Friday, December 31, 2010

Happy New Year sa Inyo!!

Christmas at ang Restday

Bago matapos ang 2010 ay nais ko lang i-share ang happenings sa akin last christmas at nung nag-restday ako. Alam kong late na dahil 31 na today pero medyo na-preoccupied lang ng kadramahan sa buhay at kung anong sanib ng depression.

Anyway highway, sasabihin ko na. Kaya medyo depress-depressan ako ay dahil may pasok ako ng christmas. Waheheh. I know na dapat di ako malungkot kasi choice ko naman pumasok at nagvolunteer talaga ako kasi naging sakim ako para makakuha ng holiday pay. 

Naging okay naman ang takbo ng buhay noong 24. Ayos nga kasi nabunot sa raffle ang name ko at nanalo ng mouse galing sa events commitee ng opis. Okay din ang flow ng calls kasi kokonti sila... Nakaramdam sila ng christmas spirits at umiwas ng onti sa phone. 

Since 11pm ang tapos ng shift ko, may chance pa sana akong humabol sa house para dun ubutan ng noche buena pero i decided na mag stay at kumain na lang ng food sa opis. Akala ko magiging masaya pero so-so lang ang reaction ko. Damn, walang fireworks masyado na matatanaw sa opis. Bummer talaga. Kung sabagay, di naman new year para sa fireworks.

Na-OP ako bigla kaya umuwi na ako mga 15 mins. after 12. Wird no? Oo, sinumpong ako ng topak. Bago umuwi, dumaan muna ako sa mini stop para bumili ng Mudshake vodka pero di ko feel yung cappucino flavor kaya nauwi ako sa Cruiser vodka. Ewan ko ba. Pagkauwi ng bahay ay kain lang saglit at inubos ko agad yung vodka na parang slush puppy na drink. 


Kinabukasan, parang normal na araw lang din... work.... uwi sa bahay....
___________________________________________________________________________

Monday, Dec. 27, eto ang petsa kung saan imimit ko ang HS friends ko. Actually, common gathering lang sana ang magaganap pero nag-iba ang plans. Ipapakilala daw kami ng aming friend sa kanyang boyfriend. So nagkaroon ng plan to meet-up sa may cubao for dinner.

Mga around 6pm ay nagkitakita na kami sa gateway mall. Then napagdecidan na kung saan kami kakain, and we ended sa Dencio's sa may Araneta coliseum. Medyo mabagal ang service dito... Kahit di naman jampak sa tao... (mababa grade nila sa akin, mga 5/10). Set meal na ang inorder namin para solb. Oks naman ang lasa ng mga food. Ang larawan ay nasa ibaba. Sadyang mabagal lang talaga ang service (kailangang ulitin.. hehehe).
Crispy Sisig

Nilasing na hipon with Aligue
 Kangkong with Bagoong

Sinigang

Chicken something (nakalimutan ko name)

habang kumakain, syempre kwento-kwento about sa kung-ano-ano. Catching up and reminising(wrong spelling, i know). Before kami umalis ay binigyan pala ao ng regalo mula sa lovers. Binigyan ako ng Love vitamins (capsuke na may mini face towel). Love vitamin ang nakatoka sa akin kasi wala pa daw akong nahahanap na mamahalin. Tsk tsk.



After mabusog ay starbucks naman. Haktwali, kaya sa SB kami tumambay dahil may pasok na yung boyfriend ng friend namin kaya naiwan muna kami sa sb para mag-anatay kasi ihahatid pa sa pasay yung bf. Before parting ways, syempre kailangan may photo-ops.

