay nag-aabang sa harap ng train station kung saan palaging bumababa ang kanyang amo nung ito ay buhay pa. Parang Patrash lang. At ang nakaka-iyak na part ay 9 years na naging cycle sa buhay ng aso ang pag-abang.

Ayan lang muna.....

Saturday, September 25, 2010

Girls in Sailor Dress


Noong isang linggo, naisama ko sa special elite force ang sailormoon. Biglang bumalik sa akin ang past na nauso ito noong ako ay bata pa lamang. Ang mga babaeng wow dahil sa kinis ng mga hita at mapuputing balat. Sila ang mga babaeng magpapalaglag ng brip ng mga totoy noong around 1995 ata. Sila ang nagpapalit anyo na nahuhubuan subalit di pornographic nudity. Sila ang mga girls na kinabaliwan ng mga chikiting na babae at binabae. Sila ang mga sundalo ng kapayapaan at pag-ibig at katarungan. 

Nuff said. Heto na ang mga babaeng mga binunot ang pangalan ayon sa solar system with matching konting diskription.
note: Wala akong mahanap na larawan habang nagtratransform sila.... no nudity pics from google)
another note: Medyo green ang discription, patnubay ng magulang ay kailangan.

1. Sailor Moon- Ang bida sa palabas. Siya ang babaeng naka parang pigtails at merong dalawang siopao o meatballs sa ulo na may mahabang pigtails epek. Blonde sya at kulay mais ang buhok. Siya ang Fubu ni Toksido mask. :D Considered na hot momma dahil nagkaroon sya ng anak- si sailor chibimoon. Sa Hentai series, siya ung tinubuan ng pototoy dahil sa dragonball.


 
2. Sailor Mercury- Ang ikalawang miyembro. Siya ang kinokonsiderang brainy o nerdy type na babae. Kulay asul na buhok subalit short haird na parang gupit lalake lang na ewan. Siya ang bisprin ng bida at sya ang nag blow-blow kay toksido mask ayon sa hentai series :p May kapangyarihan ng tubig at bula... Marahil nanggaling ang powers nia sa paghalo ng tide sa tubig.


 
3. Sailor Mars- Sia ang babaeng may mahabang buhok na itim na may soot ng paldang pula. Ang babaeng may kapangyarihan ng apoy. Pag-iinitin ang inyong mga mata sa taglay na beauty and charm. Mala Chloe ang dating sapagkat may eksenang girl to girl sa hentai. Maglalagablab ang damdamin pag nagtransform with matching fire sa kanyang nude body.


 
4. Sailor Jupiter- Kung kay mars ay apoy, kikiligin kanaman na para kang kinokoryente dahil sa kapangyarihang thunder ng girl na ito. Naka tali on one side ang buhok. Siya ang kapareha ni mars sa girl to girl scene ng hentai version. Sa hentai version, sia ang parang considered as butch. 


 
5. Sailor Venus- Ang halos kamukha ni Sailormoon except na nakalugay ang kulay ponkang buhok nito na may kasamang bow. Sexy at enticing kasi blonde mode din ang dating. Siya ang ang soldier of love dahil narin siguro sa powers to make love. Last seen sa hentai kasama si Son Gokou na nagsuper-saiyan at humabol pa sa threesome with the evangelion guy. :D


6. Sailor Uranus- Ang mas mature na babae sa grupo. Mukang nasa high school na going college ang kanyang appeal. May pagka-mukhang tomboy dahil sa maikling buhok. Long legged girl at may pagka-bruskong gumalaw. Di ko pa nakikita sa any hentai with dragonball characters si Uranus so asume ko nalang na baka may g to g session to kay neptune.

7. Sailor Neptune- Ang babaeng greenish ang buhok na medyo curly curly. Siya ang crush ko at bet ko maka-date dahil bukod na sa maganda na, medyo pinong kumilos. Matangkad, maputi, maikli ang palda, yummy, luscious lips at fresh look.... Sure na Win na win!

