Wednesday, June 30, 2010

New Chapter!



Inabangan ng buong pinas kani-kanina lamang ang speech ni P.Noy.

Grande!
Bongga!
Star-studded!
Matao!
Full of Hopes!
Madilaw!


Sa pagkuha ni P.Noy sa pinakamataas na upuan sa bayan, ang masasabi ko lang....

Wag sanang gawing hero ang pangulo. Hindi lang dapat siya ang tutulong sa bayan kundi tayong lahat. Huwag iasa ang lahat ng bagay sa gobyerno. Hindi tayo uupo lang at magmamatsag, kailangan may gawin din tayo sa bayan.

At sa 15th President, Sana ay mapangatawanan at maisakatuparan ang pangako at agenda na isinaad noong nangangampanya. Sana ay hindi matulad sa ginawa nia sa senado(No bills na naipasa).

Un lang.......

Monday, June 28, 2010

Baby! Baby! Baby!

Di ko alam kung anong tumama sa aking kokote at nais kong magpaskil ng mga larawan ng cute babies na naka costume. Pak! Mukang naaliw ako sa mga munting anghel na nakasuot ng cute costumes.



















Parang ansarap magkaroon ng anak. Kapow! Sana makita ko na ang prinsesa ng buhay(may ganon pa!)

Sunday, June 27, 2010

My Weekend


Sabado, After shift, 11am
-Umuwi para mananghalian
-Umidlip ng 30 minutos
-Nag-internet
-Napikon
-Nakipagtalo
-Natalo
-Nag-abot ng pamalengke
-Nag Quiapo
-Bumili ng DVD
-Nag Megamall
-Bumili ng Cellphone
-Kumain sa labas
-Umuwi
-Iniregalo ang CP sa ama
-Nanood ng PBB finale
-Nanood na ng DVD (Here comes the bride)
-Naglaro sa Facebook
-Natulog ng madaling araw. (4am)

Linggo, (10am)
-Nag-almusal mag-isa
-Blog walk
-Nood uli DVD (Kimmy Dora)
-Tanghalian with family
-Nood ASAP
-Nood DVD (Here comes the bride, repeat performance sa di nakanood)
-Siesta(30 minutes)
-Nood DVD (wrong turn)
-Hapunan
-Laro ulit sa facebook
-Nood DVD (Hitman reborn)

Wala akong masyadong energy upang magtype ng kwento ko kaya parang bullet form lang. Puyatan muna ng anime.

Saturday, June 26, 2010

Super Mario on Violin

Nakita ko to sa facebook ng kaklase ko noong college. Pinanood ko sya at naaliw ako kasi sabay at tugma sa game ang pag-play ng musician. enjoy watching!

Bento! Bento!

Nagchecheck ako ng mga recent post sa mga wall ng facebook at napadpad ako sa isang user na nangongolekta lang ng kung-ano-anong larawan. Sa aking pagsilip at curiosity, nagbrowse ako at napunta ako sa page 60+ ng album at doon ko nakita ang mga larawan ng pagkain. Buti nalang at may watermark ang larawan at napadpad ako sa site kung saan nagfefeature sila ng mga larawan ng funny food pictures. Nais ko lang mag-share ng ilan sa mga cool pics mula sa site.

Ang mga larawan sa ibaba ay tinatawag na BENTO o ang mga boxed meals na usong-uso sa japan. Eto ang mga kadalasang makikita sa anime na baon ng mga estudyante at pinaghihirapang lagyan ng design at ka-artehan. Ang mga madalas na sangkap sa pag-gawa ng bento ay kanin, isda, hotdog, itlog at kung ano-ano pa. Di ko na patatagalin pa at narito na ang mga bento boxes. enjoy!




 

Friday, June 25, 2010

Imbisibol!



Kanina, may training kami tungkol sa fillers. Eto ang patungkol sa mga ginagamit na salita na hindi naman naaayon kapag nakikipag-usap ka gamit ang banyagang wika. Ang filler's ay ang mga um, ah, well, and then, at kung ano-ano pa. Habang nasa training ay nagkaroon kami ng activity kung saan sa dalawang minuto ay kailangan naming magsalita in english at sabihin ang mga gagawin namin kung kami ay naging invisible sa isang araw. Ang layunin nito ay upang mapuna ng kapareha kung ano ang fillers na madalas gamitin. 

