Friday, August 20

Ramadhan na naman...

Pangalawang ramadhan ko na dito sa gitnang silangan. Una kong lapag noong nakaraan ay kasalukuyan nila itong ipinagdiriwang. Di ko man naumpisahan, ngayong taon ay buo ko itong masasaksihan at mararanasan. Hindi na bago sa akin ang okasyong gaya nito dahil laking Mindanao naman ako (kaya h'wag nyo akong gagalitin, makikita nyo ang bangis na meron ako! Lols).

Pero iba pa rin pala ang pakiramdam, na sa bawat taong nakapaligid sa'yo at nakakasama mo sa trabaho ay ginagawa ito.  Mas lalong nakakapanibago lalo na't ikaw lang ang kristyano, tulad ng sitwasyong meron ako. Kaya wala na akong ginawa kundi ang obserbahan sila, alamin ang kanilang paniniwala at ginagawa.

1.       Ito ang tamang panahon para simulan na ang laging napupurnadang balak magpapayat."No entry" ng kung anu-ano sa bunganga. Bahala na kayong mag-isip kung anong bagay-bagay ang pumapasok sa mga bibig nyo, basta lahat bawal pag nandyan at tirik na tirik si haring araw. Tinanong ko dati sa isang kaklase kung bakit sa takip-silim lang pwede, sagot nya para daw hindi makita ni Allah na sila'y kumakain. Ayos din ang trip ng klasmeyt ko ano? Dahil sa siya'y ini-idolo ko, naniwala namanako sa paliwanag n'ya.

2.       Napapanahon na para makapag-ipon. Bawas kain, bawas gastusin. Oras na para madagdagan ang ipon kong 3,000 Php sa bangko. Tiyak ang Metrobankay magdiwang dahil pero ko'y nadagdagan. Yipee!

3.       Karamihan ng mga empleyado ay masaya dahil nababawasan ang oras na ginugugol sa opisina, kadalasan pang-umaga na lang ang pasok nila. Naka-jackpot kayo kapag nabibilang  ka sa ibang sektor ngmanggagawa - tulad ng sa mall, ospital, restawran atbp. Walang nabawas kundi nabago lang ang oras ng pagpasok mo. Dahil sa ako'y may balat 'ata sa pwet, kabilang ako sa kategoryang ito, PUTIK talagang buhay 'to!

4.       Sagana sa  pagkain. Kapag nababato at walang magawa sa loob ng inyong bahay, lumabas at maghanap ng pinakamalapit na mosque, mall o hotel at i-enjoy ang nakahaing pagkain. Bago umatake ay siguraduhing oras na ng iftar (fast breaking). Kain lang ng kain basta ba walang pumipigil at walang mga matang nanlilisik ang tingin. Pero dapat ka ng huminto sa kakanguya pagsapit ng bukang liwayway o suhoor. Ops, nakalimutan mongmagdala ng pitaka? H'wag mag-alala, libre yan ni Allah.

5.       Maraming"pulubi" ang gumagala. Isa sa kanilang paniniwala at tradisyon ay tulungan ang taong mga nangangailangan. Walang oras kang dapat inaaksaya, bawat minuto aymahalaga para makatulong sa kapwa.

6.       Bawal sa kanila ang magmura! Mortal sin ito sa araw ng pag-aayuno. Kaya napapansin nyong kalmado at tahimik ang data-rati'y galit-sa-mundong-style ng boss mo. TIP: Kung trip mong mapatunayan  hanggang saan ang  level ng kanyang pananahimik at bait-baitan, subukan mo kayang mag-amok nang ito'y iyong malaman?

7.       Inuulit ko, bawal ang magmura. Pero hindi ipinagbabawal ang magmahal!<*beautiful eyes*> Superdupercheezzy! Walang basagan ng trip! inlab ako eh!

8.       Sa mga kristyanong tulad ko, alamin ang ligtas na lugar para makapuslit panandalian para kumain at uminom. Pag-aralan ang tamang pagkain ng mabilisan. In short, maging mahusay sa larangan ng Quickie! PAALA-ALA: Siguraduhing hindi sopas o nilagang  baka ang dalang ulam, kung ayaw mong mangamatis ang iyong dila at lalamunan.

9.       Sa buwan ng ramadhan, matuto kang maging "makasarili". Kung nais mong makinig ng musikang rakrakan, iwasang makabulahaw ng katabi. Gumamit ng earphone lagi! Kung ang trip mo ay ang gumiling-giling sa saliw ng musika ni lady gaga, maghanap ng lugar na ikaw lang ang nakakakita. At kung may opinyon kang kakaiba at out-of –this-world ang tema, mas mainam na h'wag mo na itong ibahagi sa iba. I-sikreto na lang ito sa iyong sarili, baka balang araw ang ideyang yan pa ang dahilan para ikaw ay yayaman.

10.   Magbasa ng banal na Koran kung kinakailangan. Hindi para magpakitang-tao , kundi upang tuklasin ang  maraming katanungan na bumabalot sa iyong isipan. H'wag mahiyang aminin sa sarili na wala kang alam. Mas nakakahiyang gawin ang nagkukunwaring meron kang alam. Isa sa malaking bagay na natutunan ko dito sa disyerto ay ang paggalang sa paniniwala ng iba't-ibang lahi.

Isang patikim lamang ito sa napakayamang kultura dito sadisyerto. Kumbaga, silip lang ito ng ilang bahagi ng kanilang paniniwala.Nawa'y nasiyahan kayo sa pagbabasa.  Hanggang sa susunod muli ng paglalahad ko ng buhay sa Riyadh.

Ramadhan Kareem!

6 comments:

kayedee said...

oo na! ikaw na ang inlab!
at oo na ikaw na ang may balat dn sa pwet! ahahhaa

*kaway*big bro!

Kosa said...

hahaha. andaming ek ek.

jokes..

parang ang sarap maging pasaway dyan... yurakan na yan!

Jam said...

Si Dok inlab????? mgandang balita yan ksbay ng nakakabagot na panahon ng Ramadan...hmmm mbait pla tao dyan kpag ramadan bakit d2 hinde...papapuntahin ko nga mga muslim d2 dyan pra bumait hahaha..ingat dok..pra kng kabute na pasulpot sulpot sa blogsperyo ha..hahaha

SLY said...

[kayedee]
oo nga, wala akong paki kung mag balat ako sa pwet..basta ang mahalaga ako'y INLAB! hahaha

[kosa]
wahaha ek ek ka dyan!
buti napadaan ka poging kosa :)

[jam]
bat andaming nagtataka na akoy inlab? tao din naman ako ah, may pakiramdam.. tao! tao! tao! ahahaha

paassing by (",) said...

Ramadan Kareem...

uy...inlab sya....

napadaan lang po....

Anonymous said...

成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天 , 成人情色聊天