7

MY BIRTHING KWENTO

Posted by abie on 3:30 PM in
it has been a while since I last posted a message here at my blog. i have been busy being a mom to our little princess YSABELA MARGRETTE....

I gave birth last Nov 16, 2005, 2:00 pm at the Chinese General Hospital via Caesarean delivery.

November 5 - I was required by my OB to have a Bio-Physical Score and a Non-Stress Test. And nakita nya sa BPS result ko na mababa na ang level ng amniotic fluid index (8.4 cm) ko and pag di pa ako nanganak in 3 days, kailangan ulit ako mag pa BPS para ma check yung level ng AFI ko. Hindi daw kse pwede bumaba sa 5 cm yung AFI ko. And if bumaba na sya sa 5cm, ma scheduled CS ako

November 8 - I had another BPS and NST kse hindi pa din nag o-open cervix ko. It is still not below 5 cm (6.8 cm) kaya sabi ng OB ko pwede pa namin intayin hanggang sa due date ko, which is November 16. But I have to have another BPS and NST on November 10 to check again my AFI. Pero binigyan na din nya ako ng mga endorsement letter sa DR, para in case na maglabor na ako, pwede na daw ako dumiretso sa DR.

November 10 - May conference lahat ng doctor ng Chinese General so nirefer ako ng OB ko sa Medic Lab. My OB gave me instructions to call her and report to her my AFI. And if it is below 5 cm, magpa admit na daw ako that afternoon para I-CS na nya ako by Nov 11, am. So ready na ako ma CS kaya nag file na ako ng leave sa office. Pero nagulat ako kse tumaas na naman ang AFI ko. From 6.8 cm naging 12.1 cm na sya. So noong tinawag ko sa OB ko yung result ng BPS ko, sabi nya ok pa daw yun kaya balik na lang daw ako for check up and another BPS on November 15.

November 15 - My AFI is 5.8 cm na lang kaya ineschedule na nya ako for CS ng November 16 ng hapon. Hindi ko kasama si Howell noong check up kaya tinext ko sya to give him a heads up na magpapaadmit na ako that evening. Umuwi muna kami ng mom & dad ko para kunin na yung mga gamit na dadalhin namin sa hospital. Pagdating sa bahay, I tried to sleep para ma relax ako pero hindi din ako makatulog kse kinakabahan na ako. After eating dinner, hinatid na kami ng mom & dad ko sa hospital. Noong naka settle na kami sa room ko, umuwi na sila and sabi babalik na lang sila tomorrow am.

November 16 - I ate my first & last meal for that day around 5:30 am. Di na kse ako pwede kumain after 6AM. Then around 6:30 nilagyan na ako ng dextrose. Around 12 pm, sinundo na ako ng nurse para ihatid ako sa OR. Howell, his sister, my mom & dad and and my Tita Jie was there para ihatid ako sa OR. Habang papunta kami sa OR, naiyak talaga ako sa takot. Buti na lang mabait yung mga nurse na kasama ko while waiting for my OB and anaesthesiologist sa OR. Nakipag kwentuhan sila sa akin kaya medyo na relax ako. Tinanong ko din yung asst. ng anaesthesiologist ko kung masakit ba yung anaesthesia kse sa spinal sya itusok. And inexplain naman nya sa akin and hindi daw sya masakit kaya nabawasan din nerbyos ko. And tama nga sya, kse wala talaga akong naramdaman noong tinusok na sa akin yung anaesthesia. A few minutes after, wala na talaga akong maramdaman from my abdomen down.

Around 1:30 noong nag start yung operation ko. Medyo inaantok ako and medyo umiikot paningin ko (epekto siguro ng anaesthesia). Pero hindi talaga ako natulog hanggat di ko naririnig baby ko. Exactly 2:00pm, narinig ko na yung first cry nya. Then after ilang minutes lang, nilapit na sa akin si Bela para sa aming first picture. Ngiting ngiti nga ako sa picture namin na yun. Sabi ng mommy ko parang di daw ako nanganak. Sayang nga wala si Howell don kse di allowed sa CGH na isama ang husband sa loob ng OR. Good thing na video naman ng nurse yung pagkuha kay Bela sa tyan ko pati yung first cry hanggang dalhin sya sa nursery. Past 3 na natapos yung operation ko and around 7 pm na ako nadala sa room ko from the recovery room.

Giving birth to Bela is one of the most amazing experience I have. Truly, Ysabela is the greatest gift that Howell and I ever received. We're both so thankful to God for giving us, our little princess Ysabela....

