Pangalawang ramadhan ko na dito sa gitnang silangan. Una kong lapag noong nakaraan ay kasalukuyan nila itong ipinagdiriwang. Di ko man naumpisahan, ngayong taon ay buo ko itong masasaksihan at mararanasan. Hindi na bago sa akin ang okasyong gaya nito dahil laking Mindanao naman ako (kaya h'wag nyo akong gagalitin, makikita nyo ang bangis na meron ako! Lols).
Pero iba pa rin pala ang pakiramdam, na sa bawat taong nakapaligid sa'yo at nakakasama mo sa trabaho ay ginagawa ito. Mas lalong nakakapanibago lalo na't ikaw lang ang kristyano, tulad ng sitwasyong meron ako. Kaya wala na akong ginawa kundi ang obserbahan sila, alamin ang kanilang paniniwala at ginagawa.
1. Ito ang tamang panahon para simulan na ang laging napupurnadang balak magpapayat."No entry" ng kung anu-ano sa bunganga. Bahala na kayong mag-isip kung anong bagay-bagay ang pumapasok sa mga bibig nyo, basta lahat bawal pag nandyan at tirik na tirik si haring araw. Tinanong ko dati sa isang kaklase kung bakit sa takip-silim lang pwede, sagot nya para daw hindi makita ni Allah na sila'y kumakain. Ayos din ang trip ng klasmeyt ko ano? Dahil sa siya'y ini-idolo ko, naniwala namanako sa paliwanag n'ya.
2. Napapanahon na para makapag-ipon. Bawas kain, bawas gastusin. Oras na para madagdagan ang ipon kong 3,000 Php sa bangko. Tiyak ang Metrobankay magdiwang dahil pero ko'y nadagdagan. Yipee!
3. Karamihan ng mga empleyado ay masaya dahil nababawasan ang oras na ginugugol sa opisina, kadalasan pang-umaga na lang ang pasok nila. Naka-jackpot kayo kapag nabibilang ka sa ibang sektor ngmanggagawa - tulad ng sa mall, ospital, restawran atbp. Walang nabawas kundi nabago lang ang oras ng pagpasok mo. Dahil sa ako'y may balat 'ata sa pwet, kabilang ako sa kategoryang ito, PUTIK talagang buhay 'to!
4. Sagana sa pagkain. Kapag nababato at walang magawa sa loob ng inyong bahay, lumabas at maghanap ng pinakamalapit na mosque, mall o hotel at i-enjoy ang nakahaing pagkain. Bago umatake ay siguraduhing oras na ng iftar (fast breaking). Kain lang ng kain basta ba walang pumipigil at walang mga matang nanlilisik ang tingin. Pero dapat ka ng huminto sa kakanguya pagsapit ng bukang liwayway o suhoor. Ops, nakalimutan mongmagdala ng pitaka? H'wag mag-alala, libre yan ni Allah.
5. Maraming"pulubi" ang gumagala. Isa sa kanilang paniniwala at tradisyon ay tulungan ang taong mga nangangailangan. Walang oras kang dapat inaaksaya, bawat minuto aymahalaga para makatulong sa kapwa.
6. Bawal sa kanila ang magmura! Mortal sin ito sa araw ng pag-aayuno. Kaya napapansin nyong kalmado at tahimik ang data-rati'y galit-sa-mundong-style ng boss mo. TIP: Kung trip mong mapatunayan hanggang saan ang level ng kanyang pananahimik at bait-baitan, subukan mo kayang mag-amok nang ito'y iyong malaman?
7. Inuulit ko, bawal ang magmura. Pero hindi ipinagbabawal ang magmahal!<*beautiful eyes*> Superdupercheezzy! Walang basagan ng trip! inlab ako eh!
8. Sa mga kristyanong tulad ko, alamin ang ligtas na lugar para makapuslit panandalian para kumain at uminom. Pag-aralan ang tamang pagkain ng mabilisan. In short, maging mahusay sa larangan ng Quickie! PAALA-ALA: Siguraduhing hindi sopas o nilagang baka ang dalang ulam, kung ayaw mong mangamatis ang iyong dila at lalamunan.