Ako, si Rejoice at ang mag-boyfriend na Jeremiah at Rodel (Left to right)

Kung nakita nio yung last post ko about sa evolution ko, makikita nio yung larawan nila rejoice at rodel na katulad ko ay payatot pa. Sa larawan sa itaas, tanging ang BF lang ni Rodel ang payat.. tsk. tsk.. Kami na ang chubby group. :p

After ng 1 and half hour na pag-aantay, diretso naman kami sa house ng isa pa naming HS friend para ipuslit ang kotse ng family nia. Ayaw kasi ipa-drive sa kanya dahil wala pang praktis kaya to the rescue kami. Kunwari ay pro na sa stick shift o manual car sina rj at rodel kaya nagawang makatakas at magamit ang car.

Magdamag na nagpractice magdrive ang isa pa naming friend. Aside doon, nanood kami ng zombie film na 28 weeks later kung saan ang mga zombies ay mabilis tumakbo at mabilis maka-infect ng tao. Nag-mcdo din kami ng madaling araw dahil sa gutom.

madaling araw na ako nakauwi at tuesday naman ng manood ako ng metanoia.

End.

Scheduled post lang to( 12/31/2010- 2:43am)

Thursday, December 30, 2010

Iputok mo sa labas!


Bukas..... Bukas na magsisimula ang mga putukan sa mga bahay-bahay. Umpisa na ng mga plok-plok-plok at mga boom-boom-boom sa bawat lugar dito sa ating country. Sa mga kabahayan maririnig ang mga silent and loud explosions. Umpisa na ng mga putukan!!

Since magcocountdown na para sa pagpalit ng taon, ang entry for today ay about sa mga paputok. Syempre sikat sa panahong ito ang different things para magdulot ng ingay sa pagsalubong sa 2011. This year, though di ako makakapagpaputok dahil may work ako, nais ko lang magbalik tanaw sa ilan sa mga paputok na nasindihan ko na at na-try without losing any parts of my body. Kwentong putukan lang.

1. 3-star- Bulilit, bulilit... sanay sa masikip... Kung kumilos, ang liit-liit. Heto ang baby ng 5-star. Triangulo ang hugis at di lalaki sa 1 inch ang sukat. Depende sa dami ng pulbura ang lakas ng baby paputok na ito. Noong nasa grade school ako ay ito ang usong paputok kasi sa halagang 20 petot, may 100 pcs ka na na nakabalot sa isang puto paper bag. 

2. 5-Star- Ayan na... Nagdalaga na si Maximo Olivero este nagbinata na ang baby 3-star. From 1 inch ay nag double size na ito. Ang paputok na ito ay kadalasan nakabalot sa japanese paper na red at sa isang pack ay merong 10 pcs. Mas malakas ang putok nito at mas maingay. Pedeng tirintasin ang mga ito upang makabuo ng bulate na mini-mini version ng sawa o sinturon ni hudas.(usual price ay 5 petot per 10 pcs)

3. Kwitis- Lipad darna lipad! Up up and away!!! Heto naman ang paputok na lumilipad. Ang item na sumasabog sa ere. Isang cyclindrical shape na nakakabit sa patpat/ kawayan. Pagkasindi ay bubulusok sa itaas at doon sasabog. Common price nito ay 3 or 4 petot per stick kaso minsan nagiging 5 to 6 petot. Kailangang may bote ng coke para patayo ang lipad. 

4. Watusi- Gusto mo ba ng sumasayaw na paputok, then, watusi ang gamitin mo. Eto ang paputok na kangkarot. Di mapakali sa isang pwesto at kayang magpalakad lakad at maghiwahiwalay sa mas maliliit napiraso at kaya ding tumalon. Kung gusto mo ng tricks, ikalog sa kamay at mag pose ng mala-mask rider black.

5. Lusis- Wingardiam Levisosa!! Aba, kung nangangarap ka naman na maging witch at wizard ay eto dapat ang ginagamit mo. Ang isang patpat na may mga glowing pulbura ang iyong magiging wand. Sa kapal ng usok na dulot nito, pede kang gumawa ng effects at pede din mag-vandal sa walls.