8. Sailor Pluto- Ang misteryosang miyembro sa grupo. Medyo mukang matured kumilos. Nababagay to sa mga lalaking mahilig sa matured at may edad na. Siya ata ang pinakamatanda. Pwede na kasi long legged din at mahaba ang buhok. Oks na din ang powers kasi may kakayanan atang mag time travel. Never ko din nakita sa hentai to kaya di ko alam prowess nia.

9. Sailor Saturn- 2nd to the youngest. Pede sa mahilig sa medyo teensy-weensy.


10. Sailor Chibi Moon- wooops! No description, Masyadong bata, baka makasuhan ng pidopilya. :p

-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hiatus mode muna ako habang mabagal ang net both sa haus at office. Malapit na ang october at magsisimula na ang octoberfest.... woot-woot!

Thursday, September 23, 2010

Kasal! Kasal!



Last week pa dapat ako magkukuwento tungkol sa pinuntahan naming kasal ng isa naming kaibigan subalit lagi akong tinatamaan ng katam kahit na madami akong time sa office. Ewan ko ba kung anung sapi ang meron sa akin at kahit madalas ay idle e pabasa-basa lang ako sa pex at walang ganang magtype. Hmmm... Hindi kaya side effect ito ng iniinom kong brazilian slimming coffee??? pede.....

So nabanggit ko na sa unang statement na umatend kami ng kasal. Yep. Wedding. Actually, di sia church wedding kasi medyo madalian lang kasi ang plano nila na magpatali at magpa-bind sa isa't-isa. So ang nangyari ay nagkaroon lamang sila ng simple daw na civil wedding.

Actually ang alam ko lang na pinagkaibahan ng church wedding sa civil wedding ay ang magkakasal ay hindi pari at syempre hindi sa simbahan ang venue. Pero laking gulat ko.... kasi kwento sa amin ni doc (another friend) na mas mahirap i-pa-annul kung civil wedding. Atsaka ang kwento sa akin ni groom, di pa daw pede mag honeymoon kung civil wedding. (totoo kaya ito?).

Going back, sa kwento, e sakto naman dumating ang groom at bride, sakto din kasi nandun na din ang ibang friends na di namin kasabay nagbyahe kasi malapit lang sila sa place. Lima kaming mga ka-opisina/friends ang umattend at umupo kami sa iisang table (bakaw kami, sinolo namin isang table, jokes, konti lang din invited at madaming space). 


Ang Kinasal
-Bless at Andy-

So nagstart na ang wedding. Habang Nagsasalita ang ung magkakasal ay effort ako sa pakikinig ng mga sinasabi nia. Ewan ko ba. Ilang kasal na ang napuntahan ko pero ngayon lang ako nakinig sa mga pinagsasabi ng magkakasal. Parang it's the first time na nag-internalize ako at inintindi ang bawat pangaral at chechebureche ng huwes. Napaisip tuloy ako.... Hindi kaya part of me ay nais nadin na makatagpo ng babaeng pakakasalan ko at makakasama ko ng panghabang buhay? hmmmm....

After nilang magpangakuan, syempre may suot singsing at vows ang dalawa. Then after a few more minutes... Mabuhay ang bagong kasal na! Hep-hep! Hooray! Chibugan na! Woops, nagkamali ako.... Inuna na ang ibang seremonyas tulad ng cake cutting, lovey-dovey-kalapatis at ang champagne o wine toasting.... At sa wakas, nagchibugan na!


Si Mrs. at Mr. Yu

For the chibogs, oks naman ang handang inihain ng Aristocrats. Ang pinaka paborito ko ay ang kanilang super sweet at tamang timpla at smooth sa bibig na leche flan. Okay na sakin na di masyadong mag-rice at mag-ulam basta sakto at yummy ang disirts. (no pics, di ko matiis, gutom na eh)

 Before matapos, syempre, kelangan may picture picture para naman may captured moments sa aming mga dumalo kasama si groom.


Khanto, babaeng lakwatsera, Doc, Andy, Mapanuri, Spiderham at Tita Angge

After ng kasal, diretso kami ng Robinson's manila para manood ng Resident Evil na na-iblog ko last week.

