Saturday, January 2

Uso ang BILOG!


Pagbirthday, may cake dapat na nakahain. Kung binyag ang pag-uusapa'y may litsong inaabangan, lalong-lalo na kapag fiesta sa mga probinsya o lalawigan. Sa panahon naman ng pasko, hindi nawawala ang mga paborito kong hamon at keso de bola. At pagbagong taon, laging nasa hapag-kainan ang mga pagkain at mga prutas na hugis bilog!

Lahat dapat ay bilog! Hindi lamang sa tsibog, kundi pati na rin sa mga damit na susuotin ay prerequisite na may bilog din! Paano na lang kung katulad ko na mukhang bilogin? kailangan pa bang sundin ang ganitong pamahiin?

Isa si ermat sa mga panatikong naniniwala sa mga ganitong pamahiin. Nakikinita ko na kung ano ang itsura ng bahay namin ngayon kahit na wala ako doon. Karamihan ng makikita mo ay hugis bilog. Kasi nga raw swerte ang bilog sa pagpasok ng bagong taon. Pera raw kasi ang ibig sabihin ng bilog. Kapag maraming bilog, maraming salapi! Kaya ganito na lang kaseryoso ang pinakamamahal kong Nanay. Nagbabakasakali pa ring balang-araw siya'y yayaman.

Bakit ba bilog lang ang pwede? Bakit hindi na lang parihaba? Isip ko kasi kung bilog, barya-barya lang ang aabutin. Samantalang kapag parihaba, siguradong libo-libo ang nanamnamin. Dahil bills na ang pinag-uusapan, hindi na coins. Big time!

Isa lamang ito sa mga tatak Pinoy nating pamahiin. Samo't-saring ginagawa at sari-saring paniniwala sa taon-taon nating paggugunita. Pero dapat nating tandaan at hindi dapat kalimutan na magpasalamat sa magandang taon na nagdaan at sa panibago na namang taon na haharapin. Manigong bagong taon!

_sLy_

5 comments:

sha said...

yes ka na lang sa bilog sly...wag mo nang ipagpilitan ang parihaba....period hehehehe

SLY said...

[sha] sige na nga..suko na ako! bilog na nga lang ang official shape ng new year..

jean said...

noong panahong nauso ang pamahiin, malamang ala pang bills, kaya siguro bilog;o) hindi ba tayo pwedeng maging creative at parihaba na lang? hehe

RJ said...

Cool na cool ang mga posts mo. Very positive ang dating! o",)

Ako hindi nakapagsuot ng damit na may mga dots last New Year' Eve at NY Day kasi wala ako niyan. Pinuno ko nalang ang wallet ko ng parihaba! Agree ako sa point mo.

SLY said...

[RJ] thanks for dropping by doki :) sana nga epektib din ang parihaba pamahiin ntin, hehe