6. Roman Candle- Heto naman ang bossing ng mgalusis. Mas malaki at mas mahaba ang length nito kung ikukumpara sa mga lusis. Di lang glowing prowess ang makikita dahil pede kang mag-cast ng mini fireballs dahil bumubuga ito ng bolang apoy na colored. You can cast, a powerful spell as a wiz.

7. Fountain- Eto ang bagay na hindi mo pedeng hagisan ng barya at humiling ng kahit ano. Eto ang bagay na nagbibigay ng maliwanag na kulay sa kakalsadahan at minsan ang magpupuno ng usok sa lungs mo. For 30 seconds or more ay magiging bright ang lansangan.

8. Crying Cow- Heto ang pinsan ng whistle bomb. Ang super ingay na paputok dahil sa malakas na sigaw na nagagawa nito bago sumabog. Good thing about dito ay alam mo kung asan ang paputok at may chance kang maka-iwas at takpan ang tenga bago pumutok. Bad thing... deadly.

9. Picolo- Ang dakilang nemic na paputok. Joke. Ito ang usong usong lately dahil sa mala-posporong paggamit dito. Pede mong ikaskas sa rough side g kahon at ihagis kung saan. Eto ang naging pamalit sa mga 5 star noong pinagbawal ang pagbenta nito. Malakas at kahit saan ihagis ay pede.

10. Pulling- Di ko alam kung meron pang nagbebenta nito. Eto yung paputok na nasa pisi lamang. kailangang hilain mo with both hands para magpop o pumutok. Usual trick ay pedeng itali sa mga bakal or gate at saka hilain. Medyo pang-bata na paputok.

11. Trumpillo- Ang umiikot na paputok na parang chubibo. Kadalasang ginagamit sa gate ng mga kabahayan upang makita ang pag-twirl ng mga sticks at isa-isang masisindihan ang iba pang trumpillo at makakakita ka ng mga glowing circles.

11 lang na paputok ang nasa list ko dahil never ko pa na-try yung mga expensive na paputok. Hopefully by 2012 ay mag-upgrade naman ang mahawakan kong paputok at masindihan. :D

TC mga pips. Ingat sa pagpapaputok. Tandaan, sa labas magpaputok at wag sa loob. :P

Evolution for 2011

Normal na araw lang sana ngayon pero di ko inaasahan na may something na mangyayari. Galing ako ng restday kaya first day of the week ko ang wednesday. Kalmado ang araw ko pero na shock ako sa nakita ng 2 eyes ko. Sapul ako ng dalawang ligaw na bala. joke. Dalawang pics ang na-sight ng mata ko. ow-no!

Old pictures!! Grabe sa memory. 



Ang una ay pic with my HS friends at ang pangalawa ay sa old team ko sa opisina. Grabe ang naging evolution ko. From the skinny patpatin bata-batuta ay naging tall at chubby-chubbihan ako. 

Para makita nio ang evolution, heto ang changes....

Ang larawan sa taas ay noong nasa 3rd year high ako. year 2001 (Blue cap)

Eto naman yung nag-college ako(4th guy from left)

3rd year College!

Bago ako matanggap sa work

Summer 2009 (left most)

2010
 
Grabe ang binochog ko with the span of almost 10 years. Ayoko naman na mas lumobo pa me sa 2011 kaya kailangang matigil na ang ebolusyon. I need to be fit again. 

Para sa 2011, heto ang aking plano na dapat manalo para ako ay maging maskulado (pumayat lang, ayos na).

1. Itigil na ang sup!!! No more supdrinks!! Kailangang iwasan na ang Sarsi at ang Coke. Kailangangang mag water therapy mode!

2. Magbalik sa slimming coffee! Dahil sa pagpapabunot ko ng ipin last October, umiwas ako sa hot drinks. Aun, nakalimutan ko na yung slimming coffee ko.

3. Tigilan ang 5 rice meals per day!! Over na ako sa kanin. Bawal na sa eat-all-you-kanin! Bawasan ang rice in take.

4. No more sweetstuff! Iwasan muna ang matatamis. Paalam muna sa coffee sessions sa SB. Bawal na mag-choknat. Bawal na ang flattops at curlytops. 