Congratulations at Best Wishes para sa bagong kasal. Officially Bless Yu na ung bride. :D

PS. Ung mga larawan ay ninenok ko lang sa photographer na si Spiderham.... Baka mademanda ako kaya kailangan ma-mention. :D

Tuesday, September 21, 2010

Pokemon Generations

Every now and then ay tila nagta-time travel ang isip ko at bigla nalang akong nagiging isip-bata. I know it sounds crazy pero wala akong magagawa kasi ganun talaga ang nangyayari. Anyway, while browsing the internet, at naghahanap ng games, natalisod ako sa site ng pokemon. Yep, napadpad ako sa website ng mga poks este pocket monster.

Sa site na aking napadpadan, muling nanumbalik ang show na ipinalabas sa GMA 7. POKEMON. gotta catch 'em all. Yan ang kinahibangan kong show nung first year high ako. Nalulong pa nga ako kasi pati ang trading card game nito ay sinubok ko din.

Actually, sa sobrang pagka-addictus ko ay binili ko sa quiapo ang series nito. So for todays post, heto ang mga larawan ng mga starter pokemons mula nung unang inilabas ito hanggang sa bagong set na inirelease sa japan.


1. First Generation- Bulbasaur, Charmander and Squirtle
Sila ang first set. Favorite ko dito ung dino na may apoy sa buntot. Napaka-cute lang talaga. :D


2. Second Generation- Chikorita, Cyndaquil and Totodile
Walang masyadong stunning sa tatlo. 


3. Third Generation- Treecko, Torchic and Mudkip
Medyo naging okay ang itsura nila. Na-cutan ako dun sa Butiking green.


4. Fourth Generation- Turtwig, Chimchar and Piplup
Medyo down ang dating ng mga pokemon. Wala akong natripan sa kanila.


5. Fifth Generation- No namers 
Ito ang mga bagong pokemon at sadly, mukang di kagandahan ang itsura ng dalawa.

Grabe, todo na pala ang pokemon, from the initial 150 pokemon ay more than 500 na ata sila. Hays, time flies.

Reverse One Piece

Nakita ko ang pictures na nasa ibaba mula sa isang forums at natawa ako dahil nag-swap ang genders ng One Piece characters. 


Sunday, September 19, 2010

Survivor Nicaragua


Wala ako sa mood kahapon na maglakwatsa sapagkat kahit sunday kinabukasan ay may pasok ako. Instead na maglamyerda ako at magpakalat-kalat sa megamall o tumambay sa boostore upang magbasa ng mga libro ay diretso sa bahay na lamang ako.

Same routine padin at todo effort ako sa pagtapos ng mga quest sa Dragonica at nagpupumilit magpalevel kahit mahirap. After 3 hours ng non-stop playing ay tinamad na ako. Nagvend nalang ako at nagtinda ng mga items sa game at sabay binuksan ko nalang ang telebisyon upang magpalipat-lipat ng channel para maaliw naman. Saktong sakto dahil pagkalipat ko ng channel ay napunta ako sa first episode ng aking pinaka-sasabikang show, ang Survivor.

Ang setting ng new survivor ay sa Nicaragua. Di ko alam kung saang kontinente iyon pero wala na akong pakialam basta may mapapanood na ako at aabangan every week. Hindi ko masyadong napaumpisahan kaya di ko alam ang mga names ng mga cast-away members. Pero ang inabutan ko ay tila divided na sa dalawang kung saan nagkaroon ng pilian. After ng hatian, inanounce na may hidden medallion na kailangang hanapin. After mahanap, may shocking revelation.....

Ang twist sa unang part ng game ay ang grupo ay divided between the younger people versus the oldies. Patay kang bata ka. Ang mga may sigla at may powers ng youth ay haharap sa challenges at makakatunggali ang mga tila magulang at grannies nila. Not bad for a twist.