9. Sa buwan ng ramadhan, matuto kang maging "makasarili". Kung nais mong makinig ng musikang rakrakan, iwasang makabulahaw ng katabi. Gumamit ng earphone lagi! Kung ang trip mo ay ang gumiling-giling sa saliw ng musika ni lady gaga, maghanap ng lugar na ikaw lang ang nakakakita. At kung may opinyon kang kakaiba at out-of –this-world ang tema, mas mainam na h'wag mo na itong ibahagi sa iba. I-sikreto na lang ito sa iyong sarili, baka balang araw ang ideyang yan pa ang dahilan para ikaw ay yayaman.
10. Magbasa ng banal na Koran kung kinakailangan. Hindi para magpakitang-tao , kundi upang tuklasin ang maraming katanungan na bumabalot sa iyong isipan. H'wag mahiyang aminin sa sarili na wala kang alam. Mas nakakahiyang gawin ang nagkukunwaring meron kang alam. Isa sa malaking bagay na natutunan ko dito sa disyerto ay ang paggalang sa paniniwala ng iba't-ibang lahi.
Isang patikim lamang ito sa napakayamang kultura dito sadisyerto. Kumbaga, silip lang ito ng ilang bahagi ng kanilang paniniwala.Nawa'y nasiyahan kayo sa pagbabasa. Hanggang sa susunod muli ng paglalahad ko ng buhay sa Riyadh.
Ramadhan Kareem!
Showing posts with label tradisyon. Show all posts
Showing posts with label tradisyon. Show all posts
Friday, August 20
Sunday, February 14
Chinese Horoscope
Kung Hei Huat Chai! Ito raw ang tamang pagbati for Chinese New Year sa ating kababayang tsinoy at hindi 'yong nakasanayan nating Kung Hei Fat Choi (na ang literal na ibig sabihin pala ay "congratulation and be prosperous!" at hindi "happy new year" na inaakala ko). Karamihan sa mga tsinoy ay nanggaling pa sa probinsya ng Fujian na kung saan ay Hokkein ang lengguaheng ginagamit. 'Wag ng kumontra, sabi 'yan ng kaibigan kong intsik kaya YES ka na lang. Okey?
Ngayong taon ay Year of the Metal Tiger, Rooooaaaarrrr! Ito ang pangatlong sign sa chinese horoscope na binagbibidahan din ng onse pang mga nilalang (rat, ox, rabbit, dragon, snake, horse, sheep, monkey, roaster, dog at boar). Nagtataka ba kayo kung bakit sila lang ang bida sa mga chinese? At hinahanap kung bakit wala ang paborito nyong hayop? Narito na ang mga kasagutan sa inyong katanungan.
Tsismis #1
Ayon sa alamat, pinatawag ni Lord Buddha ang tropa ng mga kahayopan para makipagbeso-beso sa kanya bago pumanaw dito sa mundong ibabaw. Sa kasamaang palad dose lang ang sumipot sa kanyang panawagan dahil hang-over pa raw at talagang pinaninindigan ang pagiging party animals. Kaya bago natsugi si Lord Buddha, ipinangalan sa kanila ang zodiac signs batay sa pagkakasunod ng kanilang pagdating.
Tsismis #2
Ayon uli sa alamat, nagpatawag (na naman) ng meeting itong si Mr. Buddha para pangalanan na ang doseng mga hayop para magsilbing inspirasyon sa bawat taon na daraan. Excited si PusiKat sa meeting na magaganap, dahil dyan ay kinuntsabo si Pareng Daga para gisingin sya nang sa gayon ay sabay silang a-attend. Pero ito palang si Daga ay may masamang binabalak at siya'y nagsolo para manalo. Ito ang rason kung bakit wala sa listahan si PusiKat at ito rin ang dahilan ng kanilang bangayan at habulan hanggang sa ngayon.
Tsismis #3
Ayon uli sa alamat (ang KULIT!!!!), isang araw nag-rally ang mga kahayopan sa harap ng palasyo ng kanilang Hari para bigyang linaw kung sino ang nilalang para maging pinuno o gawing kauna-unahang zodiac sign. Para maiwasan ang rambolan sa kanyang kaharian, gumawa ng patimpalak itong si Hari. Kung sino ang maunang makakatawid sa ilog ay siya ang tatanghaling 1st zodiac sign. Dahil sa may pagkasakim itong si Daga (basta mga daga, peste talaga!), nakaisip siya ng magandang strategy para makatawid ng walang kahirap-hirap. At ito ay ang pagsampa sa likuran ni Mr. OX, kaya bago makarating sa finish line ang baka, ay siya namang biglang lundag ni Daga. Ang resulta… si Daga uli ang bida, si Baka ang pangalawa at kulelat lagi si Piggy.