5. Welcome Vegeta... hello na sa vegetables. Gulay mode dapat at less pork.

6. Lessen fries and pizza... Shemay.... pano na pag may pakain sa opis... Mind over matter.

7. Walkathon. Since new sched na next year at baka 9pm-6am or 10pm-7am ang sked ko, dili na muna ako sasakay pauwi. Lakad mode mula Ortigas pauwi sa bahay namin. Kailangang tumaktak ang pawis.

Hopefully ay magawa ko ang isinaad ko dito. Gusto ko ng bumalik sa dati kong figure. :p

Tuesday, December 28, 2010

Khanto Review: RPG Metanoia

Tinatamaan na ako ng kasipagan kaya kahit wala pang 24 hours ang last post ko ay heto na ako at magwewento na. Kung ang last post ko bago mag hiatus ng ilang araw ay tungkol sa mga pelikulang kasama sa MMFF, ngayon naman ay time para mag review ng isa sa pelikula. Nahirapan ako between Tangina este Tanging Ina or RPG pero ang pusong gamer ko ang nagsabing mag-go ako sa animation film so heto ako at magbibigay ng review-reviewhan about sa film.

RPG is RPG
Rocks!!!
Panalo!!!
Ganda!!!

Elibs ako kasi gawang pinoy ang film na ito. Mag maganda sa mga previous animation film na pinakita sa pinas na gawang pinoy. Okay sa olright ang kwento at bagy ang mga cast.

Heto ang summary ng kwento: Isang bata-batutang madaming muta ang adiktus sa onlime game na Metanoia. Sa pagiging adiktus sa game ay wala naman siyang experience na nakukuha sa real life. Then na-meet niya ang isang girl na binigyan siya ng sexperienceexperience na maging tunay na bata na nakakapaglaro outside the online world. But then, syempre, dapat may part na nasa panganib ang bida. So eenter naman ang isang virus na itatago ko eklatus virus na ang ginagawa ay malulong ang mga players sa game. Parang na-hypno ang kanilang brains at tulala sa computer screen. So syempre, kailangan ng mga heroes at to the rescue na ang berks ng bida. the end!

Heto ang mga mukha ng mga atistang nagbigay ng buhay sa mga animated characters.


May isang character na walang picture. Yung character pa naman na iyon ay naging part ng fight squad na kumalaban sa villain. Ang may power na bato-bato-pik. Mukang si Igi boy ng yun kung ang pagbabasehan ay ang sa pic sa facebook.


Btw, ang mga larawan ng mga characters na nag-dub sa movie ay kinuha ko sa facebook page ng metanoia. Pede niong i-search sa fb.

Para sa palabas na ito, bibigyan ko ng 9 khanto points (wow, may ganun ng epek sa review). Nagustohan ko kasi yung part na nagbigay info na ang mga chikiting patrol ay dapat matuto ng ibang games kahit na medyo old school. They should get a life and gain experience outside the game. Kaya din mataas ang score ay dahil sa ganda ng powers nung magician type character sa game. Nerf side lang ay kulang ng poster pic para dun sa isang character. Na-sad lang ako kasi good role din yun tapos walang poster.

For the creator of RPG, kudos!

Next stop na movie at ang Tanging Ina. Di ko alam kung sa movie house ko pa to papanoorin or mag-aantay lang ng downloads. :p

Hiatus Week




Ilang araw akong di nakapagpost sa blog ko. Tinamaan ako ng Christmas depression at katamaran. Lurk at basa mode na lamang muna ako sa blogpost ng iba.

See yah!

Friday, December 24, 2010

Paskolikula


Ilang oras na lamang at pasko na. So everyone ay naghahanda na para sa mga foods na ihahain sa Noche Buena. Excited na din ang lahat para makakita ng mga fireworks sa kalangitan pagsapit ng 12 midnight. Kahit ang mga tao na may work (kasama ako), ay medyo excited na sumapit ang 25. Syemperds, excited din ang mga artists kasi pag nag december 25 na, ang pelikulang kinabibilangan nila ay ipapalabas na sa mga sinehan almost nationwide. Magsisimula na ang Metro Manila Film Festival.