You can check some of Ysabela's picture by clicking the link below:
~~~~~
YSABELA MARGRETTE'S BIRTH STATISTICS
BIRTH DATE: Nov 16, 2005
Time: 2:00 PM
Hospital: Chinese General Hospital
OB: Dr. Teresita Dy-Uy
Pediatrician: Dr. Marilyn Sebastian
Weight: 2.777 Kilos (6 lbs)
Length: 49 cm
Head Circumference: 32 cm
Chest Circumference: 32 cm
~~~~~
I received a number of emails & text messages and read the messages that each of you left for me on my message board. Pasensya na at ngayon lang ako naka reply. Howell & I are very thankful to everbody who visited us at the hospital and sa house and for all your prayers, to all our friends from n@w & w@w (di ko na kayo iisa isahin at baka may ma miss pa ako), our high school & college friends, our officemates, and to our relatives who has always been there for us, THANK YOU VERY VERY MUCH.

3

SURPRISE......

Posted by abie on 5:40 PM in
11:37 pm (nag iintay na lang ako ng ilang minutes para mag lunch break)

angel: abie pwede ba magpatulong?
abie: baket?
angel: may meeting kse kami with the ambassador and ayaw mabuksan yung power point file namin.
abie: ngayon na? (lapit na kse lunch break)
angel: oo sana eh. natataranta na kse kami. pasensya na ha.
abie: ok lang.

so sumama ako kay angel papunta sa multi purpose room and mega interview pa ako sa kanya kung ano yung problem. kse nga gusto ko matapos agad dahil may usapan na kami ng mga lunchmates ko na bababa kami sa food court for lunch.

pag pasok namin sa multi purpose room...

admin gang: SURPRISE!!!!

nag prepare pala ang boss ko ng baby shower for our baby ysabela. syempre clueless na naman ako at di na naman ako nakahalata na may pinaplano pala sila. sabi ko nga magaling talaga umarte si angel. kse noong bridal shower ko naman, sya din yung sumundo sa akin sa room ko para dalhin sa multipurpose room.

sobrang touched talaga ako sa boss ko. sya kse nag prepare ng lahat. from the invitations, banner, decorations, food (yes, sya nag luto ng lahat ng handa), souvenirs (biro mo may souvenir pa sa mga umattend). naka leave nga sya yesterday kse nag prepare nga sya ng food na dadalhin nya today.

below are some pictures:

Image hosted by Photobucket.com
the invitation
Image hosted by Photobucket.com
the decorations
Image hosted by Photobucket.com
the guests
Image hosted by Photobucket.com
the gifts
Image hosted by Photobucket.com
admin gang w/ my immig friends

more pictures can viewed here. (under Baby Shower by Michelle folder)

thank you talaga, michelle, for the baby shower. you're the best talaga....

0

amazing....

Posted by abie on 2:50 PM in
nakuha na namin yung CD ni Ysabela last saturday which contains avi & jpg files of Ysbela's 4D ultrasound....

noong una nga medyo hesitant kami to have the 4D ultra sound. medyo malaki kse ang difference ng price nya sa 2D ultra sound and sabi ng iba, di nga daw worth it. ipambili na lang daw namin ng gamit ng baby yung money. so nag canvass muna ako sa mga hospitals ng price nila for 4D ultrasound and I found out na kaunti lang pala mga hospitals dito na nag o-offer ng 4D ultrasound. Even Makati Med still does not have the 4D equipment.

Medyo na dissapoint nga ako noong una kse yung first 2 hospitals (St. Luke's & Cardinal Santos) na nag o-offer ng 4D Ultrasound, sobrang mahal nya. Buti na lang na-alala ko yung friend ko and sa Medical City sya nag pa pacheck up and nabangit nga nya na may 4D Equipment na sila don. And noong tumawag ako, mas cheaper sila ng a few hundred bucks compared sa St. Lukes & Cardinal Santos.

So we decided to go for it. Kse sabi nga namin ni Howell di na namin makikita ulit baby namin inside my womb and paglaki ng baby namin, papakita namin sa kanya yung mga video files and picture nya while she is still in my womb.

We had the 4D ultrasound last October 8. Ang aga nga namin nagising ni Howell kse excited kami pareho. When it is our turn na, sabi ng sonologist, nakatakip daw yung arms & hands ng baby namin sa face nya. Ginalaw galaw nya yung tummy ko para mag iba ng position baby namin pero naka indian sit pala si baby bela and nakatukod yung siko nya sa tuhod nya kaya kahit anong galaw ng sonologist sa tyan ko, ayaw pa rin mag iba ng position si Bela. So sabi nila kumain daw muna kami and maglakad lakad para gumalaw ang baby namin and pinabalik nila kami after 45 minutes.

