This is default featured post 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

Showing posts with label Archives. Show all posts
Showing posts with label Archives. Show all posts

3.28.2010

Soup of Lent 1 - ANG PAGIGING MALAKAS SA KABILA NG KAHINAAN













Magandang araw po sa inyo! Ako po si Rejie Agdigos, dating sakristan at mayor ng Knights of the Altar ng Parish of Saint Martin de Porres under the Jurisdiction of Diocese of Imus, Cavite. Akin pong pinasisimulan ang article-reflection na ito na tinatawag kong Soup of Lent (a 7-day reflection for the lenten season).

At ang pamagat ng ating pagninilay sa Unang Lunes ng Kuwaresma ay ANG PAGIGING MALAKAS SA KABILA NG KAHINAAN. Tila napuna ninyo na magulo ang title na pinili ko. Actully hindi po. Atin pong simulan ang pagninilay na ito sa isang kuwentong buhay.

Katatapos lang ng Second Semester. Nakakapagod, pero ayos lang kasi ganoon naman ang nag-aaral e. Madaming project sa eskwela, madaming mga pagsusulit din kaming hinarap. Nariyan yung nakikita ko yung mga higher year IT Students na graduating na nagtutumpukan sa tapat ng Alumni Office ng Adamson University, kaharap ang kani-kanilang mga laptop at mga thesis papers na nirerebisa at matamang pinag-aaralan. Kita ko sa kanila ang pagsusumikap na makapasa upang makasama sa martsa para sa graduation. Maganda ang kanilang ginagawa, sila ay nag-susumikap at nagtitiyaga upang makakuha ng magandang grades. Sinasabi ko sa sarili ko, sana kapag umapak ako sa yugto kung saan kami naman ang nagtutumpukan at abala sa aming Thesis ay nawa'y makayanan ko at makayanan ng mga kagrupo ko.

Merong isang pangyayari sa nakalipas na semestre na hindi ko makakalimutan, ang ilang-beses naming pagpupuyat dahil sa subject namin sa System Analysis and Design na naging sulit naman dahil nakapasa po kaming apat, sina Judy, James at Michelle. Pero meron pang isang pangyayari na hindi ko makakalimutan sa semestre na nagdaan, ito ay ang pagkamatay ni Jeff. Si Jeff, hindi naman kami close na magkaibigan, madalas ay nakaka-angasan ko kasi sa sobrang kulit. Sa apat na sulok ng kwarto namin, siya ang tinaguriang Joker ng Klase. Sa hindi inaasahang pangyayari, hindi natural death ang kinamatay ni Jeff, isang suicide. Nabalitaan ko ito sa Facebook at sa isang Diyaryo. Wala sa karakter niya na gagawin ang ganoong bagay. Pero kung anoman ang dahilan nito ay nawa'y pagpahingahin nawa ng Poong Maykapal ang kanyang kaluluwa.


Unang araw ng klase kung saan kaklase ko si Jeff, at matapos na nabalitaan ko ang naganap sa kanya, bago magsimula ang klase namin ay parati kaming nagdarasal, bawat klase namin sa iba't ibang asignatura ay nakagawian na naming magdasal. Noong araw na iyon, ramdam ko ang katahimikan na nakakapanibago at ang kalungkutan. Dumating ang professor namin, at ako ang pinagdasal. Sa hindi inaasahan, sumagi sa isip ko si Jeff, kasi nabanggit ng prof namin ang nangyari kay Jeff at hinihingi niya sa amin na ipagdasal si Jeff sa umagang iyon. Binubulong ko sa isipan ko na dapat maging malakas ako! Magpakita ako ng kalakasan sa kabila ng kanilang kahinaan at magkahinayang sa nangyari kay Jeff. At nang hindi ko na nakontrol ang aking sarili, hindi na ako nakapagsalita at unti-unti na lang pumatak ang aking luha. May mga lumuha din, lalo na sa mga tunay na kaibigan ni Jeff. At kalaunan, siya ay nilibing at tila hindi ko na siya makikitang makulit, maangas at magpapatawa sa amin.

Mga kapatid, nasaksihan ko po na sa kabila ng nangyari kay Jeff ay marami akong napunang mga kapwa kong estudyante na iba't iba ang kanilang mga agam agam ukol sa ginawa ni Jeff. Ok, nirerespeto ko ang kanilang mga pananaw ngunit sino tayo upang humusga sa ating kapwa? Sino tayong madalas ay nagmamalinis at pumupuna lamang sa dungis ng ating kapwa? Mga kapatid, ang lahat ng tao ay may kahinaan. Kahit pagkalakas-lakas mong tao, kahit ikaw pa ang pinakamayaman sa inyong komunidad, kahit ikaw pa ang celebrity sa inyong pangkat, ikaw - tayo - lahat tayo ay may kanya-kanyang kahinaan. Maging ako, noong nagdasal ako sa umagang iyon na dapat ay hindi ako nagpakita ng pagluha na dapat ay nagpakita ako ng Kalakasan sa kabila ng kanilang panghihinayang.

Maging si Kristo mga ay nagpakita ng kahinaan. Kung ating magugunita ang istorya ng kanyang pagdarasal sa halamanan ng Getsemane, idinalangin niya sa Diyos Ama na “tanggalin sa kanya ang Kalis ng paghihirap.” Ngunit sinunod pa rin niya ang kalooban ng Ama. Ibinigay niya ng buong-buo ang kanyang sarili nang ipako siya at mamatay sa krus para tubusin ang ating kasalanan. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangang gawin iyon dahil Diyos na siya. Pero ginawa pa rin niya iyon nang dahil sa pagmamahal. Humugot si Hesus ng kalakasan na sundin ang hula sapagkat ito ang nakatakda at dahil sa pagmamahal niya sa sangkatauhan.

Bilang panghuli, isang tanong ang aking iiwan sa inyo. "...kung saka-sakali man, saan ka huhugot ng kalakasan sa kabila ng kahinaan nating lahat?"

Salamat sa pagbasa at nawa'y namnamin natin ang linggong ito.

6.29.2009

A Sudden Loss

Thriller, Bad, Billie Jean, Beat It!, One day in your life, Say Say Say, Heal the World, We are the One, Gone to Soon are the songs that I like. Maigi na lang, pinalabas ng MYX ang mga MTVs ni Wacko Jacko noong Sunday and I appreciated the songs of Michael Jackson lalo na yung thriller na mahaba pala duration ng MTV nya.

I pray for the repose of his soul.