Sa first episode, Natalo sa immunity challenge ang mga oldies. Ibig sabihin, isang gurangger-z ang mapapatalsik. Nagkaroon ng pagpupulong ang majority ng tao at ang decisyon nila ay tanggalin ang weakest link. Ang choices nila ay ung dating coach ng basketball na di ko matandaan ang name o ung girl na pastol ng mga kambing. Undecided pa talaga sana ang mga pips kaso naging unison ang desisyon nila kung sino ang tatanggalin dahil sa isang eksena. Ang eksena ay ang pagiging madakdak nung Babae. Paano ba naman ay tapos na ang interview session ng nag-butt-in sya at nakiusap sa host na may last words pa. Mega define pa sya ng matutulong nia sa camp at nagbuhat ng sariling bangko. Ayun, in the end, sya ang tsugi.

Anyways, para di naman masyadong boring ang post na ito ay heto ang mga larawan ng isang cast-away na may lahing asian ata. Ang pangalan ng girl ay Brenda Lowe. (mga larawan ay nakuha sa isang forums)


Saturday, September 18, 2010

Mario!


Medyo madami ang idle at walang calls dito sa opisina kaya heto nanaman ako at todo type sa keyboard upang magkwento kahit minsan ay alam ko naman na medyo walang kwenta. Anyway highway, habang nagsesetup ako ng aking computer at naghahanda ng mga sites na akinng kakailanganin for work, napadaan ako sa yahoo. Dun ko nabasa ang hidwaan sa pagitan ni mariel rodriguez at toni gonzaga(showbiz?) at doon ko din nabasa ang pagdeny ni shaina magdayao sa issue ng vaginal lock nila ni john lloyd cruz(denial sa kati!). Pero di tungkol sa dalawa ang topic ko. Syempre, magiging Mario ba ang titolo ng article(talagang article?) kung hindi tungkol sa famous character na si Super Mario.

Actually, September 15 pa na post ung nabasa ko tungkol sa mario pero ngayon kop lamang nabasa. Ayon sa bali-balita, ang ever famous na tubero ay nakabenta na ng milyones na video game. At my next week daw ay 25 years na aking naka-jumper na pulang tubero. 

Para sa kabuuan ng balita, check the link.

Alam kong andami pang chechebureche kaya ang blog na ito ay magbabalik tanaw lamang sa Super Mario characters na inabutan ko (Mostly ung sa family computer lang at konti sa playstation1).
1. Mario- Syempre siya ang bida kaya nga named sa kanya ang game. Usually ay red ang jumper na suot nia. Medyo chubby chubby sia. Kapag nakaka-touch siya ng FLOWERS, aun, nagiging puti ang suot nia. Wird diba? Kung kelan humawak ng flower saka nagmumukang pure at inosente ang damit ng bida. 

2. Luigi- Ang nakababatang kapatid ni mario. Payatot at mukang lalampa-lampa. Medyo nerbyoso.  Ang kulay ng kanyang jumper ay green. Same din halos kay mario, mahilig sa flowers ang character na ito at nakakagawa din ng fireball kapag humawak ng flowers. 

3. Peach- Ang prinsesa at ang girl sa game. Eto ang madalas iligtas ng magkapatid na tubero. Ewan ko ba, lagi atang nakikidnap ang prinsesang ito. Laging nasa dulo ng game. Since prinsesa nga, common color nia ay pink with tiarra. Feeling ko nga, baka itong si princess ay may lihim na pagtingin kay Koopa kasi laging nagpapa-take out at laging nakukulong sa kastilyo ng kalaban.

4. Toad- Eto ang echoserang palaka este echoserang kabute sa game. Ang munting bata na may mushroom head. Eto ang batang laging eepal sa mario games kung saan sasabihin nia na ang prinsesa ay nasa ibang kastilyo na. pasaway much ang kabuting ito kasi laging basag trip, Sya lagi ang madalas makita sa kastilyo ni king koopa.

5. Yoshi- Siya ang pet-pets ng mga tubero. Di ko matandaan kung bakit napasama ito sa Mario series. Sia ang nagiging transportation mode nila mario. Ang parang donkey pero hindi na parang dino na ewan na ito ay helpful kasi kaya niang kumain ng mga pagong na kalaban sa game. After kainin, pede niang iluwa para makapatay din ng ibang kalabs.

6. Koopa- Si Koopa o kilala din as Bowser ay ang pinaka kontrabida sa mga mario games sa panahon ng family computer. Sya ang oversized pagong with spikes sa likod. Sya ang bossing ng mga kalaban. Sia ang promotor sa pagdakip sa laging nakikidnap na prinsesa. May kakayahang bumuga ng malalaking bolang apoy.

