Thursday, December 31, 2009

Tigre sa 2010!


Sa mga ipinanganak sa taon ng Tigre, heto ang horoscope.(kasama ako sa mga batang tigre)

Horoscope 2010, forecast for the 2010 year of the white Tiger
The coming 2010 year of the metal Tiger is around the corner. It looks like we've got mood swinging, vigorous and hard-working year ahead. As you might guess, coming 2010 year of the metal Tiger is passionate, honest and modest. Sun sign horoscope for the 2010 year of the Tiger like his animal sing is naturally forgiving, rarely holding grudges for long, it symbolizes eternal family values, rate highly friends support and care.

Yearly 2010 forecast and horoscope 2010 for your zodiac sign.

Tiger Personality
Tiger people are difficult to resist, for they are magnetic characters and their natural air of authority confers a certain prestige on them. They are tempestuous yet calm, warm-hearted yet fearsome, courageous in the face of danger yet yielding and soft in mysterious, unexpected places. They enjoy life full of challenges and unexpected events, like visiting unusual places and meet interesting outstanding people. Other people in their part are easily attracted by the tiger's enthusiasm and the course of life. Tiger person finds a pleasure in unpredictable, and while other people would rather make a backward step, he/she is not afraid to explore new and unusual. But it is not that simple to interest the tiger. What they really need is first-hand experience. Usually open and frank, these people are likely to withdraw and you can be aggressive when trapped. As soon as the tiger person has regained his/her sense of security his/her confidence also returns, enabling him/her to set out once more. These people usually tend to trust their instincts, though there is another side of their personality, which assesses situations thoughtfully before launch any actions. Their friends usually secretly admire their determination and optimism, though sometimes may find it complicated to share the tiger's enthusiasm and can be pushed away and left behind. In spite of the fact that tiger people can be courageous and generous friends, if they are not able to achieve what they want, they can be inflexible and self-centered. So if your friend was born in the year of the tiger, there will be highs and lows in your friendship, but the friendship itself will remain firm.


Tiger Love Affairs

People born in the year of the tiger are often sensitive and emotional. They are capable of great love, but they may also become too intense about it. Sometimes they are territorial and possessive. If your friend or beloved is a tiger type and he/she wants you to take his/her side against the bad guys, you most likely will do it. As lovers, tiger people are passionate and romantic, but the real challenge for them is to grasp the true meaning of moderation.
Tiger type of people are often attracted by people with an independent character, but it is important to remember that even if that people are stimulated by the tiger's company and admire tiger's energy, they can still manage without them. Tiger person is usually not afraid to express his/her emotions and feelings, but it is natural for him/her to change his/her preferences. Tiger person needs a partner who remains steady and constant, and quietly pursues their own plans.


Tiger Career
Because of the fact that people born in this year are urgent creatures and always in a hurry to get things done right, they usually choose to operate alone. Tigers like to work; they are hard-working and dynamic by nature. If you assign a task to a Tiger, the job will be undertaken and accomplished with enthusiasm and efficiency. Optimism, determination and initiative are their strong points. While some projects may succeed because tiger has the drive to see them through to the end, the other will be left in a half - way because of the tiger's inability to deal well with failure. Tiger person becomes flustered when colleagues discover that he/she have misjudged situation
In spite of his/her enormous energy and commitment, tiger person must be able to sustain his/her optimism and drive or he/she could dissipate his/her efforts. Other people should hold the pursue strings, budged for the unforeseen and direct him/her to do what he/she is the best at. One of the most important ingredient in a partnership with this type is always to be focused on an objective.
 
Horoscope background


Lucky Numbers: 4, 5, 7, 9, 13, 34, 44, 45, 54

Equivalent Western Sign: Aquarius

Element WOOD

Color GREEN

Yin/Yang YANG

Direction EAST-NORTH-EAST

Wednesday, December 30, 2009

Anik-anik sa Bagong Taon!



Ngayong matatapos na ang taon, nauuso nanaman ang kung anu-anung paniniwala at pamahiin na kailangan gawin o wag gawin sa pagpasok ng bagong taon. Kaya heto ang mga listahan ng mga samut-saring ka-ekekan tungkol sa bagong taon.

1. Maglinis ng bahay para maging maaliwalas ang taon na papasok.- Natural kelangan naman maglinis ng bahay dahil di naman maganda ang tahanan na mukang basura diba? Siguro konting pagdedeclutter ay sapat na din.

2. Magsuot ng polky dots na mga damit na senyales ng pera.- Hala! bilog-bilog? Barya ba ito? Di ba pede ang rectangular shapes para papel na pera.

3. Kailangang mag-ingay para mapaalis ang mga masasamang ispritu- dapat daw magpaputok! Kalampagin ang mga takure at kaldero. Magtorotot at wag manorotot! ayan! mga examples yan!

4. Wag magpautang ng pera- Huwat!!!! Sino naman ang gusto magpautang sa araw ng bagong taon! imbes na pasok pera, ikaw labas pera! (boses intsik). Pansamantalang ilagay muna ang pera sa bulsa upang all year round ay madami kang anda!

