matapos ang isang buwang pagpaplano, mga papalit-palit na locations, mga meetings na walang napatutunguhan, at walang humpay na kalokohan, ay naidaos din ang minimithing outing. reunion ito dapat ngunit sa kokonti lang ang nagconfirm at marami ang nagback-out at ang iba nama'y walang pakialam, hehe... kahit aanim lang kami ay tuloy pa din ang ligaya, the show will go on :)
destination: Anawangin island, Zambales
destination: Anawangin island, Zambales
dahil sa maraming magandang summer places sa pinas, ay inabot ng ilang linggo ang pagdedesisyon kung saan kami magbabakasyon. nasuggest nga ang Anawangin dahil maganda ang lugar at mura lang ang magagastos dito. marami na rin akong nairinig na magagandang feedback tungkol sa Anawangin Island at napatunayan naman ito ng kami'y makarating doon. the best ang beach, kahit hindi white sand ay pwedeng pwede na. napakalinaw ng tubig at sarap magbabad sa beach. yun nga lang, mabato dito kahit na sa dalampasigan. kaya ang resulta ng kakalangoy dito, tatlong malalalim na sugat sa talampakan.
how to get there?
napagdesisyunan na friday night kami aalis pero puno na ang 11:30pm na last trip ng Victory Liner bus sa Caloocan terminal. lumipat kami sa Cubao terminal at same situation. ganun daw talaga pagweekends, madaming byahero. meron namang rent-a-van na 12-14 seaters ngunit holdaper naman ang driver. 5K para sa one-way ride to San Antonio, Zambales na kung sa bus ay 200php lang per head. pinatos na namin ang van dahil no choice na din kami at sakto namang may nakikila kaming grupo na naiwanan din ng bus to Zambales na siyang naging kahati namin sa van. mula sa bayan ng San Antonio ay kailangan magtricycle papuntang Pundaquit kung saan nandoon din ang aming napiling resort. nakatipid kami sa trike ride na worth 40php per head dahil hanggang sa mismong resort kami hinatid ng van. mula doon ay isang boat ride na lang papuntang Anawangin Cove which is 200 per head at contact na ng resort ang bangkero. me deal pa nga ang bangkero, 350php for an island tour na 3 island lang ang mapupuntahan.
jimz beach resort
since summer at peak season na sa mga hotels/resorts, kailangan may reservations ka na sa iyong patutunguhan dahil siguradong fully booked ang mga ganitong establishments at pagdating sa pagrereserve, ang internet ang makakatulong mo dito. sa inaakalang marami ang makakasama, we reserved a room for 8-10 pax na P4000 lang ngunit salamat sa mga nagback-out, hindi na sana kami ng rent ng room at nagcamp-out na lang sa Anawangin. buti na lang nag-agree c kuya toots (may-ari yata ng jimz resort) na idowngrade ang aming room na pang 4-6 person for 2500php at aircon ito, nagpadagdag na lang ng 300php making it P2800 for our room accomodation. the room has its own bathroom tapos meron lang common kitchen na share ng katabing room at ihawan. hindi pala beachfront ang nasabing resort at mga 50 steps pa away from the beach.
food budget
we alloted 500php per head para sa food namin for this outing since saturday til sunday morning lang naman ay sigurong kakasya na ang 3K for 6 persons. and each of us needs to bring in something for this event para less gastos na din at alak ang nakatoka sa akin. mura lang ang bilihin sa palengke ng San Antonio at walang pang 1K ang nagastos namin sa fish, chicken, etc for our lunch and dinner. hindi included dito ang 5kilos of rice na meron pang naiwan pag-uwi pati na ang cooked adobo na galing pa sa manila. all in all, 2K lang ang nagastos namin for the food.
to wrap things up, out-of-town trips pa di ang the best na stress-reliever. lalo na ang nakakarelax na beach at ang sarap ng sariwang hangin na ibang iba sa manila, iba talaga ang nature. isama mo pa ang gulo at saya ng barkada. nothing beats the good times