Ngayong alam nyo na ang istoryang bumabalot sa Chinese horoscope, sana ay matatahimik na kayo at makakatulog ng maayos gaya ko. Hapi PUSO at Hapi New Year kabayan!
Ngayong taon ay Year of the Metal Tiger, Rooooaaaarrrr! Ito ang pangatlong sign sa chinese horoscope na binagbibidahan din ng onse pang mga nilalang (rat, ox, rabbit, dragon, snake, horse, sheep, monkey, roaster, dog at boar). Nagtataka ba kayo kung bakit sila lang ang bida sa mga chinese? At hinahanap kung bakit wala ang paborito nyong hayop? Narito na ang mga kasagutan sa inyong katanungan.
Tsismis #1
Ayon sa alamat, pinatawag ni Lord Buddha ang tropa ng mga kahayopan para makipagbeso-beso sa kanya bago pumanaw dito sa mundong ibabaw. Sa kasamaang palad dose lang ang sumipot sa kanyang panawagan dahil hang-over pa raw at talagang pinaninindigan ang pagiging party animals. Kaya bago natsugi si Lord Buddha, ipinangalan sa kanila ang zodiac signs batay sa pagkakasunod ng kanilang pagdating.
Tsismis #2
Ayon uli sa alamat, nagpatawag (na naman) ng meeting itong si Mr. Buddha para pangalanan na ang doseng mga hayop para magsilbing inspirasyon sa bawat taon na daraan. Excited si PusiKat sa meeting na magaganap, dahil dyan ay kinuntsabo si Pareng Daga para gisingin sya nang sa gayon ay sabay silang a-attend. Pero ito palang si Daga ay may masamang binabalak at siya'y nagsolo para manalo. Ito ang rason kung bakit wala sa listahan si PusiKat at ito rin ang dahilan ng kanilang bangayan at habulan hanggang sa ngayon.
Tsismis #3
Ayon uli sa alamat (ang KULIT!!!!), isang araw nag-rally ang mga kahayopan sa harap ng palasyo ng kanilang Hari para bigyang linaw kung sino ang nilalang para maging pinuno o gawing kauna-unahang zodiac sign. Para maiwasan ang rambolan sa kanyang kaharian, gumawa ng patimpalak itong si Hari. Kung sino ang maunang makakatawid sa ilog ay siya ang tatanghaling 1st zodiac sign. Dahil sa may pagkasakim itong si Daga (basta mga daga, peste talaga!), nakaisip siya ng magandang strategy para makatawid ng walang kahirap-hirap. At ito ay ang pagsampa sa likuran ni Mr. OX, kaya bago makarating sa finish line ang baka, ay siya namang biglang lundag ni Daga. Ang resulta… si Daga uli ang bida, si Baka ang pangalawa at kulelat lagi si Piggy.
Ngayong alam nyo na ang istoryang bumabalot sa Chinese horoscope, sana ay matatahimik na kayo at makakatulog ng maayos gaya ko. Hapi PUSO at Hapi New Year kabayan!
Tuesday, January 26
Just married: 10 years validity
Napangisi ako at sabay iling nang makita ko sa GMA News ang balita hinggil sa proposal ng mga kababaehan na ipasa bilang batas ang marriage with expiration date. Sampung taon ang itatagal ng kontrata. Kung sa tingin ninyo'y kayong dalawa ang itinadhana para sa isa't-isa, i-renew at pagtibayin pang lalo ang inyong pagsasama. Sounds cool di ba? Para ka lang namili ng isang kagamitan na kung ayaw mo na at may nakita kang mas kaaya-aya, ay iiwan mo siya. Pero konting pasensya at tiis nga lang, dahil sampung taon pa ang gugugulin para makasama ang bagong mamahalin.
Ang panukalang ito ay pakana ng 1-Ako Babaeng Astig Aasenso o 1-ABAA. Adbokasiya ng makakaliwang grupo, este partylist group pala na hikayatin ang bawat babae na maging bukas sa larangan ng negosyo, magkaroon ng magandang trabaho, at sa paraan na sila'y maging stable sa pananalapi.
Likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging konserbatibo, lalong-lalo na karamihan sa atin ay mga katoliko. Sa tingin n'yo ba'y makakalusot ang probisyong katulad nito? Bilang isang kristyano, ipinamulat sa akin na sagradong maituturing ang pag-iisang dibdib ng dalawang nagmamahalan. Ipinangako ng bawat isa na walang makapaghihiwalay sa hirap man o ginhawa, at hanggang sa malagutan man sila ng hininga (ganun talaga, always tragic ang ending).
Alam kong 'di ako bihasa sa mga paksang gaya nito, sino ba naman ako para manghusga at pumuna gayong 'di ko pa nararanasan ang makapag-asawa. Pero sa mura kong kaisipan (naks! feeling virgin…), nakakabaliw ang panukalang ito. Hindi ko lubos maisip na sa hinaharap ay papalit-palit ako ng misis. Hindi ba pwedeng punan na lang ng pang-unawa at pagtitiis, kapag may mga bagay na sa tingin mo'y hindi kanais-nais? Talagang hindi perpekto ang pagsasama ng mag-asawa, parte ito ng buhay para ang inyong relasyon ay lalong tumibay. Kaya bago magpatali sa inyong mga dyowa, pag-isipan ng maigi kung ika'y handang-handa na nga bang talaga!
•ŠLŸ•
Saturday, January 2
Uso ang BILOG!
Pagbirthday, may cake dapat na nakahain. Kung binyag ang pag-uusapa'y may litsong inaabangan, lalong-lalo na kapag fiesta sa mga probinsya o lalawigan. Sa panahon naman ng pasko, hindi nawawala ang mga paborito kong hamon at keso de bola. At pagbagong taon, laging nasa hapag-kainan ang mga pagkain at mga prutas na hugis bilog!
Lahat dapat ay bilog! Hindi lamang sa tsibog, kundi pati na rin sa mga damit na susuotin ay prerequisite na may bilog din! Paano na lang kung katulad ko na mukhang bilogin? kailangan pa bang sundin ang ganitong pamahiin?
Isa si ermat sa mga panatikong naniniwala sa mga ganitong pamahiin. Nakikinita ko na kung ano ang itsura ng bahay namin ngayon kahit na wala ako doon. Karamihan ng makikita mo ay hugis bilog. Kasi nga raw swerte ang bilog sa pagpasok ng bagong taon. Pera raw kasi ang ibig sabihin ng bilog. Kapag maraming bilog, maraming salapi! Kaya ganito na lang kaseryoso ang pinakamamahal kong Nanay. Nagbabakasakali pa ring balang-araw siya'y yayaman.
Bakit ba bilog lang ang pwede? Bakit hindi na lang parihaba? Isip ko kasi kung bilog, barya-barya lang ang aabutin. Samantalang kapag parihaba, siguradong libo-libo ang nanamnamin. Dahil bills na ang pinag-uusapan, hindi na coins. Big time!
Isa lamang ito sa mga tatak Pinoy nating pamahiin. Samo't-saring ginagawa at sari-saring paniniwala sa taon-taon nating paggugunita. Pero dapat nating tandaan at hindi dapat kalimutan na magpasalamat sa magandang taon na nagdaan at sa panibago na namang taon na haharapin. Manigong bagong taon!
_sLy_
Tuesday, December 22
Ninong, namamasko po!
Kapag parating na ang "BER" months, isa na itong hudyat na ang kapaskuhan ay papalapit na. Simula na para marinig muli ang mga pamaskong kanta at ang mahiwagang tinig ni Jose Marie Chan. Panahon na rin para halukayin ang nakabaong Christmas tree at mga dekorasyon. At oras na para ihanda ang sarili sa todo-todong kainan at kasiyahan! Maliban sa mga ito, oras na rin para mag-ipon ng todo para paglaanan ang mga aguinaldong kakailanganin sa mga inaanak na iyong haharapin.
Nasa isang dosena lang naman 'ata ang mga inaanak ko, partial and unofficial list yan. O di ba, parang halalan na?! Malay mo may mga bugos ka rin palang inaanak, mahirap ng masalisihan! Ano nga bang regalo ang nararapat para sa isang inaanak? Minsan sumasakit ang ulo ko sa kaiisip kung ano nga ba ang magandang bagay na pwedeng ibigay. Kaya kadalasa'y nauuwi na lang sa pera ang ibinibigay. Tag-lilimang daan bawat isa, samakatuwid, anim na libo ang madadali sa'yo sa doseng mga bata kung pera ang gawing aquinaldo.