Bagamat patungkol sa fillers ang mga unang bahagi ng aking entry, hindi talaga magfofocus doon ang kwento. Katulad nga ng titulo ng aking entry, ito ay tungkol sa pagiging imbisibol o ang kakayanan na hindi makita. Ang pagiging imbisibol ay madalas na ikinakabit sa mga multo kung saan tanging ang mga may 3rd eye lamang ang nakakakita. Sa mga taong imbisibol, ang mga may x-ray vision lang ang maaaring makapansin sa mga taong nagtatago at di makita ng dalawang mata o kahit apat na mata.

Ang aking itatala ay mga naiisip ko na category o grupo ng tao at kung pano nila gagamitin ang kakayahan na di makita ng mata.

1. Bosero- Sinong di dadaan sa gantong gawain kung ikaw ay may kapasidad na hindi makita ng mga normal na mata. Halos lahat na ata ng lalaking kaklase ko sa high school at college ay ito ang nais gawin sa kapangyarihang astig. Pussy -hunters at Mountaineers ang tawag sa mga boserong lalaki at Bird watcher naman sa babae. Walang pakialam kung tamaan ng kuliti basta makasipat at makakita ng boom-boom-pow.

2. Touchdown People- Eto ang worse version ng mga bosero. Kung ang mga bosero ay masaya na sa patingin-tingin at malapitang view, iba naman ang touchdown. Base na nga sa pangalan, hilig nila ang mag touch at minsan kahit maging touchdown pa. Walang kiyeme basta mahaplos ang bundok na may holen na may lumalabas sa butas o kaya naman nais mapatayo at mapa-standing ovation ang manoy. Kung mas lalala pa ay puwedeng humantong sa pene...... penetensya.

3. Avengers- Hindi pagiging superhero ang gagawin ng mga taong ito. Sila ang mga taong may hinanakit sa mundo. Sila ang mga bitter once at nais gamitin ang kakaibang powers upang maipahamak ang taong kinaiinisan o ang kaaway na kinasusuklaman. Sila ang mga tipong iihian ang mga kinababanasang tao. Maaaring tadyakan sa yagbols ang mga kupal na kinabubuwisitan. 

4. Fairygod Fairy- Eto ang mga grupo ng tao na gustong tumulong sa taong nais nilang pagkalooban ng mgandang gawain. Sila ang mga counterpart ng avengers. Ang grupong ito ay tanging good deeds lang ang alam. Sila ang mga sinasabing nais kunin na ni lord sa ubod ng linis ng budhi. Ang mga nagchacharity at handang mag-iwan ng pera sa deserving people na ayaw nilang ipabatid ang pagtulong.

5. Dorang Chikadora- Ang mga taong mabibilis pagdating sa mga latest. Sila ang mga taong gagamitin ang imbisibility upanga makakuha ng scoops. Eto ang mga stalkers kung saan aalamin ang mga kaliit-liitang sekreto ng mga artista. Sila ang bubuntot sa bawat happenings at gatherings ng mga stars upang magkaroon ng blind items. Sila ang may latest da who at sinetch itech dahil alam na alam ng info ng celeb.

6. The Traveler- Sila ang mga pips na nais maki-hitch sa mga magagarang sasakyan at makapunta sa iba-ibang destinasyon ng libre at walang bayad. Sila ang mga hitch-hiker at freeloader. Ang nais sa buhay ay mag-hop-in sa ride at vrooom-vroom to the place na nais puntahan. 

7. Richie Rich- Individuals na ang nais ay ang makamundong yaman at salapi. Sila ang nagbabalak na manguha ng pera ng iba at gamitin sa pansariling interest. Eto ang group na tila madaming bayarin at pinagkakautangan kaya pera ang main priority. Dibale ng di makasilip basta may perang mapang-tototot.

8. Lafangero- Food and drinks lover. Di na nila hihintayin na makakuha ng pera upang makabili ng pagkain dahil uunahin na nilang tirahin ang mga pagkain sa mga restaurants at fastfood. Sila ang mga taong kukurot-kurot sa balat ng litson ni aling mila o kaya naman ang babangas sa crispy chicken skin ng max's.

9. Plain and Simple minded- Eto ang mga taong nais lamang na hindi makita ng kapwa nila. Kadalasan ay mga nais lamang di mapansin kaya gagamitin lamang ang invisibility prowess sa pagtambay sa isang hulok. Considered as taong bato na walang nais sa buhay kundi magpahinga at di maabala.