7. Kooplings- Sila ang mga tiyanak na anak ng boss. Samut-sari ang mga characteristics at powers. Kung anu-anung sanib at pwersa ang taglay at mga wirdo din katulad ng ama. Sila ang mga kinakalaban nila Mario bago dumating sa final stages ng mga game. Sila ang mga mini boss.

Naghanap ako ng mga imahe ng mga kalaban ni mario sa game at heto ang napulot ko:

Madalas na kalaban ay ung mga pagong, mini brown mushroom, ung pnat eater na lumalabas sa troso, ung plant na nagbubuga ng apoy, ung piranha sa tubig, ung kupal na nakasakay sa ulap at naghahagis ng spikes na kalaban at so on.

Para naman sa usual na pagpapalakas nila mario, heto ang larawan ng common boosters nila ni luigi.
Nakakamiss pala ang game. Sino ba ang may family computer dyan, palaro ako.

Thursday, September 16, 2010

Khanto Review: Resident Evil-Afterlife



Di ko pa nakukuwento ang pangyayare sa kasal na dinalahuhan ko kahapon pero heto na ako at inumpisahan ko na ikwento ang nangyari after the wedding. Nyahaha. Wala pa po kasing pictures akong nahaharbat kaya sa movie review muna ako.

After the wedding, napagpasyahan namin (mga ka-officemate) na manood ng movie. Dapat ata ung phobia an papanoorin kasi horror pero Resident Evil nalang. Dapat din sana e 3D kaso 3 pm pa un, kawawa naman ung may pasok kinagabihan kaya sa 2pm movie slot kami. Sayang, pers taym ko sanang makakapanood ng movie na 3D. O well.

Ang totoo nian, di ko pa napapanood ang movies 1 to 3 nito at kahit ung game na pinagbasehan nito ay wala din akong ka-ide-idea. Ride with the flow nalang ako. So By the time na pumasok kami, nais ko lang sanang ipikit ang mata ko at matulog saglit para makapag marathon ako ng movie sa bahay o kaya ay mag adik uli sa online game.

Daming preview na next movie.... Skip. Skip. Ayun. Lumabas na din sa wakas ung batang namimingwit na nakaupo sa moon at ang humihiyaw na leon. Jowk. Syempre indi dreamworks at mgm ang may produce ng movie. Eklat lang kunwari may alam ako sa movies.

Umpisa, umuulan.. Shet, nakiki-ayon ba sa panahon ng pinas ang movie? panahon din ng suddenly sa intro. Pak! Sinakmal ang isang lalaking nakapayong at boom. Ayon na, isinaad na may kumalat na virus at naubos daw ang mankind. Mga naging kakaibang creatures ang mga madlang pipol. Tapos isinaad na ang kumpanya ni Rihanna ang may pakana. Bakit campani ni rihanna? Ella, ella, e... eee. under UMBRELLA. masingit lang ang kanta. Wahehe. Aun, May intruder alert at kaboom. Oolala... Sexy girl in a leather suit. Walang camel toe, sorry. Boom. Inatake ang home base at ang bida pala dito ay ung babaeng lumusob. How stupid of me.

Forward. Pupuntahan ni girl ang promised land na arcadia na walang virus. Aba, mukang gumamit sila ng Antivirus para clean sila. Hugas na hugas daw ang lugar kasi clean ito. Anyway. Aun na, tumakbo na ang kwento sa pagka-reunion ni lead girl at ng isa pang babae na bida ng Heroes. Sensya na, di ko alam talaga name.

Ang twosome na girls ay naglakbay upang hanapin ang arcadia then suddenly makikilala nila ang mga stranded na pips sa isan building. Boom. bakbakan na ang mga sumusunod na eksena. Di ko na ieelaborate much para di ma-spoil.

