Maraming naganap ang isang linggong lumipas. Kadalasan, ang mga nagaganap sa paligid mo ay nababasa mo sa pahayagan o kaya ay napapakinggan mo sa radyo o kaya ay napapanood mo sa telebisyon o di rin naman kaya ay nasasagap mo sa mga umpukan at tsismisan, and that's the natural way on how do we gather news about anything in which it may be affect in your life.
One time, sa 'di inaasahang gabi, umuwi ako sa amin galing school tapos nadatnan ko ang mama ko na nanonood siya ng balita. Syempre, pati na rin ako ay manonood na rin kasi baka maganda ang ihahatid na mga balita. Pero hindi pala, panay problema din. Masakit pala sa ulo 'yon mga kaibigan na manonood ka ng balita na panay problema at the same time e pagod ka galing sa biyahe.
Ang most common na problema na napapanood ko sa balita ay ang tungkol sa giyera sa Gaza Strip na alam naman natin ay bago pa man tayo ipinanganak ay nalimbag na ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Palestina sa banal na kasulatan (kung inyong matatandaan ang kwento tungkol kay David at Goliath) . Ang Pagkaka-kidnap sa mga Red Cross Volunteers sa Mindanao, ang Inogurasyon kay Barack Obama na kahit paano'y nilagyan nila ng sigla.
Ang isa pa rito ay ang tungkol sa mga bagsakan ng ekonomiya, ang pag-lubog ng mga Pre-Need Companies kagaya ng Legacy Consolidated at ang mga rural banks na kanilang pagmamay-ari at ang pacific plans. Ang mga pagsasara ng mga pabrika kagaya na lamang po dito sa General Trias yung pabrika ng Intel na halos 3000 na empleyado ang mawawalan ng trabaho.
Kaya ko naman po naisulat itong segment na ito ay para itanong sa mambabasang katulad mo ang mga sumusunod:
1. Para sa 'yo, ano ang kahalagahan ng balita?
2. Inaasahan mo ba na bawat balita ay may hatid na pag-asa?
3. Naaapektuhan ka ba sa mga nababalita sa pahayagan, telebisyon at radyo?
4. Minsan ba, nagsasawa ka bang manood o magbasa ng balita?
5. Ano ang katumbas ng balita para sa 'yo? Pag-asa o Problema?

3 comments:
Dami mo namang tanong, Rej...
Ako gabi-gabi at tuwing umaga nanonood talaga ako ng balita: local news dito sa Australia at sa TV Patrol World/Bandila sa TFC.
Para sa akin inspirasyon ang balita, kasi dahil sa mga masasamang balitang naririnig ko ngayon tungkol sa ekonomiya, nagkakaroon ako ng sapat na tapang at lakas na manatili at maging matiyaga rito sa aking kasalukuyang trabaho (trabahong punung-puno ng pisikal at sikolohikal na mga hamon).
hindi ko sinagot ang 5 katanungan.
kaya heto po yung aking sagot:
1. Napakahalaga sa akin ng balita, ang bigat nga lang minsan kapag masama ang balita. Kahalagahan lang nito ay nalalaman mo ang mga bagay na nagaganap sa iyong paligid.
2. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa sa mga balitang ipinapabatid ng mga pahayagan at telebisyon / radyo. Nga lang, kung pulitika sa Pilipinas ay wala kang maaasahang tibay.
3. Opo, may mga pagkakataong naaapektuhan ako sa mga balita kung minsan. Lalo't kung ang balita ay ang problema ng bansa lalo na sa sitwasyon natin ngayon about financial crisis.
4. May mga pagkakataon na nag-sasawa din. Sapagkat kung baga sa isang matamis o mamantikang pagkain, nakakaumay na sa dami ng istoryang puno ng problema.
5. Katumbas sa 'kin ng balita ay pag-asa. although panay problema ang mga binabalita, sa balita mo malalaman kung paano mo mahuhugot ang kasagutan.
Salamat po Doc RJ!
Isa sa mga katangiang nagbubukod sa tulad nating "Human" bilang "Creatures" ay ang pagpapahalaga sa iba. Marunong tayong magpahalaga sa ibang bagay at nilalang. Mahalaga ang balita para sa atin dahil nalalaman natin ang mga pangyayari o nangyari sa iba masama man ito o mabuti.
Isa pang kahalagahan ng balita ay nakakakuha tayo ng impormasyon na pwedeng maka-apekto sa atin. Tulad ng krimen, makakakuha tayo ng impormasyon kung pano maiwasa ang isang di magandang pangyayari na nangyari sa ibinabalita.
Malaki ang epekto nito sa ating buhay, hindi lamang ang balita mismo ang may epekto kundi ang buong mass media. Sila ang nagsisilbing "watch dog" natin bilang mga simpleng mamamayan. Kailangan lang na maging patas ang mga Network at maging tayo, dapat pagtimbang-timbangin natin ang mga napapapanood at naririnig natin.
Ang katumbas ng balita para sa akin ay impormasyon..
Post a Comment