5. Halikan ang minamahal sa hating-gabi ng bagong taon- Aba! May katumbas ang pagkikiss sa mistle toe. Ngayon ay umaariba ang kasabihang ewan na hahaba at magtatagal at titibay ang relationship! huwaw! kelangan ko na  makahanap ng mahahalikan! nyahahahaha!

6. Huwag maglalaba ng damit- Na-google ko lamang ito. Ayon sa echoserang balita ay kaya bawal maglaba ay may pamilya o malapit sa buhay na maaaring mamatay. Katakot! Paalisin ang labandera sa bagong taon! wag papasukin! pero kung tutuusin, day-off nila yun diba? ahaha

7. Bawal ang umiyak- Di ka pede mag-cry-cry at maging emo! tandaan, BAWAL EMO! ahaha. Kailangan ay upbeat at happiness and energy! Parang wowowee lang ang drama ng buhay! Kelangan hephep-hooray!

8. Maghain ng 13 na bilog na prutas- Sandamukal na prutas ang kakailanganin! orange, pakwan, melon, anu pa ba? sabi daw swerte pag nakumpleto mo ito. nakakabutas din ito ng bulsa kaya di ko gets ang logic dito.

9. Tumalon sa bagong taon para tumangkad- Hmmmm. parang epektib to sa akin. Nagjump-up at dilang step-up ang aking ginagawa tuwing new year kaya heto lumaki ako pero di ko din sure kung 100% epektibs dahil sa lahi ng dadi ko ay mga laking bulas.

10. Buksan ang mga pinto at bintana- Tandaan! Pinto at bintana ang buksan pero wag hayaang makapasok ang masasamang loob. Infairness, pwede tong kasabihan at pamahiin dahil sinong magnanakaw at masama ang budhi na makakayanang mag-akyat bahay sa gitna ng putukan? Super kapit sa patalim nalang ang taong to!

Ayan ang top 10 mga folks! bahala na keo kung maniniwala tayo o hindi. Happy new year!

Monday, December 28, 2009

Chibog bago 2010!


Ngayong papatapos na ang taon, nais ko sana ay makatikim muli ng pagkain na hinahanap-hanap ng aking panlasa. Mga pagkain na hinahangad ng kalamnan. Nais kong matikman muli bago magsimula ang 2010 dahil mag-uumpisa na ako ng aking Diet. Heto ang listahan ko.

1. Kare-Kare
2. Binagoongan.
3. Bicol Express
4. Sizzling squid
5. Crunchy sisg
6. Putong pula
7. Cinnamon rolls
8. Blueberry cheesecake
9. Merengue
10. Leche Flan
11. Halayang Ube
12. Lambchops
13. Potato Salad
14. Paella
15. Puto Seco
16. Bibingka
17. Suman
18. Salmon
19. Sugpo
20. Yema

Napaka-healthy ng mga pagkain na aking kinatatakaman...... hahaha

Sunday, December 27, 2009

2010 Kapuso Shows



Inilabas na ang ng Kapuso network o ng GMA7 ang mga shows na kanilang ihahandog sa kanilang viewers for 2010. At sa paglabas ng video ay madami na ang mga girian at labanan between kapuso and kapamilya fanatics.

Heto ang mga shows na Ilalabas:

Captain Barbell
The Last Prince
Diva
Panday Kids
Encantadia
Endless Love

Ano naman ang masasabi ko sa lineup?

1.Kung ang Darna ay nagbalik at bago na ang mukha nya, sana ay ganun din si Capt. Barbell. Pero wala tayong magagawa kung gusto ng GMA na si Richard ang gumanap uli.

2. Di ko alam kung bagong istorya ang Last Prince o remake lang. di ko gaanu nasusubaybayan ang love team nila aljur at kris kaya wala ako pakealam. ahahaha.

3. Diva naman ang kay Regine. hmmmmm... parang Bituin ba ang format ng show kung saan magtatagisan ng boses?

4. Anak ba ng Panday ang panday kids o mga batang panday sila? Di ko alam pero mukang ayos naman weapons nila, At least di lamang espada.

5. Nagbabalik ang Encantadia. Masasabi ko eto ay magandang show noon kasi kakaiba effects nia pero di ko sure kasi alam mo naman ang tao, nananawa din pag inuulit, but who knows. Sana mas showy pa costumes ng mga Sangre!

6. Ang nakakaantig na koreanovela ng GMA ay may remake na. Ito ang isa sa pinakamagandang love story na napanood ko noon. Good job sana ang mangyari.

Sana lang e paayos signal ng channel 7 dito sa amin para pede na ulit magpalipat-lipat ng channel!