6.20.2009

Adamson Suspends Class due to A(h1n1)

Nag-start na ang klase namin noong June 15. Medyo ok at excited ako sa pasukan. Na-meet ko na ang mga professor ko pati na yung mga kaklase ko. Yung iba kong mga kaklase, hindi nabago. Pero marami rin ang panay bago.

Bininyagan ko na din yung bago kong Bag. Medyo may kalakihan pero sulit naman kasi marami akong notebook na binili para sa Tatlong Major Subjects at sa Physics.

Ang pasok ko ay lunes hanggang sabado. Mas worst ang lunes ko kasi isang subject lang ako from 9-10 A.M lang ako. Gayundin ang Biyernes ko. From 9-10 may klase ako, then kasunod nito ang laboratory ko sa Operating System from 3-6 P.M.

Kanina, papasok na sana ako para sa klase ko sa Physics ng 12-6 P.M. Siyempre sa bahay na ako kakain para papasok na lang ako. Habang kumakain ako ng tanghalian kanina, hindi ko inaaasahan ang brownout kanina dahil may transformer na sumabog sa kanto ng village namin. So walang ilaw, then tinignan ko yung Cellphone ko. Nakatanggap ako ng SMS galing sa dalawa kong kaklase na sina Shane at Jeff. Ito yung naka-sulat:

Sender: AdU IT Shane
+63908130XXXX

Clasm8s d classes r suspend starting today
until june 29, due to A(H1N1 1)its confirmed,
accounting students,, plz 4ward diz message
to any ADU students, from fr.greg univ.
president

Sender: AdU IT Jeff Tan
+63917438XXXX

Mula 22 hnggang 29 ay wala taung pasok dahil
sa h1n1. Confirmed na
-jeff tan


Nagulat ako sa chain message ng mga kaklase ko. E noong nag-brownout, hindi pa plantsado yung damit na isusuot ko. Nataon na nga lang kamo at may suspension DAW ng klase. Pero ayaw kong maniwala, tinawagan ko yung tropa ko sa Imus at yung kapit bahay naming taga Adamson din at ang sabi nila ay nakatanggap rin sila ng message.

Bago pa man ito nangyari, kahapon pa lamang ay nabalitaan na akong meron raw natamaan ng Swine Flu sa may classroom ng Business Admin. Tiyempong nakausap ko yung presidente ng Student Gov't ng Adamson. Noong una, sabi daw hindi pa confirmed pero meron nga raw na sabay sabay na nilagnat. At kaninang papasok na ako ay naalala kong "... oo nga pala, may kumalat na balitang may nilagnat na mga estudyante sa may BA"

At dahil 'jan, nag-email ako sa adamson. Clinarify ko talaga kung suspended nga yung klase. Nag-text din ako sa DZMM Teleradyo sa programang Magpayo nga Kayo pero hindi nila nabasa yung text ko.

Sana nga, hindi nila sinuspend yung klase. Pero dahil sa kinatatakutan ang Swine Flu ay contagious, mas pinili ng School na mag mandatory suspension for 10 days ang klase.

Ngayon pa lang, iniisip ko na agad kung anong gagawin ko sa 10 araw na walang pasok?

6.09.2009

proposed amendments


Matrix House Proposed Charter Amendments Matrix House Proposed Charter Amendments mlq3 Existing provisions and proposed changes to the Constitution, as drafted by the House of Representatives in 2006.

5.29.2009

Ang Lolo ko... Part 1

lolo junMedyo na-late ako ng pagpo-post ngayon, kasi napagod ako galing sa school. Anyways, ang mga sumusunod na article ay isang pagbibigay ala-ala sa lolo ko na kasalukuyang kapiling ang maykapal (si Bro). Mahaba ang istorya kong ito kaya ito ay hahatiin ko sa tatlong parte.

Siya si Lolo Jun, Dionisio Banaban Dipasupil ang tunay niyang pangalan pero noong naging US Citizen siya ay naging Don Bond Peale ang naging pangalan niya. Ayaw niyang nagpapatawag na Lolo o Lolo Jun noong nabubuhay pa siya sa Houston, TX. Ang gusto niya ng itawag namin sa kanya kapag tumatawag kami sa kanya noon ay Grandpa para matuto raw kami sa Ingles. Why not, my beloved Grandpa?

Maraming ikinukwento sa akin ang nanay ko noong ang Lolo ko ay sa Pilipinas pa tumitira. Great Disciplinarian ang Lolo ko. Kapag nakagawa ka ng pagkakamali sa kanya, didisiplinahin ka ng lolo ko sa pamamagitan ng pangaral at palo na hindi naman sosobra. Kapag nasunod mo ang gusto niya ay magkakasundo kayo. Kaya noon daw nagkaroon ng 100 sa Exam sa Filipino at Math ang Mama ko noong nasa Elementary Siya ay binilihan siya ng Bisikleta ng Lolo ko. Kung sa mapag-mahal, mapagmahal ang Lolo ko. Magaling sa Aikido, Arnis, at Tennis. Nag-aral din ang Lolo ko sa Adamson University pero hindi nakagraduate pero nagamit pa rin niya yung konti niyang natutunan sa Architecture at naging Draftsman dati sa Guam at Texas.

Unang nangibangbayan ang Lolo ko sa Guam. Umuuwi siya sa Pilipinas pero masaya na daw kung umabot ito sa dalawang buwan sabi ng mama ko. Parang kagaya ko, masaya ang nanay ko kapag umuuwi ang papa niya (ang lolo ko). Pero nagdaan ang mga panahon noon, lumipat sa America ang Lolo ko upang makamit niya ang American Dream niya na doon ay maging isang ganap na US Citizen. Pero ang lahat ng magagandang pangarap na makapamuhay sa America ay tila naging isang masamang tampo sa Mama ko at sa Lola ko. Uso kasi dati sa Amerika, para maging Citizen ka doon e kailangan mong makapangasawa ng isang Green Card Holder o sa madaling salita ay isa ring US Citizen. Ang naging pagkakamali lang ng Lolo ko ay sumangayon siya sa isang Fixed Marriage sa isang Pilipina rin, hanggang sa hindi na siya pinabalik dito sa Pilipinas. Kung baga, ang black mail daw, once na umuwi ang Lolo ko dito sa Pilipinas ay babawiin ng napangasawa niya doon sa Amerika ang pagiging US Citizen ng Lolo ko.

