followers

Thursday, March 24, 2011

ANG ILOILO TRIP

another promo fare was booked and this time we're off to ILOILO!

march 19, 2011/saturday

a day before our scheduled flight sa zest air, nasabihan na kami na delayed for 20mins which was supposed to be at 4:50pm. since galing pang-shift si mapanuri, napagkasunduan sa office na lang ang meeting place namin nila khanto ng 2pm. we then arrived at domestic airport at around 4pm. after checked in and waiting for the 5:10pm flight, it was announced na delayed nanaman for an hour due to blah blah blah (hindi ko na inintindi ang reason na sinabi nila over the speaker dahil isang oras nanamang hintayan un). dahil sa gutom, we went outside the airport to grab a quick snack sa jabee dahil tipid mode muna.
5:30pm when we get back to airport at kaming tatlo na lang ang hinihintay ng plane, napa-aga daw ang delayed flight. it was almost an hour plane ride to iloilo at gabi na ng makarating kami dun. taxis were the only available way to get to the city proper from the airport which will took about 20mins. natest nanaman ang bargaining skills ni mapanuri at from 500php fare, nakahanap siya ng 400php to get us to our hotel.
century 21 hotel

8:30pm when we check in at our hotel and sulit ang bayad dito. for 1,400php overnight stay, you get an air-conditioned room with 3 beds, a bathroom with hot and cold shower, and cable TV. plus its located within the city proper making it easily accessible to tourist/travelers. it is also near to a mall so pedeng kumain na lang sa isang fastfood chain tulad ng ginawa namin for breakfast the following day dahil namahalan kami sa food nila.
after magsettle ng gamit, nahiga at nakatulog ng kaunti habang hinintay si Jan, dating kaofficemate na taga-iloilo din. siya dapat ang magtotour sa'min pero tourista din pala ito kaya nagpasama sa kanyang katropa upang maikot namin ang iloilo. first stop, smallville.

smallville

pasensya na madilim, camera phone lang kasi gamit ko :)
isang night-life district ng iloilo which is 10mins away from the city. ang favorite hangout ng mga mahilig gumimik. ito yata ang katumbas ng metrowalk o eastwood ng manila night-life pero masasabi kong mas masarap gumimik dito. i'm not sure if its the ambiance, the people or the atmosphere which is basically the same scenario sa mga bar at gimikan sa manila. iba lang yata talaga ang hangin sa iloilo, hehehe.. also, i do not know why its called smallville, hinahanap ko nga ang kent farm pero wala naman akong nakita :D
some of the bars at smallville - thanks to khanto for this pic
coffee break

since hindi naman kami manginginom, naisipang magkape na lang at sa coffee break kami dinala. wala pa daw kasing starbucks sa iloilo at coffee break na yata ang sikat na coffee shop dito dahil may nakita kaming ibang branch nito dito sa iloilo. nakakatakam ang display of breads and cakes nila at very affordable ang mga prices. an 80 pesos will get you a frapp or a cheesecake na.
i would recommend that you try this coffee break if ever you're in iloilo :)


continuation on the next post...

5 comments:

  1. woot! sasabihin ko ba to "base"? hehe..
    masarap ba sa coffee break, mukhang must-try yan pag magvisit sa ilo-ilo. :)

    ReplyDelete
  2. @jim: masarap dyan!

    @rodem: yung hangin nga siguro ang naiiba kaya ang sarap mag hangout sa small ville.. teka, kami lang yuung hindi manginginom uy!.. haha

    tsaka natatawa ako.. hindi tugma yung dating natin sa MDA, 4PM ka ba dumating? ako kasi 3PM.. haha tsaka tagal ng byahe mo, 1 hour? ako 45 minutes lang.. hahaha :P

    ReplyDelete
  3. @whattaqueso, naks, bumase.

    @jeffz, hehehe, iba ang time frame?

    @blogging puyats, balik tayo sa smallville :p

    ReplyDelete
  4. kainggit much!.. pero hindi naman ito ang last lakwatsahan nyo.. my next time pa naman.. obvious na sobrang nagenjoy tlaga kayo.. hehehe..

    ReplyDelete
  5. @whattaqueso- must try tlga yan coffee break sa iloilo
    @jeff- dba quarter to 4pm tayo nasa airpot?hindi ba???
    @khanto- tara, gimik sa smallville, balikan lang :D
    @babaeng lakwatsera- set na ulet ng next lakwatsa natin, hehehe..

    ReplyDelete