Pasko: noon at ngayon



Kahapon ay ipinagdiwang ng madlang people ang kapanganakan ni Bro. Tumpak, kahapon ang celebration ng Christmas at ang lahat ay masaya sa pagkakataong ito. Subalit sa ibang dako ng pinas, may isang khanto na di mawari ang pakiramdam. Masama ang pakiramdam ng isang tao na sa di inaasahang pagkakataon ay nilagnat at nagkasakit. Ang dahilan ng pagkakasakit? di pa alam. Marahil sa madaming malalamig at matatamis na makakain at maiinom ay namaga ang tonsil. Pero ang nakapagpasama ng pakiramdam din ay dahil sa pagbabago ng aking pasko.

Eto ang mga listahan ng mga bagay na nagagawa o ginagawa ko noon na di ko na magawa ngayon:

1. Di na pede ang mangaroling, di ko na nakakasama ang mga kaibigan noon upang magbahay bahay at kumanta ng "samay bahay"

2. Di na pede magbahay-bahay at mamasko sa araw ng pasko, di na ako bata at lalo naman wala akong anak na pede isangkapan sa pamamasko(asar lang sa mga may edad na namamasko at kasama mga anak na baby)

3. Di na makagising ng umaga upang tingnan ang saya ng araw ng pasko, laging puyat.

4. Di na makakapagsabit ng medyas sa bintana, wala naman santa claus.

5. Walang regalong bubuksan sa ilalim ng christmas tree, walang christmas decor due to typhoon.

6. Di makakain ng sagana( kelangan mag unti-unti ng diet)

7. magtext at mag greet ng merry christmas(walang cp na may full contact list)

8. Di makapagpaputok(wag green-minded), di makabili ng 5-star or picolo.

9. di makanood ng MMFF(di na naaaliw sa mga tagalog films, anime na hilig)

10. Di makapagsimba, mass sa tv nalang ang napapanood.


oo nga at may pagbabago, subalit di mawawala ang ligaya na dulot ng pasko. Isang araw na wala kang ibang iintindihin kundi makapag-relax, magsaya, kumain, limutin ang problema.

Thursday, December 24, 2009

Avatar!



Avatar! Akala ko ay ito ang inaabangan ko na pelikula tungkol sa huling air bender na hango sa isang cartoon show the legend of Aang. Ako ay nagkamali. Ito ay iba sa naisip kong kwento.

Kahapon ay napagdesisyunan namin na pumunta sa Megamall upang mamili ng mga ipangreregalo sa mga inaanak at mahal sa buhay tulad ng pamilya. Kami ay nagtungo sa mall matapos ang aming shift. Nakabili na ng ipangreregalo at doon din ay napagpasyahan namin na panoorin ang Avatar. Ang next show ay 7pm at 15 minutes nalang ang nalalabi at mag-uumpisa na ang palabas kaya napagdesisyunan namin na bumili nalang ng makakain at dalin ito sa loob ng sinehan. Di na kami makabili sa Jollibee kaya nagtiis nalang sa popcorn, donut at footlong.

Akala ko nung una napakacorni ng palabas dahil hindi siya Avatar the last air bender. Pumasok kami sa sinehan na kakaumpisa palamang. Isinasaad palang ng bida ang tungkol sa planeta ng pandora. Ang bida ay isang lumpong sundalo na sasabak sa ibang planeta. Sa aking isipan, anu nanamang ka-ekekan na istoryang to. Tumakbo ang kwento tungkol sa pagpapatakbo ng bida sa isang parang katawan ng native people ng planeta sa pamamagitan ng isang device na tanging utak ang nagpapatakbo. Baduy! yan ang una kong impresyon.

Habang nagpapatuloy ang kwento, medyo naaaliw na ako in terms of effects and visuals dahil kakaiba ang animations na ginamit at pulido ang pagkakagawa. Nakakaaliw lalo noong nasa gubat ang bida kasama ang soon to be jowawits nia dahil biglang nagliwanag ang gubat na kinalalagyan nila at sumambulat ang napakagandang tanawin dahil ito ay napapalibutan ng makukulay na halaman at mga insektong ewan. Breath-taking ang mga images at parang ansarap picturan.



Tumakbo ang kwento sa pagtuturo ng native girl sa bidang lalaki upang mamuhay na katulad nila. Tinuruan sya pano makibagay sa nature. Kung pano maghunt o mangaso. Kung pano patayin ang kanilang nahuli. Tinuruan din sya kung pano kumunekta sa kabayo ng planetang iyon kung saan kelangan ay ipagdikit ang mala-USB sa buhok ng native sa mala usb port ng kabayo. Nakakatawa at talagang kakaibang istorya.

Matapos matutunan ang halos lahat, napunta ang bida sa deliryong haharapin. Ano ang pipiliin, ang tungkulin sa bagong mundong ginagalawan o ang misyon na una niyang tinahak. Nais ng mga tao na galing sa ating mundo na makalikom ng mga batong maibebenta ng mahal sa planeta natin subalit ito ay matatagpuan sa baryo o komunidad ng mga taong  tigre(muka silang pusang asul na ewan). Kailangan nilang pwersahin na mapalayas ang mga native people. Pinili ng bida na magkaroon ng Treaty subalit bigo. Humantong ang lahat sa madugong laban.

