This is default featured post 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured post 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

Showing posts with label Ulan. Show all posts
Showing posts with label Ulan. Show all posts

9.27.2009

15 Hour Stranded sa bus

September 26, 2009 - Isang maulan na umaga ang gumising sa akin. Nagising ako ng Sabado ng umaga para umatend ng isang seminar sa Adamson at gumising ako ng mga 5:50 A.M upang mag-abang sa teleradyo ng advisory sa CHED kung mag-sususpend sila ng klase para sa may mga pasok ng sabado. Umalis ako sa amin na may baha sa kalsada namin, di naman kalaliman at nalalakaran ko pa. Umuulan, pero may kahinaan at akalain mong hindi naman signal number one.

Nakasakay na ako sa bus (Erjohn and Almark Bus) biyahe ng Sta. Cruz, Lawton mga bandang alas - 8:40 A.M. Narating ko ang Quirino Road mga bandang alas 9:14 A.M at na-teng-ga ako doon ng halos 2 oras. Lumakas ang ulan ng mga bandang alas 10 AM. Na-teng-ga ulit ako sa Taft ave. Na-stock kami sa tapat ng PGH. Nagulat ako at sobrang baha na sa tapat ng PGH. Alam kong late na ako sa seminar namin sa school kaya nag-desisyon na akong hindi na ako papasok kahit may klase pa ako sa Physics ng 12:30 dahil sa tingin ko ay hindi naman din makakapasok yung prof ko dahil sa ga-dagat ang alon ng pagbaha.

Narating ko ang UN Avenue hanggang sa marating ko ang kalaw, tapat ng lagusan papunta sa pinapasukan kong unibersidad, ay matinding baha na halos ga-bewang ang lalim ng baha ang tumumbad sa akin. Doon na talaga ako nagdesisyon na hindi bumaba dahil mababasa lang ako.

Nag-decide na akong mag round-trip at narating ko ang Sta. Cruz, Lawton mga bandang 12:42 P.M.

Katabi ko sa BUS

Mga bandang 12:50 P.M., may nakatabi akong babae sa bus. Naririnig ko ang usapan nila ng kanyang Nanay sa Cellphone at kinukwento niya na bago makasakay yung katabi ko sa bus ay nakisakay muna siya sa isang delivery truck makarating lang sa sakayan. Narating namin ang Finance Road, Likod ng national museum, ay halos ga-balikat na ang lalim ng baha. Naaawang-natatawa ako sa mga nadadaanan ng bus kasi tumatama na sa mukha nila ang wave ng baha. Nakakausap ko yung katabi ko at parehas kaming nagulat sa biglang itinaas ng pagbaha sa kalakhan ng Taft Avenue. Natengga kami sa Taft avenue hanggang marating namin ang kanto ng Taft Cor. Quirino Ave ng bandang alas 2 P.M.

Gutom at Uhaw

Gutom na gutom na ako. Uhaw na uhaw na rin ako. Mula alas 10:00 ng Umaga hanggang sa natengga na kami sa may MIA road going to Coastal road ng mga bandang alas 3:00 ng hapon ay napag-tiisan ko at ng mga kapwa kong hindi pa nanananghalian ang gutom at uhaw. Yung katabi ko sa bus ay may pagkain. Noong unang inaalok ako ng tinapay ay nahiya akong kumuha. Pero ng mga bandang alas 4 ng hapon ay muli pa niya akong inalok. Kasi nagkukuwentuhan kami tungkol sa ulan at sa aming sarili. Kuwento niya, matindi rin raw ang baha sa may UST at sa blumentritt. Nakisakay na nga lang daw siya sa isang delivery truck makarating lang daw sa sakayan ng bus. Sinabi niya sa akin na nakaka-awa daw yung mga hindi pa nanananghalian magpahanggang sa oras na iyon ng mga alas 4 pm. Binanggit ko sa kanya na kasama ako sa mga hindi pa nanananghalian. Doon ay muli niya akong inalok ng tinapay, at hindi na ako nahiyang kumuha kasi naikuwento ko sa kanya na hindi pa ako nanananghalian. Walang tubig pero at least nalamanan naman yung kumakalam kong tiyan.