So kumain muna kami and naglakad lakad then tsaka kami bumalik. Habang nag iintay kami na tawagin ulit, naramdaman ko na gumagalaw na si Bela. So sabi ko kay Howell, baka nag iba na sya ng position. Kinakausap din sya ni Howell habang nag iintay kami para nga sabihin kay Baby Bela na mag change na sya ng position nya.
And we're so happy kse tinaggal na nya hands nya sa face nya kaya the sonologist we're able to get a good picture of his face. Dami nga nilang na capture na video file & pictures. Ang tagal nga namin kse mabait yung sonologist and kuha lang sya ng kuha ng pictures & videos kaya sobrang enjoy talaga. And sabi ko nga kay Howell it was really worth it.

Indeed, it was another heart warming experience for me & Howell to see our Baby Bela while she is still in my womb....

Here are some pictures of her Ultrasound

Image hosted by Photobucket.com
ysabela in the womb @ 34-35 weeks

Image hosted by Photobucket.com
future lisa macajua?

Image hosted by Photobucket.com

You can view more of her Ultrasound Pictures at Ysabela's Webshot account.


0

our wedding album layout

Posted by abie on 3:00 PM
sa sobrahg busy ko sa office, ang tagal ko ng di nakapag update ng blog ko...

nakuha na namin yung lay out para sa wedding album namin. and they're 3 days ahead sa deadline na binigay nila sa amin kaya happy-ng happy ako. i was also satisfied and gandang ganda talaga ako sa lay out. akala ko nga wala na kaming papa edit, except sa mga quotes kse may mga quotes na kaming napili para sa album.

satisfied din si howell, athough may mga changes pa syang pinagawa. sa amin kse, si howell ang may artistic side kaya mas marami syang naisip na idea na sa tingin nya mas maganda ang output kesa sa original lay out. and he's correct. kse mas nagandahan nga ako sa 2nd lay out nila after incorporating the changes that howell suggested.

and happy ulit ako sa service nila kse sabi nila they will be able to finish the revisions after 3 weeks pa daw. pero last week (after 2 weeks from submitting the revisions that we want), ma'am berna (the wife of ariel javelosa) called me up sa cellphone ko para i-inform ako na ma upload na nila yung bagong lay out ng weekend.

may mga little changes na lang na kulang sa 2nd revisions. hopefully ma finalize na namin yung lay out ng album before the end of October para mga first week of December makuha na namin yung final album...yehey...excited na ako...1 month pa kse ang iintayin namin, after finalizing the lay out, para sa pag print ng album eh.

you can view the 1st and 2nd lay out of our album sa webshots namin. it is under Wedding Album 1st Layout & Wedding Album - 2nd lay out folder.

0

surprise baby shower....

Posted by abie on 11:01 AM
last friday, my friends from the office surprised me with a baby shower...galing talaga nila maglihim. nonng shower party ko din, ni hindi ako nakatunog that they are up to something. ngayon din, wala akong ka id-idea na may surprise baby shower sila para sa akin.

kakalipat lang kse ng isa kong friend sa bago nyang condo unit sa cityland. so ang sabi nila house warming party daw yun. so buong akala ko talaga house warming party yun. sobrang busy din kse nila and ang dami nila pare pareho gastos kaya hindi na talaga ako nag e-expect na magpapa baby shower pa sila para sa akin.

pagdating namin sa cityland, nagulat ako coz i was greeted by this sign:

Image hosted by Photobucket.com

so doon ko lang nalaman na baby shower ko pala yun....hehehe....

sobrang happy nga eh...parang get together ng barkada ang nangyari...wala ng program program, kse di daw talaga nila alam kung paano mag host ng baby shower (ako kse ang first sa barkada na nag asawa at magkaka baby)....

pinanood muna namin yung wedding video namin, tapos kainan (ang daming food grabe), kulitan, then binigay nila isa isa yung gift nila, tapos picture taking, at syempre inuman....nalasing nga ata si timmy eh...

nag uwian kami 10:30 na....sabi nga ni dennis, first time daw ata na ang tagal namin magkakasama...usually kse pag may get together ang barkada, yung iba kailangan umuwi ng maaga kse may iba pa silang lakad. pero last friday, parang lahat kami ayaw pa umuwi....kung di ko nga lang check up kinabukasan, di pa din kami uuwi eh...

eto pala yung ibang pictures taken last friday...

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com
laguerta family - tatay, nanay & ysabela

Image hosted by Photobucket.com
the kada minus the bfs

more pictures can be viewed here. look under baby shower folder.

and gusto nyo ba makita kung gaano na ako kalaki ngayon??

Image hosted by Photobucket.com

looks like i'm gonna pop any minute now...hehehe...noong nakita ko tong picture na to, doon ko lang na realize na ganon na pala ako kalaki....hehehe...

to dale, dennis, timmy, may, renee, thank you thank you talaga sa prinepare nyong baby shower. i really really appreciate it at sobrang touched talaga ako...


Copyright © 2009 howell & abie All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.