Nasira ang napakalaking puno na tirahan ng native at marami ang nasawi(parang demolisyon lang sa mga squatter). Natalo ang pwersang native. Napag-isipan ng bida na mas mahal nia ang bagong pamilya at sya ay nagsagawa ng plano upang tulungan ang mga lahi sa planetang Pandora. Nag-organisa sya ng malawakang pagkilos. Humantong ang lahat sa matinding bakbakan hangang sa huli ay syempre ay nanalo ang bida laban sa kalaban subalit meroong mga buhay na nasawi.

Natapos ang kwento sa pagpapauwi sa mga tao pabalik ng planet earth at ang bidang lalaki ay inilipat ang kanyang soul sa katawan ng kanyang avaatar.

Sa pagtapos ng palabas, nasiyahan ako sa kwento. Magaling at maganda ang pagkakagawa ng pelikula at di ko na sya natawag na jologs movie.

Eto ang mga senaryong nakaakit sa aking paningin:

1. Ang makahiyang ewan sa gubat. (may batang itatago natin sa pangalang KIMI ang nagulat)
2. Ang tool o device upang makatransfer sa katawan ng avatar (is this Chemotherapy?)
3. Ang mga dragon na halos patayin ka bago ka sumakay.
4. Ang USB hair.... simply amazing
5. Ang pagsasayaw ng mga native people para mapagaling o maitransfer ang kaluluwa ng human sa avatar nito.

Ineengganyo ko ang mga tao na manuod nitong pelikulang ito kaso malabo na dahil sa MMFF na simula bukas!

Tuesday, December 22, 2009

One Piece Locations Movie

Isa pa sa bagong release na One Piece na laruan ay ang One Piece Locations movie toy. Ito ay mas malaki sa nauna kong pinost at kadalasan ay nagkakahalagang 200 or 300 sa mga toy stores.

Eto ang mga larawan na nakuha sa Bandai-Asia.com.





























































One Piece Strong World Toy


Ngayong araw na ito ay bumisita ako sa paborito kong website upang tingnan ang mga bagong one piece na laruan na ginawa ng Bandai Asia. Ako ay natuwa dahil may bagong release na laruan. Ang laruan ay hango sa bagong pelikula ng One Piece, Ang Strong World.

Heto ang sampung desenyo ng laruan. Nakakatuwang isipin na kumpleto sa isang set ang lahat ng tauhan dahil kung titingnan sa ibang nailabas na mga produkto ay di nakukumpleto ang mga tauhan.

1. Di ko matandaan ang pangalan nitong taong to pero ang pagkakatanda ko ay sya ang mortal na karibal ng hari ng mga pirata na si Gol D. Roger

2. Si Brooke, ang kalansay na afro na musikero ng grupo.


3. Ang karpentero at shipwright ng grupo na si Franky.


4. Ang seksing archeologist at historian sa pangkat, si Robin.


5. Si Chopper ang raindeer na doctor.


6. Ang kusinerong matindi ang sipa, si Sanji.

7. Ang may mahabang ilong at duwag na sniper na si Ussop.


8. Ang Mabangis na navigator sa barko, si Nami.


9. Si Zoro ang manunubos at swordsman.


10. Si Luffy, ang Leader ng grupo.

Nakakaaliw na para silang mga Mafia sa kanilang suot kaya ngayong nakita ko sya ay excited na ako na bumili. Kukumpletuhin ko lahat ng ito.

Tuesday, December 15, 2009

MixMo!


Mixmo? Bakit mixmo ang pamagat ng blog entry na ito? Ito ay sa kadahilanang ang araw na ito ay halo-halong emosyon ang aking naramdaman. Pinagsamasamang pakiramdam na hindi maipaliwanag kung ano ang nagduduolt ng ganitong bagay.

Pagkagising palang, ramdam ko na ang katamaran. Medyo tinatamad ang aking katawan upang bumangon dahil sa lamig ng panahon. Sa mga ganitong panahon ay masarap ang humilata at isandal ang katawan sa malambot na kutson kasabay ng malamig na ihip ng hangin na dulot ng bintilador. Nakakatamad putulin ang masarap na pagkakahiga at paglutang ng isipan sa walang patutunguhang panaginip.

Ikalawang bagay ay excitement. Ngayong araw na ito ay ang nakatakdang pagkuha ng MCP exam ng dalawa sa aking kaibigan. Sila ay haharap sa pagsubok upang maipasa ang kanilang Vista Certification exam na ipinagkakaloob lamang sa mga empleyadong nagpakita ng gilas at kagalingan sa pagsuporta at pagbibigay serbisyo sa mga taong tumatawag sa telepono.

Ikatlo ay lungkot. Di ko mawari kung bakit bigla akong nalulungkot. Ito ay marahil dulot ng lumbay dahil malamig ang pasko at walang kasama. Marahil dulot din ito na malungkot ang pasko na paparating dahil walang night diff at taxi allowance dahil nasa pang-umagang shift kami ngayon.