Hanggang sa Hindi na nga umuwi sa Pilipinas ang Lolo ko. Siyempre, nalungkot ang Lola ko sa naging desisyon ng Lolo ko. Naging plano pa nga raw ng Lolo at ng Lola ko na si Mama na lang daw ang kukunin ng Lolo ko para doon siya mag-aral, at dahil sa pag-mamahal ng Mama ko sa Lola ko, hindi sumunod ang Mama ko sa Amerika inspite and despite of good opportunities and education sa amerika. Kaisa-isang anak lang ng Lolo at Lola ko si Mama, siyempre, binanggit sa akin ni Mama na ayaw niyang iwan si Lola dahil siya ang nag-alaga sa kanya at siya lang talaga ang nag-aaruga sa kanya sa mga oras na siya ay nangangailangan ng kalinga at pagmamahal.

Kaya masasabi ko na lumaki ang Mama ko na halos hindi rin niya halos kapiling ang Lolo ko. Ni kami ngang mga Apo niya, hindi kami nakita nang personal habang may pagkakataon pa noon. May humahadlang? Maaari. Yung pangalawa niyang asawa, si Yolanda Sena - Peale.

Sa part two nito, ikukuwento ko ang mga naging ala-ala ko sa lolo ko kahit hindi kami pinalad na magkaharap ng personal. At ang part three naman ay ang saloobin ko noong nabalitaan kong nagkasakit ang Lolo ko at dina-dialysis na siya.

Sa totoo lang, kahit hindi man kami binigyan ng pahintulot ni Bro na makita namin ang isa't isa sa personal, sa puso ko ay mananatili ang Lolo ko, dahil kung wala siya, hindi magiging da-best nanay ang Mama ko.

5.10.2009

Happy Mama's Boy!

Happy Mother's Day po sa mga Dakilang Ina. Kahit ano pa man o sino pa man o paano pa man tayo sa ating mga Ina natin, hindi mabubuo ang pagkatao nating nang wala sila at ang kanilang pagmamahal sa atin. So again, happy mother's day.


Happy Mothers Day MamaHappy Mothers Day MamaHappy Mothers Day Mama
Happy Mothers Day Mama










5.03.2009

Pana-panahon talaga!

Totoo pala. May mga araw talaga na kahit hawak mo na ang PC mo eh may oras na tatamarin ka nang sundan ang mga blog-writing mo. Tulad ko at tulad ng nakararami, pampalipas-oras lang talaga ang blogging in a sense of exchanging information.

And speaking of weder-weder lang, ngayong araw na pala ang laban ni Manny Pacquiao kay Ricky Hatton. Nang lumalaban na si Pacman televised from US, itong laban lang na ito ang medyo kinakabahan ako. Pinapanood ko kasi sa Youtube yung mga previous fights ni Hatton at nakikita ko na medyo may gulang itong si Hatton. Dalawa sa napanood kong boxing fights ni Hatton ay nanghe-headbat itong si Hatton na dapat namang iwasan ni Pacman, kaya talagang kinakabahan ako kahit wala naman akong ka-pustahan. Anyways, tested and proven daw na zero-crime rate kapag tine-televised na sa TV ang laban ni Pacquiao. May ayaw pa nga maniwala dito e. Ito ang maaaring pruweba... karamihan kasi sa mga tao e nanonood sa laban ni Pacquiao sa kani-kanilang bahay, wala gaanong tao sa kalsada maliban lang sa mga iilang bumabiyahe talaga at tinitiis na 'wag manood ng laban ni pacman para makarami sa boundary. So yung mga isnatcher e wala gaanong mabibiktima and who knows karamihan sa mga isnatcher ay nanonood din ng laban diba? So sana nga, manalo ang manok ng Pinoy at 'wag sanang mahawa ng A(H1N1) flu.

Speaking of A(H1N1) also known as the Swine Flu, nagiging epidemic na siya. Bagaman wala pa dito ang sakit na ito, nag-hahanda na rin ang karamihan lalo na yung nasa Health Department. Ganito na ba talaga kadumi ang mundo? At nagkakaroon ng isang influenza virus na may kombinasyon ng flu galing sa Tao at baboy? May kataka-taka pa kaya sa mga nangyayaring ganito? Kung hindi nyo pa nalilimutan ang tungkol sa Avian-Flu Virus, ang Meningo Flu at ang SARS, mga nakukuha din 'yan thru body contact and airborn. Ang nakaka-awa sa ngayon ay ang mga taga Mexico, talagang nag-declare sila ng pagsasara ng kanilang ekonomiya at walang pasok sa lahat gov't offices maging ang mga paaralan.

At gaya nga dito sa Pilipinas, yung mga dumarating galing sa ibang bansa (in particular sa Mexico) ay dumadaan sa thermo-scan na nasabi rin na hindi rin pala ganoong ka-effective para ma-detect ang A(H1N1) flu. Kasi ito palang virus na ito ay 5 day under incubation sa katawan ng tao bago ito lumabas at maging isang flu. Maraming paraan daw na maaaring gawin para makaiwas sa A(H1N1) virus na ito, pero ang mas mainam nito ay ang parati daw na pag-huhugas ng kamay at ang araw-araw na pagligo sa katawan.

So yun lang muna mga kaibigan. Ingat po!

4.23.2009

PEBA 2009

Illustrated by rdaconceptsIsang paanyaya ang ipinaabot sa akin ni lordcm para gumawa ng isang article para sa PINOY EXPATS BLOG AWARDS 2009. Ang tema nila ngayon ay "Filipinos Abroad - Hope of the Nation, Gift to the World...".

Ang mga Pinoy, kahit saan makikita mo 'yan. Siguro, kung may trabaho sa buwan at nangangailangan ng trabahador, hindi magpapahuli ang Pinoy.

Siguro, alam naman natin kung bakit maraming mga Pilipino ang nag-nanais na maka alis patungong ibayong dagat. Malaki kasi ang kitaan sa ibang bansa, maraming opportunities at maraming benefits. Ngunit sa kabila ng magagandang offers sa ibang bansa, kaakibat nito ang matinding hirap at kung minsan pa nga ay pag-durusa dahil sa ang iba ay minamaltrato ng kanilang mga amo. Nariyan na rin na maho-homesick ka at maluluha ka na lang ng bigla dahil namimiss mo na ang mahal mo sa buhay.

Kanya-kanyang pamamaraan para maiwasan nila ang pagka-inip o homesick. Anjan ang kanya-kanyang subscription ng Diyaryo mula sa Pilipinas, subscription para sa TFC o Pinoy TV, tawagan sa mga Mobile Phones, Skype o Yahoo Messenger (VoIP), sa mga social networking sites, at ang iba naman ay sa blogging.