Ang mga nasa listahan sa itaas ay mga naisip ko ding gawin. Eto ang aking mga minithi at pinangarap noon at kahit ngayon.Sana lamang na pag magkaroon ako ng gantong kakayanan ay di rin lumaganap ang kakayanan na makita ang imbisibol. Bad trip naman kung biglang may makakakita sa iyo at sisigaw ng...... "Boom khanto!........ Save!"

Thursday, June 24, 2010

New Rangers!

"It's morphin time!"
Tyranasaur! green two! blue three! yellow four! Pinkmask!


Power Rangers at ang mga sentai, ito ang mga patok na patok sa mga kabataan noon at kahit ngayon. Ang mga rangers ay mga grupo ng kabataan na napili upang maging tagagulpi ng masasama. Sila ang mga tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan. Ang mga destined ones upang protektahan ang mundo mula sa kung ano-anong anik-anik na nagtatangkang sakupin ang mundo o maghasik ng kagaguhan o nais wasakin ang katahimikan.

Ang mga power rangers na sikat sa america ay nagmula sa sentai series ng japan. Kung matatandaan sa aking lumang post ng larawan ng mga sentais ng japan(http://khantotantra.blogspot.com/2010/01/sentai.html), halos lahat na ay napagdaanan ng sentais. May power ng mga magicians, powers ng kotse, galactic powers, ninja, dinosaurs, at kung ano pa. Pero ang nakapagtataka, wala pang power rangers na may kapangyarihan ng prutas.

Heto ang aking ginawang larawan ng mga Fruit Ranger kung saan may kapangyarihan ang mga rangers na galing sa prutas. Ang prutas ay umaayon din sa kulay ng mga rangers. Ang larawan na nasa ibaba ay inedit ko lamang gamit ang isang editing software habang ang larawan ng rangers ay nakuha sa http://www.supersentai.com/database/index.html).



1. Mansanas Man (Red Ranger): Eto ang kulay na laging lider sa mga rangers. Pulang mansanas at hindi strawberry sapagkat mas panlalaki ang mansanas. 



2. Langka Man (Green Ranger)- Ang berde ay isa sa kulay ng mga rangers. Wala pang green ranger na babae kaya mas babagay ang malaking nakakatusok na prutas na ito.



3. Banana Man (Yellow Ranger)- sa mga power rangers, kadalasan ay babae ang yellow subalit may times na lalaki din ang gumaganap dito. Saging ang nararapat sapagkat pedeng ihilera sa boys at gustong gusto ng girls.



4. Blueberry Girl (Blue Ranger)- Usually ay panlalaki ang kulay na blue pero tila pro 3rd gender nadin ang mga rangers kaya pede na mag cross colors ang mga ito. 



5. Dragon fruit girl (Pink Ranger)-  Girl na girl ang kulay na pink at never pa akong nakakita na pink na lalaki. Bakit dragon fruit? Pag binuklat at hinati sa gitna, sisiwalat ang maputing laman.



6. Snowberry girl (White Ranger)- special ang kulay na white sa mga rangers. Karamihan ay special characters sila na may bonggang powers. Dahil nga special, swak ang sosyal na snowberry.



7. Tangelo Man (Gold/Orange ranger) - isa nanamang special character sa rangers. Wala akong makitang rason kung bakit tangelo bukod sa malapit lang siya sa kulay na gold.

Masakit man isipin pero sa tingin ko ay ten years bago maisipan ng gumawa ng mga rangers na i-adopt ang aking ideya. Kung ayaw nila ng prutas, pede naman gulay. Red tomato, green peas, yellow corn at black beans.

PS: pasensya na sa kababawan ko. Naisip ko lang ang ideyang to habang nakasakay sa jeep at nakakita ng grupo ng high school na teknikolor ang mga damit.

Wednesday, June 23, 2010

Poketube!

Here's a pokemon video. Pantanggal stress lang ang entry na ito.

Growing up!

Pana-panahon ang pagkakataon. Maibabalik ba ang kahapon.

Ambilis ng mga araw. Di natin namamalayan, ang mga mumunting anghel ay naging binata at dalaga na. Ang mga teens ay nag mature. Ang mga mature ay naging withered. Ambilis ng panahon.

Ang matututunan sa pagtanda ay dapat i-cherish ang mga bagay na nangyayari sa buhay. Wag sayangin at ipunin ang mga alaala dahil mabilis ang oras. Sa isang iglap, di mo na pedeng gawin ang dapat ay nagawa mo o ginagawa mo.