Ingit! Ikaapat na nararamdaman ng bulsang kapos sa kadatungan. Marahil ay naiingit ang isip sa mga kaibigang mga nagsasaya dahil nakapunta na ng ibang bansa o kaya naman ay nakapunta na sa ibang parte ng Pilipinas katulad ng mga Visayas at Mindanao. Ingit din ang nadarama dahil ang mga kasabayan sa kolehiyo ay umaasenso sa larangang napili na tunay na 'related' sa kursong tinapos.

Sumapit ang tanghali at nakaramdam naman ng matinding paghahanap ng makakain. Ngayong araw na ito ay mukang napasobra sa pag-crave sa matamis kaya napilitang bumili ng Leche Flan. Napasarap din ang pagkain dahil sa tindang Calamares sa 17th floor at ang baong Martys vegetarian chicharon.

Pang-anim ay depresyon. Di ko alam kung bakit ako nadedepress sa mga desisyon na ako ang namili. Pinili ko na pumasok sa trabahong lihis ng onti sa aking napag-aralan.  Nag-iisip kung tamang landas ang pinipiling tahakin. Nadidismaya sa pagtalikod sa programming. Nanghihinayang din sa MCP certification na naipasa dahil di ko din napakinabangan ng lubusan.

Galak at saya ang ikapito. Masaya ang araw dahil kahit paano ay di gaanong queueing. Sa araw na ito ay enjoy din dahil kahit paano ay nakakapuslit at nakakapagpataas ng level sa laro. Okay din dahil nakapaghalubilo sa mga kaibigan at nakikipagkwentuhan sa mga kasama sa trabaho.

Inis naman ang sumunod na naramdaman dahil out of nowhere ay nalaman na 25% lang nakuha ko sa QA. Naiinis sa sarili dahil medyo mukang napabayaan ko ang call flow. Marahil ay inis din sa nag QA dahil mukang andaming items ang nilagyan ako ng no. Naaasar dahil kahit na anong klaseng pag-ayos ko sa calls e pilit humahanap ng butas ang mga tao.

Pangamba, yan ang nadarama ngayon. Matapos malaman na kailangan kong i-check ang QA at mag file ng dispute kung sakali ay nakadama ako ng takot. Bakit takot? Ito ay sa kadahilanang natatakot ako na sumobra ang paghila nito sa aking scores. At ang mas ikinatatakot ko ay dahil kung ang nakaraan ay nasa bottom group ako at ang pinaka-kulelat sa team, ay  baka maulit muli sa buwan na ito at humatak sa akin sa rank D pagdating ng quarterly score.

Para akong buwang sa nararamdaman at iniskrambol na emosyon at pakiramdam. Sana bukas ay kaligayahan lang ang madama. O kung sakali ay inspirasyon o pag-ibig naman. :D

Monday, December 14, 2009

Beauties and Bodies!

Wala lang akong maisip na maisulat kaya heto ang mga larawan ng mga kababaihan mula sa mga arcade games at anime. (Mga larawan ay nakuha gamit ang google)


1. Skuld (Oh my Goddess)




2. Maya Natsume (Tenjho Tenge)




3. Chun-Li (Street Fighter)




4. Rogue (X-Men)




5. Mai (King of Fighters)




6. Yui (Fushigi Yuugi)




7. Morrigan (Capcom)




8. Sailor Jupiter (Sailor Moon)




9. Sakura (Naruto)




10. Hancock Boa (One Piece)


Sunday, December 13, 2009

Santino meets Pacgirl!



Ngayong darating na linggo, may panibagong pakikipagsapalaran ang boy wonder ng channel 2 na si Santino. Si Santino na ngayon ay pinaghahanap sa Sitio Bagong Pag-asa dahil ang mga taong bayan ay umaasa sa mga himalang kaya niang ibigay.

Ngayon nga ay ipinapakita na sa telebisyon ang bagong karakter na makikilala ng batang kadikit ni bro. Matapos nia ma-meet si Santa, Ngayon naman ay makikilala nia ang babaeng walang pahinga, ang mala-kurachang tauhan. Ang bagong tao na may dalang bigat ng loob, problema at suliranin ay gagampanan ng kontrobersyal na artista; Krista Ranillo.




Dito ay gagampanan ni Krista ang tauhan ng isang babae na walang tigil sa pagkayod at paghahanap ng raket upang kumita ng pera. Isang bagong bersyon ng kurachang walang pahinga.

Abangan ang mangyayari sa pagkrukrus ng landas ni santino at ng babaeng nais na kumita ng pera. Isusuko kaya nia si Santino upang makuha ang pabuyang isang milyon? Masosolusyunan kaya ni santino ang problema ng bagong tauhang makikilala? maaakit kaya ni Krista ang inosente at musmos na si santino? Iyan ang ating aabangan sa mga darating na araw.

PBB Nomination Night!



