followers

Showing posts with label salty dog. Show all posts
Showing posts with label salty dog. Show all posts

Saturday, September 24, 2011

salty dog


Drunk. Wasted. Crazy.
Yan ang naging lagay ko last week dahil sa aking birthday. Ikaw ba naman uminom ng iba't ibang alak at beers kung hindi ka malasing at macoma kinabukasan dahil sa hangover.


But what i like most is the grape vodka mix ng aking nanay na nilaklak ko ng nilaklak sa sarap. 'Salty dog' daw ang tawag nito sabi ng aking HRM na pinsan na hindi ko alam kung paano naging maalat na aso ang cocktail drink na 'to kaya nigoogle ko ito at ang sabi ni wikipedia ay; Salty Dog is a cocktail of vodka and grapefruit juice, served in a glass with a salted rim. Marahil dahil sa salted rim ng glass kung saan ito sineserve kaya naging 'salty' pero bakit naman naging 'dog'? Anyways, heto ang recipe para masubukan nyo.


What you need:
photo taken from google images
1 litro pack (35grams) grape flavored instant drink mix
350ml vodka
10 pcs. calamansi
1 glass water
ice


Mix all ingredients sa isang pitcher (of course, kailangan pigain ang kalamansi at tanggalin ang buto dahil yun juice lang ang kailangan). Tang litro pack na grape flavor ang ginamit nila at pwede ring Gin ang gamitin pamalit sa Vodka dahil nang maubos ang vodka ay naging Ginebra Gin na lang. You can also add any amounts of those ingredients to suite your taste. Serve with ice or chilled. Finished product will look like the picture pero mas purple nga lang, wala kasi akong pic nun dahil wasted na nga ako. Try it and enjoy!