Isa na rito ang Blogging. Karamihan kasi sa mga nababasa kong mga blogs ay gawa ng isang OFW. Dito kasi nila naibubuhos ang kanilang mga saloobin kapag sila ay nalulumbay, o di naman kaya ay naibabahagi nila ang kanilang mga kuwento base sa kanilang trabaho sa ibang bansa. Malaki rin ang nagagawa ng Blogging lalo na sa mga Filipinos Abroad, dahil nagkakaroon ng interaction at nagkakaroon ng ugnayan ang mga OFW base sa mga articles at istoryang kanilang nababasa at hindi na siya nalalayo sa konsepto ng Social Networking Websites dahil kahit sino ay maaaring makabasa ng kanilang mga artikulo.

Kaya naman, dahil sa pagiging mahusay, masipag at matiisin nating mga Filipinos Abroad, ipinamamalas nila ang istorya ng kanilang buhay sa pamamagitan ng blog at karamihan sa mga blog na ito ay nagpapabatid na sana'y maging inspirasyon ito sa mga mambabasa upang sila rin ay magsumikap upang umunlad ang sarili at pamilya at maging katuwang sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

4.21.2009

At sa pag-ulan....

Illustrated by rdaconceptsTuwing bakasyon palatandaan ko na sa buwan ng Mayo, kapag nag-uulan na ito ang nagiging hudyat ko sa paparating na pasukan sa eskwela. Maigi nga at sa kalahating buwan ng Abril ay umuulan na, kasi hindi ko kayang tiisin ang sobrang init ng panahon noong mga araw na lumipas.

Speaking of magpapasukan na, marami na nanamang mga magsisipasukan sa College bilang mga Freshmen at sa kabila nito ay marami na namang mga Graduates na kanya-kanya ang diskarte para makapaghanap ng trabaho. Kanya-kanyang punta sa mga Job Hunt Booths sa mga Malls at sa mga Eskwelahan, kanya-kanya ring punta sa mga Online Based Job Search Engine sa Internet. Kanya-kanya ring Istilo ng pag-gawa ng resume`s, sample works o portfolio. Pero ang importante, kanya-kanya din ang diskarte sa Interview para matanggap sila ng employer. Marami ang nagsasabi na mahirap ang makapag-hanap ng trabaho dito sa Pilipinas, marami ngang mga Job Offers na inaalok ng mga kumpanya sa mga Classified Ads at kadalasan ay kakaunti lang ang talagang pumapasa dahil ang iilan ay hindi kwalipikado dahil sa mahina ang kanilang kakayanan o kadalasan ay bata pa sila para sa posisyong inaalok ng kumpanya.

One time, nagbasa ako ng mga classified ads sa diyaryo. At napuna ko na marami pa rin ang nag-hahanap ng mga web designers at graphic artists, kadalasan ang mga nag-hahanap ng mga bagong web designers at graphic artists ay yung mga nasa advertising at web design firms. Nabuhayan ako ng loob dahil sa ang madalas kong pag-pupuyat para mag-practice ng web design at graphics design ay open pa rin pala sa merkado. At dahil jan, mag-fofocus ako sa mga major subjects ko sa school and at the same time ay tuloy-tuloy pa rin ang pag-papraktis ko during freetime. Hindi ko nga lang naipopost yung sample ng mga ginagawa ko kasi minsan matagal talaga yung proseso ng pagpa-praktis ko.

Bago mag-pasukan, sisikapin kong matulog ng maaga dahil sa halos kalahating buwan ng Abril ay parati akong puyat dahil sa Internet at pagpa-praktis ng Graphic Design at PHP. Nagagalit na nga sa akin ang Mama ko dahil sa inaabot ako ng 2:30AM araw-araw dahil inaabuso ko daw ang katawan ko. Hindi ko pa nga nagagawa yung plano ko, na linisin ang kusina at iibahin ko sana ang pwesto ng kwarto ko dahil medyo magulo na naman, hehehe. At pagkatapos mag-uulan ay pipilitin kong sumama sa pinsan ko na mag-jogging sa umaga para magkahubog naman itong binti ko at magpapawis na din.

4.18.2009

Re-designing Blog

blog redesignBefore I start, I just want to inform the readers of rdaconcepts that there's another author in this blogsite. He is Marlon, one of my classmate in Adamson University and I encourage him to write some informative but not boring articles to my blog. He initiates the article about the Benefits of Smoking but I choose to erase it because is there really have a benefit of smoking inspite and despite of it's dangerous effects.

I'm planning for redesigning my blogsite. The truth is medyo magulo ang content ng blog ko. That's why last month, I started 3 another blogwriting project and it has different niches. First is My View is My Opinion, it is written in Tagalog and it details my personal views, comments and opinions about the latest social events, political and non-political issues and news. The second one is My Schooling. It details about my schooling and what's happening in my School. This comming School Year 2009-2010, I want to write more stories and important lessons in major subjects. Actually, my original plan for this blogsite is to showcase our laboratory activities in major subjects, but I did'nt because the second semester are the most busiest sem due to the projects and defense. The last one is about Life Blog that details about my life, parang online diary ko yung niche niya.

Redesigning blogsite is a hard thing to do. Ang kinokonsider ko kasi kaya gusto kong baguhin yung blog ko ay dahil sa halo-halo yung content nito. Ok din naman kung halo-halo yung content of articles niya. Kaya naman, little-by-little ko siyang gagawin. First off, the layout. Iniba ko yung banner ko para mag-mukha namang presentable sa mga readers and first-timers. Then after that, I want to increase my traffic of my blog. I know the basic and advanced SEO. I already added the in my blogsite. Ang medyo weak ako ay ang networking. Yes, I have blog roll seen in right side of the navigation. Pero hindi lahat sa kanila ay parating nag-bubukas ng mga blogs nila. So may plano ako kung paano ko ma-iincrease yung traffic ng blogsite ko. Then last, pag-aaralan ko ang tungkol sa tweeter. Medyo sikat na ito dahil sa contest ng CNN about first 1 million tweeter follower.

4.14.2009

What Phishing is all 'bout?





4.05.2009

Pagninilay 1 - Sino ang liligtas sa'yo?

Click to ResizeNgayong araw na ito ay ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang Linggo ng Palaspas o mas kilala sa tawag na Palm Sunday. Nagsasama-sama ang mga nagsisimba upang pabendisyunan ang kanilang mga palaspas para isabit sa kanilang mga tahanan. Ito rin yung isinusunog at ginagawang abo tuwing sasapit ang Miyerkoles ng Abo.