Kagabi ay inihayag na nga kagabi sa madlang tao kung sino sa mga nasa loob ng bahay ni kuya ang maaaring mapatalsik at mapaalis ng bahay.

Ipinakita kahapon ang wirdong at kakaibang klase ng nominasyon dahil imbes na mabusising pag-iisip kung sino ang kanilang inonomina at iboboto, sila ay minadali sapagkat kailangan nilang makaboto sa loob lamang ng labin-limang minuto.

Nagkanda-ugaga ang mga housemates dahil madalian lang ang pagpunta sa confession room at kailangan nila sabihin kung sino ang bibigyan nila ng isa at dalawang puntos kasabay ng kanilang rason sa pagboto. Nakaraos naman ang mga housemates dahil lahat sila ay nakapagboto bago matapos ang ibinigay na time limit.


Ang mga nominado ay sila Hermes, Patrick, Carol at Sam. Ngayong bago din ang pamamaraan kung pano maililigtas ng taong bayan, sino kaya ang mapapatalsik? abangan!


Friday, December 11, 2009

Flashbacks

Ang mga sumusunod na bagay ay aking nakuha/ nadampot habang nagbabasa sa isang website. Eto ay copy & paste method lamang.

Sa mga batang 90's, eto ang mga sintomas na isa kang bata noong 1990's.

1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.
2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.
9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito.) haha.
13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.
14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.
15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
20. Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".
21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.
23. Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.
24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.
27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.
28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.
29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".
30. Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.
31. Sumasayaw ka ng Macarena.
32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.
33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.
34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.
35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
36. Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.
37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.
38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.
39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku
40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"
41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."
42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.
43. Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.
44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon
45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.
46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...
47. Napanood mo ang Batang X.
48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.
49. Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles"
50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.
51. Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.
52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.
53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."
54. Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".
55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.
56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.

57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.
58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.
59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose."

60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.

61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose.
 
-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thursday, December 10, 2009

Jollibee Mascots!





Di ko lam kung bakit bigla nalamang pumasok sa isip ko na mag blog tungkol sa Jollibee mascots. Marahil ito ay dulot ng pagdalo ko sa kaarawan ng aking inaanak. Naaliw ako kahapon sa pagsayaw ni  Jollibee kaya medyo ginanahan nadin ako na maisulat ang mga naging kasamahan nia o ang iba pang mga mascot na nakilala ko noong ako ay musmos pa lamang.

Sisimulan ko mula sa mga naunang mascot na ngayon ay di na lumalabas at pinapakilala sa madlang tao.

1. Lady Moo- Si lady moo ay hindi mascot look-alike ni lady gaga. Sya ay ang mala ballerinang baka na nakasuot ng asul na damit mula sa larawan sa itaas. Sya ang kumakatawan sa mga beef na ginagamit sa mga burger ng Jollibee.  Pero base sa wiki, sya ang nagrerepresent din sa milkshakes.

2. Mico- Si Mico ay isa din sa mascot na hindi na lumalabas sa kahit na anong Jollibee party. Sya yung mala batang naka-jumper na may sumbrerong hugis softdrink plastic cup. Isa ito sa mga paborito kong karakter noon.



3. Chickie- Sa pangalan pa lamang, alam mo na kung anu ang produktong kanyang nirerepresent. Isa syang Chicken joy. Sya ang manok ni San Pedro. Eto ang manok na simputi ng pulbos. Eto ang chick na kalabang mortal ni Chuckie ng KFC.



4. Champ- Si Champ ay ang kumakatawan sa produktong jumbo burger ng Jollibee; ang champ. Sya ay mala boksingero na hamburger na may dilaw na kapa. Di ko alam kung bakit natanggal sya sa line up ng mga mascot ng jollibee. Marahil ay nagwagi sa puso ng tao ang karibal niang gentleman na si mr.yum.



5. Popo- Fries? ayan ang kinakatawan ni popo. Siya ang taong patatas. Buhok palang, alam mo na puro hiniwang patatas at hindi kamote ang kanyang alok na pagkain.



6. Mr. Yum- Ang nanalo sa popularidad laban sa karibal na sandwhich burger mascot. Pinataob nia ang kamao ni Champ. Sya ay kilala sa kanyang blue tuxedo o kaya naman ay ang taong naka suspenders. Paborito ko din sya.



7. Twirlie- Eto ang babaeng mascot sa Jollibee na nakilala dahil sa kanyang scandal. Eto ang babaeng ice cream. Kilala sa maikling palda at pigtails. Siya ang umagaw kay Jollibee mula sa kulot na buhok ni Hetty. Ika nga sa kasabihan, daig ng malandi ang maganda, kaya ayun, soplaks si Hetty.



8. Hetty- Ang babaeng kulot salot. Sya ang naka jumper na pink na parang pajama na ewan. Sya ang laging partner ng haliparot na bubuyog subalit kinaliwa at naiwang luhaan. Si Hetty ang kadalasang idol ng kababaihan.