Emo mode lang muna habang nagpapaskil ng mga larawan na nagpapakita ng pagtanda sa paglipas ng mga araw.

Tuesday, June 22, 2010

Hong Kong Choi





Kung may bad news, dapat may good news!

Matapos ang nakakainis na day ng pag-asikaso ng passport ay nag Megamall kami upang magdinner. Since buo kaming apat at kasama namin ang ka-opisina ni mommy ay kumain kami sa hindi fastfood. Dyahe naman kung sa Mcdo o Jollibee namin pakakainin ang bisita at kasama namin sa paglakad ng passport.

Napadpad kami sa Atrium ng Mega at andun ang mga resto. Since batang karinderya lang ang pobreng khanto ay hinayaan ko na sila na lamang ang mamili ng place dahil ang alam ko lang na mga kaininan ay fastfoods at ung mga middle dining like Kenny rogers, sbarro, pizza hut. Di alam ng dila ko ang lasa ng mga chinese cuisine at iba pang resto na babarilin ang bulsa mo.

Ang napiling resto ay ang HK Choi o Hong Kong Choi. Matatagpuan ito sa 2nd floor area ng Atrium sa megamall. Pagpasok sa loob ay oks ang ambiance. May rotating disco ball este golden chandelier pala. Okay sana ang pwesto na malapit sa windows at kaso since 5 kami ay di kami kakasya kaya dun kami sa middle part umupo. Since hindi naman ako ang magbabayad sa gastusin ay di ko na tiningnan ang menu at hinayaan ang aking ate na umorder.

4 in 1 celebration pala ang naganap dahil Nung Sunday ay Father's day. Kahapon ay Death Anniv. ng namayapa kong kuya at ang pagapply ng passport at today ay wedding anniv naman ng parents ko.



Pagpasensyahan nio po ang larawan ng mga pagkain dahil tulad sa mga ibang entries ko ay anh handy-dandy cellphone ko lamang ang aking gamit.



1. Beef with Brocolli- Tama sa pagkakaluto ang gulay. Crunchy pa ang stems at green na green padin ang kulay ng leef ng gulay. Sa kasamang beef, di matigas at di rin gummy. Oks din ang mushroom na kasama nito.



2. Sweet and Sour Pork- Very crunchy at madami ang servings nito. Napreserve ang lasa ng green at red bell pepper na nagcocompliment sa pineapple tidbits. Ang sourness ay sakto lang dahil well blended sa sweetness due to the orange zest  at honey namalalasahan.



3. Glazed chicken Honey- Medyo bitin in terms of serving dahil iilang piraso lang ito. Okay lang naman dahil sa honey ulit. No other comment kundi bitin ang dami.



4. Crunchy lemon chicken- di yan ang tunay na pangalan, pero yan ang aking ipinangalan kasi yan ang aking nalasahan. Ang lemon mixed with honey ay talagang nakakagana. Crunchy na crunchy pa ang malai chicken popcorn/ strips. Parang ung orange chicken ng chowking pero ibang level ang lasa.



5. Fish Fillet- Ang fish fillet dito ay di prinito. Parang steamed and quickly stir-fried ang dating. Though kung titingnan on a physical look, parang siomai wrapper na kumapal, pasado naman ang lasa kasi naiiwan sa dila ang flavor ng isda.

Walang larawan ung fried rice na inorder kasi mabilis naubos atsaka late dumating. Nauna na ang mga viands o ulam subalit wala pa ung rice. Finollowup pa bago makarating sa hapagkainan kaya pagkalapag, wala ng picture picture, lapang na agad. Ang rice ay may mixture ng chicken strips, sayote bits at spring onions.



Para sa drinks, ang mga kasama ko ay normal na coke in can at coke zero ang pinatos samantalang sa walang kamatayang ice tea ako.

Solve na solve ang stomach out ko dahil bondat ako sa kinain. May sobra pang chicken lemon, sweet and sour at fried rice na tinake out. Overall, okay ako sa pagkain sa HK Choi.

Bago umalis ay nagpicture picture muna kami.


Tres Marias


Magkumare


Mag-ama


Magkapatid


Mag-ina


Mag-ama din

PS. Nakuhaan ko ang larawan na nasa ibaba sa mala placemat ng resto. Talagang may nakapaskil na NO VETSIN. Walang monosodium glutamate ang food nila meening walang taktaktak, ajinomoto umami seasoning. :D