Sa banal na kasulatan, ipinapakita na ang pagdiriwang natin ngayon ng Linggo ng Palaspas ay hango sa pagpasok ni Jesus sa Bayan ng Jerusalem. Buong galak na ipinakita ng mga taga Jerusalem na sila ay natutuwa sa pagparito ni Jesus kung kaya't bawat isa sa kanila ay nagsipagkuha ng mga sanga ng puno at inilagay sa daraanan ni Jesus at ang iba ay iwinawagayway bilang pagpapakita ng kagalakan. Pumasok si Jesus sa Jerusalem na akala mo ay isang Hari.

Ito rin ang hudyat para sa mga taga Jerusalem na dumating ang kanilang Hari at tagapagligtas. At nalalaman ni Jesus na pagpasok niya sa Jerusalem ay hudyat ng katuparan ng hula na siya ay magpapakasakit upang tubusin ang lahat ng pagkakasala ng tao sa pamamagitan ng pagpapakapako sa Krus.

Ang Diyos Ama, sa pamamagitan ni Jesus ang pangunahing takbuhan at tagapagligtas ng sansinukob. Nakahihigit sa sinuman ang kadakilaan ng ating Panginoon dahil sa pag-ibig niya sa atin. Bukod sa Ama, mayro'n ding nagliligtas at handang mag-ligtas sa atin sa oras ng pangangailangan.

Harapin natin ang kasalukuyang pamumuhay natin. Ang daigdig ay nahaharap sa pandaigdigang problema sa pananalapi. Isa sa mga nagiging tagapaglitas natin ay ang mga Overseas Filipino Workers. Si Nanay, si Tatay, si Ate o Kuya, mga Tito o Tita nating nagiging bread winner ng tahanan ay isa sa masasabi din nating nag-liligtas sa ating mga pangangailangan. Bagamat ang iba ay minamaltrato, minamaliit ng ibang lahi, at namimintong matanggal pa ng trabaho dahil sa Global Financial Crisis, karamihan sa mga OFW ay lubos na nananalangin sa Panginoon na sana ay mas maging malakas ang kanilang pangangatawan, patatagin pa nawa ang kanilang kalooban at gabayan at patnubayan sana sila ng Poong Maykapal.

Ang mga matitinong Kapulisan, Pulitiko, kasundaluhan ang mga pamatay-sunog at Doktor. Sila din ang isa sa mga nagliligtas sa atin. Hindi lahat sa mga nabanggit ko na mga lingkod bayan ay mga kurap at mga mandarambong. Mayroon din naman na may takot sa Diyos at ginagawa ang kanilang tungkulin na hindi nababahiran ng katiwalian.

Ang mga Magulang natin, isa din sila sa mga nagliligtas sa atin. Sa tuwing may karamdaman tayong nararamdaman, sino ang maaari nating sanggunian at lapitan? Ang Nanay natin na madalas ay napupuyat kapag may karamdaman tayong iniinda, samantalang ang Tatay naman natin ang naghahanap kung saan kukuha ng panglunas sa ating karamdaman. Nakalulungkot ngang isipin na sa modernong panahong ito ay may nagiging masamang magulang. Baligtad pa nga, ang iba pa nga sa kanila ang pinangangaralan ng kanilang mga anak.

Maging ang sarili natin, ang maaaring maglitas sa atin. Katuwang natin ang Panginoon sa lahat ng mga problemang darating at dumarating. Subalit, paano naman kung ang lahat ng nagliligtas sa atin maliban sa Panginoon ay mawawala sa atin ng bigla? Paano ang buhay natin?

Kaya't sila ay pahalagahan natin, kagaya din ng pagpapahalaga natin sa Diyos Ama. Dahil sa kanilang ginagawang pagmamalasakit at SAKRIPISYO, pinupunuan nila ang mga bagay na kulang sa atin.

Sa Linggo ng Kuwaresma, namnamin natin ang kahalagahan ng pagpapakasakit ni Kristo sa atin gayun na rin ang mga taong nagsasakripisyo para sa ikinabubuti ng ating buhay.

At para sa kabatiran ng mga mambabasa tungkol sa Araw ng Palaspas, i-click ang Faith of a Centurion, isang Blogsite ni Fr. JBoy ng Kape at Pandesal.

4.01.2009

Abu Sayyaf Hostage

Click to ResizeMahabang Panahon din ang itinagal ng mga nakidnap na ICRC Volunteers sa kamay ni Al Bader Parad. Halos nangayayat na ang mga bihag nito na sina Andreas Notter (isang Swiss National), Eugenio Vagni (isang Italiano), at si Mary Jean Lacaba (Pilipino).

Dumating ang Punto na dapat ay palalayain ang tatlo kung susunod ang Gobyerno na i-pull out ang mga sundalo sa isla ng Sulu. Ngunit nagmatigas ang gobyerno, sa katauhan ni DILG Sec. Puno. Kung ako ang tatanungin, tama lang na nagmatigas ang Gobyerno na huwag sundin ang Huling Demand ng Abu Sayyaf dahil saan ka ba nakakita ng isang Gobyerno na ang mga Bandido pa ang mas matapang sa kanila? Pero, noong napanood ko ang Interview kay Philippine Red Cross Chair Sen. Dick Gordon, bumuhos ang kanyang luha sa kawalang pag-asa at pagsusumamo na palalayain ni Al Bader Parad ang mga ICRC Workers na ang tanging ipinunta nilang tatlo sa Mindanao ay makatulong sa nangangailangan. Hiningi rin ni Sen. Gordon ang Sobriety ng Gobyerno at ng Abu Sayyaf dahil inosente at hindi damay ang tatlo sa kaguluhang nagaganap sa Mindanao. READ MORE>>

3.05.2009

Finals is Near Again!

"... and now, the end is near. And so I face the final curtain!" Hehehe, My Way? Opo, natutuwa naman ako para sa mga ka-batch ko noong hs na gagraduate na. Dapat kasabay ko silang ga-graduate ngayon kung noon pa man e nag-IT na sana ako. Anyways, congratulations sa lahat ng mga magsisipag-tapos. Huwag ninyong problemahin na baka wala kayong makitang trabaho pagkatapos ng graduation, ang importante is may pinanghahawakan na kayong diploma at naka-graduate na kayo.