9. Jollibee- Sino ba ang di nakakakilala sa kangkarot na bubuyog na kung anu-anung sayaw na ang naisayaw sa mga birthday party. Sya ang nakilala sa youtube dahil sa mascot scandals nia.


Wednesday, December 9, 2009

Piyesta sa Bundok!



Kahapon, kami ay namundok kami upang makisaya sa piyesta ng Antipolo. Ako kasama sila Rodem at si Marie ay dumayo upang makikain sa aming kasamahan na si Jeff.

Mga bandang ika-anim na ng gabi kami nakadating at  kami ay sinundo sa napagkasunduang lugar..... ang Petron gasoline station. Mula sa gasolinahan, kami ay sumakay sa tricycle at nagtungo na sa tahanan nila Jeff. Bumungad sa aming mga mata ang bonggang tahanan kung saan ito ay napapalibutan ng makukulay na ilaw at makulay na parol. Sa loob ng bahay ay ang kanilang christmas tree at sa ibaba nito ay si rudolph at si Santa Claus.

Nakakalula sa dami ng putaheng nakahain ang tumambad sa aking harapan. may Lumpoang ubod, lumpiang shanghai, kare-kare, chicken teriyaki at dalawa pang chicken and pork dishes. Nasa hapag kainan din ang desserts tulad ng gelatin at leche flan. Kami ay nabusog ng todo-todo sa sarap at dami ng handa.

Matapos makapagpababa ng kinain, kami ay tumuloy sa bayan mismo upang makita ang kanilang magagandang palamunting pamasko. Mukang may concert sa plaza nila kaya kami ay nagtungo sa Ynarez center upang tingnan ang perya. Madaming palaro ang masasaksihan dito, may color game kung saan ihahagis ang bola at kung saan matapat na kulay, un ang magwawagi. Meron din na ring toss game at shooting game. Meron din ang running light at bingo. May palaro din sa paghagis ng mamiso upang isakto sa squares na nasa tabla. Mayroon ding PS3 games na huhulugan mo ng limang piso upang makalaro ng 12 minutes. May mga rides din tulad ng ferris wheel, horror train, flying elephant, merry-go-round at catterpillar. May mini-tiyange din kung saan may mga nagbebenta ng piratang dvdm damit, laruan, bag at mga tsinelas at sapatos.

Matapos makapagliwaliw, kami ay naghanap ng maiinom na kape. Walang malapit na Starbucks kaya kami ay nagtungo sa bago sa aming panlasa at paningin, ang Seisha. Masarap naman ang Frap nila kaso wala silang variety ng sizes. Nakakabitin ang sukat ng inumin pero oks naman pagdating sa timpla at lasa. Dito sa kapihan na ito ay nagkaroon ng kwentuhan.

Nakauwi ako mga alas-onse na ng gabi pero masasabi ko na sulit ang pamumundok...


Tuesday, December 8, 2009

MELASON!



Sa Pinoy Big Brother Double Up ay mayroong nabuong pagtitinginan. Isang samahan na nagsimula sa paglipat ng babae mula sa House B patungo. Ang pagsasamahan na nabuo sa kulitan lamang sa loob ng bahay ay unti-unting napupunta sa matamis na pagtitinginan.

Melason! Ang tawag sa tambalan ng dalawang housemate na dahan-dahang nagkaroon ng chemistry. Ang pagsasama ng isang pilyong lalaki at ng isang madaldal na babae. Ang dating puro kabulastugang pagsasama ay nauuwi sa pagmamahalan?

Over-over! Yan ang katagang madalas marinig sa bibig ni Melai tuwing makikita sa telebisyon. Unti-unting nahulog ang loob sa binatang lagi siyang pinag-tritripan. Samantala, si Jason ay nahulog ang damdamin dahil si Melai ang nagbibigay ng ngiti at saya sa kanyang pagtira sa loob ng bahay.

Kagabi ay ipinakita ang pagdadate ng dalawa kung saan sa tulong ng ibang housemate ay kinidnap si Melai at iniwan silang dalawa ni Jason upang makakain at makapag tapat ng nararamdaman. Nagulat at di makapaniwala si Melai dahil ang kanyang depensa ay di naman sya kagandahan at baka nagtritrip lang si Jason. Umamin si lalaki na nung una ay di nia tiyak ang nararamdaman dahil baka epekto lamang ito ng closed environment pero mukang talagang tinamaan na ni cupido ang puso nito.

Abangan ang kahahantungan ng tambalang Melason.

Monday, December 7, 2009

Weekend Balita



Nitong nakaraang Biyernes, kami ay umuwi sa aming probinsya upang dumalo sa 1st death anniversary ng aking lola. Ang totoo nyan ay dapat november pa ang anniv pero sa di ko mawaring dahilan ay dapat daw 13th month after the death ang pagpapababang-luksa.