While watching the movie, naalala ko bigla ang Plantz vs. Zombies, grabe, ang humans naging mga undead. At may knows silang mag swim katulad ng zombies sa game. At knows din nila mag dig. Buti nalang at magaling sa putukan ung girl. Aba, kahit girl ay multi-pops sia at dinaig nia pa ang mga ibang lalaki sa building. Hustler sa putukan. hanep. At napaelibs ako dun sa pag multipops na kalat-kalat... Superb ang baril with the special bullets. hehehe.

Kung irarate ko ito from 1- 10, around 8 siguro kasi kahit di ko alam ung previous story, di naman ako masyado naguluhan sa takbo ng kwento. Oks din ang gory scenes at putukan scenes.

Now, kailangan kong makahanap ng movie copy ng mga previous movie na ito. Ciao!

Tuesday, September 14, 2010

Last Day sa Thailand!


Eto na ang super na nadelayed na wento nung naglakbay ang aming pamilya sa Thailand. Super pasensya dahil sobrang tinamaan ako ng katam last month kaya di ko naisisingit ang entry na ito.

July 31, Sabado. Last day na namin sa Thailand. 11pm pa ang alis ng eroplano kaya kailangan pa namin mag-ubos ng oras. Sa hotel, kailangan na namin umalis ng before 12 dahil kung hindi, considered as magdadagdag kami ng another day. All our bags are packed na and we are ready to go na ang hum ng utak at isip ko. Can't wait na para umuwi. Ready to gora na.

Before 12, umaga palang tinahak ko ang Kao San road upang hanapin ung nagbebenta ng voodoo dolls na keychains subalit wala. Damn! Nakakainis, di ako nakabili ng keychain na voodoo dolls. Anyway. Before umalis ng hotel, sinulit ko ito sa pagswim swim sa pool ng hotel. Di kalakihan ang pool ng hotel. Nung una, solo ko lang ung rooftop kasama ate ko. Di lumaon at nagsiakyatan na ang mga foreigners at dumami na ang tao. Puro mga chika babes at mga skins ang lumalabas. Show! Show some skin! Ewan ko kung ayaw lang nila ako makasama sa pool o nais lang talaga nila mag-sunbathing sa ilalim ng araw. Anu ba yun.... Mga tinapa at mga gustong maging tuyo ang mga fish. Grabe, ayaw nila sa tubig, gusto nila sa lupa. Anung klaseng mga sirenang yun, ayaw sumama sa shokoy. hehehe.





Napagdesisyunan ng pamilya na tumambay nalang muna sa mall upang doon magpalipas oras kesa maglakwatsa kami at maipit sa heavy traffic sa byahe papuntang airport. Upon leaving the hotel, ung si kuya tuktuk na nag-tour sa amin ang naghanap ng paraan para makahanap kami ng taxi na di over price. Nais kasi ng ibang taxi na 400 baht ang ibayad papuntang Siam Paragon Mall. Aun. Jackpot, instead of 400 baht, down to 100 baht nalang. Binilan nalang ng daddy ko si kuya tuktuk ng alak bilang friendly suhol. :D

Around 1 pm kami dumating sa mall kasi medyo nagbuibuildup na ang traffic sa main roads nila. Buti nalang at fixed rate ang taxi kundi deads. Pagpasok sa mall, pinaiwan namin ang mga bags at strollers dun sa baggage counter kesa naman dala namin kung san man kami magpunta. After ma-settle, nagusap-usap na libot muna, kanya-kanyang libot for 2 hours at magmimit nalang sa particular na lugar. 

Nilibot ko ang department store ng mall kasi medyo sosyal at high-end ang mga botiques sa mall. Shet na malagkit, ang mahal ng mga presyo ng mga bilihin. nangangatog ngatog tumingin kasi baka may mabasag o madumihan ako at sa akin ipabayad ang items. Ang nabili ko lang sa mall ay ung camera filter na may iba-ibang kulay. Alam ko na pede naman mag-edit ng pics pero wala lang, nahiwagaan lang ako kaya napabili ako. Habang inaantay ang mom ko at ate ko na alam kong sobrang matatagalan, napadaan ako sa car show. nangati ang kamay ko kaya kumuha ako ng larawan.





Delayed ng 30 minutes sa usapang oras ang ate ko dahil nuknukan un ng arts... Kung anu-anu ang pinamili, shoes at bags. Extra pasalubs pa sa mga agents nia at pansuhol sa mga bossing nia. Kumakalam na ang sikmura kaya nagdecide kami kumain. Medyo di heavy meal dahil may kamahalan nga ang mga pagkain. Umorder kami ng food at share share nalang sa 2 bottle ng tubig (di libre ang tubig). (di ko matandaan term tawag sa food, at ung name ng resto).





Need to kill more time kaya 2 hours pa kaming naghantay at nagpalipas oras sa mall. Doon ko nakuhaan ng larawan ung parang ocean park nila sa mall. Nagpunta nalang ako sa isang bookstore ng mall at doon ako namangha sa dami ng binebentang manga(kalabaw este ung comics). Wow! Ang serye ng Naruto at mga one piece ay andun. nakakatakam buksan at basahin pero di pede. Ninamnam ko nalang at binusog ang sarili sa pagtitig ng mga volumes ng one piece. Grabe... Gusto kong bumili kaso ala na me anda.


8pm ng nag-umpisa na kaming lumarga papuntang airport. kailangan maaga at baka di kami makauwi kung late dahil sa trapik. Naging mautak ung taxi driver at tinanung kung sa regular road kami o mag-special way na parang nlex. Pinili namin ung special kesa maipit ng trapik kung meron man. Ayun. Maaga kami ng 2 hours before magsimula ang pagcheck-in. Picture- picture muna. Nung pumasok na kami at nagreready na para sa pagboard ng plane, daan muna sa security. pak! Bawal ang bottled water. Goodbye sa baong tubig. Sa loob nalang daw kami bumili. pak! Nahuli ang ate ko kasi inilagay nia sa bag nia at tinago ung giant yakult na binili nia. kala nia makakalusot. Explain pa sia. No kenat be sabi ng thailander official at no choice, laklak mode sa 3 bottles ng yakult litro. Okay ka ba chan? shet! bloated sa yakult kasi nadamay ako, pinainum para maubos. 





While inside at waiting for the plane, hanap pa sana kami ng souvenir items sa Duty free pero mababagsakan ka ng higanteng martilyo sa ulo mo dahil ang mahal ng mga items. Juskopong pineaple, ang isang maliit na keychain ay worth 200-400 baht na kaagad. Ano to? Ang item na sinlaki ng ipis ay sobra ang presyo. Watdafudge! Since kailangan na din ubusin ang baht dahil magiging nonsense na ito sa pinas, bumili nalang ako ng hotdog sandwich at DQ. Over! pati food dito ginto. Since busog pa ako, ginawa ko nalang souvenir ung ibang baht na natira.

Pagsakay sa eroplano, ung mag best buddy na kasabay namin paunta ay present din. Same with the aleng nag-solo. Kasabay namin ang mga magkakatrabaho atang mga medyo gurangers na sobra kung magdadadakdak. Jusme, anlakas ng boses, akala nila nasa palengke! Ansarap ihagis sa emergency exit ng plane. Grabe lang ang ride pauwi kasi medyo malakas ang turbulence(tama ba spelling?). Napa-pray ako na lumanding kami ng safe. Ayun nga. Safe naman.

Since madaling araw na kami dumating sa clark airport, wala pa ung bus. Grabe ang fx or taxi, kumikitang kabuhayan. Ang mahal makasingil. Since wala naman kaming choice, ginawa namin, pahatid sa Dau at transfer kami sa bus pauwi. Exhausted na nakauwi pero nagawa ko pang magfacebook agad ng linggo ng umaga.

end.

Tips:
1. Bilin na ang dapat bilin bago umalis. ( I regret na di ako nakabili ng voodoo doll).
2. Mainam na gamitin ang natitirang pera sa labas. Sulitin na pamili ng souvenirs.
3. bawal ang water o liquids sa airport. Follow rules, wag pasaway! 
4. Mas maigi kung may susundo sa inyo- over price ang fare sa airport pauwi.
5. Enjoy the nice trip.... Home sweet home!

note: ung voodoo doll po hindi sya ung pangkulam. String dolls. eto larawan.