Ang post for today, ay ang mga pelikula na ipapalabas bukas sa Metro manila filmfest. :D


1. “Ang Tanging Ina Mo Rin, Huli na ‘To”- Ang unang pelikula ay super funny. Ang pangalawa ay so-so lang. Hopefully mas mapatawa tayo ng third installment ng pelikula ni Ai-ai. Ayon sa scoop (hindi ng scoop ng ice cream), Almost lahat ng cast from movie 1 ay nasa movie 3 except Heart. Hahagalpak kaya tayo sa Tanging Ina o mapapasigaw ng 'Futang Ina'.


2. “Agimat ni Enteng”- Idol na idol, idol ko si kap! Bossing, bossing! Nagsama sa iisang pelikula ang taong may agimat at ang taong nakapangasawa ng engkantada. Okay ka fairy ko. Makikita nanaman siguro si Ina Magenta sa film hmmmmm..... May bisa kaya ang agimat para mag-hit sa takilya?


3. “Dalaw”- May inuwi sa bahay... si nanay... si nanay... Si nanay a may dalaw... may dalaw sa bahay.... Boo! Kris Aquino ang sinasabing horror queen ay nagbabalik upang magbigay ng suspense thriller sa mga audience. Pasko pero kailangang may takutan. Duduguin este dudumugin kaya ito ng madlang pipol?


4. “Shake Rattle Roll 12″- Mother Lily strikes again. Aba, mukang tuloy pa ang pagpapatuloy ng shake rattle sa pulang tabing aka sinehan. Ang bida sa movie na ito ay si Agua Bendita, Allyna at Rosalinda. nag-improve na kaya ang effects nito o parang same padin ng effects from the previous shake rattle films?


5. “Super Inday at ang Magic Bibe”- Balot, penoy, balooooooot! Ang pelikula noon ni taray queen Maricel Soriano ay nailipat na sa new generation. Marimar turned Super Inday. Kailangang laklakin ni Marian ang itlog ng echoserang bibe na gagampanan ni John Sweet Lapuz. Ang new twist, May hero pa na kasama si Inday.


6. “Rosario”- Abe maria, napupuno ka ng grasya.. Ay mali. Namesung pala iyan ng isang perya queen. Base sa nababasa ko ay nakuha ang movie from someones life. Based daw ito sa isang adultery case. Kung ano ang takbo ng wento, di ko alam. Anyway, tila magtratravel back ka sa past pag ito ang iyong panonoorin.


7. “Father Jejemon”- Ang pelikula ni Comedy King na si Dolphy. Anu ba yun, may jejemom na tapos may jejedad este father jejemon pa. Ajejejeje. 3owzs Phowsz. Controbersyal dahil may mga groups daw na pinapa-boycott ito dahil sa mga scenes na naka-offend sa religious sectors. ajeje


8. “RPG (Metanoia)”- Ang pelikulang animated. Bida sa movie ang isang chikiting na hustler sa online games. Di ko na alam ang susunod na takbo ng wento. hayaan na lang natin na makadating sila sa isla noah este kung saan mang battle realm ang mga kids.