Nagbyahe kami gamit ang kotse ng aking ate. Mala-sardinas mode kasi madami kami at medyo may kalalakihan ang katawan. Sa isang kotse ay pinagkasya namin ang 7 kaao. Tipikal na ang ganitong sitwasyon dahil ugaling pinoy, basta mapagkakasya, keri lang. Ate ko ang nagmamaneho. Ang aking tito at ang bunso niang anak na medyo bata pa ang nasa harap. Ako, dalawang pinsan at tita ko ang nasa likod. Nakakatawa kasi tanging ako at ate ko lang ang magkapamilya. Nauna ng umuwi ang mom ko habang ang dad ko ay susunod nalang-komyut mode. Takot ding sumakay si mami at dadi sa sasakyan pag si ate ang magmamaneho kasi first time lang ni ate na byabyahe papuntang probinsya. Nag stop over kami sa may shell upang magpagasolina at kumain.

Nakarating din kami ng ligtas! hooray! At nagsimula na ang pagbagal ng oras. Bakit ko nasabi? Dahil sa halos di naaabutan ng sibilisasyon ang probinsya, wala kang magagawa kundi tumunganga. Dala ko nga ang laptop ko at namili ng dvd upang may mapanood subalit sa dami ng bata na usisero, di ka naman makapanood ng tama. Dahil di padin gawa ang bahay namin sa probinsya ay walang matinong mapwepwestohan upang makanood. Isa pang dahilan ay nagrenta ng videoke ang tita ko kaya napaka-ingay sa kapaligiran.

Natapos ang Sabado na halos walang magawa sa buhay kundi tumambay, matulog, maki-usi sa kakataying baboy para sa handa, magpalakad lakad sa kalsada, magpunta sa bukid at magpicture at kumain.

Linggo, ang araw kung saan itinakda ang huling araw ng padasal. Eto rin ang inaantay ng buong baryo dahil sa tuwing may babang-luksa, may tsibog. Ang mga putahe na inihanda ay Igado(parang adobo), pininyahang manok, sweet and sour fish, fish fillet, lechon kawali. May softdrinks na kasama at salad pa. Grabe, di ko lubos maisip na andami pala sa baryo namin, parang nagsilabasan ng marinig ang paputok na hudyat ng kainan dahil tapos na ang dasal. Pila-balde kung tatawagin ng iba. Hindi naman simot todo kasi madami namang hinanda, un nga lang, nagkaubusan ng softdrinks at salad sa di nakontrol na pag-ulit at pag-doble ng iba.

At mabagal padin ang oras. Papauwi na kami ng magkaroon ng pagtatalo at away sa pagitan ng aking ate at pinsan. Dahil nga siksik kami sa kotse, sinasabi ng tita ko na makisabay sa kamag-anak ang aking pinsan dahil wala naman syang pasok kasi di sya nag-aaral. Binibiro pa sya na maiwan na lamang sa probinsya. Aun, napikon at biglang sinabi na mabangga sana ang sasakyan. Narinig ng ate ko at nagalit syempre. Sino ba namang matinong tao ang sasabihin yon kung saan sasakay ang halos buong pamilya nia sa sinusumpa nia na madisgrasya. Ang hampas ng dila ay mas masakit ika nga sa ibang aklat kaya nag-init lalo ang pagtatalo. Sa mga binibitawang salita ng parehong apoy ay lalong nagningas at lumalaki ang away. Mula sa putang ina, leche, tarantado, gago, bobo, tanga, walang kwenta ay mas lalong duduguin ang tenga mo. Walang nais magpatalo sa dalawa kaya kaya todo padin ang alitan. Hangin, yan ang inilalabas ng dalawang taong nagpapataasan ng ihi sa isa't isa. Nagsisisihan at nagpapayabangan. Pareho ding nagsisiraan at naglalabasan ng kung anong pintas ng kapwa.  Humantong pa nga sa nais manghampas ng kung anung bagay ang pinsan ko.

Ayokong idamay ang sarili at gumitna dahil pareho silang may kasalanan. Parehong makitid at marupok. Ayokong sirain ang araw ng kahit paano ay oras ko upang makapagpahinga. Hinayaan ko na lamang na ang mga nakatatanda ang umawat sa nagbabanggaang Pula at Asul na apoy. Upang makatulong na lamang ay imbes na sumakay ako sa kotse at hayaang ang aking magulang na magkomyut, ako at ang aking ama na lamang ang nagdesisyon na umalis at mag bus. Maaari kasing magkaroon pa ng pagtatalo ang ate ko at tita ko tungkol sa away dahil kabisado ko ang ugali ng ate ko na maaaring magdadadakdak pa at kung anu-anu ang masabi. Kilala ko din ang aking tita na isa ding taong apoy na maaari ding sumabat at magkaroon ng pagtatalo habang nasa biyahe kaya mas mainam na ang mami ko ay kasama sa kotse. Ang pinsan ko naman na nakaaway ng ate ko ay kasama namin sa bus.

Aun, ang weekend na magulo at nakakabagot. Tapos. Walang gaanong larawan kasi di ko pa nablublutut at nakukuha ang mga larawan.