Pakikipagkaibigan sa isang pagkakataon

Nang ma-stranded kami sa bus sa Coastal mula 5pm (sept 26) - 1am (sept 27) ay nagkukuwentuhan kami ng katabi ko. Marami rin kaming mga bagay na napagkwentuhan. Kabilang doon kung anong kurso nya, anong kurso ko, kung ilang taon na ako at kung ilang taon na siya, mga pinagkakaabalahan namin sa buhay at nagpakilala kami sa isa't isa. Ang pangalan ng nakatabi ko ay si Maricar, isang 4th year Food Technology Student sa UST. Upang makaiwas sa stress, kinuwentuhan ko na lang siya ng kinuwentuhan. Halong katatawanan na may laman naman ang kinuwento ko sa kanya. Ikinuwento ko rin sa kanya mga detalye bago ako mag-college hanggang maging IT yung course na kinukuha ko sa huli. Mabait si Maricar, bukod sa tinapay na inalok niya sa akin, meron din siyang mani na inalok sa akin pero hindi ako kumuha kasi wala akong tubig. Naging OK naman ang pag-uusap namin ni Maricar, hanggang sa siya ay nakatulog na sa sobrang ka-antukan ng 12am ng 27 ng setyembre. Sinubukan kong kunin ang kanyang facebook pero hindi daw siya nagfe-facebook. Nahihiya din naman akong kunin cell number niya, baka mahalata ako. Hanggang sa kalagitnaan ng pagkaka-stranded namin sa bus ay parang close na kami. At nang bumaba na ako sa amin ay parati kong sinasabing mag-iingat siya sa pagbaba niya sa bus kasi sa may Molino siya nauwi. Bago ako bumaba sa bus, nagpasalamat ulit ako sa kanyang kabaitan sa akin. Salamat sa kanyang tinapay.

Customer-oriented na Drayber at Kundoktor

Nag-round trip ako sa may Sta. Cruz, di na ako nakipagsapalaran na lumusong sa baha sa may kalaw. Hawak ko pa rin hanggang sa ngayon ang naging ticket ko. Mga 12nn pala ako nakarating sa antayan. Siningil ako ng Php 31.00 at masasabi kong naging sulit naman ito kasi mababait at may sense of humor ang driver pati na yung kundoktor. Ayon sa tiket na hawak ko ngayon, ang pangalan ng drayber ay si Ramon Ibis at ang kundoktor naman ay si Ramonito D. Sabagay. Gusto ko nga sana silang i-commend sa operator ng erjohn and almark dahil sa pagiging mahusay nila sa kanilang tungkulin. Kasi tignan mo, yung draber ay nag-aalok ng libreng tawag sa mga SMARt Subscribers, kahit ako sinubukan kong tumawag sa mama ko pero hindi nga lang na-contact. Libre ring charge ng cellphone. Yung kondoktor naman, naging komedyante naman para hindi mainip at maistress yung mga pasahero. Yung isang pasahero, may baong bala ng DVD ay pinahiram muna niya sa konduktor yung pelikula ni Eddie Murphy. Komedi yung palabas at nakita ako sa mga kapwa kong nastranded ay kahit paano'y naibsan lang ng konti yung pagkainip nila sa tagal ng pagkakastranded. Kung baga sa commercial ng isang network provider, karapat-dapat silang iklap-klap!

Mga kapwa kong na-stranded

Halo-halo ang nararamdaman ng mga kapwa ko naistranded sa bus. May naaasar dahil sa kawalang galaw ng mga sasakyan, may mga namimitig na sa pagkakaupo ng halos 10 oras sa upuan, may mga inaantok at nakatulog sa sobrang bagal ng daloy ng sinasakyan namin at ang iba naman ay piniling maging kalmado. Naging makasaysayan sa amin ang kahabaan ng Coastal Road. Naging comfort area namin ito. Naranasan kong umihi habang malakas ang ulan sa gitna ng coastal, mahaba ang ihi ko na halos tatlong happy birthday ang katumbas ng haba ng ihi ko. Yung mga kababaihan naman lalo na yung katabi ko ay di rin nakatiis. Pinahiram ko ng payong yung katabi ko para somehow ay matakpan nya yung kanyang sarili. Maigi na lang at umulan para kahit paano ay hindi mamamanghi sa coastal sa dami ng naihi doon.

Conclusion

Although naging perwisyo ito sa iilan at may mga buhay na nakitil sa ibang lugar, masasabi kong naranasan ko na ang mga bagay na hindi ko naranasan. Naranasan kong ma-teng-ga sa bus ng halos 15 hours, naranasan ko ding maihi sa gitna ng coastal road kahit may dumadaan na tao, naranasan ko ding magutom at hindi mananghalian ng halos 15 oras, at higit sa lahat, nakilala ko si maricar, yung nakatabi ko at nag-alok sa akin ng tinapay.

Sa mga pag-ulan ng ganito, masasabi kong ito na ata ang unti-unting ganti ng kalikasan sa pambababoy nating mga tao sa kanya. Iisipin mo bang signal number one lang yung naranasan namin? Sa ga-dagat na ang alon ng baha na nakita namin? Halos sumisipol ang lakas ng pag-ulan. At ang mga basura sa dagat ng maynila ay bumalik sa kalsada matapos ang high tide at paghampas ng dagat sa lakas ng hangin at ulan.

Sana ay huwag ko na muling maranasan ito, at nawa ay basbasan ng panginoon ang mga taong hanggang sa ngayon ay nakararanas pa ng kaperwisyuhan dulot ng pag-ulan.

Recent Comments

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites