Alas-otso na pala ng gabi at magsisimula na ang inaasam na pagsasama-sama ng mga tao. Eto na ang inaabangan, ang grand reunion ng mga nagsipagtapos sa telebisyon.
Heto ako at nakatayo sa isang sulok at nagmamatsag sa mga bisita. Ewan ko ba, may kakaibang kilig at ligaya na makita ang mga dating nakasama.
May pumasok mula harapan ng bulwagan. Isang lalaking blonde na matipuno. Iba ang kinang na mata kasi blue eyes ata. Habang pinagmamasdan, naalala ko ang isang batang blonde na mahilig sa flute. Ngayon naalala ko na, siya pala si Cedie, ang munting prinsipe. Well, technically, di na sya munti kasi malaki na sya.
Sa likod ni Cedie ay isang babaeng may mahabang itim na buhok. Parang weird nga lang kasi matanda na yung babae pero may dala-dala pang manika. parang baliw lang. Teka, teka, pamilyar yung doll niya. Aha! Ang prinsesa ng mga diamante pala na si Sarah ang babae.
Di ko alam kung naging magjowawits ang dalawa pero feel ko may relasyones ang dalawang yun. Magkatabi kasi silang umupo dun sa isang lamesa at kinamusta nila ang isa namang babae. Isang babaeng short haired na medyo rosy cheeks. Nadinig ko ang usapan sa lamesa at aking nalaman na ang babae palang iyon ay ang apo ni lolo Alps. Siya pala ang dating bata-batuta na si Heidi. Ang anak-pawis ng kabundukan!
May bakante pa sa lamesang kinauupuan nila Cedie, Sarah at Heidi. Maya-maya pa ay may pares na lumapit at umupo sa kanilang table. Isang chinito guy at isang american girl. Holding hands pa ang dalawa bago umupo. Weird ng hair style nung guy kasi parang bunot. Anu ba yan! Naka-upo na at lahat magkahawak pa ang hands then suddenly may aura akong nakita. Linsyak, ang kambal pala ng tadhana yung dumating. Si Julio at Julia!
May isa pang vacant seat sa lamesang aking tinututukan at minamanmanan. Maya maya pa ay isang babae ulit ang lumapit at nakisalo. Umupo siya sa tabi ni Julia. Sinubukan kong makinig sa usapan nila at dahil medyo malakas ang boses nila dahil parang nagyayabangan na ng mga pangyayari sa mga buhaybuhay, nalaman ko na ang babaeng magong dating ay walang iba kundi ang bida ng Little Woman 2. Si Nan. Naging guro na pala siya at ngayon ay nagtuturo.
Good to see those guys grow up from those childish acts. Bumaling naman ako sa kabilang lamesa para naman alamin kung sino-sino naman ang andoon.
Dalawang lalaki ang nag-uusap. Isang lalaking may wirdong hat. Medyo pamilyar yung sumbrero niya pero di ko mawari kung saan ko nakita iyon. Habang nakikipag-usap sya, napansin ko na may kinuha siyang tinapay na kanyang kinakain at hinagis sa sahig. At doon ko nakita na may alaga palang aso yung lalaki. Now i remember! Si Remi pala yun!
Yung isang lalaki naman, naka-damit na parang pari pero totally old school. San ka ba naman nakakita ng naka-robe na brown? It's like prayle nung nineteen kopong-kopong! Then nagflash sa isip ko na noon ay may isang batang yagit na nanirahan sa isang monesteryo. Tama ang aking hula! Ang lalaking kausap ni Remi ay si Marcelino Pan y Vino!
Sa kanilang tabi ay isang curly girl ang kumakain habang nakikipagkwentuhan sa dalawang lalaki. Nagkwekwentutan ang tatlo tungkol sa mga adventures nila nung bata pa sila. Nag-rereminis kung pano nila natagpuan ang isang tagong lugar kung saan sila ay natutong mag-garden. Ayun naman pala e..... Si Mary yung babae kasama ang pinsan na si Colin at ang friend na si Dikon.
Sa tabi ng nagwewentuhang threesome, may isang lonely guy na nakatingin sa dalawang picture frames. Ang isang fram ay may kuha ng larawan niya kasama ang tila matalik niyang kaibigan. Kita sa larawan na madungis ang dalawa na tila may dumi ng tambutso. Aking natuklasan na si Romeo pala iyon at tinitignan ang larawan nila ni Alfred. Tila iniisip niya ang past kung saan naglilinis siya ng tsimineya at naaalala ang itim na magkakapatid!
Sa isang frame na tinitingnan ni Romeo, makikita ang larawan ng isang kiddielet na may kasamang aso. Ang background ay isang kariton na may mga lalagyanan ng gatas. Eto ang larawan ng mag-among si Nelo at Patrache. Ang dalawang namatay sa ginaw. Marahil naaawa si Romeo sa kinahinatnan ng dalawa.
itutulooooy.....
Note: ntitiyakin kong matatapos tong fiction na to. hahaahahah. Isang walang magawang wednesday to all. May pasok me. Never naaapektuhan ng bagyo sa pinas ang work ko. Umulan bumagyo, may pasok!
isa pang note: ang mga larawan ay nakuha sa google