"... and now, it's getting worst!" Dermatitis ko ay hindi pa rin gumagaling. Ewan ko kung dermatitis nga ito. Kasi tatlong dermatologist na ang napuntahan namin ni Mama sa Imus pero hindi pa rin gumagaling. Lahat ng bawal kagaya ng pagkain ng malalalansa at tamang pag-sepilyo ay sinunod ko na. Ang iniisip ko ng lubos is dapat fina-follow up checkup ko ito sa isa lang na derma. Like this comming saturday, babalik ako sa Medical Center Imus (MCI) Kay Dra. Vitalia Beltran Castillo para malaman namin at malaman niya kung gumagaling na ang allergy ko sa palagiliran sa baba ng bibig ko. Damn! Lahat tuloy ng gusto kong kainin kahit mga citrus fruits kagaya ng Ponkan at Orange at lahat ng pagkaing may Vitamin C ay bawal sa akin! Nakaka-inis talaga! Bukod pa rito, this tuesday e tinamaan naman ako ng trangkaso dahil siguro e naambunan ako noong monday afternoon sa Maynila. Heto, magaling na dahil inalagaan ako ni Mama at Lola ko. Hindi ako mama o lola's boy, siguro spoiled lang talaga ako sa kanila pero hindi ako brat! Hehehe!

Mahirap magkasakit ngayong summer. So, ingat na lang sa ating lahat. Again, congrats sa mga graduates at sa mga nakapasa sa kanilang mga thesis.

Godbless!

2.25.2009

February 25, 2009

Magandang Araw po sa inyo. Dito sa Pilipinas ay alas-onse y trenta na po. Bago ako matulog, nais kong ibahagi itong aking kuwento na aking ginawa sa buong araw.

Una ay, gumising ako ng maaga para abutan ang Misa sa Umaga sa simbahan ng Eskwelahan namin (Parokya ng San Vicente de Paul) dahil sa ang araw na ito ay Miyerkoles ng Abo. Yung pari na nag-bigay ng Homiliya ay binasa lamang niya ang Homily Letter ng Arsobispo ng Maynila (Cardinal Rosales). Hinihikayat ni Cardinal Rosales ayon sa binasang Homily Letter na suportahan natin ang Hapag-asa, kung saan ang layunin nito ay magpakain sa mga batang walang makain. Gusto ko man sana tumulong pero wala akong mai-ambag.

Pero hindi yun ang gusto kong i-kuwento. Natatawa ako sa mga tropa ko, noong nakita nila yung krus na abo sa noo ko. Paano, sobrang kapal kasi yung pagkakapahid sa akin ng Lay Minister ng Simbahan. Pero sabi ko sa kanila, dapat umatend din kayo ng Misa. Naaalala ko kasi noong sakristan pa ako sa aming parokya, tinanong ko sa pari namin na kung okay lang bang hugasan kaagad yung abo pagkatapos mapahid? Ang sagot naman ni Father sa akin ay nasa akin daw ang pagpapasya kung lilinisin ko kaagad yung abo. Ang importante raw kasi ay ipinapaalala ng abong ipinahid sa mga noo ng nagsipagsimba na tayo ay nag-mula sa abo at tayoy magbabalik sa abo. Meaning, ang lahat ng bagay ay may simula at katapusan. Kaya kung maaaring gumawa tayo ng kabutihan sa kapwa e gawin natin. Pero sa totoo lang, madaling maging tao pero mahirap magpakatao. Right? Yung iba nga sa Campus, nagpa-pahid lang para i-display na meron din silang cross sa noo nila. Hindi ako sa nag-pre-prejudge, pero realidad na meron ngang ganoon ang ginagawa ng iba e. Kung sa bagay, sino ba ang tama at perpekto?

Ang EDSA, di na gaano nabigyan ng atensyon. Wala rin namang saysay yung pinaglaban nila sa EDSA 1 at EDSA 2. Ganoon parin ang kalagayan nating mga Pilipino, very unstable ang gobyerno. Oo, ito ang pag-eexercise ng mga Pilipino para palitan ang nakapuwesto sa Malacanang na mapayapa at walang karahasan. Pero mukhang naging masahol pa ata. Nawala nga ang Magnanakaw, napalitan naman ng sandamukal na mga Buwaya. May napapatalsik, may naparusahan na ba? Si ERAP, dahil sa Political Will ni Gloria ay nakalaya kaagad. Ganyan ang problema dito sa Pilipinas, bine-baby lang natin ang mga Kurap. Kung sa bagay, parang tahanan din maikukumpara ang kurapsyon, ito'y nagsisimula sa maliit na tao hanggang sa matataas na tao. Mahirap mabago ang kurapsyon, tapos sasabihin nila na dapat sa pamilya dapat nagsisimula ang pagbabago? E may nagkakagulangan din kaya sa ibang pamilya? Lalo na't yung ibang pamilya ay nag-aaway sa partehan ng lupa e buhay pa ang mga magulang nila at hindi pa physically and mentally incapacitated.

Bilang pang-huli, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil wala akong Bagsak sa mga Grades. Natutuwa naman ako, hindi ko ito naranasan noong ECE ako dati. Sana ay tuloy-tuloy lang ang ganito, na hindi na ako lumalagpak sa mga grades although masama ang loob ko sa PHP. Bakit ako bumaba ng 2 points (From 90 ay naging 88). Di bale, babawi ako.

Ingat po sa inyong lahat!

2.21.2009

Umiinit na Panahon...

Matagal ko na din po na hindi ko nasusundan ang Blog na ito, ito ang madalas kong sabihin sa inyo kapag hindi kaagad ako nakakapag-kuwento sa blogwriting na ito. Maraming naganap sa mga nakalipas na araw at linggo sa ating mga buhay. May mga araw at mga sandali ang ating inaagaw para tayo ay makapag-pahinga. At sa pagkakataong ito, ay hahabaan ko ang kuwento ko.

Medyo ramdam ko na ang mainit na panahon. Dito sa Pilipinas, malimit na sinasabi at pinaniniwalaan ng mga nakatatanda sa atin na pagkatapos ng pista ng Nuestra Senora de Candelaria ay dito pumapasok ang panahon ng tag-init. Noong Ika-dalawa ng Pebrero ay ipinagdiwang ng Simbahang Katoliko ang Kapistahan ng Candelaria. Dito sa Kabite, nag-diwang ang mga taga Silang ng kapistahan ng Candelaria noong ika-dalawa ng Pebrero. Pero ang pagkaka-alam ko sa totoong araw ng kapistahan ng Candelaria ay noong ika-labing isa ng Pebrero.