Bakit limang daan? Ba't hindi na lang gawing isang daan? (Kasi mayabang ako at mataas ang pride ko!) Kasi ayokong makarinig ng pamaskong himig na ang litanya ay, "Thank you! Thank you! Ang babarat ninyo! Thank you!". Ngayon gets mo na? hehehe. Pero seryosong usapan, kakarampot na lang ang mabibili ng isang daan. Tumataas ang presyo ng mga bilihin, kaya dapat taasan na rin ang perang regalo ngayon. Nakakapanghina man at kadalasa'y nakakabutas ng bulsa, ngunit hindi naman masusuklian ang ngiti, saya at pagmamahal na naibibigay ng mga batang itinuturing kang pangalawang ama.
•ŠLŸ•
BABALA: Sa mga magulang na plano ako gawing ninong, hanggang bente lang ang quota na kaya ko. Sa mga barkadang kakapanganak lang - first come, first serve ito, kaya tawag na ng makareserba! Ho! Ho! Ho!
Thursday, December 10
Simbang Gabi
Tuwing naririnig ko ang salitang "Pasko", nasasagi agad sa isip ko ang salitang bakasyon. Hindi na mahalaga sa akin kung may matatanggap ba akong regalo, o kung meron kaming maihahanda kapag sasapit ang araw na ito. Mas importante sa akin na makapag-bakasyon, 'yun bang wala kang ina-alalang trabaho bagkos puro na lang kasiyahan ang inaatupag mo. Syempre di naman lahat puro kabulastugan lang gagawin mo, andyan din yung panata mo taon-taon na kukumpletuhin ang simbang gabi!
Sa tanda kong ito, mabibilang lang sa aking mga daliri ang pagiging perfect attendance pagsapit ng simbang-gabi (baka nga 'di pa umabot sa limang beses). Kung basehan pa ito ng marka sa eskwelahan, siguradong lagpak ang aabutin ko. Napakadaling isipin pero talagang napakahirap gawin. Habang patanda ka ng patanda, mas lalo kong napapansin na kayhirap nang tuparin. Ewan ko ba, 'di ko maipaliwanag. Malamang kulang lang ako ng words of encouragement, at napapanahon na para palitan ang istilo kong bulok.
Alam kong masama ang may pinupuna kapag nasa loob ng simbahan, pero 'di ko maiwasan na mapalingon sa paligid paminsan-minsan. Instinct ko na 'yan kaya huwag mo ng pagdiskitahan! Andyan 'yung eksenang napapatulog si ale habang nagmimisa, na sa unang tingin akala mo'y taimtim na nagdarasal kasi may pikit to the max pang nalalaman. 'Di rin mawawala sa eksena ang mga magsing-irog na wala ng ginawa kundi ang magharutan, kulang na lang gawing parke ang lugar ng simbahan. Sige na nga, guilty na kung guilty! At least aminado akong mali ako, kaya slight lang pagkakasala ko… Peace Bro!
Aktib si ermat kapag simbang-gabi, tipong nasasaniban ng mga sari-saring superheroes. Kasi kailangan niya sa puntong ito ang mga matitinding superpowers para gisingin ang isang super villain at ang super-lasing na tulad ko. Opo, kadalasan ako'y lasing pagsapit ng disyembre. Para sa akin hindi bakasyon ang tawag kapag walang inuman. Mawala na ang regalo't mga paputok, basta ba may nakareserbang serbesa! Dahilan ko ma'y baluktot, hayaang kayo na lang ang mamaluktot! J
Pero sa estado ng buhay ko ngayon dito sa disyerto, malamang ito ang mga bagay na hindi ko muna maisasakatuparan. Madalas mang nauuna ang puro kasiyahan, ngunit hindi naisasan-tabi ang laging turo ni ermat sa totoong kabuluhan ng kapaskuhan. Ito ay ang diwa ng pagmamahalan, pagbibigayan at ang kapanganakan ng ating Poong Maykapal. Maligayang pasko kabayan!
•ŠLŸ•
Subscribe to:
Posts (Atom)