Ayan, may ideya na kayo sa titles ng mga movies. Pede tayong tumangkilik sa movies na gawang pinoy. For 2 weeks, kailangang magtiis ng mga US movie fanatics or para sa nagtitipids, antayin na ipalabas ito sa philippine tv premiere. :D

PS: Ang mga pics ay nakuha sa google :D

Thursday, December 23, 2010

Khantoroscope


Hello, Hello mga pips. Heto nanaman ako at magpopost nanaman ng kahit na anong pumasok sa isip ko. Pagpasensyahan nio na, sinusulit ko lang ang idle time for this december dahil baka wala akong ganong time next year kapag bumalik na ako sa night shift at mahirap numenok ng oras sa pag-kwento (Mahirap mag non-work  thingy sa night shift :p). Anyway, since ilang tulog na lamang ay pasko na at ilang tumbling pa ay bagong taon na, nais ko lang gumawa ng aking horrorscope. Masyado akong naaliw kay madam Zenaida kaya nakiki-horoscope-horoscope na ako at na-inspire ako. (warning: Wag seryosohin ang mga nasasaad)

Without further ado, heto na ang kapalaran na nagmula sa mga bituin, sinuri ng tambay sa kanto, inanalyze at ininterpret. :p

1. Aries

Mag-ingat sa pagtambay sa matataong lugar. Prone ka sa mga mando o mandurukot. Ugaliing isuksok ang coin purse sa dibdib. Maging mapagmatyag, mapangahas, matanglawin. Lucky color is steel. 

2. Taurus

Swerete ka ngayon sa small time na sugal. Tiyaking makakahanap ng nagpapa-jueteng o ending sa PBA. Mas pabor sayo kung ikaw ang kubrador. Lucky color ay Tangerine.

3.  Gemini

Ugaliing mag-log-out sa facebook kung nagrerent ka sa computer shop. Pati ang ym mo na ginamit sa paghahanap ng boylet ay i-sign-out din. Lucky color- Yellow ochre.

4. Cancer

Umabsent sa araw na ito. Wag ka ng magtetext na half-day dahil may dalang kamalasan. Pagsusuotin ka ng wirdong costume para ma-attract ang mga shoppers sa mall. Ikaw ang magiging walking candy cane. Lucky color: Peppermint green

5. Leo

Ma-eexercise ka today. Mahirap makasakay pauwi kaya mapipilitang mag-alay-lakad papunta sa terminal ng jeep o kaya ay lalakarin mo na hanggang makauwi ka ng bahay. Lucky color: Azure

6. Virgo

Be prepared sa aksyon. Dapat lagi kang handa. Tandaan, proteksyon, proteksyon, proteksyon. Wag mag tipid. Never i-recycle ang condom. Lucky color: spermish white.

7. Libra

Magiging masaya ang araw na ito. Uulanin ka ng swerte. Pak. Tingin sa Atm-wohoo. Matatanggap mo na ang inaasam. Mag-ingat ka lang na malaman ng family members. Lucky color: Ninoyish yellow.

8. Scorpio

Mag-umpisa ka ng magbalot-balot! Mag-effort ka namang balutin yung mga gift na binili mo para sa iyong mga inaanak. Tiyakin din na walang tag price ang gift. Lucky color: Dyaryowish gray

9. Sagittarius

Kumanta ka ng happy birthday ng dalawang beses habang naghuhugas ng kamay. Makakaiwas ka sa sakit lalo na kung safeguard ang gagamitin. Di nakakatanggal ng germs ang whitening soap mo. Lucky color: libaging brown

10. Capricorn

Ihanda ang tissue dahil iiyak ka. Binasted ka through text. Hahabol ka pa talaga sa SMP. Hayaan mo, may options ka, mag ice tea or magbigti (joke). Lucky color: Wala... 

11. Aquarius

Matuto ka nga sa gawain bahay. Maglaba ka naman ng mga damit mo. Kaya nga naimbento ang washing machine. Naturingang aquarius pero ayaw sa tubig. Lucky color: Bagong-bilib blue.

12. Pisces

Tandaan ang bilin ng expert, magpaputok sa labas at wag sa loob. Kailangan bang ulitin? Magpaputok lang sa labas at huwag sa loob! Uulitin ko pa? Sa labas at wag sa loob! Lucky color: Kwitish white.

Sa mga guys dyan.... Another hot day for you!!!

Photo credits to: http://boomerangue.wordpress.com/2008/11/12/qual-o-seu-signo/