Walang Scientific Reasons kung bakit medyo tumutugma ang mga prediksyon ng mga matatanda? At opo, nakaramdam na po ako ng init ng panahon nitong mga nakalipas na araw. Kaya nga sabi ko sa sarili ko na mas lalong magiging mainit itong darating na summer. At lagot ako, tiyak na mangingitim ako sa biyahe ko sa Maynila kapag mag sa-summer classes ako sa pinapasukan kong unibersidad.

Napanood nyo po ba yung balita sa TV Patrol? Yung Nangyari sa EDSA Shoot-out? O Rub-out? Di natin malaman sa kanila. Kasi kung pag-babasehan mo kung napanood mo ng buo yung Video na pinalabas sa balita ay talaga namang hindi mo maiiwasang mag-duda sa mga eksenang ipinakita sa balita. Na medyo sumobra ang gamit nila ng dahas, dahil kitang-kita na bulagta na ay binabaril pa ng isang operatiba ng ANCAR group ng QCPD. Medyo maselan yung mga ganoong video pero nakaramdam din ako ng awa sa pamilya ng mga napatay.

Kapag ang isang tao talaga ay matindi ang pangangailangan o talagang nagipit at walang malapitan, at kapag desperado na ito sa tindi ng pangangailangan, ang posibleng maging last resort nito ay gumawa ng krimen. Kaya hindi lahat ng mga magnanakaw ay masasama. Kaya lang sila nagiging masama ay dahil sa ginawa nilang pagnanakaw. Maraming factors kaya sila nagnanakaw... at kagaya din ng mga carnappers ay dahil sa mabilis ang pera sa ganoong gawain. At oo, hindi magandang gawain ang pagka-karnap at mag-nakaw. Katulad na lang noong isang araw, noong nag-punta kami ni Mama sa Jose Reyes Memorial Hospital sa Maynila para humingi ng Surgical / Medical Records ng tatay ko, may isang lalaki na nang-agaw ng Cellphone sa loob ng ospital. Naging maagap ang mga guwardia pero yung isang guwardia, binaril yung lalaking nang-agaw ng cellphone sa binti. Kaya ang tendency ay natumba yung lalaki at nakuyog siya ng mga naka-tambay na mga kalalakihan sa parking space ng Ospital.

Naawa ako sa Lalaki kasi Hinampas pa siya ng Guwardia ng Pistola sa ulo at tinadyakan. Sinabi ko sa katabi kong nakatayo habang kinukuyog yung lalaki ay matindi ang pangangailangan ng lalaking nang-agaw ng cellphone. Iniisip ko, nangyari ang pang-aagaw ng cellphone sa Ospital at kaya naman niya siguro nagawa ito ay dahil sa baka may bayarin siya sa ospital at nagipit.

Nakaramdam ako ng awa doon sa lalaki. Nang dahil sa pang-aagaw nya ng cellphone, nabaril na siya sa binti, na-kuyog pa siya, na-palo pa siya ng pistola sa ulo at tinadyakan at ang isa pa nito ay makakasuhan pa siya. Galit ako sa mga magnanakaw. Dahil kami din noon ay ninakawan sa bahay, pasalamat na lang din namin at cellphone lang din ang ninakaw at hindi ang mahahalagang kasangkapan sa aming bahay.

Siya nga pala, idineklara ng Malacanang na sa lunes, ika-dalawampu't tatlo ay walang pasok ang lahat ng antas (all year levels) dahil inusod nila ang holiday para sa EDSA 1. Sumagi sa isipan ko, bakit kailangang ideklara ng Malacanang ang Holiday sa Lunes? Para sa akin ay hindi naman naging matagumpay ang EDSA 1 at EDSA 2. Ganoon pa rin, mahirap pa rin ang bansa natin! Gusto ko man isisi ng buong buo ang Pamahalaan at mga bulok na Pulitiko, may naging pagkakamali din namang ginawa ang bawat Pilipino. E kasi naman, kahit sinong ipalit na lider ay marumi pa rin ang Pulitika. Gumawa ka ng mabuti, may masasabi hindi maganda ang taong nasa paligid mo. Kapag gumawa ng masama, ang haba ng mga pag-dinig pero hindi rin makukulong. Diba, nakaka-asar?

Sa Wednesday din pala ang Miyerkules ng Abo o Ash Wednesday. Ipinapaalala ng araw na ito na tayo ay nag-mula sa alabok at tayo ay magbabalik sa alabok. Last year hindi ako nakasimba noon kasi sa Pasay pa ako nag-aaral noon at gabi na ang uwi ko noon. Hindi na rin ako naka-daan sa Baclaran dahil pagod ako noon. So this time, sana ay makapag-simba ako sa araw na 'yon. At sa totoo lang, na-mimiss ko na ang pag-sasakristan. Almost 10 years din ako naging sakristan dito sa Parokya namin. At ngayong may sakit ang Pari namin, sana ay pagalingin siya ni Lord kasi mabait siyang pari at totoong tao.

Speaking of Ash Wednesday, two months na naman at mag-mamahal na araw na naman. Ano kaya ang gagawin ko? Siguro katulad pa rin ng dati, babalik ako sa pag-sasakristan. Ay hindi na siguro, hayaan ko na lang yung mga bagong sakristan ang mag-serve. Para masanay.

So, yun. Madaragdagan pa ito sa Linggo, mas hahabaan ko ulit ang kuwento ko. Sige po, ingat!

2.11.2009

Doing Nothing Day

Good Day po sa inyo. Ginawa ko itong post na ito sa isang Internet Cafe malapit sa School. Pumasok ako para bayaran ko lang yung inorder kong T-shirt sa Department namin, at ayun... makukuha ko pa ng three o'clock ng hapon. Peteks kasi sila e. So, it's a doing nothing day na naman! Inaasahan ko naman ito e kasi foundation week ngayon sa school namin.

Anyways, balak kong sumali bukas sa isang competition na pangungunahan ng ELITE (IT Department). Bale ang competition ay parang isang poster making contest using Adobe Photoshop CS3. Medyo hindi ako proficient sa Photoshop dahil Fireworks ang ginagamit ko kapag nag-dedesign ako ng mga images at banners para sa isang website. So mamaya 'pag uwi ko, mag-eensayo ako sa Photoshop at magba-browse browse ako ng mga design sa mga tutorial sites about Photoshop.

Yung Project naman po namin sa CP2, medyo ok na! Medyo nahirapan akong paganahin yung timer pero ok naman kasi ang poproblemahin ko na lang is yung Database nya. Ang gusto kasi ng Prof namin ay may database so every time na may gagamit ng isang unit, nai-se-save yung mga details tungkol sa oras o duration ng pag-gamit ng Client at kung magkano ang binayad ng Client. Siya nga pala, yung tinutukoy ko ay isang Simple Internet Cafe Monitoring System.

Malapit-lapit na din ang Valentines. Be safe lang sa mga magde-date. H'wag kayong magde-date sa mga singit-singit sa baywalk at CCP kasi maraming mandurukot doon! Be safe!

So, inaasahan ko mamayang three O'clock ay abot kamay ko na yung t-shirt na inorder ko. Ingat kayong lahat!

2.09.2009

A Good Morning

Ay, salamat at naka-tulog din ng mahaba-haba. Dito sa Pilipinas, it's 10:25 A.M. At ang inalmusal ko kanina ay naka-tatlong wheat bread ako at gatas. Salamat at gumaling na ang Dermatitis ko sa palagiliran ng labi. Effective yung gamot at pH soap na binigay sa akin ng derma.

Usapang kalusugan din lang, napaka-hirap pala ng may dermatitis. Hanggang ngayon, limitado pa rin ang mga dapat kong kainin. Ang maaari ko lamang kainin ngayon ay yung hindi malalansa kagaya ng Beef, Bangus, Tilapia. Nagtaka ako, hindi pala malansa ang Bangus at Tilapia, kaya noong inulam ko ito noong nakaraan lang e ok naman at hindi naman po naka-apekto sa dermatitis ko. Isa pa, instead na kape ang parati ko sanang iniinom sa umaga at meryenda, gatas tuloy ang iniinom ko. Ayos din lang kasi alam ko naman ang good benefits ng Milk sa katawan, It adds calcium to your bones, at pampaganda pa ng balat.

Siya nga pala, talaga palang walang ginagawa sa school ngayon. Kaya ayos lang na mag-pahinga. Pero after this week, aasahan ko nang marami na ulit kaming gagawin. Kaya nga po, kahit pa-bonjing-bonjing ako dito ay nag-aaral din naman kahit papaano sa gagawin naming project sa major subject.

Sana lang po, maging maganda ang week ko ngayon. Siyempre, pati na rin kayo! Sana walang mapahamak sa inyo, basta lagi nyo lang kokontakin si bossing, na nasa itaas lamang!

Have a good one to all!

Siya nga pala, isang video na nakakatawa!

2.07.2009

Short Rest this week

Natapos din ang Midterm Exams. Salamat at medyo may one week ako para mag-relax at mag-start ng project namin sa CP2. Malapit na ang Valentines Day! Happy Hearts po sa inyo, at always remember na mag-iingat kayong mabuti... do you know what I'm saying.

Gusto ko sanang gawin this week ay mag-jogging sa CCP at Baywalk sa Maynila. Ginagawa ko 'to dati noong bakasyon at hindi ito alam ng Nanay ko, bumibiyahe pa ako ng Roxas Blvd para mag-jogging at mag brisk walking. Kasi tumataba ako ng konti at ang tyan ko ay parang pang manginginom. Medyo aware lang ako kasi may isang palabas sa TV na dinidiscuss about the benefits of jogging and running. Although hindi ko ito magagawa everyday even on weekends kasi 'yun na nga lang po ang pahinga ko, kapag umuuwi naman ako galing sa school ay nagbi-brisk walking ako from Adamson to Park 'n Ride. (Central Terminal, Lawton) Sana, matupad ang balak ko na kahit magsa-summer ako sa AdU ay makapag work-out ako. Gusto ko magkahulma ang mga biceps at triceps ko pati na rin mawala na sana ang bilbil ko. Hehehe!

Last week, meron akong ginawang banner ng isang blogsite. Si Doc RJ ng The Chook-minder's Quill. Ang blog po niya ay kabilang sa aking bloglist na nakalista sa right side. Wala po kasi akong magawa noong araw na iyon, kaya gumawa ako ng isang banner. At si Doc RJ ang napili kong gawan ng banner. Bisitahin n'yo po blogsite nya.

And Finally, wish ko lang na sa darating na Finals ay nawa'y maging magaan sana ang lahat sa akin. E ang predict ko pa nito ay magiging mahirap dahil sa project namin sa CP2 at sa DBMS.

1.23.2009

News = Info + Problem + Solution

Created by rdaconceptsMaraming naganap ang isang linggong lumipas. Kadalasan, ang mga nagaganap sa paligid mo ay nababasa mo sa pahayagan o kaya ay napapakinggan mo sa radyo o kaya ay napapanood mo sa telebisyon o di rin naman kaya ay nasasagap mo sa mga umpukan at tsismisan, and that's the natural way on how do we gather news about anything in which it may be affect in your life.

One time, sa 'di inaasahang gabi, umuwi ako sa amin galing school tapos nadatnan ko ang mama ko na nanonood siya ng balita. Syempre, pati na rin ako ay manonood na rin kasi baka maganda ang ihahatid na mga balita. Pero hindi pala, panay problema din. Masakit pala sa ulo 'yon mga kaibigan na manonood ka ng balita na panay problema at the same time e pagod ka galing sa biyahe.
Ang most common na problema na napapanood ko sa balita ay ang tungkol sa giyera sa Gaza Strip na alam naman natin ay bago pa man tayo ipinanganak ay nalimbag na ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Palestina sa banal na kasulatan (kung inyong matatandaan ang kwento tungkol kay David at Goliath) . Ang Pagkaka-kidnap sa mga Red Cross Volunteers sa Mindanao, ang Inogurasyon kay Barack Obama na kahit paano'y nilagyan nila ng sigla.

Ang isa pa rito ay ang tungkol sa mga bagsakan ng ekonomiya, ang pag-lubog ng mga Pre-Need Companies kagaya ng Legacy Consolidated at ang mga rural banks na kanilang pagmamay-ari at ang pacific plans. Ang mga pagsasara ng mga pabrika kagaya na lamang po dito sa General Trias yung pabrika ng Intel na halos 3000 na empleyado ang mawawalan ng trabaho.

Kaya ko naman po naisulat itong segment na ito ay para itanong sa mambabasang katulad mo ang mga sumusunod:

1. Para sa 'yo, ano ang kahalagahan ng balita?
2. Inaasahan mo ba na bawat balita ay may hatid na pag-asa?
3. Naaapektuhan ka ba sa mga nababalita sa pahayagan, telebisyon at radyo?
4. Minsan ba, nagsasawa ka bang manood o magbasa ng balita?
5. Ano ang katumbas ng balita para sa 'yo? Pag-asa o Problema?

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites